𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 16
-
"Rhea?! Nasaan ka na ba? Magsisimula na ang klase." Tanong ni Vinalyn sa kabilang linya. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi sa akin. Anong pinagsasabi niyang nasaan ako? Malamang nasa room ng susunod na klase.
"Nasa room uy, wala nga ako kasama." Sagot ko naman sa kanya.
"Ha? Anong room ka?" Tanong niya muli.
"Nandito sa 3rd floor, room 408." Sabi ko.
"Uy! Nasa 4th floor room natin ngayon, bilisan mo at nandito na ang instructor," Sabi niya.
Dali-dali ko kinuha ang saklay at lalabas na sana kaso bigla ko nakita si Ines, kasunod ang maraming estudyante. Kinabahan ako bigla kaya napabalik ako sa loob ng classroom, naghanap ng pwede pagtaguan ngunit wala ako makita. Nakita ko ang long table sa gitna kaya doon ako nagtago at gumapang sa ilalim.
"Hintayin ko lang sila makadaan tapos akyat na ako sa taas." Bulong ko sa sarili ngunit napasuntok ako sa aking ulo dahil isa-isa pumasok ang mga estudyante, mukhang dito sila magkaklase.
Ilang segundo pa ay narinig ko ang takong na papalapit sa direksyon ko, malamang si Ines ang babaeng ito. Patay at makikita ako ng bebelab ko, ano na lang ang iisipin niya kapag nakita akong nandito sa ilalim ng kanyang lamesa? Baka isipin minanyak ko siya ha!
Pilit ako sumiksik sa gilid kahit wala na ako matatakbuhan, nakita ko itong huminto sa aking gilid kaya napayuko ako ng ulo at pikit ng mga mata. Pastilan indai Ines, hindi mo ako makikita, wala ka makikita at isa lang akong anino nakatago sa ilalim ng desk mo.
Mabuti nalang kasya ako sa ilalim ng kanyang lamesa. Pastilan, yung tuhod ko masakit na at hindi ko magawa maitukod ang paa kong isa. Kabado na ako rito tapos bigla-bigla nalang nag vibrate itong cellphone ko na hawak, kaagad ko tinignan kung sino ang nagpadala ng message at nakita ang pangalan ni Ines,
Ines
What are you doing under my table?
Nanlaki ang aking mga mata at dahan-dahan siyang sinilip pero hindi ko naman ito nakikita dahil sa nakatayo pa rin hanggang ngayon sa aking gilid.
Pula
Paano mo nalaman?
Ines
I noticed you before I entered the classroom. So, what's your reason for being here, hiding?
Napakamot ako ng kilay, nakita niya pala ako kanina nong palabas na sana.
Pula
Akala ko kasi dito yung susunod na klase, mali napasukan kong room. Palabas na sana ako kanina kaso bumalik ako dahil parating ka na.
Ines
You could've continued walking and made your way to your classroom earlier. So why did you come back and hide here instead?
Yawa uy, bakit hindi na lang ako tantanan sa mga tanong niya at tulungan ako makalabas dito.
Pula
Bebelab, help mo naman ako makalabas oh? Pero ayaw ko makita ng students nandito ako dahil baka ano isipin nila.
Nahihiya man ako ay tinawag ko talaga siya ng bebelab para matulungan lang ako sa kinakaharap na problema. Biglang may nahulog na libro sa gilid, nagulat ako kaya nauntog ang aking ulo-mabuti nalang hindi malakas hung kalabog.
Tinignan ko ang libro, pupulutin ko sana kaso baka bigla makita ng ibang students kamay ko. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nagkatitigan kami ng ilang segundo dahil bigla yumuko si Ines para kunin ang librong nahulog.
Sumenyas ako na lumapit saglit kasi ibubulong ko sa kanya masakit na ang paa ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niya ginawa, marahan niya ako hinawakan sa likod ng aking ulo at sinalubong ng kanyang labi ang labi ko.
Hindi ako kaagad nakakilos at napataas nalang ng mga kilay dahil sa sobrang gulat, sunod-sunod akong kumurap hanggang sa tuluyan siyang lumayo at bahagyang ngumiti bago tumayo. Naiwan akong tulala dito sa ilalim ng kanyang lamesa, hindi ko alam ang magiging reaksyon sa ginawa niya.
Napahawak ako sa labi at muling nagpadala ng mensahe sa kanya.
Pula
Daya, akala ko tutulong-magnanakaw pala.
Seen niya lang message ko, hindi man lang inabala ni anteh ang sarili para replyan ako.
"Listen," Biglang boses nya sa mga estudyante,
"I currently have an important meeting, and I am setting aside 30 minutes as a free period. I don't want any disturbances, so I ask that you all leave the classroom. If you haven't finished any assignments, I'm giving you another chance to do it right now. Please, everyone, exit the room." Anunsyo niya sa buong klase at narinig ko ang masayang reaksyon mula sa kanila.
"Thank you, ma'am!" Sabi ng iba at lumabas na.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ito tuluyan nagsalita at sinabi na pwede na ako lumabas. Gusto ko na nga sana kanina pa kaso nahihirapan ako dahil sa aking paa, baka gusto niya tulungan bebelab nyang nahihirapan?
"Manonood ka lang? Tulong naman." Sabi ko sa kanya.
Mabilis niya ako inalalayan sa braso saka aking bewang, grabeng perfume yan at sobrang bango sa ilong. Hindi ako magsasawa 24/7 siguro kung ganyan kabango ang didikit sa akin. Nang makatayo ay siya na rin ang pumulot ng aking saklay, mabait ang bebelab at may initiative minsan. Inayos ko ang nagusot na damit at siya naman abala sa kwelyo at buhok ko.
"May sasabihin ako, aalis pala ako mamaya kasama si Amour, may usapan kasi kaming dalawa na sasama ako bilang escort nya sa reunion." Paalam ko at baka makalimutan ko mamaya.
"But hon..."
"Ha?" Putol ko kaagad sa kanya.
"Are you only going to escort Amour? What about me? I'm your wife, too, and I need you to be my partner at the party later." Paliwanag niya at inilagay ang sagabal kong buhok sa likod ng aking tenga.
"What? Same kayo dadaluhan?" Nalilito kong tanong at agad naman ito tumango ng marahan.
"You're being unfair, honey," Yung ulo ko kusa nalang yumuko at ang mga mata sa pagpikit, nahiya ako bigla at napatampal ng mukha-buangang indai Ines, bigla ako kinilig sa tawag sa akin ni anteh,
"Paano yan? Naka oo na ako kay Amour, bakit kasi ngayon mo lang ako sinabihan para nagawan nating tatlo agad ng paraan?" Tanong ko at hindi parin nag aangat ng ulo dahil pakiramdam ko namumula ang aking tenga dahil sa kanya
"Unfortunately, there's nothing we can do about it. It's okay, I'll just look for an escort later." Agad nagsalubong ang aking mga kilay at angat ng paningin sa kanya.
"Why are you frowning?" Taas kilay niyang tanong.
"Bakit ka maghahanap ng iba?"
"Because you already have a partner?" Sagot niya at tipid akong nginitian.
"Eh ano naman ngayon? Pwede naman dalawa kayong partner ako." Sabi ko, hahanap pa ng iba porket pilay bebelab niya.
Hindi ko alam kung ano tawag d'yan sa pinapakita niyang reaksyon sa mukha. Kung natutuwa ba siya sa sinabi ko o nang-aasar kasi bigla-bigla akong nagkakaganito kahit alam naman niyang hindi pa ako gaano sanay sa kanyang pagbabago.
"Ano?" Kunot noo kong tanong.
I hold my breath as she suddenly leans her face towards me near my chin, locking her eyes with mine. Panuway bayhana, time-out at yung puso ko ayaw na kumalma. Itong si Ines, wala naman masyadong ginagawa sa akin pero iba epekto niya-gi.atay.
"B-Bakit?" Kabado kong tanong at napalunok ng pilit.
"Give me a kiss," She whispers, and my hair stands on end from the chilling yet spine-tingling nature of her voice. I felt nervous and looked outside to see if anyone passed by.
"I-Ines, baka may makakit-"
"Honey," Muli niyang tawag sa akin at halos malagutan na ako ng hininga sa kilig pisting yawa.
Tinignan ko siya una sa kanyang mga mata at nakitang seryoso nga siya sa kanyang utos, bumaba ang paningin ko sa kanyang matangos na ilong at napadila kasunod ang muling paglunok ng malalim hanggang sa tuluyan ako napunta sa kanyang namumulang labi.
I leaned my face towards hers, our lips gradually meeting until our lips fully locked in a kiss. Her lips were soft, fragrant and warm, and I pressed myself further until I could no longer hold myself back and bit down on her lip, causing her to flinch.
Inatras ko ng bahagya ang ulo at iniwasan agad ang kanyang mga mata. Baliw ako minsan at nagagawa ang mga bagay na hindi inaasahan pero sa dulo nahihiya pa rin ako kapag bumalik sa tamang huwisyo.
"Okay na? K-Kailangan ko na umalis at baka hindi na ako tatanggapin sa klase." Sabi ko at aalis na sana ngunit pinigilan niya ako, sinabing ihahatid niya para hindi mapagalitan.
Hindi kami nag hagdan, malamang at aabutin ako ng ilang taon d'yan. Sa elevator kami sumakay at umakyat ng 4th floor, siya na rin mismo nagbigay dahilan sa instructor para hindi ako mapagalitan. Grabe yung acts of service ni Ines para sa pilay niyang bebelab.
Kinagabihan, pasado alas otso ng gabi ay abala na ako sa paghahanda dahil maya-maya ay aalis na kami. Hindi ko alam ang susuotin kaya si Aza ang pumili ng aking gagamitin, pumayag na rin si Amour na silang dalawa ni Ines e escort ko at wala naman naging problema.
"Kinakabahan ako, paano pag pagtawanan sila dahil ako partner nila, baby?" Mahinang bulong ko habang abala ito sa pagsuot sa akin ng tie.
"Why? What's wrong with you? With your beauty, there's no doubt that many will be jealous of you tonight." Agad naman niyang sagot upang pagaanin ang kalooban ko.
"Eh kasi, baka pagtawanan sila kasi naka wheelchair partner nila." Nahihiyang sagot ko, sabi kasi gumamit ako ng wheelchair at ayaw nila mapagod ako sa kakalakad mamaya bitbit ang saklay.
Matamis niya ako nginitian at mahinang tinapik sa aking pisngi. "There's no need to be embarrassed about your ankle injury, and it's just temporary. Don't think too much about it, and I know your wives will always have your back, okay?" Kaya crush na crush ko to simula pa una eh, ubod ng berde ang baby ko na yan.
"Okay," Nakangiti kong sagot sa kanya.
Sakto natapos ako ay tumawag si Amour, sabi nasa ibaba na sila ni Ines at doon nalang ako hihintayin sa sasakyan dahil ihahatid ako ni Aza sa ibaba. Hindi ko alam hanggang anong oras kami sa party pero gusto ko bago mag 11 nakauwi na at ayaw ko iwanan ng matagal si Aza mag-isa sa condo.
"Enjoy the night." Sabi niya pagkabukas ng backseat at halos sabay bumaba ang dalawang nag gagandahan kong mga asawa. Salamat sa blessing lord, hindi ko sasayangin tong ipinagkaloob mong mga anak sa akin.
"Alis na kami, matulog ka ng maaga at wag na kami hintayin baby," Baling ko kay Azalea at ngumuso para lumapit upang humalik.
"Alright," Sabi niya at agad yumuko upang salubungin ang labi ko.
Huminto ang dalawa sa tapat ko kaya napunta sa kanila ang atensyon ng aking mga mata. Napatingin ako sa kanila isa-isa mula ulo hanggang paa.
Amour wore a gorgeous, form-fitting red dress that highlighted her alluring curves and exposed her flawless skin. The deep neckline provided a tantalizing glimpse of her cleavage, while the high slit on the side revealed her lean and tone legs. To complete her sophisticated and refined look, she paired the dress with a pair of glimmering, golden high-heeled shoes.
Ines wore a captivating, strapless black dress that showcased her slender waist and exposed her shoulders and neck, highlighting her figure. The fabric of her dress drapes over her body in soft waves, embracing her curves and emphasizing her hourglass shape.
Wala ako salitang nasabi at napalakpak nalang ng tatlong beses. Speechless sa taglay nilang kagandahan at talagang kaakit-akit nga naman talaga ang hatid nilang mga awrahan. Swerte sa mga bebelabs ko, jackpot ang anteh Rhea nyo.
Inalalayan nila akong dalawa makapasok sa kotse bago sila pumasok at nasa gitna nila akong dalawa. Kumaway ako kay Aza bago tuluyan pinaandar ang sasakyan, maayos at comfortable ako ngayon lalo na at kasama ko itong dalawa, alam ko walang mangyayari sa aking masama.
"Malayo ba?" Tanong ko sa kanila.
"Nope," Sagot ni Amour tapos kinuha ang kanyang iPad, kahit sa ganitong oras ay hindi maiiwasan ang trabaho pero sabagay at naiintindihan ko yun.
Nilingon ko si Ines, abala sa pag lalagay ng kanyang lipstick, bahagya ako yumuko saka lumapit upang tignan at baka kumalat dahil yung screen lang ang kanyang gamit. Hindi ko namalayan palait na pala ng palapit ang mukha ko sa kanya at unti-unti bumaba ang kanyang mga mata sa akin.
Tumaas ang kanyang dalawang kilay, nakipagtitigan sa akin at hindi ko napigilan ang sarili dahil kanina ko pa talaga gusto gawin-mabilis akong kumilos at ninakawan siya ng halik sa kanyang labi, saglit lang sana ang gagawin ko kaso bigla ako hinawakan sa likod ng ulo at mas idiniin sa kanya.
Nagugustuhan ko na ang nangyayari nang bigla may umalis ng kanyang kamay at hinablot ang ulo ko pabalik at ibinaon sa kanyang dibdib, pastilan at mukhang ayaw patalo nitong isa.
"Why are you suddenly kissing her? That's not fair, darling." Malamig na tanong ni Amour bago ako tumingala sa kanya.
"Busy ka kasi kanina? Kaya siya nalang hinalikan ko una?" Mabilis kong dahilan at paklang ngumiti.
"If you want to kiss me, just do it. You don't need my permission and I'll let you do whatever you want." Inis niyang sagot at marahas inangat ang aking ulo bago buong lakas kinagat ang leeg ko. Napangiwi ako at pakiramdam ko talaga bumaon ngipin ni Amour, yawa.
"M-Masakit uy." Saway ko at pinilit lumayo ngunit ayaw ako bitiwan simbahan kanunay.
"You're hurting her." Babala ni Ines,
"Tama na Amour, sorry na at gagawin ko sinabi mo sa susunod." Matatanggal balat ko sa sobrang diin ng kagat nito.
Kaagad ko hinawakan ang leeg kung saan niya kinagat matapos ako pakawalan. Mahapdi at pakiramdam ko nga nagkasugat, "Masakit, hindi mo naman kailangan gawin yun. Paano nalang pag nakita to ng ibang tao mamaya? Ano nalang sasabihin nila?" Mahinang tanong ko kay Amour na mukhang wala na sa mood, hindi ako sinagot ni anteh.
"I'll put a bandaid on that, come here." Tawag ni Ines, kikilos na sana ako kaso ayaw talaga magpatalo nu Amour.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay bago tumaas ang isa at tinignan ako sa mga mata. "No, why hide it? That's my work, so let others see it. If someone tries to hit on you at the party later, show them what I've done so they'll back off." Wala ako nagawa, wala ako nasabi kasi hindi ko alam ang magiging reaksyon-basta ay namalayan ko nalang ang sarili ngumingiti at tumango sa utos niya.
"Okay, sige." Sabi ko at nag thumbs up pa.
"If anyone tries to flirt with you tonight, just show them the mark on your neck." Segunda ni Ines,
Ewan at bigla akong napatawa ng malakas sa sinabi ni Ines. Tumango ako ng maraming beses habang tumatawa, ganun na lang siguro gagawin ko mamaya para walang lumapit sa akin na iba at mukhang selosa ang aking mga bebelabs. Gusto kasi nila para sa kanila lang ako, naiintindihan ko naman at may pagka precious gem din ako konti.
Matapos ang mahabang minuto na byahe, kinabahan ako sa biglang paghinto ng sasakyan-kinabahan ako dahil may nakita akong maraming tao sa labas, may mga bitbit na nakakasilaw na cameras, meron pang red carpet at bongga. Bumukas ang pinto, napalunok ako at nasilaw sa sunod-sunod na flashes ng cameras.
"Wait lang." Pigil ko kay Ines,
"Yes?"
"A-Ano, sure kayo okay lang ako lumabas? Hindi ba nakakahiya-"
"Stop saying that. Relax, darling," Pagpapakalma sa akin ni Amour,
Maraming beses akong huminga ng malalim matapos nila makalabas na dalawa at nakita ang wheelchair ko na ngayon ay masa tapat na ng pinto nitong sasakya.
"Hon,"
"Dear,"
Tangena, mala Disney princess ang anteh nyo Rhea at sabay nila inabot ang magkabila kong kamay. Ako na kabado pero alam kong nandyan sila para ipagtanggol ako ay diretsong kinuha ang kanilang mga kamay bago ako marahan inalalayan umupo sa aking wheelchair. Ramdam ko talaga ang mata ng mga taong nakakita sa amin ngayon, hindi ko masyado maibukas ang mga mata sa sobrang liwanag ng cameras kaya nagyuko ako ng ulo hanggang sa tuluyan kami napunta sa malaking pinto na sa tingin ko ay pinto kung saan ang party.
Biglang bumukas ang malaking pintuan, yung dalawang asawa ko naman nasa magkabilang gilid habang ako ay inaalalayan.
As I entered the grand ballroom with my two stunning wives by my side, the reactions from the audience were absolutely fixated on me. Everyone was awed by the sight of my beautiful wives, standing on either side of me.
Despite the captivating impact of my presence, it was undeniably clear that the main focus of interest and admiration from the audience was directed towards my two gorgeous wives, who possessed an undeniable charm and elegance. People were captivated by their grace and poise, attentively taking in and appreciating every intricate detail of their appearances, from their sophisticated clothing and radiant smiles. The murmurs of whispers from the audience continued to fill the air, mixed with both envious and approving notes.
Mahina akong natawa, sino kasi ang hindi magugulat at mapapanganga din pag nakita nilang may biglang pumasok na naka wheelchair tapos may kasamang naggagandahang mga babae. Jackpot, dinaig pa ni anteh nyo Rhea ang nanalo sa lotto.
"Amour," May biglang lumapit kay Amour-ah! hindi ako nagkakamali at ang isa ito sa mga babae noong pumunta ako sa bundok na mansion o anong tawag sa lugar na yun.
"Kathrina, tama?" Magalang kong tanong. Siya lang din natatandaan kong pangalan sa mga nakasalamuha ko sa lugar na yun.
Matamis itong ngumiti at nakipag kamay sa akin. "Yes, I didn't expect natatandaan mo pa ako." Malambing ang babaeng ito, feel ko.
Bigla inalis ni Amour ang kamay ng kanyang kaibigan at hinarangan, akala mo naman may mangyayari at bawal ba makipagkaibigan sa kaibigan niya? Hindi nalang ako umimik at mukhang alam din naman ni Kathrina ang ugali nitong kaibigan niya.
"Let's go to our table." Anyaya ni Kathrina sa amin,
"Wait," Bigla pinigilan ni Ines si Amour at may binuling.
Hindi ko alam kung ano pero bigla nila inilibot ang paningin sa paligid kaya agad ko iyon sinundan hanggang sa napunta ang direksyon ng mga mata ko sa table ng ama ni Ines. Awang ang labi ko dahil hindi ko ito inaasahan sa party na ito, pero mas lalo akong nagulat nang makita sa di kalayuan sa table ng ama ni Ines ay ang mag-asawang Monroe, parents ni Amour!
Bigla ako nanlamig at nataranta, paano pag nalaman nila na hindi lang isa ang aking asawa? Yawa, ayaw ko mamatay ng maaga at gusto ko pa magkaroon ng maraming anak!
"A-Ano gagawin natin?" Kabado kong tanong sa dalawa pero parang wala lang sa kanila. Hindi ba sila kinakabahan? Masama na ang tingin ng ama ni Amour sa akin, pastilan!
Sa kasagsagan ng problema kong kinakaharap ay bigla muli bumukas ang malaking pinto. Lahat ng atensyon ng mga tao nakatingin sa nakabukas na pinto, halos itago ko na ang mukha sa aking mga palad nang makita ang pagpasok ng isang pamilyar na mukha...
Ang aking kaibigan - si Kris, kasunod ang apat niyang naggagandahang mga asawa at pamilya nila. Tangena, para akong nakiliti mula sa aking tiyan paakyat sa aking puso nang bigla pumasok sa imahinasyon ko yung mga nababasa kong royalties sa wattpad. Ganun na ganun ang ganap ngayon sa kanilang grand entrance.
"Why are you smiling?" Biglang tanong ni Ines,
"Masaya, kasi nakita muli kaibigan ko." Sagot ko at hindi inamin ang totoo.
Akala ko doon natatapos ang lahat ngunit hindi pala, sunod pumasok ang mga pamilya nila at kulang nalang tumakbo ako palabas kung kaya ko lang-nakita ko pumasok si Azalea kasama parents niya at ganun din si Emilie na kasama ang pamilyang Jenkins, napahilamos ako ng mukha.
Si Aza, pupunta rin pala ngayong gabi pero mas pinili niya hindi makihati sa dalawa at sumama nalang sa parents niya, sobrang understanding naman ng girlfriend ko na yan kahit siya yung official.
"Pero tanong ko lang, para saan tong party?" Tanong ko kasi nalilito na rin ako.
"It is an elite and prestigious gathering, held once a year where the most influential and affluent figures in the city convene to announce the rankings of each family based on their respective contributions and influence." Tumaas ang mga kilay ko at umuwang ang labi matapos malaman ang totoo mula kay Amour,
Pastilan, akala ko kasi normal alumni reunion lang to like sa school or friends or ano-hindi naman nila ako sinabihan na party pala to ng mga mayayaman. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga bisita hanggang sa inanunsyon ng host na dalawang pamilya na lang daw kulang.
Pagkatapos niya sabihin yun ay muling bumukas ang pinto. Sobra yung tuwa ko nang makita silang muli makalipas ang mahabang panahon- AKRIS kasama ang kanilang mga asawa at ama nilang si Ford Huxley Albrecht.
"What's funny?" Tanong muli ni Amour,
Naalala ko lang kasi, sobrang yaman pala nila tapos kahit bente pesos pinag-agawan pa nila sa akin dati. Natatawa ako pinagmasdan ang entrance nila, walang pinagbago ang kanilang mga hitsura at mukhang mas bumata pa. Alagang-alaga yata ng kanilang mga asawa.
Nandito na yata lahat sa gabing to.
"Alright, let's go." Biglang hawak ni Ines sa aking kamay.
Hindi naman niya ako need itulak at may remote naman tong sinasakyan kong wheelchair na pwede ko kontrolin. Iniwan muna namin panandalian si Amour at tinungo ang pwesto kung nasaan ang ama ni Ines. Habang papalapit kami sa table ay nakasalubong namin si Aza, buong akala ko ay hindi ako nito papansinin dahil wala naman nakakaalam sa mga nandito na magkakilala kami-asawa pala, ngunit mali ako sa aking naisip dahil huminto siya at sinalubong kami ni Ines.
Ngumiti siya ng matamis bago humakbang at yumuko upang ako ay halikan- sa cheek nga lang at hindi sa aking labi. Mas mabuti na rin yun dahil nandito ang kanilang mga magulang, walang nakakaalam na may asawa akong iba liban sa mga anak nila.
"Hi," Ngiti-ngiti niyang bati.
"Hindi mo sinabi pupunta ka rin pala, ako yung na sorpresa." Sabi ko at narinig ang kanyang mahinang tawa.
"Ay baby, punta ako mamaya sa table nyo." Sabi ko at pinalapit sya ng mabuti upang ibulong na babatiin ko muna ang magulang ni Ines, hindi naman siya galit o ano matapos ko yung banggitin sa kanya at matamis lang ako nginitian.
"Alright, I'll talk to you later." Sagot niya bago ako muli binigyan ng halik sa kabilang labi at nagtungo sa table kung saan ang kanyang pamilya.
Hindi pa man kami tuluyan nakakalapit sa ama ni Ines ay malawak na ang ngiti nito sa kanyang labi, akala ko mag-isa lang ito pero may kasama pala siya at ngayon ko lang napagtanto sa malapitan na kamukha niya si Ines!
"Ines, tanong ko lang ay mother mo yang katabi ng ama mo?" Tumingala ako sa kanya upang malaman ang sagot.
"Yes, come." Sabi at hinawakan ako sa kamay hanggang sa tuluyan kami huminto sa tapat ng mag-asawa.
"Good evening po." Magalang kong bati at tinangkang tumayo para sana magbigay galang sa mag-asawa ngunit mabilis ako pinigilan ni Ines,
"Anong nangyari sayo, Rhea?" Tanong ng kanyang ama,
"Sprained ankle lang po, gagaling din hehe." Sagot ko, hindi ko na sinabi dahil sa anak nya kaya ako nagkaganito pero kagagawan ko naman talaga rin kung bakit nagkaganito.
"Who is she?" Confused na tanong ng ina ni Ines,
"My wife," Agad na sagot ni Ines sa kanyang ina. Ako na biglang naupo sa sobrang prangka niya at ang kanyang ama na muntik malunod sa iniinom na alak ay bigla nalang tumawa.
"H-Huh? Your wife?" Ulit na tanong at tila hindi makapaniwala.
Tumango si Ines, ako naman ay ngumiti at tumango sa kanyang ina, "Hello ma'am, ako nga pala si Rhea, pinakasalan lang ako ng anak mo kasi feeling niya lang maging responsable dahil sa pagkulong nya sa akin dati." Sa ikalawang pagkakataon ay tumawa ang ama ni Ines, hindi naman nakakatawa yung sinabi ko.
"Oh, she's that woman?" Nanlalaki ang mga mata nitong tinanong ang anak at muling tumango si Ines sa kanyang ina.
Matapos yun at buong sigla itong ngumiti at tumayo saka lumapit sa akin, nakaka bigla lang at niyakap ako. "Hello, Rhea, I'm sorry sa maling nagawa ng anak ko. Sana mapatawad mo." Malambing naman ang magulang, bakit hindi nagmana sa kanila anak nila?
"It's okay at nakaraan na po yun, okay na kaming dalawa." Sagot ko.
May biglang tumawag kay Ines habang nasa kalagitnaan kami ng usapan ng kanyang magulang, napatingin ako sa kanya at nagtataka dahil bigla sumeryoso ang kanyang hitsura. Nag angat ako ng ulo at mga kilay upang alamin kung may problema.
"May problema?" Tanong ko.
Agad sya yumuko upang bumulong at sinabi na pinapatawag ako ni Azalea sa table nila, gusto ako makita ng mag-asawang Turner bago magsimula ang event. Sumang-ayon ako at nag excuse sa parents niya, sinabing babalik din mamaya at may pupuntahan lang na kaibigan.
Balak niya sana ako samahan at ihatid pero kaya ko na ang sarili at hindi naman ako mahihirapan kaya sinabi ko ako nalang mag-isa ang pupunta at baka hindi siya comfortable.
Maraming tao pero hindi naman siksikan kaya malaya pa rin ako nakaka-kilos gamit ang wheelchair, nakita ko ang ibang mga pamilya. Gusto ko lapitan si Kris pero maraming nakapila sa kanya upang kausapin, marahil ay tungkol sa business lalo na at alam ng lahat asawa niya si Olivia,
Nakita ko rin sa ibang parte ang AKRIS, tulad ng kay Kris ay marami rin ang gusto kumausap sa kanila. Paunahan nalang talaga kung sino ang mapunta sa good side at magiging safe negosyo nila. Sana magkaroon ulit ng time na magkaroon ng bonding kahit isang araw tulad nong kaarawan ni Kris dati.
Nagulat ako sa malakas na tunog at pagsasalita ng host sa naturang event. Sinalubong na rin ako ni Aza at dinala sa table ng kanyang magulang.
"Rhea, anak, anong nangyari sayo?" Nag-aalala na tanong ng ina ni Aza. Deja Vu.
"Nagkaroon lang po ng sprained, gagaling din daw kaagad sabi ng doktor basta ipahinga ko lang." Agad kong paliwanag at nagulat sa biglang pagyakap ng anak nila sa aking leeg mula sa likuran ko.
"I missed you." Bulong niya at sa muling pagkakataon humalik sa aking pisngi.
Nahiya ako bigla hindi dahil sa baka narinig ng parents nya, syempre hindi maririnig kasi malakas yung boses ng host hawak ang microphone kaso hinalikan nya ako sa harap ng parents e-kinilig ako.
"Ngayon ko lang nakita naging malambing ang anak ko, kahit sa akin ayaw nya magpahalik." Natawa ako ng mahina sa naging pahayan ng ama niya at tila ba nagtampo sa anak.
"Iba raw po kasi pag halik asawa." Sabi ko at mahinang humagikhik.
Pati siya ay natawa na rin sa aking sinabi, "May tama ka siguro sa sinabi mo." Tama naman talaga ako kahit hindi niya sabihin.
"Rhea, kilala mo ang pamilyang Avalon?" Nanlamig ako sa tanong sa akin at hindi kaagad makatingin ng diretso. Lumingon ako kay Aza, hindi ko alam ang isasagot sa ina nya.
"A-Ano po, ano kasi..." Tabang mananap, paano ko to malulusutan.
Mabuti nalang at biglang namatay ang ilaw sa buong silid at bumukas ang ilaw sa gitna kung saan may stage at malaking screen monitor. Kanina pa pala panay salita tong host at mukhang may balak e-anunsyo sa lahat.
"Now..." Tumingin ako sa malaking screen.
"Here's the list of the top 10 family rankers based on their donations, investments, and expenditures for the city, all in millions!" the host announced, pointing to the large screen displaying the new rankings.
1. Albrecht family: 2,000,000,000
2. Turner family: 736,900,000
3. Ponferrada family: 708,908,000
4. Cadell family: 605,000,000
5. Jenkins family: 404,500,000
6. Avalon family: 400,500,000
7. Monroe family: 400,000,000
8. Arnault family: 380,800,000
9. Anderson family: 350,000,000
10. Williams family: 340,700,000
Isa-isa binanggit ng host ang pamilyang nasa listahan at kung ano ang mga nagawang achievements at pagtulong sa buong syudad lalo na sa mga tao.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang pamilyang nangunguna, hindi na millions yan eh! Akalain mo at ganyan kalaki sa isang taon lang? Hindi ko lubos akalain na ang pamilyang Albrecht ang mangunguna at hindi naman kasi halata sa mga mukha nila.
"Isipin mo, sa yaman nilang yan nag-aaway pa sila dahil sa bente pesos ko." Bulong ko sa sarili at mahinang natawa, napansin yun ni Aza kaya napalingon siya pero nagkibit-balikat lang ako.
"Hindi tayo nagkamali e invest lahat sa mga anak natin hahaha." Narinig kong tawa ng ama ni Aza mula sa likuran namin.
Muli ko tinignan ang listahan at nakitang pangalawa ang pamilyang Turner?! Nalingon ko si Aza na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Gulat pa rin ako sa nakikita dahil nalamangan nila ang Ponferrada family,
Sabagay at isa talaga sa naging dahilan d'yan ay si Olivia, siya ulo sa lahat ng yan eh tapos halos ba naman ng makikita mong malalaking buildings sa syudad ay pagmamay-ari niya o di kaya ng pamilyang Turner,
"Baby, congratulations." Pagbati ko sa asawa ko at alam ko marami rin siyang na contribute sa pamilya. Nilingon ko naman ang table nila Olivia at mukhang masaya rin si Kris para sa asawa niyang nakayakap sa kanya.
"Thank you." Sagot ni Aza kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya.
Mas lalo ako natuwa dahil hindi lang pala pamilyang Turner ang nasa top10 at kasali rin ang pamilya nila Ines at Amour, kaso yung mga sumunod ay hindi ko na kilala kung kaninong pamilya. Nagpatuloy ang host hanggang sa tinawag niya si Mr. Ford Huxley Albrecht, ang ama ng AKRIS-sila ang nanguna-hindi lang yun at malaki agwat dahil inabot ng 2B sa kanila.
Tahimik ang buong paligid habang nagsasalita ito sa harap, natawa pa siya at ibinahagi na pati siya ay nagulat sa resulta dahil hindi niya rin inaasahan na magiging una ang pamilyang Albrecht lalo na at hindi naman ito sa bansa namamalagi.
Binanggit niya na hindi ito magiging successful kung hindi dahil sa mga anak, hinahayaan niya lang daw sa gusto nila gawin at buong akala niya ay napupunta ang lahat sa kalokohan, kaya laking gulat niya kanina nang makita ang pamilya bilang nangunguna. Pati kami natawa na rin kasi ganun naman talaga mga anak niya at halata naman, pero kahit ganun ay mababait sila-hindi nga lang halata pero mabait sila.
*
Makalipas ang isang oras ay nagsimula ang kasiyahan, lahat nag eenjoy pero ako nandito lang sa table nila Azalea at hindi ko na nagawa umalis. After e anunsyo yung top families kanina ay umalis din kaagad ang pamilyang Monroe at Avalon, liban lang sa mag-asawang Turner at kausap nila ang pamilyang Ponferrada,
"Are you bored?" Tanong ni Aza at binigyan ako muli ng maiinom.
"Hindi naman, nag eenjoy din habang nanonood. Umuwi na ba sila Amour at Ines?" Baka kasi sumabay sa parents nila.
"Nah," Iling niya at itinuro kung nasasaan ang mga ito. Oh, hindi ko man lang napansin nandito pa pala sila sa daming tao ba naman masyado.
Napansin ko nakailang baso na siya ng iniinom, "Baby, wag ka masyado uminom ng marami at baka malasing ka." Paalala ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango sa akin, napalingon ako sa hindi ko na mabilang kung pang klang lalaki ito na tinangkang kausapin ang baby ko. Sa muling pagkakataon ay itinaas ni Azalea ang kanyang isang daliri upang ipakita ang suot na singsing habang umiinom. As usual, agad din umaalis kapag nakita ang kanyang weddig ring.
Buong tamis ko siya pinagmasdan at nginitian, abot tenga na tong ngiti ko sa labi at kilig na kilig kaming dalawa ni Juntin ko. Bigla siya napatingin sa akin, ipinagpahinga ang kanyang baba sa likod ng kanyang palad bago inilapag ang hawak na glass saka nakipagtitigan sa akin.
"You're so pretty," Bigla niyang salita, gulat akong napaturo sa aking sarili bago siya tumango at muling ngumiti. Natutop ko ang labi, pinipigilan ang sarili dahil sa grabe na ang kilig ko sa katawan ngayon dahil sa kanya.
"Are you shy?" Muli niyang tanong kaya marahan akong tumango bago tuluyan tinakpang ang mukha gamit ang dalawang palad. I heard her soft chuckles that gave me butterflies, as the laughter continues to echo in my ear.
"Baby, look at me." Napasinghap ako at tuwid ang upo saka diretsong napatingin sa kanyang mga mata. Tangena, tinawag niya akong baby!
"Hmm?" Patay malisya kong tanong.
Nakakainis lang kasi kung kailan nasa exciting part na usapan namin may susulpot na naman. Hays, akala ko another guy gusto dumiskarte sa kanya pero mali ako at pinatawag siya ng magulang kaya ang resulta naiwan ako at mag-isa sa table.
"Hi, mag-isa ka lang?" Tanong ng hindi ko kilala. Wala ako sa mood at bitin ako sa usapan namin ni Azalea kaya agad ko hinila ang tie na suot at ipinakita sa kanya ang markang nilagay ni Amour kanina.
"Hindi ako mag-isa, umalis lang saglit asawa ko." Malamig kong sagot sa babae bago kinuha ang baso at inubos ang lamanna alak.
Naghintay ako ng ilang minuto, nagbakasakali na babalik agad si Azalea o di kaya ay lapitan ako nong dalawa pero hindi nangyari-mas abala kasi sila sa mga kausap nila parte sa negosyo o ano ba yan. Muli akong kumuha ng isa pang tagay at inubos saka nagpasya na umalis at lumabas para sana lumanghap ng sariwang hangin.
Nagtungo ako sa likod kung saan may malawak na garden at malaking fountain, walang tao at ako lang mag-isa. Lumapit ako sa kung saan ang malaking fountain ngunit kinabahan ako dahil may narinig akong tila umiiyak.
"Wala naman siguro multo rito?" Tanong ko sa sarili.
Bigla lumakas ang iyak na narinig ko kaya dali-dali akong bumalik sa daan upang umalis na sana ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang babae sa gilid ng fountain, nakayakap sa tuhod niya habang umiiyak. Familiar sa akin yung suot na dress at mukhang nakita ko kanina sa loob, hindi ako nagdalawang isip at kaagad itong nilapitan.
"Miss, okay ka lang?" Tawag ko ngunit hindi ito nag angat ng ulo at umiling lang.
Kinuha ko ang panyo at inabot iyon sa kanya. "Huwag ka na umiyak, ito gamitin mo-pwede mo rin singahan." Hindi naman sana ako nagbibiro ngunit bigla ito nag-angat ng ulo at sinamaan ako ng tingin.
Napagtanto ko na ang babae palang ito ay walang iba kundi si Emilie,
"Emilie? Bakit nandito ka-bakit umiiyak ka?" Seryoso kong tanong ngunit ikinagulat ang sunod niya ginawa.
Bigla siya tumayo at lumipat palapit sa akin, mabilis ko iniangat ang isang paa kung saan may sprained at muntik na niya itong masagi. Lumuhod siya sa aking harapan at ibinaon ang mukha sa aking tiyan habang humahagulgol sa iyak.
"Rhea, please, h-help..." Hirap na itong huminga pero naintindihan ko pa rin ang kanyang sinabi.
"Anong problema? Ano nangyari sayo?" Nag-aalala kong tanong at pilit inangat ang kanyang ulo. Bigla ako naawa sa kalagayan niya at agad pinahid ang mga luha, sobrang namamaga na ang kanyang mga mata.
"I-I love her so much... I c-can't... hindi ko kaya pag nawala siya ng tuluyan... please, help me." Pagmamakaawa niya sa akin at hinawakan ang magkabilang kong kamay na abala sa pagpunas ng kanyang mga luha.
Si Amour ba ang tinutukoy niya? Sa tingin ko ay si Amour nga dahil huling nakita ko ay magkausap silang dalawa at nanghihingi ito ng pagkakataon ayusin relasyon nila. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin, kung papayag ako na tulungan siya o hayaan nalang mag-isa.
"Rhea, please... I'm begging you..." Nanlambot ako sa kanyang kalagayan, talagang mahal niya nga siguro ng tunay si Amour at hindi naman siguro siya hahantong sa ganito kung wala na siyang nararamdaman.
"H-Hindi ko alam kung paano ako makakatulong. Tumahan ka na Emilie," Sabi ko at pilit siyang hinatak patayo. Para syang walang lakas sa sobrang gaan at nagawa ko talaga siya maitayo at pinaupo sa aking kandungan.
"Rhea, I-I want her back... please help me." Ulit niya at tuloy sa pagluha bago ibinaon ang mukha sa aking dibdib.
Marahan kong hinaplos ang kanyang ulo at likuran. Hinayaan ko nalang ito umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulog siya dahil sa sobrang pagod kakaiyak. Mabuti nalang talaga hindi ko kailangan itulak tong wheelchair na gamit ko ngayon at magaan lang si Emilie,
Inayos ko ang kanyang pwesto sa aking kandungan at inangat ang mga binti para hindi siya masaktan. Kinontrol ko ang sinasakyang wheelchair pabalik sa loob ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari...
Biglang sumulpot ang tatlo nong pabalik na sana ako sa loob at nakita nilang may karga akong babae na walang malay sa aking mga bisig. Tinignan ko sila isa-isa, hindi ko naman sila nakitaan ng galit o inis sa ekspresyon liban nalang kay Amour na parang walang buhay kung tumingin sa babaeng hawak ko.
"Sorry, nakita ko si Emilie umiiyak sa gilid ng fountain kaya nilapitan ko. Hindi ko kaya iwanan kaya-" Hindi man lang ako pinatapos ni Amour magsalita at kaagad tinawag ang mga bantay upang kunin si Emilie mula sa akin.
"Amour," Tawag ko ngunit hindi man lang ako pinansin at naglakad palayo.
Tinignan ko si Ines at Azalea, "I'm sorry, kung galit din kayo sabihin nyo lang at hindi yung tatalikuran ako kaagad ng hindi alam ang dahilan." Prangka ko sa dalawa at ayaw ko talaga sa ganun.
"How's your ankle?" Tanong ni Ines, di man lang pinansin sinabi ko.
"Ayos naman at hindi napano." Sagot ko.
"Are you tired?" Sunod na tanong ni Aza,
Marahan akong tumango. "Uwi na tayo," Mahinang sagot ko.
"Alright,"
Umalis si Aza para tawagan ang driver at magpaalam sa pamilya uuna na siyang umalis. Kaming dalawa lang ni Ines ang naiwan magkasama at ngayon tahimik tinatahak ang daan palabas kung saan kami dumaan papasok kanina.
"Ines, galit ka rin ba sa akin? Umalis kasi ako kanina dahil puro naman kayo busy at wala ako magawa sa loob tapos nakita ko si Emilie," Kahit di niya naman tinanong ay sinabi ko pa rin.
Bigla siyang huminto kaya napatigil din ako. "No, why would I get mad at you? Is your foot really okay?" Binalingan niya ako at marahan akong tumango matapos makita ang nag-aalala niyang mga mata.
"Seryoso, ayos lang ang paa ko." Sabi ko.
"I'm sorry for taking too long earlier, and for not returning sooner. I tried to find a way to finish the conversation quickly, but you weren't there when I returned. Are you upset?" Bahagyang umuwang ang aking labi at napakurap ng maraming beses dahil hindi ko inaasahan na magiging malambing siya.
Naramdaman ko ang sarili na umiling ng kusa at nakita ang kanyang matamis na ngiti sa labi. "H-Hindi, ayos lang at hindi ako galit o ano man yang iniisip mo." Depensa ko at iniwas ang paningin sa kanya.
Yawaa, ang init ng mukha ko.
Mas lalo kong hindi nagawang tumingin ng diretso dahil mas inilapit niya ang mukha sa akin.
"Hon," Literal akong suminghap sa harap niya at itinago ang mukha gamit ang isang palad bago tumingala.
"Bakit?" Pinilit ko ang sarili na hindi mautal.
"I need your kiss," napakagat labi ako at baba ng tingin sa kanya mayapos niya yun banggitin sa harap ko mismo.
"Ines, nakakarami ka na." Saway ko pero ang totoo gusto ko lang umiwas at pablis nang pabilis tong puso ko, animas.
"Honey, please?" Sa sobrang kaakit-akit nong tinig niya ay nagawa ko nalang sampalin ang sarili.
"What are you doing?" Tumigil ako at tinignan siya na nakataas ang dalawang mga kilay.
Bumuntong hininga ako kasunod ang pagkagat ng aking labi bago tuluyan hinawakang ang magkabilang pisngi ni Ines at binigyan ng isang mainit at malalim na halik sa kanyang labi. Ramdam ko ang paggalaw ng kanyang labi at ngiti kaya mabilis ko rin inilayo ang sarili mula sa kanya.
Napalunok ako ng makita ang kanyang pagdila sa labi na bagong halik ko lang.
"Thanks," Sabi niya bago bumalik sa unahan.
Pumikit ako at lihim binatukan ang sarili, ano ba nangyayari sa akin at hindi naman ako ganito sa kanya dati.
Hays,
Iba yung epekto ni indai Ines sa akin, panuway.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip