CHAPTER 21
-
Nasa kwarto lang ako ngayon, hindi kami natuloy sa pag-uwi dahil sobrang lakas ng ulan at may bagyo raw. Kanselado lahat ng flights. Tinawagan na rin namin mga parents para ipaalam sa kanila na hindi kami makakauwi ngayon. Hindi rin naman kasi namin alam may bagyo palang paparating, ngayon lang din kami nasabihan nong paalis na sana, Bbigla ba naman bumuhos ang napakalakas na ulan at hangin.
Tapos na rin kaming mag dinner at dahil hindi naman kami makakalabas ay nagpasya nalang kaming bumalik sa mga kwarto. Alas otso palang ng gabi at sobrang boring, nababagot ako rito sa kwarto. Nakakalito talaga si dragon, yung sasabihan ka na wag syang iiwasan pero pag kinausap mo naman ay susungitan ka lang.
Itong demonyo naman ay gusto kong tanungin kung naaalala nya pa ba yung mga sinabi sa akin kagabi, pero hindi rin ako makahanap ng pagkakataon kausapin sya, maas lalong hindi ako sure kung natatandaan nya. Sa mga ganitong pagkakataon lang ata akong payapa na nakapag-iisip.
"Anak ng butete yan!" Bigla ba naman nawalan ng kuryente, sagabal talaga sa lahat ang bagyo!
Asan na ba selpon ko at hindi ko mahanap, sobrang dilim sa kwarto! Langya, kapa lang ako ng kapa hanggang sa nahanap ko rin ito...
*Knock knock knock*
Napatalon ako dahil sa katok, sino ba to at sa kwarto ko pa talaga kumatok? Hindi si Kb to kasi bunganga naman ginagamin non pag tatawagin ako. Binuksan ko muna ang flashlight ng phone bago nagtungo sa may pinto. Saglit akong napatulala dahil sa babaeng nasa harapan ko, anong ginagawa ng malditang to rito? shuta, bakit pati siya mukhang gulat ha?
"What's wrong? What are you doing here?" Concern kong tanong sa kanya.
"Are you alone?" Bakit ang hilig n'ya mag tanong pabalik kung tatanungin ko rin s'ya.
"I'm not?" Agad kong sagot.
"Who's with you?" May inis akong narinig sa boses n'ya. Ay bakit naman maiinis mommy?
"You?"
"Me?" Langya natatawa ako sa mga palitan namin ng sagot.
"Yes, you." napaka slow talaga.
"What about me?" She asked coldly
"I'm with you, kaya hindi ako mag-isa kasi kasama kita ngayon?"
"Can I sleep with you tonight?"
Para akong nabingi sa sinabi nya, langya tong babaeng to wala rin palang preno ang bibig pagdating sa ganito.
"H-ha? Y-you want to sleep with me?!" Medyo may kalakasang tanong ko, kasi naman yung sinabi n'ya parang may ibang kahulugan!
"Yes, it's dark and I don't want to be alone." seryoso nyang sagot, napalunok ako dahil kita ko talagang seryoso ang mukha at mga mata nya.
"A-Alright c-come" litsing yan, bakit nauutal na naman ako, akala ko ba sanay na 'ko sa presensya n'ya.
Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok sya. Ngayon ko lang napansin naka red lingerie sleepwear pala ito. Shuta, bakit lagi nalang may tukso lumalapit sa buhay ko.
Ang sexy naman ng malditang to, nang-aakit ba s'ya? Hoy at bakit may dala s'yang bote ng wine?
"Teka lang anong gagawin mo d'yan?" Tanong ko at itinuro ang alak na hawak nya.
"Ihahampas ko sa ulo mo." napaatras ako sa lamig ng boses at sinabi n'ya, 'cause I know she's capable of doing anything.
"W-wag ka nga magbiro ng ganyan" sabi ko sa kanya.
At ano na naman ang pinaplano ng malditang to? Kanina lang ayaw akong pansinin at kung makatingin ay daig pa ang papatay.
"M-may sapi ka?" Langyang bibig yan!
"What?!" She sat on my bed and then crossed a leg. Halaka! Hoy bakit ganyan s'ya, yung legs n'ya amp!
"Who possessed you at bakit nandito ka?" Di n'ya ba alam ang salitang may sapi?
"You know the reason why I'm here." Nakatunganga lang ako sa kanya, magtatanong ba ako kung alam ko.
"Do you have a glass?" Mirror ba?
"Salamin?" Sagot ko agad sa kanya. Nakita ko naman na ang sama na nito kung makatingin, ayan na naman ang ka malditahan n'ya.
"Wine glass Shara Jane. Wine glass" oh wine glass pala, siraulo nagiging bobo talaga ako lalo pag kausap ko isa sa kanila.
"A-ah yes, wait lang" sabi ko at kinuha ang wine glass na utos nito.
Buti nalang at kumpleto ng mga gamit ang kwarto na to. Kumuha ako ng dalawa, syempre hindi pwedeng s'ya lang iinom. Ang lamig kaya ng panahon at saktong may dala s'ya. May nakita rin akong mga candle glass kaya kinuha ko ito at sinindihan.
"Here." sabi ko at inabot sa kanya ang isa. Habang busy sya sa pagsalin ng wine, ako naman payapa lang nakatitig sa kanya.
"Drink it." inabot n'ya sa akin ang isa, kaya agad ko ng kinuha. Tahimik lang kaming dalawang nakaupo sa gilid ng kama, walang salita ni Ha o Ho o Mommy na nagaganap. Pinapakiramdaman ko lamang ito sa aking tabi, may problema ba tong malditang to?
Narinig ko sya tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.
"May sasabihin ka?" Tanong ko sa kanya kasi hindi naman to magsasalita kung hindi mo uunahan. Pero alam ko naman na kahit unahan ko ay hindi rin sasagot amp.
Hindi nga sya sumagot at bumuntong hininga lang.
"I'm confused" sabi n'ya at mabilis na inubos ang wine na hawak nito. Nagmamadali ba s'yang malasing para may lakas ng loob magsalita?
"About?" Sagot ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"My feelings"She mumbles to herself but I heard it.
"Meron ka non?" Punyetang bibig ka! Napalunok nalang tuloy ako coz she's now glaring at me.
Panira talaga yang bibig mo na walang filter Sj!
"I'm being serious here." ou halata nga na seryoso s'ya mas lumamig ang kwarto eh.
"Saan ka ba nalilito?", Tanong ko.
Bakit biglang lumakas tibok nitong puso ko. Feeling ko talaga may mangyayari na hindi ko alam kung maganda o masama.
"Do you believe in love at first sight?"
"Natatablan ka non?" I quickly slapped myself after saying that. My god! Inunahan ko na s'yang sampalin ako, potangenang bibig ka lumugar ka!
"Ouch!" Ang lakas ata nong pagsampal ko sa sarili ko,
"Are you crazy?! Why'd you slap yourself?" inis nyang salita pero bigla akong natawa.
"You're crazy."
"Stop laughing!" I bit my inner cheek to suppress my laughter. The maldita is very very upset BAHAHAHAHAHAHA
I cleared my throat before talking.
"Sorry sorry, natawa lang kasi ako sa ginawa kong pagsampal sa sarili." dahilan ko at inikutan nya ako ng mga mata.
"Na love at first sight ka?" Tanong ko, hindi naman sumagot.
Paano kami magkakaintindihan nito kung hangin lang makakausap ko. Marami na rin pala ang nainom n'ya, tangena nangalahati na agad ang laman ng bote na yan?! Bilis makainom nito.
"I don't know. It was an unexpected event when I first saw that person." Seryosong sabi nya, ako naman ay natulala lang sa ibinahagi nito.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction kasi ngayon ko lang nalaman ang damdamin nya. Mukhang seryoso nga siya at hindi nagbibiro base sa tono ng pananalita.
"I actually don't know anymore, o baka may naaalala lang ako sa kanya." sunod nyang salita, sino naman naaalala nya sa taong ito?
"Sino? I mean nakakausap mo ba yung taong naaalala mo?" tanong ko, kinuha ko ang bote at mukhang walang balak magtira para sa akin. Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy nalang sa pag inom!
"I told myself that I would never like that person." putol nya ulit at bumuntong hininga.
"Tapos ang naging resulta ay nagugustuhan mo na ang taong ito?" ako na mismo ang dumugtong, halata naman e.
"I guess? I don't know, I just get annoyed whenever she's with the woman I can't stand." paliwanag nya at tumingin sa akin, napalunok ako sa lalim ng mga titig nya.
"S-Selos tawag dyan." sagot ko at nag-iwas ng tingin, bigla akong nailang sa tingin eh.
"Bakit hindi mo nalang aminin sa kanya? Siguro naman ako gusto ka rin non. Ikaw pa ba? Nasayo na ang lahat." dadag ko sa sinabi, inabala ko nalang ang sarili sa pag-inom kaysa makipagtitigan sa kanya.
"I can't." ganun ba kahirap ang sitwasyon at hindi niya masabi ang nararamdaman sa taong nagugustuhan?
"Also, I have a problem with a person right now. I made a bad choice and I don't think she'll forgive me when she find out the truth." kumunot ang noo ko, ito unang pagkakataon nagbahagi sya ng problema at hindi ako pwede maging loko-loko dahil seryoso ito.
"What do you mean?" hindi ulit ito sumagot at nagpakawala lang ng malalim na hininga. Balik na naman sa pagiging tahimik ang babaeng katabi ko at mukhang may iniisip. Kung pwede lang talaga sanang mabasa ko utak nya ay kanina ko pa ginawa.
"What will you do if someone betrays your trust?" Tanong n'ya.
Medyo nagulat ako sa random question na yun kaya napaisip ako. Hmm never pa naman akong nakaranas ng ganyan.
"Hmm, hindi ko alam? Depende kasi yan? kung may dahilan ang tao at alam kong mas makabubuti yun ay maiintindihan ko. Hindi ko pwede husgahan agad ang tao ng walang tamang dahilan." seryosong sagot ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata at wala ako makitang kahit konting bakas ng emosyon.
"If someone betrays me, the first thing I'd do is to acknowledge it. Nangyari na at wala ka na magagawa pa kundi ang tanggapin nalang ang naging resulta." Totoo naman diba? Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ay hindi mo na mababago ang nangyari na.
"Pangalawa ay tandaan mo. Hindi naman yan malilimutan lalo na pagdating sa betrayal, dala-dala mo na yan hanggang sa kamatayan. Let's say okay ka na, okay na kayo nong taong nanloko sayo. Sabi nga nila, always forgive but never forget. Learn from your mistakes but never regret." ngumiti ako at marahan pinisil ang kanyang pisngi, doon may nakita akong konting ngiti sa kanyang labi.
"Alam ko hindi madali and it takes time to heal a wounded heart, pero alam ko rin darating yung panahon na magpapatawad tayo." Nanuyot bigla lalamunan ko kaya tinungga ko na yung bote, nagulat pa sya sa ginawa ko pero hinayaan nalang ako.
I heaved a sigh.
"Next, acceptance. That's the best way to do, ang tanggapin nalang ang mga nangyari kahit na masakit kasi andyan na diba? Accept that nobody is perfect. Accept that everyone makes mistakes, but that doesn’t mean you accept the betrayal. Tanggapin mo na hindi lahat ng bagay o gusto ay naaayun sa kagustuhan mo. Accept that you have no 1000% control, alam kong naka depende yan sa sitwasyon kung gaano ka heavy nong betrayal, pero hindi pwede sirain mo ang sarili dahil lang sa pinagtaksilan ka. Sa panahon natin ngayon hindi na mawawala yan, walang mangyayari kung magpapa-apekto tayo sa nangyari." Langya humugot muna ako ng hininga, kinapos pa nga.
"kaya nga nangyari kasi may reason, hindi naman yan ibibigay ni PaPa G. Kung hindi mo kakayananin, kumbaga challenge mo na rin yung kung paano lalampasan ang pagsubok na binigay nya." May tama na ata ako? Anong klasing alak to at ang bilis makatama.
"Panghulinay to keep moving forward, hindi ako maghahabol sa mga taong ganyan. If they choose to betray me, might as well face all the consequences. Hindi ko pa naman naranasan yan, but if someone betrays me ay yan lahat ang gagawin ko. Marunong ako magpatawad, pero kung yung feelings na involved ay hindi ko alam kung ano magiging resulta." ang tanong lang naman sa akin ay ano ang gagawin pero parang gumawa na ata ako ng essay sa haba ng sinabi ko.
Natawa tuloy ako sa reaksyon nya dahil mukhang nagulat ko sya sa mga sagot ko.
"Hey, nakikinig ka ba?" Sabi ko at tinapik ang balikat nya.
"Y-Yes, I'm listening." oh bakit nauutal.
Bumuntong hininga ulit ito.
"Grabe, hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga ka na. Ganyan ka ba ka problemado? First time ko makitang ganyan ka ha." pailing-iling kong saad kasunod ang mahinang tawa.
"I don't know what to do." ano na naman ibig nyang sabihin ?
Bigla itong tumayo at na out of balance ata, gaga kasi ang dami na n'ya nainom tapos tatayo nalang bigla. Sinalo ko s'ya pero sabay kaming bumagsak sa kama.
'yong puso ko! Maririnig n'ya!.
"A-Ano wag ka na nga uminom." saway ko, shuta at bumagsak sya sa ibabaw ko!
Lage nalang talaga akong bottom hays, dapat top na ako next time.
Nag angat ito ng ulo at ngayon sobrang lapit na ng aming mga mukha! dalawang magkasunod na lunok ang aking ginawa dahil sa labis na kaba, naamoy ko rin ang alak na nagmumula sa kanyang bibig! Langya.
"M-Matulog ka na." sabi ko pero ang gaga biglang bumangon, akala ko nga aalis na s'ya eh pero....
Ang ginawa n'ya ay umupo sa ibabaw ng pusonan ko kaya nanlaki nalang ang mata ko! Hoy punyeta dagdagan pa d'yan sa suot n'ya na parang nang-aakit talaga!
"A-Ano gagawin mo? U-Umayos ka nga." kung pwede lang itulak ay ginawa ko na pero ayaw ko naman mahulog sya at isa pa, bakit nagkakaganito ang babaeng to.
Sj! Kumalma ka lang please lang!
"You asked me why I'm here, right?" makikitulog sya diba?
"Y-Yeah?" I quickly answered.
"I came here to confirm something" anong something yan.
"W-What is it?"
I thought I was going to die because of what she suddenly did. My heart was beating so fast and it felt like it was about to explode any moment.
She cupped my face with her hands and suddenly slammed her soft lips against mine. Para akong tanga na natulala sa ginawa n'ya.
Nagkakagulo na buong system ko, alam kong lagi nya tong ginagawa pero bakit mas lalo akong kinabahan ngayon? Lasing sya, at hindi ko rin alam kung alam pa nya ang pinaggagawa ngayon sa akin. Napangiwi ako dahil sa mariin niyang pagkagat ng aking labi at biglang ipinasok ang dila, shit! yung puso ko ang bilis na at hindi ko na masyadong kontrolado. Kumalma lang ako nang bigla niya bawiin ang dila at muling humalik sa aking labi.
She gently caressed my cheek. It was a very long deep kiss until she starts to move her lips---
Sabay kami nagulat dahil sa biglang katok na nagmula sa labas ng kwarto. Doon lang yata siya nagising ng tuluyan at agad umalis sa ibabaw ko, habang ako ay tulala at pigil hininga dahil sa ginawa niya. Hindi ko na nga napansin nakabukas na pala ang pinto, kung hindi lang nagsalita yung babaeng kumatok ay baka lumilipad parin isipan ko ngayon.
Huminga ka Sj punyeta!
"Why are you here?"
"What about you? What are you gonna do this time?"
Oh shit! Napatayo ako agad at dali-daling lumapit sa kanila. Langya bakit na naman ito nangyayari.
"A-Ah, s-shes going to sleep here." ako na mismo sumagot kasi wala namang plano sumagot tong isa. Napalunok ako nang mapunta sa akin ang kanyang mga mata, hindi ako nito sumagot at biglang tumuloy ng kwarto. Langya so magkakasama na naman kaming matutulog tonight? Ay, dito rin ba sya matutulg?
"D-Dito ka rin matutulog?" tanong ko. Bakit kasi napaka matatakutin nilang dalawa.
"Yes."
"Sa kama na kayo." may sofa naman kaya pwede ako ron matulog.
"No" sabay na sagot nila. Wow ha, ngayon lang ulit sila nagsabay mag salita.
Ano ba, wala naman akong choice diba? Kasi kung papalag ako baka mabugbug na naman ako nitong dalawa Bumuntong hininga muna ako bago ako umakyat ng kama at pumwesto sa gitna.
Bakit gitna? Malamang sa gitna naman talaga pwesto ko at ayaw nila katabi ang isa't-isa.
"Higa" utos ko sa kanila at tinapik tapik ang both side ko. Sabay naman silang napatingin sa akin.
Oh bakit? First time? Total sinimulan nila eh di ipagpatuloy natin. Gusto ko na matulog at sana nga lang talaga makatulog ako!
"Ano na mommies? Hihiga na kayo o hihiga?" Sinamaan naman nila ako ng tingin. Lihim ko nalang silang inirapan.
Tangena middle ka na naman Sj.
"ako lang siguro nakakatagal sa ugali n-aray naman Miss!" Litsi ang sakit mangurot ng babaeng to.
"May tanong ako sa inyo." hindi parin kasi sila humihiga at nakaupo lang sa mga gilid ko.
"What?" Si Zi ang sumagot.
"Crush n'yo ko n--ano ba yan! Pag siguro nagkajowa kayo kawawa mga boyprens n'yong dalawa." Reklamo ko sa kanila at hinihimas ang noo. Kurot yung isa ito namang si Ziallyn sampal sa noo. Deputa.
"Let's play." hala wow nag-aya si Zi, himala.
"Play?" Taas kilay na sagot ni Pi.
"Bed play?" Agad akong nagtalukbong ng kumot dahil sa nasabi ko. Tangena nitong bibig ko sarap tahiin!
"Aray! Aray! Itigil n'yo na po! Masakit" tangena pinagtulungan ba naman nila akong paghahampasin.
"Tigil na masakit na, abugbug berna na ako nito bukas mga mommy ko.." hala! mas lalo ata silang nainis dahil sa tinawag ko sa kanila.
"Your words!"
"Why are you so pervert!"
Ako pa naging pervert n'yan? E sila tong dalawa panay nakaw ng halik. Okay lang ba sila?.
Grabe sila, imbes na umiyak ako ay panay tawa nalang tuloy nagawa ko.
"Babe!!!!!! Close the doooor!!!" Punyeta si Kb sumisigaw sa labas. Anong ginagawa n'ya rito.
Agad natigil ang dalawa sa ginagawa sa akin. Sagabal talaga palagi si keyboard, kung kailan ayaw ko ng disturbo ay bigla nalang guguluhin mundo ko. Ganda na ng sitwasyon ko rito oh, wag na sana sirain no!
"Close na yang pinto tanga!" Pasigaw na sagot ko sa kanya.
"Bobo sabi ko Open the door!" Ay open ba sabi n'ya? Nabingi na nga ata ako.
"Teka po, later n'yo na ulit ako bugbugin. Mahaba pa naman po ang gabi" sabi ko sa dalawa at mabilis na bumaba ng kama at patakbong tinahak ang pinto.
"Bakit nandito ka?" tanong ko agad pagkabukas ng pinto.
"Dito ako matutulog! Ayokong mag-isa sa kwarto!" Tangena? Tama ba narinig ko?
"Hoy!!" Hindi na n'ya ako hinintay at mabilis naglakad papasok.
"Anong hoy diba sabi ko dito ako matu---oh holy water!!" Napatalon pa ang gaga ng makita ang dalawang maldita na nasa kama ko.
Hinila n'ya ako pabalik sa may pinto. Ano na naman at kinakaladkad ako nito..
"Hoy hindi pwede to! Mag pinsan sila mag t-threesome kayo?!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Kb kaya't agad kong nasapok ang ulo nito.
"Bwesit babe! Bakit--"
"Sasampalin talaga kita kb, anong threesome pinagsasabi mo!? Makikitulog sila kasi takot sila sa dilim. Anong nakabara jan sa utak mo at tatanggalin natin." bulong ko.
"Ay nakikitulog lang pala. Sabay na rin ako!" Langya saan s'ya p-pwesto?
"At saan ka p-pwesto?" Tanong ko sa kanya.
"Sa ibabaw mo"
"Hoy!" Yung kamay ko talaga may sariling utak bigla nalang nananapak.
"Babe naman! Joke lang e, sa sofa ako!" Loka-loka talaga tong babaeng to.
"Tara na!" Sabi nito at nauna pang bumalik kung saan ang mga maldita. Pero nakailang hakbang palang kami ay may kumatok ulit. Walangya! Kaya mabilis ko binuksan ang pinto.
"Yooo wasssaaaaap!" Ay ang mga gaga, nag plano siguro to silang tatlo.
"Oh bakit nakasimangot ka d'yan? Hindi ka ba masaya makita ang magaganda mong girlfriends?" Nakangising saad ni Iris at pumasok kasunod ni Ag.
Jusko!
"Kbbbbbbb bakit nandito ka!! Gago baki-what the duck!" Parang nakakita ng multo tong si iris pagkakita sa dalawa e. Inikutan lang s'ya ng mata ni Kb
"Hoy Sj halika muna!" Tawag n'ya sa akin at kinaladkad papasok sa bathroom. Langya
"Hoy babae ka! Bakit nandito ang dalawa sa kwarto mo? Anong kabalbalan ang gagawin mo sa kanila ha?! At bakit nandito rin si keyboard?! At ano-" hindi ko na s'ya pinatapos at sinaksak ko sa lalamunan n'ya ang tissue paper.
"Pwe! Sj naman!"
"Para ka namang si keyboard! Makikitulog lang sila kasi mga takot." ilang beses ba ako dapat magpaliwanag tonight?
"Hoy sandali!" Hindi ko na s'ya pinakinggan at lumabas na, mga bunganga talaga nila.
Pagbalik ko ay nasa sofa sila keyboard at Ah habang ang dalawang maldita ay nasa kama, nakaupo sa magkabilang side.
Awkwardness level 1000000%
"Ag," tawag ko sa kanya na busy sa nilalantak na pagkain. May dala pala sila? Ay prepared.
"Hmm?"
"May sasabihin ka ba?" Tanong ko lang baka bubunganga rin e, pero umiling naman ito. Hmmm
"Ma'am, Ziallyn sama kayo?" Biglang tanong ni Kb na ikinakunot naman ng noo ko. Ano na naman sasabihin nito.
"Where?" Sagot ni Zi
"Sa pasko." hala anong plano.
"Huh?" confused na tanong ni Ma'am,
"Mangangaroling kami, baka lang po gusto n'yong sumama." tangena ang kapal ng mukha! Inaya nya ba namang mangaroling ang dalawa. Clown talaga tong si keyboard at tignan mo pinagtatawanan na sya nila Iris, pero saan nila nakuha ang mga chichirya?! di ko nakitang dala nila yan!
"Hoy keyboard yang bibig mo!" Saway ko sa kanya, lumalamon na rin pala ito ng pagkain.
"Babe kailan mo ako sasagutin?" Nanlaki na naman ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. Oh my god! Anong pinagsasabi ng bruhang to?!
"Sasagutin?" Hala yawa si Pi nagtanong.
Si Ag naman na katabi ni Kb ay nakangisi lang, mga abnormal ba tong mga kaibigan ko? Si Zi naman na masama na kung makatingin sa akin.
"Opo nililigawan ko kasi si babe" si iris na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.
Bigla akong nanlamig at kinabahan, bakit parang feeling ko ay mapapabilis buhay ko nito?
"Mga walang kwenta talaga pinagsasabi mo!" saway ko sa kanya at lumapit sa kanila ni Ag.
"Are you serious Kb?" Tanong ni Zi.
Gulped. Sinamaan ko m si Kb ng tingin, makakatikim ka talaga sa akin babae ka!
"Yes, actually I confessed to her earlier pero slow si babe e. Hindi n'ya alam ang salitang THE MOON IS BEAUTIFUL ISN'T IT. kaya ang sinagot n'ya sa akin ay umaga pa at wala pang moon" humagalpak na naman si Iris at Ag sa tawa. Napanganga nalang ako sa sobrang prangka n'ya, nakangiti pa ang gaga. Ano ba ang gusto n'yang gawin at anong kabalbalan na naman itong ginagawa n'ya?
"Teka bakit ang lamig?" Langya bakit Biglang lumamig sobra dito sa kwarto.
"Hahanda ko na ba kape mo?" bulong ni Ag sa gilid ko.
"Pinagsasabi mo?" kunot noo kong sagot sa kanya. Nginuso nito ang dalawa kaya napatingin ako. Bakit po ganyan kayo makatingin sa akin? I'm innocent at hindi totoo ang mga sinasabi ni Kb! Trip lang siguro ako nitong tatlo.
"Iris, akin na nga hawak mong coke! Nauhaw ako bigla." inagaw ko ang coke at hinimas ang aking lalamunan, hirap naman ata lumunok ngayon.
"Bakit babe? Wala ka naman manliligaw at isa pa wala ka naman gf..." She paused at nakangisi pasimpleng tinignan ang dalawa sa kama."why not diba? Mamahalin pa kita ng sobra" tapos ngumiti ng pagkatamis na hinarap ako.
Feeling ko ang liit ng kwarto at bigla akong hindi makahinga. I don't know kung ano mutibo ng mga kaibigan ko pero hindi naman sila ganito, ewan ko at mga hibang na rin yata silang tatlo.
"Go na support ko kayo mga friends" napatingin naman ako kay Iris na ngayon ay humalukipkip sa tabi ni Ag.
Hinahabol ata ni satanas yung puso ko. Ang bilis yawa.
"Ahem"
Anong meron kay Ag? Bigla nalang titikhim tapos hindi naman pala magsasalita.
"Let's sleep." sambit ni ma'am,
Parang ayaw ko nalang tuloy tumabi sa kanila sa kama ngayon, kasi feeling ko talaga ay hindi ako makakatulog dagdagan pa sa mga sinabi ni keyboard.
"Babe" tawag ni Kb kaya napatingin ako sa kanya.
"What?" Taas kilay kong sagot, ang gaga bakit ba panay ngisi to.
"Sleep with me." malanding bulong ni gaga, tangena mo Krystal Bern!!
"Ja!"
"J!"
Nanindig mga balahibo ko sa katawan sa naging sabay na sigaw nila Ziallyn at ma'am, shutangena at makakapatay ako ng keyboard ngayon. Sa kama ba ako matutulog? Wag nalang kaya? Makakahinga ba ako ng maluwag kung hihiga ako dyan? Feeling ko hind, hindi nga ata ako makakatulog.
Nakita ko naman si Kb na naka-kagat labi na parang pinipigilan ang matawa. Bwesit ka! Sinamaan ko nalang s'ya ng tingin.
"O-Okay m-mommies, coming." mabilis ko itinulak si keyboard at nagmadaling umakyat ng kama saka gumapang sa gitna nilang dalawa. Ugh, pati bestfriend ko pagseselosan nila.
Sana all may label!
"Pwede usog kayo? Ang dikit masyado at hindi ako makagalaw?" mahinang salita ko sa dalawa. Bakit ba sa akin sila nakaharap?!
Sa halip na sundin ako ay mas dumikit pa silang dalawa. Ano na, akala mo mga walang hinihintay na tao kung makadikit sa akin. Bumaba ang mga mata ko sa kamay ni Ziallyn na ipinatong sa ibabaw ng aking tiyan. Hindi naman nagpatalo ang isa at idinantay ang paa sa bandang legs ko, shutab at paano ako makakatulog nito?!
"S-Sabi ko usog, hindi ko sinabing-"
"Shut up, and close your eyes." sermon ni Ziallyn, langya.
Ni hindi ko man lang maikilos ang katawan ko dahil sa kanila. Sinubukan kong pumikit at matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok, bigla ko nalang naramdaman ang mainid na palad at buong higpit pinagsiklop ang aming mga kamay. Si ma'am, pero nakapikit ito at alam kong hindi pa sya natutulog.
Ano na Sj, matulog ka na at pilitin ang sarili.
*
Mag aalas kwatro na ng umaga at gising pa rin ako samantalang humihilik na ang mga bruha kong kaibigan. Si ziallyn, mahimbing na rin ang tulog at nakayakap pa nga sa tiyan ko ang kamay, hindi niya talaga inalis simula kanina. Paano ako makakatulog ni hindi nga ako makagalaw dahil dito sa dalawang katabi ko.
Bumuntong hininga ako.
"Can't sleep?" Nagulat ako sa biglang nagsalita kaya napalingon ako sa kanya. What the, gising din s'ya?
"Yeah, mahirap kumilos lalo na pag napagitnaan nyong dalawa ni Zi," bulong ko.
"Totoo?" kumunot ang aking noo, anong totoo ibang nya sabihin. Payapa na puso ko kanina e, nagsisimula na naman tuloy maging abnormal kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ang alin?" tanong ko.
"Krystal confessed?" Sa daming tanong, yan pa talaga.
"Trip niya lang yun, pero totoong hindi ko alam tungkol don sa moon." Sagot ko, bakit naman ako mag d-deny diba? Honest ako e.
"Gusto mo rin sya? Kulang pa ba?" Luh? Ou naman, malamang para ko na kapatid yan.
"Yes." diretso kong sagot.
"Para ko na rin syang kapatid." dagdag ko baka kasi ibang like isipin nito at mahirap na. Hindi naman ito sumagot. Ah okay?
"Try to sleep." lambing nya ha.
Paano nga kasi ako makakatulog? E hindi nga ako makatulo--
Medyo nagulat ako sa ginawa n'ya. She's patting my head now, she really knows my weakness. Sweet naman ata n'ya ngayon?
Bigla akong nakaramdam ng antok, ang bilis ko naman ata antukan e hindi pa nga nagtatagal ang ginagawa ay nilalamon na ako ng antok.
"Sleep well Sha"
***
"Baaaaaaabeeee myylaaaabsss!" Sigaw agad ni Kb pagpasok palang sa classroom." Wala talaga s'yang hiya. Sa harap pa talaga ng mga classmates namin. Late kasi ang gaga nagising kaya second subject na rin nakapasok.
Ou nga pala balik school na kami, isang gabi lang kami stranded sa resort dahil kinabukasan naging okay na ulit ang panahon, pag gising din namin ay wala na ang dalawang maldita sa tabi ko.
"Hoy babe!" sabay hampas sa akin.
"Langya ka keyboard! gusto mo masakal ulit?" banta ko pero ngumisi lang si gaga.
"Ang ingay mong keyboard ka, natutulog ako!" sino pa ba kaaway ni keyboard lagi? Si Iris, nagising dahil sa bunganga ni keyboard.
"Pakialam ko sayo" Buti at hindi naririndi tong mga kambal na nasa unahan lang namin nakaupo.
"Babe" tawag n'ya ulit at yumakap. Litsing krystal bern to.
"Oh?"
"Are you a guitar?"
"Mukha ba akong guitar ha keyboard?!" Inis kong sagot sa kanya.
"HAHAHAHAHAHAHAH tangena ka Kb alam ko yan!" Biglang singit ni Iris. Anong ibig sabihin nito?
"Manahimik ka!" Kung ako siguro si Ziallyn bibigwasan ko tong kb na to.
"Bakit?" Sagot ko, curious ako eh. Inagaw ko ang softdrinks ni Ag,
"Kasi..." pabitin pa.
"Because?" Taas kilay kong sagot sa kanya.
"Because..." Sinamaan ko sya ng tingin.
Feeling ko rin nga nakikinig lang tong mga k-klase namin e. Bigla ba naman tumahimik ang lahat.
"I'm good at fingerstyle" sabi n'ya at nag kiss sa cheek ko.
"Hoy! Pisti ka Kb! HAHAHAHAHAHAH" si Iris na sobrang lakas na makatawa. Ako? Heto nag loading lang na nakatingin sa kanya.
"Hindi na gets." singit ni Ag.
"HAAHAHAHAHAHAHAHA babe!" tanga.
Anong konek ng guitar sa fingerstyle? Ang pagkuskus ba sa string? Ha?
"HAHAHAAHAHAHAHAHAH tangena si Sj wala na, naubusan na ng utak" sana all happy gaya ng Iris na to.
"Babe halika kiss nalang kita" langya, hahalik na nga...
"De La Fuente!" Bigla kong naitulak si kb ng malakas, buti nalang at nasalo ng lap ni Iris. Anak ng tinapa!
"Sorry kb gage nagulat ako" natatawang sabi ko sa kanya. Hindi naman s'ya galit, ngumisi lang ang gaga.
"De La Fuente!" Kaloka, tinawag n'ya pala ako.
"Mommy?"
"Tangena nasa classroom tayo!" Hampas ni Kb sa batok ko, my god! Wala bang araw na hindi masasaktan tong katawan ko?
"I-I mean, po Miss?" Ang sama nito makatingin, makakatay na ba ako?
"If you're going to flirt during my class. Get out." She said coldly.
Sinulyapan ko naman ang mga kaibigan ko. Bakit ba panay ngisi nalang ang mga abnormal na to?
"H-Hind po, may binulong lang po si Keyboard." sagot at nagbaba ng ulo. Ang ganda-ganda nga umuusok lang ilong. Sus! Isa ka talagang malaking dragon.
Hindi naman na s'ya nagsalita at nagsimula na mag discuss. Napansin ko lang ha, kanina pa ako taas ng taas nitong kamay ko pero kahit isang beses ay hindi n'ya man lang tinawag ako pangalan ko?
Nangangalay na tong kamay ko, wala ba talaga balak si Mommy tawagin ako?. At bakit parang panay si Ziallyn lang tinatawag ng dragon na to, ano s'ya lang ba estudyante n'ya at mga decorations lang kami?
Hindi nalang ako ulit nangahas na magtaas ng kamay. Sayang naman effort ko kung hindi rin ako papansinin no.
Bigla nalang nag vibrate cellphone ko kaya palihim ko itong binuksan upang basahin ang mensahe.
*GIRLFRIENDS*
KB
Kamusta naman ang ayaw pansinin ni dragon?
Ayan agad bungad sa akin at nilingon si Kb, malawak ang ngiti.
SJ
Malandi kang gaga ka. 😤
KB
Hahaha it's okay babe, soon you'll thank me.
SJ
Pft yeah sure.😩
IRIS
You wanna see something?
AG
?
KB
Bold na naman ba yan?
IRIS
Gago hindi! Bakit pa manonood kung pwede naman nating gawin?
SJ
Omg lolol hahahahahaah
AG
Langya ka iris! Ang hirap magpigil tawa! Mapagalitan na naman tayo ni dragon.
KB
Tangena mo, apaka manyak mong hayop ka!
SJ
Litsi ka hahaha ano ba yun ha iris?
IRIS
New post lang ni Helari sa Fb n'ya. Si Demonyo mo! Wait...
IRIS
KB
Langya ka babe! Ikaw na pinag-aagawan ng dalawang dyosa!
IRIS
Ganda no? Mukha lang yan anghel pero mahirap galitin 😂
AG
Ano na Sj, natunganga ka d'yan?
"Tangena!"
"DE LA FUENTE!
Yawa napalakas pala yung sabi ko?!
Bwesit kasi si Iris bigla nalang mang s-surprise! Ganda naman ng demonyo na yan. San-
"SHARA JANE DE LA FUENTE GET OUT!" Langya ang lakas ng sigaw ni Dragon.
Kaya mabilis na akong lumabas. Ayoko na manatili doon at baka katayin na ako ng tuluyan ni dragon!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yes guys! It was the demonyo. Ang lumantak sa labi ko noong gabing bumagyo!
So, buong oras ako nakatayo sa labas mg classroom at hanggang sa natapos din ang klase ni dragon ay badtrip siya. Kanina ko pa naririnig panay sigaw nya sa loob habang nagtatawag ng mga pangalan, galit na galit at gusto manakit.
"Ja," salubong ni Zi sa akin pagpasok ko ng room, tapos na kasi oras ni ma'am at babalikan ko lang sana ang gamit ko pero dala na niya ito.
"Thank you, Zi," nakangiting pasalamat ko at kinuha ang gamit sa kanya.
Ngayon ko lang napagtanto ang suot nya ngayon ay yun din suot ni Zi sa litrato, mukhang kanina lang yun kinuha bago pumasok sa klase. Ganda ng demonyo na to ah, pero curious parin ako doon sa taong tinukoy nyang naaalala sa tuwing nakikita ako.
"Saan punta mo ngayon?" tanong ko, wala na kami pasok sa umaga kaya mahaba pa oras bago susunod na klase.
"Are you free?" mabilis akong tumango.
"Do you-"
"Jane," nilingon namin ng sabay ang babaeng kakalabas lang ng classroom. Kumalma na sya? Mukhang hindi na galit si dragon eh.
"Po?"
"Follow me." tinuro ko ang sarili bago pinihit ang ulo kay Ziallyn, titig na titig ito kay ma'am at para bang nag uusap sila sa pamamagitan ng mga mata?
"Yes, you." sagot ni ma'am sa akin at naunang maglakad palayo. Wala akong choice at ayaw ko naman maging bastos dahil baka mahalaga ang dahilan ni ma'am,
"Sorry Zi, kailangan yata ni ma'am tulong ko. Sa susunod nalang okay? bawi nalang ako sayo." akala ko mawawalan sya ng gano, o di kaya magagalit pero binigyan nya ako ng matamis na ngiti.
"Alright, next time." she sweetly whispered. Nagtaasan ang mga kilay ko sa ginawa nyang pag alis ng mga buhok na nakaharang sa aking mga mata. Shuta, Ziallyn, bakit ka ganyan!
"See you, Ja," kay ganda naman ng ngiting yan. Para bang nasa isang garden ka na puno ng iba't-iba at magagandang bulaklak, idagdag narin natin ang mabango niyang perfume na talaga nakakaadik sa ilong.
"Okay, see you, alis na ako." sagot ko at nagpaalam sa kanya bago sumunod ng tuluyan kay ma'am,
Pagpasok ko ng kanyang opisina ay nakaupo na ito at pikit ang mga mata, kanina ko pa rin pansin na pagod at mukhang kulang siya sa tulog.
"Ma'am? May kailangan ka?" tawag ko at naupo sa sofa.
"Jane," tinatawag nya narin ako sa second name ko.
"Po?" baling kong muli sa kanya. Bigla itong tumayo at lumipat sa aking tabi, bahagya akong nagulat sa kanyang ikinilos. I mean, sa pagsandal nya ng ulo sa aking balikat.
"Ma'am?"
"Stay here, and don't leave me." hindi na ako humingi ng pahintulot at agad hinawakan ang kanyang noo. Mainit, pinakiramdaman ko buong mukha nya at nalamang nilalagnat si ma'am,
"May lagnat ka, bakit pumasok ka pa? Sandali lang, umayos ka muna at bibili ako ng pagkain at gamot mo." nag-aalalang salita ko at tumayo ngunit bigla nya akong hinatak muli paupo at kumandong sa akin saka ipinalupot ang kanyang mga braso sa leeg ko.
"Jane," jusko po, para bang tinatawag ang taong minamahal sa lambing ng boses ni ma'am,
"Ma'am, wag na kasi matigas ang ulo. Gusto mo ba lumala sakit mo? Tignan mo oh, ang init mo sobra tapos lakas pa ng aircon mo sa opisina." sermon ko sa kanya. Bakit kaya ganun? Pag nasa labas kami at kaharap ibang tao nagiging dragon siya pero pag kami lang dalawa ang lambing nya.
"Please, hug me." bulong niya at mas lalo ibinaon ang mukha sa aking leeg. Maingat akong bumuntong hininga, kapagkuwan ay niyakap ang katawan niya saka malambing na hinimas ang likod.
Ganun lang ang ginawa ko, tahimik at hinihintay itong magsalita nang bigla akong makarinig ng mahinang hikbi mula sa kanya. Kinabahan ako at balak sanang harapin ito pero ayaw niya at mas lalo akong niyakap ng mahigpit.
"Ma'am, umiiyak ka ba? Sino umaway sayo at aawayin ko." seryoso yan, hindi ako nagbibiro sa sinabi sa kanya.
"Jane, sobrang sakit na. I don't know what do anymore, miss na miss ko na siya. I want to be the only one she looks up at and it hurts me so much to see her smile at someone else." It was a deeply painful and insecure feeling, her words were filled with jealousy and sadness. Wala ako ibang magawa kundi ang yakapin lang sya ng mahigpit at hayaan na umiyak hanggang sa mailabas nya lahat.
"I love her so much." A bitter smile crept onto my lips. A sign of disappointment and sadness, nasaktan ako? Bakit ganun? May mga mahal silang dalawa ni Zi pero bakit iba pinapakita nila sa akin sa tuwing kasama? Bigla bumigat dibdib ko, ayaw ko ng ganito at bakit apektado ako masyado.
"Tahan na ma'am, makikita lang ng taong yun kahalagahan mo pag wala ka na. Hindi man ngayon pero darating ang panahon pagsisisihan at panghihinayangan nya ang lahat, lalo na ang pag-iwan sayo." still, kailangan ko parin palakasin ang kanyang kalooban kahit medyo masakit sa puso malamang mahal na mahal niya ito.
Ngumiti ako at marahan tinapik ang kanyang likod hanggang sa wala na akong marinig mula sa kanya. "Ma'am?" tawag ko pero walang sagot.
Ikinagulat ko ang kanyang pag atras, kita ko ang namumula nyang mga mata dahil sa pag-iyak. Why? Why ganyan sya makatitig sa akin? Para bang pinaghintay ko sya ng matagal at takot ito hindi balikan. Bakit ganyan nakikita ko sa mga mata ni ma'am? Litong-lito na ako, wala rin naman akong amnesia kaya malabong ako!
I swallowed hard and my heart began beating rapidly. Our gazes locked on one another and I was drawn to her despite trying my best to keep my distance. There was something about her that was intoxicating and hard to resist. I didn't notice how close we'd gotten until our lips met. Napuno ng maraming katanungan ang isipan ko, I know kailangan ko sya pigilan pero hindi ko magawa.
Malambot at mainit ang labi niya. Hindi ko napigilan ang tukso at tuluyan sumuko sa halik niya. Nagsimula kaming igalaw ang mga labi ng magkasabay. I know it was wrong, I knew better but I couldn't stop myself from giving in to the overwhelming need to feel her and have her in my arms. The passion took over at unti-unti na akong nawala sa malalambing na mga halik nya.
Bago pa ako tuluyan malunod at mawala sa sarili ay ako na mismo ang pumutol sa halikan naming dalawa. Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago bumaba ang kanyang paningin sa aking labi. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti nang makita ko ang pagkagat nya sa kanyang ibabang labi kasunod ang isang malalim na lunok.
"Cheater ka ma'am."
"It's you." bahagya umawang ang aking labi at napakurap ng ilang beses. She's hallucinating? Anong ako?
"Ha?" mabilis kong sinuri muli ang kanyang mukha at mas lalo pa siyang uminit ngayon kaysa kanina.
"M-Ma'am, dalhin na kita sa clinic." hindi ko na ito hinintay magsalit at agad binuhat. Thankfully di sya nagmatigas at hinayaan nalang ako.
Hindi ko na naisarado ang pinto ng kanyang opisina dahil sa pagmamadali, wala rin naman ibang papasok doon na mga estudyante at babalikan ko kaagad pag nadala ko na si ma'am sa clinic.
"Ma'am, wag ka muna matulog at kailangan mo muna uminom ng gamot. Malapit na tayo." sinusubukan ko syang kausapin para hindi makatulog ng tuluyan, ano kasi nangyari sa kanya at nagkaroon ng lagnat!
Halos takbuhin ko na patungong clinic, pasalamat nalang talaga at malapit lang clinic sa building namin. "Nurse!" tawag ko sa nurse nang makapasok ng clinic.
"Anong nangyari?"
"A-Ano po, inaapoy ng lagnat si ma'am."
"Ipasok mo sa R1." tumango ako at agad nagtungo sa kwarto para maasikaso agad tong may sakit na dragon.
"Ma'am, nandito na tayo, babalik muna ako sa opisina mo dahil naiwan ko nakabukas ang pinto. Pahinga ka lang po, babalik din ako kaagad." bulong ko at marahan siyang inihiga sa malambot na kama.
"I love y-"
"Ha?" pagtingin ko ulit sa kanya ay tuluyan na itong nawalan ng malay. Hays, hindi ko narinig ang huli niyang sinabi, itatanong ko nalang pag gising mamaya.
Inalis ko muna ang mga buhok na nagkalat sa kanyang maganda mukha bago hinubad ang kanyang suot na heels.
"Sabi ko sayo ma'am eh, baka talaga hindi siya ang para sayo." para akong timang na kinakausap ang taong tulog.
"Get well soon po, babalik ako mamaya." paalam ko sa kanya at ngumiti saka lumabas ng silid.
Naisip ko bigla yung huling binigkas niya.
I ? I love ? I love you?
May problema yata pandinig ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip