EPILOGUE
-
"Bwakenangshit! Kailangan ko talaga suotin to!?" Kanina pa ako nauumay sa paulit-ulit nilang binabato sa mukha ko.
"Suotin mo na babe, bagay kaya sayo bikini! Maganda katawan mo ta's sexy pa, dagdag mo pa pagiging kapre mo." Basagin ko kaya ngipin ni keyboard
Nakakainis, bakit kailangan pa mag bikini? Pwede naman mag short shorts nalang tapos shirt ah! Si sir Dave nakakaasar, dapat yung nga lalaki pinagtripan nya at hindi kaming may mga kepyas.
"Di nalang ako sasali sa activity?" Tanong ko sa kanila. Sana allnalang talaga masasabi ko sa kanila, mabuti pa sila at sanay sa pagsuot ng ganito, pft.
"Hindi pwede, minus 10 daw sa langit" patawang saad ni Iris.
"Wag ka na kasi mahiya babe! Dali na" kinuha nito ang bikini na hinagis ko sa kama at ibinalik sa akin.
Hays, wala na akong nagawa at kinuha ito at mabilis pumasok sa banyo upang mag bihis. Umay naman nito, volleyball nalang nga lalaruin required pa mag bikini. After namin magbihis ay bumalik na kami sa beach side, nasa unahan ko ang apat samantalang nasa likod ako. Ang dami namang mga tao at sobrang uncomfortable masyado mga tingin nila.
"Shara Jane De la Fuente"
Napahinto ako dahil sa biglang tawag sa akin.
Mapapa-WTF ka nalang talaga pag narinig mo ang sobrang lamig na boses ni dragon. Naloko na, complete name pa nga.
Nang tumalikod ako upang harapin s'ya ay sobrang sama makatingin nito sa akin, ano nagawa kong kasalanan mameeeh!?
"H-Ha?" utal kong sagot.
Ay tinignan pa nga ako mula ulo hanggang paa, bago ulit tumingin sa aking mga mata. Bakit naman ata mukhang kakatay si pie, wala naman akong maalala na ginawa na ikakagalit n'ya?
"Go back and change your attire" she said coldly
"Ha?" Nakanganga kong sagot.
"I SAID CHANGE YOUR ATTIRE"
lamig naman masyado sa paligid namin ni dragon, parang kanina lang ang init ah.
"Are you serious?"
Medyo napalakas ata boses ko kaya nakuha namin ang iilang atensyon ng mga tao. Baka pagalitan pa ako ni Sir Dave pag hindi ako sumunod.
"Lower down your voice De La Fuente, I hate it when people look at you. Especially now, I don't like what I'm seeing" she said irritatedly and used her kimono blazer to cover my body.
"Are you even aware of how sexy you are? Cover your body. I hate when you get everyone's attention" napanganga nalang ako dahil sa sinabi n'ya.
Napakurap ako ng ilang beses para lang masigurong hindi ako namamalik-mata.
"I won't let you gain more witches anymore. It's so damn annoying" I laughed in amusement upon hearing her saying that.
"Dapat ako mag sabi n'yan sayo pie. You're so beautiful, nauulol ako lalo sayo"
"I know you're head over heels in love with me" she cockily said and rolled her eyes that made me burst out laughing.
"Stop attracting girls. I'm so sick of it. I don't trust anyone else aside from CCB" anong sinasabi n'yang attracting girls ba, wala naman akong ginagawa o nilalandi amp.
"Use this towel and cover your face. I don't like them staring at you" I bit my lower lip to suppress my laughter. Damn possessive mommy.
"Sandali pie, what about my activity? Baka magalit si Sir Dave" bulong ko nang hilahin nya ako, pero tinaasan lang ako ng isang kilay.
"Who's your fiancee?" Seryosong tanong nito. Sino nga ba? Charot.
"You"
"What's my surname?" De La Fuente hmp.
"Ponferrada"
"The boss?" Me! Pero joke lang, sa kama lang talaga ako boss.
"You"
"Good" she smirked.
"Of course good girl ako, pero mas super good pag itinali kita sa kama." Bastos nitong bibig ko at pinitik nya ako sa noo. Wadapak! slap me more mommy, 🙈
Wala na nga nagawa ang isang De La Fuente at nagpatianod nalang kay Ponferrada kung saan man ako balak nito halayin, charot lang dalhin.
"6789 968 637 0946 831" I sweetly whispered.
Nag loading ata utak ni pie dahil nakakunot ang noo at tila nag-iisip.
"I don't need lotto numbers" humagalpak ako ng tawa dahil sa biglang sagot n'ya amp.
"That's a secret code in relationship pie" hagikhik ko.
"Why don't you just tell me directly instead of giving me stupid numbers?" Inis na sabi nito. Ayoko nga sabihin bahala ka d'yan, mag research ka dragon!
"Secret" sabi ko kaya sinamaan ako agad ng tingin.
"Aray, aray!"
Langya piningot ang tenga ko at may mga taong nakatingin din sa amin. Ang sakit n'ya pumingot at ayaw bitawan ang tenga ko!
"Heeelp! may child abuse na na--joke lang, joke lang! Araaaay, masakit na pie" ang higpit masyado tangena.
"Sorry na, joke lang. Bitawan mo na please huhu" para akong bata na binibingot ng ina n'ya habang kinakaladkad pauwi ng bahay amp.
Goodness! feeling ko matatanggal tenga ko dahil sa ginawa n'ya. Kapag talaga ako naasar, sa kama talaga ang bagsak n'ya promise!
So that's it, since the dragon ordered me to change my outfit ay syempre dapat sundin! Mahirap na at baka sakalin na n'ya ako sa susunod pag hindi ako sumunod. Pero okay lang naman kung sasakalin n'ya ako with pleasure. 💦
"Pie" tawag ko sa kanya, nasa may bandang terrace s'ya nakatayo.
Her eyes widened in shock when she turned to face me.
"W-What are you doing?! Jane!"
Napangisi ako nang bigla n'ya nalang takpan ang mga mata.
"Naked" diretso kong sagot.
"I-I know! I told you to change. Damn you! Wear your clothes!" cute dragon.
Natawa ako dahil sa reaksyon n'ya. Halaka, ang lakas n'ya akong akitin tapos mahina naman pala.
"Ikaw magsuot sa akin" utos ko sa kanya at nilapitan s'ya bitbit ang damit ko. Haha sarap n'ya asarin.
"A-are you crazy!?" Iritadong saad nito.
Nakatakip daw ang mga palad sa mukha pero tagos naman ang paningin sa katawan ko. Sanaol scammer mameehh.
"Crazy for you" I whispered seductively.
"D-Do want to die?" As if naman kaya n'ya.
"Die for you" sabi ko at dinampian ng halik ang leeg nito.
Napangiwi ako nang bigla n'yang tinabig mukha ko. Langya naman 'tong si mommy
"Stop teasing me" she's glaring at me pero 'yong mukha n'ya namumula na.
Napanguso nalang ako habang sinusuot ang damit sa harapan n'ya. Kita ko pa ang pag lunok n'ya e, sus bakit pa pipigilan kung horny na pero charot lang.
Gets ko naman point n'ya, baka kasi bigla nalang mambulabog mga kaibigan ko. Para pa namang mga kabute 'yon at bigla nalang sumusulpot.
"Mommy ayaw mo?" Nakangising tanong ko. Tulala kasi si gaga sa harapan ko.
"What?" Malditang sagot nito.
"Ayaw mo kainin kit-" langya 'di ko na natapos sasabihin dahil sinampal ako ni dragon!
"Next time. Not today!" Gaga ang moody n'ya, pero anong next time at not today?
"Bakit next time pa?" Tanong ko bago isinuot ang shirt.
"I have an unwanted guest" diretso n'yang sagot pero nag malfunction ata utak ko dahil hindi ko gets.
"Sino?"
"Stop asking and move faster. Gosh! you're so annoying!" napatampal nalang ako ng noo matapos n'ya akong itulak kaya napaupo ako sa kama. Ang gaga nag walked out na naman sa sobrang inis haha.
Paglabas ko ay wala na si pie, saan nag pixie the explorer ang maldita na 'yon? Iwanan ba naman akong mag-isa. Nasa may bandang lobby na ako at hindi ko alam saan pupunta. Ayaw ko rin pumunta kung saan ginagawa ang activity at baka makita ako ni sir Dave. Kasalanan talaga 'tong lahat ni pie e, hahatakin n'ya ako tapos iiwanan lang din.
"Hey move!" Sigaw sa gilid ko pero too late to avoid.
Ang sakit ng pwet ko lintik na babae 'to bakit ba hindi tumitingin sa dinadaanan.
"Omg! I'm sorry. I wasn't able to avoid you" tarantang saad nito at tinulungan akong makatayo.
"Gosh i'm late! I gotta go. I'm sorry again, bye" sabi n'ya at kumaripas na ng takbo.
Hindi ko man lang nakita ang pagmumukha n'ya dahil nakayuko lang ako kanina. Lalabas na sana ako nang tumunog selpon ko, sino 'tong nag chat?
Mommy D. Pingpongballs
Nawala lang ako saglit may bagong babae ka na naman? 🙂
Medyo nataranta ako sa chat n'ya kaya nilibot ko ang paningin sa paligid pero gaga hindi ko makita! Anong bagong babae ang sinasabi n'ya!
SJ
Pie let me explain. 👅
Mommy D. Pingpongballs
I don't need your explanation. You let her touch you. Magsama kayo :)
SJ
Ay gusto mo? Sige hanapin ko muna s'ya.
Mainis nga lalo si dragon. Langya ka ha, bigla ka nalang tinotopak sa ka abnormalan. Asarin natin lalo yan😂
Mommy D. Pingpongballs
Fuck you De La Fuente!
Humagalpak ako ng tawa dahil sa reply n'ya tangena. Hindi ko alam kung ako lang ba ang taong kinikilig pag minumura. Para tuloy akong baliw dito sa lobby tumatawa mag-isa.
SJ
Hahanapin ko 'yon babae na nakabangga ko tapos kukunin k-
"Aray!" Tangena nagulat ako sa biglang sumuntok sa likod ko kaya hindi na ako nakasagot kay dragon.
Ay gaga ang dragon pala ang sumuntok at sobrang dilim ng mukha. Hindi ko s'ya pinansin at nilampasan lang. Kunyari galit ako
"Where are you going?" Malamig na tanong nito.
Ignored.
"Jane!" Ay sinundan pala ako.
Ignored.
"De La Fuente!" She exclaimed.
Langya si mommy gusto pa ata humatak ng atensyon e. Pero 'di ko parin s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.
Hindi na s'ya nagsalita kaya binalingan ko sa likod. Kumunot ang noo ko nang makita ito na may kausap na lalaki kaya mabilis ko s'yang binalikan.
"Pie" tawag ko sa kanya ngunit hindi ako pinansin.
"Your friend?" Tanong ni mukhang boots na tropa ni dora kay pie.
"No" I looked at her in disbelief. Seryoso masyado ang mukha ni dragon.
Bigla nalang namuo ang inis sa dibdib ko dahil sa sinagot n'ya sa lalaki.
"I see, so pwede ka-"
"She's not a friend because she's my fiancee" she said coldly and raised her hand to show him the ring.
Humagalpak ako ng tawa dahil tangena! my God! I really love this woman so much. Proud n'ya kasi pinakita ang pyesa na suot nito. Ang cute at sexy at the same time ni dragon!
Damn that's my woman. Siraulo 'tong si pie kinikilig ako, tapos dagdagan pa na parang may nag kakarera sa puso ko.
"ooo that's my Mommy D. Pingpongballs" ay napalakas ata pag sabi ko. Hitsura ni pie mukhang sasabog na sa inis e.
She held my hand at hinatak ako palayo sa mukhang boots na 'yon. Sorry nalang sa kanila dahil akin lang si dragon ko.
"I swear De La Fuente. I'm gonna slap your face if you won't stop laughing" Yikes, katakot naman si pie. Pero hindi ako magpapa-under sa kanya no! Ano s'ya gold.
"Hahaha--yes po, titigil na" sabi ko nang umaksyon na itong sasampalin ako. Mabaet naman ako kaya dapat sumunod sa mommy.
"Mameeeehh bakit ba ang init ng ulo mo, buntis ka ba? Ay hindi pala ako makakabu-" tangena talaga. Pasalamat s'ya mahal ko s'ya! Kaya okay lang sampalin ako.
Masakit po s'ya sumampal, mas masakit pa sa sampal ni Ziallyn!
"Asan si Athy pie?" Bobo ko naman masyado, alam na nga na selosa si dragon nag tanong pa talaga ako.
Umuusok na naman ilong ni dragon. Kaya mo yan self, tiwala lang.
"Why?" mas malamig pa sa relasyon ng mga na ghost ang boses n'ya.
"Naalala ko lang nong pinagluto n'ya ako ng mga pagkain especially spaghetti. Masarap kasi" sagot ko.
"I can cook for you" agad na sagot nito.
"Tapos-"
"Shut up! I can do everything. Just tell me!" She exclaimed.
Gage, selos na selos sa kapatid.
"Okay, later tonight. I want to eat you--your special menu" feeling ko konti nalang mauubusan na talaga s'ya ng pasensya sa akin.
Kanina n'ya pa ako kinakaladkad pero hindi ko man lang alam kung saan n'ya ako binabalak na dalhin.
"Pie saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Ihuhulog ka" awtomatikong napalingon ang ulo ko sa kanya. Tangena anong sabi n'ya!?
"H-hoy pie, anong ihuhulog ako" napalunok ako dahil seryoso ang mukha nito at hindi talaga nagbibiro Napansin kong paakyat na pala kami. Napatigil ako nang mapagtanto ang tinutukoy n'ya. Tangena seryoso ba talaga s'ya!? Gusto na siguro ako nitong patayin ni dragon.
"P-pie! Ano ba, wag ka nga mag joke!"pigil ko sa kanya paakyat.
"Do I look like joking?" Shit! hindi nga s'ya nagbibiro.
Seryoso nga s'ya na ihuhulog n'ya ako sa lintik na bungee jumping na yan! Gusto ko na tuloy umiyak dahil sa kaba.
"P-pero pwede rin naman tandem tayo diba? P-payag ako basta kasama ka" ang lamig na talaga ng katawan ko habang umaakyat na kami.
Hindi sumagot ang gaga at hinila lang ako uli. Yawa 'yong tuhod ko nangangatog na dahil sa takot. Akala ko pa naman okay na 'tong phobia ko kuno dahil galing na kami sa langit, jusko hindi pa pala.
"Baaaaaaabe!" Rinig kong sigaw ni keyboad mula sa baba.
Langya nasa malapit lang pala sila nag vo-volleyball.
"P-pie" bigla nalang may lalaki na lumapit sa akin para ikabit ang equipment.
"B-bakit ako lang!?" Nanginginig na boses na tanong ko. Ang gaga ayaw sumagot tangena.
"K-kuya, hindi po ba matatanggal yan?" Tanong ko kay kuya.
Aba'y gago 'to at tatawanan lang ang tanong ko. May nakakatawa ba sa tanong ko!? Kung s'ya kaya ihulog ko ha.
"Hindi po ma'am, wag ka mag-alala safe po to" sagot naman nito.
"Pie, sabi mo mag tatandem tayo?" Tanong ko ulit kay dragon na ngayon ay nakatingin lang sa akin.
Those cold, beautiful eyes are always looking only at me.
"Scammer ka naman pie" mangiyak-ngiyak na ako sa pagsasalita.
Tangena talaga, kaya ayaw ko pag tripan si dragon dahil mas malala pa ang parusa n'ya kung s'ya na mismo ang gumanti. Pero kasi, ang sarap n'ya kaya asarin kaya mahirap pigilan huhu.
Dinungaw ko ulit sila keyboard sa baba.
"Keeeeeeybooooooold, heeelp meeee!" Sigaw ko pero ang mga gaga nag tawanan lang! Ano nga ba naman ang magagawa nila laban kay pie jusko.
"Okay lang yan baaaaabe! ikamusta mo nalang kami sa gate keeper ni san pedro!" Wala talaga s'yang kwenta kausap. Mana talaga sa akin mga kaibigan ko.
"Okay na po ma'am" sabi ni kuyang kaya nabalik sa kanya atensyon ko
"Okay" pie said then walk closer to me.
Muntik pa akong mahulog dahil sa biglaang pag atras ko, jusko po!
"Pieeeeee itulak mo yaaaaan!" Sigaw ni donkey sa baba. Kung s'ya kaya itulak ko no?
"Malalim naman siguro yang pool sa baba no? Just in case lang na maputol tong cable" tanong ko kay kuya
"Hindi po yan mapuputol ma'am, safe ka po d'yan" sagot n'ya.
"Naninigurado lang" sabay lunok ko.
"Jane"
"Y-yes?"
She devilishly smirked
"Goodbye"
Nanlamig ako sa sinabi n'ya at huli na ang lahat bago pa ako makakilos dahil itinulak na n'ya ako pabagsak!
"Maaaaaameeeeeeeeehhhhh aaahhhhhhhhshiiiiiittttttttttttt!"
Potangena bumaliktad sikmura ko dahil sa ginawa n'ya. Napapikit nalang ako dahil hindi ko kaya imulat ang mga mata!
"Babeeee! HAHAHAHAHAHAHA" mamaya ka sa 'kin keyboard! Feeling ko namatay ako saglit dahil tinakasan ako ng kaluluwa. Para akong bola na nagpa bounce-bounce sa kalagayan ko hanggang sa tumigil at naging steady na.
"Tulungan n'yo akoooooo! Nasusuka na akoooo!" Sigaw ko sa mga lalaki na papalapit sa akin.
Hindi talaga ako nagbibiro at nasusuka na ako! Ang bagal kumilos ng mga 'to.
"Jane"
Salubong ni pie sa akin pero hindi ko s'ya pinansin at kumaripas ng takbo patungong cr, dahil sukang-suka na ako! Langya kang dragon ka, sarap mong parusahan sa kama!
Lalabas na sana ako nang bigla bumukas ang pinto.
"Baby" malambing na tawag nito palapit at niyakap ako.
May saltik talaga fiancee ko promise. Niyakap ko naman s'ya pabalik, aarte pa ba ako? Hindi pwede no!
"Hmm?"
She lifted her head and pouted.
"I'm sorry" malambing na bulong nito.
Grabe apaka moody ni mommy today, dinaig pa n'ya buntis sa totoo lang. Paano nalang kaya pag nabuntis s'ya? Edi mas malala pa siguro mangyayari diba? Hinawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at ipinagdikit ang mga noo habang nakapikit.
"I'm not mad, alam kong selosa ka." sabi ko at pinisil ang pisngi n'ya. Kumalas s'ya at nginitian ako, bago hawakan ang kamay ko.
"Let's go" sabi n'ya kaya ngumiti lang ako pabalik saka tumango.
Ay teka.
"Pie, hindi mo naman siguro ako ihuhulog ulit no?" Tanong ko
Baka kasi may plano pa s'yang ihulog ako. Humagikhik ba naman ang dragon, ay hala! Ihuhulog n'ya pa siguro ako.
"No. That's all for today" I looked at her with confusion.
"For today? So may next time pa!?" Tanong ko dahil gusto ko lang naman manigurado! Hindi s'ya sumagot at nginisihan lang ako. Ay hala so may next time pa nga! Baka sa building na talaga ako sunod ihulog nito ni dragon.
"Let's try that" Tinuro n'ya ang isang duck paddle boat.
Ang cute, bagay 'to sa amin. Una akong sumakay saka s'ya inalalayan makapasok. Nagsimula kami agad magpedal, ay ako lang pala dahil ang dragon tamad pumedal amp.
"Baaaaabeeeeee!" Tawag ni keyboard sa may dalampasigan, kumaway lang ako pabalik sa kanya.
"J"
"Yes?" Baling ko sa kanya
She hold my hand. "Are you happy with me?" Loading ata utak ko sa tanong n'ya.
"Of course! Tinatanong pa ba yan? Hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya pag kasama ka?" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ay pie, ilang anak gusto mo ha?" Tanong ko.
"5?" Gulat ako sa sagot n'ya, lima!?
"Ayaw mo isang dosena?" Pero mas nagulat s'ya sa tanong ko amp haha.
"ay lima nalang pala, kawawa ka naman kung may mga mini's ako" seryoso kong sabi pero ang gaga tinawanan lang ako.
Talagang kawawa s'ya lalo na pag nakuha ng mga anak namin ugali ko.
"How many girls and boys pie?" Tanong ko. Napaisip ata si mommy do'n sa tanong ko.
"Hmm all girls" napaubo ako dahil sa sinabi n'ya. Hala wala man lang bang lalaki kahit isa!?
"Ayaw mo may lalaki, para may protector sila?" Mas maganda kaya panganay lalaki.
"I can give them psg" nuraw, spg?
"Spg?" Natampal nalang s'ya sa kanyang noo.
"PSG. Personal Security Guards" she said using her usual monotone voice. Langya spg pa nga.
Okay hindi na dapat ako magreklamo at baka sampalin ako nito kung aangal pa ako sa desisyon ni dragon.
"What will be their names. Pwede ako mag pangalan sa tatlo?" Sabay nguso ko, baka lang pumayag s'ya.
"Alright, tell me?"
"Fosse Acre De La Fuente, Tory Hattie De La Fuente and Kaz Rylee De La Fuente. Ano pie, galing ko no at mga unique masyado names naisip ko" pagmamayabang ko sa kanya.
Ngumiti s'ya ngunit saglit lang at sumeryoso ulit ang mukha.
"Not your surname but mine" napanganga ako sa sinabi n'ya. What!?
"Nooooo!" I insisted lmao.
"Yes and that's final" langya so magiging Shara Jane Ponferrada na ako n'yan? ay bagay din naman sa pangalan ko surname ni mommy. Yes tayo d'yan.
"May pangalan ka na ba naisip sa dalawa?" Tanong ko.
"Zaniah Lo and Celeste Wren" ngiting saad ni pie. Hala space theme ang peg ni pie!
"Ang unique pieee!" Malawak ang ngiti kong pinuri s'ya at niyakap. Gage same kasi kami naisip, at puro may mga second name.
"Pero wag muna natin pag usapan yan ngayon kasi baka ma jinx at puro lalaki ang resulta, sige ka" totoo naman kasi yang sinabi ko. Legit na legit yan!
"Pie may sasabihin ako" sabi ko at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nito.
"What?"
"After graduation baka mag-aral ulit ako" kumunot naman ang noo n'ya nang marinig ang sinabi ko.
"We decided to study criminology pero 2 years lang naman pie" diretso kong paliwanag sa kanya. Papayag kaya s'ya?
"Why?"
"Gusto lang namin bumawi kay keyboard, lalo na ako. She likes to study criminology pero ayaw nila tita kaya nagpasya kami na mag-aral ulit kahit 2 years lang. Kami narin ang kakausap sa parents n'ya. Patawa-tawa lang yan si kb always pero tinatago lang talaga n'ya sa sarili ang mga problema" paliwanag ko saka inabala ulit ang sarili sa pagpepedal.
"Alam na ba nila mommy?"
Napangiti ako dahil mommy na nga talaga tawag n'ya sa mother ko.
"Hindi pa pero alam ko naman papayag sila sa desisyon ko. Sayo ko palang sinabi" sagot ko at bahagya pa akong nagulat dahil isinandal nito ang ulo sa balikat ko.
"It's fine with me J. I will always support your decisions" aw sweet, akala ko kokontra s'ya.
"Want me to accompany you?"
"H-Ha!?" Langya napalakas pa nga boses ko dahil sa gulat.
"You meant, mag-aaral ka rin kasama namin!?" Bulaslas ko, gage 'tong si mommy.
"Yes" seryoso n'yang sagot. Wadapak?!
"No pie, mahirap ang criminology especially pag dating sa AS subject at ibibilad ka sa araw. No no no! Lalo na sa acceptance ceremony ng mga first year students" anong akala n'ya sa course na 'to madali lang? Kaloka 'tong si mommy at sasama pa nga sa pag-aaral.
"What's wrong? My friends are all licensed criminologist" friends... Langya sinong friends ba tinutukoy nito.
"Friends?" Kunot noo kong tanong.
"Everleigh, Lorelei and Kathy" napanganga nalang ako sa sobrang gulat dahil sa sinabi n'ya.
Tangena so mga criminology professors pala silang tatlo!? Gaga ngayon ko lang nalaman dahil hindi ko rin naman tinanong. Bobo ko talaga at mas lalong sure ako na hindi alam nong mga siraulo kong kaibigan.
"Seryoso!?" Gaganda naman nila masyado at hindi halata.
"Yup" ou seryoso nga s'ya at hindi naman to mahilig magbiro.
"W-wag na pie. 2 years lang naman yan, ayoko mahirapan ka please?" Mahirap pa naman pigilan 'to lalo na pag buo na ang desisyon n'ya.
I pleaded with matching puppy eyes. She just smirked at me, hulog ko 'to sa dagat e.
"I was just kidding" sabi at ngumisi. Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi n'ya.
"Oh so, joke lang din na mga crim. Professor sila athy?" Baka joke lang din 'yon e.
"That's true" gage so totoo nga talaga.
Nakakaloka at mukhang magiging professors pa namin sila soon ah. Pero sabi naman 4th year students lang mga hinahandle nila.
Bigla ko nalang naalala na criminology pala kinuhang course ni Athy before. Naloka na at sobrang hina na talaga nitong memorya ko.
"Eh bakit nandito rin silang tatlo pie?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Criminology students are also here" ay nandito rin pala? Nakakaloka at hindi ko man lang napansin.
Napasarap ata kwentuhan namin at napansin ko medyo malayo na pala kami sa dalampasigan.
"Balik tayo pie at medyo malayo na tayo oh, baka bigla nalang lumakas hampas ng mga alon at bumaliktad pa 'tong paddle natin" sabi ko sa kanya at nagsimula na mag pedal palapit sa dalampas.
Nang matapos kami mag paddle boat ay nagpaalam muna saglit si pie dahil may meeting saglit. Hindi ko naman alam kung anong meeting at nakalimutan ko rin itanong.
"Hoy babe!" Tawag ni 🐒
"Oh?"
"May bonfire tonight. Wag ka uminom okay?" Luh ako pa talaga sinabihan ni keyboard ng ganyan?
"Iinom ako pero hindi beer tanga. Hindi pa ba tapos activity n'yo?" Pansin ko kasi s'ya lang mag-isa at wala ang iba.
"Tapos na gage, lunch time na kaya. Nagbihis lang saglit sila" sagot naman nito
Napatingin ako sa relo at ou nga, lunch time na at hindi ko man lang napansin ang oras kanina dahil kasama ko si pie.
"Saan tayo kakain?"
"Sa hotel na, tara tara! Gutom na ako babeeeee!" Reklamo ni horsey at kinaladkad na ako. Gutom narin naman ako.
"Sj, kb!" Tawag sa amin pero hindi ko naman makita kung nasaan sila ang dami kasing tao!
"Hoy!" Ay gage nasa gilid ko lang pala sila iris gaga.
Hmmm maraming tao ah.
Kb" tawag ko sa kanya.
"Oh?" She's glaring at me, as if alam na n'ya ang reason kaya ko s'ya tinawag.
Hindi ko nalang s'ya sinagot at hinila palapit sa akin upang bumulong.
"Gusto mo makaganti kina I at R?" bulong ko, hitsura ni keyboard daig pa bata sa sobrang excitement e.
"Sige sige! Ano ano yan ha?"sagot ni kb.
"Hoy anong binubulong n'yong dalawa ha?" Tampal ni R sa balikat ko.
Hmm may nakita akong mga lalaki na sumasayaw sa gilid at may bitbit na bluetooth speaker. Hindi ko na sinagot si R at lumapit nalang sa mga lalaki.
"Kuya pwede pahiram saglit? Kailangan lang kasi sa documentary namin" sabi ko sa lalaki na may-ari ata nong speaker.
"Sige miss, ano pala gagawin?" Tanong n'ya.
"Sasayaw po kasi mga kaibigan ko. Hiramin ko muna saglit kuya ha" paalam ko't hindi na s'ya hinintay sumagot at nilayasan na upang balikan ang mga kaibigan ko.
"Tara BAHAHAHAHAHAHA." tawa-tawa kong saad habang palapit sa kanila pero ang mga noo nilang tatlo ay puro nakakunot.
"Anong gagawin mo sa speaker Sj?" Tanong ni Ag. Isali ko nalang din kaya s'ya? Hmm
Inakbayan ko si Kb bago magsalita at seninyasan.
"Mag rock, paper, scissor tayo. Ang dalawa na maiba gagawin ang dare. Game?"
"Game!" Sabay na sambit nilang apat. Naks naman
"Okay game, ready na" sabi ko.
"Bato-bato pi-"
"Jane"
Langya si pie dumating bigla at kasama ang demogons. Jusko, tapos na ba meeting nila?
"Pie, hello demogons" gaga ang sexy nila naka bikini tops tapos short shorts then naka blazer.
"What are you doing?" Tanong ni Zi.
"What's that for A?" Tanong naman ni Athy sa speaker na hawak ko.
"Ah this, may gagawin lang. Bakit nandito kayo?" Balik na tanong ko.
Kaloka nasa kanila na halos lahat mata ng mga tao especially guys. Gaganda ba naman, artista yarn?
"To fetch you. We're going to eat lunch" sagot naman ni pie. Ay sanaol sinusundo
"Okay pero pwede saglit lang? Umupo muna kayo do'n" sagot ko at tinuro ang bench na nasa gilid namin.
Tinaasan lang ako ng kilay ni pie pero ginantihan ko lang s'ya ng isang nakakalokong ngiti. Mabuti at hindi na nangulit at sinunod naman ang sinabi ko.
"Okay game" baling ko sa mga kaibigan ko.
"Ready"
"Bato...bato...pick!"
Tangena, gusto ko nalang magmura dahil sa naging resulta! Papel ang tatlo at kaming dalawa ni Kb ang bato! In short, kami ang talo!
"The heck! Babe!" Singhal ni kb, jusko po napatampal nalang ako sa noo.
"HAHAHAHAHA" tawanan ng mga bruha naming kaibigan.
Binalingan ko naman sila pie at ang gaga, nakangisi pa nga!
"Shit!" Sambit ko.
Tatakbo na sana ako pero mabilis akong nahawakan nila R at I, bwesit ang bilis naman nila makakilos.
"Tatakas ka pa ha! walang ganon S. Wag kang madaya" sabi ni R at tumawa, saya n'ya naman?
"Ou na, bitawan n'yo na ako" sagot ko hmp as if naman may magagawa pa ako.
"Ahem, alam n'yo naman siguro ang jumbo hotdog na kanta diba?" My brow flinched dahil sa sinabi ni Ag.
"What the...don't tell me?" I looked at her in disbelief
"Yes, sayawin n'yo ni kb sa gitna" agad na sagot n'ya at humagalpak naman ng tawa ang dalawa.
I turned to face pie to ask for help.
"Pieeeee" tawag ko at nilapitan sila, sumunod naman ang apat.
"What?"
"They want me to dance jumbo hotdog" sumbong ko sa kanya. Lagot kayo, hindi papayag yan si pie syempre.
"Go"
My eyes widen in shock. Hala gaga! Ano sabi n'ya!? Ang mga kaibigan ko naman mas lalo pa ata lumakas ang tawanan.
"H-ha?" baka kasi mali ako sa narinig ko.
"Go dance" tangena?
"Hahahaha go S and K!" Sarap sampalin ni Iris e.
"Hahahah taste your own game" kantsaw naman ni R.
Napalunok nalang kaming dalawa ni kb sa sobrang hiya. Shit, ang daming tao! as in sobrang dami!
"Game na sj, na connect ko na sa speaker" saad ni Ag.
Nagsimula na ang music. Tangena bahala na 'to, kinapalan ko na ang mukha ko at tumayo sa gitna.
"Sumabay ka na lang, 'wag kang mahihiya" I started to dance, ginaya ko 'yong trend sa tiktok na sayaw bwesit na yan.
"Sige, subukan mo, baka may mapala
Walang mawawala kapag nagtiya-tiyaga" tapos biglang sumulpot sa gilid ko si keyboard na namumula ang mukha.
Shit ang mga tao na nakatambay at dumadaan napapatingin sa aming dalawa. Para ba naman kaning mga sira na bigla nalang sasayaw at gigiling sa gitna!
"Kung gustong-gusto mo, sundan mo lang ako" buti at alam ni keyboard ang steps at nakakasabay.
(One, two, three, four)
"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?
Kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to?" I bit my lower lip while performing the steps. Tangena kasi maypa-pump pa kasi 'to.
Sinulyapan ko una ang mga kaibigan ko na nag rerecord pala ang mga walang hiya habang nagtatawanan!
Sunod naman sila pie na feeling ko nagpipigil lang ng mga tawa dahil sa sitwasyon ko namin ni Kb ngayon. Tangena nilang lahat amp.
"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?
Hindi kami bato para magpatalo" tumalon kami ni keyboard paharap sa isa't-isa saka ginawa ang pump steps. Jusko ang pula na ng mukha ni kb kaya humagalpak ako ng tawa hayop na yan bahahaha.
"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?" Hinila ko na si kb pabalik sa mga kaibigan namin saka isa-isa sila binatokan.
Kailangan na namin umalis dito dahil nilalamon na ako ng hiya!
"Pie tara na" tawag ko sa kanya na ngayon ay namumula ang mukha. Bakit hindi nalang n'ya itawa kaysa pigilan no!
Bahala sila d'yan hinatak ko na si kb palayo sa crime scene. Shit! Nakakahiya bwesit na yan.
"Bwesit ka babe! Akala ko ba sila I at R tapos ang resulta tayo palang dalawa!" Inis na bulong nito sa akin.
"Aba malay ko ba na alam nila plano natin keybold!" Balik ko sa kanya at inikutan ng mata.
Nang makalayo sa lugar ay huminto rin kami ni kb para hintayin ang mga kasama. Gaga, hindi pala namin alam kung saan kakain amp. Pumasok kami sa isang seafood restaurant pero ang inorder ko lang syempre ay ang mga paborito kong pagkain. Hindi rin kami nagtagal matapos kumain dahil may mga next activities pa and this time ay kailangan ko na sumali.
Sabi nga ni keybold may bonfire daw tonight and of course! May inuman na magaganap! Wala masyadong ganap sa lunch namin dahil pagod na pagod sila at ako rin medyo walang gana makipag bardagulan sa kanila dahil ayokong e open topic na naman nila ang kagagahan na ginawa namin ni kb.
Matapos mag lunch ay nagpaalam na kami sa mga demonyo para makahabol sa susunod na acticity. Gaga, late na kasi kami kumain at 1pm dapat nakabalik na kami sa tent ng BA.
--
"Hoooooooo, finally at makakapag relax narin tayo!" Excited masyado 'tong si Iris e.
Nagsimula na pala bonfire gage at ang daming mga estudyante, sama-sama na ata lahat ng mga courses tonight. Maganda to! Iba ang bonfire ng mga estudyante at iba rin sa mga teachers. Kita ko agad ang demogons na nakasalampak sa buhangin habang nag k-kwentuhan sa harap mismo ng cute na bonfire nila.
"Babe oh" kalabit ni kb sa akin at inabot ang isang can ng redhorse.
"Kb alam mo naman na redhorse 'to diba?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Isang can lang naman yan babe, dali na" s'ya na rin mismo nagbukas saka inabot sa akin. Kinuha ko nalang din at ininom.
"Hoy, tara puntahan natin sila pie" tawag ni R sa amin.
Silang lima lang din ang nag kumpulan. May mga estudyante kaming nakita na tinangkang lapitan sila pero hindi naman sila pinansin ng mga maldita, kawawa naman sila.
"Tara" sabi ko at naunang maglakad.
Hmmmm.
"Mga miss!"
Tawag ko sa kanila at pa zigzag tumakbo. Kunyari natumba ako sa kalasingan sa mismong tapat ni pie at sinubsub ang ulo sa legs n'ya, ugh smooth. 💦
"Jane!" Singhal nito at mabilis na inalalayan ako amp bahaha.
"Bakit n'yo na naman pinainom ng beer yan!" Inis na sabi ni Athy sa mga kaibigan ko.
Ay baka mapagalitan pa sila ni pie, kaya agad akong tumayo at inayos ang sarili saka humagalpak ng tawa.
"What's funny?" Pie asked coldly.
"Hindi naman po lasing yan, sinadya n'ya lang talaga 'yon" sagot naman ni Kb.
"Hehe joke lang" sabi ko at nakita ko pa ang pagsabay na ikot ng mata nilang tatlo ni Zi at Athy.
"Ang lonely n'yo naman, pasayahin namin kayo?" Biglang sabat ni Iris.
"Lonely your ass" pambabara naman ni Miss Everleigh sa kanya kaya napatawa ang iba naming kaibigan.
Tumabi na ako kay pie. Magkakatabi lang din kami ng mga kaibigan ko.
Biglang may nilabas si Ag na mga sticks with hotdog at marshmallows, tangena bilib na talaga ako sa Doraemon namin.
"Grabe talaga si Ag, laging handa" tawa-tawang saad ni R at kumuha na ng hotdog at marshmallow.
"Ay may tanong ako. Nag chat kasi pinsan ko, english kasi e" panimula ni kb sa kagagahan.
"Oh tapos?" Sabat naman ni I.
Tahimik lang na nakikinig ang demogons habang umiinom. As usual, kami lang ang tumatalak mga bunganga.
"Anong english ng manigas ka d'yan?" Biglang tanong ni kb.
"You freeze there" sagot agad ni I.
"Freeze right there!" segunda naman ni R.
"Get frozen" singit ni A.
Humagalpak ako ng tawa dahil sa mga sagot nila.
"HAHAHAHAHAHA"
"Tumatawa ka babe, ano sagot mo?" Tanong ni kb.
"Get harder?" Sagot ko at sila naman ang humagalpak ng tawa. Gage, hindi ko rin kasi alam e.
Biglang tumikhim si Miss Everleigh, ay mukhang may sasabihin.
"Iris where do you live?" Sabay pa kaming lima napatingin sa kanya. Hala! Mamamanhikan ba s'ya? Charot!
"With my parents po" nasamid pa ako sa sariling laway dahil sa pamimilosopo ni I. Tangena amp!
"Where do your parents live?" Tanong ulit ni Miss.
"With me po" hindi ko na kinaya kaya napatawa ako ng malakas. Tinaasan naman s'ya ng kilay ni Miss.
"Where do you all live?" Malamig na tanong nito.
"Together po" sagot na naman ni I.
Tawa na ako ng tawa at ang mga kaibigan ko hindi narin ata kinaya ang trip n'ya kay Miss E. kaya tumawa na rin.
"I'm serious. I mean where is your home?" Mga tinginan n'ya kay I parang papatay na e haha.
"Next to my neighbors house ma'am" this time ay rinig ko na humagikhik si pie sa gilid ko. Langya amp
"Where do your neighbors live?" Mauubusan na ata ng pasensya 'tong si Miss E.
"If I tell you that ma'am, you will not believe it" seryosong sagot ni I saka nilantak ang hotdog.
Tinaasan naman s'ya ni Miss ng kilay.
"Tell me"
"Next to my house po ma'am" sagot ni I.
Humagalpak na naman kami ng tawa at kasama na ang mga demogons do'n. Jusko po, I can imagine the two of them kung mag jowa sila tapos nag babardagulan haha.
"Kb" tawag ko sa kanya. Ibahin ko nalang topic bago mamurder ni Miss E. si Iris.
"Oh?"
"Sabihin mo palay sampung beses" sabi ko.
"Palay, palay, palay, palay, palay, palay, palay, palay, palay, palay" rapper na si keybold.
"Anong tagalog ng home!?" Mabilis na tanong ko.
"tanga bahay" hindi na s'ya nag isip at mabilis itong sumagot.
"HAHAHAHA bahay" langya tong si Ag bigla nalang talaga tatawa.
"Siraulo ka na ba Ag?" Baling ni kb sa kanya.
"Bobo mo kb. Balay sagot d'yan!" Langya balay bahaha.
"Isa ka pa tanga" sabat naman ni R.
"That's why you should pay attention to your class Iris" sabi ni miss E. at inikutan s'ya ng mata
"Sayo ma'am?" Matapang na tanong ni I. Malandi!
"What?"kunot noong tanong ni Miss.
"Ganda mo nga bingi naman" she whispered in the air pero narinig namin kaya napatawa kami.
"What did you say?"
"Wala po. Kainin mo na marshmallow mo at masasayang yan" sabi naman ni I saka tinuro ang melted mallows ni I.
"Teka teka, ano ba sagot ha babe?" Tanong ni kb.
"Tahanan tangek" sabay irap ko sa kanya.
May sinulat ako sa buhangin at agad kong tinakpan. Si R ang tatanungin ko since s'ya ang nasa kabilang side ko.
"R, sabihin mo saging 10"*
"Saging, saging, saging, saging, saging, saging, saging, saging, saging, saging" rapperist din pala 'tong si R naks.
"Ano basa mo rito?" At pinabasa sa kanya ang nakasulat.
"Manageng" si pie at zi na nasa gilid ko at nakikita ang nakasulat ay bigla nalang tumawa.
"Ay tanga! Hahahahaha" langya tinawanan ba naman ang sarili.
"Managing pala bobo ko naman" sabi n'ya at tumawa narin ako. Gago, ininsulto ang sarili amp.
"Bwesit ka Sj" sabay tampal ni R sa balikat ko.
May nakita akong isang bote kaya kinuha ko.
"Tara laro tayo, spin the bottle. Sali kayo pie?" Baling ko sa mga demogons, pero umiling lang sila. Hmp!
"Sige game!" Sabat ng mga kaibigan ko.
Inikot ko ang bote at huminto ito sa tapat ni kb.
"Truth or Dare?" Agad na tanong ko.
"Dare" naks matapang na horsey yarn.
"Okay sing a song. Kahit ano basta kanta" sabi ko.
Napaisip naman ang horsey. Nag-iisip siguro kung anong kanta babagay sa nakakasira n'yang boses.
"Ahem okay game!" Ay ready na nga s'ya kaya tumahimik kami.
"Close your eyes, open your eyes, close again. I don't want to close open, do you understand? I don't understand, am I dreaming? Yes you're dreaming. I am dreaming too..." Humagalpak kami ng tawa dahil tangena, anong klasing kanta yan!
"Gosh, what kind of song was that?" si Athy tumatawa narin pala. Buang talaga 'tong mga kaibigan ko promise.
"Bagong kanta 'yon ma'am, ganda no?" Mayabang na sagot ni kb kaya mas lalo akong natawa amp bahaha.
"Next next, spin mo na kb" sabi ko at sinimulan na n'ya e spin ang bote.
Gaga tumapat kay Iris.
"Dare!" Mabilis na tugon ni I. Nagkatinginan pa kami ni kb ma dalawa at ngumisi
"Alright, sayawin mo ang gomy gomy. Sexy dance ha" nabulunan pa ako sa kinakain dahil sa dare na binigay nito kay I amp haha.
"Ano 'yon?" Kunot noong tanong ni I.
Agad na kinuha ni Ag ang selpong n'ya at pinakita kay I ang steps ng gomy gomy.
"Yan lang pala" mayabang na saad ni I.
"Sayawin mo sa gitna" nakangising utos ni kb.
"Tanga may bonfire sa gitna" sagot naman ni I.
Nagkatinginan na naman kami ulit ni kb. Parang may gusto talaga s'yang sabihin pero hindi n'ya masabi.
"Okay ganito nalang, tumayo ka sa harap sa mga nandito at sayawan mo s'ya" sabi ni Kb. Napakagat labi ako dahil sa utos n'ya, feeling ko alam ko na gusto n'ya ipahayag haha.
Agad na tumayos si I at nilampasan kami. Nagulat pa si Miss Everleigh nang huminto ito mismo sa tapat n'ya. Si pie na katabi ko bigla nalang ngumisi.
"Pie" bulong ko sa kanya at inabot sa kanya ang hotdog.
"Hmm?"
"Bagay sila no?" bulong ko ulit sa kanya. Hindi s'ya sumagot at ngumiti lang sa akin.
"What are you doing?" Taas kilay na tanong ni miss E.
"Just watch ma'am"
Tapos pinatutog ni Ag ang musika.
She started to move her hips like Shakira amp BAHAHAHAHA. Sayaw na talagang may balak mang-akit, focus masyado mga mata ni Iris kay Miss E, tangena at mukhang plano talaga nya landiin ang propesora.
Sinulyapan ko si Miss E. gage napakagat labi nalang s'ya dahil sa ginawa ni I. Tangena amp hahaha
Tapos bigla nalang gumiling si I at umikot sa pwesto n'ya na parang tulad do'n sa ginawa ni Pie sa akin before no'n sinayawan n'ya ako sa bar ng sexy dance. Napalunok nalang talaga si Miss E.
Ang dami nyang kalandian ginagawa sa harap ni miss E, naku kung alam nya lang na professor yang sinasayawan nya ay baka mapatalon na yan sa kaba. Bago matapos ang sayaw, kinindatan pa n'ya ito, langya malandi pero good behavior yan!
"Nice nice woooo. Ma'am kaya pa ba today?" Pang aasar ko kay miss E. Tulaley kasi ang dragon haha.
"H-huh?" Naks lakas ata epekto ni I sa kanya ah haha.
"Wala po" iling kong sagot.
Nag spin si I at huminto ito sa tapat ni R.
"Dare" tapan naman nila puro dare.
"I dare you to say your best pick up line. Pili ka rito sa amin except for ma'am pixie of course!" Sabi ni I kay R.
"Okay."
Si pie bigla nalang isinandal ang ulo sa balikat ko, ay pagod ba si mommy natin? Wala pa nga kami sa exciting part na magaganap tonight.
"Ziallyn" tawag n'ya kay Zi. Tinapunan lang s'ya nito ng tingin.
"I cannot turn water into wine but I can turn you into mine" malambing na banat nito kay Zi.
Tangena kami ata ng CCB ang kinilig sa banat n'ya. Pero nagulat nalang kami nang may biglang marshmallow ang lumipad sa mukha ni R kaya napatawa kami. I turned my head to face the culprit, gage si Zi pala ang nag hagis haha walangya.
"Thanks for the mallows" nakangisi pa ang R sabay kindat.
Next nagpaikot ng bote ay si R, and this time ay sa akin ito tumapat. Sabay pa talaga silang lahat nag tinginan e.
"Truth" agad kong sagot, ano akala nila mag d-dare ako?
"Who fell in love first. You or Pie?" Diretsong tanong ni R.
Kailangan pa bang tanungin yan? Sus!
"Her" nabilaukan pa si kb dahil sa sagot ko.
"Puche, kapal ng mukha mo." Gagawin pa akong sinungaling nitong Iris, totoo kaya sinabi ko!
"Aweee? Totoo ba 'yon ma'am?" Tanong naman ni Ag kay pie.
"Yes" lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa mabilis na pag sagot nito.
"See?" Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo talaga yan. 🙈
"Kailan mo na realize ma'am na gusto mo si babe?" Luh na hotseat bigla si pie ah.
"The first time I laid my eyes on her" she said using her monotone voice.
"Hala! First time, so 'yong birthday ni R?" Segunda ni I.
"Yes"
"Sabaok lahat all" natawa ako sa sinabi ni Iris langya.
"Wag ka mag-alala I. May nakalaan na para sayo, hindi mo palang nga napapansin" nakangiting sagot ko sa kanya saka tinapunan ng tingin si Miss E.
"Marunong ka palang mag seryoso?" Sabat ni miss E.
"Jowain mo 'ko ma'am para malaman mo" prangka na rebut ni I sa kanya. Natameme si miss haha
"You wish" maldita nitong sagot sabay paikot ng mata. Sus! sa mga ganyan talaga nagsisimula ang pag-ibig.
Nag spin na ulit and this time kay Ag naman!
"Truth" agad n'yang sagot.
"May nagugustuhan ka na ba?" Tanong ko.
Hindi s'ya agad nakasagot at napaisip pa ata ang gaga kung may nagugustuhan na ba s'ya.
"Meron" nakangiting sagot nito.
"Halaaa hoy sino!" Singhal ni kb, chur hahaha
"Secret. Nasagot ko na unang tanong n'yo" sabagay may point din naman sinabi ni Ag.
I checked my wrist watch at quarter to 8pm na pala. Tumayo ako at kinuha ang gitara na bitbit ni R kanina.
"Pie tara samahan mo 'ko saglit" sabi ko nang makabalik na ako sa kanila. Hindi naman s'ya nagtanong at tumayo ma agad.
"Hoy saan kayo pupunta babe?" Tanong ni keybold.
"Basta, saglit lang. Balik din kami agad" sagot ko at hinatak na si pie palayo sa kanila.
-
"Where are we going?" Tanong n'ya nang makita na papasok kami sa mga kahoyan.
"Basta pie, maganda 'to" nakangiting sagot ko sa kanya.
May nakita kasi akong cliff kanina nong tinulak n'ya ako sa bungee jumping na yan. Nag tanong ako sa isang matanda kung safe ba 'yon puntahan especially pag gabi. Sabi n'ya ou at maganda raw 'yon tambayan pag gabi lalo na pag maliwanag ang buwan at maraming bituin sa kalangitan.
Medyo masukal ang daan kaya dahan-dahan lang kami ni pie kung maglakad at medyo madilim dahil walang ilaw. Mabuti at nadala ko ang phone ko.
Pag dating namin sa may cliff ay tumambad agad sa mga mata namin ang napakagandang view lalo na ang kalangitan. Ang napakaliwanag na buwan at kumikinang na mga butuin.
May nakita akong isang bench kaya hinila ko si pie upang ipaupo.
"Wow" manghang sambit n'ya habang nakatingala sa kalangitan.
"Look at the moon J" she's smiling while pointing the moon.
Pero hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at nasa kanya lang ang paningin ko. Gusto ko lang s'ya titigan ng ganito sa ilalim ng magandang gabi na 'to. Ang liwanag sobra ng buwan at kitang-kita ko ang kagandahan ni pie.
Napansin n'ya siguro na tahimik lang ako kaya napalingon ito sa pwesto ko.
"J?"
"Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah"
Nginitian ko lang s'ya saka kinuha ang gitara at nagsimulang mag strum. Naguguluhan man ay nanatili lang itong tahimik at nakikiramdam sa susunod kong gagawin.
🎶 "When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest woman alive..."
The day I met her, I thought it was just a simple attraction. Then i'd finally realized that I wanted her to be mine.
"'Cause so many times I was certain
You was gonna walk out of my life, life
Why you take such a hold of me, girl
When I'm still trying to get my act right?"
I stood up in front of her while serenading her under the moonlight. Kita ko ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mata habang tahimik na pinagmamasdan akong kumakanta
"What is the reason when you really could have any woman you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle? (Oh yeah)..."
4 years ang nasayang namin at hindi ko na hahayaan pang muli na mag hiwalay kaming dalawa. Wala na akong hinihiling pa kundi ang makasama s'ya araw-araw hanggang sa pag tanda.
"I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed..."
Sobrang swerte ko at ako ang minahal n'ya. Isang tulad ko na magulo, medyo manyak, puro kalokohan. Pero sa lahat ng mga kagagahan ko ay hindi s'ya nagsawa sa akin at mas minahal pa ako ng lubusan.
"Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful
(Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no
(Stuck like a statue)..."
Paano nalang kaya kung hindi nagbalik ang ala-ala ko at tuluyan s'yang nag move on. Laking sampal siguro sa akin 'yon dahil sinayang ko ang isang tulad n'ya. Kaya sobrang thankful 'ko at bumalik lahat ng mga ala-ala ko bago pa s'ya tuluyang sumuko.
"Ask myself why are you even with me
After all the shit I put you through?
Why did you make it hard so with me?
It's like you're living in an igloo..."
Kahit sino pa yan, hinding hindi ko ipagpapalit ang babaeng pinakamamahal ko. Dahil ang tinitibok lang nitong puso ko ay walang iba kundi s'ya lang. Si Pixie Ponferrada.
"But baby your love is so warm it makes my shield melt down, down
And every time we're both at war you make me come around..."
I get the impression that I found my soulmate in a past life, and that our souls were destined to find each other. Her love feels like a sanctuary, where I find solace and peace when I'm with her.
"What is the reason when you really could have any woman you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle?"
I felt so safe and loved with her. I had never met an actual angel before, but here she was, weeping in front of me, her gaze full of love and adoration.
I genuinely fell for someone I didn't see coming. She's my one and only.
"I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Statue..."
As I knelt in front of her, I lifted my head and smile at her through teary eyes. I opened the little purple cute box and mustered up the courage, and spoke the words I'd been dying to speak since the day I fell in love with her.
"F-From attraction to trust to destiny. Our love have come a long way and I want to share my life with you." Tangena, nanginginig boses ko sa sobrang kaba.
"You see, I've been looking at you for the last hour and I'm wondering what is wrong with my mind. There's something that I wanted to tell you pie but I can't recall. In short, you're damn gorgeous that I forgot what I was going to say." She let out a soft laugh as she wiped her tears.
"Miss Pixie Ponferrada, pie, mommy, my dragon, my FAVORITE GIRL. Will you marry me.?" Si mommy tulaley lang na umiiyak sa harap ko.
"Give me a "Y" give me an "E" give me a "S" What's that spell?" I smile and wiped her tears.
"No" I froze upon hearing her say that.
"N-No?" sambit ko pero hindi sumagot ang gaga.
"Mag ye-yes ka o ihuhulog kita sa dagat?" Seryosong sagot ko sa kanya. Anong NO sinasabi n'ya, hindi pwede!
Bumalik na ata sa earth kaluluwa ni pie. Bigla nalang itong tumayo at nataranta.
"Oh gosh! I meant stand up and you don't have to kneel because I'm going to marry you!" sabi n'ya. Ay 'yon naman pala, dapat kasi ayusin ang pag sagot.
"The ring" na blangko ata ang utak ko.
"Ha?" Sabog nga ata ako langya.
"I am saying YES to your proposal, stupid" sabi n'ya.
Sobrang lawak ng ngiti kong isinuot sa kanya ang singsing. I immediately stood up and hugged her tightly.
"J, you're the best thing that ever happened to me. You still give me butterflies and I can't wait to get up every morning to spend another day as your wife." She sweetly whispered and gave me a peck.
"I love you" her smile is like a sunshine and it brightens up my day.
"I love you more Mommy D." I said and kissed her passionately.
She is my woman, my peace of mind, my rest and my home.
Matapos ko s'yang halikan ay niyakap n'ya akong muli. Ang sarap talaga kayakap ni mommy, lambot kasi masyado nong boobs n'ya hays. 🙈
"CUUUUUUUUT!"
Sabay kaming napalundag ni pie at napatingin sa taong sumigaw. Tangena anong ginagawa nila rito!?
"Hoy mga hayop kayo! Anong cut sinasabi mo ha! Ikaw kaya hatiin ko sa dalawa?" Sigaw ko sa kanila.
Ang mga gaga nasa likod ng mga puno pala at nagtatago.
"Ano ka ba babe! Ako director n'yo remember?" Sigaw pabalik ni keyboard.
Isa-isa na silang naglabasan at hindi nga ako nagkakamali. Kumpleto lahat ang mga bruha kong kaibigan na ngayon ay papalapit na sa amin ni pie.
"Waaaaa babe and ma'am congratulations! Kanina ko pa gusto tumili sa kilig kaso sinakal ako ni rl" lakas makatili ni K at I, ginawang confetti ang mga dahon langya haha.
"Congrats Ma'am" sabay naman na bati nila I at A.
"Pie congrats at hindi na pyesa ang suot mo haha" tangena nito ni R, sarap n'ya naman itulak sa bangin.
Pie smiled at them at ang mga gaga medyo nagulat dahil nginitian sila ni Mommy.
"Thank you" sabi n'ya na ikinalawak naman ng ngiti nitong mga kaibigan ko.
"Hala! Pyesa binigay sayo Ma'am?" Bulaslas ni kb saka tumingin sa akin.
"Langya ka babe, ikaw lang ata kilala ko ang nag propose tapos ang binigay pyesa hahaha" humagalpak ng tawa ang mga gaga, pumunta lang ata sila rito para bwesitin ako e.
"Manahimik kayo. Totoong singsing na kaya ang suot ni Pie ngayon!" Singhal ko sa kanila saka niyakap mahal ko.
"Ano pala ginagawa n'yo rito at paano n'yo nalaman ha?" Tanong ko sa kanila.
Wala naman akong sinabihan sa kanila sa gagawin ko tonight. Mga stalker ko talaga ata 'to silang apat e.
"Si Ag ang humatak sa amin at nagsabi na kailangan na e shoot ang epilogue nitong story mo, kaya sumunod lang kami sa kanya. Pero hindi naman namin inaasahan na mag po-propose ka pala kay Ma'am" paliwanag ni Kb at tinuro si Ag.
Bilib na talaga ako kay Ag. Doraemon x Detective talaga dapat ang bagay na trabaho para sa kanya.
"Ang ganda kaya nitong moment na na-captured namin tonight" nakangising saad ni Iris sabay taas baba ng mga kilay.
Binalingan naman ni Ag si Pie upang tanungin.
"Ma'am okay lang po ba?"
"Yes" nakangiting sagot ni pie dahilan para magdiwang at tatalon sila kb at iris sa tuwa.
"Wala naman talaga 'to sa story ma'am pero ang masasabi ko lang. Ito ang pinakamagandang epilogue para sa inyong dalawa ni babe" masayang saad ni kb.
"Ano ka ba keybold. Syempre si pie dapat epilogue ko, inunahan n'yo naman ako e" reklamo ko sa kanila.
Buti nalang at sila lang ang nandito at hindi sinama ang demogons.
Tumikhim si pie at hinarap ang mga kaibigan ko.
"Thank you for always being there for her, lending her your strength and support when she was unable to stand on her own, and for being a source of comfort and strength when she needed it most." taos puso n'yang pasasalamat sa mga kaibigan ko.
"Ganon po talaga ma'am pag tapat na magkakaibigan" nakangiting sagot naman ni I.
"Hindi pwede may malungkot ang isa sa amin ma'am, dahil konektado ang mga bulate namin at mararamdaman din namin ang sakit. Kaya kung may malungkot man isa sa amin ay gagawin namin ang lahat mapasaya lang s'ya" sagot naman ni Kb kay pie.
"Daig pa namin ang identical twins ma'am kung ako tatanungin mo" sabat naman ni Ag amp, pero true haha.
"Sobrang saya ko para sa inyong dalawa. Wag n'yo ako kalimutan pag may mga anak na kayo" pagbibiro naman ni R.
Napangiti naman si pie dahil sa mga sinabi nitong mga kaibigan ko.
"Kailan engagement party ma'am?" Tanong ulit ni kb.
"Soon" nakangiting sagot ni pie. Hays kinikilig na naman ako 🙈
Napansin ko na medyo nanginginig na si pie sa lamig. Gage ang lamig nga naman kasi rito.
"Hala! Ang demogons iniwanan natin do'n" bulaslas ni kb
Kaya naman pala hindi nila kasama dahil tinakasan nila.
"Gage, medyo marami na nainom nila bago tayo umalis. Balik na tayo at baka kung ano pa mangyari. Ang dami pa naman mga manyak do'n" sabi naman ni I saka hinawakan ang siko ni kb.
Si pie naman ay kinuha ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan na parang ayaw ng bumitaw.
"Let's go" sabi n'ya at tumango lang ako. Nauna maglakad ang mga kaibigan ko at nasa likod lang kami, nakasunod sa kanila.
"J" she whispered
"Hmm?"
"I cannot predict how life will be when the decades fly by, but I promise that no matter how much time passes, I will continue to love you in the same way I have since the moment we first met," her kind words made me genuinely smile at her.
"You know what, Pie? Seeing the smile on your face brings me so much joy. You are even more stunning than a sunset. One thing I know for certain is that I will never grow tired of loving you," I said, leaning in to kiss the back of her hand.
Stopping in my tracks, I turned to face her. "I love you, mommy D," I said, giving her a quick peck and tapping our noses together in the familiar Eskimo kiss tradition.
"I love you so so so much, J," I'm so in love with this woman!
"Baaaabe hoyyyy! Dalian n'yo naaaaaaaa!" Sigaw na naman ni horsey, medyo may kalayuan na pala sila.
"Coming!" Sigaw ko pabalik.
Pie and I looked at each other and giggled together. I grabbed her hand and started walking towards my friend.
The End...
------------
Hanggang dito nalang muna ang story namin ni Mommy D. Pingpongballs ko. Wag kayong malungkot at makakasama n'yo parin naman kami sa ibang story. Hindi pwedeng kami lang ang may happy ending!
Kailangan ko pa tulungan 'tong mga kaibigan ko sa mga love life nila. Dapat sabay kaming lahat ikakasal at magkakaroon ng mga anak!
Mamimiss ko kayong lahat at alam ko naman mamimiss n'yo kaming dalawa ni pie. Pero ganon talaga ang buhay! 💕
6789: Hi Love
968: I'm all yours
637: Always and Forever
O946: Be by your side
831: I love you
An eskimo kiss: rubbing one's nose against another.
------------
DATE STARTED: March 17, 2022
DATE FINISHED: APRIL 29, 2022
NEXT STORY:
- Live,Love,Laugh (RL)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip