𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 18
-
I dash through the field, surrounded by towering trees, the dim lighting of the sky allowing only glimpses of my surroundings. All I know is that I'm surrounded by vast greenery all around, the looming shadows of trees and towering plants casting an ominous aura in the pitch black night.
Pilit kong tinatakasan ang mga taong humahabol sa akin, nakahanap ako ng pagkakataon makatakas kanina. Hindi natuloy ang laban dahil nagpanggap akong nahimatay, dinala nila ako sa isang resting area at doon nakakita ng pagkakataon upang makatakas dahil sa may tumulong sa akin— isang kaibigan na hanggang ngayon nanatili sa arena.
In a state of panic, I look around for a place to hide. My mind is racing, trying to find somewhere amidst the tall grass, as it's still difficult for me to run fast with my injured ankle. The sound of heavy footsteps and bright flashlights getting closer fills in my ears, making the situation more urgent and more dangerous.
I spot a massive tree with what seems like a cave-like hollow inside. I quickly crawl towards its trunk, hiding myself inside it, hoping it's big enough to conceal me from the approaching search party.
“Saan tumakbo si Red?!” Narinig ko ang malakas na sigaw ni Erwin, siya ang nagpahirap sa akin at handler ko sa arena.
“Mga gonggong! Hanapin ninyo!” Malakas niyang sigaw sa mga kasamahan na kanina pa ako hinahabol.
Gi-atay nalang jud ni, paano kapag nahuli nila ako ulit? Nalilito ako, hindi mawala sa isipan kung bakit nila ako ibinalik sa arena kung matagal na akong bayad sa utang ng aking ama? Isa pa, maayos ang nakasulat sa kontrata na malaya na ako sa kanila.
Inikot ko paningin sa paligid, medyo malamig ang simoy ng hangin, ang narinig ko lamang ay ang daluyong ng dahon sa puno. Nag-aalala ako sa sarili ko, makatakas kaya ako ng ligtas dito ngayong gabi? Paano kung sila ay naghihintay sa unahan? Mahirap makatakas kung makaharap ko sila, lalo na't hindi ako makatakbo ng mabilis dahil sa aking paa.
Gumapang ako dahan-dahan palabas mula sa kublihan ko. Patuloy gumapang nang tahimik at maingat. Nagdarasal habang nagpapatuloy sa paggalaw, umaasa na hindi na sila babalik. Matagal akong gumapang hanggang sa may makita akong ilaw at isang kalsada.
Sa wakas, tumayo ako at nagmamadaling umalis mula sa makapal at madilim na kagubatan, hindi ko alam kung ligtas na ako mula sa mga taong humahabol sa akin matapos ang mahaba at nakakapagod na taguan. Malaki ang problema ko pero malaki ang pasasalamat ko sa panginoon at hindi ako pinabayaan.
Narinig ko ang mga boses na nagsisigawan sa loob ng kagubatan, hindi ako nag aksaya ng oras at nagmamadaling nilisan ang lugar— kahit masakit ang paa ay tumakbo talaga ako makalayo lang ng tuluyan sa kanila. Walang ilaw, walang poste kahit isa man lang at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay sa akin ng ilaw sa madilim na kalsada.
Ilang oras na akong naglalakad, pagod na pagod, uhaw na uhaw at gutom na gutom na ako masyado— nanghihina at masakit ang mga paa, pakiramdam ko dalawang oras na akong naglalakad pero kahit isa ay wala ako nakitang bahay man lang.
Sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang ilaw, nagmumula sa malaking poste. May nakita na rin akong mga kotseng dumaan kaya sa tingin ko ito na ang main road. Lumingon ako sa aking likuran, kinakabahan dahil baka ako ay nasundan.
Halos wala na akong malunok na laway dahil sa sobrang dry nitong lalamunan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan kong narating ang main road. Naglakad pa ako sa unahan, malayo mula sa kanto na nilabasan ko.
“Pisting yawa, gutom.” Maktol ko sa sarili at naghihintay may dumaan ngunit pag minamalas ka nga naman, walang sasakyan!
“Panuway, kulira, yawa, animal, gi-atay, unta ma-platan mong tanan og ligid!” Sigaw ko sa mahaba, madilim, at walang laman na kalsada. Sana sumabog lahat ng gulong ninyo mga yawa!
Napakamot ako ng ulo, saang kalibutan, mundo, earth— universe ako dinala? Bakit wala akong makita kahit isang bahay man lang sa paligid?
Nayawa talaga, paano ako makakauwi nito ngayon? Wala akong dala na cellphone, wala akong dala na pera. Hindi ko alam kung nasaan ako at mas lalong hindi ko memoryado ang numero ng aking mga asawa.
“Kulira,” mura ko sa sarili.
May nakita akong sasakyan na papalapit, itinaas ko ang mga kamay upang parahin ito ngunit hindi ako hinintuan. Hindi naman ako mukhang masamang tao at bakit dinaanan lang ako? Pagod na pagod na talaga ako, ilang mga sasakyan na nga ang dumaan pero kahit isa hindi man lang ako hinintuan. Sumuko na ako at pasalampak umupo sa gilid ng kalsada.
“Hindi ko na kaya, sana may manok na bumagsak sa bibig ko.” Sabi ko at tumingala, iniisip na paano nga kung meron?
May nakita ulit akong sasakyan na sa tingin ko ay dadaanan lang din ako, hindi ko na inaksaya ang natitira kong lakas at humandusay nalang sa kalsada.
“Hala sige, sagasaan mo ako gago.” Sabi ko at ipinikit ang mga mata.
Tahimik akong nag bilang, makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko huminto ang sasakyan dahil biglang bumukas ang pintuan. Nanlalabo ang mga mata ko at sobrang sakit sa mata ng liwanag, akala mo aakyat na ako sa langit.
Ginamit ko ang isang kamay upang harangin ang nakakasilaw na liwanag, baka mabulag ako dahil sa kanya yawa.
“Do you need help? Why are you alone and in such a dangerous place like this?” Nabigla ako dahil babae pala itong kaharap ko, pero iniisip ko kung saan narinig ang boses niya.
Ibinaba ko ang kamay na nakaharang sa aking mukha, hindi ko siya makita dahil against the light si anteh.
“Rhea?” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat niyang pag sambit ng pangalan ko. Nagmamadali akong tumayo at nanlaki ang mga mata matapos makita ang babaeng hindi ko inaasahan makita.
“E-Emilie?!” Gulat kong sambit.
“What the hell are you doing here? Why are you here? What happened to you? Why do you look like that?” Sunod-sunod niyang tanong, hindi ko nagawa makapagsalita dahil sa sobrang gulat— sa daming tao na pwede ko makaharap, bakit siya pa?
“Let's not talk here. Come on, get inside the car, we have to leave this place immediately.” Sabi niya.
Tumango ako at pinilit ang sarili ilakad ang mga paa makapasok lang ng sasakyan niya, feeling ko namamaga ulit ang ankle ko dahil sa ginawa ko kanina. Wala kasi akong choice, at kung nanatili ako sa lugar na ‘yun ay alam kong magiging mala impyerno ulit ang buhay ko.
Dahil sa labis na pagod ay nakatulog ako ng hindi namamalayan, nagising nalang ako dahil sa pag tapik ni Emilie sa balikat ko.
“Rhea, we're almost there.” Sabi niya.
Tumingin ako sa labas ng bintana, may mga nakikita na akong ilaw sa malayo at mukhang nasa kalagitnaan kami ng malawak na palayan dumadaan. Hindi lang palayan kundi marami pa kaming puno ng mga prutas na nadaanan, sigurado akong wala kami sa syudad.
“Nasaan tayo?” Tanong ko.
“Huh? Hindi mo alam? Paano ka nakarating dito kung hindi mo alam ang lugar?” Kunot noo niyang tanong.
“Emilie, hindi naman siguro ako magtatanong kung alam ko kung nasaan ako ngayon.” Gusto ko sana maging sarkastiko pero mabait nga pala ako.
“Nasa Valencia, Bukidnon tayo at nandito ka ngayon sa farm kung saan ang bahay bakasyunan namin.” Sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat at awang ang labi.
“Gi-atay? Seryoso nasa Mindanao tayo?” Hindi makapaniwala kong tanong at tumango siya.
“Yes, that's why I was really surprised earlier when I saw you on the road. How did you end up here?” Tanong niya.
I gently massage my temple, nasa Mindanao ang bagong arena? Pero paano nila nalaman kung nasaan ako? Malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako ibinalik sa arena, delikado kapag nahuli ulit ako.
“May dumukot sa akin.” Simpleng sagot ko.
I see a grand hacienda, a testament to opulence and luxury, its walls and buildings constructed and adorned with intricate craftsmanship in the traditional style. There are fountains and gardens alongside a long road, a fitting backdrop to the elegant and majestic estate. The hacienda stands like a palace, surrounded by trees and lush greenery, making it stand out in the wide open field. The architecture feels like a fusion of old and new, a display of timeless elegance that speaks of wealth and status.
“H-Huh? Really? Who would dare to take you? I'm thankful you're safe–”
“Salamat,” putol ko sa kanya hanggang sa tuluyan pumarada ang sasakyan.
Binuksan ko ang pinto at bababa na sana nang biglang sumakit ang paa ko, pagtingin ko ay namamaga ulit ito. Lilingon sana ako para tanungin si Emilie pero nakababa na ito at nagulat ako dahil sa ginawa niyang pag-aalalay.
“Maayo pa ka, buotan. Asa ka ni liwat dai? Layo man gud kaayo imong batasan sa imong magulang— taas baya tog sungay.” (Mabuti ka pa mabait, saan ka nagmana? Ang layo kasi ng ugali mo sa older sister mo— mahaba kasi sungay no’n)
Sabi ko. Tumaas kaagad ang kanyang mga kilay at tumawa ng mahina. Tumawa pa si anteh, akala mo naman na gets sinabi ko.
“Really? But I've heard from others that I'm worse than Arleth." Bahagya akong umatras hindi dahil sa sinagot ako, nagulat ako kasi nakakaintindi siya ng bisaya? Nyawa.
“Gets mo sinabi ko?” Gulat kong tanong.
Ngumiti siya. “I grew up here so it's normal for me to understand and speak bisaya.” Sagot niya. Lihim kong sinapak ang sarili, nakakahiya at face to face ko trinashtalk kapatid niya.
Nanahimik ako ng tuluyan at hindi na muling nagsalita, nakakahiya at baka ano isipin ni Emilie sa akin. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang katulong, sa tingin ko isa na itong senior.
“Nay,” tawag ni Emilie sa matanda.
“Asa man ka gikan? Jesus ko panabangi! Nabalaka na kaayo ko kay dugay ka ni uli.” (Saan ka galing? Sobrang nag-alala ako dahil ang tagal mo umuwi) Sabi nito sa kanya bago ako binalingan.
“Maayong gabii,” (Magandang gabi) Pagbati ko sa matanda at iniyuko ang ulo.
“Kinsa man imong kauban? Unsa man nahitabo nimo dai ngano hugaw man kaayo ka? Tan-awa imong tiil, perteng hugawa— ngano hubag mana?!” (Sino ang kasama mo? Ano nangyari sayo ineng bakit ang dumi mo masyado? Tingnan mo ang paa, sobrang dumi— bakit namamaga yan?!)
Una niyang tanong kay Emilie bago ako tinanong, para kaming mga anak na pinapagalitan nito. Hinawakan ako nito sa magkabilang mga braso at umikot-ikot para tingnan ang katawan ko.
“Sprained ankle po,” sagot ko.
“Nagluto ka’g panihapon, nay?” (Nagluto ka ng dinner, nay?)
Tanong ni Emilie, totoo nga ang kanyang sinabi at marunong siya mag bisaya— with accent pa.
“Oo, nagluto ko kay kabalo ko gutumon ka. Unsa imong pangalan dai? Mas maayo kung maligo ka og hinluan ang lawas— naay daghan sanina akong anak na mo paigo saimo. Kaligo aron ma tambalan nako imong mga samad.” (Oo, nagluto ako dahil alam kong gugutumin ka. Anong pangalan mo? Mas mabuti kung maligo ka at linisin ang katawan— maraming damit ang anak ko na kakasya sayo. Maligo at para magamot ko ang mga sugat mo)
Sagot niya kay Emilie at pinagsabihan ako.
“Rhea po,” sagot ko sa kanya.
Hindi na ako nag inarte at kaagad sumunod sa matanda, iniwan namin si Emilie at ako naman ay dinala ni— tawagin na lang din nating nanay, dinala niya ako sa isang bakanteng kwarto at doon pinaligo.
Sinuot ko ang damit na pinahiram sa akin ni nanay Minda, yun daw itawag ko sa kanya. Maluwag pero ayos lang at comfortable naman. Dumiretso ako sa sala pagkatapos magbihis dahil doon daw ako gagamutin bago kami kumain.
“Hindi nalang talaga inuna ang kumain muna.” Reklamo ko sa sarili at huminto.
“Saan ulit ‘yung daan patungong sala?” Kulira, bakit kasi ang lawak-lawak nitong bahay na to.
“Rhea? Asa man ka paingon?” (Rhea? Saan ka pupunta?) Sulpot ni Nanay Minda mula sa aking likuran.
“Nay, nalimot ko asa ang dalan, perteng luaga sad aning balaya— mawala man sad ta.” (Nay, nakalimutan ko ang daan, ang lawak nitong bahay— mawawala tayo) Sagot ko sa kanya, pero ang totoo ako lang talaga may problema sa direksyon.
“Atimanon na nato imong tiil og mga samad sa lawas aron makakaon na ta.” (Asikasuhin na natin ang paa at mga sugat mo sa katawan para makakain na tayo) Saad niya, tumango ako at sumunod sa kanya sa sala. Sus, nadaanan ko na pala ‘yung papuntang sala sana.
Habang abala si nanay Minda sa aking mga sugat ay panay siya tanong sa akin, hindi ko na nga makagawang huminga ng maayos sa sunod-sunod niyang mga tanong.
Ano ko raw si Emilie, paano kami nagkakilala, kung may relasyon kami, kung saan kami nagkakilala, kung paano ako nakarating dito at marami pang iba. Mas nagutom ako lalo dahil sa mga tanong ni nanay Minda.
“Asa si Emilie, nay?” (Nasaan si Emilie, nay?) Tanong ko.
“Nagpa-kaon sa mga kabayo, kadali lang to siya.” (Nagpapakain ng mga kabayo, mabilis lang ‘yun siya) Kaagad niyang sagot.
“Kamo ra duha dani nay? Dawbe? Maayo walay mga daot na tao?” (Kayo lang dalawa dito nay? Mabuti walang mga masasamang tao?) Sunod kong tanong.
“Wala uy, mga buotan mga tao dinhi.” (Wala, mga mababait tao rito) Sagot niya.
Pero pansin ko kanina wala naman mga bahay malapit sa hacienda nila? Kung hindi ako nagkakamali, hula ko lang, parang sa kanila ‘yung malawak na palayan at mga nadaanan namin kanina— may nakalagay kasi kung kaninong property.
“Hi,” biglang sulpot ni Emilie, wow naka boots si anteh sexy.
“Humana ka pakaon sa mga kabayo? Manihapon na ta, kadyot lang hapit nako mahuman kay Rhea.” (Tapos ka na magpakain sa mga kabayo? Kakain na tayo, saglit lang at malapit na ako matapos kay Rhea)
Bahagya akong natawa dahil kay nay Minda, parang siya kasi nag mukhang amo sa kanilang dalawa. Pagkatapos ako gamutin ay agad kami nagtungo sa kusina upang kumain, mabuti na lang maraming inihandang pagkain si nay Minda— baka kasi kulangin dahil sa akin.
Dahil sa sobrang gutom ay halos naka tatlong plato ako ng kanin—puno lahat yan at sa totoo lang ay gusto ko pa sana kumain kaso ubos na ang kanin, konti lang din nakain nilang dalawa dahil pinaubaya nila sa akin ang mga share nila.
“Slowly, walang aagaw ng pagkain.” Paalala ni Emilie at mahinang nagpakawala ng tawa.
Bigla ako napasuntok sa aking dibdib dahil nalunok ko ang malaking liso ng santol, liso? Ano ‘yung liso sa tagalog? Buto? Oo, nalunok ko at sobrang laki yawa. Paubo-ubo kong kinuha ang inabot na tubig ni Emilie kasunod ang pagtayo niya at marahan akong tinapik sa likuran.
“Bataa, pag hinay og kaon. Ngano nag santol man ka nga gabii naman?” (Batang to, dahan-dahan lang sa pagkain. Bakit nag santol ka pa e gabi na?) Sermon ni nay Minda.
“Sorry, gutom lang jud kaayo nay. Lami man mag santol pag gabii.” (Sorry, sobrang gutom lang talaga masyado nay. Masarap mag santol sa gabi) Mabilis kong sagot at huminga ng malalim.
After kumain lumabas ako para magpahangin, nakita ko ang horse stable na hindi kalayuan at balak ko sana tingnan kaso tinamad ako at kailangan ipahinga ang paa.
Isang araw na akong nawawala at tiyak sa mga oras na ito hinahanap na ako nila Aza, kailan ko makausap si Emilie para makatawag at sabihin kung nasaan ako ngayon. Isang malaking himala ang nangyari sa akin ngayong gabi, sino ang mag-aakala na makikita ko si Emilie pagkatapos nong nangyari sa big event?
“Rhea,” napalingon ako sa tumawag at umusog upang bigyan siya ng space makaupo.
“Ems, pwede ba humiram ng phone mo? May tatawagan lang ako.” Sabi ko.
“There's no signal here.” Kaagad niyang sagot. Bumuntong hininga ako at sumandal sa matigas na kahoy. Ang tanga ko rin, kahit pala may signal ay hindi rin ako makakatawag kasi hindi ko memoryado numero nila.
“Gano'n ba?” Ang tanging naitanong ko at kaagad itong tumango.
“Akala ko nasa Manila ka?” Sunod kong tanong.
Tipid itong ngumiti, “I want to take a break from everything— from show business, from people, especially after losing Amour. I can't keep going, especially since I'm not mentally and emotionally stable. I want to get away and stay here for a while, to think things through.” Diretso niyang sagot sa akin at lumingon, tipid akong ngumiti saka tumango.
“Mas mabuti, kailangan mo rin mag enjoy at relax, yung makakakilos ka ng malaya.” Sabi ko.
Hinawakan ko ang aking leeg at biglang nataranta, tumingin ako sa ilalim at sa kung saan ako dumaan kanina pero hindi ko makita. Nawawala ang kwintas na bigay ni Azalea!
“May problema ba?” Tanong niya dahil sa hindi ako mapakali at naging malikot.
“Yung kwintas ko, nawawala— regalo ‘yun sa akin ng asawa ko.” Sagot ko sa kanya.
Hays, baka nawala ko kanina nong nasa kalagitnaan ako ng matinding habulan. Hindi ako sanay pag hindi suot ‘yun, sana lang hindi magalit si baby sa akin pag nalaman nawala ko ang regalo niya.
“May I ask?” Lumingon ako kay Emilie.
“Ano?”
“You’re married?” Tanong niya at mabilis akong tumango.
“Oo, kasal ako kay Azalea Turner, kasal din ako kay Ines Avalon at—” hindi ko naituloy banggitin ang ikatlong pangalan at napalunok.
“And?” Taas ng mga kilay niyang tanong.
“A-At… at… at… ano, kilala mo si Kris diba? Asawa ng ate mo? Gano'n din kasi sitwasyon ko ngayon? Siguro?” Paglihis ko ng topic, kahit ako hindi sigurado kung nasa polyamorous relationship din ako.
“Kris Cadell?” Tanong niya.
“Oo, best friend ko.” Malawak ang ngiting ibinigay ko. Miss na miss ko na kaibigan ko na ‘yun at gusto ko ulit kami mag bonding.
“Ako naman magtatanong, may plano ka pa rin habulin si Amour?” Sabi ko. Hindi siya kaagad sumagot at tumingin sa malawak na kapaligiran.
“I feel exhausted. I love her so much, but I'm tired of chasing after her. She's married, ‘yun ang huli niyang sinabi.” Saad niya at pansin pa rin ‘yung pait at sakit sa tono ng kanyang boses.
“Kilala mo ba asawa niya?” Sunod kong tanong at pilit lumunok dahil sa malalim niyang pagtitig sa akin.
“No,” sabi niya, nakahinga ako ng maluwag.
Aaminin ko ba? Dapat ko ba sabihin sa kanya ako ang babaeng pinakasalan ng ex nya? Paano kapag palayasin ako ngayon? Ano ang tama? Ano ang mali? Hindi ko rin alam at kahit pag-iisip ko ay nalilito.
“Sabihin o hindi?” Tanong ko sa sarili.
“Huh?”
“Ha? Wala, kausap ko lang sarili ko. Emilie, thank you at kung hindi dahil sayo baka tuluyan na talaga akong napahamak. Kung kailangan mo ng tulong o kahit ano sabihin mo lang sa akin, hindi ako magdadalawang isip tumulong.” Mahaba kong salita.
Tumingin siya una sa aking mga mata ngunit kaagad din umiwas, makalipas ang ilang segundo ay tumingin ulit siya— bakit hindi na lang sabihin at mukhang nagdadalawang isip pa.
“Okay, thank you. Pumasok na tayo at malamig na. Sasamahan kita sa magiging kwarto mo.” Tumango ako at tumayo.
Hinintay ko siyang mauna, pero bigla niya ako hinawakan sa braso para alalayan. Dinala niya ako sa kwarto at katabi lang nito ang kwarto niya, para daw kasi mabilis lang kung may kailangan ako sa kanya.
Nagpasalamat akong muli kay Emilie, tinanong ko kung nasaan si nanay Minda at sinabing nasa kitchen— naghuhugas ng mga pinggan, gusto ko sana tulungan pero sinabihan ako magpahinga nalang.
Humiga ako sa malaki at malambot na kama, gusto ko na matulog dahil sa pagod pero ‘yung isipan ko iniisip ang tatlo tapos si Lilith. Panuway, pati kapatid hindi ko na makita dahil sa mga nangyayari ngayon sa aking buhay.
Ni isang beses hindi ako tinanong ni Emilie tungkol sa pagkakadukot ko, alam ko sinabi niyang hindi ako pipilitin pero diba kapag kung curious ka sa isang bagay ay may ilang katanungan ka parin? Siya kasi ay wala, as in wala.
“Gago,”
Paano pag alam niya pala ang totoo? Na ako ang asawa ni Amour tapos binenta ako sa arena? Tapos malaking kaisipan talaga sa akin na coincidence lang ang pagtatagpo namin. Pero paano ‘yun? Siya? Guest sa arena?
“Bilatan, masakit na utak ko kakaisip yawa.” Sabi ko sa sarili at nagtalukbong dahil sa lamig.
Matulog nalang, ang mahalaga ay ligtas at buhay ako.
-
Nagising ako pasado alas otso na ng umaga, sobrang sarap ng tulog ko at kahit isang segundo ay hindi man lang ako nagising kanina. Lumabas ako ng kwarto at kumatok kay Emilie pero ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng kanyang kwarto ay walang sumasagot.
“Rhea? Wala si Emilie, sayo to ni lakaw ganina.” (Rhea? Wala si Emilie, maaga ‘yun umalis kanina) Bungad sa akin ni nay Minda.
“Aha man ni adto nay? Ngano sayo man kaayo?” (Saan nagpunta nay? Bakit maaga masyado?) Tanong ko naman.
“Toa, nagtabang og harvest sa mga pinya.” (Ayon, tumulong mag harvest ng mga pinya) Tumaas ang aking mga kilay, tirik na tirik ang araw sa labas tapos nagpapainit siya?
“Asa dapit nay? Pwede ko mag adto? Laay man dinhi wala koy lingaw. Basin diay makatabang ko gamay.” (Saan banda nay? Pwede ako pumunta? Wala akong magawa. Baka makatulong ako konti) Sabi ko naman.
“Oo, uban ta kay mag hatod kog paniudto nila.” (Oo, sama tayo at maghahatid ako ng pananghalian sa kanila) Sagot niya.
“Sige nay.”
Nagpunta kaming dalawa sa kitchen para magluto ng mga pagkain, tumulong ako at may alam ako sa pagluluto— ako kaya naging all-rounder na yaya ni Kris noon sa bahay nila. Medyo marami kaming niluto dahil marami ang kakain, marami na rin ang sinaing kong kanin para hindi kulangin.
Quarter to 11AM umalis kami ni nanay, tatanungin ko sana kung lalakarin namin pero may sumundo sa amin na sasakyan— mukhang isa sa mga trabahante nitong hacienda. Akala ko malapit lang, pero may kalayuan din.
Malayo pa kami pero tanaw ko na ang maraming tao. Nakita ko rin si Emilie, nakatayo at balot na balot ang buong katawan. May tents din silang itinayo para may masisilungan. Grabeng babae yan, walang arte sa katawan kahit sobrang yaman at partida artista yan.
“Nay, ako na ana.” (Nay, ako na dyan) Sabi ko at kinuha ang dalawang malalaking basket na pinaglagyan namin ng mga ulam.
May sakit pa ako nararamdaman sa paa pero konti nalang, kaya ko na maglakad ng mag-isa. Papalapit ako ng papalapit sa tents ay sumalubong naman si Emilie sa akin at kinuha ang isa kong hawak na basket.
“Why did you come? Dapat nagpapahinga ka lang.” Tanong ni Emilie at pinatawag ang mga trabahante.
“Eh wala akong magawa. Nakakahiya naman, nagpapaka-sarap ako tapos ikaw nagtatrabaho.” Sagot ko at napansin ang pawisan niyang mukha pagkatapos tanggalin ang proteksyon laban sa init.
Tinignan ko ang palad, malinis naman at naghugas ako kanina bago umalis. Ginamit ko iyon para punasan ang marami niyang pawis na umabot na sa kanyang leeg.
“Kadyot lang, naa koy pocari nakita sa ref ganina.” (Wait lang, may pocari akong nakita sa ref kanina) Sabi ko at binuksan ang basket upang kunin ang Pocari sweat at inabot sa kanya, “Ubusin mo para hindi ka ma dehydrate.” Sabi ko bago ito binuksan at binigay sa kanya.
“Ni-kaon ba ka ganina ayha ni lakaw?” (Kumain ka ba kanina before umalis?) Tanong ko. Ipinatong ko ang basket sa lamesa bago ulit humarap at nakita itong umiling habang umiinom.
“Wait lang.” Muli ko binuksan ang basket at hinanap ang avocado sandwich na gawa ko, ito sana kakainin ko for lunch pero ibibigay ko nalang.
“Here, gawa ko ‘yan kanina. Tilawi kung lamian ka, avocado sandwich na nga naay gatas.” (Tikman mo kung masasarapan ka, avocado sandwich na may gatas) Tinanggal ko ang wrapper at isinubo sa kanya dahil may hawak siyang cellphone at sa kabila naman ang pocari.
Kumagat siya at nagsimulang ngumuya, seryoso akong naghihintay at malalim siyang tinitigan— gusto ko alamin ang magiging reaksyon nita kasi paborito ko talaga to at kahit ang tatlo ay hindi alam ang tungkol dito.
“Ano? Masarap ba?” Tanong ko dahil panay lang siya nguya at wala man lang reaksyon.
“Hindi mo gusto ang lasa? Paborito ko, hindi ka mahilig sa matamis?” Sunod kong tanong.
Tumango siya at sunod umiling, nagkasalubong ang aking mga kilay dahil hindi ko gets kung saan sa dalawa ang sagot niya sa akin.
“I like it, it's very delicious. Thank you.” Ramdam ko ang paglapad ng ngiti sa aking labi dahil sa sobrang tuwa.
Pinahiran ko ang gilid ng labi ni Emilie dahil may naiwan na gatas— siguro nasanay ang katawan ko, bigla ko kasi dinilaan ‘yung daliri ko na may gatas kaya pati ako nagulat sa ginawa.
“Pwede ba tumulong?” Tanong ko.
“Sure,” sabi niya at tipid ngumiti.
Binigyan niya ako ng mga gamit para sa pag cut ng pineapple, tinuruan ako una ni Emilie sa kung paano ang tamang pagkuha. We move silently between the rows, our hands working nimbly as we pick ripe pineapples from the plants. The air is filled with the sweet aroma of the fruit, and I steal glances at Emilie, admiring her every move. Ang galing, sobrang bihasa na niya masyado.
“Emilie, maniudto sa ta.” (Lunch muna tayo) May lalaking biglang dumating, pag angat ko ng ulo ay nakita ang isang morenong lalaki, matangos ang ilong, makapal ang labi at matangkad— pero mukhang mas matangkad ako sa kanya?
“Okay,” sagot niya. Tipid niya talaga magsalita, hindi halatang magkapatid sila ni Arleth at malayo masyado ugali nila sa isa't-isa.
“Rhea? Come,” tawag niya sa akin at tinulungan makatayo.
“Salamat, mainit masyado kaya dalian na natin.” Sabi ko.
Pagbalik sa tent namin ay kami na lang pala ang hinihintay, nagdasal muna kami bago kumain. Kinulang kami sa plato kaya ang ginamit ko na lang ay dahon ng saging at kinamay ang pagkain.
“Thanks,” sabi niya.
Ganyan ba talaga siya? I mean nagsasalita naman pero kasi most of the time ang ikli sumagot. Pansin ko rin sa kanya hindi siya madaldal tulad ni Arleth, pero ang sabi niya kagabi mas malala pa raw siya sa ate niya? Hindi naman halata?
“Rhea,” tawag niya.
“Ha?” Sagot ko at nagising mula sa malalim na pag-iisip.
“Gusto mo sumama after lunch?” Itinaas ko ang mga kilay para tanungin kung saan.
“To buy pig feed.” Tumango-tango ako.
Sa dami niyang trabahante bakit siya pa ang kailangan bumili? Pero sabagay naiintindihan ko naman at mas okay na ‘yung aliwin ang sarili kaysa walang gawin.
“Em, kuyog ko?” Biglang tanong nong lalaki na sumundo sa kanya kanina.
“Sure,” oh diba, tipid sumagot ni anteh mo.
Pagkatapos kumain ay umalis kami kaagad, malapit na ako sa sasakyan at sa katabi sana ng driver's seat sasakay pero inunahan ako nong lalaki. Mabilis kong tinawag si Emilie,
“What's wrong?” Tanong niya.
“Ikaw mag drive?” Tanong ko.
“Yes,” sagot niya.
“Gusto ko tumabi sayo.” Diretso kong salita, ayaw ko kasi mag mukhang driver ko siya.
“Ian, sa backseat ka.” Kay bilis niya naman kausap at biglang natigilan ‘yung lalaki na imbes pasakay na.
“Ha? Dili ko.” (Ha? Ayaw ko)
“Si Rhea diha, sa likod ka.” (Si Rhea d’yan, sa likod ka) Utos niya. Tumingin ang lalaki sa akin bago muling isinarado ang pinto at sumakay sa likod.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay kita ko ang mga nakaw tingin ni Ian kay Emilie mula sa rearview mirror. Kung hindi ako nagkakamali, kung tama man ang nasa isipan ko ngayon ay may gusto itong Ian na to kay Emilie.
“Ilang weeks ka na pala nag stay dito? Sabi mo isang buwan ka lang diba?” Putol ko sa katahimikan naming tatlo.
“Next month, 1st week.” Kung hindi ako nagkakamali 3rd week pa lang sa buwan na ‘to. So may dalawang linggo pa?
“Pwede ba ako sumabay sayo pauwi? You know, wala akong kilala at pera kahit piso— babayaran din naman kita pag nakabalik ng Maynila.” Tanong ko. Siya lang din naman pag-asa ko ngayon lalo na at nasa Mindanao ako.
“Yup, no problem.” Sagot niya.
Pagtingin ko sa labas ng bintana ay may nakita akong babae na naglalakad, bigla pumasok sa isipan ko ang kaibigan. Umiling ako at hindi ito pinansin.
“Nah, malabo.” Sabi ko sa sarili.
Ngunit pagtingin ko sa salamin ay nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ng malakas dahil sa gulat, bigla inapakan ni Emilie ang preno kaya nasubsob ako sa unahan.
“Rhea, bakit ka sumigaw?” Tanong niya ngunit hindi ko ito pinansin, mabilis kong binuksan ang pinto at bumaba saka dali-daling nilapitan ang babae.
Nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang kaibigan ko.
“Yawa, Kris?!” Bulaslas ko.
Nag angat ito ng paningin sa akin, nagulat din siya nang makita ako. Mabilis siyang tumakbo at niyakap ako, ang dumi niya, may mga sugat din siya sa katawan pero ang tanong ay bakit siya nandito?!
“Rhea, ikaw ba yan? Ikaw ba talaga si Rhea? Hindi ako namamalikmata?” Umiiyak niyang tanong sa akin.
“Oo, sandali Kris, paano ka napunta sa lugar na to?!” Tanong ko at nanlaki ang mga mata matapos may napagtanto. “May dumukot din ba sayo?!” Bulaslas ko at mabilis itong tumango.
“Oo at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, hindi ko maintindihan ang salita ng mga tao. Pauwi na ako kagabi galing sa isang event pero may humarang sa akin sa daan, hindi ko nagawa manlaban dahil marami sila at pinatulog ako. P-Pag gising ko nasa ibang lugar na ako at hindi pamilyar sa akin ang lahat.” Nanginginig niyang paliwanag.
Halata sa boses niya ang takot, hindi lang boses at buong katawan niya ang nanginginig.
“Rhea?” Hindi ko napansin si Emilie nakalapit.
“Emilie, s-si Kris.” Sabi ko. Pareho silang dalawa nagulat sa presensya ng isa't-isa.
“Kris? W-What are you doing here? Alam ba ng kapatid ko nandito ka?” Nag-aalala niyang tanong.
Umiling si Kris, “H-Hindi, may tumangay sa akin. Nakatakas ako dahil nag dahilan ako gagamit ng CR. P-Paano kung may gusto ulit manakit sa akin?” Takot na tanong ni Kris,
“Emilie, wag tayo rito at baka maabutan tayo.” Sabi ko at nagmadali kaming bumalik sa sasakyan.
Nakipagpalit ako ng upuan kay Ian para tabihan ang kaibigan. Hindi pa ako tapos sa problema ko at ngayon nadagdagan dahil sa hindi inaasahang pagkikita namin ni Kris, parehong may tumangay sa amin.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hilot sa aking noo, malamang sa mga oras na ito nagwawala na si Arleth at hinalughog na nila buong Luzon mahanap lang itong asawa nilang napadpad sa Mindanao.
“Kris, hindi ka ba nila sinaktan? Bakit may mga sugat ka?” Mahina kong tanong sa kanya.
Umiling ito. “Hindi, nakuha ko ito sa bintana ng CR kanina, doon kasi ako dumaan. Rhea, gutom na gutom na ako— kagabi pa ako walang kain.” Malungkot niyang paliwanag at hinimas ang tiyan.
“Emilie, p-pwede ba tayo dumaan kahit sa karinderya? Pakainin muna natin si Kris at gutom na.” Sabi ko at kaagad naman niyang sinunod.
Pumunta kami sa foodcourt na malapit lang sa bus terminal. Ako na ang umorder ng mga pagkain habang kinakausap siya ni Emilie total alam ko mga hilig niyang pagkain. Si Ian na lang din ang inutusan ni Emilie bumili ng pigs feed para mas mapabilis.
“Nandito na pagkain mo.” Sabi ko at inilapag ang foodtray sa kanya na naglalaman ng maraming pagkain.
“Sukli mo, thank you.” Sabi ko kay Emilie at ibinalik ang baryang sukli.
“Paano na to ngayon? Baka nagwawala na ate mo.” Sabi ni Kris kay Emilie,
“You're right, mabilis uminit ang ulo niya pagdating sayo.” Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Emilie.
“Gusto ko na umuwi, ayaw ko mag-alala sila.” Sabi ng kaibigan ko.
“Kris, sabay nalang tayo kay Emilie pauwi? Magpa ampon muna tayo sa kanya, uuwi siya sa Manila next month— 1st week.” Suhestiyon ko, baka kasi balikan siya ng mga kalaban.
Tumahimik ito, mukhang nag-iisip. Ilang segundo ang lumipas ay nakita namin ang kanyang malalim na pag buntong hininga bago ako tingnan sa mga mata.
“A-Ayos lang ba? Marahil tama ka. Kung tutuusin pwede naman akong umuwi, pero kailangan ko sila kontakin, ayaw ko mag-alala ang pamilya ko.” Pagsang-ayon niya sa sinabi ko.
May signal naman siguro dito sa sentro? I mean siyudad na to diba? Kaya sa tingin ko meron. Hindi nagsalita si Emilie at nanatiling tahimik habang patuloy kami sa pag-uusap.
“Payag ka ba Emilie?”
“Of course, don't worry at ako bahala sa inyo. Hindi nyo kailangan mahiya, mas maganda at may kasama kami ni nanay.” Nakangiting sagot ni Emilie.
“Salamat,” sabay namin na salita ni Kris at nagkatitigan.
Hays, pinapanalangin ko lang talaga na sana tama ang naging desisyon naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip