Truyen1s.Vip

What's Between Our Legs

Chapter Five

_Dominous_

Yago's POV

"Hades, isa!" Saway ko nang patuloy akong binabato ni Hades ng papel, parang tanga! Parang bata! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya pero kanina pa niya ako pinagtitripan dito sa classroom. Eh, nanahamik ako na nag re-review dito. Pinanggigigilan ba ako nito? 

"Ay ang bad." ani ng isa naming kaklase nang muli akong binato ni Hades at sumapol 'to sa mukha ko, nagrereview ako! Napatingin naman ako sa gawi ni Lora  na tila kinukunan ng video ang mga ginagawa ni Hades sa akin. 

"Aray!" Singhal ko nang muli akong tamaan ng papel ngunit ngayon ay mata ko na ito tumama. Inayos ko muna ang aking salamin, bago sumama ang tingin kay Hades at agad naman siyang nag peace sign, ang cute niyang tingnan. Pero dapat galit ako eh, kaya binato ko ang notebook ko sa sahig at naglakad patungo kay Hades na may masamang tingin. Gusto ko lang manakot.

"Hala ka Hades..."

"Hala ka!"

"Yari ka!"

Kantyaw ng mga kaklase naman, patuloy ang pag-abante ko at patuloy din ang pag urung ni Hades. 

"Huyy, Yago sthorry na." he said with his cute lisp but I keep my serious face and continue to walk closer to him, until he reach the side of the air-conditioner, making him no place to go anymore. 

"Uy, Yago!!" Magpupumiglas ni Hades ng subukan ko siya ng hawakan sa balikat.

"Oyyy tulong!!" Patuloy ang pagsigaw at patuloy ang pagsusubok ko siyang hawakan, inaano ko ba 'to?! Akala mo ay kung ano na ang ginagawa ko sa kaniya. 

Kung makasigaw, eh!

"Yago!" sigaw niya ng mahawakan ko siya sa balikat. 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Tama na, ha?" turan ko bago siya binitawan at tinalikuran. I walk towards my seat and continue reviewing  my notes. Soon after, our prof arrived.

"Okay good morning guys, so nabanggit na ba sa inyo ng iba niyong prof about sa teacher's day?" Bungad niyang tanong sa amin nang maka-upo sa harapan. 

"Hindi pa po..." We sing-sang like kids.

"So sa Friday ay gaganapin ang teachers day, may pasok pero walang klase...-

"Yes!"

"Suhail, listen, pagpasok niyo sa umaga ng Friday siyempre walang prof na papasok sa inyo kasi nga, Teacher's day and ang start ng program ay 8am and ang pasok niyo ay 7:15am. So ganito Suhail, maglinis kayo ng room niyo okay? Naiintindihan niyo ba ako, Suhail?" May halong sarcastic at paninigurado sa boses ng prof namin. halatang nainis dahil sa inasal ng klase. 

"Yes ma'am~" Dalawang salita lamang iyon ngunit pinahaba pa namin.

Nagsimula ang klase ng matiwasay at ayos lang. Pero sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagtaas ng kamay si Hades na naka-agaw ng attensyon ng nakararami. 

"Ma'am ba-banyo lang po." ani niya habang nakatakip ang kamay sa bibig, bahgaya rin na nabasag ang kaniyang boses. 

"You may go Hades." Sagot ng prof namin at humaripas ng takbo si Hades papalabas ng classroom.

"Anong nangyari doon?" Pabirong tanong ng teacher namin even making a confused face, as much as I am also confused, I am worried about Hades.

Nagtaas ng kamay si Evan., "Ma'am, maskit po kasi ang tiyan ni Hades." ani niya at napakunot ang noo ko. 

Bakit? Ano ba nakain niya? Anong nangyayari sa kaniya?

Lalo tuloy akong nag-aalala kay Hades. Muling nagpatuloy ang prof namin, ngunit sa ilang sigundo na pagtuturo niya ay hindi ako makapag focus sa kadahilanang iniisip ko si Hades kaya walang pag aaalinlangan ay nagtaas ako ng kamay. 

"Maam iihi lang po, titingnan ko na rin po si Hades." Pagpapaalam  at tumango sa 'kin si Ma'am. Papalabas na ako ng classroom nang biglang akong tinawag ng guro namin.

"Yago, kapag masama ang pakiramadam ni Hades pakidala na siya sa clinic, ha?" Malambing na turan ng aming prof, siguro ay napansin na rin niya na natagalan na si Hades sa banyo kaya nag-aalala na rin isya. 

"Yes po ma'am." sagot ko at tumango bago ako tuluyang lumabas ng room. Pag ka labas ko ng room ay agad kong naamoy ang kung ano mang masamang bagay na nakahalo sa hangin. At dahil sobrang lapit ng classroom namin sa restroom ay agad akong makarating sa banyo ng mga lalaki kung saan nakita ko si Hades na hinang-hina, na naka tuon ang parehas na bisig sa gilid ng sink. At isinusuka kung ano mang meron sa sikmura niya.

Nanlaki ang mata ko at agad napatakbo sa gawi niya, "Hades! Huy ayos ka lang ba?" Nag-aala kong tanong dito habang hinihimas ang kaniyang likod, nang mapatingin ako sa lababo ay punong puno ito ng suka, maski tuloy ako ay nasusuka na.

"Uyy, Hades..." Hinihimas ko ang likod niya para man lang gumaan ang ka niyang pakiramdam.

Sa huli niyang suka ay nakahinga siya ng malalim at ramdam ko ito, ramdam ko na para bang ang laking ginhawa nito sa kaniya. Binuksan niya ang gripo at naghilamos, tinulungan ko na rin siya na linisin ang labbo dahil nakakahiya sa susunod na gagamit o makakakita man lang. 

 "Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" tanong ko sa kaniya, kasi nag-aalala pa rin ako.

Bahagyang nanlaki ang mata niya bago napahgalpak ng tawa, "Uyyy hindi na, ok lang ako." ani niya bago inayos ang kaniyang damit na bahagyang nagulo kanina. 

"Tara na?" akit niya at tumango lamang ako. Nauna siyang lumabas ng banyo habang ako itong nakasunod sa likod niya at handa siyang saluhin kung matutumba man siya. 

Pagpasok namin sa room ay naagaw namin ang atensyon ng lahat. 

"Oh, Hadest kumusta kana?" tanong ng prof namin.

"Ok lang po ma'am. Baka hindi lang po nagustuhan ng sikmura ko ang ulam kanina." Muling paliwanag ni Hades.

"Sige, umupo na kayo." ani ni ma'am at pumunta na kami sa aming silya.

Nang maka upo ako ay naka hinga ako ng malalim. Akala ko kung napa ano na si Hades.

Cairo's POV
Muli akong bumunot ng damo na nasa harap ko, nasa garden kasi ako ngayon. Tapos na ang klase at wala akong magawa, well meron naman. Dapat kasi maglalaro sila Ayesha ng volleyball at inakit nila ako pero pagdating namin sa garden ay tila nawalan ako ng gana. For unknown reason ay wala akong gana. Simula palang ng araw ay wala na akong kabuhay-buhay... nagsimula ito sa bahay.

"Anong oras na?! Ngayon ka lang umuwi?! Buti naman na-alala mo na may bahay kapa na uuwian!" Ito ang narinig ko habang nag-aayos ng aking uniform. Humaripas ako ng takbo pababa ng hagdan upang makita ko lamang ang hindi na bagong senaryo sa bahay namin.

"Diba sabi ko, tigilan mo na pagbubunganga mo! Mas lalo sumasama ang pakiramdam ko!" Ssgaw ng ama ko sa aking ina, anon nanaman ang nangyayari? 

"Aba't paano ako titigil?! Ehh ilang gabi kanang andon sa babae mo! Hindi mo man lang naisip na umuwi?! Si Cairo! Hindi mo man lang naisip si Cairo?!?!" Hindi ko na mapigilang maluha, sa lahat ayaw ko na nakikita na nag-aaway ang mga magulang ko. Sino ba naman ang gusto diba? 

Napahimas si mama sa sintido niya, hala! Hindi pwedeng ma-stress si mama. Dali-dali akong bumaba at nilapitan si mama.

"Tama na nga po!" sigaw ko sa pagitan nila, nakakarindi na ehh. Sawa na ako... ayoko na. Nakakawasak kapag ganito. 

"Aba! At sinong nagsabi sayo na pwede kang sumigaw sa pamamahay ko?!" Agad akong kinuwelyuhan ni papa, ang mga nanlilisik niyang mata ay diretsong nakatitig sa mga nagluluhang akin. 

"Ang lakas na ng loob mo,ha!" Pagka banggit niya ng mga salita ng iyon ay naramdaman ko ang paglutang ko sa ere at agad naibato sa pader, sobrang sakit! Unang tumama ang likod ko sa pader at bumagsak ako sa sahig. Hindi ito ang una, ngunit sa tingin ko ngayon ay mas malala. Sinugod ako ng aking ama na pinipigilan pa ng aking ina. Ngunit walang awang tinabig ng aking ama ang aking ina na sanhi ng kaniyang pagkaka talsik niya sa may sofa.

"Ma!" sigaw ko at akmang tatayo ay sinipa ng aking ama ang aking mga binti na sanhi ng pag bagsak ko, napasigaw ako sa sakit. Ang sapatos pa man din na suot ng ni papa ay parang bota. Napabunghalit ako ng iyak, alam ko na magkakaroon ako ng malaking pasa sa aking binti, nakita ko naman si mama na utay- utay nakakatayo mula sa pag kakasandal sa sofa.

"Ano!? Tumayo ka d'yan!! Ipakita mo kung anong meron ka! Lalaki ka diba?! Sige! Tumayo ka!" singhal ng aking ama, pero hindi ko kaya. Hindi siya kayang labanan. Kahit ano pa ang gawin niya, kahit ano pa ang mangyari, pag balikbaliktarin man ang mundo ay ama ko pa rin siya.

Sa tamang oras ay tumayo ako at ika-ikang kinuha ang aking bag na nasa sahig. Buti na lamang ay naka uniform na ako at ang bag ko ay nasa baba. Hindi naman masyadong nadumihan ang aking uniform kaya ayos lang. Humaripas ako ng takbo palabas ng bahay at iniinda ang sakit. Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong pumara ng jeep, napalingon ako sa likod at buti nalang ay hindi na ako sinundan ng aking ama, pero si mama?

Tatawagan ko siya mamaya sa oras na makarating ako sa school. Nang may dumaan na jeep ay agad akong pumara at sumakay. Nagpunas ako ng aking luha dahil patuloy pa rin ang pag agos ng mga ito, nakakahiya sa driver dahil tinitingnan ako nito.

"Ayos ka pang ba hijo?" Tanong ng driver at sinisilip pa ako mula sa salamin.

Napasinghot ako bago nagpunas ng luha at tumango, "A-Ayos lang po ako." Sagot ko at iniabot ang bayad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip