Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 3

inkbyseki


*

"Rhea, nakikinig ka ba?" Pastilan, kanina pa ako kinakausap ni Kris pero wala naman sa kanya atensyon ko. Iniisip ko ano mangyayari ngayon lalo pa't pumayag ako maging girlfriend nong kapatid ng asawa nya. Cheater si crush, pati ako dinadamay, pero sige go lang para sa future.

"Obvious naman na hindi?" Sagot ko at binigyan ako nito ng malalim na tingin.

"May problema?" Kung hindi lang mahaba pasensya nitong kaibigan ko malamang kanina pa inis sa akin to.

"Wala, pagod lang sa trabaho." Diretso kong sagot at hinilot ang noo. Hindi ko pwede ipaalam sa kanyang may tumangay sa kapatid ko at hindi ko alam kung paano lutasin. Nangako si Aza tutulungan ako, pero bakit ngayon wala pa rin balita?

Ilang segundo biglang tumunog phone ko, dali-dali ko itong sinagot at nag excuse kay Kris upang sagutin dahil si Aza ang caller.

"Hello?"

"Where are you? I sent you an address, and I need you to come here now. We need to pick someone up." Nagtanong pa sya kung saan ako kung may address naman palang ipapadala.

"Sino?" Tanging naging tanong ko.

"What I don't like the most is having too many questions. Instead of wasting time, why don't you start leaving so we can arrive earlier?" Nagtanong lang ako pero mukhang inis na sya sa tono nya, bawal magtanong? Manang-mana talaga sa ate niyang si Olivia,

Nagsalubong ang mga kilay ko matapos makita ang address na kailangan kong puntahan. "Hindi ko alam kung saan tong address na tinukoy mo. Nandito ako sa office ni Kris, hindi pwedeng sunduin mo nalang ako?" Sya may sadya sa akin kaya may karapatan ako mag demand. Wala na akong narinig kaya akala ko naputol na ang usapan namin ngunit narinig ko ang malalim na buntong hininga sa kabilang linya.

"A-" Masama ugali at pinatayan ako, but since crush ko yun kaya okay lang.

Bumalik ako sa opisina ni Kris, inaasahan kong magtatanong ito kaya naghanda ako ng maraming rason. Akala ko walang plano si Azalea sunduin ako at napasarap na usapan naming dalawa nitong kaibigan ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang napakagandang babae na akala mo naman hindi cheater-ako nga pala yung kabit.

"Aza, may k-" She completely ignored my friend and continued walking towards me. Kris and I exchanged glances, and I couldn't help but swallow nervously due to the sharp look on Azalea's face.

"I'm sorry, but I need to speak to your friend about something important and I don't have time to explain now. Now Rhea, stand up and follow me." pagkatapos non ay agad din lumabas si Aza, baliw na tong kaibigan ko at bigla nalang tumawa.

"Saya mo friend?"

"Naalala ko lang si Olivia, pero mukhang mas mahirap kontrolin si Aza," nagkibit balikat ako at tuluyang nagpaalam sa kanya. Hindi na kailangan kontrolin at kusa naman bibigay crush ko.

"Aza! Hintayin-"

"Shut up, and just follow me." Binigyan niya akong muli ng nakakamatay tingin kaya mas minabuti ko nalang ang sumunod. Hindi naman sya ganito kahapon, may problema ba sya sa pag-iisip at pabago-bago ugali nya?

Sunod nang sunod lang ako sa kanya. Masyado siguro akong lutang at ngayon ko lang napagtanto, nakasakay kami ng private chopper?! Pastilan, when? Anong gayuma ginawa ni Azalea at hindi ko man lang namalayan.

"Aza-" tawag ko sa kanya pero biglang bumaliktad sikmura ko at...

Pisti, nasukahan ko sya!

"Uggh!" Shit! May susunod na wave pa!

"Gosh, Rhea!" Hindi ko alam kung worried sya o galit. Tabang pastilan, dagaton ko.

"Huhu, pause please. Stop the car, baka mapuno tayo ng suka ko rito." Sana pala nanatili nalang akong lutang.

"How on earth are we going to stop if we're in a chopper? This isn't a damn car, for Pete's sake!" Ou, galit nga at sino naman may sabing nasa kotse kami?!

"Ugh, walang pit stop?" Gi atay, ihulog nyo nalang ako sa dagat.

"Good gracious. How dumb can you be?" she looked at me in disbelief. Wait, insulto ba yun?

"Aza please, ibagsak mo na yung chopper." Pagmamakaawa ko.

"Are you crazy?"

"Ibig kong sabihin baka may malapit na pwede pag landingan, please at hindi ko na kayang pigilan." Ayaw ko lunukin sarili kong suka, kadiri!

"Walter." Sambit nya sa pangalan ng piloto.

"Mayday, mayday! This is private chopper Beta requesting permission to land at the nearest available location. We are experiencing an engine failure and need to land immediately.

"Ummm, ummm." Litsi, kayanin mo Rhea!

"Private Chopper Beta, this is Air Traffic Control. We have received your request and granted permission to land at the nearest suitable landing zone. Please proceed to the designated landing zone and follow our instructions." Bilis! bilis! Wala bang turbo to?

"Roger that, Air Traffic Control. We are on our way to the designated landing zone."

***

Azalea

This is quite frustrating, I didn't expect our trip to turn out like this. Why didn't she tell me from the start that she couldn't handle such a ride, and that she gets motion sickness? Gosh, because of what happened, we had to make an emergency landing and look for a nearby hotel so we could take a shower and change clothes.

I've just finished getting ready and am now waiting for Rhea. Why is she taking so long to get dressed? She's been in the bathroom for quite some time now, so don't tell me she's not done yet?

"Aza,"

The familiar voice that called out to me immediately caught my attention, and I turned to look at the woman approaching me. I was rendered speechless at the sight of her, taken aback by the surprise and puzzlement of the situation. Despite her unique choice of outfit, I have to admit that it seemed to fit her perfectly, and it was truly... Sigh, the question is, why is she dressed like that?

"Are you kidding? A school uniform?" I can't help but to sigh over all these unexpected things happening.

"Wala akong choice, ito binigay sa akin. Alangan mag hubad ako sa harap mo?" I don't have the energy to argue with her anymore and we need to leave.

"Whatever, let's go."

"Wait!"

"What?" I was annoyed as I turned around and noticed that she seemed restless while holding my arm.

"P-Pwede patulugin mo nalang ako kung sasakay ulit ng copter mo?"

I was about to respond to her when suddenly I received a call from my sister. "You go ahead, I'll just take this call."

"KKK."

"Yes?"

"Where are you? Didn't I say we have an important meeting today regarding your investment in my new project?" Oh, I forgot that it was today.

"I'm on my way to Cagayan De Oro-"

"What are you going to do in that place and what if something bad happens to you? Who are you going to be with? Did you get permission from our parents?"

"Why do I need to ask permission from them? They will just tell my fiancé where I am and then he might immediately come after me. Don't worry, I am with Rhea. You know her, right? Right, she is your wife's bestfriend."

"Azalea, I know you're an adult and know right from wrong, but don't involve someone who has nothing to do in your relationship because you might just end up regretting it in the end."

"I know what I'm doing so don't lecture me. Goodbye and don't disturb me any further." I don't want to be frustrated but my anger is starting to boil over. Why does she feel the need to stick her nose into my business when I've never done the same to her since the beginning? Tsk.

I'm on my way back to the chopper, but I haven't gone far when I saw the woman I thought had long since left and was chatting and flirting with another woman. Mt eyebrow rose automatically upon hearing the other woman's cringe-worthy laughs and her subtle touches on Rhea's arm. I wanted to storm over to Rhea and pinch her ear and drag her away from the woman, but I didn't want to come off as rude and ill-mannered.

"Considering the energy and enthusiasm you're showing in flirting now, I'm hoping that you're able to travel without feeling nauseous again. You're inspired by the situation now, aren't you?" I interject into their conversation as my two arms are crossed. Suddenly, the smile on Rhea's lips disappeared the moment she saw the expression on my face indicating that I was not impressed with what I was seeing.

"Ay, kanina pa kita hinihinta-"

"You waited for me? It wasn't apparent from your actions. Did I ask you to wait for me? I don't care anyway. Don't waste my time. If you want to flirt, go ahead, and I'll allow you to do so, but don't blame me if we don't get your sister in return." Because of her, a lot of time was wasted.

"Wait, ano ibig mong sabihin?"

"Stop it. Do you want to see your sister or not?" One more time and I'm done.

"Gusto."

"Then stop flirting with others and follow me quietly."

"Pero yung favor ko kanina? Patulugin mo ko?"

I sighed out of frustration because I had run out of words. I couldn't say no to her, especially since I had dragged her along. Her favour wasn't unreasonable, and it was better for her to sleep than to vomit again. I didn't waste any time and instructed Walter to give Rhea a sleeping pill before we took off once more, hoping that she would sleep through the rest of the flight and be less of a liability.

***

Rhea

"Are you nervous or excited?" Biglang tanong nitong katabi ko na parang kanina lang badtrip at halos isumpa na ako sa tuwing nagsasalita, pero ngayon nagbago na naman mood nya.

"Both." Kanina pa ako hindi mapakali habang binabaybay namin ang daan tungo sa kung saan bahay namin sa Cagayan De Oro. "Malapit na tayo." Pahabol kong salita ng mapagtanto malapit na kami.

Habang kami ay papalapit nang papalapit sa naturang lugar ay mas naging triple ang kaba sa aking dibdib, magiging okay lang kaya lahat ngayon sa araw na to? May pagkakataon bang makita ko ang kapatid?

"Dito nalang." Tawag ko sa driver.

"Dito ka muna, gusto ko una makausap itay ko, ayos lang?" Tanong ko sa kanya, baka kasi pag sinama ko bastusin lang sya ng walang hiya kong ama.

"Go ahead. Take your time." Pagkasabi ay agad akong bumaba ng sasakyan. Dapat pala doon nalang ako sa unahan bumaba para maiwasan ang mga marites, tignan mo at pinag chichismisan ako.

"Rhea? Ikaw ba yan, anak?" Isang matanda ang lumapit at nakilala ko agad ito. Siya si Nanay Soledad, marites man pero sya ang tumutulong at aalaga sa kapatid ko tuwing napapabayaan ng magaling kong ama.

"Nay Soledad," Sambit ko at tipid ngumiti.

"Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo na ba ang balita? Tinangay si Lilith dahil hindi nagbayad ng utang ang ama mo?" Hindi ako nakasagot at lalong hindi alam ang isasagot.

"Sino pala ang kasama mo? Ang ganda ng sasakyan at halatang mayaman ang may-ari." Gusto ko siya pasalamatan sa tulong na ginawa pero wala akong panahon makipag chismisan.

"Nay, sa susunod na tayo mag usap at kailangan ko kausapin ama ko." Magalang na sagot ko.

"Naku! Lasing na naman ang ama mo, mag ingat ka at baka saktan ka." Ngumiti nalang ako kasabay ang isang tango saka nagpatuloy pumasok sa makipot na daan, malabong masaktan ako at as if naman hahayaan ko syang saktan ako.

Nanatili akong kalmado habang naglalakad hanggang sa tuluyan kong narating ang tapat ng aming maliit na bahay. Nasa labas palang ako pero rinig ko na mga iyakan ng half siblings ko dahil sa ama kong tila nagwawala sa loob.

"Pag helom mong tanan! yawa nga kinabuhi kini! Mga wala moy pulos sa kalibutan!" Sa kanya pa talaga nanggaling ang salitang yan? Sya itong walang kwentang ama.

"P-Pa, tama na papa!" Sigaw nang bata sa loob.

"Unsa imong ingon?! Liwat ka sa imong inahan nga walay pulos!" Alam kong mananakit na ito kaya hindi ako nag dalawang isip sipain ng malakas ang naka saradong pinto.

"Wow, wala ko nag expect ingani gihapon ka nga pagkatao. Wala pa ka nakontinto sa amoa ni Lilith? Karon imong mga pinanggang anak nasad imong pasakitan?" Wow, hindi ko expected ganito pa rin pagkatao mo. Hindi ka pa nakontinto sa amin ni Lilith? Ngayon naman mga pinakamamahal mong anak sasaktan mo?

Nakita ko ang babaeng walang malay sa malamig na sahig, ang magaling kong stepmother. Puno ng mga pasa ang kanyang mukha at katawan, hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang ama ko o tuluyan ng nabaliw, baon sa utang dahil sa sugal.

"A-Ate, s-si mama po huhu tulungan po natin si mama," Hindi ko tanggap ang kanilang mama pero naaawa ako sa mga bata, wala silang kasalanan kaya hindi ko sila dapat idamay.

"Anak! Asa ang kwarta? Dala nimo ang kwarta?" Para siyang uhaw na uhaw habang papalapit sa akin, mukhang pera pota.

"Wala ako dalang pera, saan nila dinala kapatid ko?" Kalmado kong tanong at inalis ang kanyang kamay sa aking balikat saka bahagyang umatras. Dahil sa tanong ko ay nag umpisa itong mataranta kasunod ang pag ngatngat ng kanyang kuko.

"Rhea," Kasing bilis ng kidlat kong nilingon ang babaeng tumawag sa aking pangalan at nilapitan. Sinabi ko sa kanyang hintayin ako, bakit sumugod rito ng mag-isa?

"Aza, diba sabi ko hintayin mo lang ako sa sasakyan? Hindi mo kakayanin sa lugar na to at sobrang dumi." Nahihiya man ay pinagsabihan ko parin sya, hindi ba sya concern sa nakikita at amoy sa paligid?

"I'm not going to waste my time. I didn't come here to witness your family drama. So, tell me, where can we find your sister?" Maawtoridad nyang salita habang tinatakpan ang ilong. Yan gusto ko sa crush ko at straightforward masyado.

Napakamot ako sa batok. "Tatanungin ko pa sana." Sagot ko at sumulyap sa ama kong kumikingina ang mga mata matapos makita si Azalea,

"Ma'am! Ma'am! Uyab ka sa akong anak?" Parang manyakis na gumagapang ito papalapit kay Azalea kaya pinigil ko ang isang paa sa kanyang balikat.

"What did he say?" Tanong ni Aza,

"Bagay daw tayo sabi nya." Pasimpleng sagot ko dahilan upang tumaas ang isang kilay nito.

"Good day, I'm not here to get to know or befriend you. I'm here to hold you accountable for what you did to my girlfriend. However, since you have children and out of respect for her, I won't proceed with the plan to have you behind bars. Now tell me, where is Lilith?" Grabehag charisma inday Aza uy, girl boss ko yan ey.

"H-Hindi ko alam saan nila dinala si Li-"

"Ernesto!" Lahat kami napalingon kung saan nagmula ang malakas na boses, sa labas ng bahay.

"Unsa man?! Wala kay plano magbayad sa imong utang?! Wala kay pakialam sa imong anak?!" Dahil sa sinabi nito ay dali-dali akong lumabas ng bahay at agad sumunod si Aza,

"Hoo? Kinsa maning gwapa na bisita nimo?" Gusto ko siyang sugurin at paulanan ng mga suntok pero hindi ito ang tamang oras lalo na't hawak nila ang kapatid ko. Concern din ako sa mga dala nila baka may baril, may mga bata rito at mas lalong ayaw ko mapahamak si Azlea,

"Nasaan ang kapatid ko?" Kalmado kong tanong.

"Ah tagalog?! Kapatid?"

Parang nanggagago lang. "Kapatid ko ang tinangay ninyo, ibalik mo kapatid ko."

"Ibalik kapatid mo? Alam mo ba ginawa ng ama mo dahil sa walang pambayad sa kanyang utang? Kapatid mo ginawa niyang pambayad!" Isa ring bobo, alam ko kaya tinatanong ko.

"Magka-"

"Stop being a jerk, just answer my girlfriend's question directly. Stop wasting time with your empty talk, I don't care about your dramatic nonsense." Pastilan inday Aza at sobrang impatient, paano nalang pag lumala at magalit sa amin? Mas lalo ko hindi mababawi ang kapatid ko.

"Ano sabi niya?" Thankfully hindi nila naiintindihan.

"Sabi mga gwapo kayo." Mabilis ako inikutan ng mga mata ni Azalea samantalang kinilig naman mga asungot.

"I have no patience for this. I'm warning you." Bilis magbago ng mood ni anteh, biglang pumwesto sa unahan ko at hinarap ang limang lalaki.

"I loathe it when people keep wastinf time and avoid getting to the point. People like you should not waste my time. Tell me how much money this man owes, and I will triple the amount." Animal ka sexy sa crush ko ugh, that naka krus ang mga kamay na parang walang kinatatakutan!

"Ano ulit sabi nya?" Ginawa akong translator nimal.

"Ah, kasal namin next w-"

"Shut up." Bigla niya akong kinurot sa tenga ng malakas kaya napangiwi ako.

"How much is the utang of this man? I will triple the amount. Bring the kid here now. Na gets mo?" Pastilan nimo Azalea, ka joker.

"Talaga?!" Sabay na sigaw nong lima.

"I'll give you ten minutes. Move?" Nag unahan sa pagtakbo palayo ang limang kalalakihan upang sunduin ang kapatid ko. Buong akala ko mapapasabak ako sa madugong labanan ngayon at mahihirapan, pero dahil kay Azalea walang kahirap-hirap nya itong na solusyonan. Pag pera talaga usapan wala ka magiging problema.

"Ma'am! Ma'am! Ang akin? Magkano ang akin?" Biglang sulpot ng magaling kong ama at hinila sa kamay si Azalea, ngunit bago pa man ako makapag react ay mabilis itong nawalan ng balanse dahil sa malakas na pagtulak ni Aza,

"Don't get me dirty." Malamig nyang salita at ginamit ang hawak na panyo upang ipunas kung saan sya hinawakan.

"Walter." Nandito pala? Hindi ko man lang pansin nasa likuran lang pala ito namin.

"Yes ma'am?"

"Call for rescuers and send that woman to the hospital. Bring her kids with her to check them up as well."

"Sa kanya? Ano po gagawin namin?" Tanong ni Walter kung ano gagawin sa ama kong nasa sulok.

"Mas maganda kung ipasok sa rehabilitation center, baka may pag-asa magbago?" Suhestyon ko sa kanila, hindi lang naman sa sugal nabaliw tong ama ko at gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko matapos mahuli ang malalim na titig ni Azalea,

"Fine. Follow what she said and take care of everything as soon as possible, Walter." Tipid akong ngumiti, mabuti may awa sya kahit konti.

Makalipas ang mahabang minuto ay nagbalik na ang limang kalalakihan kasama ang kapatid kong si Lilith. Dinala na rin sa malapit na hospital ang stepmom ko at mga anak nya, tapos si Walter tinangay ang ama ko at hindi ko alam saan sila nagpunta. Wala na akong pakialam sa kanya, ang mahalaga sa akin ngayon ay si Lilith. Nakahinga ako ng maluwag nang makita itong walang kahit na anong gasgas o pasa sa katawan.

"Ate!"

"Lith!" Mabilis ko itong sinalubong ng yakap. "Okay ra ka? Wala ka nila pasakiti?" Tanong ko kung sinaktan ba siya ngunit ngumiti ito at umiling.

"Wala, buotan sila angkol og gi tagaan ko daghan pagkaon te." Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinilip sila na ngayon malawak ang ngiti sa kanilang mga labi. Mga gangster lang pala datingan pero hindi nananakit ng bata.

"Salamat, di nyo sinaktan kapatid ko." Sabi ko.

"Papa mo lang may utang sa amin, walang kasalanan ang bata. Tinakot lang namin si Ernesto at hindi sinaktan kapatid m-"

"Is everything sorted out now? Like I said before, I'm not interested in unnecessary drama and don't have any patience for it. Here, take the money and leave." Grabe naman tong si Aza at prangkahan kung prangkahan.

"Yes! Yes! Salamat!" Excited na kinuha nila ang cheque at mas lumapad ang ngiti sa labi matapos makita ang halahang binigay ni Aza,

"Leave?" Bugaw ni Aza sa kanila.

"Sibat na ta! Tara!" Sabi nong leader at nag unahan sa pagtakbo. Ako, si Azalea at ang kapatid ko na lang ngayon ang natitira sa maliit at magulo naming tahanan.

"Magkano bigay mo?" Diretso kong tanong.

"Don't ask me any more questions because I won't answer." Wala man lang ka sweet-sweet sa katawan tong crush ko

"Hello po." Sabay kami napayuko dahil sa pagtawag ni Lilith sa kanya, akala ko susupladahan nya kapatid ko ngunit bigla itong ngumiti ng matamis saka yumuko para pumantay kay Lilith,

"Hi, are you curious about who I am? I am Azalea Turner, your sister's boss, and her girlfriend." Hindi ba pwede mag tagalog muna at hindi siya maintindihan ng kapatid ko kaka US dollar nya.

"Ano po sabi nya ate?"

"Boss ko, sa kanya nagtatrabaho si ate mo." Sagot ko at marahan hinaplos ang ulo.

"Okay? Pero saan na ako tutuloy ate? Wala na si papa at mga kapatid ko?" Inosente nyang tanong sa akin. Wala na akong ibang choice kundi ang isama sya pabalik, ayaw ko na maghiwalay pa kaming muli.

"Sasama ka kay ate, mas mababantayan kita at may kaibigan akong ipapakilala sayo. Gusto mo? Maganda ron at magka edad lang kayo ni Sav," Paliwanag ko sa kanya at mabilis itong tumango upang sumang-ayon, kahit siya ay ayaw na rin mawalay muli sa akin.

"Sama! Sama! Salamat ate," Isang mahigpit at mainit na yakap ang binigay ni Lilith sa akin bago kumalas at sunod yumakap kay Azalea na nagpa gulat sa kanya.

"Salamat din po ate ganda." Nagkibit balikat ako matapos sulyapan ni Aza at ngumiti ng nakakaloko. Sige, total totoo naman na maganda sya.

"Are we all good now? Let's go?" Aya ni Aza,

"Kukunin ko muna po mga dam-"

"Sweety, don't worry. You don't need to bring anything with you because we'll buy new things that you like." Parang may kampana tumunog bigla sa loob ng tenga ko, may sugar mommy kapatid ko wawers.

"Ano po sabi ni ate ganda?" Nyawa.

"Wag ka na raw magdala at bibili kayo ng bago." Ayaw ko naman sabihin na TAYO kasi wala akong pera, kaya na ni crush yan at marami naman syang pera.

"Okay!" Bilis kausap ng kapatid ko.

"Good."

Malaki pasasalamat ko kay Azalea, hindi ko expected ganito lang ka smooth at dali ang lahat. Total tinulungan niya ako, oras na para ako naman ang tumulong sa kanya pagbalik namin. Bumili muna kami ng damit para kay Lilith at kumain bago tuluyan umalis ng Cagayan. Hindi ko alam kung ako ang kapatid o si Azalea kasi kanina pa sila magkadikit at ang hirap nila paghiwalayin na dalawa hanggang sa nakabalik kami ng chopper. As usual, humingi ako ng gamot pampatulog dahil baka sumuka ulit ako, sa buong byahe ay natulog lang ako habang ang dalawa ay hindi ko alam sa ginawa nila.

***

Nakalipas ang isang linggo, balik trabaho ulit ako sa bar tapos sideline kay baby Sav kung may lakad sila Kris at mga asawa niya. Sobrang gamit ko talaga yung condo na binigay ni Kris sa akin lalo na't kasama ko na si Lilith ngayon. Malapit na mag alas otso ng gabi, 10 minutes out ko na at gusto ko ng umuwi dahil baka nababagot na kapatid ko sa condo. Bawal kasi isama at hindi ko rin alam kanino siya iiwanan habang nagtatrabaho kaya gustuhin ko man o hindi ay wala akong choice kundi iwanan sya sa condo.

"Rhea! Pa out ka na?!" Pisting Pax to at ang sakit sa tenga ng boses.

"Kailangan sumigaw anteh?" Irap ko sa kanya.

"Ou, nagmamadali na nga ako kasi kapatid ko naiwan sa condo-Yawa, ano nangyari ata tadtad ng lipstick yang mukha mo?" Gulat kong tanong kasi halos sakupin na ng lipstick pagmumukha e.

"Gago! Pinagsayaw ako ni boss don sa VIP, kung kasalanan ang maging maganda at pogi sa mundong to ay sana mapatawad mo ako aking kaibigan." Kinilabutan ako sa kanya, mahangin pero may point sya.

"Umalis ka nga at paharang-harang ka jan!" Itong si Bea kanina pa badtrip at hindi ko alam ang dahilan. Ngayon naman si Pax trip nya awayin.

"Pax hilamos ka na para mapalitan ako sa counter." Pasigaw kong bulong dahil hindi Na kami magkarinigan sa lakas ng background music.

"Okay!"

"Bakit badtrip ka Bea?" Tanong ko.

"Kasi hindi ko na alam nangyayari sa buhay ko, yung akala ko mangyayari ay hindi at basta! Gulong-gulo na ako punyeta!" Muntik pa mabasag ang mga baso sa ginawa niyang pagbagsak ng tray.

Kumunot ang aking noo. "Ano ibig mong sabihin?"

"Wag ka na maraming tanong, alas otso na at umalis ka na. Wag ka sa likod dumaan at naghihintay asawa mo sa main entrance. Samahan mo siya sa lakad baka pagsisihan mo nanaman." Mas lalo akong naguluhan sa mga pinuputak nitong kaibigan ko. Ano ba pinagsasabi ng babaeng to?

"Sabog ka ba?" Nakahithit siguro tong si Bea,

"Layas na!" Kinuha nya sa akin ang mga gamit at tinulak palabas nang counter. Gusto ko pa sana sya kulitin para klaruhin pero wala na akong sapat na panahon dahil baka gutom na kapatid ko.

Pagkatapos magbihis ay sa likod na sana ako dadaan pero bigla ako na curious sa sinabi ni Bea, kaya pumihit ako at piniling sa main entrance lumabas. Kaya ayaw ko dumaan dito dahil siksikan ay maraming tao, inabot din ako ng ilang minuto bago tuluyan makalabas.

"Oh? Wala naman?" Sabi ko sa sarili dahil hindi ko gets si Bea, "Maka alis na ng-"

Ngunit nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na babae, likod palang kilalang kilala ko na. Kulay itim lahat ng kasuotan nya at may dalang bulaklak. Lumapit ako ng dahan-dahan dahil gusto ko makasiguro kung tama ang iniisip ko.

"Aza?" Sambit ko sa pangalan nito.

Hindi nga ako nagkakamali dahil lumingon ito at ngayon nakangiting papalapit sa akin. Shit! feeling ko tumayo lahat ng kung ano mang tatayo sa katawan ko, ako ba sadya at para sa akin ba dala nyang bulaklak?

"Hi, how's your work?" Yawa, ako nga kasi bigla inabot ang hawak na bulaklak at humalik sa aking pisngi. Pastilan Azalea, wag kang tukso at nabubuhay si Jr, ko.

Bango nya shit!

"Para saan to? Ayos lang naman at pauwi na sana, Aza kailangan ko na umuwi at naghihintay si Lilith," Malambing kong sagot dahil baka umatake ulit pagka moody pag di nagustuhan tono ng pananalita ko.

"You mean, her?" Sabay turo sa backseat ng kanyang sasakyan kaya agad ako sumilip.

"Ate!" Kumakaway na tawag sa akin ni Lilith,

"What the... how?" Nalilito kong tanong.

"I was aware that nobody was watching over Lilith, so I went to your condo earlier and brought her to the company. Now that we're heading home, I've booked a reservation at a nearby restaurant." Nyawa, tama si Bea at asawa ko nga ang sumundo sa akin.

"Iba na yan anteh, seryoso ba tong pagiging kabit ko? gagampanan ko ng maayos." Hagikhik ko at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Pasok na mahal na reyna," Sunod kong salita at kinuha ang kanyang kamay upang alalayan papasok.

"Thanks." Tinapunan nya lang ako ng mapanuksong tingin at ngiti saka pumasok. Hindi man lang sinagot tanong ko.

Hindi pa ganoon katagal mula nong magkakilala si Aza at kapatid ko pero sobrang close na nila sa isa't-isa, halos ayaw na ako kausapin ni Lilith dahil puro nalang ATE GANDA lumalabas sa bibig nya, gusto rin naman nitong isa at lumaki ulo pero totoo namang ganda siya.

"Why are you pouting?" Tanong ni Aza habang papasok nang restaurant.

"Pinagpalit na ako ng kapatid ko." Sabi ko at ngumusong muli.

"Well, I can't bl-"

"Babe?" Masaya kaming naglalambingan tapos may asungot sisingit sa amin? Sino to at sisirain ko mukha-Si jowa nya palang manloloko.

Ako lang ata nagulat at jowabels ni Aza, siya? Wala at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. "Pst, nandito original mo." Bulong ko.

"Shut up."

"Babe! Wait!"

Pinigilan ko kaagad ang kanyang original na makalapit sa kanya. "Bawal humawak at baka mag spread ka ng microorganism sa kanya." Hindi naman yun insulto, slight lang.

"Anong sabi mo? Teka sino ka ba?!" Iritadong tanong nito.

"Ako? Bakit ako magpapakilala? ayaw ka nga bigyan pansin ni Azalea kaya sino ako para mag aksaya ng panahon sayo?" Balik ko sa kanya gamit ang malalim kong tono.

"Sabihin ko lang sayo at mukhang hindi mo alam, fia-"

"Shh, walang nagtanong. Wag ka humarang sa daan at gutom na kami." Hindi naman ito nagpumilit at mukhang alam na nya ugali nitong kasintahan nya.

"Ate, sino po siya?" Tanong ni Lilith kay Aza at itinuro ang lalaki.

"My fiance." Yawaa jud uy.

"Ano po yun?" Wag ka nalang magtanong Lilith,

"Gutom na ako, halika na Lilith at mukhang mag uusap sila." Sige bahala kayong dalawa at wala rin akong panahon sa drama nyo. Tutuloy na sana kami nang biglang yumakap si Aza sa braso ko at isinandal ang ulo sa balikat.

"I'm hungry, let's go." Binalingan ko ang lalaking hindi man lang nya pinansan na ngayon namumula ang mukha sa inis? Hindi nya pinansin pero pinakilalang fiance? Edi wow.

Pero bago kami tuluyan makapasok ay muli kong nilingon ang fiance nya at tinawag.

"Ano?" Magkasalubong ang kilay na sagot nito.

"Boyfriend ka nya? Okay lang naman maging kami kasi wala syang girlfriend, diba?" Nakangisi kong tanong sabay kindat at tuluyang pumasok ng restaurant.

"Crazy." Bulong ni Aza,

"Sinong mas baliw sa ating dalawa? Naghanap ka pa ng kabit kung pwede mo naman hiwalayan? Dinamay mo ko sa kalokohan mo kaya sagarin ko na." Diretso kong sagot, mabilis itong umiwas ng ulo at lunok ng sunod-sunod.

Kabado siya?

Pinapasok ako sa buhay nya kaya guluhin natin para mas masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip