𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 1
-
"Rhea, ang sakit ng katawan ko." dumating bigla kanina tong masakit ang katawan. Hindi naman siya halatang pagod sa trabaho, ibang trabaho yata ginawa at pagod na pagod.
"Baka sumugod si Jenkins dito, baka magwala ulit yun. Nagpaalam ka ba?" akala ba niya nakalimutan ko na yung huli nila na pag-aaway dito? Napagalitan tuloy ako dahil sa away mag-asawa nila.
"Ou, nagpaalam ako. Wala ka bang pasok ngayon? Pahilot naman balakang ko oh." wala ba siyang trabaho at sumugod nalang bigla rito.
"Kris, mahuhuli na ako sa trabaho. Bakit kasi nandito ka at di ka nalang don dumiretso sa mga asawa mo." kakauwi lang nila galing honeymoon doon sa Switzerland, buhay may asawa nga naman at apat pa.
"Busy na ulit sa mga trabaho kaya wala masyadong oras sa akin ngayon." napaka imposible naman niyan, hindi ako naniniwalang walang oras mga yun sa kanta kung patay na patay yung apat dito sa kaibigan ko. Baka nga isang tawag niya lang sa mga yun sumugod agad dito.
"Maniwala ka jan, wala kinikilalang busy mga yun pagdating sayo." kontra ko sa kanyang sinabi. Tinignan ko ang relo at nagulat nang makita ang oras, mas binilisan ko ang kilos sa pagbibihis dahil baka pagalitan ulit ako ng manager. Espesyal ang araw na to dahil liban sa may party ay ipapakilala sa amin ang bagong may-ari ng malaking building kung saan ako nagtatrabaho.
"Kris! Bahala ka jan at aalis na ako, lock mo pinto pag aalis ka na!" sabi ko at hindi na siya ginising dahil nakatulog sa sobrang pananakit ng katawan ang baliw kong kaibigan na mukhang pinahirapan ng kanyang mga asawa. Sa sobrang pagmamadali hindi na rin ako nakapag suklay at sa kalsada ko nalang inayos ang buhok habang naghihintay ng masasakyan. Tinanghali kasi ako ng gising kanina at kung hindi lang dumating si Kris marahil ay humihilik parin ako ngayon sa aking kama.
"Manong! Pasakay!" humarang talaga ako sa daan para lang huminyo ang jeep na dadaan.
"Magpapakamatay ka ba?!"
"Hindi, sasakay ako!" sabi ko at tumakbo sa likod kaso puno na masyado sa loob. "Alis na manong!" sigaw ko at sumabit na lang sa likod ng jeep dahil kung maghihintay pa ako ng susunod ay baka sa susunod na dekada pa ako makasakay.
Akala ko makakahabol ako sa oras pero lintik na buhay at naabutan ng traffic sa daan, since malapit na ako sa patutunguhan ay tinakbo ko nalang. Ang init pakingshet! Kakaligo ko lang pero heto, naliligo ulit ako sa sariling mga pawis. Halos maubusan ako ng hininga kakatakbo hanggang sa maabot ko ang destinasyon, nakita ko busy na lahat sa paghahanda. Mabilis ko inayos ang magulong buhok at hitsura saka pinunasan ang mukha na puno ng pawis. Pagkaraan ng ilang minuto humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyan pumasok at bumati sa kanila.
"Rhea, late ka na naman! Hanggang kailan ka magpapatuloy sa pagiging ganito? Binigyan kita ng maraming pagkakataon pero inaabuso mo." sermon agad ng manager ang sumalubong sa akin. Kung hindi lang sana nawala si Savannah wala sana ako ngayon dito. Kinuha kasi si baby ng ama niya, dinala sa France at doon mananatili ng isang taon, yung condong bigay ni Kris isinauli ko dahil ayaw ko magmukhang abusado.
"Sorry na nga, sinubukan ko naman makahabol pero naabutan ng traffic sa daan. Tinakbo ko nalang nga para hindi ma lat-"
"Huling pagkakataon na to Rhea, sa susunod late ka ulit makakarating na to kay boss." sus sino tinakot niya? tingin ba niya hindi ko alam bago na boss namin ngayon? Sino naman ang pinagtutuunan pansin ang isang empleyado na katulad ko kung hindi ako kawalan sa lugar na to.
"Sige sige, hindi na mauulit." sabi ko pero ang totoo lang pinagmumura ko na siya sa isip ko. Lakas niya mang sermon pero hindi ma apply sa sarili? Problema ng mga taong inaabuso ang posisyon, mga lason. Dumiretso ako pumasok ng locker room para magpalit, ayaw ko na makarinig ulit ng sermon mula sa bunganga nong parang pato kong manager kaya nag double time ako.
Lintik na buhay to at parang ako nalang lahat may ginagawa. Ang daming tao, sobrang busy pero bakit sa akin lahat pinapasa mga trabaho nila? Hindi mahaba pasensya ko sa mga taong ganito. Tatlong oras na ako pabalik-balik at ikot-ikot para asikasuhin ang mga bisita, ano? Ako lang ba isa waitress dito? nasaan yung magaling na manager namin at bigla nalang nawala.
"Rhea, pakidala to-"
"May paa at kamay ka, waitress ka rin kagaya ko at trabaho mo yan kaya ikaw magdala." nanggigigil ako, baka ihampas ko tong tray na hawak sa kanya. Kanina pa utos nang utos kahit walang ginagawa. Mas gugustuhin ko nalang magpatuloy sa pakikipaglaban don sa arena kahit illegal kaysa naman ganito araw-araw trabaho ko, mamamatay ako sa frustration dahil sa mga taong tulad nito. Nagtungo ako sa restroom para maghilamos at ayusin sarili, feeling ko ang haggard ko na masyado pero kahit mukhang pagod ay poganda pa rin naman ako kung pagmasdan ang sarili sa salamin. Nag apply ako ng konting foundation at lip tint para presentable pa rin pag humarap sa mga tao.
"Bakit ka ba nagtitiis sa ganitong trabaho? Bumalik ka na lang kaya sa arena, at least doon malaki kinikita mo hindi tulad sa unfair na restaurant na to?" payo ko sa sarili habang kaharap ang napakalaking salamin. Pwede rin mag resign tapos hanap ng panibagong trabaho, ayaw ko na rito at talagang toxic masyado mga ka-trabaho ko.
"Ganda-ganda mo tapos ginaganun ka lang? Payag ka non?" napabuga ako ng mahinang tawa at iling ng ulo dahil sa nagmumukha akong baliw kausap ang sarili rito. Habang naghuhugas ng kamay ay narinig ko ang pagbubukas ng cubicle sa aking likuran. Bahagya nanlaki mga mata ko pagkakita sa reflection ng magandang babae sa salamin, lintik na yan at akala ko mag isa lang ako. Iniyuko ko ang ulo at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay, nasa tabi ko ito ngayon at inaayos niya ang kanyang makeup. Kagat ang ibabang labi ay nakaramdam ako ng kahihiyan, alam kong narinig niya lahat ng mga pinagsasabi ko kanina.
Nakahinga ako ng maluwag pagkawala ng babae, paalis na rin sana ako nang mapansin ang isang box sa gilid at mukhang naiwan niya dahil sa nagmamadali itong umalis. Kaagad ko yun kinuha at hinabol ang babae, mabuti hindi pa siya tuluyan nakakalayo paglabas ko ng restroom.
"Miss! Miss sandali!" tawag ko at tumakbo upang habulin ito. Bingi ba siya at hindi marinig ang pagtawag ko! "Hoy miss, ikaw! Tumigil ka muna saglit." malakas kong tawag kaya napahinto ito sa paglalakad at tingin sa akin.
"What?" umatras yata dila ko pagkarinig sa tinig niyang kay lamig.
"A-Ano, naiwan mo to." inabot ko sa kanya ang maliit na kulay pulang box.
"You, what's your name?" hindi niya ito kinuha at sa halip ay nagtanong ng pangalan ko.
"R-Rhea, kunin mo na at babalik pa ako sa trabaho." sabi ko ngumit bigla itong nagkrus ng mga kamay at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"Okay." sagot niya. Humakbang siya palapit kaya akala ko kukunin ang box pero laking gulat ko nalang ng hawakan niya ako sa braso at biglang binuksan ang pinto na kaharap namin.
"W-Wait, may trabaho pa ako na dapat balika-"
"I'll pay you thrice. I need your help." nakaamoy ako ng pera sa kanya kaya hindi ako kumontra at nagpatianod papasok ng private dining room. Hawak-hawak ang braso ko ay dinala niya ako sa table na puno ng mga pagkain at isang tingin lang ay malalaman mo agad maimpluwensya silang mga tao.
"Amour, anak, bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa babaeng kinaladkad ako rito. So, Amour ang kanyang pangalan? Maganda pakinggan at nababagay sa tulad niyang ganda.
"There was an emergency at the hospital. I apologize for being late." sagot niya sa kanyang ina. Anong role ko rito? Tulad ba to sa mga napanood kong teleseryeng ipapakilala ako sa parents niya bilang nobya para maiwasan makipagrelasyon sa iba? Ganito ba yun? Malabo at as if mangyayari sa akin ang ganun.
Tumaas dalawang kilay ko at tipid ngumiti nang mapunta sa akin atensyon ng kanyang ina. "You are?" dahan-dahan pumihit ulo ko sa babaeng salarin kung bakit ako nandito sa sitwasyon na to.
"She's my fiancée." sabay nanlaki mga mata naming lahat matapos ako ipakilala nito bilang fiancee niya. Paano? Kailan? Ano? Balak ata ako ipasok sa gulo ng babaeng to, dami ko ng problema dumagdag pa siya pero sabi niya triple ibabayad sa akin diba? sayang din naman ang pera oh. Mas ikinagulat ko ang biglang paghila ng kanyang ina at niyakap ako na parang natutuwa pa siya.
"Oh my God, Amour, hindi mo sinabi may napaka ganda kang kasintahan. Bakit ngayon mo lang pinakilala sa amin." bakas ang pananabik sa boses ng kanyang ina bago ito humiwalay ng yakap sa akin. "Maupo kayo at kakain na tayo." sumulyap ako sa mga pagkain at napalunok, kainan na!
"Kailangan mo talaga gawin to sa mahalagang araw na ito? Hindi ako makakapayag at tutol sa gusto mo. Nandito ang totoo mong Fiance, paano mo nagawa magdala ng ibang tao?" biglang bumoses yung lalaki na kanina pa ako lihim ninakawan ng tingin. Pananalita at base na rin sa kanyang itsura, sa tingin ko ay ito ang kanyang ama. Tinignan ko ang katabi nitong lalaki, ang pogi at ayaw niya sa lalaking yan? Mukha naman siyang matino at mabait sa tingin ko.
"He's merely a coworker, and you decided to make him my fiance. I'm about to turn 30 and will pick who I want to be with." buong tapang niya sinalubong ng tingin ang kanyang ama. Sinasabi ko na nga ba at tama nasa isip ko kanina, gagawin akong scapegoat ng babaeng to.
Sige lang mag away lang sila jan, wala naman ako kinalaman at go with the flow nalang. Ang daming pagkain at di ko alam kung ano uunahin, buti na lang mabait tong ina niya at mukhang gusto ako para sa anak. Siya na rin mismo naglagay ng mga pagkain sa aking plato habang patuloy sa pagtatalo ang mag ama.
"Amour! Sinusuway mo na ba ako?!" napaigtad at bulunan ako sa malakas na sigaw ng kanyang ama. Hindi pa pala sila tapos sa sumbatan nila.
"Look, I'm engaged to this girl." mabilis ko kinuha at ininom ang tubig na inabot ng kanyang ina matapos ipakita ni Amour ang suot na engagement ring. So, I guess hindi coincidence yung nangyari at sinadya niya iwanan ang box para habulin ko siya patungo sa delubyo.
"Kaya ka ba buhayin at pakainin ng babaeng yan?! May trabaho ba yan na kayang pantayan ang isang tulad mo?! Wag mo ako suwayin, Amour, kapag nagpatuloy ka sa gusto ay sisiguraduhin ko mawawalan ka ng pamilya at trabaho." pangit ka bonding ng ama nito at pinagbantaan anak.
"Why does she have to work if her fiancée is wealthy?" kinagat ang labi para hindi tuluyan matawa. Wala yata laban kung patigasan ng ulo ang kanyang ama, namumula na sa galit ang mukha nito at di man lang kaya ma control anak niya.
"Edmundo! Tumigil ka, ano kung magka gusto anak mo sa babae? Baka nakakalimutan mo babae rin asawa ng pamangkin mong si Kate at apat silang asawa nito." hinampas niya sa balikat ang asawa para sermonan. Muntik ako mapatalon sa aking upuan ng napagtanto ko ang sinabi ng ginang. Kate? Pamangkin? Apat asawa? So ibig sabihin pinsan ng Amour na to si miss Kate?! Lintik na yan at bakit kapamilya pa niya.
"Actually po, bestfriend ko asawa ni miss Kate," sheesh, dapat e flex ko yan.
"Ay, kalimutan nyo na lang po sinabi ko." pagbawi ko dahil tulala ang mga ito. Hindi ko inubos ang pagkain, dinukot ko ang legs ng manok at tumayo.
"Hindi ko ipagpipilitan sarili sa inyo dahil totoo naman sinabi nyo tungkol sa akin. Mahirap lang ako at walang maipagmamalaki, hindi rin ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya naiintindihan ko kung ganun ang tingin nyo sa akin. Pero kahit ganito lang ako, ni isang beses hindi ako gumamit ng ibang tao para makuha ang gusto. Hindi rin ako mapagsamantala at binubuhay sarili ko sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap. Salamat po sa pagkain, babalik na ako sa trabaho ko." paliwanag at depensa ko sa sarili. Hindi ko kailangan ng triple money na yan kung dignidad at pagkatao ko na kinukutya. Kaya ko naman makamit yan sa pagsusumikap.
Nilayasan ko sila agad dala-dala ang manok at pinapapak. Pagbalik ko ay todo panenermon na naman sumalubong sa akin, pinatagos ko nalang sa kabilang tenga lahat at ayaw ko tuluyan masira ang araw ko. Badtrip na nga ako sa ama ni Amour babatripin pa nila ako, baka talaga tuluyan ko na silang patuluan at ako mismo magsumbong sa boss mung anong mga pinaggagawa nila during work hours. Habang wala pala ako kanina dumaan ang bagong boss at pinakilala sa kanila, hindi ko naabutan kaya hindi ko nakita itsura niya.
"Tangina talaga at ako na naman pinaglinis ng buong restaurant! Hindi ba abuso na tawag dito?! Makilala ko lang talaga bagong boss at isusumbong ko yung mga walang kwentang yun!" ibinato ko ang mop sa sobrang inis at agad din dinampot agad para matapos na ako! Mag isang oras na akong naglilinis dito lintik na yan. Sinipa ko ang single chair kaya tumilapon ito, makakaganti rin ako sa manager na yun balang araw.
"Mga gago!"
"Is that how you do your job?"
"Pakshet!" napasigaw ako sa gulat at tingin sa likod. Sino na naman tong babaeng bigla kung susulpot sa likod ko?
"Sarado na kami, hindi mo ba nakita yung nakasabit sa labas?" sabi ko imbes na sagutin ito.
"What's your name?" bakit ko sasabihin.
"Rhea?"
"Paano mo nalaman? Stalker ka no?" tanong ko at ikinataas ng kanyang isang kilay. Tinuro niya ang suot kong nameplate kaya napabatok ako sa sariling ulo, ang bobo mo Rhea,
"Miss sarado na nga kami, umalis ka na at kailangan ko pa tapusin trabaho ko. Lintik kasing management to at inaabuso empleyado. Yung manager namin nagpapasarap kasama ibang employees tapos ako pinapahirapan sa lahat." reklamo ko, nagsusumbong kahit wala naman siyang magagawa sa sitwasyon ko. Nagpatuloy ako sa pag mop ng sahig at siya nanatili sa kinatatayuan.
"Doon ka nga sa kabila, wag ka humarang at pinapatagal mo trabaho ko eh." sermon ko sa kanya at hinila sa parteng tapos ko na linisan. Ayaw naman umalis kahit anong taboy ko sa kanya kaya hinayaan ko nalang ito manatili para may kasama naman ako. Hindi talaga ito umalis hanggang sa natapos ako sa paglilinis at pagliligpit ng mga kagamitan.
"Tapos na ako, labas na para makauwi na ako." sabi ko sa kanya. Hindi ba siya naiinitan at para saan ang suot niyang sombrero at mask. Agad ko ni locked ang restaurant paglabas namin at nagulat pagtalikod ko dahil kaharap ko na ang babae. Ano ba pakay niya at wala ba siya balak umuwi? Anong oras na oh!
"Maghiwalay na tayo ng landas, wag mo akong susundan at pagkakamalan talaga kitang stalker pag nakita kitang nakasunod." sabi ko. Mata niya lang ang aking nakikita, di ko maipaliwanag pero kinabahan ako bigla. "S-Sige jan ka na." tumakbo ako palayo sa kanya kasi pakiramdam ko may kakaiba sa babaeng yun.
Payapa akong naglalakad sa may bangketa, pasado alas nuwebe na ng gabi at wala na masyadong jeep dumadaan pag ganitong oras sa kalsada na to. Kailangan ko pa maglakad ng mga nasa 200 meters para marating ang sakayan. Nakakapagod araw na to, dami kong ginawa tapos nagkaroon bigla ng fiancée pero sana hindi na ulit kami magkita dahil palabas lang naman yun para sa pamilya niya. Tapos kanina may weird girl na bigla nalang sumulpot at hinintay ako matapos sa paglilinis. Marahan ko sinusuntok ang batok pababa sa aking balikat dahil masakit.
"Tulong! Tulong! Magnanakaw!" sigaw ng babaeng humihingi ng saklolo. May malakas na hangin ang sumampal sa aking pisngi at nakita ang lalaking dumaan, mabilis ang takbo nito palayo tangay ang isang mamahaling bag. Pagtingin ko muli sa babae ay isa pala itong matanda at hirap na sa paglalakad. Yung init ng ulo at inis na inipon ko sa buong araw ay biglang sumabog, mabilis kong hinabol ang magnanakaw. Sanay ako sa takbuhan kaya malaki tiwala kong maabutan siya.
"Hoy! Ibalik mo yang bag! Wag mo hayaan mahuli kita!" kasi pag nahuli kita sayo ko ilalabas lahat ng galit ko kanina. Maraming tao pero wala kahit isa ang nagtangka humarang sa kanya o e delay man lang ang kilos niya. Tumawid siya sa kalsada na maraming sasakyan ang dumadaan, hindi ako nagpahuli at agad siyang sinundan at mas binilisan. Muntik pa ako mabundol ng sasakyan, buti na lang naiwasan ko agad.
"Lintik kang magnanakaw ka! Tumigil ka hoy!" Luminga linga ako at may nakitang shortcut, tumakbo ako sa makitid na eskinita. Pagdating sa dulo ay sakto papadaan na ito kaya hindi ako nagdalawang isip tumalon at sinipa ng malakas sa tagiliran ang magnanakaw, dahilan upang tumilapon ito at bitawan ang ninakaw na bag.
"Pinahirapan mo pa akong baliw ka, sira na nga araw ko mas lalo mo pang sinira." dinampot ko ang bag at sinuri kung may nawawala sa gamit ng matanda. "Hoy!" sigaw ko nang makita papatakas na ito. Hahabulin ko na ulit sana kaso may biglang humawak sa aking braso.
"W-Wait-" she twisted my arm at sinipa likod ng tuhod ko kaya napaluhod ako, pwersahan ako nitong itinulak padapa. Nanlaki mga mata ko dahil bigla nito pinosasan ang mga kamay ko sa likod.
"Sandali! Hindi ako ang magnanakaw!" paliwanag ko sa babaeng naka sibilyan. Sapilitan nita ako hinila patayo at sabay kami nagulat pagkakita sa isa't-isa.
"You, again?"
"Ikaw na naman!" malas na buhay to, sa daming babae bakit siya na naman kaharap ko. Hindi ko makakalimutan pagmumukha ng babaeng to, siya lang naman yung nagpakulong sa akin noon dahil napagkamalan akong akyat bahay!
"Miss, ibang tao na naman pinosasan mo. Ganyan ka ba lagi sa tuwing may naabutan kahit di alam ang totoong kwento? Hindi ako magnanakaw, hindi mo ba nakita yung lalaking tumakbo kanina ha?" paliwanag ko at pilit pinapakalma ang sarili pero hirap iwasan pag talagang sinusubok ng panahon pasensya ko.
Magsasalita pa sana sita kaso may tumawag sa pangalan niya. "Inspector Ines! Kasama ko na ang nanakawan." isang naka sibilyan din ang lumapit sa amin kasama yung matandang natangayan ng bag kanina.
"I caught her." I looked at her in disbelief, proud pa siya na iba dinakip niya?!
"Alam mo, baka ikaw pa kasuhan ko sa ginawa mo. Pangalawang beses mo na tong ginawa sa akin ng walang sapat na katibayan laban sa akin." ipapa lawsuit ko talaga to, ano naman kung maganda siya? Pakialam ko!
"Here's the bag, kindly check kung may nawawala." inabot niya ito sa matanda.
"Nay! Nay! Sabihin mo nga sa babaeng to na hindi ako tumangay ng bag mo at isa lang akong nag magandang loob habulin ang magnanakaw. Hindi makatarungan to, pisting yan." galit na talaga ako, galit na galit at di ko na alam dahil sa naghalo na lahat ng emosyon ko sa katawan.
"Hija, hindi siya ang kumuha ng bag ko." paliwanag ng matanda sa babaeng pumosas sa akin. Tinignan niya lang ako at taasan ng isang kilay, wala ba siya balak tanggaling tong posas sa kamay ko!
"Inspector, may mga witness din nakakita at nagpapatunay na inosente siya. Kung gusto mo tignan natin ang CCTV camer-"
"No need." putok niya at inihagis ang susi ng posas sa kasamang lalaki. Bastos na babae to, paano siya naging police kung ganyan ugali niya. Agad ako pinakawalan, mas lalo uminit ulo ko dahil parang wala lang kung iniwan nila ako. Hindi pwede ganito na lang lagi at kahit saan talaga may mga abusado.
"Hoy, ikaw! Police ka ba talaga? Inspector ka pa sa posisyon na yan? Ako na tong dehado at pinagkamala-" napahinto ako sa paglalakad at atras nang bigla itong tumalikod at humakbang pabalik sa akin.
"Say it to my face." lintik na yan.
"A-Ano?"
"What? Kaharap mo na ako, what do you want me to do?" tanong niya.
"Panagutan mo ako-I mean, gamutin mo tong sugat ko at ibili ako ng pagkain kasi kung hindi dahil sayo hindi ako magkakaroon sugat." matapang kong sagot. Ang layo ng tinakbo ko kanina tapos ganito makukuha kong premyo? Aba, gamutin at pakainin niya ako no.
"My God, just tell me you're hungry." wow, mukhang siya pa frustrated sa aming dalawa ha. Humugot ako ng malalim na hininga, kung di ka lang maganda sus! Naku!
"Tsk, sa susunod ayusin mo serbisyo mo." sarkastiko kong sagot. Tumalikod ako, uuwi nalang ako at tuluyan ng sira ang mood ko. Pag minamalas ka nga naman, daming demonyo sa buhay ko.
"Hey, wait up." di ako huminto at nag tuloy-tuloy sa paglalakad. Bakit ako makikinig sa taong hindi rin marunong makinig sa paliwanag ng iba, kung ganito din naman mga kapulisan ngayon ay hindi ko nalang itutuloy ang kursong kinuha. Nakakadismaya masyado kung paano sila mag trabaho ngayon.
Napadaan ako sa isang coffee shop, yung mainit ulo ko pero nagawa ko parin uminom ng mainit sa sitwasyon ngayon. Wala eh, pampakalma ko minsan ang kape kapag mainit ulo ko. Buti may natira pa akong pamasahe, sa pagmamadali ko kanina nakalimutan ko magdala ng pera. Pasalamat nalang talaga ako may isang daan sa bag pagtingin ko kanina. Ineenjoy ko ang kape at pakiramdam ko gumaan ng kaunti nararamdaman ko. Wag na sana magtagpo landas namin nong tatlong babaeng nagpa init ng ulo ko sa araw na to.
"Excuse me." paglingon ko sa gilid at angat ng ulo ay muntik ko maibuga sa kanya ang iniinom ko. Holy sheesh! pansin ko ha, puro maganda mga babaeng nakasalamuha ko ngayon pero pagmumukha lang talaga maganda sa kanila at di ko alam sa ugali nila.
"Ano? Malas din ba hatid mo?" bigla kong tanong at aminado akong medyo bastos ako sa part na yun. "I'm sorry, hindi lang maganda araw ko." agad kong paghingi ng tawad. Hindi naman siya mukhang na offend sa sinabi ko.
"It's okay, do you have change?" di ko gets kaya napakunot ako ng noo.
"Ha?"
"I mean, kung may coins ka? I don't have any coins with me at gusto ko non." turo niya sa coffee maker na kailangan maghulog ng sampung piso. Hindi naman siya mukhang mahirap? Kutis, damit at pananalita niya masasabi kong mapera ang babaeng to pero seryoso ba na wala siyang barya? Pamasahe ko na lang tong natitira eh, paano ako uuwi nito pag binigay ko sa kanya.
"May kotse ka?" bigla kong tanong na ikinabigla niya.
"I do."
"Mag isa ka lang?" sunod kong tanong.
"Yes."
"Sige, pamasahe ko nalang to pero ibibigay ko sayo para sa kape mo. Since may kotse ka at mag-isa, hindi naman siguro mahirap gawin kung magpahatid ako sa patutunguhan ko?" kakapalan ko na mukha total hindi nga siya nahiya manghingi ng barya. I tilted my head at hinintay ang kanyang sagot. Hindi ko alam kung amused ba siya sa ginawa ko o nag iisip na baka masamang tao ako. Hindi naman kaduda-duda pagmumukha ko.
"Sure." she smirked.
"Okay, deal." sabi ko at binigay sa kanya ang sampung piso. Una ako lumabas ng shop at hinintay siya makalabas.
"I'm here, let's go." tawag niya sa akin pagkabukas ng pinto. Sinundan ko ito patungo sa kanyang kotse at laglag panga ko pagkakita sa kanyang BMW XM na sinakyan. Yawa! Ang yaman tapos walang barya!
"Hey, get in." tawag niya sa akin dahil para akong tanga nakatayo at tulala. Pagkasakay ay siya pa mismo nagsuot ng seatbelt ko kahit alam ko naman kung paano ito suotin. Ang bango ng babaeng to at hindi nakakairita sa ilong ang pabango niyang gamit. Binigay ko sa kanya ang address at sinabing malapit lang ito.
"Thank you again. By the way, may I know your name?" putol niya sa katahimikan naming dalawa habang nasa byahe.
"Rhea, ikaw?" pati sasakyan niya ang bango at sobrang komportable.
"Emilie," Emilie, Emilie, Emilie, saan ko ba narinig ang pangalan na yan.
"Familiar, mukhang narinig ko na pero di ko matandaan." sabi ko at iniisip parin kung saan ko ba talaga narinig ang pangalan na yan. I mean, ou maraming Emilie sa mundo pero pati kasi mukha niya Familiar. Narinig ko ang mahina niyang tawa dahil sa nagpupumilit ako makaalala.
"Hmm, di ko matandaan. Alam mo, mayaman ka pero wala kang barya." hindi yun insulto okay? Dapat kahit mayaman ay magtago rin sila ng barya no, hindi sa lahat ng panahon makukuha nila ang gusto.
"Wag mo masamain sinabi ko ha. I mean ano lang, dapat kasi magtago ka rin ng barya in case magkaroon ng emergency tulad nong kanina? Buti ako nilapitan mo sa daming tao kanina." ou nga no, ang daming tao sa shop kanina na pwede niya lapitan pero sa akin talaga humingi ng barya.
"Madaldal ka pala." narinig ko ang mahina niyang tawa. Insulto ba yun o hindi?
"Madaldal ako, baka mapanis laway ko eh." sagot ko at mas lalo siya natawa.
"Are you working, Rhea?" biglang tanong sa akin. Tumango ako at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
"Ou, nag iipon ako para makapagtapos ng pag-aaral pero lahat ng mga pinaghirapan ko napunta lang din sa magulang ko." yung ipon kong pera noon sa arena naubos bigla dahil sunod-sunod ang naging utang ng ama ko tapos nagkaroon pa ng covid mga kapatid at ako lang inaasahan nila.
"What year did you stop?"
"Graduating student na, BS-Criminology kinuha ko na course at pangarap maging police-" nagulat ako sa bigla niyang pag preno, ano ba at balak ata ako patayin sa nerbyos.
"I-I'm sorry, are you okay?" tanong niya.
"Ou okay lang, ba't ka bigla pumreno?" nagtataka kong tanong.
"We're here." napayuko ako ng ulo at tinignan ang palibot. Ang bilis naman takbo ng oras at nakaabot kami kaagad.
"Dito na ako, salamat sa paghatid at nag enjoy ako kausap ka. Ingat ka, Emilie," paalam ko sa kanya at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"W-Wait,"
"Hmm?" baling ko sa kanya.
"I don't want to end it like this. I mean, gusto kita makita ulit... C-Can I get your number?" panandalian akong natulala sa kanya. Number ko? Cellphone number ko ba tinutukoy niya?
"Phone number ko?" tumango ito. Wala naman masama kung ibibigay ko at inaamin ko rin na gusto ko pa siya makita ulit.
"Okay." sabi ko at dinukot ang phone sa bulsa. Hindi ko kabisado number ko at nahihiya akong ipakita sa kanya phone ko dahil wasak ang phone screen ko.
"Rhea?"
"H-Ha? Ano, ibigay mo na lang sa akin personal number mo at ako na mag s-save ng number mo." pakla akong ngumiti at dali-daling ibinalik sa bulsa ang phone.
"Alright, here." inabutan niya ako ng card kung saan may nakalagay na numero niya. Mabilis ko yun kinuha at ngumiti.
"Salamat, ingat ka." sabi ko at tuluyan bumaba ng sasakyan. Kumaway ako pagkababa upang magpaalam at hinintay mawala ng tuluyan ang kanyang sasakyan bago pumasok ng bahay.
Dahil sa pagod di ko na nagawa magbihis at agad nakatulog.
*
Kinabukasan pagpasok ko sa trabaho ay nagtataka ako kasi ibang mga pagmumukha na kasama ko. As in lahat pinalitan kabilang ron ang manager na pinaka ayaw ko sa lahat. Gulat nga ako kanina dahil ako lang ang natira, anong milagro to at talagang nagpapaganda sa umaga ko.
"Rhea, ako na maghahatid. Anong table to?" Wow, totoo ba tong nakikita ko? Parang kahapon lang puro demonyo kasama ko sa trabaho, bakit ngayon napapalibutan na ako ng mga anghel?
Ngumiti ako at umiling. "Hindi ako na, tulungan mo nalang yung iba." sabi ko sa bagong waitress.
"Sige, pag kailangan mo tulong tawagin mo lang ako." sagot sa akin. Tumango ako bago tinungo ang table upang e serve tong pagkain.
"Good morning ma'am." bati ko sa babaeng kanina pa naghihintay at maingat itong pinagsilbihan.
"So, how's your new co-workers?" nagtaasan mga kilay ko at lingon sa babaeng parang kagabi ko lang narinig ang boses. She took off the mask she was wearing and brushed her hair, halos hindi ako lubos makapaniwala matapos mapagtanto na ang babaeng kaharap at babaeng tinarayan kagabi ay iisa. Gusto ko sampalin at ibaon sa lupa ang sarili dahil ang babaeng yun ay walang iba kundi ang matagal ko ng iniidolong crush, si Azalea,
"A-Aza?"
"Oh, you knew me?" sino namang hindi!
"O-Ou, kakabanggit ko lang ng pangalan mo?" hindi ako pilosopo, sinabi ko lang ang totoo.
"W-Wait, ikaw yung kagabi?" kabado kong tanong.
"Yes, and I am the new owner of this building." Oh shit! lupa, lamunin mo na ako at bakit mo ako ginaganito.
"A-Ano, tungkol kagabi-"
"So, nagustuhan mo ba mga bago mong katrabaho?" tanong niya ulit. Parang gusto ko nalang mag resign agad at tumakbo palayo sa kanya, nakakahiya yung ginawa ko kagabi at talagang tinarayan ko siya dahil sa sobrang pagkainis.
"O-Ou?" sagot ko. Tumayo ako ng tuwid at ayaw ko maging lousy sa harap niya.
"Hmm, good." nakita ko ang mabilis niyang pagngiti at agad din nawala nang magtagpo ang aming mga mata.
"Sige ma'am, balik na ako sa trabaho." hindi ko ito hinintay sumagot at nagmamadaling bumalik sa post ko. Ang init ng mukha ko sa sobrang kahihiyan at lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na si Azalea ang bagong may-ari at ang babaeng kasama kagabi. Panay ako suntok sa aking noo sa kadahilanang hindi mawala sa isipan ko kung paano ko sya tratuhin kagabi. Patay, paano nalang pag pahirapan niya ako at patalsikin sa trabaho?
Hindi ako masyado makapag focus sa trabaho dahil pakiramdam ko may mga mata ang nakasunod sa bawat kilos ko. Buong araw halos wala ako sa sarili, hindi makapag concentrate at maraming errors nagawa dahil wala ako sa tamang kaisipan. Akala ko pagagalitan ako ng bagong manager pero hindi, sinabihan pa ako maunang umuwi kung masama pakiramdam ko. Ayaw ko na makagawa ng pagkakamali kaya maaga akong umalis sa trabaho. Nagulat ako paglabas ko ng restaurant dahil sumalubong sa akin ang babaeng dahilan kaya wala ako sa sarili buong araw.
"Done with work?" marahan akong tumango. Lintik, yung idol ko ang ganda! Ngayon ko lang siya nakita sa personal at hindi makapaniwala na boss ko siya!
"Are you free?" lumingon pa ako sa likod dahil ayaw ko naman mag assume.
"I'm talking to you, Rhea," puso! kalma ka lang!
"B-Bakit?"
"I'm hungry." ano akala niya sa akin, may pera para bilhan siya ng mamahaling pagkain?
"H-Ha? Pumasok ka at kumain." sabi ko at gumilid para bigyan ng daan makapasok.
"I mean, let's go out for dinner." Ha? Ha? Ha? Ano raw? Dinner? Kaming dalawa? Nananaginip ba ako? Ano to? Lord! Wag mo na ako gisingin!
"W-Wala ka bang kasama? H-Hindi mo kasama boyfriend mo?" tanong ko. Sabi ko nga okay lang kung may boyfriend siya total pwede naman ako maging girlfriend.
"I don't have a boyfriend. Bestfriend mo si Kris, right?" ou nga pala at kapatid to ng honey my love ni Kris, pero ano sabi niya? Wala siyang boyfriend? Wee? Sino niloko niya, huling balita ko kay Kris malapit na engagement niya sa lalaki.
"Wee? Totoo? Baka nagsisinungaling ka lang." ayaw ko maniwala, bakit ba.
"Sasama ka o hindi?" malamig niyang tanong.
"S-Sasama basta libre mo kasi wala akong pera." Wala pa sweldo!
"I know." bakit tinatarayan ako aber?
"Okay." Sambit ko.
"Alright, follow me."
Paalis na sana kami nang biglang may naramdaman akong mainit at saka malambot na palad ang humawak sa kamay ko. "Dear, I've been looking for you." nanindig mga balahibo ko sa katawan nang makita ang babaeng ipinakilala akong fiancée kahapon sa kanyang mga magulang.
"H-Ha?" hesus ko at bakit ngayon pa siya sumulpot kung kailan kasama ko si Azalea,
"Excuse me?" pumagitna si Aza sa amin at sapiliran tinanggal ang kamay ng babae sa akin.
"Oh, it's you? I'm not here for you, I'm just going to pick up my fiancée." simbako, nabuang najud ni!
"Your what? Fiancée?" tumaas tono ni Azalea, tono na tila hindi nagustuhan ang narinig niya.
"S-S-Sandali-" hindi pa ako tapos sa problema may panibagong dumating. Biglang sumulpot yung police na nagpainit ng ulo ko kagabi at anong kailangan niya sa akin ngayon?
"Ano? Huhulihin mo ulit ako?" inis kong tanong.
"No, I'm here to make it up to you." napalingon ako kina Amour at Azalea na sa amin na pala nakatingin. Hoy, ano ba to at bakit nagtagpo silang lahat at bakit parang mas ako ang kinakabahan sa nangyayari?
"Ano nakain mo at bumait ka? Paano mo nalaman nandito ako h-"
"Rhea," Papa J, bakit naman pati si Emilie pinadala mo ngayong gabi.
"E-Emilie," sambit ko sa kanyang pangalan habang papalapit sa direksyon ko. Feeling ko wala siya sa mood at ang sama niya makatingin dito sa pulis na katabi ko.
"B-Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Why didn't you answer my calls?" tumawag ba siya? Hindi ko namalayan kasi busy ako kanina at wala sa katinuan.
"Nagtatrabaho ako kanina kaya hindi ko nasagot. Pauwi narin sana ako kaso ano-" naiilang kong tinignan ang tatlong babae.
"You don't have to waste your time with them. We're going, and I know you're hungry." sabi niya sa tatlo ng harap harapan at nilayo ako sa kanila.
"I met her first." kontra ni Ines sa kanya.
"I am her boss." diin na salita ni Azalea.
"I am her fiancée." tuluyan na akong nanginig sa sinabi ni Amour sa kanila.
"And so? I am her fucking wife." tuluyan na nanlambot mga tuhod ko sa anunsyo ni Emilie kahit pawang gawa lang niya.
Aysa be, yawa naunsa naman ni!
"S-Sandali-"
"What?" Isang malalim na lunok ang ginawa ko sa mga matatalim nilang mga mata at lamig ng boses.
"M-May trabaho pa ako! Mauna na ako!" inalis ko ang kamay ni Emilie at tumakbo palabas ng building. Ayaw ko mamatay ng maaga at may natitira pa naman akong konting kahihiyan sa katawan. Hindi ako lumingon at mas lalong binilisan ang takbo hanggang sa tuluyan makasakay ng jeep.
Lintik na yan!
Ganito rin ba nararamdaman ni Kris noong unang magkaharap mga asawa niya?
Mabuang kog sayo ani!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip