𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 23
-
Kanina pa ayaw kumalma nitong puso ko. Alam kong sinabihan ako ni Aza na huwag mag-alala dahil kasama ko siya, pero hindi pa rin mawala sa sarili ko ang pangamba lalo na at alam ko talaga sa sarili na may malaki akong kasalanan sa kanila.
Kanina pa kami nandito sa kwarto, sinadya ko talaga silang ipasok dito dahil ayaw ko humarap sa mga asawa ni Kris- lalo na kay Olivia na malalim akong tinitignan kanina, para bang may alam na siya sa mga nangyayari kahit wala pa naman akong sinasabi.
Nakaupo ako sa kama, nasa magkabilang gilid ko si Aza at Ines, tapos si Amour naman ang nasa aking harapan. Gusto ko sana sabihin ng diretso na 'Uy, asawa ko si Emilie at ikinasal kami kahapon. Hindi lang 'yun kasi may nangyari sa amin na higit pa sa halikan' Tangena talaga, kung ganyan lang sana kadali sabihin ang lahat edi sana tapos na kami kanina pa.
"Rhea," Ngayon lang ata ako tinawag ni Amour sa aking pangalan, kaya alam kong malaki talaga ang galit niya.
Nag angat ako ng paningin sa kanya. "Yes." Sagot ko.
"Why did you cover up for Emilie earlier? Do you really think we'd believe what you said? We all know Emilie took you because her own people spoke out." Matigas niyang salita at hindi man lang inalis ang paningin sa aking mga mata.
Huminga ako ng malalim bago sumulyap kay Ines, tahimik lang din itong nakatingin sa akin at naghihintay sa kung ano ang aking sasabihin. Sunod kong binalingan si Aza, matamis niya akong nginitian kaya bahagya akong tumango upang ipaalam sa kanya na ayos lang.
"Aamin ako. Okay, tama kayo at si Emilie ang tumangay sa akin. Nagawa niya 'yun dahil sa pagmamahal sayo, gusto niya malaman ang totoo at sinabi kong asawa mo ako. Hindi ako sinaktan ni Ems, tinulungan niya ako mula sa mga masasamang tao. Tungkol kay Kris, walang kinalaman si Emilie sa pagkawala niya at sa maniwala man kayo o hindi ay nakita lang din namin si Kris sa gilid ng kalsada." Paunang kwento ko, hindi ko na sinabi na binenta ako sa arena, ang mahalaga lang naman malaman nila ang dahilan kung bakit ako pinadampot nito.
"Nagalit din naman ako sa ginawa niyang pagtangay sa akin dahil buong akala ko ay babalik ulit ako sa magulo kong buhay. Pinatawad ko si Emilie, I understand her at hindi niya intensyon ang saktan ako. Nagawa niya lang 'yun dahil sayo." Sunod kong paliwanag at nakita ang gulat niyang ekspresyon sa mukha. Mukhang hindi niya inaasahan na alam ko na ang tungkol sa kanila.
"Ang importante ay buo at ligtas ako."
"Explain why you two were being so sweet together if she did that for me?" Sunod na tanong ni Amour na alam kong hindi ko maiiwasan.
Napakamot ako sa aking ulo, hindi alam kung ano ang tamang isasagot.
"Ang totoo..." Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa inaalala kung ano ang kanilang magiging reaksyon.
"Tell us everything." Saad ni Ines.
Lumunok ako ng sunod-sunod bago humugot ng malalim na hininga at nilaro ang mga daliri, hindi ko kasi alam kung kanino titingin sa kanila.
"Tungkol kay Emilie- ang totoo ay ginawa ko siyang pang-apat na asawa?" Pag-amin ko kasabay ang pagpikit ng mga mata at hinintay kung may sasampal sa mukha ko.
"What the hell? Why?" Mababa lang ang boses pero ramdam ko 'yung pagbabanta ni Amour.
"Kasi may nararamdaman din ako sa kanya. Sa totoo lang ay mas una ko nakilala si Emilie kaysa sa inyong tatlo." Pagtatapat ko ng totoo, hindi naman kasi ako basta-basta pumapayag tulad nong ginawa namin ni Ems kung hindi ako interesado.
Inangat ko ang mga mata sa kanila. Isa-isa silang tiningnan at hindi ko mabasa ang kanilang mga mukha dahil lahat silang tatlo ay mga naka pokerface lang. Hindi ibig sabihin no'n sa sinabi ko ay wala akong nararamdaman sa kanila, meron at nangunguna ang pagkagusto ko kay Aza, sadyang tinadhana lang talaga sigurong magkagusto ako sa apat.
"You have feelings for her? Are you joking right now, Rhea?" Mabilis akong umiling sa tanong ni Amour dahil mukhang hindi niya matanggap ang desisyon ko.
"May ano rin, konting nangyari sa amin." Pabulong kong salita at nagyuko muli ng ulo. Inamin ko na rin kasi nakokonsensya talaga ako sa ginawa sa kanila, ayaw ko rin itago kaya mas makabubuti kung maging honest ako- tatanggapin ko naman kung ano ang maging desisyon nila, kung iwanan man ako.
"Shit! Why?! Halos mabaliw kami sa pag-aalala kakahanap sayo tapos nagpapakasarap ka lang pala kasama ng ex ko?!" Napaigtad ako sa malakas na sigaw ni Amour sa akin at nakita ko ang pag kuyom niya ng mga kamao.
"Do not fucking shout at her." Ang kanina pa nananahimik na si Ines ay biglang nagsalita, sobrang lamig ng kanyang boses at tila handa makipag sagutan kay Amour.
"What the hell did you two do?!" Amour words come out sharper.
"A-Ano, something na ginagawa ng mag partner-" Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa suntok na natanggap ko sa aking ulo.
"Why would you do that knowing she's my ex? Does it not matter to you how I feel? For God's sake, Rhea! That was my first love, my ex! and you did that to her even though you're already married to me!" Buong lakas kong kinagat ang aking ibabang labi, sinampal ako ng katotohanan sa mga salitang binitawan niya.
"I admit, nadala ako sa tukso at hindi ko itatanggi- ginusto ko ang nangyari." Marami pa sana ako gustong sabihin, tungkol sa kondisyon ni Emilie pero ayaw kong pangunahan ito kaya mas mabuti ng ako nalang mag-isa ang mag mukhang masama para hindi na madagdagan ang sakit na nadarama nito.
"Cheater." Malamig at galit niyang salita at biglang lumabas ng kwarto.
Nilamon ako ng huli niyang salita, hindi ko sila masisisi kasi tama naman ang sinabi ni Amour sa akin. I cheated at hindi ko 'yun ikakaila. Expected ko na to eh, alam kong mangyayari to pero ginawa ko parin dahil mas sinunod ko ang isipan at puso ko. Hindi ko naman pwede sabihin na 'alam ko ang future at magiging asawa ko ito kaya hindi na ako nagpaalam sa inyo' as if paniniwalaan nila ako, baka masabihan pa akong baliw.
I can't justify my actions with just words, I need to be held accountable for what I did.
Tahimik, sobrang tahimik sa buong silid hanggang sa narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Aza. Mas naging triple 'yung kaba ko dahil ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala si Amour ang kaharap ko, nandito rin silang dalawa ni Ines.
"I told you I'd support you in everything, and to communicate with me clearly. But why did you do that? Previously, I let it slide because we weren't officially dating yet. But why did you do that now? Hindi ba mahalaga ang feelings naming tatlo?" Hindi ko matingnan ng diretso sa mga mata si Aza, hindi ko man ito makita ay halata talagang dismayado siya sa tono ng pananalita niya. Mukhang naging kampanti ako masyado.
"Maybe I got comfortable with the words you spoke, saying you would support me. I'm sorry, sorry for betraying both of you and worrying you so much. But I won't turn my back on Emilie- it's difficult to explain and I can't disclose the secret I should keep between us. However, I won't hide it either- I admit that there were many things between us that went beyond mere kissing." Pagtatapat ko at buong tapang sinalubong ang mga mata ni Azalea.
"So, are you saying that you had sex with her?" Her tone remains calm, although halata ang lungkot sa kanyang boses.
Umiling ako at tipid ngumiti, "No, hindi umabot sa gano'n." Depensa ko.
"Tatanggapin ko kung ano magiging desisyon ninyo. I'm sorry talaga, alam ko hindi madadala sa sorry ang ginawa ko. I'm an idiot and there were times when I struggled to control myself. There's just something about Emilie that I couldn't resist even if I tried." Sunod kong salita at nagyuko ulit ng ulo.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko, ayaw ko umiyak at hindi naman ako naiiyak. Nilalamon lang ako ng konsensya pero hindi ko pinagsisihan ang lahat, kasi buong puso kong ginusto ang nangyari sa amin ni Emilie- Hindi ako ang klase ng tao na pagkatapos magpakasarap ay tatalikuran ang lahat at gagawing santo ang sarili para lang malinis ang pangalan.
Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ni Aza, kasunod no'n ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumampi sa pisngi ko. "Is there anything else we need to know?" tanong niya.
"I'm prepared to take full responsibility for Emilie. I made a promise to her, and I intend to fulfill it. I want her to become my fourth wife." I declare with determination.
Suddenly, I feel someone tug at my head and trap me between her chest and arms. As I lift my gaze, I'm met with the warm lips of Ines, who unabashedly kisses me right in front of Azalea.
"I just wanted you to know that I have no problem if you decide to take another wife. Just make sure to sort things out properly with Amour before bringing Emilie into the relationship." Bulong niya sa akin at mahigpit akong niyakap bago tumingin kay Azalea.
"And what about you? We're in a situation now where she already has three wives. It wouldn't be bad if she wants to add one more, right?" Direktang tanong ni Ines at seryosong nakipagtitigan kay Aza.
"I shouldn't tolerate what you did. But I don't want to be a judgmental person either. What you did cannot be denied, as it was cheating on all three of us. Let's say if you make Emilie your wife, what if you disappear again and spend time with another woman? Will you do the same thing again?" Mabilis akong umiling sa kanyang naging tanong. Isa rin sa malaking naging dahilan kaya ako nagpaubaya kay Emilie dahil sa alam kong asawa ko siya sa hinaharap.
"No. I swear, hindi na mauulit. Kahit aminin ko man sa inyo ang totoo ay hindi ko alam kung paniniwalaan nyo ako-"
"You're jumping to conclusions. It's not for you to decide, so if you have something to say, say it now." Direktang salita ni Azalea matapos ako putulin sa kalagitnaan ng pagsasalita.
Humiwalay ako kay Ines at umupo ng maayos sa pagitan nila. Sige, malalaman natin ngayon kung paniniwalaan nila akong dalawa. Nilingon ko si Ines at kaagad nagtaasan ang mga kilay niya.
"Kilala mo si Bea diba? 'yung kaibigan ko." Tanong ko at ilang segundo ay tumango ito.
"Actually, hirap din ako paniwalaan nong una- pero kasi marami na siyang napatunayan sa akin. Naalala mo 'yung gabi na natagpuan mo ako sa condo ng Ex ko, baby? Dapat ako lang mag-isa no'n ang mag-uuwi sa kanya pero pinilit ako ni Bea na samahan dahil ayaw niya mangyari ulit ang nangyari na-"
"Wait, I'm confused." Sabi ni Aza kaya hindi na naman natuloy ang sasabihin ko.
"Ang totoo, galing sa future si Bea. I understand that it might sound strange and you may think that I'm making it up, or that I've lost my mind," I begin. "But on the night when you were supposed to break up with me after seeing me with my ex, it didn't happen dahil pinigilan niya 'yun mangyari- sinamahan niya ako para may pruweba na nagsasabi ako ng totoo...."
"May minsan din na pinapayuhan niya ako sa kung anong gagawin at saan pupunta. Magugulat nalang ako bigla-bigla ko kayo makikita na para bang alam niya lahat ng mangyayari. Sa totoo lang, siya nagsabi sa akin na apat ang magiging asawa ko- Ikaw, Amour, Ines..."
"And the last one is Emilie?" Biglang singit ni Ines at marahan akong tumango.
"Oo, kaya malakas din ang loob ko pagdating kay Emilie. Hindi ako umiwas, sinadya ko ang hindi umuwi kahit alam kong may paraan, pinatawad siya sa ginawang pagtangay sa akin dahil gusto ko pa siya makilala ng lubusan- dahil din sa sinabi ni Bea na asawa ko siya." Wala sana ako balak aminin pero nasimulan ko na kaya tatapusin ko nalang mag-isa.
Wala man lang silang reaksyon matapos ko aminin ang totoo sa kanila, malamang ay iniisip pa kung paniniwalaan ako o hindi. Mahirap nga naman talaga maniwala lalo na at wala akong sapat na katibayan na maipapakita sa kanila. Kung nandito lang sana si Bea, pero hindi ko na kailangan idamay 'yun at sabi nga niya ay may nagbago na simula nong nakialam siya.
"Okay, I believe you." Hindi ko inaasahan ang sabay nilang pagsagot sa akin kaya nag palipat-lipat ang paningin ko sa kanila.
"Ha? Naniniwala kayo sa sinabi ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango si Ines at ngumiti. "I am a policewoman, so I know when someone is telling the truth or not. You are a candid, direct person, and I trust your honesty even if it may paint you as the villain to others." Laglag panga ako pagkatapos ng sinabi niya sa akin.
"You are not the type to force yourself to fit into a status. You wouldn't be bestfriends with Kris if you had a bad personality, and the wives wouldn't trust you if you had ill intentions. I believe you, and I appreciate you being honest with us, even if it may affect the future." I listen as Aza speaks before she pulls me close, embracing me tightly and planting a firm kiss on my cheek.
Natigil ang usapan namin dahil sa may kumatok sa labas, pagtingin ko ay si Jovanne- pinatawag na raw kami para sa hapunan. "Sige, sunod na lang kami." Sabi ko sa kanya at muling binalikan ang dalawa.
"Labas na raw tayo para sa hapunan." Sabi ko pero nagdadalawang isip ako kung sasabay ba sa kanila o huwag nalang.
Nasa malalim na pag-iisip ako nang sabay nila hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Let's go. Nothing bad will happen to you, and don't worry because Aza and I are here." Pagpapagaan nito sa aking kalooban.
"You've explained everything to us, so there's no need to be scared. You should be afraid if I find out you're lying." Matamis na salita ni Aza na may halong pagbabanta.
Tumango ako at lumabas ng kwarto kasabay sila, balak ko sana puntahan si Emilie upang gisingin pero minabuti ko nalang ang hindi para makapagpahinga siya ng mabuti. Pero si Aza bigla akong hinila sa direksyon ng kwarto ni Emilie, pero nagtaka kami bakit bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto nito.
"Sandali, baka gising na. Dito nalang kayo maghintay." Sabi ko sa dalawa at agad naman silang tumango kaya pumasok ako kaagad.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay narinig na namin ang mga boses na nagmumula sa kwarto nito- narinig kong ang boses ni Amour, umiiyak at tila nakikipagtalo sa babaeng kausap. Mukhang dumiretso siya rito kanina pagkatapos niyang malaman ang totoo.
"Hindi pa ba sapat ang sakit na ginawa mo noon? Gusto mo pa ba na paasahin at saktan pa ako? Why do you need to disturb my life again just when I'm ready to forget you?" Narinig kong salita ni Amour, tumingin ako sa dalawang kasama at pati sila ay nakikinig sa usapan nila.
"Why does it seem like you're blaming me for everything that happened in the past? Was it my fault that you didn't give me the chance to properly explain myself? You're the one who turned your back on me and walked away, you're the one who left me, but it seems like I'm the one at fault? Where did I fail at loving you?" Amour's voice trembles with a deep pain, revealing the hurt she has kept hidden for far too long.
"Why? Why do you need to do this? Doesn't our past mean anything to you? And now you're aiming for my wife too?" Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa narinig ko ang pag hagulgol nito ng iyak.
"I love you. I still love you, but I've come to realize that my world doesn't just revolve around you. You know what I've realized? In the short time that I've spent with Rhea, I've learned so much about her, and it's the same for her with me. She didn't judge me- Instead, she helped me figure out how to handle a problem that even I didn't know how to control." Emilie's voice trembles with vulnerability as she responds to Amour.
"We were together for a long time, but you never noticed my desire for you. I didn't complain because I respected you. I gave you so many chances, but you always put yourself first. It's not just about sexual desire, it's deeper than that. How could you not admit everything to me, but it was so easy for you to introduce Rhea to your parents as your fiancee? Not even once did you present me to them." Tagos sa dibdib ko 'yung panunumbat ni Emilie. Unang pagkikita namin pinakilala ako kaagad, samantalang sila na ilang taon nagsama ay kahit isang beses hindi nangyari.
"Because I care about you! I hid you because you were just starting out in your career and building your reputation. I did it to protect your image as a rising actress! I didn't hide you from my parents because I didn't want to- I did it to protect our relationship, to protect you from judgmental people!" Malakas na sigaw ni Amour na umalingawngaw sa buong kapaligiran at sa tingin ko narinig din 'yun ng iba.
Bago pa nila matuklasan ang presensya namin ay mabilis kong sinarado ang pintuan at hinila ang dalawa kong asawa. Dinala ko sila kaagad sa dining area kung nasaan ang iba, pagdating namin ay nagbaba ako ng ulo bago pinaghila ng upuan ang dalawa at umupo sa gitna nila.
"Rhea," tawag ng kaibigan ko.
"Ha?"
"So, you cheated on my sister?" Nanlamig ako bigla sa pagsasalita ni Olivia at tinapunan ako ng malamig na reaksyon.
"No, she never did and it won't happen." Azalea quickly comes to my defense, meeting her sister's cold gaze with a protective one of her own.
"Really? No matter how hard you try to hide it, I'll still find out. You know I can't stand cheaters." Muling sagot nito kay Aza, nanahimik lang ako at nakita ang paghawak ni Aza ng kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Why does it matter to you? This is our relationship, so I won't allow you to meddle. Mind your own problem and stop sticking your nose into mine." Hindi ko na halos malunok ang laway at wala man lang ba pipigil sa kanila?
"But you are my problem." A sly smile graces Olivia's face as she raises an eyebrow at her sister.
"Enough, my wife is quite hungry already. If you plan to argue, do it somewhere far away. And as for you, Rhea, I don't know why this is happening, but if you involve my sister in your problems, you'll find yourself facing ME." Saway ni Arleth sa dalawang magkapatid at pinagbantaan ako sa dulo.
Nanatili akong tahimik sa buong oras ng pagkain, konti lang din ang kinain ko dahil sa wala akong gana. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa stables upang pakainin ang mga kabayo, pagkatapos ko pakainin ay pumunta ako sa likod ng bahay kung saan may malawak na lake.
Halos kalahating oras na akong tumatambay dito nang marinig ko ang kanyang boses na tinatawag ang pangalan ko. Pag angat ko ng ulo ay nakita ko si Aza at agad akong tinabihan. "Why are you here?" Tanong niya.
"Eh, kasi iniiwasan ko ang mga asawa ni Kris, lalo na ang ate mo. Mamaya nalang ako papasok pag tulog na sila." Sagot ko at hinila siya upang paupuin sa lap ko dahil marumi ang kawayan at medyo matulis, baka masugatan pa siya.
"Are you worried because of what my sister said?" With a concerned expression, she asks, gently stroking my cheek before resting her forehead against mine.
"Hindi naman, iniisip ko rin kung paano ayusin ang relasyon ko kay Amour. Pero naisip ko na wala naman talagang namamagitan sa amin at ginamit niya lang ako para itaboy ang lalaking pinili ng ama niya para sa kanya, pero kahit gano'n may kasalanan parin ako kasi pinatulan ko EX niya." Seryoso kong sagot at humugot ng malalim na hininga.
"But you claimed we are your wives. People can indeed make decisions based on powerful emotions. Let's assume you're one of those individuals, but when you confessed and explained everything to us, I understood your point of view. Rhea, I have faith in your intelligence and ability to correct this situation. I trust you, and I believe you can find a way to solve this." Her words are gentle and soothing, reassuring me that I'm not at fault, even if others may consider my actions a mistake. She's incredibly kind, using both her intellect and emotional intelligence to understand my perspective before passing judgment.
"I admit that I am not particularly gifted when it comes to relationships and this is the first time I've been in a relationship with a woman. I don't consider myself a terribly affectionate person, and I'm unsure if the feelings and actions I'm displaying towards you are appropriate. But I want you to know that regardless of what happens in the world, even if everyone turns against you, I'll still be here for you, ready to offer support and stand by your side." My heart feels soothed by the reassurance she gives me. I struggle to hold back the tears threatening to fall from my eyes and instead offer her a sweet smile in return.
"After all, I am the one who is officially in a relationship with you, not them." Her next words are accompanied by a tender kiss on my lips as she wraps her arms around my neck and gently runs her fingers through my hair.
I eagerly return her kiss, missing the sensation of her lips, her scent, and especially the way she showers me with affection. With utmost care, I turn her fully towards me while we continue our passionate kiss, not wanting to break the connection between our lips.
My feelings for Aza are different. There's an abundance of respect and care, and I'm afraid of disappointing her if I were to make a mistake in my actions towards her.
"Rhea, you have no idea how much your absence affected me. I couldn't sleep for days, couldn't eat properly, and couldn't focus on my work due to how worried I was about you. Don't disappear like that again. Stay by my side so I can have peace of mind." Bulong niya sa pagitan naming dalawa at muling siniil ng halik ang labi ko.
Hindi pa gano'n katagal ang pagsasama namin pero parang may something sa kanya, para bang matagal na kaming magkasama dahil puro kabutihan lang ang ginawa niya simula nong nagkakilala kami. I never expected that my long-time crush would be so clingy towards me.
"Hmm, may aaminin ako." Bulong ko na naghiwalay sa aming dalawa.
"Tell me." She gives me a sweet smile and tucks a strand of my hair behind my ear, securing it gently.
"Ano, baka bigla ako maging weird sa pananaw mo ha. Ang totoo kasi niyan, may ano ako- you know, tulad ng mga lalaki." Pag amin ko at palipat-lipat sa kanyang mga mata ang paningin.
"Of course, I know." Tumaas ang mga kilay ko sa kanyang sagot, hindi ko 'yun inaasahan.
"Alam mo?" Tanong ko at tumango ito.
"I've seen the supporter you were using. And yes, I did indeed feel it when we slept next to each other in your room." Hindi ako nakaimik at talagang nawalan ng salita dahil sa nalaman ko sa kanya.
"Hindi ba weird? Babae ako tapos meron akong tulad sa lalaki?" Tanong ko.
"You shouldn't feel weird about it. You should be thankful because it's a blessing given to you. You're not weird, and there's no need to hide it from me from this day forward." Maawtoridad niyang salita at tumango ako bilang tugon. Yung takot at kaba ko sa dibdib kanina ay napalitan kaagad ng saya dahil sa kanya.
"Let's head back. I'll be sleeping in your room tonight." Sabi niya. Tumango ako at inalalayan siya una makatayo bago ako sumunod sa kanya.
Pagbalik namin ng bahay ay naabutan namin si Ines at Amour na magkausap, gusto ko sana kausapin ang dalawa kaso bigla akong pinigilan ni Azalea at kinaladkad na papasok ng kwarto tapos ni-locked niya ang pinto para hindi makapasok ang iba.
Nag-halfbath ako una at sunod naman naligo si Aza, mabuti may dala siyang damit kaya hindi ako problemado maghanap ng ipapasuot sa kanya. Nauna na akong nahiga at ipinikit ang mga mata, hinihintay na tuluyang lamunin ng antok.
Makalipas ang mahabang minuto ay nilalamon na ako ng antok ko at siya naman ang paghiga ni Aza sa tabi ko. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatalikod sa kanya, ngunit makalipas ang ilang segundo na naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap mula sa aking likuran at mainit na halik na dumapo sa aking pisngi.
"Good night, Rhea."
Goodnight.
-
Kinabukasan ay maaga akong nagising, mahimbing pa ang tulog ni Aza kaya lumabas ako ng bahay para tumulong kay Nanay sa paghahanda ng almusal. Nasa may hagdan palang ako ay nakita ko na si Amour sa may sala, babalik sana ako kaso nakita na niya ako kaya tumuloy na ako sa pagbaba at diretsong kitchen.
"Good morning, nay." Bati ko sa kanya na abala sa pagluluto.
"Maayong buntag. Rhea, ihatod sa ni kay ma'am nga naa sa sala." (Ihatid mo to kay ma'am na nasa sala) Shit, parang nangyari na to noon.
"Nay naman eh." Reklamo ko at pinameywangan ako.
"Unsa man? Ihatod na kay daghan pa ko trabaho daani." (Ano man? Ihatid mo na at marami pa akong trabaho rito) Sabi niya at marahan akong itinulak.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagtungo sa sala kung saan si Amour. Nagdadalawang isip ako ihatid, paano kapag i-saboy niya sa akin bigla ang mainit na kapeng to?
Nilunok ko na ang pride at humakbang palapit sa kanya. Aanhin ko 'yang pride na 'yan, gusto ko maayos ang relasyon ko sa kanya.
"Amour, pinapabigay ni Nanay." Sabi ko nang makalapit ako at inilagay ang tasa ng kape sa lamesa.
Hindi niya ako sinagot at inabala ang sarili sa kanyang laptop. Nakita ko na tungkol sa trabaho ang ginagawa niya, malaking abala talaga ang ginawa ko sa kanila at pati mga trabaho iniwan nila.
"Amour," muli kong tawag at hinintay siya.
Nag-angat siya ng paningin sa akin. "What?" Base sa lamig ng boses niya ay halatang wala na siyang gana kausapin ako.
"Pwede ka ba maka-"
"Rhea," umarko kaagad ang isang kilay ni Amour matapos marinig ang boses ni Emilie na tinawag ako.
"Ems, magandang umaga." Bati ko at tutulungan sana sa dala niyang balde nang bigla akong hinila ng mabilis ni Amour, dahil sa lakas at na-out of balance ako bigla ay bumagsak ang katawan ko sa mga legs niya.
"I'm still mad. Good morning." Bulong niya at bigla akong hinalikan, nasaksihan ni Emilie 'yun at ngayon ay ayaw akong pakawalan ni Amour.
"If you don't have anything else to say, just leave." Nanlalaki ang mga mata ko sa ipinakitang ugali ni Amour kay Emilie, baka nakakalimutan niyang may-ari ng hacienda 'yang pinapalayas niya?
"Yawa." Mahinang sambit ko.
"What?" Pagbaba ng tingin ni Amour sa akin at pinagbantaan ako.
"What are you doing to her?" Panibagong boses ang sumingit sa kalagitnaan ng tensyon, nilingon ko si Ines at sumenyas na sana tulungan ako makaalis dito.
Lumapit siya sa amin at hinila ako patayo para makaalis ng tuluyan sa mga braso ni Amour. "I'd like to go outside for a walk while the day's still cool." Sabi ni Ines at hinawakan ako sa kamay bago hinila palayo sa kanila at tuluyang lumabas ng bahay.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niyang pagsagip sa akin, hindi ko alam kung sino ang pipiliin do'n sa dalawa kanina kung nagkataon hindi dumating itong isa.
"Ines, thank you." Pasasalamat ko sa kanya.
"Welcome." Sagot niya at muling nanahimik.
"Saan mo gusto pumunta? Wala masyadong pasyalan dito at puro prutas at gulay lang makikita mo tapos malawak na palayan." Sabi ko sa kanya, baka kasi biglang mag-aya papuntang bayan, medyo may kalayuan 'yun.
"I don't know, I just had this feeling that you needed my help, so I blurted it out." Sagot niya sa akin.
"You've been absent for a week already. There are so many topics that you need to catch up on." Bigla niyang sabi at pinaalala sa akin na baka maapektuhan ang scholarship ko kapag pinabayaan ko ang grades ko.
"But I believe in you, and I'm confident that you'll be able to catch up because you're smart. Just don't let me down, I have high expectations for your performance in class." Sabi niya at tinapik ako ng dalawang beses sa aking baba.
"Syempre makakaasa ka, kahit pa mag pustahan tayong dalawa. Ma-ace ko lahat ng subjects sa exam." Pagmamayabang ko pero ang totoo ay hindi rin ako sigurado.
"Oh? Are you challenging me?" Taas kilay niyang sagot at ngumisi.
"Oo, kapag may grado ako kahit isa na mababa sa 95- susundin ko lahat ng gusto mo sa isang araw." Hamon ko sa kanya. Pero baka ang kahantungan nito ay tres ako sa iba.
"I see. Then how about this. If you manage to maintain a grade of 95 in all subjects, I'll willingly become your obedient servant for an entire week." Gulat akong napalingon sa kanya. Si anteh Ines, willing maging alipin sa isang linggo?
"What? Why are you reacting like that? I'm serious, Rhea. If you want to see me obeying your every demand, you need to maintain all your grades." As a gesture of confirmation, she gently placed her hand under my chin and kissed my cheek.
"Kailan ba exam?" Tanong ko at bigla siyang ngumisi na para bang sinasabi sa akin na mag handa na ako sa mga mangyayari.
"Secret." Sagot niya at nauna maglakad.
Loko na, paano kung next week na pala?
Nag lakad-lakad lang kami ni Ines, hanggang sa nagpasya rin kaming bumalik pagkalipas ng kalahating oras. Nagtataka ako pagbalik dahil abala parin si Nanay Minda sa pagluluto na parang walang katapusan. Hinawakan ko ang kamay ni Ines at kinaladkad malapit kay Nanay.
"Nay, ngano daghan man ka gi-luto? Murag ganina raman ka diha ah, para asa manang uban?" (Nay, bakit marami ang niluto mo? Parang kanina ka pa d'yan ah, para saan ang iba?) Tanong ko kay Nanay Minda at kumuha ng tinidor at sinubuan si Ines ng bagong luto na pancit.
"Sarap? Basta gawa ni Nanay." Pagmamayabang ko sa lutong pancit.
"Do you know how to cook? Next time, prepare a meal for me." Ngumiti ako at tumango, marunong ako magluto at masarap nga raw sabi pa ng mga asawa ni Kris.
"Okay, 'yun lang naman pala." Sabi ko at muli siyang sinubuan bago ako niyakap sa bewang at tumingin kay Nanay.
"Mangaligo man daw sa RR, mao ana ko kay Arleth gabie ako nalang mag andam sa mga pagkaon." (May outing daw sa RR, kaya sabi ko kay Arleth kagabi na ako na maghahanda ng mga pagkain.
"RR?" Tanong ko kasi hindi ko alam.
"Basta mangaligo." Sabi niya kaya hindi na lang din ako nangulit pa.
"Ines, may dala kang bikini?" Tanong ko na ikinakunot ng kanyang noo.
"None, why?" Sagot niya.
"Mukhang may outing tayo sa isang resort eh." Sabi ko sa kanya.
Pastilan at bakit sila nag-aya ng outing? Akala ko ba nandito sila para sunduin kami pabalik? Bakit parang ma i-extend na naman kami ngayon kasama sila. Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang sumulpot si Azalea na bagong gising. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng morning kiss kahit nakayakap ako kay Ines.
"Good morning." Matamis niyang bati sa amin.
"Baby, may outing daw tayo ngayon. May dala kang swimsuit?" Tanong ko sa kanya at siya naman itong medyo naguluhan kaya ipinaliwanag ko ulit tapos ang ending ay wala rin siyang dala.
"Pwede naman tayo dumaan ng mall mamaya para bumili, pero mas gusto kong wag na kayo mag bikini- mas gugustuhin ko nalang mga naka t-shirts at shorts lang kayo kasi baka maraming tao, tapos bastusin pa kayo." Pero kaya ko naman sila ipaglaban kung mangyari man 'yun kaso hindi ko sila kaya bantayan isa-isa, hahatiin ko katawan ko?
"Okay, if that's what you want." Mabilis na sagot ni Ines at pinaboran ako sa gusto kong gano'n nalang ang suotin niya.
"I have menstrual cramps right now. That's why I woke up early due to the painful cramps in my lower abdomen." Sumbong ni Aza sa akin kaya nag excuse muna ako saglit kay Ines upang magpakulo ng mainit na tubig para makainon siya ng mainit.
"Huwag ka na maligo, sa cottage ka nalang manatili mamaya." Sabi ko sa kanya at pinatabi siya kay Ines.
Muling sumulpot si Emilie at ngayon papalapit kay Nanay Minda.
"Hey, fourth wife." Biglang tawag ni Azalea kay Ems kaya gulat akong napatingin sa kanya. Tumingin din ako kaagad kay Emilie na biglang natulala dahil sa pagtawag ni Aza ng fourth wife sa kanya.
"Yes?" Sagot ni Emilie nang bumalik na ito sa tamang huwisyo.
"Mind if I ask you a favor?" Tanong ni baby ko. Tahimik lang ako gumagawa ng gatas para mainom niya.
"Go ahead." Sagot naman nito at nagtungo sa ref.
"Is there a nearby pharmacy around here where I can buy medicine? My cramps are causing me a lot of pain." Sabi naman ni Azalea at agad kinuha ang inabot kong gatas sa kanya.
"The pharmacy is a bit far, but I can ask Jovanne to buy them for you. How many tablets do you need?" Kaswal na sagot ni Emilie, parang ang tagal na nila magkakilala kung mag usap eh.
"2?" Sagot ni Aza. Hindi rin siya sure kung ilang gamot ang kailangan para sa cramps niya.
"Okay, sure." Balik ni Emilie.
Habang abala silang dalawa sa pag-uusap ay inabutan ako ni Nanay ng isang heating pad para raw sa sakit ng puson kaya agad akong pumwesto sa likod ni Aza habang nag-uusap silang dalawa ni Emilie at ipinasok sa loob ng damit ang heating pad at inipit sa shorts niya.
Marahang tinapik ni Aza ang pisngi ko. "Thank you." Sabi niya at tumango ako bago tumingin kay Emilie na kaharap lang namin tapos si Ines nasa kabilang side ko.
"Rhea." May panibagong tao ang biglang sumulpot, ang kaibigan ko at may dala pa siyang itak tangena.
"Uy, ilayo mo nga 'yan Kris, ano ba ginawa mo at may bitbit kang itak?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, may sinisibak kasi akong kahoy sa likod. Hinahanap kita para magpasama kumuha ng mga kawayan." Kumunot ang aking noo. Sa sobrang sipag niya mag trabaho kung anu-ano na lang ang gusto niya gawin.
"Aanhin mo ang kawayan?" Tanong ko sa kanya, pati itong mga kasama namin ay curious sa kung anong plano niya.
"Eh, basta- samahan mo nalang ako." Nagpupumilit pa talaga tapos ayaw naman sabihin para saan.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. "Alis muna ako, samahan ko muna si friend sa kung anong trip niya gawin sa buhay." Paalam ko sa tatlo.
"Okay, take care and have fun." Mabilis na sagot ni Ines.
"Enjoy." Sabi naman ni Azalea.
"Ayaw mo kaayo pag palayo kay daghan halas sa kawayanan." (Wag kayo masyado lumayo at maraming ahas) Paalala ni Emilie.
"Okay, tara." Sagot ko at sinabihan si Kris na mauna na.
Pero bago ko makalimutan ay bumalik ako at isa-isang humalik sa mga pisngi nila. Hindi naman sila kumontra kaya ngumiti lang ako at tuluyang nagpaalam sa kanila.
"Uy kris! Hintay!" Tawag ko sa kaibigan at biglang nakabangga si Amour.
"Watch where you-"
Magsasalita sana ito kaso mabilis kong ninakawan ng halik sa labi nito at kumaripas ng takbo.
Ayos, kaya ko to.
Laban lang, Rhea.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip