𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 12
*
Finally may sapat na oras na rin ako para sa sarili. Kakatapos ko lang mag exercise at ngayon nagpapahinga, nandito nga pala ako sa gym at ilang araw na ako walang exercise dahil sa sobrang busy ng buhay ko at alam nyo ang dahilan tungkol jan. Buong araw akong natulog at pag gising mga bandang 4pm ay dumiretso ako rito sa gym. Kung nagtataka kayo sa nangyari kahapon ay tuluyan akong ikinasal kay Amour at witness pa jan ang kanyang ina. Itinaas ko ang kaliwang kamay at tinignan ang tatlong singsing na nakasuot sa aking magkasunod na mga daliri.
"Totoo nga talaga at hindi panaginip ang lahat." Sabi ko sa sarili bago kinuha ang tumbler upang uminom ng tubig.
Agad ko hinanap ang kanyang numero sa aking contacts at tinawagan. May bagong phone na ako ulit, binilhan ako ni Amour kahapon ng latest. Kagabi ko pa sana balak itanong kay Bea pero hindi ko nagawa, wala na sana akong balak pansinin ang tungkol don ngunit pinapatay ako ng curiosity ko.
"Hello?"
"Bea, si Rhea to." Tawag ko.
"Bagong numero mo?"
"Ou."
"Bakit ka napatawag?" Tanong niya.
"May itatanong lang sana ako tungkol kay Amour, diba sabi mo sa akin kahapon na sabihin ko ang totoo tungkol sa usapan namin ng kanyang ina? Originally, wala talaga ako balak aminin sa kanya kung hindi mo inamin sa akin ang totoo. Ano lang, gusto ko malaman anong nangyari sa amin pagkatapos niya malaman ang tungkol sa deal namin ng kanyang ina?" Mahaba kong paliwanag at tanong. Naghintay ako sa kanyan sagot ngunit biglang tumahimik sa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang kanyang buntong hininga.
"Bea, sabihin mo na? Wala akong gagawin at gusto ko lang talaga malaman." Pakiusap ko sa kanya.
"Nagalit siya dahil sa panloloko mo. Nalaman niya pinakasalan mo lang siya dahil sa pera at hindi dahil sa may nararamdaman ka sa kanya. Sinumpa ka, kinamuhian, ginawa lahat para matapon ka sa rehas... ang totoo niyan, nakulong ka ng mahigit isang taon." Nanlamig ako at halos nahirapan lumunok sa nalaman.
"P-Pero sabi mo ikinasal ako sa kanya?" Tanong ko.
"Yes. I'm sorry Rhea, pero hanggang dito lang kaya ko ipaalam sayo. Dahil sa ginawa kong pakikiaalam ay may nagbago na sa hinaharap." Nalilito na ako kay Bea, paano niya malalaman ang tungkol sa pagbabago? Ano? Like kaya niya ulit bumalik sa future? Time traveler?
"S-Sige, salamat sa payo mo at malaking tulong na yun sa akin." Sabi ko at pinatay ang tawag. Napatulala nalang talaga ako matapos malaman ang totoo. Kinikilabutan parin ako sa sinabi ni Bea na si Amour ang naging dahilan at nakulong ako ng mahigit isang taon.
"Kaya Rhea, habang maaga pa ay dapat ipaalam mo na sa kanila na tatlo silang asawa mo." Napasinghap ako ay tumihaya kasunog ang pag extend ng mga braso at binti.
Biglang bumukas ang entrance ng gym at pumasok ang babaeng hindi ko inaasahan. Nataranta ako nang magtagpo ang aming mga mata, mabilis akong bumangon at iniligpit ang mga gamit matapos maalala ang sinabing isa rin siya sa apat kong asawa. Mukhang hindi niya ako nakilala dahil sa mabilis kong naitago ang mukha, salamat naman.
Paalis na sana ako nang biglang tumunog ang phone. Anong dahilan at tumatawag si baby Azalea ko?
"Baby ko?" Malambing kong sagot.
"Rhea, where are you?"
"Nasa gym, pauwi pa lang ako para mag ready sa work." Sagot ko at narinig ang kanyang pag buntong hininga.
"Did you forget that we have dinner plans tonight? I clearly told you yesterday to make yourself available for this evening." Natampal ko ang noo at mahinang kinaltukan ang sarili. May trabaho ako sa club at sabi hindi ako pwede umabsent ngayon dahil aabsent si Bea!
"Prepare yourself, and I'll be at your condo in 30 minutes. Don't worry about Lilith because my secretary will look after her." Magsasalita pa sana ako nang bigla patayin ni Azalea ang tawag. Nagmamadali akong umalis dahil traffic na sa daan ngayon pauwi!
Habang nasa byahe ay hindi ako nagkamali, halos mag sasampung minuto na akong stuck sa mahabang traffic na to pisting yan! Tapos inaalala ko pa kung sino ang pwede ko hingan ng pabor para pumalit sa akin mamaya sa trabaho ko sa club!
"Hoy! Usad na utang na loob!" Kung pwede lang lumipad ginawa ko na.
"Sinong aswang ulit ang tumatawag ngayon sa akin?!" Inis kong tanong sa sarili nang umilaw muli ang screen ng aking cellphone.
Hays.
"Sino ka at wala ako sa mood ngayon." Agad kong salita sa kabilang linya.
"So, you didn't save my number?" Halos napalundag ako nang marinig ang boses ni Amour.
Gulped. "A-Amour, may problema ako." Sabi ko.
"What? Tell me and I'll find a way to resolve the issue." Sabi niya. Nabawasan konti ang nararamdaman kong inis dahil sa assurance na binigay sa akin.
"A-Ano lang, p-pwede ba humingi ng pabor? Kung pwede lang sana hanap ka ng isang tao na willing mag trabaho para sa akin kahit ilang oras lang? May importante kasi akong lakad ngayong gabi at baka ma late ako sa trabaho, b-babayaran ko rin sya kaya wag ka mag-alala." Pakiusap ko sa kanya. Ang buong akala ko ay magtatanong pa siya tulad ng kung saan ako pupunta pero hindi nangyari.
"Okay."
"Sige, bab-" Kalain jud sa mga batasan nila uy at lagi nalang ako pinapatayan ng tawag. Hindi ba pwede patapusin muna nila ako bago ibaba ang call? Ayos na yun at nakahinga na ako ng maluwag dahil sa tutulong siya, pero wait... alam ba niya kung saan ako nagtatrabaho?
*
Amour Monroe
"Doctor, the patient's labor is progressing. Should we begin the delivery process soon?" The midwife asked after checking the progress of the patient's labor and the dilation of cervix.
I examine her progress, noticing the increasing intensity of her contractions. "Yes, it seems like she is nearing the final stages of labor. Make sure the necessary equipment is prepare for the delivery process. I'll perform a final check to assess her cervix for dilation."
"Copy, doc."
"We're ready, Doc. Should we proceed with delivering the baby?" I performed the final check on the patient's cervix, noting the advanced dilation.
"Her cervix is fully dilated and ready for delivery. Let's begin, encoueage her to push with each contraction. We need to monitor the baby's heart rate and ensure a safety smooth delivery." I gave them instructions and prepared myself for the baby's delivery.
"Mrs, take a deep breath and push gently with the next contraction." She takes a deep breath and pushes gently as instructed by the midwife.
"Good, keep pushing. The baby is slowly making its way." I said.
"The baby's heart rate is normal, doc." I nodded.
"Okay, continue with gentle pushes." I instructed. "You're doing great, the baby is almost here. A few more pushes." I can see her pain while she's doing her best to deliver her child. Don't worry, I'll do everything necessary to ensure your safety and your child.
"The baby's head is crowning. One more strong push, and the baby will be here."
She gathers her strength for one final push as I guide her through the delivery process. "That's it! You're doing great. Give it all you've got for this last push. One more strong push, and the baby will be in your arms." With one final push, the baby is born, crying and healthy.
"Congratulations, you have a healthy newborn." I smiled with satisfaction as the baby was delivered.
"The baby is crying and appears to be in good condition." I showed her her child.
"The baby's initial APGAR score is 8/10, which is excellent. You did great, ma'am!" The midwife said. We all congratulated her and applauded her for successfully delivering her child.
After taking off my PPE, I went directly to my office. It was indeed a long and tiring day of work. When I walked in, I found my mother waiting for me. I stretched my shoulders and head to relieve any stiffness.
"How's work, anak?" What is she doing in my office again?
"Tired." I responded and sat down in my swivel chair.
"May trabaho ka pa ba? Gusto mo mag dinner sa labas?" She asked. I was about to respond to her, but I suddenly realized the time and hurriedly grabbed my bag and cellphone
"Huh? Saan ka pupunta?"
"I have work." I replied.
"Akala ko tapos ka na?"
"I actually have another job. I need to leave, mom. Take care." I said and kissed her on the cheek before finally leaving the office.
I immediately approached my secretary's desk. "Find me some normal attire. I mean non-branded clothing and nothing fancy. Bring it straight to the car, I have somewhere to go." I issued my clear instructions.
I stopped walking again and turned around to add additional instructions. "Also, find out where Rhea works during the nighttime. I'm giving you ten minutes." I said, since it will take me ten minutes to reach the parking lot.
"Alright, doc."
You're wondering why I'm doing this when I could simply send someone to cover Rhea's shift? Well, I want to be the one to receive her appreciation and reward, not anyone else. Truth be told, I have no experience in this type of work, as my world revolves around the hospital. However, I enjoy challenging opportunities in life, and that's also a reason for me to give it a try.
Ten minutes have passed, and I am now waiting in my car. I know that Rhea's shift starts at 6 pm and ends at 2 am.
I was surprised by a sudden knock on the window of my car.
"Ma'am, nandito na mga kailangan mo." She handed me a paper bag containing the clothes I would be wearing, as well as an iPad. "Nandyan na rin ang location kung saan si Rhea nagtatrabaho." I nodded.
"Thanks."
"Go." I told the driver to start the car.
*
Rhea
Nasa labas palang kami ng kilalang restaurant ay kinakabahan na ako. Kasama ko ngayon si Azalea pero mas naging x10 kaba ko. Late na nga yata kami dahil wala akong pormal na damit ng pang mayaman kaya pinag shopping niya pa ako para lang may masuot ngayon. Siya mismo pumili ng babagay sa akin at talagang presentable na appearance ko ngayon. Nakasuot nga pala ako ng kulay charcoal gray suit, daming kailangan suotin e-may waistcoat na nga may blazer at tie pa tapos trousers...
Azalea is a feisty celebrity wearing a sparkling and short red dress. Her long hair flows down her back and contrasts with her rosy, smooth cheeks. Her body is curvy and flawless, capturing the attention of every person. The red dress hugs her body, showing off her perfect hourglass figure, while the high slit on one thigh and the deep V-neck provide tantalizing glimpses of skin.
"Baby." Tawag ko sa kanya matapos may kausapin sa kanyang cellphone.
"Pwede ba palitan ko suot? Gusto ko siya pero mas comfortable ako sa isang napili mo kanina, ayaw ko lang may suot na tie at pakiramdam ko nasasakal ako." paghingi ko ng pahintulot dahil baka magalit pag bigla akong nag bihis.
"Really? You should have told me earlier. Okay, I'll wait for you in the lobby." Agad kong kinuha sa sasakyan ang isang pair pa ng suit at naghanap kaagad ng malapit na restroom.
Walang tao sa restroom pag pasok ko kaya mabilis lang din ako nakapag palit. Medyo natagalan lang konti dahil sa inayos ko pa ang buhok at nakikipagtalo sa sarili kung susuotin ko ang salamin o hindi pero sa bandang huli ay sinuot ko parin. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako at nagtungo kaagad sa lobby kung saan naghihintay ang maganda kong asawa. Naglalakad lang naman ako pero nakukuha ko atensyon ng mga nakasalubong ko.
Gumuhit kaagad ang ngiti sa aking labi nang matagpuan siya ng aking mga mata, matiyagang hinihintay ang pagdating ko. Nagsimula siyang maglakad palapit sa akin at pinakita ang kanyang kuhang litrato bago inayos ang natupi sa bandang leeg ko.
"How did you manage to become even more handsome than 90% of the men out there? It fits you perfectly, but I don't like the way people's eyes linger on you, sticking as intently as glue." I bit my lower lip kasi kinikilig ako sa tuwing umaatake ang pagiging selosa niya.
"Bakit? Pogi ba masyado?" Tanong ko at ngumisi. Tumaas ang kanyang isang kilay kaya bahagya akong natawa.
"100%" Sabay tapik ng marahan sa mukha ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at mahigpit ko siyang hinagkan. "May sasabihin ako." Marahan ko siyang hinila pabalik sa akin at humalik sa kanyang kamay.
"Hmm?"
"May aaminin ako. Hindi ko gusto itago sayo at mas mabuting ngayon ko sabihin habang maaga pa." Sagot ko. Nanatili siyang tahimik at inayos ang buhok sa gilid ng aking noo.
"From your expression, I can tell that you're hesitant to say something. Don't be afraid, just tell me, so we can talk about it." Marahan akong tumango at tinignan sa kanyang mga mata.
"K-Kinasal ako kay Amour kahapon. I'm sorry, hindi ko na rin alam ang nangyayari ngayon sa takbo ng buhay ko. Nalilito na ako at di ko alam kung saan ako lulugar." Pag amin ko sa kanya ng tapat kasunod ang pagyuko ng aking ulo.
"I know." Nagulat ako sa kanyang sagot at muling napatitig sa magandang mga mata ni Aza,
"A-Alam mo?" Paano niya nalaman?
"Yes." Sagot niya at ngumiti bago ako niyakap ng mahigpit.
"Rhea, if you're confused about how you feel, don't worry, I won't get in your way. I don't mind you being with others as long as you always come back to me." Mas dito ako nagulat sa sinabi niya. Ang ibig sabihin ayos lang din sa kanya maging tulad status namin kina Kris at sa kanyang mga asawa?
"H-Hindi ka galit? Ibig ko sabihin hindi ka nandidiri sa akin?" Tanong ko at naramdaman ang kanyang pag iling bago ako binitawan.
"Why would I be disgusted with you? It's as if you're implying that I'm disgusted with my sister and her relationship with Kris. No, I have never been disgusted by you. So, if you're thinking that my decision to stay with you might change because you got married more than once, then you're wrong. I'm willing to share you with others as long as you're fair to all of us." Awang ang labi ko sa narinig mula mismo sa labi ni Aza,
"Alright?"
Tumango ako. "Y-Yes, magiging patas ako sa lahat." Sagot ko at humalik sa kanyang pisngi bago muli kinuha ang kanyang kamay.
"Akin ka na?" Tanong ko at nagtaas baba ng mga kilay. Hindi siya sumagot ngunit ngumisi si Aza.
Hawak kamay kaming dalawa naglakad at inalalayan si Aza patungo sa table kung saan naghihintay ang dalawa pamilya. Kinakabahan ako kasi ngayon ko lang ma e experience ang ganito at hindi basta-basta ang mga pamilyang makakaharap ko. Mas naging doble ang kaba na nadarama ko sa aking dibdib nang matanaw ko si Olivia at Kris, hindi ko inaasahan kasali sila ngayong gabi.
"Nervous?" Napalunok ako at mas hinigpitan ang pag hawak sa kamay ni Aza,
"First time ko kaya kabado." Sagot ko.
"Don't be nervous and I'm here with you." Tumango ako.
Papalapit kami ng papalapit at ramdam ko na ang masamang tingin sa pamilya nong fiancé ni Aza, yung lalaki expected ko na walang magiging reaksyon dahil hindi naman talaga siya sa babae nagkakagusto at mas lalong may boyfriend siya ngayon.
"Sorry, we're late." Salita ni Aza nang tuluyan kaming huminto. Yung mga mata ko dumiretso kaagad sa bestfriend ko na matamis nakangiti.
"Pasensya na po, natagalan kami dahil sa akin. Good evening ma'am, sir-Kris," Paumanhin ko sa kanilang lahat bago pinaghila ng upuan si Aza at umupo sa kanyang tabi.
"Bagay sayo, Rhea." Compliment ng bestfriend ko sa suot ko.
Katabi ko nga pala si Aza at sa kabilang side ko ay ang kanyang ina. "Salamat, si Aza pumili." Sagot ko sa kaibigan at kumindat.
Biglang tumikham ang lalaking nasa tapat lang namin ni Aza at sa tingin ko ay ito ang ama ng kanyang kasintahan. Medyo mataba, nauubos na ang buhok, magkasalubong ang mga kilay at masamang nakatitig sa akin.
"Nandito na tayong lahat. Kumain na muna tayo at lalamig ang mga pagkain." Biglang boses ng ama ni Azalea, sakto kasi pagdating namin ay na serve ang mga pagkain.
Hinanap ko talaga ang paborito ko, hindi ako dismayado kasi alam kong hindi uso yung lalo na sa mga mamahaling restaurant pero kasi nag crave ako bigla at gusto ko humigop ng sabaw.
"Rhea?" Binalingan ko si Aza-ang pagkain na kanyang kinuha, yang lang kakainin niya?
"Iha? Ayaw mo ba sa mga pagkain?" Mabilis akong umiling at ngumiti dahil sa tanong ng ina nila.
"Hindi po, gusto ko." Sagot ko.
"Mom, didn't I tell you to have sinigang prepared? I know it's not on the menu, but that was my request to you earlier." Para ako naging bato at tanging mga mata lang ang iginalaw.
"It hasn't been served yet." Biglang sagot ng kapatid niyang si Olivia. Hindi na ako umimik at kumuha agad ng makakain habang hinihintay ang sinigang, di ko naman inutusan si Aza tungkol don pero na appreciate ko ang ginawa niya.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang sinigang. Nagsimulang mag usap-usap ang mga kasama ko sa round table at kami lang dalawa ni Kris focus sa pagkain, tahimik ninanamnam bawat kagat at sarap sa bawat pagkain na nakahain sa hapag.
"So, what's the reason for inviting us to dinner tonight? And may I also know who the two additional guests are?" Biglang tanong ng ina nong fiancé ni Aza, mukhang kami ni Kris ang tinutukoy niya.
"Why are you speaking like that and giving the person next to me such a dirty look? She's my wife, so what? Is there something wrong with her being here?" Kaagad ito sinagot ni Olivia at pakiramdam ko sumama ang mood niya.
Wala naman problema sa tanong kaso lang ay off masyado the way nito inemphasize ang salitang two additional guests. Ayan, pahiya tuloy at kilala pa naman tong asawa ni Kris na walang kinakatakutan pagdating sa kanya.
"You married a woman?" Biglang segunda nong asawa nito, kanina pa yang kilay niya magkasalubong-ganyan na talaga yan? Mabilis ko ninakawan ng tingin si Olivia at nakataas ang isang kilay niya.
"Excuse me for interrupting your conversation, but what's wrong with my sister being married to a woman? Ah, no, let me rephrase that... What's the problem with the two of us being married to a woman? Got a problem with that?" Sabay kami naubo ni Kris dahil sa hindi inaasahan na anunsyo ni Azalea sa harap nilang lahat. Pabigla-bigla masyado di pa nga ako ready at kumakain pa.
"What's the meaning of this?!" Nagulat ako sa pag bulyaw nong babae, itong anak naman nila nanatiling tahimik.
"K-Kasal ka? Sa babae?" Gulat na tanong ni kalbo at tinapunan ako ng masaming tingin. "Ibig sabihin, asawa mo ang babaeng yan?! P-Paano ang anak ko?" Siya pa may gana magalit pero sabagay wala naman sila alam tungkol sa kataksilan ng anak nila.
"You reacted like that? Do you even know the true nature of your son?" Balik ni Aza sa mag-asawa, iba ang baby ko maka provoke. Binalingan ko ang ama nila ni Olivia pero seninyasan lang ako manahimik, yawa? Pati sila takot sa mga anak eh.
"What do you mean?" Kunot noo na tanong ng ama nito.
"Why don't you ask your good son?" Hamon ni Aza at nagkibit-balikat. Ang mag asawa ay agad tumingin sa kanilang anak na hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig.
"Josh, may hindi ka sinasabi?!"
"Josh! Josh! Joooosh!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw sa buong restaurant.
Pagtingin ko kung saan nanggagaling ang sigaw ay nakita ko ang isang lalaki na tila may hinahanap hanggang sa dumapo ang mga mata nito sa direksyon namin. Ngayon ay nagkaroon ng ekspresyon ang mukha nitong lalaki na nagngangalang Jos, mukhang ito ang lalaki na tinutukoy ni Aza na boyfriend nitong Josh.
"A-Alex!" Tawag ni Jos. Hindi na maipinta ang mukha ng kanyang mga magulang dahil siguro sa mataas expectation nila sa kanya.
"Josh! Please! Wag mo akong iwanan!" Pagmamakawa nito at lumuhod habang puno ng mga luha ang mukha. Napayuko ako ng ulo kasi ako yung nahihiya sa eskandalong ginagawa nila ngayon.
"A-Anong ibig sabihin nito?!" Galit na sigaw ng ama tapos biglang nahimatay ang asawa nito kaya nataranta kaming dalawa ni Kris, tatayo na nga sana kaming dalawa ngunit kaagad kami pinigilan ng magkapatid.
"D-Dad, I-I'm sorry... hindi ko kaya pilitin ang sarili magpakalalaki, p-patawad pero mahal ko po si Alex-" Tinangka niya magpaliwanag sa ama ngunit isang malakas na sampal ang natanggap niya.
"Wala akong anak na katulad mo! Simula ngayon hindi na kita anak! Hindi kita pinalaki para maging bakla!" Sa ikalawang pagkakataon ay tinangka niya muling saktan ang anak ngunit mabilis iton napigilan nog Alex,
"Wag mo pagsalitaan ng ganyan si Josh, kailan man hindi ka naging mabuting ama sa kanya!" Lihim akong nag cheer at humanga sa boyfriend ni Josh, ganyan at ipaglaban mo.
"A-Alex, tama na, umalis na tayo... ilayo mo na ako please." Nanginginig na pagmamakaawa ni Josh, nanlilisik mga mata ni Alex na akala mo handa na pumatay ng tao.
Dinner lang naman sana pinunta namin pero nagkaroon pa ng live drama. Biglang tumakbo palabas si Josh at agad sinundan ng boyfriend niyang si Alex, naiwan ang ama nito na may poot at galit samantalang wala pa rin malay ang kanyang ina. Walang nag tangkang magsalita sa pamilya ni Aza kaya tahimik lang din kaming dalawa ni Kris. Maya-maya ay may dumating na mga tauhan nila at dali-daling dinala ang babaeng walang malay kasunod ang asawa nitong walang mukhang naiharap sa amin at bagsak balikat naglakad palabas.
"Grabe uy, muntik ko ng di kinaya yun." Ako ang unang nagsalita at huminga ng malalim.
"Nakakaawa si Josh," Maawain talaga tong kaibigan ko.
"Nalulungkot ako para sa batang yun. Galit ako sa ginawang panloloko niya sa anak ko ngunit ngayon ay naiintindihan ko na. Nakakalungkot at napunta siya sa mga magulang na hindi kayang tanggapin ng buo pagkatao niya." Ang kanina'y walang imik na ama ni Aza ay ngayon naglabas ng ng saloobin.
"Sa tingin ko ay totoong nagmamahalan silang dalawa." Sunod na salita ng ina nila.
"Kahit isang beses hindi ako kumontra sa desisyon ng mga anak namin kung alam ko doon sila sasaya." Tumango ako sa naging pahayag ni Mr. Turner, "Wala kami ibang hiling ng asawa ko kundi ang sumaya at maging makulay ang buhay ng mga anak namin. Kaya ang hiling ko lang sa inyong dalawa, Kris at Rhea, sana ay huwag niyo sasaktan ang mga anak ko dahil kahit isang beses hindi namin pinaiyak ang mga yan." Halata naman kasi, mukhang under pa nga kayo sa mga anak eh.
"Malabo po mangyari ang sinabi mo." Agad na sagot ni Kris, lihim ako napaikot ng mga mata. Makikita mo lang talaga na clingy ang isang Olivia pag kasama ang kanyang asawa.
Sabay silang apat tumingin sa direksyon ko, nagtaka ako kaya napalingon ako kay Aza bago ibinalik sa kanila ang mga mata.
"Honest po ako kay Aza at seryoso. Sa totoo lang, matagal ko na kilala si Aza bago pa man siya naging artista dahil fan na niya ako nong nag momodel pa lang siya. Idol na idol ko tapos crush ko pa ng sobra tapos ngayon asawa na -makakaasa po kayo, aalagaan ko ng mabuti si Aza at hindi paiiyakin." Seryoso ako sa lahat ng mga pinakawalan kong salit kahit na kay Aza ay isa lamang itong palabas lahat. Ngayon ay tuluyan na siyang nakalaya sa relasyon ni ni Josh ay marahil ito na rin ang huling gabi na magigig akin siya.
"Mabuti kung ganun." Tipid akong ngumiti at muling binaligan si Aza, kanina pa siya tahimik at hindi ko alam ang kanyang iniisip.
Natapos ang dinner, una umuwi sila Kris at Olivia dahil naghihintay daw sa kanila si Savannah. Sunod umuwi ang parents nila at ngayon on the way kami ni Aza sa club dahil may hinahabol akong trabaho. Siya na nag drive at pinagpahinga ako para may lakas mamaya sa trabaho.
"Kanina ka pa tahimik? May iniisip ka ba?" Tanong ko ngunit di ako sinagot.
"Aza, ngayon na malaya ka na... ang ibig ba sabihin dito na rin matatapos pagpapanggap nating dalawa?" Bigla ako nalungkot sa tanong. Bigla niya ipinarada ang sasakyang kaya nagtaka ako. Mas nagulat ako sa kanyang ginawa, tinanggal ang suot ng seatbelt at tumawid bago kumandong sa akin.
"B-Baby?" Tawag ko nang bigla niya ako yakapin sa leeg at ibaon ang mukha sa aking dibdib.
"Rhea, I know our deal was just to get back at my ex-fiancé, but you said you've always liked me and promised my parents that you wouldn't make me cry. C-Can we continue our relationship? I can't bear to let you go." Kumurap ako ng maraming beses at paulit-ulit umi-echo sa loob ng aking tenga ang sinabi ni Aza. Wait, did she just confess? Confession yun, tama?
"I-Ibig mo sabihin? Gusto mo na totohanin ang namamagitan sa atin?" Tanong ko dahil gusto ko manigurado. Bahagya siyang lumayo at hinalikan ako sa labi, kaagad akong tumugon ng halik at niyakap siya ng mahigpit hanggang sa siya na mismo ang kusang humiwalay.
"Yes, I want our relationship to be official." Buong diin akong napakagat ng labi at pilit pinigilan ang kilig. Nanggigil ako sa kanya kaya pinaulanan ko siya ng halik sa mukha.
"Thank you! Thank you! Promise, magiging mabuting partner ako sayo." Pangako ko bago bumaba sa kanyang leeg at doon muli nagpaulan ng mga halik.
Quarter to 10 pm naibaba ako ni Aza, nagtataka ako kasi bakit traffic at maraming mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada? Hindi naman ganito lagi at ngayon lang ito nangyari kahit pa sabihin natin na crowded palagi ang club ay hindi kailanman nasakop ang space sa labas ng mga sasakyan. Sa likod ako dumaan kung saan kami lang mga trabahante allowed gumamit, mahihirapan kasi ako kung sa harapan at halos wala na space sa daming tao.
Dumiretso ako ng locker room at nagbihis, palabas na sana ako upang tumungo sa counter bar kung saan ako na assigned ngunit laking gulat ko nang maraming mga kalalakihan ang nag kumpulan. Nakipag siksikan na rin ako hanggang sa tuluyan akong napunta sa unahan at laking gulat ko nang makita ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo.
"Yawaa bayhana uy, perting hubaga." Umiling at nataranta ako, nagmamadali akong sumugod sa kanya kasi wala siyang kasama at ang dami ng customers nakapila!
"A-Amour!" Tawag ko pagpasok sa counter at agad lumapit sa kanya.
Lumingon siya sa akin, pawisan ang magandang mukha at kita ko talagang nahihirapan dahil nga sa siya lang mag-isa. Naiinis ako, kasi bakit siya nandito? Bakit wala siyang kasama? Hindi niya alam ang ganitong trabaho pero nagawa niya parin. Yung inis ko biglang nawala sa kadahilanang nakita ko ang kanyang matamis na ngiti sa akin.
"Darling."
Sa pagtawag ni Amour ay kahit ako napasinghap sa gulat kasabay ng ibang customers. Hindi pa siya nakontinto at pinisil ako sa magkabilang buttocks kasunod ang kanyang pag diin ng dibdib sa akin at kay lagkit akong pinagmasdan. Kung hindi lang ako nakakakapit ay malamang tuluyan akong natumba. Luminga-linga ako at kinapa ang aking bulsa, kinuha ang panyo at inalalayan siyang umupo sa gilid bago pinunasan ang kanyang pawisang mukha. Gandang mukha yan kahit na pawisan.
"You're here." Pilit akong ngumiti. Bigla ako nakaramdam ng guilt kasi bakit siya ang nandito? Akala ko kasi magpapadala siya ng tao pero di ko inaasahan na siya mismo ang pupunta rito.
"Wait lang, rest ka muna at ako na bahala sa kanila." Utos ko at kinuhaan siya ng tubig bago bumalik sa customers. Balak ko sana kausapin at tanungin pero mamaya na pag tapos na ako sa trabaho.
"Ano order mo boss?" Tanong ko.
"Gusto ko yung babae kanina mag serve sa akin." Sabay turo niya kay Amour na nagpapahinga. Ganitong customer ayaw ko, yung lasing tapos mamimilit.
"Tapos na shift niya, ako na ang pumalit." Sagot ko.
Buong lakas niya binagsak ang bote at masama akong tiningnan bago tinulak sa braso. "Narinig mo ba sinabi ko?! Gusto ko siya ang mag bigay sa akin ng alak!" Naikuyom ko ang kamao.
"Pasensya na at hindi pwede." Sabi ko.
"O sige! sa labas ko nalang aabangan. Siguradong mapapasaya ko siya buong mag-" Mabilis ko itong hinila sa kwelyo at binigyan ng magkakasunod na suntok sa mukha, tumigil lang ako nang may umawat na kasama niya.
Inayos ko ang nagulong uniform at umupo sa single chair saka sila muling nilingon. "Ah, pasensya at kusa nalang kumilos kamao ko." Dahil sa sinabi ko ay mukhang na insulto sila. Susugurin na sana ako kaso may biglang umatake rin sa kanila at ngayon mga nakadapa na.
"I have only one rule here." Nagulat ako kay Amour nang bigla ako yakapin mula sa likod at ipinatong ang baba sa aking balikat.
"My wife has the right to beat you, but you have no right to retaliate. Why? Can you afford to pay for it if you hurt her face?" Tanong niya sa mga lalaking nakadapa na balak sana akong saktan kanina. Akala ko mag-isa lang siya, hindi ko alam marami palang bodyguards naka bantay sa kanya.
She's the boss!
"Anong kaguluhan to?!" Bigla sulpot ang boss ko. When I say boss, hindi manager kundi ang rotoong owner ng club. Bad timing masyado pag bisita at ganito pa naabutan.
Tinangka ko tumayo ngunit ayaw ako pakawalan ni Amour. "Boss, nanggugulo po sila at binastos si Amour." Paliwanag ko, papalapit na ito ngayon sa akin.
"Amour? Sinong Amour? Bago ba yan dito?" Agad akong umiling.
"Hindi po, late kasi ako dumating kaya siya muna pumalit sa akin kanina." Sabi ko at iniharap si Amour na nanatiling nasa aking balikat.
Biglang nag-iba ekspresyon nito at imbes sa akin lumapit ay doon siya nagtungo sa mga nambastos kay Amour at pinagsasapak mga ulo. "Sa susunod kilalanin nyo binabastos nyo! Itapon sa kulungan mga yan at sisiguraduhin kong hindi na kayo muling makakapasok dito sa club ko!" Nag-iba ihip ng hangin at mas doon pa siya galit sa sinapak ko.
Kumalas si Amour at hinawakan ang kamay ko. "Let's go." Awang ang labi ko kasi may trabaho pa ako tapos balak na niya ako paalisin?
"Hindi pa tapos shift ko." Sabi ko.
"It's okay, someone will replace you." Aniya at sapilitan akong hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya.
Nagtataka siguro si boss ngayon kung bakit bigla kaming nawala, hindi man lang ako nakapagpaalam at baka bukas mawalan na ako ng trabaho nito. Dinala ako ni Amour sa seaside, marahil gusto niya ng preskong hangin ngayon. Malapit na mag 11 pm pero may mga tao pa rin sa paligid. Umupo kami sa may beach mat-ako lang pala at siya ngayon ay nakahiga sa aking mga hita.
"Bakit mo ginawa yun? Akala ko magpapadala ka ng tao bilang proxy ko." Tanong ko habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit mga daliri ko.
"I want to be the one to receive your reward. So, where's my reward?" Pastilan yun lang dahilan? I sighed and smiled.
"Di mo naman kailangan gawin yun, muntik ka pa mapahamak dahil sa akin. Wala akong maibibigay ngayon, ano gusto mong reward?" Tanong ko bago tumingala upang tignan ang mga bituin.
"Sex." Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Speechless, wala ako masabi hanggang sa narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Just kidding, look at your face... your reaction is so hilarious." Patuloy niyang tawa.
"Wag mo ako binibiro at mabilis ako maniwala. Seryoso, ano pwedeng gawin ko para sayo?" Tanong ko kasabay ang pag pisil ng kanyang ilong.
"I actually have a favor to ask..."
"Next week, we are having an alumni reunion and I want you to be my escort." Nag isip ako kung may gagawin ako next week pero mukhang wala naman at matagal pa exam.
"Yun lang ba? Sige, payag ako." Yun lang naman pala, akala ko kung ano.
"Why are you smiling?" Tanong niya ng makita akong nakangiti.
Umiling ako. "Salamat sa ginawa mong pabor for me kahit alam mong wala ka alam sa trabaho ko ay ginawa mo pa rin. Gusto mo kiss?" Sabi ko at ngumuso kaso nakipagtitigan lang sa akin.
"Ayaw mo? Sige wa-" Nagtaas ang mga kilay ko nang bigla hilahin ni Amour ang aking ulo hanggang sa nagtagpo ang aming mga labi.
"You're lucky." Bulong niya sa pagitan ng aming mga labi.
Ngumisi ako. "Ako nga ba ang swerte? O kayo?" Tanong ko at humalakhak.
"Well, I'm saying you're lucky that you met me." Biglang sumeryoso ang tono ni Amour kaya tumigil ako sa kakatawa.
"Paano ako naging swerte aber?" Kunot noo kong tanong.
"Because I have no intention of letting you go. Give me another kiss." Utos niya. Itatanong ko pa sana kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit bigla siyang bumangon. Tuluyang sinakop ng mainit, malambot at masarap niyang labi ang labi ko.
Mukhang hindi ko na kailangan itanong...
Alam ko na ang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip