𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 44
-
Lutang ang aking isipan, hindi lubos makapaniwala sa naging usapan naming dalawa ni Ines. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at parang mag-iisang oras na akong ganito. Pagkatapos ng confrontation namin sa isa't-isa ay bigla akong nahiya, nahihiya ako na hindi ko alam kung ano o kung paano kikilos kay Ines. I mean, oo, sinabi niyang hayaan ko siyang mahalin niya ako bilang Red, pero hindi ba niya naisip na first time ko ito?
“Hey! Satan!” Nagising ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pagtawag nitong anak ko— anak ni Rhea to be exact. Hindi naman ako ang nagputok sa kanya.
“What?” Tanong ko.
"You're not Mama. I mean, you are, but at the same time, you're not. Okay? Do you get what I'm saying?" Bahagyang umuwang ang aking bibig, parang kanina lang inangkin niya ako bilang mama niya tapos ngayon biglang nagbago isip niya?
“Alam mo ang tungkol sa akin?” Tanong ko sa kanya.
"Of course! You're my evil Mama who left us and never came back. So until I forgive you, you'll remain Satan in my eyes." I look at her in disbelief at ilang segundo natawa ng mahina, magulo siya kausap.
Papunta pala kami ngayon sa mall para doon kakain, doon lang kasi may makikitang restaurant at mukhang hindi nga alam nitong demonyong bata na ito kung ano ang salitang karenderya. Ako ang nagmamaneho habang nasa backseat silang mag-ina, nagsalubong ang mga mata namin ni Ines pagtingin ko sa rearview mirror pero mabilis ko rin itong iniwasan.
Gosh, my heart.
"Okay then, you’ll remain a little demon child." Balik ko bilang ganti.
“Hmp!” Reaksyon niya at pinalobo ang mga pisngi.
Pagpasok namin ng mall ay konti lang ang mga tao, bagong bukas lang kasi pero kahit naman hindi bagong bukas ay sa tingin ko hindi rin gano’n karaming tao ang dadagsa kasi nga nasa isang maliit lang kami na town. Excited ang batang tumatakbo sa unahan namin, muntik akong mapatalon nang biglang hawakan ni Ines ang kamay ko at ngumiti.
Hindi ko pinakita ang kaba at nagpatay malisya lang sa ginawa niya, pero ang puso ko ay parang nagwawala na sa sobrang lakas ng pintig nito.
"Are you okay? Your face is turning red." Tanong niya kaya mas lalong nag init ang aking mukha.
“Your hand.” Sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Naramdaman ko ang mahigpit niyang kapit at mahinang tawa.
"What's wrong with my hand? Not used to holding hands? I thought Fleur was your girlfriend?" Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras at magkasalubong ang mga kilay kong nakipagtitigan sa kanya.
“Excuse me? Fleur and I?” Tanong ko.
"Yes, she said before that you were her girlfriend. Not Rhea, but Red." Sagot niya. Huminga ako ng malalim at pinisil ang kanyang kamay.
"N-No, I don’t have a girlfriend, and there’s nothing between us. Fleur is my stepsister, and they only made it seem that way to test if you were truly serious about Rhea." Mahinang paliwanag ko habang nakatakip ang isang palad sa aking labi.
"Can you stop making it seem like you're someone else? You and Rhea are the same person, so don’t treat yourself as if you're different." Seryoso siyang nakatitig sa akin, at sa unang pagkakataon, hindi ko nagawang umiwas. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumigil ang oras. Ito ang unang beses na tumibok ng ganito kabilis ang puso ko.
“Y-Yeah, alright— sure.” Sabi ko at ginamit ang isang kamay bilang pamaypay.
"So? You really had no relationship with Fleur? That means… I’m your very first girlfriend as Red?" Tumaas ang kilay niya, may bahid ng kasiguraduhan sa boses niya at parang alam na ang sagot pero gusto niya lang akong marinig na umamin. Napalunok ako, hindi agad nakasagot. Bakit parang ako pa ang kinakabahan?!
“Yes,” mahina kong sagot. Pagkatapos kong aminin ang totoo, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Napalunok ako at biglang lumakas ulit ang tibok ng aking puso. Hindi ako sanay sa ganito.
“Satan! Satan! I want to pee!” Sigaw ng bata habang hawak-hawak ang kanyang shorts, halatang hindi na mapakali.
Nataranta ako at agad siyang kinarga. "Doon na lang tayo sa Mang Inasal kumain, baka kulangin ako ng kanin." Sabi ko kay Ines bago mabilis na tumakbo dala ang demonyong bata, desperadong makahanap ng malapit na restroom.
Pagdating namin sa restroom, halos sumisigaw na si Wen habang kumakawag sa mga bisig ko.
"Satan! Hurry up! It's coming out!" reklamo niya, halatang hindi na talaga makapaghintay.
Binuksan ko agad ang pinto ng isang cubicle, ibinaba ang kanyang shorts, at mabilis siyang pinaupo sa inidoro. Napabuntong-hininga ako habang hinihintay siyang matapos, habang siya naman ay nakangisi sa akin.
"You're too slow, Satan. Next time, be faster," pang-aasar niya habang tumatawa.
Napangiwi ako, pinilig ang ulo, at kumuha ng tissue. "Demon child, just finish up. Wala akong balak sundan ka rito palagi." Sagot ko bago siya tinulungan maglinis.
Pagkatapos niyang mag-ayos, lumabas na kami ng restroom at pabalik na sana kay Ines nang bigla niyang hatakin ang kamay ko pero hindi ako nagpadala sa kanya.
“Satan! Quick! Hide! I saw the other demon!”
"Bakit mo ako kinagat?!" Nagulat ako sa malakas niyang pagkagat sa aking kamay. Napatalon ako, hawak-hawak ang kamay kong namumula sa sakit.
"Satan! Quick! Hide!" Sigaw niya, hinihila ang braso ko.
“Hey, demon child-”
“If I’m the demon child, then she’s the real demon! So, we better hide!" Nataranta ako. Tangina, paano nangyari 'to?
"Ano na naman, ha?" Kunot-noo ko siyang tinitigan.
Itinuro niya ang isang bata sa hindi kalayuan, mukhang kasing-edad lang niya.
"I saw the other demon!" Bulong niya, seryoso ang mukha.
Napailing ako, hindi ko alam kung matatawa o mas lalo akong matatakot.
Nakita ko ang isang bata—maputi, mukhang foreigner sa ganda, at halatang may hinahanap. Napatingin siya sa direksyon namin—kay Wen, to be exact. Biglang naningkit ang mga mata niya habang si Wen naman ay natatarantang hinila ako.
"S-She saw me! S-Satan, carry me! Q-Quick! Run!" Sigaw niya, halatang kinakabahan.
Dahil sa gulat, nataranta na rin ako. Mabilis ko siyang binuhat at tumakbo, naghanap ng ibang daan, umiwas sa bata, at umikot kung saan-saan hanggang sa wakas ay narating namin ang Mang Inasal.
Pagkababa ko kay Wen, hingal na hingal ako. "Ano ba 'yun?! Sino ba 'yun at bakit tayo tumatakbo?!" Reklamo ko, pero hindi siya sumagot.
Sa halip, umupo siya sa isang sulok, nagtatago sa ilalim ng mesa. "She's a demon too! And I don't want to deal with her!" Bulong niya, kinakabahan. Ngayon ko lang nakitang kinabahan siya ah.
Napapakamot na lang ako sa ulo. "Akalain mo 'yun? Ikaw, takot din pala sa ibang demonyo." Sabi ko at mahinang natawa.
“Hmp!” Inirapan niya ako saka tumakbo palapit sa mommy Ines niya.
Agad akong umupo sa upuan at napabuntong-hininga, pagod na pagod sa nangyari. Si Ines na may bahagyang ngiti sa labi ay umiling. "Mukhang sanay ka na." Puna niya.
"Sanay? Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatarget ng anak mo. Baka mamaya, ako na ang tawaging 'Mommy' niyan." Pailing-iling na salita ko habang umiinom ng tubig.
Biglang tumawa si Wen at lumapit sa akin, yumakap sa braso ko. "Well, you're my Satan, so maybe I can call you Mama Satan." Sagot niya bago muling ngumisi.
Napairap ako at napapikit ng mariin. "Oh god, why me?" Bulong ko sa sarili ko. Alam kong anak ko to, pero bakit naman ganito ka pasaway ang binigay mo.
Dumating na ang mga inorder ni Ines, at dahil sa sobrang gutom ko, nakalimang extra rice ako. Pakiramdam ko sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan.
Pagkatapos kumain, nag-ikot kami sa mall. Sa sobrang likot ng demonyong bata, halos sumakit na ang ulo ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humabol sa kanya—parang may turbo sa katawan, hindi nauubusan ng lakas. Samantalang ako? Mas pagod pa yata ako kaysa sa kanya.
"Demon child! Huminto ka na at baka kaladkarin na talaga kita!" Sigaw ko, pero sumagot lang siya ng isang malakas na tawa bago muling tumakbo palayo.
Si Ines? Kalma lang, parang natutuwa pa habang pinapanood kaming maghabulan. Napabuntong-hininga ako at napahinto sa paghabol. Diyos ko, bakit ba ang taas ng energy level ng batang 'to?
"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko, kunwari’y sumusuko na, pero sa totoo lang ay hinihintay ko lang siyang bumalik sa akin nang kusa. At hindi nga ako nagkamali—ilang saglit lang ay bumalik siya, hinihingal, at mahigpit akong niyakap sa bewang.
"Satan... carry me." Hingal niyang sabi.
Tiningnan ko siya ng masama. "Tatakbo-takbo ka tapos gusto mo buhatin kita? Baka gusto mo paluin din kita?" Biro ko, pero tumawa lang siya.
"Mommy, Satan's bullying me again!" Sumbong niya kay Ines, na ngayon ay abala sa pagtingin ng damit.
Tumaas ang mga kilay ni Ines at tumingin sa akin. "Lovey, be nice," sabi niya habang inabot sa akin ang isang paper bag. "Hold this for a moment, I’ll just buy the shoes I liked for you."
"Ako na naman yaya nito?" Reklamo ko, pero kinuha ko rin ang paper bag. Tiningnan ko ang batang nakangiti pa rin sa akin.
"Satan, buy me ice cream." Utos niya sabay kabig sa kamay ko.
Napabuntong-hininga ako. Kung hindi lang kita anak, batang demonyo…
-
“Ang sakit ng ulo ko, lalo na batok.” Pagod na pagod ako dahil sa bata, gusto ko nalang maglaho ulit.
“Serg! Kunan kita BP.” Nagulat ako kay Emma, may bitbit ng stethoscope at sphygmomanometer pagpasok.
“Hindi yata sa mga kriminal tataas dugo ko, sa demonyong bata yata.” Sabi ko at napangiwi, hindi ko maipaliwanag at gusto ko sumuka.
Umayos ako ng upo, huminga ng malalim at kumalma habang abala si Emma sa pagkuha ng BP ko. Biglang sumilip ang demonyo sa labas ng pinto kaya pakiramdam ko tumaas nanaman ang dugo ko pagkakita sa kanya. Partida anak ko ‘yan, pero sobrang sakit niya sa ulo.
“Serg! 140/90, highblood ka ba?” Gulat na tanong ni Emma. Sino hindi magkakaroon ng HB kung gano’n ka demonyo ang batang walang ginawa kundi pataasin ang dugo ko araw-araw?
“Wala akong tiwala sayo Emma, sure ka d’yan? Kunin mo nga ‘yung automatic.” Utos ko sa kanya.
“Seryoso nga, mataas dugo mo.” Sabi niya at kinuha ang automatic BP.
Muli kong sinubukan gamit ito at mas lalo lang tumaas ang dugo ko, biglang naging 145/90 tangina.
"Serg, tawag ka ni Leader," biglang sulpot ni Mal habang seryosong nakatingin sa akin.
Hilot-hilot ko ang aking noo habang naglalakad papunta kay Ines. Pagbukas ko ng pinto, ang unang sumalubong sa akin ay hindi si Ines—kundi ang demonyong bata na dahilan kung bakit mataas ang dugo ko maghapon.
"Satan, are you sick?" inosenteng tanong ni Wen habang nakatingala sa akin.
Umiling ako at hindi siya pinansin, baka kasi tuluyan akong mabaliw sa kanya.
Napansin ni Ines ang bigat ng katawan ko kaya agad siyang lumapit at marahang pinaupo ako sa tabi niya. "Lovey, what's the matter?" Tanong niya, puno ng pag-aalala.
Napabuntong-hininga ako at hinilot ang sentido ko bago sumagot. "Nothing, wala lang tulog. Tapos eto pa," turo ko kay Wen na ngayon ay nakangiti lang na parang walang ginagawang masama.
"Wen?" Tawag ni Ines habang hinihimas ang likod ko.
"I didn't do anything to her, Mommy! I promise! I'm just keeping her company so she won't be lonely!" Sagot ng bata na sobrang inosente ng mukha.
Napangiwi ako. "Magkaka hypertension ako sa anak kong to." Bulong ko.
Natawa si Ines at hinaplos ang buhok ng anak niya bago muling tumingin sa akin. "Lovey, may meeting tayo tungkol sa kaso natin last week. Malamang may bago nang lead."
Tumango ako. "Okay, sige. Anong oras?"
"5pm," sagot niya. "But before that, get some rest. I don’t want you falling asleep in the middle of the meeting."
Gusto ko sanang tumanggi, pero ramdam ko na rin ang pagod kaya hindi ko na kinontra si Ines. Pero bago ako makapagpahinga, biglang lumapit si Wen at hinila ang manggas ng damit ko.
"Satan, sleep with me," bulong niya.
Napalunok ako at dahan-dahang tumingin kay Ines na ngayon ay nakapamulsa at nakataas ang kilay.
“Hays, okay.” Sabi ko, at dito lang din matutulog kasama ang bata habang abala sa trabaho ang kanyang ina.
-
Sa loob ng briefing room, lahat ay nakapokus kay Ines habang isa-isang inilalagay sa screen ang mga bagong detalye ng imbestigasyon.
"Ang operation natin noong isang linggo ay nagresulta sa pagkakadakip ng apat na miyembro ng sindikato," panimula ni Ines. "Tatlo sa kanila ay puro tauhan lang—walang alam sa mas malalaking plano. Pero may isa, si Cortes, na tila mas mataas ang posisyon sa grupo."
Inilabas ni Mal ang isang folder at inilahad ito sa gitna ng lamesa. "May koneksyon siya sa isang underground figure na tinatawag nilang Santelmo—isang alyas na ginagamit ng isa sa pinaka misteryosong drug lords sa bansa."
"May impormasyon ba tayo tungkol sa kanya?" Tanong ni Emma habang seryosong tinitingnan ang mga larawan.
Umiling si Ines. "Wala pang solid identification. Ang alam lang natin, siya ang nagbibigay ng pondo at proteksyon sa mga grupo tulad ng ni-raid natin. Hindi siya dumidiretso sa transaksyon, laging may middleman. Pero base sa mga recovered messages sa cellphone ni Cortes, may paparating siyang shipment sa loob ng tatlong araw."
Biglang nagtaas ng kamay si Mal. "Saan gaganapin ang transaction?"
"In a warehouse near the port—the same place where we last operated," sagot ni Ines. "That means there’s a possibility we still have a leak in our team. They know how we move, and they knew we’d come looking for them."
Tumahimik ang buong silid. Lahat kami ngayon ay nag-iisip kung sino ang posibleng espiya sa unit.
"Anong plano natin?" Tanong ko.
Tumingin sa akin si Ines. "We need to get in without them knowing. If we storm in like before, they might burn the evidence before we can gather any information on Santelmo. This time, we need to play smart."
"Undercover ulit?" Tanong ni Emma.
"Yes, but we need to be more cautious this time. We have two approaches—first, someone will go in as a buyer for their illegal contraband. Second, a team will stay hidden around the area for surveillance and extraction in case things go south."
"Sinong papasok bilang buyer?" Tanong ni Renalyn, isa sa aming team.
Dito ako nagulat nang tumingin si Ines sa akin. "Red, this time, ikaw ang papasok."
Napalunok ako. "Ako?"
"Yes, you."
"Anong kailangan kong gawin?" Tanong ko.
Inilapag ni Ines ang isang USB sa harap ko. "Here’s the information on the identity you’ll be using, along with the details of the transaction. Study your role carefully… one mistake, and you’ll be in danger."
"Understood," sagot ko.
Tumingin sa amin si Ines, seryoso ang ekspresyon. "We only have three days left before the operation. We need to find out who Santelmo is and who’s backing him from the inside. I don’t want another raid ending in failure."
Nagkatinginan kaming lahat, alam naming delikado ang mission na ito. Pero isang bagay lang ang sigurado, wala kaming balak umatras.
Pagkatapos ng meeting, lahat ay nagsimula nang maghanda. Ako naman, nanatili sa briefing room, hawak-hawak ang USB na iniwan sa akin ni Ines. Tatlong araw bago ang operasyon, tatlong araw para pag-aralan ang bagong pagkatao na ipapasok ko sa mundo ng sindikato.
Napansin kong hindi pa umaalis si Ines. Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng pinto, nakapamulsa at seryosong nakatitig sa akin.
"Hindi ka pa aalis?" Tanong ko habang iniikot ang USB sa pagitan ng mga daliri ko.
"Are you sure about this?" Bakit siya nagtatanong? Siya nagsabi ako gaganap eh. "This isn't like other undercover missions. Once you’re inside their group, you won’t have backup nearby. If something happens, I won’t be able to help you right away."
Ngumiti ako, pilit pinapakalma ang kaba sa dibdib ko. "Mahalaga ‘to, ‘di ba? Kung hindi ako papasok, wala tayong impormasyon tungkol kay Santelmo."
"Pero delikado," giit niya.
"Alam ko," sagot ko. "Pero anong pagkakaiba nito sa dati kong buhay? Matagal na akong naglalakad sa gilid ng panganib, Ines. At least ngayon, may dahilan ang bawat kilos ko."
Hindi siya sumagot. Imbes, lumapit siya at inilagay ang mga kamay sa magkabilang balikat ko. "If you sense that something’s off, even the smallest thing, get out immediately, Red. Don’t push it. Do you understand?"
Tumango ako. "Oo, boss."
"Lovey," mas lumalim ang titig niya. "I mean it."
Ngumiti ako, bahagyang yumuko, at bumulong sa tenga niya. "Nag-aalala ka sa akin?"
Umirap siya at tinulak ako palayo. "Ang kulit mo."
Napatawa ako. "Relax, sanay ako sa ganito."
Inilahad niya sa akin ang isang maliit na device. "This is your panic button. One press, and we’ll get your location. But if you don’t send a signal within three days after going in… we’re pulling you out—undercover or not."
Kinuha ko ang device at inilagay sa bulsa ng jacket ko. "Tatlong araw? Ang bilis mo namang sumuko sa akin, boss."
"This isn’t about giving up, Red. I don’t want to lose you again."
Natigilan ako. Hindi ko alam kung dahil sa tono niya o dahil sa sinabi niya mismo, pero parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin.
Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. "Tatlong araw, sapat na ‘yun para makapasok ako sa grupo at malaman kung sino si Santelmo."
"Make sure I won’t have to welcome you back in a body bag."
Ngumiti ako, pero sa loob-loob ko, alam kong hindi magiging madali ‘to.
Lumapit si Ines sa akin, sobrang lapit at napaatras ako. Kinakabahan ako nang bigla niya ilapit ang mukha sa akin.
"I love you." Pakiramdam ko tinakasan ako ng hangin nang marinig ang malambing niyang salita kasunod ang mabilisang niyang paghalik sa aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko, hindi agad nakapag-react. Pakiramdam ko biglang tumigil ang oras, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Si Ines… Hinalikan niya ako.
Hindi ko alam kung dapat ba akong umatras o gumanti, pero bago ko pa maisip kung ano ang dapat kong gawin, lumayo na siya, may maliit na ngiti sa kanyang labi.
"Red," bulong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng emosyon. "No matter who you are or what your past holds… I will always love you."
Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi, at sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang hindi ako matatalo sa nararamdaman ko.
Napalunok ako, dahan-dahan hinila muli ang kanyang ulo at binigyan ng matamis, malambing at maingat na halik sa kanyang labi. Agad ako tinugunan ni Ines at kumandong sa akin. Sa bawat palitan namin ng halik ay siya naman ang bulong niya ng paulit-ulit kung gaano niya ako kamahal.
Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya, ninanamnam ang bawat sandali. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan, hindi sa takot kundi sa dami ng emosyon na bumabalot sa aming dalawa.
"I love you," muli niyang bulong habang hinahaplos ang aking pisngi.
Hindi ko napigilan ang mapangiti, pinatong ang noo ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang mga mata. "You still accept me, no matter who I am or what I've done?"
"I will still choose you." Sagot niya ng walang pag-aalinlangan.
Dahil sa sinabi niya, mas lalo ko siyang niyakap at muling hinalikan. Maingat, puno ng emosyon, at may halong pangakong hindi ko na siya muling iiwan.
-
Tatlong araw ang lumipas mula nang mapag-usapan ang operasyon. Sa panahong ‘yun ay walang patid ang paghahanda mula sa pag-aaral ng background ng grupo ni Santelmo hanggang sa pagpaplano ng emergency protocols sakaling may mangyaring hindi inaasahan.
Ngayon, gabi ng operasyon. Nakatayo ako sa harap ng isang lumang warehouse sa dulo ng pantalan, suot ang bagong pagkataong binuo para sa akin, isang fixer na kayang ayusin ang kahit anong problema kapalit ng tamang halaga.
Sa earpiece ko, narinig ko ang boses ni Mal. "Nasa perimeter na kami. Wala pang kakaibang kilos, pero may dalawang armadong bantay sa labas."
"Understood," sagot ko ng pabulong, habang hinihintay ang signal na pwede na akong pumasok.
Isang lalaking naka-itim ang lumapit sa akin. Matangkad, may peklat sa kaliwang pisngi, at ang itsura niya ay tipikal na tauhan ng sindikato. Sinukat niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"Ikaw ba si Rain?" Tanong niya.
Ngumiti ako nang bahagya. "Depende kung sino ang nagtatanong."
Tumaas ang kilay niya, tila hindi natuwa sa sagot ko. "Wala akong oras sa laro. Sumunod ka sa akin. Santelmo wants to see you."
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng warehouse, ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatutok sa akin. Sa sulok ng warehouse, may isang lalaking nakaupo sa upuang yari sa bakal, may hawak na baso ng alak. Ang presensya niya ay may halong awtoridad at panganib—walang duda, siya si Santelmo.
"Rain, huh?" Aniya, iniikot ang baso sa kamay niya. "Narinig ko marami kang nagawang milagro sa underground. Pero sabihin mo sa akin… Bakit kita dapat pagkatiwalaan?"
Ngumiti ako at sumandal sa upuan sa harap niya, hindi inaalis ang titig ko sa kanya. Paano niya nalaman ang tungkol sa underground arena?
"Simple lang," sagot ko. "Dahil mas magaling ako sa kahit sinong tauhan mo rito."
Tumawa siya nang mahina, pero ang mata niya ay nanatiling matalim.
"Malakas ang loob mo," sabi niya. "Pero dito sa mundo ko, hindi sapat ang tapang. Kailangan mong patunayan na may silbi ka."
Napangisi ako. "Sabihin mo lang ang kailangan kong gawin at ipapakita ko sayo kung bakit ako ang tamang tao para rito."
Napangisi si Santelmo, inilapag ang baso sa mesa at sumandal sa kanyang upuan. Tila sinusukat niya ako—hindi lang sa mga salitang binitawan ko kundi sa paraan ng pagkilos ko. Sa isang sindikatong tulad nito, ang kumpiyansa ay sandata, pero ang yabang ay isang patibong.
"Magaling," aniya. "May trabaho akong ipapagawa sayo."
Tumango ako, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"May isang tao na naging pabigat sa operasyon ko. Dati siyang konektado sa amin, pero ngayon ay isang traydor." Kinuha niya ang isang sobre at inihagis sa harapan ko. "Dalhin mo sa akin at doon natin malalaman kung talagang karapat-dapat kang mapabilang sa amin."
Kinuha ko ang sobre at binuksan ito. Sa loob ay isang larawan ng isang lalaki—nasa edad kwarenta, matikas ang tindig, at may peklat sa kilay. Kasama rin ang isang papel na may address sa likod.
"May deadline ba?" Tanong ko habang ini-scan ang impormasyon.
"Dalawang araw," sagot niya. "Huwag kang mag-alala, hindi siya inosente. Ang tanong lang… kaya mo bang tapusin ang trabaho?"
Tumayo ako at inilagay ang sobre sa loob ng jacket ko. "Makakaasa ka."
Tumango si Santelmo, ngunit bago ako tuluyang makaalis, nagsalita ulit siya.
"At isa pa," aniya, mas mababa ang tono ng kanyang boses. "May isa pang gustong makita ka."
Bago ko pa man maintindihan ang kanyang sinabi, biglang may mga tauhang sumunggab sa akin. Mahigpit nila akong ginapos, piniringan ang aking mga mata, at marahas na kinuha ang earpiece sa aking tenga, pati na rin ang lahat ng gamit sa katawan ko.
Fuck! Paano nila nalaman?!
Narinig ko ang malutong na tawa ni Santelmo. "Akala mo ba hindi namin alam ang balak ninyo? Haha! Subukan ninyo, at mapapahamak si Rain dahil sa inyo."
Isang matinding kaba ang dumaloy sa katawan ko. Hindi lang ako ang nasa peligro, pati ang team ko.
Hinila nila ako, walang pakundangang kinaladkad sa hindi ko alam na direksyon. Pakiramdam ko ay dumaan kami sa isang makitid na lagusan, marahil isang eskinita o lihim na daanan.
Wala na akong anumang komunikasyon sa team, lahat ng gamit ko'y kinuha nila. Pero hindi nila alam ang isang bagay. Ang maliit na tracking device na iniwan ni Ines sa loob ng sapatos ko.
Tahimik akong nagpakatatag habang marahas nila akong kinakaladkad. Ang piring sa aking mata ay nagpapahirap sa akin para matukoy kung saan ako dinadala, pero sa tunog ng mga yabag at sa pagbabago ng temperatura ng hangin, alam kong lumabas kami ng warehouse.
“Wala na bang ibang paraan para dalhin ako nang maayos? Hindi naman ako lalaban.” Sarkastiko kong sabi, pero imbes na sagot, isang malakas na suntok ang tumama sa aking sikmura at mukha.
Napa-ubo ako, pilit pinipigilan ang sarili na mapaluhod. Ayaw kong magpakita ng kahinaan, hindi ngayon.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang sasakyan, at naramdaman kong itinulak ako sa loob. Nang magsara ang pinto, alam kong bumibiyahe na kami.
Sinubukan kong kilatisin ang paligid gamit ang pandinig. Apat o lima ang nasa loob bukod sa akin—isa sa likod, dalawa sa magkabilang gilid, at isa sa unahan maliban sa nagmamaneho.
Dahan-dahan kong kinilos ang aking paa, tinitiyak kung hindi nila napansin ang maliit na tracking device na isiniksik ni Ines sa loob ng sapatos ko. Wala akong ibang choice kundi umasa na may paraan silang matunton ako bago mahuli ang lahat.
Lumipas ang ilang minuto nang biglang huminto ang sasakyan. Hinila akong muli palabas, mas marahas kaysa kanina.
"Siguraduhin ninyong walang makakalapit dito." Utos ng isa sa kanila bago ako tinulak pasulong.
Narinig ko ang pagbukas ng isang mabigat na pinto, parang bakal na gate. At sa malamig na simoy ng hangin at alingawngaw ng tubig, mukhang nasa isang dock area kami.
At saka nila inalis ang piring ko.
Nanlabo ang paningin ko saglit, pilit ini-adjust sa biglang liwanag. Nang luminaw, tumambad sa akin ang isang napakalaking yate, nangingintab sa ilalim ng buwan.
At sa tuktok ng hagdan, may isang pamilyar na pigura.
Isang babaeng matikas ang tindig, naka-all black, may hawak na baso ng alak habang nakangiting pinagmamasdan ako.
Nanigas ang katawan ko. Hindi maaari.
Hindi siya pwedeng nandito.
Pero imposibleng magkamali ako.
Pagkatapos ng limang taon—ngayon lang ulit kami nagkita.
Si Azalea.
Nalagutan ako ng hininga nang maramdaman ang malamig niyang daliri sa ilalim ng aking baba, pilit akong pinapatitig sa kanya. Napakapit ako sa sariling pulso, pilit pinapakalma ang panginginig ng aking katawan.
Limang taon…
Ngumiti siya, isang ngiting puno ng misteryo at bahid ng kalungkutan. "Did you really think I wouldn't find you again? Hmm?" malambing ngunit may panunudyo ang tono ng kanyang boses. "Five years of hiding is enough… Or should I say, five years of me leaving you alone is enough?"
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o… matutuwa. Gusto kong magalit, pero hindi ko rin kayang itanggi ang kakaibang pakiramdam ng makita siyang muli.
Lumapit pa siya, halos magdikit ang aming mga mukha, at bumulong, "But no matter what you did… you were never out of my sight. I knew where you went, who you were with, how you changed. I let you run, baby, but now… it’s time for you to come back to me."
Isang hakbang ang ginawa ko para makalayo, pero agad niyang hinawakan ang aking panga—mahigpit, matatag.
"Look at you," aniya, hinihimas ang gilid ng aking mukha gamit ang hinlalaki. "You’ve changed… but you’re still mine."
Napasinghap ako, hindi lang dahil sa kanyang presensya kundi dahil sa reyalidad ng sitwasyong ito. Wala akong armas. Wala akong backup. At si Azalea… alam kong hindi siya basta-basta magpapalaya sa akin ngayong nandito na ako sa teritoryo niya.
"Who punched my wife in the face?" Malamig niyang tanong.
May mga armadong tao ang biglang nag silitawan sa kahit saang sulok ng yate, pinalibutan ang grupo ni Santelmo na ngayon ay natataranta dahil sa ginawa ni Aza. Nanlaki ang mga mata ni Santelmo, hindi alam kung magpapaliwanag o tatakbo. Pero paano siya tatakbo kung kahit saan siya lumingon, may nakatutok na baril sa kanya at sa mga tauhan niya?
"A-Azalea, teka lang! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" Tarantang sigaw ni Santelmo, pero isang malutong na tawa lang ang isinagot ni Azalea.
She’s enjoying this.
Lumapit siya kay Santelmo, naglakad nang may kumpiyansa, parang isang reyna na nagtatakda ng kapalaran ng lahat ng nasa paligid niya. Nang tumigil siya sa harapan nito, isang madiin na sampal ang dumapo sa mukha ng lalaki, dahilan para mapaatras ito.
"What's the meaning of this?! Sinunod namin ang utos mong dalhin siya ng buhay!"
"Yes, and my orders were clear. I shouldn’t see a single scratch on her."
"No need to explain." Ngumisi siya at saka muling binaling ang tingin sa kanyang mga tauhan. "Shoot them."
Walang segundong sinayang ang mga tauhan niya.
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Agad akong napapikit. Hindi ko man makita ang eksaktong nangyayari, pero ang mga sigaw at panaghoy ng mga tinamaan ay sapat para maisip ko ang nagaganap.
Nang tuluyang tumahimik ang paligid, isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa amin. Napatingin ako kay Azalea na kalmadong naglalakad pabalik sa akin, kinuha ang kanyang baso ng alak at uminom na parang walang nangyari.
Muli niyang binaling ang tingin sa akin, saka ngumiti. "Now, where were we, baby?"
Napalunok ako ng sunod-sunod, hindi ko alam magiging ganito sya pagkalipas ng limang taon.
"What's with all the noise?" Napatingala ako nang marinig ang matinis na boses ng isang bata. Kusot-kusot niya ang kanyang mga mata, hawak ang isang Doraemon stuffed toy at halatang bagong gising.
Tiningnan niya ang paligid—ang mga nakahandusay na katawan, ang dugong kumalat sa sahig dahil sa ginawa ng mga tauhan ni Azalea. Pero imbes na matakot, isang iritable at nakasimangot na ekspresyon ang lumitaw sa kanyang mukha.
"Oh, I don’t like the smell of their blood. Throw them into the sea." Aniya, kaswal na para bang basura lang ang mga bangkay.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano bang klaseng bata ito? Ni hindi man lang siya nagulat o natakot sa malagim na eksena sa harap niya.
Maya-maya, napunta ang tingin niya sa amin… lalo na sa akin. Una, nanlaki ang kanyang mga mata saka bumungad ang isang malawak na ngiti. Pero agad ding naglaho ang kasiyahan sa kanyang mukha at napalitan ng seryosong ekspresyon.
"Hmm… why is Mama here?" Tanong niya, nakataas ang mga kilay habang nakatingin kay Azalea.
"I thought you were giving Wen a whole month to have her all to herself? But just earlier, I saw them at the mall—running away and trying their best to avoid me." Napalunok ako nang marinig ang huling pangungusap niya. Tangina… tama nga ang hinala ko.
Ang batang ito, siya ang batang tinakasan namin kanina dahil sa utos ng demonyo kong anak.
Lumapit sa akin ang bata, diretsong nakatitig habang itinuturo ako gamit ang kanyang maliit na daliri. Seryoso ang kanyang ekspresyon, tila sinusuri kung sino talaga ang kaharap niya.
"Who are you?" tanong niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses. "Mama Rhea or Mama Red?"
Napakurap ako, hindi agad nakasagot. Alam niya? Alam niya ang tungkol sa akin?
"R-Red," sagot ko nang may halong kaba. "M-Mama?" Sambit ko matapos mapagtanto ang kanyang sinabi.
Nanuyo ang lalamunan ko. "Yes, it’s only natural for a child to call the person who created them MAMA, isn’t it?" baling niya sa akin, tila sinusubok ang reaksyon ko.
Muli akong napalunok. "A-Anak kita?" Tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
Tumango siya, walang pag-aalinlangan. "I am Rhea Wreen Turner Ambrosio," buong kumpiyansa niyang pagpapakilala.
Halos mahulog ang panga ko sa narinig. Mahina kong sinapo ang noo ko, iniisip kung paano ko ito ipoproseso.
"Bakit puro Rhea ang pangalan ninyo?" Bulong ko sa sarili habang palihim na pinagmamasdan ang bata.
Sa dami ng hindi ko maintindihan, isang bagay lang ang sigurado ako ngayon—hindi lang si Ines ang bumalik sa buhay ko.
Isa-isa na silang nagpapakita dala-dala ang kanilang mga anak.
"Mommy, I told you! I can handle Mama myself! Why did you step in?" Reklamo ng bata habang nakapamewang, kitang-kita ang inis sa kanyang mukha. "Why did you have to talk to those bad guys just to bring her to you, when I could’ve done it myself? And in the end, you just killed them anyway."
Napakurap ako, hindi lubos makapagsalita sa tabas ng dila ng anak ko—oo, anak ko. Pero paano? At higit sa lahat, bakit parang sanay na sanay siyang makipag-usap nang ganito? Para bang wala lang sa kanya ang nangyari.
Muli siyang tumingin kay Azalea, nagtaas ng kilay at huminga ng malalim, para bang nadismaya sa ginawa ng sariling ina. Samantalang ako? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nandito siya, o mas mababaliw ako sa kung paano siya magsalita na parang isang maliit na mafia boss.
Napahawak ako sa noo ko, biglang sumakit lalo na sa bandang batok. Tangina, mukhang tumaas na naman ang dugo ko. Diyos ko po, bakit pakiramdam ko mas mahihirapan ako sa batang ito kaysa doon sa unang demonyo?
"Mommy, it looks like Mama is about to die." Walang kaabog-abog na sabi ni Wreen habang nakaturo sa akin, puno ng inosenteng ekspresyon.
Napapitlag ako, nanlaki ang mga mata. "Hey! Watch your mouth." Saway ko.
"Well, it's because you look like you're about to collapse." Sagot niya sabay angat ng kilay. "I'm just being honest, Mama. Are you weak?"
Diyos ko, pakiramdam ko ang taas na ng stress level ko. Napabuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili bago ko lingunin si Azalea na ngayon ay seryoso habang pinapanood ang reaksyon ko.
As in, wala akong masabi, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon at tulala nalang sa harapan nilang dalawa.
"Remember, Mama. You’ll never escape from us again." Nakangiting salita ng bata.
Napalunok ako, shit. Pakiramdam ko para akong hayop na nahuli sa bitag, lalo na nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Azalea.
"You heard our child, right? You’re never getting away from us again." Lalo akong nanlamig.
Diyos ko po.
Napatayo ako ng tuwid, pilit pinapakalma ang sarili, pero ramdam kong nanginginig ang kamay ko. "T-Teka, hindi pa ako handa sa ganito. Biglaan masyado."
Ngumisi si Aza, lumapit sa akin at inilagay ang kamay niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Five years is not sudden," bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "And if you managed to escape us before, this time, there’s no way you ever will."
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Wreen na nakangiti, isang nakakalokang ngiti na para bang nakuha niya ang gusto niya.
"Mommy's right," dagdag pa ng bata, tumango-tango. "You're stuck with us, Mama."
Napahawak ako sa sentido ko.
Oh my God, dalawang demonyong bata na ngayon ang meron ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip