Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 11

inkbyseki

-

Napapansin ko sa mga nakalipas na araw-ay hindi, simula nang makilala ko ang apat ay walang araw na hindi ako napapamura. Sana lang talaga hindi ako dalhin sa palasyo ni satanas dahil lang sa kakatawag ko lage sa kampon niya, paano naman kasi-sinong hindi mapapamura kung hindi mo alam gagawin? bigla-bigla may mangyayaring hindi mo inaasahan.

Tulad nalang ngayon...

Yawa, deja Vu.

"May kailangan po kayo?" Simbahan kanunay. Parang kahapon lang nakaharap ko parents ni Azalea tapos ngayon itong ina ni Amour, wala ba sila mahanap na mas babagay sa mga anak at sa akin hinahanap?

Nandito nga pala ako ngayon sa salon, nagkataon lang nagkasalubong kami kanina sa labas ng mall kaya kinaladkad ako kaagad. Hindi ko gusto maging bastos kahit may trabaho pa sanang hahabulin, akala ko mabilis lang kaso sa beauty salon ako dinala at ngayon kasalukuyan siyang nagpapaayos ng buhok.

"How's school, iha?" Tanong niya. Dito ako nakaupo sa may tapat kung saan kaharap lang niya ang malaking salamin.

"Ayos lang naman po." Sagot ko.

"Ubos na ba ang baon mo?" Nagtaka ako at napaisip tapos naalala ko yung binigay niyang pera. Umiling ako at ngumiti.

"Meron pa po, hindi ko naman yun ginalaw." Sabi ko. May pera ako at pag short ay doon ako kumukuha sa card ni bigay ni Ines,

"Kung kailangan mo ng allowance sabihan mo ako kaagad."

"Huwag na po ma'am, may trabaho ako at isa pa may source of income naman ako para sa mga needs hehe." Kung swapang at sakim lang siguro ako sa pera matagal ko na hinuthutan silang lahat.

Saglit niya akong pinagmasdan. "Rhea, may hihingin akong pabor." Hindi ko expected ang sinabi at wala akong alam kung may kakayahan ako gawin ang pabor na kanyang nais, pero kung kaya naman ay bakit hindi? Mas mabuti alamin muna kung ano gusto niya.

"Kung kaya naman. Anong pabor po ba?" Tanong ko.

"Alam mo ang tungkol sa lalaking pinakilala ng ko asawa bilang kasintahan ng anak ko, tama?" I nodded.

"Ang totoo nyan ayaw ko sa kanya para sa anak ko. Mayabang, mukhang pera, hindi mapagkaka-tiwalaan at higit sa lahat hindi magaling sa trabaho. Puro kamalian lang dulot ng lalaking yun sa hospital." Ano gagawin ko sa problema mo anteh? Lalasapin? Gage, bakit sa akin sinasabi? I mean, ano gagawin ko sa sinabi niya? As if may kakayahan ako kalabanin ang lalaking yun pero kung suntukan ibig niya sabihin... sure, why not?

"O tapos?"

"I mean po anong magagawa ko tungkol jan?" Kasi kahit tatanungin ako ngayon ay hindi ko rin alam ang tamang gagawin.

Kinuha niya ang kanyang handbag at may pinunit na papel saka binigay sa akin, ako na walang alam kung ano yun ay agad itong tinanggap ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ito at kung gaano kalaki ang perang nakasulat. Nanginginig ang mga kamay habang lihim binibilang kung ilang zeros ang nakalagay.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima-siyam?!

Yung panga ko halos hindi ko na maibuksa sa sobrang tigas dahil sa labis na pagkagulat. "A-Ano po ibig sabihin nito? Suhol mo to para layuan ko si Amour? Hindi ko tatanggihan ang ganito kalaking pera kahit sabihin mo pang mukha akong pera ngayon, ma'am." Pag amin ko. Isang billion para layuan lang anak ang niya? Sino ba naman ako para tanggihan ang ganito ka malaking pera, diba?

"No." Ngunit nalito ako sa isinagot sa akin kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.

"N-No? So, para saan po to? Ipapa deposit mo sa bangko-" Bigla niya pinutol ang pagsasalita ko.

"One billion, Rhea. That's a billion. Just marry my child." Inangat ko isang kamay upang ipahiwatig na pagsalitain muna ako.

"Sandali lang po, dahan-dahan at nakakagulat masyado ang offer mo. Pwede po ba pag-isipan ko muna?" Bad influence si madam pero nakakasilaw masyado yung offer.

"Rhea, sa halagang yan ay kailangan mo pa ba talaga pag-isipan? One billion, pakasalan mo lang ang anak ko." May point.

"Deal." Wag na mag-isip, hindi ko naman ginusto tong mga bagay na nangyayari at pera na yan oh. Kahit dumating yung panahon talikuran ako ng lahat ay alam ko sa sariling may isang billion ako. And also, Amour Monroe na yan!

Ngumisi siya at halata sa ekspresyon na tila nanalo sa isang bagay, ganun na rin ako at isa pa sa ganitong deal ay it's a win-win. Sabihin na niya mukha akong pera pero walang tao sa mundong ito na tatanggi sa ganyan kalaking halaga. Tao lang din ako at gagawin lahat para mabigyan ng magandang kinabukasan kapatid ko. Hindi ko rin naman ninakaw ang pera, kung noon halos hindi ko na alam ang gagawin sa sunod-sunod na problema dahil sa pera pero ngayon ay instant billionaire na.

"Pwede po mag tanong kung bakit nyo ako gusto ikasal sa anak mo? Sobrang laking pera pa ng offer mo, tapos babae ako?" Babae ako madam pero may juntin ako na malaki, di mo lang alam.

"Tulad ng sinabi kong dahilan, ayaw ko sa lalaking gusto ipakasal ng asawa ko sa anak ko. Gusto ko pakasalan mo anak ko sa lalong madaling panahon para tuluyan magalit ang asawa ko." Bagsak panga ako at taas ang mga kilay habang pinapakinggan ang kwento ni madam. Bakit may mga saltik parents nila Aza at Amour?

"Sa dahilan mo parang gusto mo mag deklara ng gulo sa asawa mo po." Hays, sana lang tamang landas pinili ko. Sa kaka sana all ko sa kaibigan ay tignan mo ngayon, halos sunod-sunod na sila.

"You're right." Tatawa na sana ako nang marinig itong sumagot.

"Ha? Seryoso ka madam? Gusto mo masira perfect family nyo?" Unbelievable, ngayon lang ako naka kita ng ganitong babae.

"Perfect family?" Bahagyang nag-iba ang tono ng kanyang pananalita na tila ba sarkastiko pa ito. "Hindi kailanman naging perpekto ang pamilya ko. Nasa isang bahay lang kami pero kailanman hindi naging masaya. Pilit hinahadlangan ng asawa ko ang kasiyahan ng anak ko at yun ang hindi ko hahayaan, hinding-hindi ako papayag sirain niya ang magandang kinabukasan ni Amour, tulad ng ginawa niya sa buhay ko." Masyadong gigil si madam sa asawa, ramdam kong mabigat kalooban niya. Kung ganun, di na ako dapat nagdadalawang isip pa.

"Sige po, tutulungan kita."

"I know. Keep the money, save it for later." Tumango ako. Hindi ko alam paano mag transac ng ganito kalaking pera, itatanong ko nalang si Kris mamaya.

"Madam, may tanong lang po ako kung talagang ayos lang sayo ikasal sa anak mo? You see, hindi ako mayaman para may ipagmalaki sa mga tao." Tanong ko. Nais ko lang makasiguro at baka mahulog sa katotohanan lahat ng pantasya kong ito.

"Kailangan pa ba kung may mayaman kang asawa?" Bahagya akong napaigtad sa kanyang sagot.

"Mahirap man o hindi ay hindi mahalaga sa akin. Noong araw pinakilala ka bilang kasintahan sa amin ay alam ko na interesado siya sayo. Anak ko si Amour, kaya alam ko ang gusto niya sa hindi." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi naman ako kontra sa sinabi at kahit ako ay ramdam ko yun lalo na kung paano ako landiin ng anak niya.

"G-Ganun po ba." Sagot ko at tipid ngumiti.

"Wala kang klase?" Sunod niyang tanong.

"Wala na po, pero may lakad ako." Sagot ko saka tumingin sa aking relo. Nag text kasi si Bea. Gusto makipagkita at may pupuntahan daw kaming dalawa, pero bago yun ay susunduin ko muna sa school kapatid ko at malapit na out nila.

"O sige, umalis ka na at ayaw ko makaabala." Kahit ako madam ayaw ko manatili rito at ikaw lang nag eenjoy sa pagpapaganda.

Ngumiti ako at tumayo. "Salamat po, hinding-hindi ko kayo bibiguin. Sa atin nalang po sana ang napag-usapan at wag na sana umabot kay Amour." Pakiusap ko sa kanya.

"Huwag ka mag-alala, sikreto lang natin ang tungkol dito. May isang linggo ka, bibigyan kita ng isang linggo at gusto ko kasal na kayo sa susunod nating pagkikita." Saglit akong natulala at tingin sa kanya, nakipag titigan at mukhang seryoso nga siya na dapat ikasal ako sa anak bago matapos ang isang linggo. Shit lang jud, papayag kayo yung anak niya? Baka magtaka yun bigla akong nag propose ng kasal e wala naman kaming relasyon na dalawa?

Ayusin mo buhay mo Rhea, hays.

"S-Sige po-"

"Pag hindi mo nagawa sa loob ng isang linggo ay mapapawalang bisa ang usapan natin." Ang ibig sabihin hindi ko makukuha ang isang billion? Pera na yan tapos hahayaan ko lang maglaho na parang bula? No way!

"Makakaasa ka, madam." Sagot ko at nag salute saka nagpaalam sa kanya ng tuluyan.

Sinundo ko si Lilith at pagkatapos ay agad nagtungo sa dating boarding house kung saan kami nangupa ni Kris, doon pa rin kasi hanggang ngayon umuupa si Bea at hindi ko alam kung bakit ayaw niya pa rin umalis kahit anong pilit namin ni Kris patirahin siya sa condo. Nasa may bandang tindahan palang ako papasok sa dating kanto pero marami ng mga tambay nag chichismis sa labas, ganyan din naman ako dati. Maya-maya pa ay tanaw ko na ang bahay, ilang taon na pero wala man lang pinagbago itsura ng bahay. Wala balak owner ipaayos to at baka pati sahig until now butas pa rin?

"R-Rhea?!" Bulaslas agad ng isang napaka pamilyar na boses pagbaba ko ng sasakyan. Nilingon ko ito, kaya pala pamilyar at medyo nakakainis sa tenga... si owner pala to eh.

"Owner." Tawag ko, nasa late 40's na siguro siya now.

"Buti napadalaw ka? Ibang-iba ka na ngayon bata ka. Tignan mo at may maganda ka ng sasakyan, mas lalo ka pang gumanda." Bolera talaga tong si owner at kahit kay Kris ginawa niya rin to e. Mahina akong natawa at napansin ang mata ng mga kapitbahay.

"Salamat po, nandyan ba si Bea?" Tanong ko.

"Naku ay baka tulog pa-Bea! Bea! Gumising ka at nandito si Rhea!" Lakas maka sigaw, akala mo nakalunok ng microphone.

Sabay kami napatingin sa nakabukas na pinto nang biglang may malakas na kalabog. Nasa gilid lang ng pinto ang hagdanan kaya kitang-kita kung paano gumulong si Bea hagdanan.

"Bea, maaga pa para sumisid." Sabi ko at natawa dahil sa posisyon niyang parang palaka.

"Owner, sabi mo ipapaayos mo ang hagdan? Hindi lang ako ang na biktima niyan." Kalmado lang nagtatanong yan pero kumukulo na dugo niyan sa ulo.

"Ou nga, kaso wala pa yung mag papanday." Paliwanag ni owner.

"Sinabi mo na yan nong isang linggo pa. Taga ibang bansa ba panday mo at hanggang ngayon wala pa?" Panay na ako hagikhik dito habang nakikinig sa kanila.

"Ano ka ba, nandito si Rhea! Alis na ako at may session kami! Huwag mo kalimutan e lock gate kung aalis ka." Dahilan ni owner at dali-daling naylakad, halatang tinatakasan si Bea.

Napailing ako habang nakatingin sa babaeng papalayo. "Session sa mahjong kamo!" Pahabol kong sigaw.

"Anong oras na?" Biglang tanong ni Bea,

"11:35." Sagot ko.

Para siyang nataranda bigla at hindi alam ang gagawin. "S-Sandali! Maliligo lang ako at bibihis, hintayin mo ako sa sasakyan!" Sabi at tumakbo ulit paakyat ng hagdan.

Umiling ako at bumalik sa kotse, kasama ko nga pala si Lilith at ayaw niya bumaba kanina kaya iniwan ko nalang sa loob ng sasakyan.

"Lilith, gutom ka na ba?" Tanong ko pag bukas ng backseat. Hindi ako narinig at focus masyado sa pinapanood niyang documentary. Kakaiba ang kapatid ko, nahawa na yata kay Savannah.

"Lilith," Tawag kong muli at tinapik ang kanyang ulo.

"Ate?" Napatingin ako sa kanyang iPad. Magiging psycho pa yata kapatid ko, akala ko kung ano pinapanood pero about psychopaths?

"Gutom ka na?"

"Ou te."

"Hintayin muna natin si Bea bago kakain ha? Papasok ka o sasama kay ate?" Tanong ko sa kapatid na nasa iPad ulit ang atensyon.

"Ayaw ko mag absent te, sabi ni teacher pag complete attendance kami may gift sa sa amin." Lihim kong binatukan ang sarili. Sobrang bad influence ko masyado na ate at ako pa mag suggest wag siya pumasok.

"Sige, kain tayo tapos hatid kita sa school early." Tumango siya.

Gulat ako kasi wala pang sampung minuto tapos na si Bea, tignan mo at nasa harap ko na ngayon ngunit ang buhok akala mo binagyo sa sobrang gulo. Sabi ko kumain muna kami ng lunch at ihahatid si Lilith bago puntahan ang lugar na kanyang sinabi. Kaya pala ako tinawagan, yun pala ay gagawin lang akong driver.

After kumain hinatid namin si Lilith pabalik sa kanyang skwelahan. Ngayon, kasalukuyan namin binabaybay ang daan patungo sa kabilang town at itong si Bea parang kanina pa hindi mapakali dahil panay ngatngat sa kanyang kuko.

"Bea, baka maubos kuko mo jan." Paalala ko sa kanya. Hindi ko alam anong tawag pero basta ay meron tawag sa mga taong ganyan sa tuwing nene-nerbyos, mahilig kagat-kagatin ang daliri hanggang sa tuluyan magkasugat.

"Kanina ka pa balisa." Dagdag ko pa.

"Rhea, baka ito na simula ng pagbabago ng buhay ko." Kunot noo akong napalingon sa kanya. Wala naman ako makitang kaba sa kanyang ekspresyon?

"Alam mo, di ko alam kung nabundol ka ba ng sasakyan o nabagok ulo mo. Gusto mo tuluyan na kitang ipasok sa mental?" Pati ako mababaliw kakaisip kung ano nga ba nangyayari sa kaibigan ko.

Hindi ako sinagot kaya nag focus nalang sa pagmamaneho. Ilang saglit pa ang lumipas ay umilaw ang screen ng aking selpon at nakita ang pangalan ng baby Aza ko na tumatawag. Gumuhit agad ang malapad na ngiti sa aking labi bago isinuot ang earphone saka sinagot ang tawag.

"Baby?" Yawa, korni ko kinilig ako sa tawag ko sa kanya. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit hindi naman sumagot ang nasa kabilang linya.

"Baby? Hello? Aza? May problema ba?" Sunod-sunod kong tanong nang hindi makatanggap ng sagot mula sa kanya.

"Hey." Pastilan bayhana, hey lang pero nakaka ano masyado boses niya... akit ba, nakakaakit!

"Miss mo ako?" Diretso kong tanong, wala akong pakialam kung naririnig ni Bea kalandian ko pero may sariling mundo naman siya ngayon.

"Are you free?"

"Now po?" Sagot ko.

"Yes."

"Hindi ako bakante ngayon at kasama ko si Bea ha." Paalam ko at baka bigla ulit sumulpot to sa lugar kung saan kami pupunta.

"I know." Nagtaas ang aking mga kilay.

"Ha? Paano mo alam? May spy ka no?" Biro ko at tumawa.

"Make some time tomorrow night because we're having dinner with my fiancé's family." Bigla ako napaikot ng mga mata matapos marinig ang kanyang utos.

"Bakit ako kasama?"

"I will introduce you to them as my wife." Yung mood ko kasing bilis ng kidlat sa biglang pabago-bago, ngayon nakangiti naman ako.

"Ano yan? Happy breakup engagement?" Yung fiancé ka tapos di ko alam kasal na pala sa iba.

"See you tomorrow. Keep your eyes on the road while driving." Sasagot pa sana ako ngunit ang magaling na Azalea ay bigla ako pinatayan ng tawag. Ngek, don't tell me may spy camera siya at alam niya lahat ng mga ginagawa ko?

"Rhea," Palakang Bea at bigla nalang nagsasalita.

"Oh?" Anong kabalbalan ulit sasabihin niya sa akin.

"May aaminin ako, paniniwalaan mo kaya ako?" Muli ko siyang sinulyapan bago ibinalik ang atensyon sa daan.

"Alam mo, dati pa namin gusto sabihin ni Kris sayo to pero malaki pinagbago mo simula nung pumasok kaming dalawa sa kwarto mo." Ewan, basta yung time na yun may napansin ako kaagad sa kanya e natulog lang naman siya.

"Alam ko future mo." Nanlaki ang mga mata ko, naka sandal siya sa bintana at ngumiti na parang pinapahiwatig na nagsasabi siya ng totoo.

"Ano ka? Manghuhula?" Sabay iling ng aking ulo.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nagbalik ako sa nakaraan? Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako si Bea na nagmula sa hinaharap? Maniniwala ka ba pag sinabi kong apat din naging asawa mo tulad kay Kris?" Mabilis kong kinambyo ang manibela at ipinarada sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Mabuti nalang kontrolado ko emosyon, kung hindi ay baka lumipad na kaming dalawa dahil sa labis na pagkagulat.

"Nagulat ka sa sinabi ko?" Natutop ko ang bibig at tumango.

"Obvious ba?! Sinong hindi magugulat kung apat din magiging asawa ko? Tumigil ka na sa pagiging delulu Bea, tignan mo at muntik na ako maniwala sayo." Sagot ko at tinapik ang kanyang balikat. Akala niya siguro maniniwala ako sa sinabi niya napaka imposible mangyari.

"Mas nagulat ka ron kaysa nalaman mong galing ako sa future?" Tumango ako kasunod ang isang malakas na tawa.

"Seryoso ako, Rhea." Seryoso ang kanyang mukha.

"Seryoso rin ako Bea, wag mo akong binibiro at mabilis ako mauto." Natatawa ko paring salita.

"Kung ayaw mo maniwala ay hindi kita pipilitin. May payo lang ako sayo, yang hawak mong isang billion galing sa ina ni Amour..." Bigla akong nanigas at napatigil sa kakatawa nang marinig ang kanyang sinabi. "Kung ayaw mo pagsisihan muli, mas makabubuting aminin mo kaagad sa kanya bago pa man niya malamang nakipag sundo ka sa kanyang ina." Dagdah pa niya sa kanyang kwento.

Kinilabutan talaga ako sa narinig at laglag ang panga kasunod ang sunod-sunod na pagkurap ng mga mata. Pilit kong pinoproseso sa utak ko na panaginip lang tong nangyayari ngayon kaya sinampal ko ng malakas ang sarili upang magising ngunit sabay kami nagulat ni Bea sa ginawa ko sa aking sarili.

"Ano? Ayaw mo pa rin maniwala?" Napalunok ako. Totoo talagang galing siyang future?! Kasi paano niya nalaman ang tungkol sa kasunduan namin ni madam kung hindi ko pa nasabi sa kanila?!

"L-Legit talaga? A-Anong taon sa future?" Akala ko sa novels at palabas ko lang makikita ang mga ganito, ngayon malalaman ko galing future pala kaibigan ko?!

"2030." Mas lalo akong nagulat kasi 202* palang kami ngayon!

"S-Sa future ba maraming nagbago? I-I mean, yung sinabi mo kanina? Seryosong ikinasal ako sa apat?" Naninigurado lang ako.

"Ines, Azalea, Amour at kay Emilie ka ikinasal." Nasamid ako sa sariling laway at naubo ng tuloy-tuloy. Hindi ako nagulat sa unang tatlo pero anong kinalaman ni Emilie rito? Emilie? As in kapatid ni Arleth?!

"Ba't ka gulat? Di mo inaasahan?"

"O-Ou naman! B-Bakit kasali si Emilie? Emilie na kapatid ng asawa ni Kris?!" Tumataas na boses ko sa daming rebelasyon ba naman nitong kaibigan ko.

Tumango siya. "Ou, alam ko lahat ng kwento mo pero hanggang jan lang muna sasabihin ko. Ayaw ko makialam at baka maapektuhan future mo." gusto ko malaman ang future ko pero tama ang sinabi ni Bea, baka may magbago pag nakialam siya.

Nakaramdam ako ng excitement sa totoo lang. Aaminin ko noong panahon na may apat na babaeng nag aagawan sa kaibigan kong si Kris ay nakaramdam talaga ako ng inggit lalo na nung nalaman kong ikinasal siya sa apat at lahat ng mga bagay ay nakukuha niya kahit hindi naman hiniling. Sinabi ko sa sarili, paano ako? Magkakaroon din kaya ako ng ganyan? Dati desperado talaga ako lalo na at kailangan ko ng pera para may maipadala sa ama kong abusado.

Ngunit napagtanto ko walang paglalagyan ang inggit kung paiiralin ko yan. Masaya ako para sa kaibigan ko at tanging hiling ko lang noon para sa kanya ay sumaya siya ng tuluyan sa piling ng kanyang mga asawa. Tungkol sa usapan namin ng ina ni Amour ay wala talaga akong balak ipaalam ngunit dahil sa sinabi ni Bea na baka pagsisihan kong muli ay mas dapat lang talaga ipaalam ko ang tungkol dito kay Amour.

"Lalim non." Sabi ni Bea nang marinig ang sunod-sunod kong mga malalim na buntong hininga.

"May na realize lang ako. Sa konting panahon ay nasilaw ako sa pera..." Ngumiti ako sa kanya. "Hindi dapat ako maging sakim. Tama ka at kailangan kong sabihan si Amour tungkol sa usapan namin ng kanyang ina." Sabay kaming tumango bago ko muling binuhay ang makina.

"Salamat, hindi ko alam ang haharapin kong mga pagsubok pero may tiwala ako sa mga sinabi mo." Dagdag ko pa.

"Wag ka mag-alala, Rhea. Hindi ko hahayaan mapahamak kayong mga kaibigan ko." Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.

Akala ko magpapasama si Bea, legit nga talagang ginawa lang akong driver at ngayon pabalik na. Nagpaiwan siya sa kabilang town, sinabi ko naman hihintayin siya para sabay na umuwi pero matatagalan at commute nalang daw siya pauwi. Plano ko umuwi sa condo para makapag pahinga pero naalala ko yung usapan namin ni Bea kanina kaya imbes sa condo ay sa hospital nila Amour ako dumiretso.

"Good afternoon." pagbati ko sa station nurse.

"Yes, ma'am?"

"Nandyan ba si Amour?" Tanong ko.

"May appointment po kayo today? Pwede po malaman ang apelyido?" Napakamot ako sa ilong, hindi pala alam non pupunta ako.

"Wala eh." Sagot ko.

"I'm sorry ma'am, pero naka schedule po lahat ng oras ni doctor Amour ngayon." Nahihiyang sagot sa akin. Bakit siya namumula? Tapos parang nagpapa-cute pa siya.

Bahagya akong umatras. "Ah ganun ba, salamat." Sabi ko at lumayo saka kinuha ang phone upang tawagan si Amour.

Naka isang ring palang ngunit agad niya nasagot. "Amour?" Tawag ko at naririnig ang ibang boses sa kanyang linya.

"Dear?" Napakagat labi ako at takip ng mukha, di parin ako sanay sa kanya.

"Nandito ako sa hospital, sabi ng nurse naka schedule na buong araw mo pero pwede ba kita makausap kahit ilang minuto?" Tanong ko. Biglang tumahimik sa linya niya kaya baka lumabas siya o di kaya nagtungo sa tahimik na pwesto.

"Of course, I always have time for you." Lakas ko talaga sa kanya.

"Are you able to come up to the 23rd floor? I'm currently in the conference room having a meeting with my team." Tinignan ko kaagad kung may bantay sa labas ng elevator at thankfully hindi ko nakita ang humarang sa akin dati.

"Ayos lang? Sige, akyat ako. Baka may humarang ulit sa akin jan?" Sabi ko.

'Don't worry, and I will instruct my secretary to let you in." Mabuti kung ganun.

"Sige, akyat na ako." Sagot ko at pinatay ang tawag saka nagmamadaling pumasok sa elevator at pinindot ang floor na kanyang tinukoy.

Ako lang ba nakaka experience ng ganito? Sa tuwing sasakay ng elevator ay pakiramdam ko umiikot paningin ko, nahihilo tapos feeling nasusuka ako? Wala naman akong phobia pero sadyang ganyan lang epekto sa akin sa tuwing nasa loob ng elevator, kaya minsan mas gusto ko nalang gumamit ng hagdanan.

Matapos ang ilang minuto na pagtitiis sa elevator ay tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Nagulat ako kasi may babaeng nakaabang sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang sinabi na sekretarya ni Amour,

"Hello po." Bati ko.

"Rhea?" Tumango ako. Medyo may pagka maldita ang ekspresyon at awrahan ng babae tong lalo na tono ng kanyang pananalita.

"Opo." Buong galang na sagot ko.

"Follow me." Utos nito.

Kay grabeng hospital at sobrang laki, ngayon lang ako nakakita ng hospital na ganito ka lawak? I mean, hanggang 25th floor kasi tong building ng hospital. Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa conference room. Tinignan ko ang sarili kong kaaya-aya ba ako tignan at lihim na tampal ang noo nang makita naka simpleng sleeveless shirt at shorts lang ako.

"S-Sandali-" Pipigilan ko pa sana kaso nabuksan na ang pinto at ngayon kitang-kita ko si Amour sa loob kasama ang ibang mga doktor? Nandito rin yung boylet niya na sobrang sama kung makatingin.

Biglang tumahimik ang buong silid, si Amour kaagad tumayo sa kanyang upuan at naglakad palapit sa akin. Ang ganda at bagay na bagay talaga sa kanya ang suot na scrub suit.

"A-Ah, hello po." Nakakahiya at mukhang malaking abala ang pagsulpot ko.

"You're being too formal. Relax and come here. We're almost finished, so sit down first." Napansin niya kasing kinakabahan ako.

Hinawakan niya ako sa kamay at hindi ko inaasahan sa upuan niya ako pauupuin. Isang malalim na lunok ang ginawa ko nang maramdaman ang mga matang halos pagtatagain na ako, nasa center ba naman nila ako lahat at itong si Amour imbes ako yung nakatayo ay siya ngayon ang nasa gilid ko.

"A-Amour?" Tawag ko.

Biglang dumating ang sekretarya, inabot ang blazer ni Amour at isang tasa ng kape. Mas lalo akong kinabahan at the same time na excite sa ginawa niyang paglagay ng blazer sa akin, sobrang lamig ba naman kasi ng conference room.

"Drink this." Agad ko kinuha ang kape at ininom ngunit ang tanga ko ba naman biglang tinikman edi napaso dila ko sa sobrang init!

Napangiwi ako. Yawaa, sobrang tagal pa naman mawala ng sakit kapag napaso ang dila. "Mainit." Sambit ko.

"Is it hot? Let me blow it for you." Sabi niya at inagaw ang tasa. Kaagad nag init ang mga tenga ko at nagbaba ng ulo habang kagat-kagat ang ibabang labi. Ang dumi ng nasa isipan ko! Shit! Juntin, wag ngayon! Kalma self-hinga ng malalim, kalma at nasa harap kayo ng mga doktor!

"Here-why are your ears turning red?" Agad ko kinuha ang tasa at nagbaba ulit ng ulo. Wag siya masyado pa inosente at alam kong sinasadya niya gawin to upang makita ang magiging reaksyon ko.

"Amour, can we continue now?" Boses nong boylet niya.

"Sure."

"Tatayo ka lang?" Tanong nito muli at tinignan akog kaya alam ko na gustong ipahiwatig nito.

Tatayo na sana ako kaso bigla ako pinigilan ni Amour at ang mas nagpa-gulat sa aming lahat ay ang biglaang pag upo ni Amour sa pagitan ng aking mga binti. Pastilan tabang lord, bakit ganito siya sa harap ng mga kasamahan niya. Hindi ba siya nag-aalala baka madumihan ko reputasyon niya?

"What? Continue." Tameme si angkol e.

Sumandal ako ng biglang sumandal sa aking dibdib si Amour, langhap na langhap ko ang kanyang mamahaling pabango at hindi ko talaga alam kung kaya ko pigilan ang sarili pag nagpatuloy ito. Wala akong magawa kundi ang tumingala at nagsimula mag bilang ng numero habang pinagmamasdan ang kisame. Maya-maya pa ay biglang nag vibrate ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Amour.

Ramdam kong lumalalim bawat paghinga ko, paano niya nagagawang maging ganito sa harap ng maraming tao? Alam kong may pagka wild si Amour pero hindi ko expected aabot sa ganito.

My god! Mapapatawag ako ng kampon ni satanas dahil sa babaeng ito. Fuck! Yawa! Gi.atay! Ayaw na kumalma ng alaga ko huhu. Imbes na mag reply and minabuti ko nalang ang hindi ito pansinin at nagpatuloy sa pagbibilang, mahirap at talaga hindi ako makapag concentrate masyado lalo na at patuloy siya sa kanyang panunukso. Halos isang oras na ako nandito sa loob at halos isang oras na rin ako nag susuffer dahil kay Amour, sobrang sakit na masyado at talaga kailangan ko na ilabas ba pa ako tuluyan mabaliw dito.

"We're done." Nakahinga ako ng malalim nang matapos ang kanilang meeting at nakitang isa-isa na lumabas ang mga doktor.

"Wala ka bang balak umalis? Please lang, gusto ko na ilabas at sobrang sakit na." Yawa jud, isang oras ba naman ako nagtitiis. Nagbunyi ako nang bigla siyang tumayo ngunit napaungol muli niyang pag-upo, nananadya!

"A-Amour, please." Kagat labi kong bulong, palakas nang palakas tibok ng aking dibdib at umiinit na buong katawan.

"Need help?"

Mabilis akong umiling. "Kaya ko na, umalis ka na please at kailangan ko mag toilet." Pagmamakaawa ko huhu lalabasan na talaga ako dahil sa kanya.

Napasinghap akong muli sa kanyang pagtayo at ikinagulat ang sunod niyang ginawa. Bigla siyang lumuhod sa pagitan ng aking mga binti at ngayon nasa may bandang hita ko na ang kanyang mukha.

"F-Fuck, A-Amour! Anong ginagawa mo? Inaakit mo talaga ako? Paano pag may pumasok? Tumayo ka nga!" Sasabog na puso ko jusko lord.

Ngumisi siya at biglang hinawakan ang butones ng aking suot na short. Kaagad ko siyang pinigilan ngunit sinamaan ako kaagad ng tingin. Hoy, simbako! Huwag mo sabihing tama ang nasa isip ko?!

"A-Ano balak mo?" Kabado kong tanong.

"Dear, you know you need this now, right? Is your desire for me that great that your weapon grows every time you're with me?" Maakit niyang panunukso at dumila sa kanyang labi. Pastilan yawa yawa yawa!

Nagtaas ang kanyang mga kilay nong gumalaw si juntin ko. "See?" She smirked, buong tuksong hinimas ang labas ng aking short.

"Let me help you?" I gulped hard.

"P-Paano pag may pumasok?" Tanong ko.

"You don't need to worry, as the door will automatically lock when closed." Sagot niya at nagsimulang maglakbay ang mga daliri sa aking zipper.

Mabilis akong tumingala, hinanap kung may CCTV at nanlaki mga mata nang makita ang maraming CCTV cameras. Kaagad ko pinadyak ang dalawang paa upang iatras ang upuan, muntik pa siya mapa subsob sa malamig na sahig dahil sa biglaan kong kilos.

"A-Amour, wag please? K-Kakalma na ako." Pilit kong paliwanag at sinubukan kontrolin ang sarili.

Tumayo siya at pinagpag ang sarili bago ako tinignan sa mga mata at matamis ngumiti. "Alright." Nakahinga ako ng maluwag.

"Go find the nearest restroom and finish quickly. Make sure to wash your hands properly after, and find me in the cafeteria, which is only on this floor." Mabilis akong tumango at tumakbo palabas ng silid.

Agad ko hinanap ang pinakamalapit na restroom at doon ginawa mag-isa, muntik ako abutan sa labas buti nalang nakayanan ko pa hanggang makapasok ng cubicle. Hingal na hingal ako at pilit pinipigilan ang sarili umungol habang nilalabas lahat, hindi ko akalain mangyayari ito ngayon sa akin at muntik ko pa talaga payagan si Amour sa balak niyang gawin kanina. Paglabas ng cubicle ay sinuguro ko malinis ako at hinugasan ang dalawa kamay ng paulit-ulit bago lumabas at nag tungo sa cafeteria.

Nakita ko siya kaagad sa unahan, don sya pumwesto kung saan maganda ang view sa labas. Hahakbang na sana ako ngunit naalala ko yung kanina, bigla akong tinablan ng hiya-tutuloy pa ba ako? Uwi na lang kaya ako? Pero kahit naman umuwi ako ngayon ay walang magbabago kung sa susunod na pagkikita ay maaalala ko lang din muli ang kaganapan kanina? Hindi, haharapin ko ito ngayon at may kailangan kami pag-usapan.

"Amour." Tawag ko sa kanyang pangalan ng makalapit sa table. Hindi mapakali mga mata ko at hindi ko siya matignan ng diretso sa kanyang mga mata.

"What? Shy? After what happened?" Napakamot ako ng ulo at umupo sa bakanteng upuan na katabi lang niya.

"I'm sorry kanina, hindi ko mapigilan ang sarili." Mahina kong salita.

"Don't worry about it, because it's all part of my plan and I intentionally seduced you." Sinabi niya ng walang pag aalinlangan at talagang di siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Kinagat ko ang ibabang labi at talagang nag iinit ang loob ko dahil sa kanya, mga katulad ni Amour na babae ang malakas epekto sa akin.

"I-I see." Sagot ko at inagaw ang kanyang inumin, kailangan ko at baka maubusan ako ng laway dahil sa kanya.

"I hate it when people take what's mine..." Malamig niyang salita kaya natigilan ako sa pag-inom at tingin sa kanya.

"But you're different." Maakit niyang salita at kung ngumiti sa akin... akala mo talaga hindi ko alam sinasadya niya.

"You're allowed to have everything without asking. What's mine is yours." Hmp, akala niya magpapadala ako sa bulala niyang mga banat pero bakit ganun? Ibang-iba talaga epekto ni doc, pastilan.

"Are you listening?" She asked. Nakikinig ako pero wala sa kanya atensyon ko-I mean, nasa kanya pero mas maganda kung ituon ko sa iba at baka muling mabuhay ang juntin ko!

"Yes." Sagot ko at muling inabala ang sarili sa pag type upang sagutan ang mensahe ni Bea, may message pala siya kanina pa.

"You say you're listening, but your attention isn't on me. Prove to me that you were actually listening. What did I say?" Tanong niya. Kainis naman kasi kaibigan ko at bakit ngayon pa nag text kung kailan urgent!

"Wait lang. Fiv-" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya hablutin ang selpon at itinapon sa labas ng bintana. Pastilan, nasa 23rd floor kami?

Awang ang labi at tulalang napatitig nalang ako sa bukas na bintana. Grabe siya, pwede naman kunin selpon pero kailangan talaga itapon? Sayang naman at bagong bili lang yun kanina. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at lumingon sa kanya, angas ni anteh at parang wala lang sa kanya.

"Sayang." Sambit ko. Ayaw ko na tanungin dahilan kung bakit niya yun ginawa at lahat naman ng sasabihin o gagawin niya ay tama.

"You should only focus on me." Lakas ni anteh mag demand bai.

"Lakas mag demand." Bulong ko sa sarili.

"I have every right to demand this because I want you, and I want all your attention for myself." Bigla niyang sagot kaya malamang ay narinig ang sinabi ko.

"Possessive masyado anteh, tinamaan ka na siguro sa akin no?" Pagbibiro ko para maiba ang usapan. Hays, sa sobrang focus ko masyado sa selpon ay lumamig na kape ko.

"Yes. What will you do now? Will you take responsibility?." Direkta niyang sagot. Ako na parang baliw ay biglang nahulog sa kinauupuan. May kalakasan ang pagbagsak kaya bahagya sumakit ang pwet ko.

Grabe bai, straightforward si anteh.

"A-Ahem, may sasabihin nga pala ako." Muntik ko na makalimutan, wag ka maniwala at tinutukso ka lang niyan.

"What? But before we get to that, first answer my question. Will you take full responsibility now that I feel like I'm starting to like you?" Tumayo akong muli at bahagyang inilayo sa kanya ang upuan bago umupo.

"Trip mo ako?" Tanong ko.

"Yes." Awit, bilis nakasagot.

"Paano kung sabihin ko inofferan ako ng ina mo ng isang billion para pakasalan ka?" Tanong ko.

She stopped mid-swig of his coffee and looked over at me with a deep gaze before slowly setting his cup down and crossing his arms and legs.

"Sounds fun." Mabilis niyang sagot na tila di man lang pinag-isipan. The fvck? Yun lang? Napabugha ako ng hininga at takip ng isang mata.

"Yun lang reaksyon mo?" Awang ang labi ko.

"What else do you expect? Are you hoping I'll be angry at my mother? Maybe I should actually thank her, as it made it quicker and easier for me to have you." Sumandal ako at pikit ng mga mata, parang ako yung nahulog sa bitag nilang mag-ina.

"Haa." Maduga, matalino nga.

"Let's go." Aya niya at hinawakan ako sa kamay.

"Saan? Sabi ng ina mo sa loob ng isang linggo?" Tanong ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Why should I wait any longer? I want to marry you right now." Maawtoridad niyang salita at sapilitan akong hinila.

"H-Ha?" Teka, bakit ang bilis ng pangyayari. Gusto ko sana pigilan pero naalala ko ang sinabi ni Bea kanina.

Ikinasal ako sa apat at isa si Amour doon.

Shit!

Here comes the third wife!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip