ʏᴇᴀʀɴɪɴɢ ꜰᴏʀ ʜᴇʀ : ɪᴏɪᴄʙᴇ (ꜱᴀᴘᴘʜɪᴄꜱ)
CHAPTER 48 : Love, On Pause
-
Dali-dali akong umuwi ng bahay, halos hindi na kinaya ng dibdib ko ang lahat ng natuklasan ko ngayong gabi. Pero higit sa lahat ay ang pagtataksil ni Cindy. Masakit. Sobrang sakit. Isipin na nagawa niya 'to sa akin matapos kong ibigay ang lahat-lahat ng kaya ko.
Umiiyak ako habang nagmamaneho. Hindi ko akalain na mangyayari ulit ito sa akin sa ikalawang pagkakataon. Noong una kay Jem. Ngayon naman kay Cindy. Pero mas masakit ngayon, dahil pinangako niya sa akin na tatapusin niya ang lahat. Pero palabas lang pala ang lahat ng 'yun.
Matapos ang mahabang biyahe, nakarating din ako sa bahay. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, sinalubong na ako ng amoy ng masarap na lutong nagmumula sa kusina. Naikuyom ko ang kamao ko at kinagat ang ibabang labi, saka dahan-dahang naglakad papasok.
Pagsilip ko, nakita ko agad si Cindy na nakangiti, abala sa pagluluto ng hapunan. Humugot ako ng malalim na hininga at pinunasan ang mga luhang bigla na lang pumatak mula sa aking mga mata. Alam kong sobra na akong nasasaktan, mixed emotions. Pero parang wala na akong lakas para makipagtalo. Wala na akong gana sa kahit ano. Lalo na't mamamatay din naman ako.
Bigla siyang napalingon at nagulat nang makita ako.
"Emmett," malambing niyang tawag.
Muling namuo ang luha sa mga mata ko. Sobrang lambing. Sobrang ingat sa pagbigkas ng pangalan ko at 'yun ang mas masakit. Para bang bawat tunog ay mas lalo lang dumidiin sa dibdib ko.
"H-Hey... what happened? Why are you crying?" Halata ang taranta sa boses niya habang mabilis na lumalapit.
Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong itanong kung bakit niya kailangang lokohin ako. Kung ano ang nagawa kong mali. Minahal ko lang naman siya. Ginawa ko ang lahat ng kaya ko para sa kanya, para sa amin. Alam niya ang trauma ko noon kay Jem. Alam niya kung gaano kasakit ang mapagtaksilan. Pero bakit kailangan niya ring gawin sa akin? Ano bang mali sa akin? Ano bang kulang? Bakit lahat ng minamahal ko ay nauuwi sa panlilinlang?
"Ma chérie... please tell me," mahinahon niyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko at pinapahid ang mga luha.
I am furious, but the anger has nowhere to go. It circles inside me like a storm with no sky to break through. I told myself I should be mad at her. I rehearse the words in my head, sharp and cruel, the kind that could cut just to prove I still can.
I want to curse her for the confusion, for the silence, for the way she can hurt me without ever raising her voice. I want to ask her how easily she can stand there while my heart is unraveling. I want to question her love, to demand proof, to force clarity out of the chaos she leaves behind.
I want to scream, DO YOU EVEN LOVE ME THE WAY I LOVE YOU? I want to ask why loving her feels like bleeding quietly. But every time I get close, every time the anger reaches my lips... it dissolves. Not because the pain disappears, but because love arrives first. Softer. Stronger. Ruthless in its own way.
I look at her, and suddenly my anger feels like a betrayal I cannot commit. As if hurting her back would undo everything I have ever meant when I said her name. So I swallow the words. All of them. I let the rage turn inward, let it bruise me instead. I choose silence over accusation, endurance over confrontation. Not because I am weak, but because loving her has taught me a cruel kind of patience. The kind that says it's okay if I hurt, as long as she doesn't have to.
I love her so deeply that even my anger learns to kneel. Even my pain chooses her. And in the end, I do not curse her. I do not question her.
Umiling ako bago yumuko at marahang humalik sa kanyang labi.
"Nothing to worry about," bulong ko. "It's just that... you look like a certified wife."
Pag-angat ko ng mukha ko, namumula na siya. Kita ko ang pagkailang at hiya sa kanyang mga mata. Huminga ako nang malalim, saka ibinuka ang mga braso ko at sinamahan ng isang matamis na ngiti.
"Come," sabi ko nang malambing. "I'll give you a big hug as a reward."
Hindi na siya nagsalita. Hindi rin nag-atubili. Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit, parang takot na pakawalan ako. At sa mga sandaling 'yun, hinayaan kong yakapin niya ako kahit alam kong ako ang mas nangangailangan ng yakap na 'yun.
Yes, she betrayed me. There's no other word for it. It hurts, and I won't deny that. But even then, it's still not enough for me to hate her. Not enough to erase the love I've built for her through all the years of choosing her, over and over again. Everything I went through just to be with her, every sacrifice, every quiet endurance, every moment I chose love over pride- cannot be destroyed by this one truth.
Not like this. Not that easily. Yes, I'm hurting. I feel it in my chest, in the way I breathe, in the silence between us. But despite everything, I still trust my wife. I still believe in her. And deep down, I know she loves me even if she's lost, even if she's afraid, even if she's hiding parts of herself she's not ready to face yet.
I won't force the truth out of her. I won't corner her with questions or demand explanations she's not ready to give. I'll wait. I'll wait for the day she chooses to come to me on her own. The day she looks me in the eye and tells me everything with no fear, no lies, no walls left standing between us.
Loving her means trusting that, someday, she'll be brave enough to tell me the truth.
Buong gabi, kahit isang tanong ay hindi ko nagawa. Hindi dahil sa sarili ko kundi dahil natatakot ako. Natatakot akong kapag nagtanong ako, maririnig ko mula sa mismong mga labi niya ang mga sagot na pinaghihinalaan. Mga salitang hindi lang sasagot sa tanong ko, kundi dudurog sa natitira ko pang lakas.
Kinabukasan, matapos ang therapy ko, dumiretso ako sa underground. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na hindi ako magagalit kay Cindy. Na hindi ko dapat ibunton sa kanya ang bigat ng pagtataksil niya at ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaya nagpasya akong humanap ng ibang paraan, isang paraan para mailabas ang lahat ng naipon sa loob ko.
Sa isang malawak at malamig na silid, naroon sa harap ko sina Brenton, Tristan, at John. Nakaluhod sila sa sahig, ang mga katawan ay nakagapos at kadena, wala nang kahit anong bakas ng dating tapang. Oo, inutusan ko si Ezekiel na tapusin na sila. Ngunit mas pinili kong bawiin ang hustisyang ipinagkait sa amin- hindi sa kamay ng iba, kundi sa sarili kong mga kamay.
Nakatali sa tatlong bakal na upuan ang tatlong lalaki. Pawis na pawis, duguan ang labi, at nanginginig hindi sa lamig kundi sa takot. Hindi nila makita nang malinaw ang mukha ko, nakalubog ako sa anino pero ramdam nila ang presensya ko.
Umatras ako at pinagmasdan ang mga golf club na inabot sa akin ni Ezekiel. Dahan-dahan kong hinaplos ang bawat hawakan, pumipili ng tamang gamit hindi para sa laro kundi para sa hatol. Nang may mapili ako, ngumiti ako ng bahagya at lumayo ng ilang metro mula sa kanilang tatlo.
"Simple lang ang patakaran," malamig kong paliwanag habang iniikot ang club sa kamay ko. "Kung sino ang matatamaan, may kapalit." Saglit akong huminto bago ituloy. "Isang Paa o kamay man."
Tumingin ako kay Ezekiel. Tumango siya, walang tanong, walang pagtutol. Inilapag niya ang tatlong bola ng golf sa sahig. Itinaas ko ang paningin ko at tiningnan silang tatlo. Nagpupumiglas sila sa kadena, pilit sumisigaw kahit alam nilang walang lalabas na tunog na may saysay. Ang takot sa mga mata nila ang mas malakas kaysa sa kahit anong hiyaw.
Pumwesto ako sa unang bola. Huminga ako ng malalim. Hindi ako nagmamadali. Ang paghihintay ang bahagi ng parusa.
"Alam nyo," mahinahon kong sabi, "may mga sakit na hindi kayang gamutin ng therapy. May mga galit na kailangang ilabas sa tamang lugar."
Inangat ko ang club. Sa sandaling 'yun ay hindi ko na sila nakita bilang tao. Mga anino na lang ng mga desisyong ginawa nila noon.
"Ready?" Tanong ko at may bahid ng ngiti sa labi.
Sabay-sabay silang umiling. Halos umangat ang mga upuan sa lakas ng pagpupumiglas nila, bakal laban sa laman, takot laban sa pag-asa.
Isang malinis, mabilis na swing ang ginawa ko. Umalingawngaw ang malutong na tunog ng impact. Lumipad ang bola at tumama kay Tristan. Napahinto ang lahat sa isang iglap, at lumawak ang ngisi sa aking labi.
Pumalakpak ako, tumalon pa na parang bata. "Yan! Yan!" Tili ko na may halong halakhak. "Congratulations! ikaw ang unang pinalad." Agad inilabas ng mga tauhan ko ang isang board.
Doon nakahanay ang mga gamit, mga kasangkapang hindi para sa paglikha kundi para sa pagwawasak. Tahimik silang nakalatag, parang matagal nang naghihintay ng kamay na pipili. Abala akong lumundag-lundag papalapit, kunwari ay nag-iisip, kunwari ay naglalaro ngunit malinaw sa akin ang gagawin.
"Hmmm..." bulong ko habang pinagmamasdan ang mga ito. "Tristan, tama?" Sabi ko, kinukumpirma lang ang pangalan. "Ikaw 'yung nambully kay Ag noon, hindi ba?" Saglit akong huminto saka ngumiti. "Yun pa lang, sapat na.
Kumislap ang mga mata ko. Dinampot ko ang unang gagamitin. "Tadaaa!" Masigla kong sigaw at humaharap sa kanila, hawak ang martilyo.
Mahigpit siyang hinawakan ng mga tauhan. Isa sa balikat, isa sa pulso- walang puwang para makawala, walang pagkakataon para umatras. Nakapako ang kamay ni Tristan sa mesa, nanginginig, desperadong pumipiglas kahit alam niyang wala nang saysay.
Tumingin ako sa kanya, hindi galit, hindi galak. Isang malamig na titig ng taong matagal nang nagpasya.
"Isa," mahinahon kong sambit.
Isang marahas at mariin na bagsak ng martilyo ang tumama sa isang daliri niya. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong silid, hindi sigaw ang una kong narinig kundi ang biglang pagkabasag ng katahimikan. Sumunod ang kanyang umuugong na iyak, desperado na parang hayop na sugatan.
Hindi ako kumurap.
Hindi ko binawi agad ang kamay ko. Hinayaan ko siyang magdusa, at sa dalawa pang nakaluhod na ngayon ay hindi na makatingin sa direksyon namin.
"Hindi pa tapos." Malamig kong sabi.
Lumipat ang tingin ko kina Brenton at John. "Makinig kayong dalawa," mahinahon kong paalala. "Bawat tunog na maririnig ninyo ay paalala 'yan na may presyo ang bawat ginawa ninyo."
Tumalikod ako sandali saka muling humarap kay Tristan na halos wala nang lakas.
"Next." Sambit ko.
Muli kong kinuha ang gold club at bumalik sa ikalawang bola na nakapwesto kanina pa, naghihintay ng pagkakataon kung kailan ko ito paliliparin patungo sa tatlong hayop. Inayos ko ang postura ko, yumuko at nag focus sa bola. Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay at sa muling pagkakataon ay tinira ang bola. Pag minamalas ka nga naman, tumama ulit ito sa balikat ni Tristan.
"Daaaaaaamn," mura ko at tinuro si Tristan, binato ang hawak na golf club at muling lumapit sa nakahanay na mga gamit.
"Fuck it, Tristan, anak ka ba ni kamalasan? Haha." Tawa ko at dinampot ang baril.
Papalapit palang ako sa kanya ay nagwawala na siya. Mahigpit pa rin ang kapit sa kanya ng mga tauhan ko at nang huminto akong muli sa kanyang tapat ay nakita ko kung gaano nakakadiri ngayon ang kanyang daliri, pati laman ay lumabas na.
"Weeew," sumipol ako saka inextend ang isang kamay at itinutok sa malapitan ang dulo ng baril sa katabi ng daliring minartilyo ko kanina. "You think mas masakit to kaysa martilyo?" Tanong ko kay Tristan.
"Hmm!! Mhhmm!!"
Tinitigan ko siya sa mga mata at nanlilisik itong nakatingin sa akin.
"Sa tingin mo may magagawa ang mga tingin mo?" Tanong ko.
I squat In front of him, binuksan ang lollipop saka ito kinain sa kanyang harapan. "Hindi ko kasalanan kung malas ka, okay?" Paliwanag ko habang ginagamit ang dulo ng baril para ikamot sa aking kilay.
Nagulat ako nang biglang may sumipa sa aking tagiliran. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa malamig na sahig. Paglingon ko sa kanan ay nakita ko si John, ginamit ang buong bigat ng katawan niya para pigilan ako.
Huminga ako ng malalim. Tumayo ako nang dahan-dahan, pinagpag ang sarili na para bang walang nangyari saka pinulot ang baril sa aking tabi.
"Hays," mahina kong bulong. Mabilis kong itinaas ang baril at kinalabit ang gatilyo.
Isa. Dalawa. Tatlo. Sunod-sunod ang putok, walang pag-aalinlangan, walang emosyon. Hanggang sa wala nang lumabas kahit anong pilit ko sa gatilyo. Tinignan ko siyang nakahandusay na walang buhay, naliligo sa sarili niyang dugo. Binato ko ang baril sa walang buhay na katawan ni John, saka sinipa-sipa ito nang paulit-ulit.
"Boring! Boring! Boring!" Sigaw ko, puno ng galit na kanina pa naghahanap ng lalabasan. "You fucking rapist. You piece of shit. Die. Die. Die. Die." Huminto lang ako nang mapansin kong basa na ng dugo ang paa ko.
"Haaa..." hingal kong sambit, parang saka lang bumalik ang hangin sa dibdib ko.
Tumingin ako kay Ezekiel. "Give me the golf club," malamig kong utos. Mabilis siyang kumuha ng panibago at iniabot sa akin. "Nawalan na ako ng gana makipaglaro," patuloy ko.
"Pin them down. Siguraduhing hindi sila makakagalaw." Utos ko.
Agad silang kumilos. Sapilitang idinapa sina Tristan at Brenton sa paanan ko. Lumapit ako kay Brenton. Luhaan siya. Nanginginig ang buong katawan. Paulit-ulit na umiling, isang tahimik na pagsusumamo na alam naming pareho na wala na siyang pag-asa.
"Bakit kita kakaawaan?" Tanong ko, kalmado pero mabigat. "Naawa ba kayo nang ginago nyo ang mga kapatid ko?" Inangat ko ang golf club at inayos ang postura. "Muntik nyong ipahamak ang mga buhay nila," dagdag ko. "Dapat noon pa kayo tinapos. Pasalamat ka," ngumiti ako ng marahan, "sa kamay ko kayo mamamatay."
Buong lakas kong inundayan ang swing. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw, isang tunog na hindi na kailangang ipaliwanag. Tumama ito sa mukha ni Brenton, sa ulo niya to be exact at narinig kong parang may nabasag o biyak dahil sa sobrang tindi ng impact.
Pumwesto akong muli at inundayan siya ng isa pang malakas na hampas. Umatras ang ulo niya, at doon ko nakita ang dugo na lumabas sa kanyang bibig. Doon ko tuluyang ibinuhos ang lahat- ang galit, ang sakit, ang pagkabigo, ang lahat ng kinimkim kong bigat sa dibdib.
Hindi ako batas. Hindi rin ako ang Diyos. Alam kong sa mata ng iba, mali ang ginagawa ko. Alam kong kasalanan ito. Pero sa akin, ito ang hustisyang matagal nang ipinagkait sa mga taong sinira nila. Kung may kaparusahan man, doon ko na lang haharapin.
"Hihingi na lang ako ng tawad kay Jesus," mahina kong saad. "Kung saan man ako mapunta." Huminga ako nang mabigat at muling itinaas ang golf club.
"Kung mamamatay din naman ako," dagdag ko at malamig ang tinig, "mauna na kayo. Kita-kita na lang sa impyerno."
Hindi ko na mabilang kung nakailang swing na ako sa mukha ni Brenton. Ang alam ko ay maraming beses na hanggang sa mapuno ito ng dugo at tuluyang masira ang kanyang mukha.
"Young miss," marahang sambit ni Ezekiel mula sa likuran, "He's dead."
Natigilan ako. Nanlaki ang aking mga mata. Dahan-dahan kong binitawan ang hawak na club, saka yumuko upang tingnan siya. Inilapit ko ang mukha ko, sinuri kung may galaw, kung may hininga pa.
"Jesus Christ..." hingal kong sambit. "Ezekiel! H-He's dead."
"Yes po." Maikling sagot niya.
"Hindi." Mariin kong tugon, biglang umangat ang boses. "Hindi pa. Go. Revive him." Tinulak ko siya palapit sa katawan ni Brenton.
"Pero akala ko gusto mo siyang mamatay?" litong tanong ni Ezekiel.
Tumingin ako sa kanya ng malamig, walang bakas ng pag-aalinlangan habang pinapahid ang dugo sa aking mga kamay.
"I want him dead," mababa kong sabi. "Twice. Or kahit ilang beses pa. Bilisan mo, bring him back to life." Dagdag ko pa.
Nagsimula silang kumilos, pilit ibinabalik sa buhay si Brenton sa pamamagitan ng CPR. Tahimik lang akong nakatayo, pinagmamasdan sila sa loob ng ilang minuto, walang emosyon sa mukha, walang kahit anong reaksiyon hanggang sa muli akong kumilos at naglakad palapit kay Tristan.
Ngumiti ako. Dahan-dahan kong itinapat ang golf club sa kanyang mukha. "Ready?" Malamig kong tanong. "It's your turn now."
Handa na sana akong ituloy ang gagawin ko nang biglang bumukas ang pinto. Napahinto ako. Hindi ko inaasahan ang taong pumasok, walang iba kundi ang aking ama.
"Wala kang panahon magpakita sa amin ng mga kapatid mo," malamig niyang sambit, "pero may oras kang maglaro rito?"
Mahigpit akong kumapit sa golf club at humugot ng malalim na hininga. "Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob." Diretso kong sagot.
Habang papalapit siya, mabilis kong binigyan ng isang hampas si Tristan sa mukha, isang biglaan at walang babalang galaw. Napaigtad ako at sinilip si Ezekiel na abala pa rin siya sa pag CPR kay Brenton.
"Ezekiel," malamig na tawag ni Dad. Agad itong natigilan at tumayo, iniwan ang katawan ni Brenton.
Tsk. Mukhang hindi niya nagawang buhayin.
"Master," magalang na bati ni Ezekiel habang yumuyuko.
"Sabihin mo sa akin," mariing tanong ni Dad, "ano ang tinatago ninyo?"
Nagtagpo ang tingin namin ni Ezekiel- isang saglit na katahimikan, isang tahimik na pag-unawa. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong kalmado at walang bakas ng kaba.
Umiling si Ezekiel at muling yumuko. "Wala po," maayos niyang sagot. "Binibigyan lang ni young miss ng tamang leksyon ang mga taong naging sagabal sa buhay ng mga kapatid niya." Walang pag-aalinlangan sa tinig niya. Walang takot.
"Donita," tawag ni Dad, malamig at mabigat, "umuwi ka sa bahay."
Kita ko sa mga mata niya na hindi 'yun pakiusap, ito ay utos. Humakbang ako palapit at hinarap siya. "No," diretso kong sagot. "I'm doing great. And if you're worried, I'll send Ezekiel to give you daily updates." Sabi ko.
Hindi ako pwedeng umuwi. Hindi ngayon lalo na't palala na ang kondisyon ko. Ayokong mahalata. Ayokong malaman nila ang katotohanan. Ayokong madamay ang pamilya ko. Laban ko ito at kaya ko 'to mag-isa.
"Don't worry, Dad," dagdag ko, sabay pilit na ngiti. "Just take care of yourself, especially your health."
Binalingan ko si Ezekiel. "Mauna na ako. Do your best to revive Brenton. Ibalik mo sila sa mga silid nila." Utos ko at walang lingon-lingon, iniwan ko silang lahat pati ang aking ama.
Pagkatapos kong umalis sa underground, kaagad kong pinadalhan ng imbitasyon si Kcee. Sinabi kong gusto kong makipagkita at makipag-usap sa kanya. Wala akong kasiguraduhan kung papayag siya, wala siyang kahit anong tugon pero tumuloy pa rin ako at nagtungo sa lugar kung saan ako maghihintay.
Lumipas ang mahabang oras. Unti-unting lumubog ang araw habang nananatili akong nakaupo. Nang silipin ko ang wall clock, halos anim na oras na pala akong naghihintay. Huminga ako ng malalim at kinuha ang handbag, handa nang umalis nang bigla ko siyang mamataan sa entrance.
Huminto ako. Umupo muli. Hinintay ko siyang lumapit hanggang sa tuluyan na siyang humarap sa akin. Ngumiti siya at gano'n din ako. Walang plastikan. Walang paunang salita. Umupo siya sa tapat ko at hindi inalis ang tingin sa aking mukha.
"I know the reason you want to talk to me," malamig at diretso niyang bungad. "I'll get straight to the point. I saw you last night, and I know you have a spy inside my organization."
Tumango ako at muling hinila ang tasa ng kape. "Then why didn't you do anything?" Tanong ko. "Pagkakataon mo na 'yun kagabi."
Umiling siya. "You know, Emmett-"
"Why?" Putol ko, hindi na napigilan ang sarili. "Maiintindihan ko at tatanggapin kung ako lang ang target ninyo. Pero bakit pati si Cindy? She's your cousin, Kcee." Naikuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa. "Hindi ba pwedeng ako na lang ang saktan ninyo at huwag si Cindy?" Mahina kong dagdag, kasunod ang pagkagat ko sa ibabang labi.
Bigla siyang humalakhak, isang mapanuyang tunog na ikinairita ko. Sa loob-loob ko, gusto ko na lang siyang sampalin.
"Are you crazy?" Malamig niyang sagot. "Why would I hurt my own cousin? And what are you even talking about? I never ordered anyone to harm you, especially Cindy."
"O talaga?" Diin ko. "Ang daming pagkakataon na tinangka ng Astra na saktan si Cindy-"
"Like I told you before," mariin niyang putol, "there's still so much you need to learn," sandaling tumigil siya, saka idinagdag nang mas mababa ang tinig. "especially about Cindy."
Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo, halatang wala na itong gana pang ipagpatuloy ang usapan. Wala akong nagawa kundi kagatin ang ibabang labi.
"Stay in your place, Emmett. Not everyone fears your organization." Babala niya bago ngumiti nang matamis at tuluyang iwan akong mag-isang nalilito- maraming mga tanong na walang kasagutan.
Napahilot ako sa sentido. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Cindy... isa, dalawa, tatlo... paulit-ulit ang ring, pero walang sagot. Inatake na kaagad ako sa labis na pag-aalala. Binuksan ko ang software at agad na ni-locate ang kanyang kinaroroonan at nakita kong nasa ospital siya. Hindi na ako nagdalawang-isip. Umalis ako agad, sumakay sa sasakyan, at pinaharurot 'yun patungo sa ospital.
Pagdating ko roon ay tumakbo ako, halos hindi na humihinga habang hinahanap siya. Ayaw kong mangyari sa kanya ang anumang masama, hindi ko na kakayanin kung pati siya ay magkasakit. Napahinto ako sa harap ng isang pinto at agad kong binasa ang nakasulat.
Dr. Selene Alcantara Consultant Interventional Cardiologist.
Hindi na ako kumatok. Wala na akong pakialam sa anumang sasabihin- naroon ang asawa ko. Binuksan ko ang pinto at doon tuluyang naghalo ang lahat ng emosyon ko... galit, sakit, pagkabigla nang makita ko si Cindy na hinuhubad ang suot na blouse ni Selene.
'Fuck you!' mura ko sa isip. Hindi na ako nag-isip. Kusa na lang kumilos ang katawan ko, tumalikod at marahas na isinarado ang pinto.
"Emmett!" Narinig ko ang boses niya.
Bullshit. Bullshit. Bullshit. Fucking bullshit.
Pinahid ko ang mga luhang hindi ko napigilan. Maiintindihan ko naman sana kung nagsabi siya ng totoo. Pero kailangan ba talagang ako na lang palagi ang umintindi? Paano naman ako? Napapagod din ako. Nasasaktan din ako. Pero kahit gano'n, siya pa rin ang inuuna ko palagi.
"Donita, stop!" Marahas ko siyang hinarap at tiningnan nang may babalang hindi niya madalas makita.
"I am mad, Cindy," mariin kong sabi. "May karapatan akong magalit. Please, don't follow me." Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero malamig at mabigat pa rin ang boses ko.
"Listen-"
"Wow, ano kayo? Lin and Pie?" Mababa ngunit sarkastiko kong tanong.
"I saw it with my own eyes." Putol ko. "Listen? For what? Another lie, huh?" Kinagat ko nang mariin ang labi bago huminga ng malalim. "Cindy... just- I want to be alone." Sa huli ay pinili ko na lang sarilinin ang lahat ng tanong.
I trust her. Alam kong hindi siya ang tipo ng taong magloloko. Pero fuck! Hindi niya sinabi. Alam niyang ayaw na ayaw ko kay Selene, at kahit ipaalam man lang sana sa akin ang totoo ay hindi niya ginawa.
Hindi ako umuwi sa kanyang bahay, sa penthouse ako dumiretso. Ang sakit na nga isipin ang tungkol sa Astra, tungkol sa mga nalaman ko tapos makikita ko pa silang dalawang gano'n.
"Donci," bulong ko habang yakap-yakap ang pusa at nakatanaw sa nagliliwanag na siyudad sa ibaba. "Bakit gano'n ang mommy mo? Naiinis ako sa kanya. Kailangan ba talaga niyang itago sa akin ang gano'n?" Napabuntong-hininga ako.
"Paano kung hindi ko sila nakita? Sa tingin mo, ano kayang mangyayari?" Hinigpitan ko ang yakap sa kanya bago bahagyang napatawa, isang mahinang at mapait na tawa.
"Pero alam mo ba? Kahit gaano ako ka-galit o ka-tampo, alam kong hindi rin magtatagal 'to. Kasi mahal ko siya." Tiningnan ko ang pusa na para bang may isasagot siya.
"Sa tingin mo ba dapat ko na siyang tawagan? Kailangan ba talaga ako palagi ang unang nagre-reach out?" Huminga ako nang malalim.
Muli ko siyang niyakap bago dahan-dahang pinakawalan at kinuha ang baso ng alak sa mesa. Pumasok ako sa silid kung saan ko mino-monitor si Cindy, ngunit agad akong napakunot-noo nang hindi ko siya makita sa kahit anong screen.
"Nasaan ka na naman?" Mahina kong tanong sa sarili, may halong tampo. "Bakit hindi kita makita?"
Biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng doorbell. Mabilis akong lumabas ng silid at nagtungo sa pinto. Pagsilip ko sa screen, bumungad ang mukha ni Cindy. Agad ko siyang pinagbuksan at nagulat na lamang dahil namumula ang kanyang mga mata.
"You said you love me," mahina niyang sambit, sunod-sunod ang mga salita na parang matagal nang kinikimkim. "You said you'd do anything for me. You said you wouldn't leave me. A-And then just because of what you saw at the hospital earlier, you decided to end everything and walk away?"
Humihikbi siya. "Why? Couldn't you at least listen to my explanation before deciding? Why do you always make decisions on your own? Why didn't you even talk to me?" Nakatitig lang ako sa kanya, tulala. Hindi ako makapagsalita. Nalilito ako at saan niya nakuha ang mga 'yun? Kailan ko sinabing tapos na kami? Anong pinagsasabi niya?
"You said... you trust me, right?" Mahina niyang dugtong at basag ang boses. "So why won't you let me explain?"
Huminga ako nang malalim, pilit kinokontrol ang emosyon na nagbabantang kumawala.
"Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo," malamig kong sagot kahit kabaligtaran noon ang totoo kong nararamdaman, "umalis ka na at masama ang pakiramdam ko." Dagdag ko.
Hindi naman siguro masama kung kahit isang gabi lang ay hayaan ko siyang mag-isip, magmuni-muni tungkol sa mga bagay na hindi niya maamin-amin sa akin. Gusto kong maramdaman niya na hindi ako palaging nariyan, na may hangganan din ang oras at buhay ko. Kailan niya ba balak sabihin ang totoo? Kapag wala na ako?
"I need time to think, Cin. Umuwi ka na," mahinahon kong sabi.
Humugot siya ng malalim na hininga at dahan-dahang hinawakan ang braso ko, pababa sa aking kamay. Hindi ako umiwas. Hinayaan ko lang siya. Hinalikan niya ang palad ko habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata, parang may gustong sabihin na hindi mabigkas.
Tipid akong ngumiti bago marahang binawi ang kamay ko mula sa kanya. "Good night." Mahina kong sabi.
Mabilis kong isinara ang pinto. Masama ba ako sa ginawa ko? Masama ba akong hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Pero gusto ko lang talagang mapag-isa. Alam kong kapag nagpatuloy pa ang usapan, may masasabi akong pagsisisihan ko. Ayokong saktan si Cindy, kahit ako na ang nasasaktan sa mga lihim na itinatago niya.
Bumalik ako sa sofa bed, kinuha ang natitirang alak at inubos 'yun. Hindi ako makakatulog ng walang iniinom dahil paulit-ulit kong iisipin ang nangyari, ang mga salitang hindi nasabi, ang mga tanong na walang sagot. Nakonsensya ako. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya kanina, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan niya nakuha ang ideyang iiwan ko siya.
"Hays," napabuntong-hininga ako, ipinikit ang mga mata. "Mahirap pala talaga kapag nagmahal ka."
Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na sumisilip mula sa salamin ng bintana. Mabigat ang ulo ko at tuyo ang lalamunan, isang malinaw na paalala kung gaano karami ang nainom ko kagabi. Napahawak ako sa sentido at marahang napamura bago umupo mula sa sofa bed. Tahimik ang buong penthouse. Masyadong tahimik. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina, nagbuhos ng tubig sa baso at ininom 'yun nang diretso.
Pagkatapos ay napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa counter. May mga missed calls. Lahat galing kay Cindy. May mga mensahe rin pero hindi ko binuksan agad. Parang may kung anong humihila sa dibdib ko, pumipigil. Huminga ako nang malalim. Hindi ko siya tinaboy. Kailangan ko lang ng oras at 'yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Pero bakit parang ako pa ang mas nahihirapan?
Nag-shower ako, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko, umaasang huhupa kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. Pero kahit ilang minuto pa akong nakatayo roon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha niya kagabi- ang namumulang mga mata, ang panginginig ng boses niya, ang tanong na hindi ko nasagot.
Paglabas ko ng banyo ay muling tumunog ang cellphone ko. Ngayon, isang bagong mensahe ang pumasok.
My Queen 👑 : I hope you're okay.
Napapikit ako. Napaupo sa gilid ng kama at tuluyang binuksan ang iba pa niyang mensahe. Wala ni isa roon ang paninisi, puro paliwanag, pakiusap, at pag-amin na handa siyang magsabi ng lahat kapag handa na akong makinig.
"Damn it..." mahina kong bulong.
Tumayo ako at muling tumingin sa bintana. Ang syudad ay gising na- abala, magulo, walang pakialam sa gulo ng isip ko. Pero ako, parang naiwan sa gitna ng isang desisyong pilit kong iniiwasan. Hindi ko pwedeng patagalin pa ito. Kinuha ko ang susi ng kotse at ang jacket ko. Mahal ko si Cindy at hindi ko kayang mawala siya nang hindi man lang naririnig ang buong katotohanan.
Pero ang naramdaman kong excitement kanina ay biglang naglaho nang may nakita akong ibang sasakyan sa loob ng bakuran. Huminto ako. Hindi muna ako pumasok. Sa halip ay ipinarada ko ang sasakyan sa gilid at kinuha ang iPad. Ilang pindot lang, bumukas na ang live feed ng mga camera sa loob ng bahay.
At nakita ko si Selene na nasa loob ng bahay ni Cindy. Komportable na parang may karapatan. Biglang uminit ang batok ko. Kumunot ang noo ko habang mahigpit ang kapit sa iPad, halos gusto ko na itong ipukpok sa dashboard. Huminga ako nang malalim at pilit kinokontrol ang sarili bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan ko.
So ganito pala. Ganito niya ako hinihintay.
Pinatay ko ang iPad. Ayokong makakita pa. Ayokong makumpirma ang mas masakit pang detalye. Sa sandaling 'yun, alam ko kung papasok ako roon, hindi lang salita ang lalabas sa bibig ko at ayokong maging gano'ng tao sa harap niya.
Pinaharurot ko ang sasakyan palayo sa lugar na 'yun, dama ang bigat sa dibdib na parang may sumasaksak sa puso ko sa bawat metro ng distansyang nadadagdag sa pagitan namin. Hindi galit ang nararamdaman ko. Ito 'yung klase ng pagkadismayang tahimik, 'yung mas masakit kaysa sigaw, mas mabigat kaysa suntok.
Masakit makita. Sobrang sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip