Truyen1s.Vip

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)

CHAPTER 40

inkbyseki

-

"Cous! Ano na, wala ka ba balak gumising ha!? Naglakad na ang bus!" Tawag ni R sa akin mula sa labas ng kwarto.

"Okay lang yan, tatakbo nalang tayo para makahabol!" Sigaw ko pabalik sa bobong sabi n'ya.

"Umalis na kasi!" Pagtatama n'ya sa katangahan n'ya.

Gaga late na kasi kami nagising at ngayon ang araw ng team building. Ang dami na palang missed calls nila keyboard at pie,

"Ou na! Lalabas na!" Sagot ko at lumabas na ng kwarto.

Pagbukas ko ay naka busangot na mukha agad ni Donkey ang sumalubong. Sus! Pwede naman s'ya nauna nalang at iniwan ako.

"Saan pala gaganapin ang TB?" Tanong nito sa 'kin. Kumunot noo ko sa tanong dahil hindi ko rin alam kung saan!

"Hala bobo, saan ba?" Sagot ko.

She massaged her nape and then closed her eyes. Ay galit yan?

"Hindi ko rin alam e" sagot n'ya at sabay nalang kami napa-sapo sa aming noo.

"Anak nandito na mga kasama n'yo" tawag ni Mommy sa may bandang hagdanan.

Sino sinasabi n'yang kasama namin? Nagkatinginan kami ni Donkey bago bumaba. Lumiwanag agad ang mukha ko nang makita si Mommy Dragon at si Athy na kausap si Mommy sa living room.

"Mommmmyyy" tawag ko kay pie pero sabay silang napatingin ni Mommy ko sa akin. Langya nakalimutan ko, natawa nalang ako.

"Yes sweetie?" Sagot ni Mommy na mas lalo kong ikinatawa.

Napailing nalang sila Pie at Athy. Naipakilala ko na rin si Athy sa parents ko nong sunday, dumiretso na kasi kami rito sa bahay matapos namin ihatid ang mga kambal sa airport.

"Bakit nandito kayo Pie, Ath?" Tanong ko sa kanila.

"Pasensya na iha at matagal nagising 'tong dalawa" sabi ni Mommy sa dalawa.

Lumapit ako sa kanila kasunod si Donkey at binigyan ng halik sa pisngi si Mommy.

"It's okay tita" sagot nito at ngumiti, mabilis ko sya pinaningkitan ng mga mata.

"Anong tita sinasabi mo pie? Mag Mommy ka. Ang unfair mo masyado kung ako lang tatawag ng Mommy kay Mommy Irene" panunukso ko sa kanya.

Ay medyo shock ata s'ya sa sinabi ko. Bahagyang napanganga si Mommy D. Natin e, tapos ang tatlo naming kasama naka ngiti.

"Mas gusto ko yun, anak." Pagsabay ni mommy sa panunukso ko kaya mas lalo pinamulahan ng mukha si dragon. Langya sobrang pula ng mukha ni Pie at napakagat labi nalang dahil sa mga sinabi namin ng ina ko.

"Mommy fiancee ko na po si pie" mas lalo atang nahiya si Pie dahil sa sinabi ko. Ang hitsura nila Athy at RL ay gulat ang mga mukha. Ay ou nga pala si Ag at Miss Lorelei lang nakakaalam, mga marites ba naman.

"Talaga?!" Bulaslas ni mother.

"Opo, tignan n'yo may singsing na nga s'ya oh" sabi ko.

Kinuha ko ang kamay ni Pie upang ipakita ang pyesa amp haha ayaw n'ya kasi hubarin hanggat walang totoong singsing. Sweet masyado ni Mommy D. Mas lalo akong na ulol sa kanya.

Ang tatlo naman ay bigla nalang tumawa nang makita ang pyesang suot ni Pie. Langya pati ako natawa dahil sobrang pula na ng mga pisngi n'ya.

"Loko kang bata ka, bakit pyesa yan anak?" tawa-tawang saad ni Mommy at hinampas ako. Si RL naluluha na kakatawa at si Athy na kinagat nalang ang labi para hindi matawa ng tuluyan.

"Wala kasi akong pera kaya pyesa lang afford ko. Ay hindi ko pala yan binili, sa bahay lang din ni Pie yan galing" sagot ko na mas lalong ikinalakas ng tawa nila at hindi na nga kinaya ni Athy at tumawa na rin.

Pero joke lang 'yon, gusto ko lang asarin si Mommy D. Isa pa meron naman na akong singsing na nabili, kakabili ko lang kahapon at naghihintay nalang ako ng magandang pagkakataon para maisuot ito sa kanya.

"Langya ka Sj, buti tinanggap ni Pie yang pyesa mo" humahalakhak na saad ni Donkey.

"No matter what. I will accept as long as it comes from the person I love" sagot naman ni Pie at nginitian ako. Yee tangenang ngiti yan, sarap mo gapusin sa kwarto.

"Mabuti naman Anak" sagot ni Mommy.

"Mom alis na po kami at baka hindi na kami makahabol" paalam ko sa kanya at ngumuso.

"Ou na sige na at mag iingat kayo sa byahe. Pasalubong ko wag mo kalimutan" sabi ni Mommy at hinatid kami sa labas ng gate.

"Alis na po kami, m-mom," itong si pie nahihiya pa eh.

"Bye po, tita," nakangiting paalam ni Athy.

Lawak naman masyado ng ngiti ni Mother na sinulyapan ako. Ginantihan ko ito ng ngiti at nagtaas-baba ng mga kilay. Si donkey nauna na lumabas ng gate, hindi halatang excited s'ya no?

"Baaaabeeeee!"

"Sjjjjjjjjjjjjjjjjjj!"

"Stop shouting kids!" Saway ni Miss Everleigh sa kanila.

Gulat ako pagbukas ng sasakyan bunganga agad nila Kb at Iris sumalubong. Hala gage bakit nandito sila at bakit nandito ang ibang dragon? Kung si Ziallyn lang sana ay maiintindihan ko pa.

Pumasok na ako sa sasakyan at sa may pinakadulo ako umupo. Naks naman by pairs ba 'to? Katabi ni Miss Eve si Iris, Ag naman at Miss Lor, Keyboard at feeling ko si Athy makakatabi n'ya dahil wala na ibang vacant at alangan naman hindi si Pie ang katabi ko. Ang Donkey naman katabi na agad si Ziallyn, ay sabaok lahat all. Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Pie at Athy.

"Saan pala ang destination natin?" Tanong ko agad nang makaupo na si Pie sa tabi ko.

"Boracay" sagot n'ya at dinukot ang selpon.

Napanganga nalang ako, langya boracay?

"Boracay? Hala pano yan wala akong passport" sabi ko sa kanya

"Hindi na kailangan babe, private plane naman nila Ma'am gagamitin natin" sagot ni Kb na mas lalong ikinanganga ko.

"Tanga di naman kailangan passport baliw to." Kj naman ng Iris na to, pinagtitripan ko lang si keybold e.

Gusto ko sana guluhin si Pie pero may ka text, baka kabet n'ya? Charot, as if naman meron nga. Hinayaan ko nalang muna s'ya at baka business matter ulit yan.

"Ag may alam ka ba saan pwede bumili ng mga breed dogs?" Tanong ko sa kanya. Nasa pinakaunahan kasi sila nakaupo.

"Ou meron, may plano ka bumili?" Sagot nito.

"May kilala akong nag bebenta ng sitsu babe" sabat naman ni kb. Nuraw?

"Shitso?" Singit ni Iris, langya.

"May siwawa ba kb?" Tanong naman ni RL.

Humagalpak ako ng tawa dahil sa mga sinabi nila. Si Pie nagulat pa dahil sa biglang pagtawa ko langya amp.

"Shih Tzu at chihuahua kasi. Inang sitsu, shitso at siwawa yan bahaha" sabi ko sa kanila habang tumatawa.

May narinig akong humagikgik sa unahan hindi ko lang alam kung sino sa mga dragon hahaha.

"Ou nga! Yan nga tukoy ko sus!" Sagot ni Iris,

"Paano malalaman kung buntis ang aso?" Tanong ni Kb.

"Pag nag pabili ng mangga" sagot agad ni RL. Jusko mamamatay na ata ako kakatawa bahaha.

Si Pie bigla nalang hinawakan ang kamay ko at pinisil kaya napatingin ako sa kanya habang nagpapahid ng mga luha dahil sa kakatawa. Nginitian ko ito at ipinasandal ang ulo sa balikat ko, pagod ata si Mommy ko.

"Wala bang kumbang d'yan mga Ma'am?, hindi pa tayo nag lunch" tanong naman ni kb, anong kumbang ba?

"Anong kumbang na naman yan Kb!" Inis na sagot ni Iris.

"Gaga 'yong pagkain ba, basta kumbang!" Humagalpak na naman ako sa pagtawa dahil na gets ko na sinasabi n'ya.

Jusko, hindi ata makakatulog si Pie nito kung lagi nalang ako tumatawa tangenang kumbang yan.

"Bobo ka keyboard! Mukbang 'yon tanga ka" sagot ni RL at nagtawanan na rin sila.

Si dragon mahinang natawa na rin dahil sa kagagohan nila. Dami nilang baon na kalutangan ngayon ah.

"Mommy kain nalang kaya muna tayo?" Tanong ko kay Pie. Tinignan naman nito ang kanyang relo.

"Okay" sabi n'ya at sinabihan ang driver na maghanap ng malapit na restaurant.

"Ma'am wag po! Sa payaso nalang tayo kumain" reklamo ni Kb.

"Wag sa payaso Ma'am, sa bubuyog nalang po" sabat naman ni Iris.

Amp hindi ko lang alam kung gets ng mga maldita ang sinasabi nila, pero mukhang walang nakagets sa kanilang lahat.

"Langya manahimik nga kayo...ang sakit na ng tiyan ko hayop BAHAHAHAHAHAHA." pagpapatigil ko sa kahibangan nila.

"What are they talking?" Tanong ni Pie.

"Nagtatalo sila kung Jollibee or McDonald's haha" tawa-tawa kong sagot sa kanya.

Pero kung ako papiliin do'n nalang ako sa bubuyog. Sarap kaya lalo na spaghetti.

"Sa Jollibee nalang Pie" sabi ko sa kanya at tumango naman s'ya. Ay ako boss dito.

"Nakakain na kayo ng utong?" Tanong na naman ni keyboard.

Hindi na ata kinaya ni Miss Athy at napatawa nalang ito. Tangena utong jusko lord!

"Anong utong hoy keyboard, pucha ang bastos mo!" Singhal ni Iris sa kanya.

"Gaga 'yong may sunog na kanin sa bandang pwetan" tangena talaga ng mga words na gamit n'ya.

Si pie na umiinom ng tubig ay nasamid pa nga dahil sa sinabi nito. Buti nalang at may panyo akong dala at agad na ibinigay sa kanya.

"Ang sakit na ng tiyan ko Kb please lang. Tutong 'yon bwesit ka hahahahahaha" hagalpak na saad ni Iris.

"Utong amp haha" sabay pa kami ni rl. Hihikain ata ako dahil sa kanila.

Buti nalang at tumahimik din naman sila dahil sinaway na ng mga dragon. Ingay naman kasi masyado nitong girlfriends. Nag take out nalang din kami ng bubuyog daw kuno.

"Baby" malambing na bulong ni Pie.

Langya talaga hindi ako sanay mas nasanay kasi ako sa pagiging maldita n'ya.

"Hmm?" Sagot ko nang balingan ko s'ya.

"Here's for you" sabi n'ya.

Inabot nito ang favorite ko, sweet naman po. Kaya napangiti ako at pinisil pisngi n'ya.

She took my hand and kissed the back of my palm! Napalunok ata ako ng wala sa oras. I averted my gaze nang bigla itong ngumisi! Langya naman pie, kakain nalang nga lalandi pa. Init naman masyado!

"P-palakas nga nong aircon pie" utos ko sa kanya. Ngumisi lang ito at itinaas ang isang kilay.

"Hoy Sj! Ang lamig na nga!" Sabat naman ni Iris.

"Mainit" sambit ko at itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Bwesit!

"Babe, may tanong ako" salita ni Kb.

"Ano?" Sagot ko pero nasa labas parin ang atensyon ko.

"Anong feeling ng may jowa?" Seryosong tanong nito na ikinatawa ni Iris.

"Masarap" lutang kong sagot kaya nasapak ni pie ulo ko yawa. Pagkain kasi nasa utak ko!

"Hoy!" Sabi ni rl.

"Tanga, syempre masaya. Bakit may sasagutin ka na ba? Ay teka may manliligaw ka pala, hindi naman siguro yan bulag no?" Tanong ko sa kanya.

Kami lang ng mga kaibigan ko ang nagsasalita. Ano pa ba inaasahan n'yo sa mga dragon?

"Jowa jowa ka pa keyboard. Iiwan ka rin naman" sabat naman ni Iris.

"Manahimik ka, ikaw nga M.U na nga lang iniwan ka pa" sagot ni kb.

Bigla nalang tumawa si Miss Eve. Hala gage tinawanan si Iris, kawawa naman.

"Ma'am wala pong nakakatawa. At isa pa anong M.U sinasabi mo keyboard! Kapal ng mukha mo" depensa nito sa sarili. Guilty yan?

"Sus, shadap Iris. Mukha mo" iritadong sagot ni Kb.

"Malapit na pala birthday ni Daddy, ano magandang regalo girls? 'yong may meaning" Seryoso namang tanong ni RL.

"Dictionary" sabat ko, gusto pala may meaning e.

"Hahahahaha" tawanan ng mga kaibigan ko.

"Alam mo Sj, what if sawa na ako sayo?" Tanong ulit ni RL.

"Edi dadalhin kita sa gubat" sagot ko.

"My gosh pft" napalingon ako kay Pie dahil bigla nalang tumawa. Hala tumawa ang Mommy ko awee, ay pati rin pala sila

"Y'all are so witty" sabi naman ni Miss Lorelei, ay hala tumatawa na rin pala sila. Naks naman talaga.

"May TF po kami Ma'am. Magkano po bigay n'yo?" Sagot naman ni Iris.

"Ma'am mag bigay kayo ng tanong tapos pag nasagutan namin ng tama. Dapat may prize kaming lima" makapal na saad ni Kb.

"Okay" awtomatikong napalingon ako kay Pie. Langya seryoso s'ya d'yan?

"Seryoso ka?" Tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Question na po Ma'am" sabi ni Kb.

"Give me 5 different kinds of water forms" langyang tanong yan.

"Ay ang easy naman ng tanong mo Pie" sabat naman ni RL.

Una nag taas ng kamay si Kb
"Ilog Ma'am!" Naks

"Dagat" tipid kong sagot

"Balon pie!" Sagot naman rl

"Ulan po Ma'am!" Tangenang Iris to Hahaha.

"Sabaw Ma'am" mas lalong lumakas tawanan namin dahil sa sagot ni Ag. Ayoko na bahaha I expected that keyboard will answer this.

"Bakit kayo tumatawa, may form din naman ang sabaw ah?" Langya ang sakit na ng tiyan ko bwesit amp.

"May point din naman si AG Ma'am" pag sang-ayon ni Iris.

"Pwede pwede!" Sabat ko

Napailing nalang ako at kinuha ang pagkain na binigay ni Mommy kanina. Bahala sila d'yan at kakain nalang ako.

Nang matapos akong kumain ay kinalabit ko si Pie na abala naman ngayon sa laptop n'ya.

"Yes?" Sabi n'ya.

"May tanong ako" mahinang sagot ko sa kanya at nag taas-baba ng kilay.

"Hmm?" Sagot nito at nasa laptop parin ang atensyon.

"HJKLMN. What's the missing letter?"

"I" agad na sagot nito.

"Opposite of hate?"

"Love" bilis naman makasagot ni Mommy.

"Opposite of me?"

"You"

Napangisi ako nang bigla itong napalingon sa side ko. Na realize na ata n'ya ang ibig sabihin.

"I love you too" bulong ko at hinalikan ang pisngi n'ya.

Nakabusangot ito pero namumula ang pisngi. Ay kinilig si Mommy! Inikutan lang ako ng mga mata at ibinalik na ulit ang atensyon sa laptop, sus. I leaned on her shoulder and took her left hand. Nilagay ko yun sa aking ulo at bigla akong napahikab dahil sa ginawa nyang pagtapik at haplos.

"Take a nap" she whispered. Tumango naman ako saka ipinikit ang mga mata.

-

"J"

"Wake up"

Nagising ako dahil sa haplos ni Mommy sa pisngi ko. Napangiti ako nang makita s'ya sa harapan ko. Gandang bungad nito pagmulat ng mata ko.

"Tara na, they're waiting" sabi nito at hinila na ako patayo. Nauna na pala silang lahat at kami nalang ni Pie hinihintay para makaalis na.

"P-Pie may acrophobia ako. Baka pwede mag barko nalang tayo?" Bulong ko sa kanya habang papalapit sa sasakyan namin.

She look at me and smile beautifully.
"Don't worry baby, we'll be safe. I promise we'll land safely" she said then intertwined our hands. Pero yubg mga paa ko ayaw ata pumasok kaya hindi ako nagpatianod sa kanya, langya.

"N-No, don't wanna. Hindi nalang kaya ako sasama?" Sabi ko sa kanya. Tapang ko sumakay sa mga rides ng EK tapos may phobia pala. Pero iba naman kasi 'tong gagawin namin! Papuntang langit na to e.

"Papasok ka o ibabagsak kita?" Sabi ni pie. Bakit ngayon pa gagamitin ang ace card!

"Ibagsak mo nalang ako Mommy basta-"

"Iris, Rochelle. Ipasok n'yo si Jane" tawag ni Mommy sa kanila. Tangenang yan.

Nangangatog na 'tong mga tuhod ko. E prank nalang nila ako, wag naman sanang ganito. Ang dalawa nakangisi na habang papalapit sa amin.

"H-Hoy sige subukan n'yo akong ipasok. Pagbubuhulin ko kayong dalawa" sabi ko pero ang mga gaga mas lalo pa ata lumawak ang mga ngiti. Gulped!

"Mameeeh ayaw ko ngaaaaaaa!" Pagsusumamo ko nang hatakin na ako nila Iris papasok. Tangena tinaasan lang ako ng kilay wtf.

"P-pag ako talaga namatay, wala ka na talagang aasawahin!" Singhal ko.

"Wala talaga dahil susundan kita" tangenang yan babanat pa talaga e bwesit. Pero +100 tayo sa langit n'yan.

"Dali na Sj!" Ang lakas nilang dalawa. Ano ba naman ang laban ko sa kanila!

Pero pansin ko nasa gilid ang upuan. Teka parang ano to ah, tapos may nakita akong maraming bag. Tangena mukhang masama talaga kutob ko rito. Napalunok nalang ako dahil sa kaba.

"T-teka bakit naman ata may mga parachute ha?" Kabadong tanong ko sa kanila.

Walang sumagot kaya pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama. Excited naman ata nila masyado?

"Jane come here" sabi ni Mommy at seninyasan akong umupo sa tabi n'ya.

Langya hindi na talaga ako makakatakas dahil umaandar na ang aircraft! Dali-dali akong naglakad palapit kay pie at hinawakang maigi ang braso nito.

May kinuha si Pie na isang headphone  at eye mask for sleeping. Matutulog s'ya? Makakatulog s'ya!?

"Love, wear this mask and use the headphone..." She smiled. Ay para pala sa 'kin to?

"Makinig ka ng music. Don't worry, we'll be safe" dagdag pa nito at s'ya na mismo nag suot ng eye mask at headphone sa akin.

"Take a nap" she said and patted my head, may lahi talaga ata akong hayop dahil mabilis akong antukin pag ginaganyan ako.

-

Naalimpungatan ako dahil sa bunganga ng mga kaibigan ko.

"Noooo!"

"Akala ko ba rides lang po!?" Bunganga ni RL

Ingay naman ng mga 'to. Kaya inalis ko ang eye mask at iminulat ang mga mata. Pero nakunot nalang ang noo ko nang makita na may mga jumpsuit sila?

"Ma'am wala naman sa usapan to!" Reklamo ni Iris kay Miss Everleigh na ngayon ay abala sa pag-aayos ng sarili.

"Baka mamatay talaga kami n'yan Ma'am!" Ngayon ko lang ata nakita si Ag na nag panic. Ano bang nangyayari?

"Nonononononono!" Si Kb na maiyak-iyak na rin.

Binalingan ko si Pie na katabi ko lang at ngayon ay naka Jumpsuit na rin. Teka, pero bakit may suot na googles at bag s'ya?

"Mommy, anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya habang nagkukusot ng mata.

"We're going to jump" my eyes widen in disbelief. Did I just hear it right? Tatalon kami!?

"Wear your damn googles Iris!" Singhal ni Miss Eve kay Iris.

Ako na nataranta na rin at nanlalamig na ang katawan dahil sa mga trip nila Pie. Hindi ba sila nagbibiro!?

"T-Tatalon tayo!?" I exclaimed.

"Ma'am! H-hindi kami marunong!" Sabat naman ni Kb.

Tangena so tatalon nga kami?!

"P-Pie naman! A-alam mo naman na may phobia ako. Pumayag na nga akong sumakay tapos ngayon tatalon pa tayo!" nanginginig na boses ko dahil sa kaba kasi hindi talaga sila nagbibiro!

"Skydiving is fun J" fun mo pwet mo. Pag natigok fun din.

"H-hindi kami marunong Pie ano ba!" Nginisihan lang ako ni gaga, sarap itapon sa kama.

"Mag tatandem tayo" ano raw, tandem?

"Riding in tandem!?" Bwesit tong si Kb

"Tandem skydiving" sagot nito.

"A-alam n'yo ba kung ano gagawin?" Tanong naman ni rl.

"May mga lisensya kami" sabat naman ni Athy. Tangena sila na marunong mag skydive.

Napatulala nalang ako at ramdam ko na ang pawis sa aking noo. Mangiyak-iyak nalang ako habang kinakabit ni pie ang equipment sa katawan ko.

"Payag nalang siguro ako ihulog ulit sa rooftop" nangingilid na mga luha na saad ni RL, tangena akala ko ako lang umiiyak pati na pala silang apat.

"Team building na nauwi sa skydiving. Ma'am please lang lumanding ka ng tama, gusto ko pa magka-jowa" sabi naman ni Iris kay Miss Everleigh.

"Licensed skydiver ka rin!?" Tanong naman ni RL kay Zi.

"Obviously" sagot n'ya.

"Is this some kind of revenge? Bakit naman po skydiving pa" si kb na humihikbi habang inaayos ni Athy ang gamit sa katawan n'ya.

"Miss Lor, may tiwala po ako sa'yo." si Ag na nagpapahid ng luha. Tangena talaga, hindi nakakatuwa tong ginagawa nila sa amin.

May kasama rin pala kaming mga videographer, grabe naman masyado tong plano nila. Gusto siguro nila e record bago kami pumanaw ng mga kaibigan ko.

Nang matapos na e check kung okay na ang lahat at wala ng problema ay binuksan na nang videographer namin ang pinto. Ang lakas ng hangin!

"P-Pie, please naman oh. Hindi na kami man ti-trip ulit, wag na natin ituloy to please" I pleaded while sobbing.

At kami pa talaga ng girlfriends ang nasa harap heeeeelp! Pati mga kaibigan ko umiiyak na tangena talaga. Si kb na parang linta kung makahawak sa pinto habang umiiyak, dahil sila ang mauuna ni Athy tumalon!

"Ma'aaaaam please lang pooo baka wag nalang ako sumama" hagulgul ni keyboard pero patay malisya lang si Athy.

Nagpapahid na rin ako ng mga luha dahil hindi ko talaga mapigilan ang kaba at takot.

Sumenyas na ang videographer sa kanila ni Athy at ready to jump na.

"Krystal let go. We're gonna jump now" sabi ni Athy.

Ayaw kasi bumitaw ni kb sa hinahawakan n'ya. Kaya ang ginawa nalang ng videographer ay s'ya na mismo ang gumawa ng paraan para mapabitaw si Kb.

Sumenyas ito kay Athy ng OKAY.
"3...2...1..."

"Aaahhsbdjjsndkjspotaaaangee.....!" Sigaw ni Kb nong nag dive na sila.

Tangena napalunok nalang ako, kita ko rin kung gaano na ka putla ang mga palad ko.

Sunod naman sila Iris at Miss Everleigh. Si Iris na maluha-luha rin at nag sign of the cross pa nga.

"Move forward Iris!" sabi ni Ma'am.

"Pag ako nahimatay Ma'am, kasalanan mo talaga to!" sabi n'ya.

Magsasalita pa sana si Iris pero tinulak na s'ya ni Ma'am kaya nag dive na silang dalawa. "Ahhhfucccckkbajsbjsbd!"

Sabay na tatalon ang tandem nila Miss Lorelei at Ziallyn.

"Ready?" Tanong ni Miss Lore kay Ag at tumango naman ito. Kaya agad na silang nag dive, sanaol chill lang!

"Z-Zia, ayusin mo ha. Hindi pa ako kina-crush back ng crush ko. Kapa-!" Hindi na natapos ni Donkey ang sasabihin dahil tinulak ni Zi amp.

Walangyaaaaa kami nalang ang last! Tinulak na ako ni Pie sa may bandang open door.

"P-pie hindi ko talaga kaya please" I sob.

I felt her lips on my nape. Aw she gave me a peck.

"Don't worry. Just trust me and let's overcome your fear together okay?" She sweetly whispered.

"D-Do I need to pull the cord?" Tanong ko.

"No, i'll do it myself" sagot agad nito.

"Let's go" sabi n'ya.

Pag dungaw ko sa baba ay para atang aatakihin ako sa puso. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang kaba.

"I'm here, don't be scared" She whispered.

Sasagot pa sana ako nang bigla n'ya nalang akong itinulak dahilan para mahulog kaming dalawa.

"Ahhhhhhhhyy potangenaaaaaaaa!" Sigaw ko habang nakapikit ang mga mata.

Narinig ko s'yang tumawa sa likod ko at kinuha nito ang magkabilang kamay ko.

I slowly opened my eyes, sobrang ganda at lawak ng nakikita ko. I saw some of the videographers showing off their skills, ang ganda para lang silang sumasayaw sa kalangitan.

Seninyasan ako ni Pie na hahabol kami sa mga kaibigan namin kaya ang ginawa namin ay pabagsak una ang ulo para mabilis namin sila maabutan. Hindi pa makapagsalita dahil freefall at 120+mph ba naman bilis ng bagsak namin.

Nawala ata bigla 'yong takot ko, tapos dagdag pa na nandito si Pie na kasama ko ngayon. She told me that she'll land me safely kaya tinatagan ko na talaga ang sarili at nilabanan ang lintik na phobia na 'yan!

Sumenyas si Pie sa dragons at hindi ko alam kung anong sign 'yon. Basta namalayan ko nalang na palapit na kaming lahat sa isa't isa at nag form ng circle.

Sabi ni Pie 13k feet daw 'yong tinalunan namin then by 6k feet need to deploy our parachutes so that it's open by 5k feet.

Hawak kamay silang lima at paikot-ikot kami habang pabagsak. Buti nalang at may mga helmet kami at for sure punit mga mukha namin kung wala.

Natawa ako nang makita na nag passed out ata si Iris at Rl walangya hindi na gumagalaw e. So seninyasan ko sila Zi at Miss Eve na tigok ang dalawa, hala paano yan pag mag landing gaga mahihirapan sila langya.

Kumalas naman si Miss Eve at Zi sa paghawak ng kamay at sinapok ang mga ulo ng mga kaibigan ko. Ay effective kasi nagising sila ulit, tangena ayaw ko na hahaha 'yong kaba ko kanina nawala nalang bigla at panay na ako tawa pati sila Kb at Ag amp.

Pie deploy the parachute nong 6k feet nalang ang taas namin at bumukas nga saktong 5k. Nasa boracay na pala kami walangya ang ganda tignan ng view mula rito sa taas e.

Sayang bawal mag dala ng cameras at phone. Pero okay lang meron naman kuha ang mga pro's na kasama namin. Medyo malakas ang hangin buti nalang at magaling tong driver ko charot amp, mamaya ka sa akin!

"J lift your legs" utos ni Pie nong pa landing na kami sa landmark kaya agad kong ginawa.

Langya napasubsub pa nga kami dahil sa ginawa ko. Pinabigat ko kasi lalo 'yong katawan ko at bigla kong hinatak si Pie, pero ang ending ako 'yong napasubsub sa lupa at s'ya sa likod ko. Una pa nga kami nag landing na dalawa kaysa apat na kasama.

"Mameehhh tumayo ka naaaaa! Hindi ako makahingaaaaaa!" Sabi ko sa kanya.

"You're so heavy-aray!" Bigla nalang mananapak amp.

"I'm not heavy!" Singhal nito na ikinatawa ko.

"Ou na ou na, tumayo ka na d'yan dahil palapag na sila" sabi ko sa kanya.

May lumapit sa aming lalaki upang tinulungan kaming tanggalin ang equipments na mga nakasuot sa amin.

Fortunately ay safe naman ang lahat nakalapag. Naks gagaling naman ng mga Mommies namin mag dive galing langit amp.

Nasa sasakyan na kami at on the way na sa hotel matapos kaming parusahan ng demogons. Parang nakakatakot na sila pagtripan o idamay sa kalokohan namin baka sa susunod ay hindi lang langit aabutin namin.

Alas dos na pala at mag start daw activity by 3pm sabi ni Pie. Anong activity naman kaya ang gagawin namin ngayon.

"Langya daming nangyayari sinisingil na ata tayo ni papa G" biglang salita ni Iris.

"Magkano?" Bobong sagot bi Kb. Suka s'ya kanina pag lapag nila ni Athy e haha.

"Anong magkano?" Sagot ni I.

"Sabi mo sinisingil na, magkano ba?" Langya nasa langit pa ata utak n'ya.

"Alam mo Kb ang sarap mo ihulog ulit galing himpapawid. Umiyak pa nga" pang-aasar na naman ni I.

"Kapal ng gilagid mo magsalit. Umiyak ka rin naman tanga!" Rebat ni Kb amp

"Ingay n'yo namang dalawa" saway ni Ag. Isa pa to umiyak din naman, actually kami talagang lima.

"Ma'am Everleigh may sasabihin ako" putol ni Iris sa bardagulan nila at si Miss Eve naman ang binubwesit.

Itong si Pie nakatulog sa balikat ko, napagod s'ya no'n? Baka kulang exercise katawan nito hmm.

"What" Ma'am sad coldly.

"Ano" sambit ni Iris.

"I swear Iris. Don't test my patience" banta ni Miss Eve.

"Ano kasi" ay inulit pa nga.

"Ano nga!?" She exclaimed lmao.

"Anooo for sure" hagikhik ni I. Tangenang yan

"Huh?"

"Ayon nga po Ano" tangena lakas ng topak n'ya amp.

Di na ata kinaya ni Miss Eve kagagohan n'ya kaya nasapok na n'ya ang ulo.

"Sige Miss, bugbugin mo yan. Siraulo naman yan e" naks supportive ang keyboard.

Napailing nalang ako sa kanila. Binalingan ko si Pie at kinuha ang isang kamay nito. Sleeping beauty lang ang peg ni Mommy natin ah, baka magising pag hinalikan?

"Hala may wifi, kanino tong hotspot? Pa wifi nga saglit. Wala akong load" bunganga na naman ni Iris.

"Akin bakit?" Sagot ni 🐒

"Anong password keyboard"

"Sigewaitlang"

Kinuha ko rin ang phone ko at naghintay na ibigay ni KB ang pw pero makalipas ang ilang minuto ay wala parin itong binibigay.

"Hoy kb password asan na!" Inis na saad ni Iris.

"Ha?" Hakdog kb

"Password ng hotspot mo tanga" sabi ko.

"Ou nga! Sigewaitlang" ay inulit pa nga.

"Bilisan mo kb, bagal mo naman!" Reklamo ni Iris.

"Bwesit ka kanina ko pa sinabi ang password! Sabi ko sigewaitlang! 'yon ang password mga bobo" she said irritatedly then Miss Eve suddenly burst into laughter.

Tangena naman pwede naman kasi linawin agad! Hindi 'yong gagawin pa kaming payaso.

"Alam mo kb may ubo ka talaga sa utak. Pwede mo naman sabihin agad!"

Sumasakit ulo ko sa kanilang dalawa walangya. Ibinalik ko nalang ulit ang phone ko at baka pati ako makipag bardagulan na kay kb.

"Nasabi ko na nga omg! Sarap mo ipahulog ulit galing langit!" Singhal nito na mas ikinatawa pa ni Miss Eve.

"Ma'am ang saya mo naman po" Iris said sarcastically, tapang yarn haha.

Tumikhim muna si Miss bago magsalita.
"Hindi ba kayo napapagod sa ginagawa n'yo" sabi ni Miss.

"Ay may ginagawa pala kami?" Pamimilosopo ni I. Ang lakas n'ya talaga mang asar kay Miss E langya.

"Ma'am may tanong ulit ako" susuko na ata utak ko kay Iris.

Tagal naman namin dumating ng hotel ang sakit na nitong pwet ko at gusto ko na umihi!

"Speak kid"

"Gusto mo ba ako?" Seryosong tanong ni I, hala makapal ang mukha.

"HHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawanan naming magkaibigan.

"Kapal ng mukha mo Iris ahaahaha" tawa-tawang saad ni Kb pero hindi nalang pinansin ni Iris.

"Ano Ma'am, gusto mo ako?" Seryosong ulit nito.

"Hindi" prangkang sagot ni Miss.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan na naman ulit naming lima.

"Hindi mo pa tinatanong kung mahal kita" sabi ni Miss Eve. Naks naman

"Ay mahal mo 'ko? Sabi na e" mayabang na sagot ni I.

"Hindi rin"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tangena kawawang Iris na double kill.

Langya nagising ata si Pie dahil sa sobrang lakas ng mga tawanan namin.
Kaua agad ko tinapik-tapik ulo n'ya, baka lang sakaling makatulog ulit.

"Sige sabi mo yan ha" sagot ni Iris.

Hindi na natahimik ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa hotel at ang daming tao! Especially students from PU. Kakarating lang din ata nila? So kasabay lang din pala namin sila.

Langya naman 'tong si manong driver at mismong sa tapat pa ng mga estudyante hininto ang sasakyan!

"Pie wake up" pukaw ko kay Pie at marahan na hinaplos ang pisngi.

Himbing naman ata masyado tulog n'ya?

"Pie" tawa ko ulit pero wala parin.

Ay ayaw mong gumising ha.
I kissed her lips pero ang dragon ayaw pari gumising kaya siniil ko ulit ng halik and this time, I bit her lip.

"Hmm" oh she moaned

Buti nalang at nasa likod kami at hindi kita ang kahalayan ko sa kanya. Lumayo na ako sa kanya nang makita na pamulat na ang kanyang mata.

"Good morning to you Mommy. Nandito na tayo sa hotel at ikaw nalang hinihintay para makalabas na tayo" nakangiting sabi ko sa kanya saka hinaplos ang pisngi.

"Good afternoon" she said and smiled.

Inayos n'ya muna ang sarili bago magsalita. "Let's go" sabi n'ya sa mga kasama kaya binuksan na ni Ag ang pinto at unang lumabas kasunod ang iba.

I was about to stand up when she suddenly took my hand and intertwined it to hers.

"Tara" sabi n'ya at ngumiti ng pagkatamis. Sarap n'ya talaga papakin pag ngumiti e.

Hatak naman masyado ng atensyon pag labas namin dahil sa amin agad ang mata ng mga estudyante langya. Si Pie na hawak parin ang kamay ko habang papasok ng hotel, sanaol VIP kasi mas nauna pa talaga kaming pumasok kaysa mga schoolmates.

Buti nalang at 5 students kada room, hiwalay nga sana kami ng girlfriends pero pinakiusapan namin si Pie na iisa nalang ang kwarto naming lima. Hindi pwedeng maghiwalay kami! Mamamatay kami sa ka boringan pag walang gagawin.

"Wow ganda naman nitong kwarto, pang first class talaga ang kinuha ni dragon mo babe ha" sabi ni Kb nang makapasok na kami sa kwarto.

"Hoy d'yan ako malapit sa may terrace" sabi ko kay Iris dahil plano atang agawan ako ng kama.

Binigyan lang kami ng 20 minutes para mag ayos ng mga gamit at kailangan na namin ulit lumabas.

Matapos namin mag ayos ng mga gamit ay bumaba na rin kami agad. Pag labas ng hotel ay ang daming estudyante langya! May ibang courses pala kaming kasama.

Buti nalang at hindi pinagsama ang BA sa ibang course. Kawawang donkey at mapapahiwalay sa amin.

"Listen Kids" sabi ni Sir Dave

"We will start our first activity today. Our first activity is called scavenger hunt. Group yourselves into 5, i'll give you 5 minutes to complete your team. Now move!"

So 4 na kami at need nalang namin ng isa pa. Luminga-linga ako upang hanapin si Zi pero ang dami naman atang alien nakapaligid sa kanya. Sakto naman na napatingin ito sa direksyon namin.

"Zi" tawag ko at pinalapit s'ya. Naglakad na ito sa direksyon namin at hindi na pinansin ang mga aliens.

"Ja" tawag n'ya

"Dito ka nalang sa amin, kulang naman kami ng isa" sabi ko at ginulo ang buhok n'ya.

"Sure" she smiled.

"Listen kids. I created a list of things for you to find, hear or do. You will scavenge around and find, smell or do all of the things on the list. The team who ticks everything off on their list first, or ticks off the most items before the time is up, wins. The time limit is 2 hours!"

"Come here and get one" sabi n'ya at itinaas ang mga papel na hawak nito. Ako na mismo ang kumuha para sa group namin.

"1.Something shiny 2.Vanilla 3.Do a forward roll 4.Exquisite 5.A picture of someone you love 6.Take a five seconds video doing the most ridiculous thing you can think of 7.Stop and grab a coffee. Ask the barista if you can get a group photo 8.Clown 9.A professor 10.Imitate an animal"

"Langya mukhang mahihirapan tayo d'yan ah" reklamo agad ni Iris

"Madali lang 'yan! Tara maghanap muna tayo ng coffee shop! Sakto gusto ko mag kape" sabi ko sa kanila.

"Ja, there's a coffee shop near the hotel. Let's go there" sabi ni Zi kaya tumango naman ako.

Hindi naman kalayuan dahil, 5 minutes lang nilakad namin bago makarating sa sinabi ni Zi. Agad kaming nag order at nagpa-picture sa barista.

"Okay ano next?" Tanong ni Ag nang makalabas na kami.

"Ito, take a five seconds video doing the most ridiculous thing you can think of" sabi ko sa kanila at nagkatinginan pa kaming apat.

Bagay ata tong nakuha kong list sa grupo namin ah. Napangisi ako dahil sa bigla kong naisip na gagawin at tinignan si Kb na ngayon ay nakataas ang isang kilay.

"Iris, this is your time to shine" her eyes widen in disbelief lmao, akala n'ya siguro si Kb na naman gagawa.

"M-me!?" Bingi na ata to s'ya e.

"Yes"

"Ano gagawin n'ya?" Nakangising tanong ni Kb.

"You see those women?" Sabi ko at tinuro ang tatlong babae na nasa table.

"Stick out your tongue like a dog and dance in front of them" seryosong sabi ko sa kanya dahilan para mabilaukan s'ya amp.

Sila kb naman ay bigla nalang humagalpak ng tawa dahil sa pinagawa ko.

"W-what!? You gotta be kidding me sj!" Kunot noo nitong sagot.

"Stop complaining and just do it" wooo Zi's voice was so damn cold.

Si Iris naman napalunok nalang haha.
Ayaw pa sana n'ya gumalaw pero tinulak na namin s'ya.

"Ilabas mo dila mo tanga!" Sampal ni Kb sa batok nito.

Wala naman na s'yang choice kaya ginawa nalang din n'ya. Si Ag ang videographer namin for today's video. Inilabas na nga ni Iris ang dila na parang asong ulol, si Kb na panay ang pang-aasar kay Iris. S'ya naman sana ang pipiliin ko pero kawawa naman si 🐒.

Silang dalawa ni Ag ang lumapit sa mga babae. Pag lapit nila sa table ay bigla nalang nag play si AG ng budots at si Iris na sumasayaw na parang isang macho dancer sa club sabay labas ng dila, mukha s'yang asong ulol. Humagalpak na kami ng tawa, si Ziallyn naman na natawa narin dahil sa kagagahan nito.

"HAHAHAHAHAHAHAHA Iris bagay sayo!" Sigaw ni Kb.

Ako naman ay hindi mainom-inom ang kape ko dahil nasasamid ako langya. Napanganga pa nga ang mga babaeng sinayawan n'ya jusko po bahaha. 5 seconds lang naman sana ang nasa list pero ang gaga lumampas na sa 30 seconds at hindi parin tumitigil sa pag giling!

"Hoy Iris tama na! 5 seconds lang gaga" tawa ko sa kanya. Kung hindi pa s'ya hinila ni Ag ay ang gaga hindi talaga titigil sa pag sayaw.

"HAHAHAHAHAHAHAAH bagay sayo Iris!" Panunukso ni Kb.

"Tangena n'yo!" She said and rolled her eyes.

"What's next Ja?"

"Do a forward roll" nakangisi kong sabi at nag palitan na naman kami ng mga tingin. Kita ko pa ang pag lunok nila kb at iris haha.

"Ag ikaw na" napanganga nalang si Ag at sabay nag tawanan ang dalawa sa gilid n'ya.

"Ag ag ag! It's your time to shine!" Sabay tapik ni Iris sa bakilat nito.

"Seriously?" She asked in disbelief

"You dali na. Don't be shy" sagot ko sa kanya.

Buti nalang at madali lang kausap si Ag. Pinahawak nito ang kape n'ya sa akin at biglang nalang humiga sa daan, langya amp. Napakagat labi nalang ako dahil nakapikit pa talaga s'ya e.

"Gaga bakit ka humiga, forward roll nga!" Saway ni Kb sa kanya na ikinatawa ko.

"Ay forward roll ba" amp haha.

"Buti nga sayo forward roll lang e!" Sabat naman ni Iris.

Nag squat si Ag at bigla nalang gumulong pa abante ng tatlong beses.

"Hala Ag! Gaga hindi ko napindot ang record!" Tangenang kb 'to sinadya e.

Napabuntong hininga nalang si Ag at pikit ng kanyang mga mata.

"Isa pa hahaha" tawa-tawang sabi ni Kb.

Pinapindot muna ni Ag ang record bago ulit gumulong na parang gulong langya, tawa lang kami ng tawa habang pinapanood s'ya hanggang matapos.

"Ano sunod!?" Ag n'yo galit haha.

"Tara hanapin natin sila Pie. Need natin sila" sabi ko.

"Call her Ja." suggestion ni Zi.

Ay ou nga pala bobo ko, mas maganda na rin 'yong tawagan ko nalang muna para alam namin kung saan sila hahanapin. Kinuha ko agad ang selpon at tinawagan si Mommy.

"Pie!" Sabi ko nang masagot na nito tawag ko.

"Yes?"

"Nasaan ka? Kasama mo ba ang ibang professors?" Tanong ko.

"At the beach, and yes I'm with them" sagot nito.

"Okay, d'yan lang kayo ha. Need namin help n'yo e" sabi ko at pinatay na ang tawag.

"Tawa nasa may beach daw sila" sabi ko sa mga kasama at pumuntang beach side

Ang daming tao pag dating namin pero agad naman namin silang nakita. Hatak ba naman nila halos atensyon ng mga tao e. Nasa dalampasigan sila nakatayo at nag-uusap.

"Pieeee!" Tumatakbong tawag ko sa kanya kaya napatingin ito agad sa akin.

"What do you need J?" Tanong nito.

"We need your help para matapos na namin tong scavenger hunt namin" sagot ko

Si Miss Eve naman na masama kung makatingin kay Iris. Ano na naman kaya problema nito?

"Pero may gawin muna kami last, bago tayo pumunta kay Sir Dave" dagdag ko.

"Kb ikaw na"

"What!?" She exclaimed. Si Ag at Iris naman ngayon malawak ang mga ngiti.

"Yes, ikaw ang huling alas. Imitate an animal" humagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko.

Sila pie naman ay hindi na nagulat sa sinabi ko, immune na ata sila sa kagagohan namjn.

"Ano ba yan babe akala ko pa naman safe na ako today!" She stomped amp.

"Sige na last na 'to oh" sabi ko saka binalingan si Pie.

"Pie ikaw pumili. Teka pili ka rito sa list ko" seryosong sabi ko.

Habang nag e-scroll si Pie ay bigla nalang itong napakagat labi. She's suppressing her laughter, I wonder which animal she choose.

"Alright Krystal, imitate this one" sabi n'ya at hinarap sa amin ang selpon.

Humagalpak kaming lahat ng tawa dahil sa napili ni pie omg haha.

"M-Ma'am seryoso po ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kb. Si Iris na napaupo na dahil sa kakatawa haha.

"Yes"

Napabuntong hininga nalang si keyboard dahil alam n'ya naman na wala s'yang magagawa dahil si Pie na mismo nag utos haha.

"Ag ag ag! Kunan mo ng litrato!" Hagalpak kong sabi kay Ag.

So ginawa na nga ni Kb pina-singkit ang mata, mala ilong ng unggoy, tapos nakangiti habang nakanganga.

Napaupo na rin ako sa buhangin dahil sa kakatawa ang sakit ng tiyan ko. Pati  nga ang demogons ay tumawa na dahil hindi na nila napigilan.

"Okay Kb smile..1...2...3"

Kb n'yo horse with brace na 😂

Hindi parin kami natigil sa pagtawa nila Iris dahil ang epic ng hitsura ni Kb sa totoo lang.

"Stand up J" maluha-luhang saad ni Pie langya.

Si Kb na sobrang pula ng mukha dahil sa pang dodogshow ni Mommy sa kanya, jusko ang sakit ng tiyan ko punyeta bahaha.

"Ano na babe! Kainis! Sunod na! Tumigil ka na nga sa kakatawa Iris!" Sabay sampal nito sa ulo ni I.

"HHAHAHAHAHAAHAHA HELP I KENT BREEYTH" si Iris na mamamatay na ata kakatawa langya.

"Clown next hoy!" Tawa-tawang sabi ko.

"Langya ako na naman!", Kb exclaimed, wala pa nga akong sinasabi.

"Ye-"

"Not you. Do it J" awtomatikong napalingon ako kay Pie! Walangya?

"Ha? Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Yes" tangena?

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA" this time ay ako naman pinagtatawanan nila kb bwesit.

May tinawagan si Pie at hindi nagtagal ay dumating din ang isang staff ng hotel. Langya bakit naman may dalang make up at wig yan?

"Come here Jane" utos ni baby, napalunok nalang ako dahil mukhang alam ko na ang mangyayari.

"Gagawin mo 'kong payaso?" Kunot noo kong tanong.

"Yes"

"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAH" bwesit tong mga kaibigan ko. Napapikit nalang ako dahil hindi naman ako makakaangal!

So pinaupo na n'ya ako sa isang bench at s'ya na mismo ang nag make up sa akin habang ang mga kasama naman ay nasa likuran n'ya na nanonood.

"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA" tangena kanina pa to tawa ng tawa sila Iris masasapak ko na 'to.

"Babe bakit ka naman nakabusangot hahaha langya" mas malala pa ata 'tong ginawa ni Pie sa akin kaysa kay Kb e!

"Done" sabi ni Pie kaya iminulat ko na ang mga mata habang nakabusangot.

Ang mga kasama naman namin ay ang lakas ng tawanan lalo na mga kaibigan ko!

"Langya manahimik nga kayo Kb! Asan salamin? Pakita nga!" Sabi ko.

"Sj, here" sabi ni Ag kaya malungkot akong napatingin sa kanya pero may narinig nalang akong isang click

Nag tawanan na naman sila matapos makita ang picture ko!

"Patingin nga! Hambalusin ko kayo nitong wig e" sabi ko at inagaw sa kanila ang camera.

Instead na magalit ay humagalpak ako ng tawa nang makita ang sarili ko tangena.

Anong ginawa ni Pie sa mukha ko!

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAH" nakisabay na ako sa tawanan nila, naloko na!

"Lungkot mo naman masyado Sj HAHAHAHAHAHAHAHHAHA" sabay tapik ni Iris sa akin.

Si Mommy naman nagpupunas na rin ng mga luha dahil sa pag tawa. Jusko naman kasi sinong 'di matatawa sa hitsura ko ngayon!

"Saya n'yo naman po. Okay na? Tara na at puntahan na natin si Sir Dave" sabi ko at aalisin na sana ang wig at buburahin ang make up pero pinigilan ako ni pie.

"Try to remove and erase the make up. I'm gonna-"

"No, hindi mo kaya yan" hamon ko sa kanya. Pinutol ko na sasabihin n'ya amp.

"You know me" rebat n'ya, langya kang dragon ka!

"Wag mo na burahin Sj bagay naman sayo" singit ni Ag. Sumasakit ulo ko sa kanilang lahat mga hayop.

Napabuntong hininga nalang ako at inikutan sila ng mata.

"Tsk fine!" Iritadong sagot ko.

"Ay wait, halika Pie. Kuha tayo picture  na dalawa" sabi ko at hinila s'ya palapit sa akin.

Need din kasi 'to, a picture of someone you love lang naman sana pero sasali ko narin sarili ko.

Naglakad na kami at tinungo sila Sir Dave na nasa isang tent. Dami namang tao natawa dahil sa pagmumukha ko amp.

"Sir dave" nakabusangot na tawag ko sa kanya, nakatalikod kasi.

"What the-!" Bulaslas n'ya nang makita ang hitsura ko.

"Sj!?"

"Yeah" tipid na sagot ko. Bigla nalang humagalpak si bakla!

"Teka bakit ganyan hitsura mo haha sorry, natawa ako" tanong n'ya.

"May clown kasi nakalagay sa list namin at ako ang naging payaso" diretsong sagot ko na mas ikinatawa n'ya.

"Saya mo naman Sir. Pero tapos na po kami, complete na" sabi ko.

"Bakit nandito kayo Ma'am?" Silip n'ya sa mga taong nasa likod ko.

"Sinama namin Sir para ma complete na tong activity na pinagawa mo" daming tanong ni Sir e.

"Something shiny, vanilla, exquisite at a professor nalang need namin Sir" sabi ko

"Dinala na namin sa inyo para may proofs. Number 1.Something shiny ayan oh yang mga name tags nila Miss. Number 2.Vanilla naman is Miss Pixie kasi vanilla flavor 'yong pabango n'ya." Paliwanag ko sa kanya.

"Number 3.Exquisite ay ang Ponferrada's hindi ka naman siguro aangal Sir no?." Oh papalag pa s'ya?

"And lastly a professor. Ayan bitbit na namin ang apat na magagandang professors" Sabi ko at pumalakpak naman ang mga abnormal kong kaibigan.

Ibinigay ko na sa kanya ang list at pinakita sa kanya ang mga pictures and videos na kuha namin kanina.

"Magaling! Kayo ang unang nakatapos" sagot naman ni sir.

Matapos namin e submit ang list namin ay bumalik muna ako sa hotel room para linisin 'tong hitsura ko na parang broken hearted na clown. It took us 30 minutes only to finish our tasks kaya mahaba pa ang free time for the next activity.

May bigla nalang kumatok sa labas ng room kaya nagmadali akong buksan ito.

"I'm sorry for making fun of you" bigla nalang akong dinaganan ng yakap ni Mommy pagkabukas ko ng pinto.

Napangiti ako dahil hindi naman ako galit sa kanya o nagtatampo, pero mas pinili n'ya parin ang puntahan ako rito upang humingi ng sorry.

I wrapped my arms around her waist and hugged her tightly.

"It's okay Pie, hindi naman ako galit. Don't say sorry" sabi ko at hinalikan s'ya sa pisngi.

"Why are you here?" Bulong ko sa kanya.

Mas humigpit pa ang yakap nito sa leeg ko at ibinaon ang ulo sa leeg ko.

"I miss you" she uttered

"Bilis mo naman ako ma miss, wala pa ngang 10 minutes nong maghiwalay tayo" natatawang saad ko sa kanya.

She's cupping my face and gazing at me intently. Her genuine smile is drowning me.

"The truth is, I miss you all the time. Every second, every minute, every hour and everyday" she said and kissed me on the lips.

Langya 'yong heartbeat ko po paki check!

"Even if I spent the whole day with you. I will miss you the moment you leave" nakangiting rebat ko sa kanya. Awee bakit namumula naman agad ang mukha ni dragon!

"F-Fix yourself" utos nito. Ay bakit nauutal yan? Haha ou nga pala hindi ko pa naalis ang make up sa mukha ko.

Tumango naman ako at hinila s'ya papasok ng kwarto.

Lantakin ko na ba Mommy ko? 🤔

-

AN: Credits sa probinsyano sa katol moments nila. 😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip