Truyen1s.Vip

ʏᴇᴀʀɴɪɴɢ ꜰᴏʀ ʜᴇʀ : ɪᴏɪᴄʙᴇ (ꜱᴀᴘᴘʜɪᴄꜱ)

CHAPTER 12 : Checklist For Two

inkbyseki


- CHECKLIST FOR TWO -

-

Sa school gym ay abala ang lahat. Maingay, puno ng tawanan at kaluskos ng mga chairs, mic checks, at tunog ng masking tape na binabalatan. Ilang araw nalang, Teacher's Night na. Nasa stage ako, nakaupo sa gilid habang inaayos ang listahan ng mga kailangan pang bilhin. Si Jem naman ay nasa harap, nakayuko sa isang malaking karton ng mga dekorasyon.

"Jem, 'yung mga fairy lights, may extra pa ba?" Tanong ko habang binubuklat ang checklist.

"Meron pa yata sa stockroom, pero sira 'yung kalahati," sagot niya, nilalagay ang mga papel na bulaklak sa mesa. "Kailangan nating bumili ulit-oh, at saka 'yung extension cord, wag mong kalimutan. Kahapon nagka-short circuit 'yung isa."

Tumango ako. "Got it. Ako na bahala mamaya. What about the backdrop? 'Yung banner hindi pa ata na-pick up?"

"Hindi pa," sagot ni Jem at umiling. "Si Sir Joel daw ang kukuha, pero ewan baka mamaya pa 'yun kasi nasa meeting pa sila sa admin-"

Hindi pa siya natatapos nang marinig namin ang tunog ng mga takong na dahan-dahang papalapit. May biglang pumasok, isang pamilyar na presensya na kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Cindy.

Napatigil si Jem, sabay sulyap sa akin. "Your crush is here."

Napalingon ako. Si Cindy, suot ang dark slacks at puting blouse, may hawak na clipboard at folder. Walang ngiti, pero eleganteng-elegante, parang bagong labas sa faculty meeting ng mga board members.

"Good morning." Malamig niyang bati habang naglalakad palapit.

"Morning," sagot ko, pilit na kalmado kahit napansin kong maraming mata ang biglang sumunod sa kanya... hindi lang mga guro, pati ilang estudyanteng tumutulong sa dekorasyon.

Lumapit siya sa amin ni Jem, nilapag ang clipboard sa mesa. "I just talked to the head committee. They said ako raw ang assigned sa program flow and coordination with the emcee."

"Ah," sagot ni Jem, nagulat pero ngumiti, "so, ikaw pala ang bagong in-charge sa stage program?"

Tumango si Cindy. "Yes. And I'll need the final list of participating teachers."

Ako ang nag-abot ng papel, pero bago pa man niya kunin, bahagya siyang nagtagal sa pagtingin sa kamay ko. Sandali lang 'yun, pero sapat para maramdaman ko ulit 'yung tensyon naming dalawa na parang nakatago sa ilalim ng maayos na boses at propesyonal na kilos.

"Here," sabi ko ng mahinahon. "Ito 'yung updated list."

Tinanggap niya ng hindi lumilingon. "Thanks."

Pagkatapos masiguro ang mga lista ay tumulong na rin kami sa iba. Trabaho rito, trabaho doon, hanggang sa may hindi inaasahang nangyari sa akin.

Napangiwi ako sa sakit. "Aray-!" Napabitaw ako sa martilyo at agad kong tinignan ang daliri kong tinamaan ng pako. Namumula ito, at may manipis na dugong lumabas sa gilid ng kuko.

"Emmett!" sigaw ni Jem, agad siyang lumapit dala pa ang maliit na pouch ng first aid. "Ano ba 'yan, ang tigas kasi ng ulo mo ayan tuloy!"

Nakangiti akong bahagya kahit sumasakit pa rin. "Mali lang ng anggulo. Akala ko kasi-"

"Akala mo hindi ka tatamaan?" Sabat niya at kinuha ang kamay ko. "Let me see."

Maingat niyang hinawakan ang kamay ko, sinuri ang sugat, tapos huminga ng malalim. "Teka, baka may pumasok na kalawang, kailangan mong linisin 'to."

Bago pa ako makasagot, biglang sumulpot si Cindy nang hindi ko namamalayan.

"What happened?" Malamig niyang tanong. Lumapit siya sa amin, bahagyang yumuko para tingnan ang daliri ko.

"I just hit it with the hammer. Nothing serious." Sabi ko, sinusubukan magmukhang kalmado kahit medyo nangingilid na ang luha sa sakit.

"I was about to clean it," dagdag ni Jem, nakatingin pa rin sa kamay ko. "Pero wait, may dugong lumalabas baka may dumi sa loob."

At bago pa man ako makapagsalita o makailag, bigla niyang sinipsip ang daliri kong may sugat.

"J-Jem!" Halos pasigaw kong sabi, nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa braso niya at hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Sa gilid ng paningin ko ay nakita ko si Cindy- nakatingin lang. Walang imik, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya.

Pagkaraan ng ilang segundo, iniluwa ni Jem ang daliri ko at nginisihan ako. "Ayan, malinis na. Sabi nila, old school method daw 'yan. Effective."

Halos hindi ako makapagsalita. "You... what-" Napailing ako, hindi alam kung matatawa o maiinis. "Jem, that's- gross."

"Hindi, practical," sagot niya at nakangiti pa rin. "At least tumigil na ang pagdugo diba?"

Tahimik si Cindy, pero ramdam ko ang tensyon sa paligid. Dahan-dahan niyang hinila ang kamay ko mula kay Jem at tiningnan ang sugat, hindi nagsasalita.

"Next time," mahina niyang sabi, "don't let anyone do that again."

May kung anong malamig pero mabigat sa tono niya at kahit hindi siya tumitingin diretso sa akin, alam kong hindi lang basta concern 'yun.

Hinila ako ni Cindy palayo kay Jem at mas inilapit sa kanya para lagyan ng antiseptic. Binalingan ko si Jem na titig na titig sa akin.

"Jem, pwede ba ikuha mo ako ng kape?" Sabi ko.

Seryoso niya akong tinitigan bago tumango. "Alright." Sagot niya at ngumiti.

Tahimik lang kami ni Cindy habang patuloy siyang naglalagay ng antiseptic sa daliri ko. Naririnig ko lang ang mahinang kaluskos ng mga materyales sa paligid at ang mabigat kong paghinga. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang bawat galaw niya... 'yung dahan-dahang pagtupi ng gasa, ang maingat niyang pagkilos na para bang ayaw niyang masaktan pa ako.

"Does it hurt?" Tanong niya sa mababang tinig, halos bulong na lang.

Umiling ako. "Not anymore."

Pero to be honest, hindi naman 'yung daliri ko ang sumasakit ngayon. Parang iba, parang 'yung dibdib ko na hindi mapakali. Lalo na't ang lapit niya. Ang amoy ng kanyang pabango, 'yung malamig na presence niya kahit mainit ang paligid, at ang mga daliri niyang sobrang maingat na humahawak sa kamay ko... lahat 'yun parang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa kanya- saglit lang, pero sakto para mapansin ko kung gaano siya seryosong nakatitig sa sugat ko.

"Cindy," mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag, pero parang gusto ko lang marinig ang boses niya ulit.

Tumingala siya. Nagtagpo ang mga mata namin. Ilang segundo lang, pero parang huminto ang oras.

"You should be careful next time," mahina niyang sabi at kahit simpleng paalala lang 'yun ay iba ang dating. Parang sermon na may halong pag-aalala.

Ngumiti ako, pilit, para itago kung gaano ako kinakabahan. "You'll scold me again if I say sorry, won't you?"

Bahagyang tumaas ang sulok ng kilay niya. "You already know me too well."

Napairap ako habang si Cindy naman ay tumayo nang walang imik. "We're done." Malamig niyang sabi, saka dahan-dahang umalis, bitbit pa rin ang first-aid kit.

Buong umaga naming inasikaso ang stage, pero hindi pa rin tapos kaya ipagpapatuloy na lang namin pagkatapos ng lunch. Ngayon ay nasa cafeteria ako, kumakain kasama sina Jem at Bernadette. Nasa kabilang table naman si Cindy, kasama ang iba pang co-teachers.

Tapos na akong kumain, pero kanina ko pa napapansin ang mga nakaw-tingin niya sa akin. Tuwing magtatama ang mga mata namin ay bigla siyang iiwas.

"So, hindi ka sasali sa pageant?" Tanong ni Bernadette habang sinusubo ang ulam niya.

"Nope." Mabilis kong sagot.

"Why? Si Jem sasali." Usisa pa niya.

"Not my thing," sabi ko sabay abot sa juice ko. "Pero ako ang representative ng Crim Department para sa photoshoot."
Lumingon ako kay Jem. "Congratulations, and good luck."

Napailing siya. "Hindi lang ako, actually. Si Cindy din, para sa Engineering Department."

Tumaas ang kilay ko, sabay sulyap sa direksyon ni Cindy. "Oh, really?"

"Yes." Sagot ni Jem.

Muli kong nahuli si Cindy na nakatingin sa akin at mabilis siyang umiwas, parang batang nahuling naninilip.

"Excuse me." Sabi ko kina Jem at Bernadette bago ako tumayo.

Tahimik na napasunod ang mga mata nila sa akin habang naglalakad ako papunta sa mesa ni Cindy. Huminto ako sa tabi niya, at napatingin sa akin ang buong grupo ng mga guro. Nakangiti akong bahagya, pero matalim ang titig ko. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Cindy saka pinilit siyang tumingin sa akin.

"Why do you keep on looking at me and then turn away?" Tanong ko nang diretso at malamig ang tono. "Do you have something to say?"

May mga narinig akong mahihinang reaksyon mula sa paligid... gulat, tawa, bulungan. Namula ang mukha ni Cindy, halatang nabigla. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa akin.

"Can't talk now? Do you mind if I do this?" Tanong kong muli at hindi inaalis ang titig.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "No." Sagot niya kaagad.

"Okay." Sagot ko saka dahan-dahang binitawan ang mukha niya at bumalik sa mesa namin... parang walang nangyari, kahit ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Tahimik ang buong cafeteria pagkatapos ng ginawa ko. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao, pero pinili kong ipagpatuloy ang pagkain ng dessert na parang walang nangyari. Naririnig ko ang mahinang tawanan, bulungan, at ang mahinang tunog ng kutsarang tinatamaan ang pinggan, pero sa pagitan ng lahat ng 'yun ay parang mas malinaw ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Damn..." mahinang sabi ni Jem, bahagyang nakangiti at sabay kagat sa straw ng kanyang juice. "Ang tapang mo talaga."

"Hindi ko naman sinasadya," sagot ko at iniwas ang tingin. "Naiinis lang ako kasi kanina pa siya tingin nang tingin, tapos pag titingnan ko biglang iiwas."

Tumawa si Bernadette, bahagyang nakatakip ang bibig. "Eh kasi naman, baka gusto lang niyang makipag-eye contact pero natatakot."

"Natakot?" balik kong tanong, napataas ang kilay. "Sa akin?"

Ngumisi si Jem. "Baka naman natetensyon. You basically grabbed her face in front of everyone. Alam mo bang nagmukha kayong eksena na parang sa drama series?"

Napailing ako. "Drama series agad?"

"Promise, girl," singit ni Bernadette, "kung ako si Cindy, baka nag-freeze din ako. The way you said, DO YOU MIND IF I DO THIS? Grabe, lahat kami napatingin."

Napahinto ako at biglang natahimik. Hindi ko alam kung matatawa o maiilang. "Hindi ko naman alam na gano'n kalakas ang dating..."

Tumikhim si Jem. "Ayaw mo lang aminin na gusto mo rin kung paano siya tumingin sayo pagkatapos. Nakita ko 'yun ha, hindi mo ako maloloko."

Hindi ako nakasagot. Sa halip ay napatingin lang ako muli sa direksyon ni Cindy. Nandoon pa rin siya, tahimik, pero halata kong hindi makatingin ng diretso. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ang baso niya.

Napahinga ako nang malalim at ngumiti ng kaunti. "Whatever," sabi ko. "May stage pa tayong tatapusin mamaya."

"Right." Sagot ni Jem, pero may halong ngiti sa tono niya.

-

Gabi na, halos tapos na ang stage. Pawis na pawis na kami, pero sulit ang lahat- maganda na ang kalalabasan. Habang pinupunasan ko ang noo ko ay biglang namatay ang mga ilaw at nagbulungan ang mga tao.

"Brownout?" Sabi ni Bernadette habang hinahanap ang cellphone niya.

"Looks like it," sabi ko. "Siguro may sira sa linya. Jem, ikaw muna sa emergency lights, ako kukuha ng flashlight sa backstage."

"Got it."

Kinuha ko ang flashlight sa likod ng kurtina, pero paglabas ko ay halos wala na palang tao. Yung iba, nagpasya nang bumaba muna at maghintay ng kuryente. Naiwan lang akong mag-isa sa taas ng stage, sinisilip ang paligid.

Oh... hindi pala mag-isa.

May narinig akong mahina, pamilyar na boses sa may gilid ng platform. "You okay?"

Si Cindy. Nakaupo siya sa gilid ng stage, hawak ang cellphone na may dim light mula sa screen. Lumapit ako, binuksan ang flashlight at tinapat 'yun sa sahig.

"Akala ko umuwi ka na." Sabi ko.

"Hindi pa. Ayokong iwanang ganito 'yung stage," sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. "Baka may mabangga kapag bumalik ang kuryente."

Pinanood ko siyang ayusin ang mga tali ng backdrop kahit halos wala nang makita. Ang buhok niya, magulo, may konting alikabok sa gilid ng pisngi. Ang tipid niyang mga galaw, pero laging maingat... gano'n siya palagi.

Lumapit ako at inilapit ang ilaw sa kanya. "You don't have to push yourself." Sabi ko.

"Hindi ako napipilitan." Sagot niya. "Ginusto ko."

Tumingin siya sa akin at doon ko lang napansin na parang may kung anong bigat sa mga mata niya. Hindi na malamig gaya kanina. Parang may pinipigil.

"About earlier," sabi ko. "Sa cafeteria, I-"

"You don't have to explain." Putol niya, mahina pero diretso.

Gusto kong ngumiti, pero napahinga lang ako ng malalim. "I wasn't trying to embarrass you. I just..."

"Got curious?" Tanong niya.

Tumango ako. "Maybe. Pero I think I just missed you looking at me like that."

Ang tanging maririnig lang ay ang hum ng mga emergency generator sa labas.

"You make things complicated sometimes, Emmett." Kaagad niyang sagot.

"Maybe." Sabi ko sabay tawa ng mahina. "Pero inaamin ko, gusto ko 'yung ganito... kahit minsan lang kita makita na hindi mo tinatago 'yung totoo mong mukha."

Bigla siyang umakyat sa ladder, sinundan ko lang ito ng tingin habang iniilawan pa rin- pero pagkatapos ng ilang steps ay bigla itong napasigaw at nahulog.

"Cindy!" Sigaw ko at mabilis siyang sinalo dahil sa sobrang takot.

Ang bigat ng katawan niya bumagsak sa akin, pero sa halip na sakit ang maramdaman, para bang tumigil ang buong mundo sa pagitan naming dalawa.

"C-Cindy," mahina kong sabi habang hinahaplos ko ang likod niya, tinitiyak kung ayos lang siya. "Are you okay?"

Hindi siya agad sumagot. Naririnig ko lang ang mabilis niyang paghinga... mainit, humahaplos sa pisngi ko, dumudulas pababa sa aking labi. Madilim ang paligid, ang tanging ilaw lang ay nanggagaling sa maliit na flashlight na nakahandusay sa sahig.

Napakapit siya sa kwelyo ng polo ko.
"I-I think I'm fine," bulong niya, pero ramdam ko ang bahagyang panginginig ng boses niya.

"Sure ka?" Tanong ko ulit, pilit kong hinahanap ang mata niya kahit halos wala na akong makita.

"Yeah," sagot niya, pero hindi siya gumalaw. Nananatili lang siya ro'n- nakadikit sa dibdib ko, ang mukha niya halos ilang pulgada lang mula sa akin.

Lumunok ako ng marahan. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, pero ramdam ko ang tibok ng puso ko na parang tumutugma sa kanya.

"Next time," sabi ko sa mahinang boses, "don't climb without checking the step. You scared me."

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "So... you caught me."

"Yeah," sagot ko. "And I'll do it again if I have to."

Tumahimik siya. Tapos, marahang kumilos ang kamay niya- tinanggal ang pagkakakapit sa kwelyo ko at inilagay 'yun sa dibdib ko, parang sinusukat kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.

"You're nervous." Sabi niya sa mahinang tono.

"Maybe," sagot ko. "Wouldn't you be?"

Sa dilim ay naramdaman ko ang paglapit ng hininga niya, mas malapit pa. Hindi ko alam kung sadya o aksidente, pero ang ilaw ng flashlight ay dumulas paakyat sa mukha niya at sa unang pagkakataon ngayong gabi ay nakita ko siya nang malinaw. Namumula ang kanyang pisngi, ang mata niya ay may halong takot at pag-aalinlangan.

Hanggang sa may biglang tumawag mula sa ibaba. "Ma'am Emmett?! Ma'am Cindy?! Okay lang kayo diyan?" Sigaw ng estudyante.

Parang sabay kaming natauhan, sabay din kaming napahinga ng malalim.

"Y-Yeah! We're fine!" Sigaw ko pabalik.

Pagkatapos ay nagkatinginan kami ulit ni Cindy- parehong tahimik, parehong hindi alam kung sino ang unang magsasalita.

"Tu me rattrapes toujours, juste avant que je tombe." Narinig kong sabi niya.

"Huh?" Tanong ko, pero ang totoo ay naiintindihan ko ang sinabi niya. My God, mas uminit ang mukha ko.

Kahit ilang beses pa siyang mahulog, kahit anong problema pa ang ibibigay niya, handa akong saluhin 'yun para lang sa kanya.

"You can put me down now." Bulong niya.

"R-Right." Sagot ko, pero hindi ko agad ginawa.

Biglang bumalik ang ilaw, sabay kaming napapikit ni Cindy dahil sa biglang liwanag. At bago pa man ako makabawi-

"Uy, uy, uy!" Boses ng mga estudyante sabay tili.

"Ano 'to? Rehearsal ng romance scene?"

Napalingon ako at halos mapamura sa hiya. Nakatayo si Jem ilang hakbang lang mula sa amin, hawak pa ang clipboard at nakatitig sa akin.

"Ay hindi ah," sagot ko agad habang inalalayan si Cindy. "Nahulog siya-"

"Nahulog... sayo?" Singit ng isang co-teach namin sabay taas-baba ng kilay. "Nice catch, Emmett."

"Hindi gano'n." Halos mapaatras ako sa inis, pero naririnig ko na ang mga tawa ng ibang co-teachers na lumapit din dahil sa ingay.

Si Cindy naman ay hindi makatingin kahit kanino. Hinahaplos niya ang braso niya at nagmamadaling inayos ang buhok. "I slipped, that's all." Sabi niya ng mahina.

"Yeah, yeah, sure." Ngisi ng isa pang co-teach. "Ang mahalaga, may sumalo."

Napapikit ako at napailing. "Pwede ba? Mali kayo sa iniisip." Depensa ko.

"Hindi ko naman sinabi kung anong klaseng salo." Pang-aasar pa rin nito.

Narinig ko ang isa sa mga lalaki sa gilid na sumigaw, "Sir, parang may chemistry 'yung dalawa ah!" Tuloy-tuloy ang tawanan.

"Professor Emmett! Kung ayaw mong sumali sa pageant, pwede ka na lang sa romantic skit! Ikaw na leading man ni Cindy!" Sigaw ng isang estudyante ko na nasa malayo kaya maraming nakarinig.

Napalingon ako, sabay turo sa kanya. "Isa pa- tatapalan ko 'yang bibig mo ng martilyo."

Tawanan ulit ng lahat.

Napailing ako at hindi nalang pinansin ang mga sinabi nila. Makalipas ang ilang minuto ay nagpatuloy ulit kaming lahat sa pagtatrabaho hanggang sa natapos namin ito bandang alas otso.

Pauwi na sana ako nang biglang tumawag si Ezekiel sa akin, may nahuli silang tao na umaaligid sa bahay ni Cindy. Dinala nila ito kaagad sa underground kaya doon na ako dumiretso.

Pagdating ko sa underground, sinalubong agad ako ng malamig na hangin at amoy ng bakal. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng mga paa ng mga tauhan ko. Nasa gitna si Ezekiel, nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaupo, nakaposas, at may pasa sa gilid ng pisngi.

"Miss," tawag ni Ezekiel, mabigat ang boses, parang ilang oras na silang nandito. "We caught him an hour ago. He's been circling Cindy's house since last night."

Napakunot ang noo ko. "Did he say anything?"

Umiling si Ezekiel. "Not yet. Pero may nakuha kaming cellphone sa kanya." Inabot niya sa akin ang isang itim na telepono, basag ang screen pero buhay pa. "May mga picture ni Cindy na kuha sa labas ng bahay, sa gate, pati sa likod. Kahit habang natutulog siya."

Parang biglang lumamig pa lalo ang paligid. Hinigpitan ko ang hawak sa telepono. "Where's the original memory card?"

"Tinanggal na namin. Sinisilip pa ni Nate sa taas." Sagot ni Ezekiel habang lumalapit ako sa lalaki.

Nakayuko lang ito, nanginginig ang balikat, pero alam kong hindi dahil sa lamig. "Who sent you?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"I said- who sent you?" Ulit ko, mas mababa ang tono.

"W-Wala-" hindi pa siya natatapos nang bigla kong itinulak ang mesa sa harapan niya, bumagsak 'yun sa sahig na may tunog na yumanig sa buong silid.

Lumingon si Ezekiel, pero hindi nagsalita. Alam niya kung kailan niya ako pipigilan, at alam din niyang hindi pa ito 'yung oras.

"I swear!" sigaw ng lalaki. "May nagbayad lang sa akin para magbantay. Hindi ko alam kung sino!"

"Magbantay?" Napailing ako. "Hindi mo lang binantayan, kinunan mo ng litrato habang natutulog."

"Hindi ako ang kumuha no'n!" halos mangiyak-ngiyak na sigaw ng lalaki. "Inutusan lang ako maghatid ng mga file-"

"Kanino mo dinala?" Singit ni Ezekiel.

Lumapit ako, inilapit ang mukha ko sa kanya. "Kanino?"

Napakapit siya sa upuan, nanginginig. "Sa babaeng nakasuot ng gray na coat..."

Tumingin ako kay Ezekiel. "Babae?"

Tumango siya. "May naka-park daw na silver SUV two nights ago. Wala pa tayong plate number."

"Then find it." Seryoso kong utos. "And make sure Cindy never knows about this. Hindi siya dapat kabahan."

Biglang dumating si Nate, isa rin sa pinagkakatiwalaan ko. "Young miss, kung target siya, kailangan nating-"

"Hindi. I'll handle it." Putol ko.

Tahimik lang silang dalawa sandali bago tumango. "Understood."

Habang palabas ako ng underground, mahigpit pa rin ang hawak ko sa cellphone ng lalaki. Hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito, pero isang bagay lang ang malinaw- kung sino man siya, nagkamali siyang si Cindy ang pinili niyang galawin.

-

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at dumiretso sa school gym para tingnan ang stage. Bongga, at sobrang ganda, sulit na sulit ang pinaghirapan naming lahat.

"Pourquoi faut-il que tu sois si sexy dans cette tenue?" My eyebrow flinch nang marinig ang boses ni Cindy, pero hindi ako sa presensya nagulat kundi sa kanyang sinabi.

Napakagat ako sa aking labi. God gracious, how I wish hindi ako nakakaintindi ng salitang French para hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya.

Dahan-dahan akong lumingon, pinipigilan ang sarili kong mapangiti. Nakatayo si Cindy sa gilid ng stage, naka-white button-down na medyo nakatupi ang manggas at may suot na slacks na masyadong bagay sa kanya. May hawak siyang clipboard, pero halatang hindi trabaho ang laman ng isip niya.

"Excuse me?" Tanong ko, pilit pinapakalma ang tono ko kahit alam kong narinig ko nang malinaw ang sinabi niya.

Bahagya siyang umiling. "Ah-nothing," mabilis niyang sabi, umiwas ng tingin at kunwaring busy sa pag-check ng ilaw sa kisame. "You must've misheard me."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Really? I'm pretty sure I heard sexy somewhere in that sentence."

"Non, non," sagot niya agad. "You probably misinterpreted. My French isn't that good anyway."

"Hindi mo ako mapapaniwala diyan," sabi ko, nilapitan siya ng kaunti. "You speak fluently when you're flustered."

Namula ang pisngi niya. "It's nothing. Forget I said anything."

Ngumuso ako, pilit tinatago ang ngiti habang naglakad papunta sa gitna ng stage. "Sure," sabi ko. "I'll pretend I didn't hear that."

Tahimik siyang sumunod, pero ramdam ko ang tingin niya sa likod ko. Sa gilid ng stage, tinakpan niya ng clipboard ang mukha niya, pero hindi rin niya napigilang tumingin ulit sa akin at nang magtagpo ang mga mata namin, pareho kaming natahimik.

Habang inaayos ko ang kurtina sa gilid ng stage, napansin kong si Cindy ay panay ang iwas ng tingin. Kapag nagkakatinginan kami, bigla siyang maghahanap ng ibang pwede niyang gawin... kunwari mag-aayos ng wire o magpupunas ng pawis kahit hindi naman siya pinagpapawisan.

Hindi ko na kinaya ang tahimik na 'yun. Lumapit ako sa kanya, bahagyang nakayuko para makita ang mukha niyang pilit tinatago sa clipboard.

"You sure it's nothing?" Tanong ko, mababa ang boses, sinasadya kong tuksuhin siya.

"W-What?" Napatingin siya, agad ding umiwas. "I told you, wala 'yun."

"Hmm." Umikot ako sa harap niya, pinipigilan ang tawa. "Because it really didn't sound like nothing, Cindy."

Namula ang kanyang pisngi, lalo pa nang makita kong napakagat siya sa labi- isang bagay na ginagawa lang niya kapag kinakabahan.

"You're overthinking it." Sabi niya, sabay lakad palayo, pero hindi siya nakalayo dahil humarang ako sa daan.

"Overthinking?" Ngumiti ako. "Or maybe you're just underreacting."

Napasinghap siya, hindi sigurado kung ano ang dapat sagutin. Ilang segundo kaming nagtitigan, puro katahimikan lang sa pagitan namin, hanggang sa may dumaan na estudyante sa likod. Pareho kaming umatras ng bahagya, parang biglang nahuli sa akto.

"Go back to work," sabi niya bigla, kunwaring kalmado pero ramdam ko ang hiya sa tono niya. "You're making me lose focus."

"Good," sagot ko at nakangiti habang humahakbang palayo. "At least I know you noticed."

Paglingon ko ulit, nakayuko na siya, pero hindi para magtago... nakangiti siya ng bahagya, 'yung tipong hindi niya maamin kahit sa sarili niya.

Pgkatapos ko sa gym ay pumasok na ako para sa unang subject ng klase. Pansin kong excited lahat ng estudyante ko, lalo na at maraming activities para sa teachers.

"Ma'am, balita ko may auction?"

Napahinto ako at bahagyang natawa. "Auction? That's new." Sabi ko habang inaayos ang mga papel sa mesa. I mean, I know may auction... pero alam ko every festival lang 'yun ginagawa.

"Yes, ma'am!" Sagot ng isa sa mga estudyante, halatang excited. "Sabi po ng Student Council, part daw 'yun ng Teacher's Night event next week. Para raw masaya at interactive."

"Interactive?" Tumingin ako sa kanila. "So, ibebenta niyo kami sa highest bidder?"

Nagkatawanan ang buong klase. "Hindi naman po literal, ma'am!" sagot ng isa. "For fun lang po- pwedeng dance or dinner date with the teacher na ma-auction."

"Ah, gano'n ba..." sabi ko, saka nagkunwaring seryoso. "Baka mamaya walang mag-bid sa akin, nakakahiya."

"Impossible po 'yun, ma'am!" sigaw ng isang estudyante. "Ang dami pong magkaka-interes sa inyo!"

Napailing ako, pero hindi ko mapigilang mapangiti. "You kids really need to focus on your finals, not your matchmaking skills."

Tumawa sila, at sa gitna ng tawanan ay may biglang kumatok sa pinto.

"Come in," sabi ko.

Pagbukas ng pinto ay pumasok si Cindy, bitbit ang ilang folders at may bahagyang seryosong ekspresyon. Suot pa rin niya ang fitted cream blouse at dark slacks, at kahit hindi sinasadya, agad siyang pinagtinginan ng buong klase.

"Excuse me, Professor Emmett," sabi niya. "I just need to hand you the activity forms for Teacher's Night."

"Ah, perfect timing," sabi ko habang tinatanggap ang folder. "We were just talking about that. Apparently may auction daw?"

Sandaling tumigil si Cindy, parang nabigla, bago umiwas ng tingin. "Oh, that," sagot niya at tumikhim. "It's... just part of the entertainment. Wala pang final list."

Ngumiti ako. "Hmm. So, sasali ka?"

"Me?" Tinaasan niya ako ng kilay. "No. I don't see the point."

"Same here," sagot ko, sabay turo sa kanya. "We'll be the ones watching, not the ones being auctioned."

"Good." Maikling sagot niya, pero hindi ko napalampas ang bahagyang kurba ng labi niya- isang pilyang ngiti na agad niyang tinakpan sa pagtalikod.

Pagkaalis ni Cindy, may agad na sumigaw mula sa likod. "Ma'am! Feeling ko po kayo ang magiging center of attention sa auction!"

"Stop manifesting things!" Sigaw ko, sabay tawa ng buong klase.

Lumipas ang ilang araw, at abala na ang buong campus sa paghahanda para sa Teacher's Night. Sa bawat sulok ng gym, may mga estudyanteng nag-aayos ng ilaw, mga guro namang nag-eensayo ng performance, at ako... nakatayo sa gitna, hawak ang clipboard, sinusubaybayan kung maayos na ang lahat.

"Emmett, pwede mo bang i-check itong backdrop?" Sigaw ni Jem mula sa stage.

"On it!" Sagot ko, sabay lapit habang sinusuri kung pantay ang mga banner.

Habang nag-aayos ako, napansin kong parang may kulang. Hindi ko pa nakikita si Cindy buong umaga... kahit siya dapat ang nagmo-monitor ng sound system. Usually, maaga siyang dumarating, pero ngayon... wala.

"Hinahanap mo siya?" Tanong ni Jem.

"Ha? Sino?" Tanong ko pabalik, kunwari clueless.

Ngumiti lang siya at umiling. "Wala. Pero FYI, nakita ko siya kanina sa student council room- kasama 'yung mga nagpa-practice para sa auction event."

"Auction?" Umangat ang kilay ko. "Akala ko hindi siya sasali?"

"Yun din sabi niya dati," sagot ni Jem, tumawa pa. "Pero ayon- mukhang napilitan. Alam mo naman, engineering students. Lahat willing maglabas ng pera para sa kanya."

Natahimik ako sandali. Hindi ko alam kung bakit may kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi naman ako dapat maapektuhan, pero bakit parang may something off?

Maya-maya, bumukas ang pinto ng gym, at doon ko siya nakita. Si Cindy na nakasuot ng plain white blouse, tucked sa navy blue slacks, may hawak na tablet at earphones na nakasabit sa leeg. Diretso siya sa stage, parang walang ibang tao sa paligid.

At gaya ng dati, hindi niya ako pinansin.

"Hey." Tawag ko.

Tumingin siya saglit. "Yes?" Mahinahon niyang sagot.

"Are you joining the auction or not?" Tanong ko ng diretsahan.

Nagkibit-balikat lang siya. "It's just part of the event. Wala namang mawawala if I participate."

"Oh, really?" Tumingin ako sa kanya. "You said the same thing about the coffee before throwing it in the bin."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "You're still on about that?"

"Yes," sagot ko, tumawa nang mahina. "Because that coffee was mine."

Napatitig siya sa akin at sa unang pagkakataon nitong linggo, hindi niya agad iniwas ang tingin. Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan ay siya ang unang umiwas.

"You should focus on the stage, Professor. Hindi sa kape." Sabi niya.

"Maybe I'm focusing on something... or someone else." Bulong ko bago siya tuluyang talikuran.

Naiwan siyang nakatayo, hindi gumagalaw at napansin kong bahagyang namula ang kanyang tenga bago siya tumalikod din.

Kinagabihan, rehearsal night. Ang buong gym ay puno ng ilaw at maingay na tawanan ng mga estudyante at guro. Ako naman, nakaupo sa harap, hawak ang clipboard at sinusuri ang mga sequence. Supposedly, observer lang ako- pero mukhang may ibang plano ang mga estudyante.

"Ma'am Emmett!" Tawag ni Enzo, isa sa mga officers. "We need one more volunteer sa mock auction! Pwede po kayo, ma'am?"

Agad akong tumingin mula sa papel. "Nope. Pass."

"Pero ma'am," sabat ni Jem mula sa gilid, may pilyong ngiti, "test run lang naman. Hindi pa actual. Para lang ma-check kung tama ang timing ng spotlight."

"Jem..." madiin kong sabi. "Huwag mo kong idamay sa kabaliwan ng mga estudyante mo."

"Ma'am please!" Halos sabay-sabay na hiling ng mga bata. "Kayo na po! You're the only one who looks confident enough to handle the stage!"

Napahinga ako nang malalim. "Fine. One round only, tapos wala nang pilitan."

Agad silang nagsigawan sa tuwa, at bago ko pa mapigilan ay may isang estudyanteng kumapit sa kamay ko at hinila ako papunta sa gitna ng stage. Dumilim ang paligid. Tanging spotlight lang ang nakatutok sa akin.

"Professor Emmett Albrecht," anunsyo ng host. "Starting bid-"

"Ten thousand." Sabi ni Bernadette, halatang nang-aasar.

Tumawa ang iba. "Grabe, ma'am, mataas agad!"

Ngumisi ako. "Bernadette, I swear, you're paying for my next coffee if this goes on."

Pero bago pa ako makababa, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw mula sa bandang gilid ng stage.

"Twenty thousand."

Natahimik ang lahat. Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Jem, nakatayo sa likod, may hawak na tablet, pero matalim ang tingin sa direksyon ko. Hindi siya nakangiti, pero ramdam ko sa tono niya na hindi 'yun isang joke bid.

"Wait, Jem?" Gulat kong sabi. "You're not even part of the mock auction."

"Consider it practice." Kalma niyang tugon, sabay lapit ng ilang hakbang. "After all, baka kailangan kong sanayin ang sarili ko for the real one."

"Bakit?" tanong ko, bahagyang nagtaas ng kilay. "Balak mo rin bang i-bid ako sa actual?"

Umangat ang isang gilid ng labi niya, parang may ibig sabihin. "Maybe."

May sumipol mula sa audience. "Ooooh! Architect prof is flirting with Crim prof!"

Tumawa ang lahat. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya, sinusubukang basahin ang ibig sabihin sa mga mata niyang 'yun.

Pagkatapos ng maikling katahimikan, ay biglang nagsalita si Cindy. "You can go now, Professor. The spotlight's too bright anyway." Sabi niya.

Nakangiti akong bumaba sa stage, pero sa loob-loob ko ay hindi ko maalis ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Because for some reason, it didn't sound like a joke at all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip