𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 17
INES
-
“Ambrosio?” I called her name, but there was no response. I scanned the entire room, and my eyebrow shot up when I noticed she wasn't in the classroom.
“Anyone seen Ambrosio?” I asked the entire class.
“Ma’am, sinabi po ni Rhea excuse siya kasi may practice sila ng theater club.” Her friend Vinalyn raised her hand and spoke up.
I let out a heavy sigh and ran my fingers through my hair in frustration. She managed to inform her classmate, but did not bother to ask for my permission, her professor?
"Who gave her the permission to excuse herself? She did not inform me, her professor, but her classmate knew? I will not tolerate this behavior and will mark her absent.” I said in a low and cold voice.
We lived in the same condo, yet she couldn't even be bothered to notify me. I shouldn't have allowed her to participate in that play. I gently rubbed my temple at nawalan ng gana mag klase. Instead, I assigned seatwork and stepped out to check on Rhea's condition.
I quickened my pace, making my way straight to the theater hall to check if she was indeed there practicing. How could she move around if her foot wasn't fully healed?
Upon entering the theater hall, I observed various students enthusiastically gathered, seemingly happy and excited about something they beheld. Driven by curiosity, I approached, stepping closer to the expansive stage where Rhea was with her play partner.
I took a seat on the side, observing silently as they engaged in their intimate act on stage. I couldn't help but raise an eyebrow at the noisy, high-pitched screams of the students beside me, their voices eagerly calling out Rhea's name and waiting for the passionate kissing scene to happen.
“Aaaaaah kyaaaaa, Rhea! Ang gwapo mo!”
“Omg!! Malapit na sa kissing scene!”
My fists tightly clenched at the thought of them engaging in such intimate acts during practice. Seriously? Why were they going to execute it at this point, even though it's only a practice?
“Ayan naaaaaaa!!”
“Kyaaaaaaa!”
As I watched Rhea's every move on the stage below, I gritted my teeth, a chill running down my spine as I observed. No way, she's not actually going to kiss that woman, is she?
My fists tightened even more as I watched Rhea lower her head, preparing to kiss the woman. I didn't know why, pero nakaramdam ako ng inis at biglang uminit ang aking ulo. I swallowed hard, before rising from my seat and making my way towards the stage.
I stomped my way towards the stage, and instantly, the entire room fell silent, leaving only the sound of my heels echoing through the air. Meanwhile, the two actors on stage continued with the scene, and their movement brought their faces closer to one another, as if preparing for the passionate kiss to begin.
“Ambrosio,” I uttered my words coldly, and she instantly paused in her actions, turning her attention to my direction.
Panic surged within her as she attempted to smile nervously, quickly releasing the girl she held and picking up her crutch to walk towards me.
“Ma’am,”
"What are you doing here? Practicing instead of attending my class? Do you want me to flunk you?” My words came out in a sharp tone, and I directed a cold, steely stare towards the president of their club.
“Akala ko excuse ako?” She asked.
"Excuse? I wouldn't have known you were here if Vinalyn didn't inform me." I stated firmly. "Find a replacement for Rhea now. You're distracting her from her studies." My tone remained cold as I turned and walked out of the hall.
-
RHEA
Nagmamadali ako bumaba ng stage at sinundan si Ines, hindi ko alam bakit mainit ang kanyang ulo? Nag practice lang naman ako para sa gaganapin na play pero mukhang may nagawa akong kasalanan na malaki? Tapos sabi ni president kanina excuse ako sa klase kaya diretso na ako nagtungo doon kanina.
“Ma’am,” habol ko kay Ines.
Medyo sanay na rin ako sa saklay kaya nakakahabol na sa kanya o talagang binabagalan niya lang bawat hakbang? Pastilan, don't tell me nagselos ang bebelabs ko dahil sa nakita niya kanina? Hindi naman ako hahalik doon sa babae at sinabi ko una pa lang na walang kissing sa practice at doon na sa actual.
“Ma’am, wait lang, kung hayaan mo kaya ako magpaliwanag?” Habol ko sa babaeng nasa unahan. Hindi pa rin ako pinansin at tuloy lang ang lakad pabalik sa crim building.
“Don't tell me nagseselos ka?” Sinubukan ko lang itanong pero bigla ito tumigil sa paghakbang at nakataas ang isang kilay paglingon sa akin.
“Me? Jealous?” Napalunok ako sa lamig ng kanyang tinig.
Humakbang ako papalapit hanggang sa nakatapat ko na ito. Ang sama naman makatingin, akala mo talaga may malaki akong nagawa na kasalanan e nag praktis lang naman ako kasama ang iba.
Matamis akong ngumiti at bahagya ibinaba ang ulo upang magpantay ang aming mga mata. “Oo, selosa ba ang aking bebelabs?” Tanong ko sa malambing na tono.
Ngumisi ako nang mapansin ang kanyang pamumula. “So, totoo, nagselos ka dahil akala mo hahalikan ko siya?” Tumingin ako sa paligid, walang tao kahit ni isa kaya mabilis akong kumilos upang halikan siya.
“Wag na ikaw mag selos, okay? Hindi bagay sayo at natatanggal angas mo, iyong-iyo lang ang bebelabs mo.” Hindi na talaga siya nakaimik at tuluyan ng natulala habang titig na titig sa aking mukha.
“Balik na ako, baka naghihintay na sila sa akin.” Sabi ko at babalik na sana ng theatre hall nang bigla niya ako pikutin sa tenga.
“Ma’am, masakit ha.” Saway ko dahil masakit ang kanyang ginagawa.
“I told you already, didn't I? You are no longer participating in that play, and someone else will be taking your place.” Malamig pero halata sa boses ang kanyang pagiging iritado bago ako binitawan sa tenga.
I looked at her in disbelief, seryoso talaga siya hindi na ako sasali? Ano nalang sasabihin nila sa akin? Seryoso nagseselos siya at ngayon gusto i-terminate ‘yong role ko?
Sinubukan ko magpaliwanag pero hindi niya ako pinakinggan, dali-dali itong umalis kaya wala ako choice kundi ang sundan siya pabalik ng classroom kasi baka pag bumalik ako sa hall ay baka tuluyan ako ibagsak ni bebelab. Sobrang tahimik ng silid pagpasok ko ng classroom, abala rin ang mga classmates ko sa ginawa nilang seatwork.
“5 minutes.” Malamig na anunsyo niya sa buong klase kaya nagmamadali akong bumalik sa aking upuan at nagtanong kay Vinalyn kung ano ang pinapagawa sa kanila.
“Vinalyn,” biglang tawag ni Ines sa katabi ko.
“Ma’am?”
“You have two choices…” umarko ang isang kilay ko sa kanyang sinabi.
“Po?”
“Either talk to that person or I will deduct points from your paper.” Babala ni ma’am sa aking katabi.
Hindi ko nagustuhan kasi nagtatanong lang naman ako kung anong seatwork pinagawa sa kanila? May karapatan ako mag tanong kasi estudyante ako.
“2 minutes.” Panuway bayhana, kakasabi lang niyang 5 minutes left!
Badtrip ako lihim kinuha ang phone at nanggigigil habang nag ta-type ng mensahe para sa kanya.
Pula
Ano problema mo? Paano ko gagawin seatwork ko kung hindi mo sinabi at bawal din mag tanong sa kaklase?
Agad ko ito tiningnan at nakita ang pag arko ng isa niyang kilay at tinapunan ako ng tingin. Seen na ‘yung message ko pero hindi man lang niya inabala ang sarili replyan ako?
Pula
Sige, yan gusto mo :)
Pula
Isasauli kita sa parents mo.
Pula
Bawal ka na rin humalik sa LABI ko.
Sunod-sunod kong padala ng mensahe sa kanya at nakita ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. Tigas ng ulo mo ah, akala mo hindi ka lalabanan ng bebelabs mo? Nagkakamali ka anteh Ines.
Pula
Maghiwalay na rin tayo at kaya ko na sarili ko :)
Seen
Napalundag kaming lahat dahil sa malakas na hampas ni Ines sa kanyang lamesa at talagang kay dilim ng ekspresyon sa kanyang mukha.
“Pass your papers.” Malamig niyang salita at mga mukha ng classmates ko hindi maipinta dahil mukhang hindi pa tapos halos sa kanila.
“Ma’am, wala po ba extension?” Tanong ng isa kong kaklase na biglang ikinataas ng isang kilay ni Ines.
“What? Should I give you an extension cord?” Sarkastikong sagot niya sa estudyante.
“Pero ma’am,”
“Pass your papers now, whether you have finished or not finished—submit the paper.” Maawtoridad niyang utos kaya wala na nagawa ang iba sa kanila kundi ang ipasa na lang ang mga papel.
“Sayang Rhea, 50 points din nawala sayo.” Mas lalo uminit ulo ko dahil sa sinabi ni Vinalyn, malaki na nga ‘yung 5 points sa akin—ayan pa kaya na 50 points?
“Panuway,” sambit ko at tumingin na lang sa labas ng bintana, nakakawalang gana at hindi ako binigyan ng pagkakataon kahit wala naman akong kasalanan.
Nagsimula siya mag discuss pero dahil sa inis ko ay talagang hindi ako nakinig, nakakawala naman kasi talaga ng gana ang ginawa niya sa akin kanina. Hanggang sa tumunog ang bell ay hindi ako nag participate sa klase niya kahit nakailang tawag siya sa pangalan ko.
“I will give you consideration this time, but nothing next time. Ambrosio, you are excused and I will give you seatwork since you were late to class. That is all, class dismissed.” Anunsyo niya sa buong klase bago kami pinakawalan.
Nawala bigla ‘yung inis ko sa kanya kanina, bakit nagbago desisyon niya?
“Ambrosio, follow me.” Tawag niya sa akin bago lumabas ng classroom.
Napalingon ako kay Vinalyn na siniko ako sa aking balikat kaya napaangat ako ng ulo. “Swerte, excuse na may one on one seatwork pa.” Nakangising saad niya.
Hindi ko na lang ito pinansin at agad kumilos upang sundan si Ines patungo sa kanyang opisina. Bumaba ako sa first floor, sarado ang pintuan ng kanyang opisina kaya kumatok ako bago ito binuksan at nakita ko siya sa may sofa—hinihilot ang ulo niya. Dahan-dahan ako pumasok at sinarado ang pinto bago lumapit sa nakapikit na guro.
“Bakit? Ano gagawin ko rito? Akala ko ba ibabagsak mo na ako?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya at agad siya nagbukas ng mga mata.
Buong tapang ko sinalubong ang malalim niyang tingin at lihim nagbunyi nang bigla niya kinuha ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Yan, attitude masyado kanina tapos ngayon magpapalambing sa bebelabs niya.
“Say that what you said earlier is not true.” Nang uutos si anteh Ines?
“Totoo. Hindi mo nga ako binigyan ng consideration, ikaw pa kaya?” Sagot ko at bigla niya ako hinila pabagsak sa malambot na sofa at ipinatong ang kanyang isang binti sa pagitan ng aking mga hita.
“But hon, I took back what I said and excused you from class and gave you a chance to complete your seatwork.” Napalunok ako sa ginawa niyang pag haplos ng pisngi ko, pababa sa aking leeg.
“O asan ngayon seatwork ko?” Tanong ko ng diretso.
“Me,” bulong niya bago dampian ng halik ang pisngi ko, ayayay kalami.
Ka kiat bayhana.
Marahan ko siyang hinawakan sa bewang at hinatak paupo sa akin. “Wag, bawal ako landiin at magigising si Juntin.” Sabi ko, kinuha ang candy sa bulsa at pinakain sa kanya.
“Seryoso, asan na seatwork ko? 50 points din ‘yun.” Sabi ko habang siya ninanamnam ang candy sa bibig niya.
“I told you, it's me.” Ulit niya, pastilan anteh Ines at hindi pala nakikipag biruan sa sinabi kanina.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang bigla niya hinawakan ang baba ko, tumaas ang aking kilay sa mabilis niyang pagkilos at halik sa labi ko. I was about to push her ngunit hindi ko nagawa, marahas niyang ipinasok ang kanyang dila at itinulak ang candy papasok sa aking bibig.
Sa sobrang tahimik ng opisina ay dinig ko ang nililikha na tunog ng aming mga labi. “Sweet,” bulong niya at ngumiti bago ulit ako dinampian ng tatlong magkasunod na halik sa labi.
Mabilis ko siya pinatayo at ramdam ko bumukol si Juntin ko. “Wala na akong klase.” Sabi ko nalang.
“Are you going home already?” Tanong niya habang inaayos ko ang kanyang skirt.
Umiling ako, “May appointment ako sa doktor kaya pupunta ako.” Sagot ko.
“Do you want me to take you there?” Muli akong umiling.
“Hindi, mag jejeep lang ako.” Sabi ko.
“Alright, take care and call me if you need anything.” Sabi pa niya.
Tumango ako at hindi na nagtagal sa kanyang opisina, umalis at nagtungo kaagad ng Roe hospital para ipatingin ang paa ko. Sagabal talaga ‘tong saklay na gamit ko, hindi naman na gaano masakit ang paa kaya baka next week tuluyan na ako gumaling.
“Good morning, may follow-up check-up po ako ngayon.” Sabi ko sa sekretarya ng doktor ko.
“Good morning ma’am, may pasyente pa po si doktor sa loob.” Kaagad na sagot nito.
“Okay,” Sagot ko at naupo, hintayin ko nalang kung kailan ako tatawagin.
Habang hinihintay tawagin ay nagpadala ako ng mensahe kay Aza, sinabing nandito ako ngayon sa hospital mag-isa. Nagalit pa kasi bakit ako lang at walang kasama, hindi ko man lang daw siya sinabihan para nasamahan ako—kaya sabi ko nalang sunduin ako para hindi na magtampo.
“Rhea?” Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga matapos marinig ang kanyang boses, pag minamalas ka nga naman.
“O?”
“Are you here para sa checkup?” Tanong niya at lumapit sa akin.
“Hindi, magpapa-cremate ako.” Pabalang kong sagot. Nagsalubong kaagad ang aking mga kilay matapos niya umupo sa aking tabi.
“Rhea, can we talk? Please?” Bulong niya.
“Para saan nga? Kung sinabi mo na edi sana tapos na tayo sa usapan ngayon.” Walang gana kong sagot, ‘yung pagmamahal ko sa kanya noon, ngayon napalitan na ng inis.
“I missed you.” Hindi ko napigilan ang aking sarili at kusa na lang umikot mga mata ko dahil sa kanyang sinabi.
“Hilom uy, miss mo lang jumbo hotdog ko.” Sarkastiko kong sagot sa kanya.
“I'm serious, asawa mo talaga sila?” Umarko ang aking isang kilay, ano karapatan niya para tanungin ako ng ganyan?
“Oo,” diretso kong sagot para tapos ang usapan.
“Paano kapag nalaman nila ang katotohanan na may tulad ka sa lalaki?” Bigla ako nanlamig sa kanyang sinabi at may bahid ng pagbabanta sa kanyang tono.
“Ano naman sayo ngayon?” Hindi ko alam at gusto ko manapak ng tao ngayon.
“What if—”
Agad ko siya sinamaan ng tingin. “Joana, sinasabi ko sayo, huwag na huwag mo guguluhin ang buhay ko. Wala ka ba mahanap na ipapalit at habol ka ng habol sa akin?” Dire-diretso kong salita at bahagya tumaas ang boses ko kaya narinig ng ibang pasyente.
“Ambrosio,” tawag ng sekretarya kaya agad akong tumayo upang pumasok sa loob.
Bigla uminit ang ulo ko, iniisip kung ano binabalak niyang gawin. Wag niya lang talaga subukan siraan ako sa mga bebelabs ko at kakalimutan kong babae siya. Hanggang sa natapos ang check-up ay mainit pa rin ang aking ulo, pati si doc muntik na madamay kanina. Palabas na ako ng hospital nang bigla ko nakasalubong si Amour, may kausap na pasyente. Wala sana ako balak humarap at iwasan na lang kaso mabilis talaga mga mata niya at agad akong nakita.
“Dear,” walang hiya at tinawag ako sa harap ng mga tao. Tipid lang ako ngumiti at iniyuko ang aking ulo.
“What's wrong? You seem moody, is everything okay?” Napansin niya siguro kaagad, ang bilis niya talaga mapansin pagbabago ng mood ko.
“Badtrip ako, nakita ko kasi si Joana.” Mabilis kong sagot at umarko ang kanyang kilay.
“Wait, do you still have feelings for Joana?” Binigyan ko siya kaagad ng nakakadiring ekspresyon.
“Kaluod,”
“Huh?”
“Hindi, badtrip ako kasi bigla nalang susulpot sa harapan ko.” Naiirita kong salita.
Nakita ko ang paghinto ng sasakyan ni Aza sa labas kaya sa tingin ko oras na para umalis, ang bilis niya naman nakarating at hindi halatang pinalipad ang sasakyan.
“Nandito na si Aza,” sabi ko.
“I thought you're alone?” Tanong niya at tumango ako.
“Oo, kanina pagpunta mag-isa lang ako pero ngayon hindi na.” Sumagot lang ako ng tama pero binigyan niya ako ng masamang tingin, hindi rin naman ‘yon sarcastic?
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng baby ko kaya biglang naglaho ang inis na kanina ko pa pilit alisin sa isipan ko. Kay ganda talaga ng asawa ko na ‘yan at kahit naka pajamas lang sumugod ay kaakit-akit pa rin kung titingnan.
“Hey,” malambing niyang tawag at yumakap bago humalik sa aking pisngi.
“Did you just wake up?” Agad na tanong ni Amour matapos makita ang suot ni baby ko.
Tumango si Azalea sa kanya, “Yes, I received a call from her, so I left immediately.” Malambing na sagot nito kay Amour, sweet naman ng baby na ‘yan.
“Alis na kami, gusto ko na magpahinga.” Sabi ko kay Amour at mukhang naiintindihan naman kasi tumango kaagad siya.
“Okay, I'll see you tonight.” Sabi at humalik sa aking pisngi.
“Sige, paalam.”
Nagpaalam ako sa kanya at umalis kasama si Aza, hinintay muna ako ni Amour makasakay ng sasakyan bago ito bumalik sa trabaho. Hindi naman ako totoong pagod, gusto ko lang makaiwas mula sa mata ng mga taong kanina pa ang tingin sa amin—medyo awkward din kaya para sa akin.
“Baby,” napukaw ako sa malalim na pag-iisip sa biglang tawag at kilos ni Aza, langhap ko ang mabangong amoy niya matapos isuot sa akin ang seatbelt.
“How was school?” Tanong niya at ngumiti.
Sa lapit ng mga mukha namin ay kaagad ko itong ninakawan ng halik, miss ko ang mainit niyang labi at gustong-gusto ko amoy niya. Mainit, malambot, at dahil sa gigil ko ay kinagat ko ang kanyang ibabang labi rason upang umungol siya ng mahina.
“I missed you.” Bulong ko after siya kagatin.
“Is there anything troubling you? I noticed that you were in a grumpy mood when I got out of the car.” Tanong niya, akala ko si Amour lang nakapansin sa mood ko kanina—pati rin pala siya.
Umiling ako at kasabay no’n ang pagpapaandar niya ng sasakyan. “Wala naman, okay na ako ngayon at nawala na inis ko sa katawan.” Sagot ko.
“Wala ka trabaho, baby?” Tanong ko.
“I have work, I have an important meeting before lunch, so I will go straight to the company.” Saad niya.
I looked at her in disbelief, seryoso siya sa sinabi di-diretso do’n ng ganyan ang kasuotan? I mean, maganda at fresh na fresh tingnan si baby pero… bahala na nga, siya naman ang boss kaya sino ang kokontra sa kanya?
“Sama ako?” Tanong ko at isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay.
Tulad ng usapan ay dumiretso kami sa kompanya, nakakailang man ang mata ng mga tao ay kampante naman ako dahil kasama ko ang baby ko. Nagulat nga ‘yung mga security pagpasok namin at hindi nakilala si Azalea, naka pajamas ba naman yan pumasok sa trabaho.
Miss ko na si Lilith, babawi talaga ako kaagad sa kanya kapag gumaling na ng tuluyan itong paa ko. Ang tanong, miss kaya ako ng batang ‘yon? Kahit isang tawag kasi wala man lang ako natanggap mula sa kanya para kamustahin ako.
Sunod nang sunod lang ako kay Aza hanggang sa narating namin ang palapag ng kanyang opisina ngunit may agad humarang sa akin at mukhang sekretarya niya.
“Ah, kasama ako ni Aza.” Sabi ko ngunit hindi ako pinayagan, nakita ko si Aza tuloy-tuloy ang lakad kaya mukhang bawal talaga ako sumama sa kanya.
“Hintay nalang po matapos ang meeting ma’am.” Saad nito sa akin at itinuro kung saan ako pwede umupo.
“Sige,” sabi ko at tumalikod.
“Where are you going?” Biglang boses ni Aza ang narinig ko kaya napalingon ako ulit sa kanyang direksyon.
“Bawal daw kasi pumasok sabi niya.” Turo ko sa humarang sa akin kanina na agad nagyuko ng ulo matapos tapunan ng tingin ni Aza.
“No, sasama ka sa akin.” Marahan niya ako hinawakan sa kamay at niyakap ang braso ko.
“Next time, wag na magtanong at malaya makakalabas-pasok ang asawa ko sa kompanya ko.” Paalala niya sa babae, hindi naman mukhang galit si baby base sa tono ng kanyang boses.
“Sorry, ma’am, hindi ko po alam.” Tumango lang ako at ngumiti.
Habang naglalakad palayo ay ayaw na mawala ng malapad na ngiti sa aking labi, kinilig kasi ako sa inamin niya sa sekretarya—sinabi niya kasing asawa ako kaya sino ang hindi kikiligin no’n?
“What's with the smile?” Mahina niyang bulong sa akin.
“Masaya lang, inangkin mo kasi akong asawa ngayon lang.” Matamis kong ngiti ngunit umarko ang kanyang isang kilay.
“Well, may karapatan akong angkinin ka, asawa kita.” Nagpabuga ako ng mahinang tawa. Oo nga pala at nawala sa isipan ko dahil sa sobrang kilig kanina.
“Baby, pwede ba sa office mo nalang ako maghintay? Baka kasi makaabala ako, sa office na lang ha?” Sabi ko ngunit tumaas ang kanyang isang kilay, mabilis lang at tumango rin kaagad.
“Alright, this way.” Dinala niya ako sa kanyang opisina at kaagad din iniwan matapos ko umupo ng komportable sa kanyang malambot na sofa.
Nilibot ko ang paningin sa buong silid at masasabi kong bagay na bagay kay baby ang taste niya. Pinahid ko ang daliri sa lamesa at kahit konting dumi ay wala, mas maalikabok pa siguro mukha ko kaysa opisina niya na wala man lang lang kahit konting alikabok. Biglang tumunog ang cellphone ko, akala ko may tumawag—si Bea lang pala nagtatanong kung nasaan ako.
Bea
Friend, nasaan ka?
Pula
Bea
Hindi ako manghuhula para hulaan ang litrato
Pula
Nahulaan mo nga ‘yung babaeng inabangan natin. Sino ulit ‘yun? Diba fortune teller ka kaibigan? 😂
Bea
Nasa office ng asawa mo?
Pula
Hulaan mo nga manghuhula ka eh
Bea
Nakakainis ka ha, bahala ka!
“HAHAHA.” Natawa ako ng mahina dahil sa kanyang sinagot sa akin, mukhang inis na ang babae na ‘yun.
Nag reply ako sa kanya at sinabi nandito sa opisina ni Azalea pero hindi na ako nireplyan ni Bea, nag seen lang ang anteh nyo. Umiling ako at ibinulsa muli ang cellphone, nababagot na ako at mukhang matatagalan bago makabalik si Aza.
“Uy, TV ba to? Paano to buksan? Ang laki naman masyado ng screen na yan.” Sabi ko at hinanap ang remote para manood na lang ako movie habang naghihintay.
Isa-isa ko binuksan ang kanyang drawer hanggang nakita ko ang remote sa pinakahuli kong binuksan. Tinapat ko sa malaking TV ngunit hindi ito nag on, tapos napagtanto ko namatay ang aircon.
“Bugok bataa.” Pailing-iling kong sabi sa sarili, remote pala ng aircon nakuha ko.
“Nasaan ba ‘yun?” Tanong ko sa sarili habang hinahanap ang remote.
“Nandito, ito na ba? Try nga natin.” Tanong ko ulit sa sarili at tinapat ko sa malaking screen ang remote na hawak.
Pipindutin ko na sana ang power button nang biglang may marahas nagbukas ng pintuan. Napalundag ako sa gulat at nakita si Azalea, pawis na pawis tapos hinihingal—anong nangyari sa kanya at mukhang galing siya sa mahabang takbuhan?
“Baby?” Tawag ko. Napansin ko ang mabilis niyang nakaw tingin sa malaking screen bago ngumiti at lumapit sa akin.
“R-Rhea…” sambit niya at pilit lumunok.
I tilted my head, naghihintay sa kanyang sasabihin pero wala naman? May nakalimutan ba siya at bumalik dito? Mabilis niya kinuha ang remote at ibinalik sa loob ng drawer kung saan ko ito nakuha. Tumaas ang mga kilay ko, anong nangyayari sa kanya at parang balisa sya?
“Bakit bumalik ka? Ay tapos na ba meeting nyo? Tingnan mo nga at puro ka pawis.” Sermon ko sa kanya at kinuha ang dala kong bimpo saka pinunasan ang kanyang pawis, bimpo talaga hilig ko dalhin.
“I-I missed you. Y-Yes, we're done.” Napakamot ako ng ulo sa kanyang sinabi kasunod ang mahigpit na yakap, nagkibit-balikat na lang ako at lihim natuwa dahil hindi ko na kailangan maghintay ng matagal dito.
“May gagawin ka pa ba? May trabaho ka pa?” Tanong ko at tumango siya.
“Sige, hintayin kita pero pwede manood ng palabas sa malaking TV mo?” Turo ko sa malaking screen.
“N-No… I mean…” umuwang ang labi ko kasunod ang pagtaas ng mga kilay, ano ba gusto niya sabihin?
“Sa condo ko na lang gawin ang trabaho.” Ayun nasabi rin.
Tumango ako at inabot ang kanyang kamay upang alalayan ako makatayo. Hindi na ako nagsalita at hinintay si Azalea bago kami lumabas ng kanyang opisina at ngayon naghihintay bumukas ang elevator. Nakita ko ang kanyang sekretarya na tumatakbo papalapit sa amin kaya baka may nakalimutan si Azalea.
“Ma’am, kailan daw po kayo babalik sa confe—” bigla itong natigilan sa kanyang pagsasalita matapos lingunin ni baby.
“Ha? May nakalimutan ka?” Tanong ko at nilingon ako kaagad ni Aza.
“None, let's go?” Sagot niya at inaya ako papasok ng elevator dahil bumukas na ito.
Hindi ko alam kay baby kung ano nangyari sa kanya, pababa na kami pero parang hindi siya mapakali simula pa kanina nong umalis kami ng opisina niya. Napapaisip tuloy ako kung may problema na siya, may kasalanan ba ako o kung ano man yan.
“Baby? Ano problema mo? Kanina ka pa hindi mapakali kasi.” Bulong ko sa kanya at agad siyang lumingon sa akin.
“D-Did you see…” ayan na naman siya sa hindi matuloy-tuloy niyang salita at laging putol.
“Anong nakita ko?” Tanong ko.
“Ah, tinatanong mo kung nabuksan ko ‘yung malaking screen?” Dahan-dahan siyang tumango at napagtanto ko na ‘yun pala ang dahilan kaya bigla siya naging ganyan. Anong meron do’n? May porno ba ako makikita kapag binuksan ko ‘yun at bothered siya masyado?
Tipid ako ngumiti at pinisil ang kanyang pisngi. “Wag ka manood ng bold sa office baby—joke haha, pero hindi, bubuksan ko palang sana kaso dumating ka.” Paliwanag ko at mukhang nakahinga naman siya ng maluwag.
Pinagsawalang bahala ko nalang kung ano man ‘yun at baka wala lang. Umuwi kaming dalawa sa condo, balak ko sana bisitahin ang kapatid ko kaso sinabi niya nasa Cadell's paradise sila at isinama ni Savannah.
Habang nanonood ng palabas ay abala naman si Aza sa kanyang laptop, legit nga talaga na dito niya itinuloy ang trabaho buong araw. Sumapit ang alas otso ng gabi ay hindi pa kami nakakain, tapos na ako magluto kaso si baby hindi pa rin tapos sa kanyang ginagawa at kanina pa tutok sa laptop na yan. Bumukas ang pinto at dumating si Ines, halatang pagod ang bebelabs ko. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala na gamit pero hindi ko inaasahan na hahalik siya.
“I'm home.” Matamis niyang ngiti kasabay ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking leeg at diin ng kanyang dibdib.
“W-Welcome home.” Napalunok ako ng wala sa oras, naamoy ko ang hininga niya at amoy alak si anteh.
“Uminom ka?” Tumango siya at ibinaon ang ulo sa aking dibdib.
“Yeah, a little.” Yumuko ako at binuhat siya saka dinala sa sofa para makapag pahinga.
Nasa tapat lang namin si baby, parang walang nakita at talagang focus masyado sa trabaho nya. Ipinatong ko ang mga binti ni Ines sa aking tuhod at isa-isa tinanggal ang kanyang mahahabang takong, pastilan buti hindi siya natitisod sa taas ng heels niya.
“Kumain ka na?” Kaagad siya umiling sa tanong ko at lumingon kay Aza na tuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
“Hindi ka papansinin niyan, kanina ko pa nga tinawag para sana kumain kaso mukhang may importante siyang ginagawa.” Sabi ko kay Ines.
“How ab—”
Umilaw ang screen ng phone ko at nakitang tumatawag si Amour, kaagad ko itong kinuha at sinagot.
“Hello?” Sagot ko.
“Dear, kasama mo ba ang dalawa? Sabihin mo bumaba at marami akong dala.” Sabi niya sa akin at awtomatikong napatingin ang mga mata ko kay Ines bago kay Aza.
“Nasaan ka?” Tanong ko.
“Parking lot.”
“Okay, wait ka lang d’yan.” Sabi ko at pinatay ang tawag.
Sasabihan ko sana si Ines kung pwede siya na lang pero nakita kong nakapikit na ang kanyang mga mata, hindi rin naman pwede si baby kaya walang choice kundi ako nalang. Dahan-dahan ako kumilos at lumabas upang puntahan si Amour sa parking lot. Hindi ko lang sinasabi sa kanila pero medyo okay na talaga paa ko at nakakalakad na ng hindi nasasaktan, marahil ay nasanay na rin katawan ko dahil noon sa arena.
Tinahak ko ang daan patungong parking lot, medyo malayo sa building namin at nasa kabila pero kaya naman. Hinanap ko kaagad si Amour at nakita itong nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan. May kausap sa kanyang cellphone at parang masama ang mood ni doktor pempem.
“Amour,” tawag ko ng mahina paglapit sa kanya.
“Darling,” salubong niya sa akin at yumakap.
“Bakit ikaw ang bumaba? Diba sinabi ko sila ang pababain mo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay.
“Pagod kasi, nakatulog na nga si Ines tapos si Aza hindi ko madisturbo dahil sa trabaho.” Paliwanag ko.
"Oh my goodness! I have to leave and go back to the hospital because I have an urgent patient,” halata sa boses niya ang pagod at nagiging moody na siya, sabagay kung kailan nakauwi na siya.
“Sige bumalik ka na, kailangan mo na magmadali at baka kailangan ka. Ako na magdadala ng mga yan.” Kinuha ko sa backseat ang kanyang mga pinamili, nag groceries pala ata siya.
“I'm so sorry dear, I'll be back later okay? Don't forget to eat and rest.” Ngumiti ako at sinabing naiintindihan ko ang sitwasyon niya.
“Sige na at dahan-dahan sa pagmamaneho.” Sabi ko bago yumuko upang bigyan siya ng halik sa kanyang labi. Ikinagulat ni Amour ang ginawa ko pero agad din niya akong ginantihan at may kasamang kagat pa sa ibabang labi ko.
“Bye, be careful.” Paalam niya bago muling pumasok sa driver's seat.
Kumaway ako at hinintay siya makaalis. Kinuha ko ang mga pinamili niyang groceries at babalik na sana sa unit nang biglang may humila sa aking mga kamay at tinakpan ang aking mukha, amoy ko kaagad ang nilagay nila na pampatulog hanggang sa namamalayan kong unti-unti na ako nawawalan ng malay.
-
Nagising ako dahil sa malakas na hiyawan, para akong nabibingi sa kapaligiran… unti-unti akong nagkakamalay hanggang sa tuluyan bumukas ang aking mga mata.
"Good evening, my dear esteemed guests!" he announced.
"Ladies and gentlemen, let's give a rousing round of applause for the return of one of our fearless fighters to the arena. Red!”
The arena is filled with the deafening cheers of the crowd, their yells bouncing off the walls. Despite the dizziness that threatens to overwhelm me, I know precisely where I am. How could I ever forget this event?
“Fuck!” Sambit ko at sinuntok ang ulo.
Why have I returned to this hellish place?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip