ʏᴇᴀʀɴɪɴɢ ꜰᴏʀ ʜᴇʀ : ɪᴏɪᴄʙᴇ (ꜱᴀᴘᴘʜɪᴄꜱ)
CHAPTER 16 : The Safest Place
- THE SAFEST PLACE -
-
It's evening at kasama ko ngayon si Dad sa harap ng pamilya ni Cindy. Tahimik lang kami pareho habang nakikinig sa mga magulang na seryosong nag-uusap tungkol sa kasunduan ng kasal namin ni Cindy. Ang bawat tunog ng orasan ay parang malakas na hampas sa pandinig... mas nakakabingi pa kaysa sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Bakit nagbago ang desisyon mo?" Tanong ng ama ni Cindy, diretsong nakatingin sa akin.
Saglit akong tumingin kay Cindy na ngayon ay tila walang emosyon sa mukha, bago ko ibinalik ang tingin sa kanyang ama. "I like your daughter." Diretso kong sagot. Walang pag-aalinlangan, walang kaba- wala ring takot.
Si Dad ay biglang nasamid, halatang nagulat sa naging sagot ko, habang ang mga magulang ni Cindy ay parehong napatingin sa akin na may halong gulat at pagtataka. Si Cindy naman ay walang imik, parang yelo sa kinauupuan.
"You like our daughter despite the fact that she's still in love with your sister?" Tanong ng ina ni Cindy, na para bang kailangan talagang paalalahanan ako ng katotohanang matagal ko ng alam.
Napangiti ako ng mapait pero totoo. "Yes, I know," sagot ko. "But even if she still loves my sister... I'm not here to compete. I'm here because I like her enough to stay, kahit hindi ako ang una."
Tahimik ang buong mesa. Si Dad napailing na lang, habang ang mga magulang ni Cindy ay nagkatinginan at si Cindy, sa unang pagkakataon ngayong gabi ay dahan-dahang nag-angat ng paningin para tingnan ako.
"I'm sorry sa naging asal ko before," mahinahon kong sabi, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin. "I know na para sa business lang itong pagpapakasal namin, pero kahit gano'n..." humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy, "maaasahan ninyong tatratuhin ko nang maayos ang anak ninyo. Hindi ko siya sasaktan at mas lalong poprotektahan."
Tahimik ang lahat pagkatapos kong magsalita. Ang ama ni Cindy ay bahagyang tumango, parang sinusukat kung gaano ka seryoso ang tono ko. Si Dad naman ay napasulyap sa akin, halatang hindi makapaniwala na ako ang nagsasalita ngayon... ang anak niyang ilang linggo lang ang nakalipas ay pilit umiiwas sa kasal na ito.
Samantalang si Cindy... Tahimik pa rin. Pero nang sulyapan ko siya ay nakita ko ang bahagyang pagkilos ng kanyang labi... isang halos hindi maintindihang ngiti, kasabay ng mahinang pag-iwas ng kanyang tingin.
"But I have to set rules, para na rin kay Cindy." Sabi ko at agad silang napatingin sa akin lalo na si Dad, na halatang nagulat sa tono kong seryoso.
"What kind of rules?" Tanong niya, nakakunot ang noo.
"First," sabi ko habang diretso ang tingin ko sa kanila, "dapat walang ibang makaalam sa kasal naming dalawa." Sabay lingon ko kay Dad. "Kahit pa mga kapatid ko. This marriage- tayo lang dapat ang nakakaalam."
Tumango siya agad, bagama't halatang may alinlangan.
"Second," nagpatuloy ako at bahagyang tumikhim. "Gawin natin 'to professionally, bilang kasunduan lang. No pressure, no expectations."
Napatingin ako kay Cindy. Tahimik siya pero malinaw sa mukha niyang sinusuri ang bawat salitang binibitawan ko.
"Third..." saglit akong tumigil, huminga ng malalim bago magpatuloy, "once the contract ends, we'll both be free. No obligations, no guilt. Pero habang kasal pa kami, kahit peke, I'll still fulfill my part as a wife- protecting her, respecting her, and making sure no one hurts her."
Tahimik ang lahat. Si Dad ay bahagyang tumango, tila tanggap ang bawat kondisyon.
Ngunit si Cindy ay nakatingin pa rin sa akin. Walang salita, pero sa mga mata niya, may halong pagtataka, may tanong, at marahil... kaunting pagkalito.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, pero sa sandaling 'yun, malinaw lang sa akin ang isa... kapag pumayag siya, hindi lang ito magiging kontrata. Ito ang magiging simula ng isang bagay na hindi ko na kayang kontrolin.
"Why are you making the rules?" Tanong ng ama ni Cindy, may halong pagtataka at bahagyang pagtaas ng kilay.
Ngumiti ako ng mahinahon. "Kasi mahalaga sa akin ang privacy ni Cindy." Sagot ko sabay tingin sa kanya.
Tahimik ang buong mesa. Tanging tunog lang ng hangin mula sa aircon ang maririnig. Si Cindy ay nakayuko lang, waring iniisip ang bawat salitang binitawan ko.
Tumikhim si Dad "Alright," aniya at may bahagyang ngiti. "Let's settle this and sign the contract."
Dahan-dahan kong inabot ang dokumento habang ang tibok ng puso ko ay parang umuugong sa tenga ko. Nang mapirmahan ko na ang dokumento, naramdaman kong may kung anong bigat ang gumaan sa dibdib ko... pero sa parehong sandali, may bago ring kabigatan na tumubo sa puso ko.
Pag-angat ko ng paningin ay nakita kong nakatingin si Cindy sa akin. Walang salita, walang emosyon... pero sa mga mata niya ay may bagay akong hindi maipaliwanag... isang tanong na hindi niya kailangang bigkasin para maramdaman ko.
Tahimik akong napalunok, pilit na iniiwas ang tingin mula sa kanya habang pumipirma rin siya sa kontrata. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay, pero hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil ayaw niya talagang gawin ito.
Nang matapos siya ay dahan-dahan niyang ibinaba ang dokumento saka tumingin sa kanyang mga magulang. "It's done." Mahinahon niyang sabi.
Tumingin sa amin ang ama ni Cindy at tumango. "Good. We expect both families to cooperate in keeping this confidential."
Tumayo si Dad at nakipagkamay sa kanila. "Of course. We'll handle everything discreetly."
Nang matapos ang usapan ay unti-unti nang nagsialisan ang mga magulang namin, naiwan kaming dalawa sa mahabang mesa... tahimik, parang wala nang dapat sabihin pero ang dami pa ring gustong isigaw ng isip ko.
"Cindy-" bungad ko pero agad niya akong pinutol.
"I'll follow the rules," malamig niyang sabi, habang inaayos ang mga papeles sa harap niya. "No one has to know. No one has to ask."
Tumango ako. "Good."
Pero bago siya tuluyang tumayo, saglit siyang lumingon sa akin. "Just one thing," sabi niya, kalmado pero matalim ang mga mata. "If you're going to protect me... make sure you don't fall in love with me."
Nabingi ako sa mga salitang 'yun. Ang tipid niyang ngiti bago siya lumabas ng silid ay parang kutsilyong bumaon ng direkta sa puso ko dahil sa totoo lang... baka huli na ang lahat.
-
Kinabukasan ay dumating ako sa bahay ni Cindy bitbit ang ilang maleta at mga kahon ng gamit. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang nagpumilit na ako ang lumipat sa bahay niya... dapat nga ay baliktad, pero ayon sa kanya ay mas convenient daw.
Paglapit ko sa gate, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng tahimik, maayos na harapan ng bahay. Minimalist. Walang kalat, walang kulay... parang eksaktong repleksyon ng may-ari.
Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin si Cindy. Naka-plain white shirt at shorts lang siya, nakatali ang buhok at halatang bagong gising pa.
"Come in." Sabi niya, walang emosyon, pero may bahagyang paos sa boses na halos ikapintig ng tenga ko.
Tahimik akong pumasok, sinundan siya hanggang sa sala. "You didn't have to make me move here." Sabi ko habang inilalapag ang mga gamit sa gilid.
Tiningnan niya ako saglit, saka nagkibit-balikat. "Mas madali kung magkasama na tayo sa iisang bubong. Besides," sabay tungo niya sa kusina, "ayokong nakatira ka sa iba. I don't like the idea."
Napakurap ako, hindi sigurado kung narinig ko ba nang tama 'yung huling linya. "Wait- hindi mo gusto?" Tanong ko at bahagyang nakataas ang kilay.
Huminto siya sandali at lumingon. "Yes. If you're my wife kahit sa papel lang- I should at least know where you sleep."
My heart almost dropped. Ang linya niya, simple lang... pero para sa akin, tunog panimula ng gulo.
Natigilan ako sa sinabi niya. If you're my wife, I should at least know where you sleep. Ang casual niyang bitawan, pero sa tono at paraan ng pagkakasabi ay parang sinadyang iwanan akong walang maibalik na sagot.
"Uh... right," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib. "So, saan ako... uh, saan ako matutulog?"
Tumaas ang kilay niya saka naglakad papunta sa hagdan. "Come on." Maikling sabi niya na parang utos pa rin kahit ordinaryo lang ang boses. Sinundan ko siya pataas dala ang maleta, habang ang bawat hakbang ko ay parang tumatagal ng sampung segundo dahil sa kaba.
Pagdating namin sa dulo ng hallway, binuksan niya ang isang pinto. "Here. Guest room. Malapit lang sa kwarto ko."
Napatingin ako sa kanya. "Bakit hindi mo ako tabihan na lang?" Biro kong sabi, pilit pinapagaan ang tensyon.
Lumingon siya, nakataas ang isang kilay. "You wish." Sagot niya.
"How about that room?" Tanong ko habang tinuturo ang kwarto ng katapat ng akin. Napansin kong nakasara ito at may kakaibang aura... parang may lihim na hindi dapat galawin.
Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ng pinto, bago ibinalik ang malamig na tingin sa akin.
"That room is restricted," mahinahon pero mariing sabi niya. "You are not allowed to enter that room. Do you understand?"
Napakurap ako at bahagyang natawa. "Wow, parang may treasure ka diyan ah. Secret office? Or..." sinadya kong huminto at ngumiti ng pilyo, "love dungeon?"
Tumaas ang kilay niya, halatang hindi natuwa sa biro ko. "Emmett." Sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko, parang boses ng principal na nagsasaway ng pasaway na estudyante.
"Okay, okay," mabilis kong tugon sabay taas ng dalawang kamay bilang pagsuko. "Noted. No entry. Restricted area. Bawal ang curious minds."
"Good," sagot niya at naglakad papunta sa pinto para tiyaking nakasara ito ng maayos. Ilang segundo siyang tumitig doon, bago bumulong ng halos hindi ko narinig, "Some things are better left untouched."
Hindi ko alam kung bakit, pero sa sandaling 'yun ay para bang mas lumamig ang hangin sa paligid. Imbes na tumawa ay napalunok ako. May kung anong misteryong bumabalot sa kuwartong 'yun at sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ay pumasok ako sa kwartong itinuro ni Cindy at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Tahimik ang buong bahay... masyadong tahimik para sa laki nito.
Habang inaayos ko ang mga damit sa cabinet ay napatingin ako sa paligid. Malinis, maayos, walang kahit anong bakas ng ibang tao. Weird, sa laki ng bahay na ay dapat may isang katulong man lang, o guard na nagbabantay sa labas. Pero wala.
Lumabas ako sandali sa balkonahe ng kwarto at sinilip ang bakuran. Walang tao. Wala ring ingay, kahit aso o kapitbahay. Para bang ang buong lugar ay sinadyang ihiwalay sa mundo.
Nang bumalik ako sa loob ay napahawak ako sa baba. "Strange," mahina kong sabi sa sarili. "Walang katulong, walang guard... kahit si Manang na dati kong nakikitang kasama niya, wala."
Humugot ako ng malalim na hininga. Sa dami ng taong gusto manakit kay Cindy, bakit parang siya pa itong walang pakialam sa seguridad niya?
Habang iniisip ko 'yun ay biglang may mahinang tunog akong narinig mula sa kabilang kwarto- 'yung restricted room na sinabi niyang huwag kong papasukin. Parang mahina lang, pero malinaw... tunog ng kaluskos, o marahil, isang mahina pero tiyak na paggalaw ng kung sino man.
Napatingin ako roon at napakunot ang noo. "Baka hangin lang..." bulong ko at pilit kinakalma ang sarili.
Weekend, tulog lang ako buong hapon. Pagod na pagod ako at halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Kinagabihan ay nagising ako at napansin kong patay lahat ng ilaw sa labas ng kwarto. Hinanap ko agad ang switch, pero kahit saan, madilim pa rin- patay ang ilaw sa buong bahay.
Nilibot ko ang paningin, ramdam ko ang kakaibang katahimikan. Parang walang buhay sa loob ng malawak na bahay na ito. Bawat hakbang ko sa sahig ay parang umaalingawngaw sa katahimikan.
Nag-ikot ako hanggang sa mapunta sa poolside. Dito ko nakita si Cindy, nakaupo sa gilid, pinaglalaruan ang tubig gamit ang mga paa habang unti-unting umiinom ng alak. Mula sa distansya, malinaw ang lungkot sa kanyang mukha. Alam kong iniisip niya na naman ang kapatid ko.
Gusto ko sana siyang lapitan, pero pinipilit kong igalang ang kanyang privacy. Bumalik ako sa loob, dumiretso sa kitchen at nagpasya na magluto ng dinner. Pero nang buksan ko ang refrigerator ay bigla akong napahinto.
Walang laman... walang kahit ano. Maliban sa tubig.
"Damn... paano ka nabubuhay sa ganito?" Bulong ko sa sarili at napangiti ng mapait sa halip na mainis.
Umakyat ako kaagad sa aking kwarto at kinuha ang susi ng sasakyan saka wallet. Palabas na sana ako ng bahay nang bigla akong tumigil at bumalik sa may pool side, dahan-dahan akong lumapit kay Cindy at huminto sa kanyang gilid.
"Hi." Bati ko at kaagad siya nag angat ng tingin sa akin.
"Hey." Balik niya at muling itinuon ang atensyon sa tubig.
"Gusto mo sumama sa akin?" Mahinahon kong tanong. Imbes na tanungin siya kung bakit umiinom ay mas pinili ko ang tanong na alam kong ma da-divert ang atensyon niya.
"Hmm?" Sagot niya pero hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Groceries. I was about to cook, pero puro tubig laman ng refrigerator mo." Sagot ko at mahinang natawa.
Sa pagkakataon na ito ay tumingala siya sa akin. "Oh, I'm sorry." Sagot niya.
Umiling ako saka inilahad ang kamay ko, pero tiningnan niya lang ito kaya binawi ko kaagad.
"Gusto mo sumama? Para alam ko gusto mo." Tanong ko.
Tahimik lang si Cindy sa loob ng ilang segundo, parang nag-iisip kung sasama ba siya o hindi. Kita ko sa mga mata niyang may pag-aalinlangan, pero may halong pagod din... parang gusto niyang kahit sandali, makalimot.
"Okay." Mahinang sagot niya sa huli, sabay lagok pa ng alak bago inilapag ang bote sa tabi. Tumayo siya, inayos ang buhok at saka lumakad papasok ng bahay.
Sumunod ako, hindi nagsasalita. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit parang nakahinga ako ng maluwag nang pumayag siyang sumama.
Ilang minuto lang, bumaba siya suot ang simpleng gray hoodie at shorts. Walang make-up, pero damn- kahit ganito lang siya ay nakaka-distract pa rin.
"Let's go?" Tanong niya habang inaayos ang tali ng buhok.
"Let's go." Sagot ko sabay labas ng bahay. Binuksan ko ang kotse at agad siyang sumakay sa passenger seat. Tahimik kami sa biyahe, maliban sa tunog ng aircon at mahihinang tugtog sa radyo.
Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Nakatingin siya sa labas ng bintana, parang ang daming gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano.
"Do you always drink alone?" Tanong ko sa dulo, mahinahon, pero sapat para mapalingon siya.
Ngumiti siya ng may pait. "Sometimes, it's the only way to feel something."
Walang nasagot ang dila ko. Kaya imbes na magtanong pa, nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho.
Sa loob-loob ko ay isang bagay lang ang malinaw, hindi ko alam kung anong klase ng giyera ang nilalabanan ni Cindy, pero sigurado akong gusto kong manatili para tulungan siyang makahanap ng kapayapaan.
Pagdating namin sa grocery ay halos walang tao... mag-aalas-nwebe na ng gabi. Tahimik lang ang paligid, tanging tunog lang ng mga gulong ng cart at mahihinang musika mula sa speaker ng tindahan. Kumuha ako ng cart at walang sabi-sabing itinulak 'yun habang si Cindy ay naglalakad sa tabi ko, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang hoodie.
"Alright," sabi ko habang kinuha ang isang basket ng prutas. "Gusto mo ba ng apples o oranges?" Tanong ko, tinitingnan siya.
Nagkibit-balikat siya. "Either is fine."
"Hindi, choose one. This is for you." Ngumiti ako ng bahagya.
Saglit siyang napaisip bago ngumuso sa apples. "Apples."
"Okay, apple princess." Ngumisi ako habang naglalagay ng ilang piraso sa cart.
Naglakad kami papunta sa section ng pasta. "Carbonara or spaghetti?" Tanong ko ulit.
"Carbonara," sagot niya agad. "But not too creamy."
"Got it. Noted, madam." Biro ko habang kinukuha ang mga ingredients- cream, bacon, pasta, parmesan. Pinagmamasdan ko siya at napansin kong unti-unti siyang nare-relax.
Habang nasa frozen section kami, tinuro ko ang ice cream. "How about this? Gusto mo ba ng ice cream?"
"Hmm... depends. May mint chocolate chip?" Sagot niya ng mahina.
Ngumiti ako at tumango. "Of course. Mint chocolate chip for the Queen."
Kinuha ko agad ang flavor na gusto niya at nilagay sa cart. Napailing siya, pero halatang kinikilig kahit pinipigilan. "You don't have to call me that." Sabi niya.
"I don't have to," sagot ko sabay tumingin sa kanya, "but I want to."
Pagdating namin sa snacks section, siya na ang kusang kumuha ng paborito niyang chips at chocolates.
"You like these?" Tanong ko.
"Yeah. Sometimes, when I can't sleep."
"Then let's take two." Sabay lagay ko ng isa pang pack sa cart.
Habang papunta na kami sa cashier, napansin ko ang isang maliit na stall ng bulaklak sa loob ng grocery. Hindi ko alam kung bakit, pero kinuha ko ang isang maliit na bouquet ng baby's breath at inabot sa kanya.
"For you." Sabi ko.
Napatingin siya sa akin, tila nagulat. "Wala namang okasyon."
"Wala nga," sabi ko, "but you looked like you needed something pretty tonight."
Tahimik siya sa loob ng ilang segundo bago tinanggap ang bulaklak. "You're weird, Professor Emmett."
Pagkatapos namin sa snacks, nagtuloy kami sa meat section. Malamig sa lugar- halatang galing sa mga freezer ang hanging dumadampi sa balat. Kinuha ko ang isang tray ng chicken breast.
"Adobo tayo bukas? Gusto mo chicken o pork?" Tanong ko.
"Hmm..." nag-isip si Cindy habang nakahawak sa gilid ng cart, ang mga mata'y seryosong nakatingin sa mga karne sa harap. "Chicken. Mas gusto ko ng manok kapag adobo."
"Ah, so chicken type ka pala." Tumango ako na parang seryoso rin, pero may halong biro. "Pero just to be sure..." Kumuha ako rin ng pork belly at nilagay sa cart. "In case magbago isip mo."
Napatingin siya sa akin, nakataas ang kilay. "Hindi naman ako pabago-bago."
"Hindi pa siguro," sagot ko sabay ngiti. "Pero kung sakaling magbago, prepared ako."
Umiling siya. "You talk too much."
"Only when I'm with someone worth talking to."
Natahimik siya. Para bang hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nagkunwari na lang siyang busy sa pagpili ng karne. Pero nakita ko ang dulo ng kanyang tenga, namumula.
Kumuha pa ako ng beef slices. "Gusto mo rin ba ng bulgogi? I can cook that too."
"Marunong ka?"
"I survived college by cooking for myself." Sagot ko. "At least, no one died from it."
"Alright, you can cook bulgogi then. I'll judge if it's edible." Hamon niya.
"Challenge accepted," sagot ko sabay turo sa kanya ng tongs. "Ikaw naman, anong gusto mo for dessert? Gusto mo bang ikaw pipili?"
Kinuha niya ang tongs mula sa akin. "Fine. Let's see if you'll like what I pick."
Naglakad siya papunta sa bakery section at kumuha ng dalawang maliit na strawberry shortcake. "This one," sabi niya. "Sweet but not too much. Perfect for someone who talks too much."
Napangiti ako. "You're teasing me now, huh?"
"Just balancing things out." Sagot niya.
Pagkatapos sa meat section ay nagtungo kami sa gulayan. Amoy lupa at sariwang dahon ang paligid at bawat kulay ng mga prutas at gulay ay parang nabubuhay sa ilalim ng malamlam na ilaw ng grocery.
Kinuha ko ang isang basket para sa mga gulay. "Okay," sabi ko, "time for the healthy part. Gusto mo ng sitaw o kangkong?"
"Depende," sagot ni Cindy habang marahang tumitingin sa mga repolyo. "Ano lulutuin mo?"
"Depende rin," sagot ko sabay turo sa kanya ng sitaw. "Pwede kong gawing adobong sitaw, ginisang ampalaya, o sinigang. Pero ikaw bahala... gusto mo ba ng maasim, mapait, o may toyo?"
Napaisip siya. "Maasim. Gusto ko ng sinigang."
"Perfect. Sinigang na baboy then." Sagot ko, sabay kuha ng mga kangkong leaves at labanos. "Gusto mo ba may gabi?"
"Of course."
"Okay, noted." Nilagay ko ang mga 'yun sa basket saka kumuha rin ng okra at talong. "This one... para sa adobo version two."
"Wait," sabi niya habang nakataas ang kilay. "Plano mo bang magluto ng lahat 'yan sa isang araw?"
"Hindi naman." Sagot ko habang tinitingnan ang mga kamatis. "Pero alam mo, kapag ikaw kasama ko ay parang gusto ko na ring araw-araw magluto."
Napatingin siya sa akin, tila nagulat. "You're saying that again?"
"Hmm? Saying what?" Tanong ko, kunwari clueless.
"That line. Kapag ikaw kasama ko.'"
Ngumiti ako, bahagyang yumuko para makuha ang mga sili sa pinakailalim. "Eh kasi totoo naman."
Tahimik siya sandali bago nagsalita. "You really don't know how to shut up, huh?"
"Only when you look that cute holding a lettuce." Sagot ko sabay turo sa kamay niyang may hawak ng lettuce head.
Napalunok siya at mabilis na ibinalik 'yun sa basket, halatang nagulat. "I-I'm just checking it."
"Sure." Sagot ko habang pinipigilan ang ngiti.
Kinuha ko pa ang ilang prutas... mansanas, peras, at saging. "Para healthy tayo. Gusto mo ng watermelon? Perfect 'to after dinner."
"Hmm, okay." Sagot niya sabay abot ng isa. "Pero ako maghihiwa."
"Deal," sabi ko. "Pero huwag mo akong saksakin ha."
Natawa siya ng bahagya, isang malambot na tunog na halos pabulong lang.
Sandaling 'yun, habang pinagmamasdan ko siyang nag-aayos ng mga gulay sa cart, naisip ko na ang simpleng grocery trip na 'to ay parang date na rin. Tahimik, natural, at totoo.
Pagdating namin sa bahay ay dumiretso ako agad sa kusina dala ang mga pinamili. Nilapag ko ang mga grocery bag sa counter at nagsimula maglabas ng mga karne at gulay.
Habang abala ako sa paghahanda ay napalingon ako nang marinig ang tunog ng refrigerator- si Cindy, nakasandal sa pinto habang kumukuha ng tub ng ice cream.
"Wow," sabi ko, "hindi pa nga ako nagsisimula magluto, dessert agad?"
Sumubo siya gamit ang kutsara. "Dinner can wait." Sagot niya, malamig pa rin ang tono pero halatang may ingat.
Lumapit ako at tumingin sa label ng ice cream. "Triple chocolate fudge? Seriously, Cindy? Tatlong chocolate sa isang tub?"
"Don't judge me, Professor." Tinakpan niya ang ice cream at itinago ng bahagya sa likod niya na parang tinatago sa estudyanteng magrereklamo.
Umiling ako. "Hindi ako nagja-judge, concerned lang ako. Gusto mo bang mapalitan 'yang dinner ng appointment sa dentist?"
Napataas ang kilay niya. "You're exaggerating."
"Maybe," sagot ko habang nilalagay ang mga sangkap sa counter. "Pero kung magtatago ka pa ng isa pang tub ng ice cream sa freezer, I'm calling it an addiction."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Fine, last spoon."
"Promise?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
She sighed sabay abot sa tub ng ice cream. "Fine."
Kinuha ko 'yun, nilagay sa freezer at ngumiti. "Good. Now, what do you want for dinner? Sinigang or adobo?"
Nag-isip siya saglit. "Sinigang."
"Perfect," sabi ko habang nag-aayos ng mga sangkap. "Sinigang na baboy it is. Pero ikaw, no more ice cream habang nagluluto ako."
"Bakit? May rule din ba sa bahay?" tanong niya habang nakaupo sa counter, pinapanood akong maghiwa ng sibuyas.
"Yup," sagot ko sabay tingin sa kanya. "Rule number one: bawal mag-yelo habang may nagluluto."
She scoffed. "Ano 'yun, safety rule?"
"Health rule," sabi ko. "Ayokong magkasakit 'yung asawa ko dahil sa ice cream."
Natameme siya sandali, bago sumagot ng mahina, "Over." Sabay ikot ng kanyang mga mata.
Ngumiti ako, bahagyang sumulyap sa kanya. "Good girl."
Habang kumukulo na ang sabaw ng sinigang, naamoy ko na ang halimuyak ng baboy na hinaluan ng tamarind mix. Napasinghap ako at ngumiti- perfect timing. Sa gilid ng counter, si Cindy naman ay nakaupo pa rin, tahimik pero nakasunod ang tingin sa bawat kilos ko.
"Gusto mo tikman?" Tanong ko sabay kuha ng maliit na sandok at inilapit sa kanya.
Nag-aatubili pa siya sa una. "Mainit pa 'yan."
"Don't worry, hindi ko naman nanaisin na mapaso ka." Sagot ko sabay ihip sa sandok para lumamig. "There. Try it."
Bahagya siyang yumuko at tinikman 'yun saka marahang lumunok. "Hmm..."
"So?" Tanong ko, parang estudyanteng hinihintay ang grade ng teacher niya.
"Too sour." Sagot niya.
"Too sour?"
"Just right," sagot niya ulit. "Actually... masarap."
Napatitig ako sa kanya. "Did you just say masarap?"
"Don't push it." Sabi niya sabay iwas ng tingin.
Lumapit ako ng konti at bumulong, "Noted, masarap kapag ako ang nagluluto."
Pinandilatan niya ako ng mata. "Cocky."
Habang naghahain ako ng pagkain sa mesa ay hindi ko maiwasang mapansin kung paano siya nagmamasid... parang sinusubukang maintindihan kung paano ko nagagawa ang mga simpleng bagay na parang sanay na akong mag-alaga.
"Not tired?" Tanong niya habang inaabot ko ang plato sa kanya.
"Pagod?" Umupo ako sa tapat niya. "Siguro konti. Pero worth it naman kapag may kasabay akong kumain."
"Kasabay?" Tanong niya habang naglalagay ng kanin.
"Kasabay kakain- depende sa mood."
Habang kumakain kami ay puro katahimikan lang sa pagitan namin, pero hindi 'yung nakakailang na katahimikan... parang tahimik na komportable. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami tapos sabay iwas pareho.
Nang matapos kami, siya pa mismo ang nagligpit ng mga plato.
"Hey," sabi ko, "ako na d'yan."
"Relax," sagot niya habang nagsasabon. "I don't know how to cook, but at least I know how to wash the dishes."
"Hmm. Pwede na rin. Division of labor."
Napahinto siya saglit saka napatingin sa akin. "You're weird, Emmett."
Ngumiti ako. "Weird is better than boring."
Itong simpleng gabi, itong hapunan na puno ng mga simpleng titig... ito na yata ang pinakamasayang investment na nagawa ko sa buong buhay ko.
Pagkatapos naming magligpit at maghugas ng mga plato, sinundan ko si Cindy palabas sa may poolside. Gaya kanina, naupo siya sa parehong pwesto... 'yung gilid ng pool kung saan niya nilalaro ang tubig at nagrereflect sa mukha niya. Tahimik lang siyang nagbukas ng bote ng alak, ibinuhos sa baso at uminom ng dahan-dahan.
"Thinking of her again?" Tanong ko sabay tipid na ngiti habang pinagmamasdan siyang tahimik na nagbubuhos ulit ng alak sa baso.
Hindi agad sumagot si Cindy. Tinitigan niya lang 'yung tubig, parang may hinahanap doon na sagot. "Yeah." Mahina niyang tugon.
Ngumiti ako, pilit na binabawi ang bigat ng tono. "Ang swerte ng kapatid ko sayo." Sabi ko sabay lagok ng alak.
Umiling siya, kasabay ng mapait na ngiti. "Nope. Ako ang swerte sa kanya," sagot niya. "Pero pinakawalan ko siya... kasi akala ko, 'yun ang tama."
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. Naghintay lang ako hanggang sa nagpatuloy siya, marahan pero puno ng bigat bawat salita.
"Hindi ko gustong ikulong siya sa relasyon namin," sabi niya tinatapik ang labi ng baso gamit ang daliri. "Alam kong mahal niya si Lorelei... matagal na. Ramdam ko 'yun kahit hindi niya sabihin. And I don't want to be the reason she feels guilty. So I let her go- even though, truth is, I wanted to fight for her."
Huminga ako nang malalim. "So you chose to hurt yourself para lang hindi siya masaktan?"
Napangiti siya, pero walang saya. "Maybe. Or maybe I just chose to look strong... even when I was already breaking inside."
Tahimik kami sandali. Ang tanging maririnig ay 'yung mahinang hampas ng tubig sa gilid ng pool.
"Alam mo," sabi ko habang pinagmamasdan ko siya, "minsan 'yung mga taong marunong bumitaw ay sila rin 'yung sobrang mapagmahal."
Napatingin siya sa akin. Sa mga mata niya, may kirot at may pagod, pero may katotohanang hindi na niya kayang itago.
"Siguro nga," mahina niyang sabi. "Pero hindi ibig sabihin no'n, tumigil na 'yung pagmamahal."
Tumango ako at sa pagitan ng katahimikan ay nagtagpo ulit ang mga tingin namin. Huminga ako ng malalim bago inubos ang laman ng baso.
"You know, I was the same with Jem before. I loved her so much that I completely lost myself... and ended up making a mistake I still carry with me until now." Kwento ko. Ayaw ko na sana balikan, pero may gusto akong ipaintindi sa kanya.
"No one helped me. No one ever tried to understand me. I was locked away for so long, kept away from everyone... it was unbearable. Until one day, I finally realized all the mistakes I had made." Tumingala ako sa langit at muling huminga ng malalim.
"I realized that I was the one who ended up miserable. I became the villain in every decision I made. Yes, I loved... but I was blind. It took me a long time to finally understand that I deserve to be happy, to be loved without having to share that love with someone else." Dagdag ko.
Tahimik lang si Cindy pero ramdam ko ang kanyang titig sa akin.
"I really thought I was okay. I even promised myself that I would never fall in love again." Sunod kong sabi at natawa sa sarili.
Nilingon ko siya. "But everything changed the day Ag introduced you to me... the same day you also introduced your best friend to me." Pagtatapat ko.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso, tila naninigas ang buong katawan habang nakatingin lang sa akin. Halos marinig ko ang bigat ng bawat tibok ng puso ko sa pagitan naming dalawa.
"What do you mean?" Mahina niyang tanong.
Napangiti ako ng mapait. "Ang ironic diba? Siya 'yung babaeng minahal ko nang sobra, pero ikaw 'yung taong nagpamukha sa akin kung gaano kalalim ang salitang pagmamahal... kung gaano ito kasakit, at kasabay no'n, kung gaano rin ito kaganda."
Umiling siya ng marahan, parang hindi makapaniwala. "Emmett..."
Ngumiti ako ulit, pero may lungkot na sa mga mata ko. "Don't worry, hindi ito confession. Alam kong may sarili kang laban, Cindy. Pero gusto kong malaman mo na naiintindihan kita. Alam ko 'yung pakiramdam ng mawalan, 'yung ayaw mong masaktan 'yung mahal mo kaya ikaw na mismo ang bibitaw. Kaya alam ko rin kung gaano ka nasasaktan ngayon."
Tahimik siya. Walang imik, pero ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng pader na matagal na niyang itinayo.
"Alam mo," tuloy ko, "hindi ko sinasabing pareho tayo ng pinagdaanan, pero pareho tayong sugatan. Ang difference lang ay ako, tinanggap ko na hindi ko kailangang ayusin lahat. Minsan, kailangan mo lang harapin 'yung sakit para matutong magmahal ulit."
Muli siyang tumingin sa akin at hindi umiwas. "And what if I can't love again?" Mahina niyang tanong at nanginginig pa ang boses.
Ngumiti ako ng malambing, 'yung totoo. "Then let me stay beside you until you can."
Tuluyan siyang hindi nakapagsalita kaya muli ko siya binigyan ng matamis na ngiti.
"I'm also the safest place you'll ever find." Malambing kong salita.
Bigla niyang iniwas ang ulo at itinuon ang atensyon sa tubig saka inubos muli ang laman ng kanyang baso.
"Je t'avais prévenue... ne tombe pas amoureuse de moi. Tu es bien trop dangereuse, Professeure Albrecht." (I warned you... don't fall in love with me. You're far too dangerous, Professor Albrecht.)
Mahinang salita niya, pero sapat na ito para marinig ko ng malinaw. Tiningnan ko si Cindy at nakitang namumula ang kanyang tenga.
Lihim akong napangiti.
I just want you to be happy again. To see your smile every day... not the careful one, not the polite one, but the one that reaches your eyes and lights up your whole being.
I want to take away all the pain you carry, the weight of memories and hurt that you try so hard to hide. I want to fill the empty spaces in your mind with calm, with warmth, with a quiet that tells you... you are safe, you are loved, you are seen.
If I could, I'd gather every shadow of your past and trade it for laughter, for light, for freedom from everything that ever hurt you. Even if it takes time. Even if it's messy. Even if it costs me more than I'm ready to give, I'd do it- all just to see you smile.
Because when you truly smile... really smile... it's like the world softens, like every wrong can be made right. And I realize now, quietly, that I would give everything just to be the reason for that.
"Haha," mahina akong natawa, "hahaha." Ulit ko.
"What's funny?" Biglang tanong ni Cindy.
Napailing ako.
How I wish... how I wish I could let you hear all the words I've been keeping... every thought, every feeling I never had the courage to say out loud.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip