𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 24
-
Nasa byahe na pala kami ngayon patungong resort. Pastilan, sana sumabay nalang ako sa sasakyan nila Nanay. Tatlong sasakyan gamit namin ngayon, Sa isang sasakyan ay si Kris kasama mga asawa niya, sa isa naman ay si Jovanne kasama si Nanay tapos si Ian- nakalabas na kasi galing mental ay hospital pala kaya isinama na lang din siya, tapos syempre ako ay nasa sasakyan na kasama ang apat.
Si Emilie ang nagmamaneho, nasa passenger's seat naman ang EX niya na parang wala sa mood dahil bakit daw kailangan siya sa pwesto na 'yun? Sinabi ko naman sa kanila na ako nalang mag drive o hindi kaya ay sa tabi ni Emilie pero hindi pumayag si Ines at Aza, kaya nandito ako ngayon sa backseat kasama sila at talagang pinagitnaan pa nila akong dalawa.
"Are we still far away?" Naiinip na tanong ni Amour sa kanyang katabi.
"It hasn't even been 10 minutes since we left, are you really in a hurry? What do you want me to do? Ang paliparin ang sasakyan?" Sagot sa kanya ni Emilie.
Kanina pa 'yan silang dalawa panay batuhan ng mga salita pero hindi ako nakikialam lalo na at hindi pa kami bati ni Amour, panay bato ng mga sarkastikong salita si Amour at binabalik naman ng double nong isa.
"Can we make a quick stop at the convenience store? I need to buy some sanitary pads." Salita ni Aza kay Emilie.
"Okay,"
"Masakit pa rin ba puson mo, baby? Ako nalang ang bababa para bumili." Sabi ko sa kanya at mas makabubuti kung magpahinga na lang siya kaysa kumilos pa.
"Is that okay with you?" Nag-aalala pa siya sa kalagayan na ganyan.
"Oo, ako na." Sagot ko at matamis siyang nginitian.
"We'll wait here." Sabi ni Emilie at bigla ipinarada ang sasakyan.
Binigay ni Aza sa akin ang wallet niya kaya agad ko 'yun kinuha at bumaba ng sasakyan saka dali-daling pumasok sa convenience store, kakapasok ko pa lang pero may boses na sumunod sa akin- paglingon ko ay nakita ko si Ines.
"Bakit sumunod ka? May kailangan ka rin bang bilhin?" Tanong ko sa kanya pero binigyan lang ako ng isang kibit-balikat at nauna.
"Nakalimutan ko itanong kung anong brand-" babalik sana ako sa sasakyan pero sinabihan ako ni Ines na alam niya kung ano ang gamit ni Aza dahil sinabihan siya na sundan ako.
Sunod nang sunod lang ako sa kanya, naghahanap din ng pwede makain habang nasa byahe nang bigla niya inabot sa akin ang cellphone niya. Nagtaka ako kasi para saan at binigay niya?
"Ano gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.
"I want to take a picture with you now that no one's around." Sabi niya sa akin kaya mabilis akong tumingin sa paligid. Walang tao pero may tao akong nakikita sa labas.
"Okay, sige."
"Take a picture while kissing me." Nanlalaki ang mga mata kong nilingon siya, seryoso? Gusto niya halikan ko siya? Dito mismo?
"Hon," malambing niyang sambit. Napalunok ako sa ginawa niyang triangle method at ngumiti ng pagkatamis. Mabilis kong inilapit ang mukha sa kanya at agad niya naman sinalubong ang labi ko kasabay ang pagkuha ko ng litrato.
Mabilis lang at humiwalay din ako kaagad bago pa man may makakita sa aming dalawa. Tiningnan ko ang nakuha kong litrato at napangiti. "Maganda, save mo." Sabi ko at ibinalik ang cellphone sa kanya.
"Ano gagawin mo d'yan?" Sunod kong tanong pagkatapos kumuha ng piattos.
"I will send it to the group chat I created earlier." Sagot niya at itinago ang kanyang labi sa likod ng kanyang phone.
"Group chat? Kanino?" Kunot noo kong tanong muli sa kanya.
"Your four wives." Mabilis na sagot ni Ines saka ako tinapik sa aking baba at ngumisi. Grabe ang bebelabs ko, kakaiba at mukhang balak pa mang-asar sa iba.
Pinakita niya sa akin ang kanyang sinend, naloko na at meron rin silang ganito. Bakit walang slave? Dapat may slave rin sila, inang yan.
Pagkatapos magbayad ay bumalik din kami kaagad ng sasakyan kaso pagpasok ko ay nanlamig ako bigla, pag-angat ko ng mga mata ay sa akin pala sila nakatingin. "Hindi ako nag send no'n? Inutusan lang ako ni Ines kaya sinunod ko lang." Paliwanag ko kaagad dahil mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ang lalim nila kung makatingin sa akin.
Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Ines bago ako itinulak papasok ng sasakyan at balik sa aking pwesto. Sinilip ko ang cellphone ni Aza at hindi nga talaga nagsisinungaling si Ines dahil may GC sila tapos nakita ko ang litrato na kuha ko kanina na may caption ni Ines na...
'Sorry to everyone, but the first wife is here.'
Hindi nakapalag ang tatlo, wala eh, legit na first wife ko si bebelabs. Pinatay ni Aza ang kanyang phone at sumandal muli sa aking balikat at niyakap ang braso ko.
"I don't mind who was her first wife, but I'm aware that you all do not have an official relationship with her. Apologies if it hurts your pride, but I'm the only one who has officially dated Rhea among the four of us. You were just contractual partners, weren't you?" Biglang hamon ni Aza sa tatlo, and there's no immediate reaction from others, especially me, who's stunned, and I subconsciously bite my lower lip. Ayaw magpatalo ng baby Aza ko at palaban na rin.
"Whatever." Narinig kong sagot ni Amour.
"It's not so bad, since that's where our relationship will eventually lead anyway, right, hmm?" Ines asks as she blows on my ear, then snuggles up to my neck while wrapping her arms around me.
Wala akong sinagot sa kanila at nanatili lang na tahimik, gusto ko lang manahimik at baka kapag may sinabi ako ay magkaroon pa ng misunderstanding. Basta ang alam ko sa sarili ko ay masaya at kinilig ako sa sinabi nilang dalawa kaya lihim na lang akong nagbunyi.
Makalipas ang halos isang oras ay narating namin ang RR resort na sinasabi nila, maganda siya at malawak, ang kaso lang ay open masyado ang mga cottages kaya nag hanap kami kaagad ng private cabin para malaya rin kaming lahat makakilos ng hindi naiilang dahil sa ibang tao. Maganda tong nakuha naming pwesto dahil nasa itaas kami kaya tanaw namin lahat ng mga naliligo sa ibaba.
Busy na ang lahat sa pagpapalit ng mga bikini nila, sabi ko wag na sila magsuot niyan pero gusto nila kaya hala sige animal, support nalang ako. Wag lang talaga ako makakita na binabastos sila at baka lumipad tong paa ko sa mukha ng kung sino man ang magtangka. Bumalik ako sa loob at nakita si baby ko na nakaupo lang sa sofa, hindi nga pala siya makakaligo at may regla tapos masakit pa kaya puson niya?
"Aza," I call out to her and hold onto both of her shoulders, gently making her lean her head back to look at me.
"Hmm?"
"Masakit pa rin puson mo?" Tanong ko at umikot saka tumabi sa kanya ay ikinulong siya sa aking mga bisig habang abala siya sa kanyang nilalaro na sudoku ba tawag dito?
"It's better now compared to earlier. I've taken medicine and I'm using a heating pad." Sagot niya at malambing na isinandal ang ulo sa aking dibdib.
"Mabuti naman, hindi na lang din ako maliligo para may kasama ka." Sabi ko, baka kasi may bigla siyang kailanganin tapos mukhang maiiwan pa siyang mag-isa ngayon at siya lang ang hindi maliligo.
Nakita ko ang kanyang pag iling at kilos upang harapin ako. "It's alright, I'll stay outside so I can watch you. Just enjoy yourself, and I can take care of myself. You don't need to pamper me or treat me like a princess, I don't like it." Sabi niya sa akin at muling bumalik sa pag sandal.
"Pero gusto ko pagsilbihan ka." Muli kong salita at kinagat ang kanyang leeg. Malambing na kagat lang, light kumbaga at ayaw ko diinan at baka masaktan pa siya.
"Why are you being so flirty with me right now? I won't entertain anyone else if that's what you're thinking. Are you trying to leave a mark on me? I'm all yours even if you don't have to leave any on me, but if it makes you happy, go ahead and put them anywhere you like." She whispers softly and gently caresses the back of my head, so I continue leaving marks on her neck that are visible to others.
"What the hell are the two of you doing? Aren't you embarrassed that others are witnessing what you're doing?" Biglang boses na nagmula sa aming likuran kaya natigilan ako. Paglingon ko ay nakita ko si Olivia at Kate, mga nakasuot ng two-piece kaya agad ako nag iwas ng paningin sa dalawa. Nakakahiya at mukhang nakita pa nila ang ginawa ko.
"Ignore my sister, she's always been like that- it's as if she doesn't do the same thing with her wife." Pagpaparinig ni Aza sa kanyang ate. Ngayon alam ko na kung bakit takot parents nila sa kanila.
Sunod-sunod na dumating ang iba at talagang napadasal nalang ako nang makita ang tatlo. Pumwesto talaga silang tatlo sa harap namin ni Aza, pwede ba magsuot muna sila ng pantakip? Pisting yawa na tintin to oh, pahamak masyado.
Ines looks absolutely stunning in a simple yet seductive black bikini. Her halter-neck bikini top accentuates her bust and creates a deep V-shape that draws your eyes towards her cleavage. Her high-cut bikini bottoms feature tiny strings at the sides that emphasize her hips and frame her behind, which is well-showcased by the cut of the swimsuit.
Sunod napunta ang mga mata ko kay Amour na sa harap pa talaga namin inayos ang kanyang suot. Her bikini top is a triangle style, with a low-cut front and adjustable straps that criss-cross in the back. The bikini bottoms are high-cut, featuring a cheeky cut, which showcases a generous amount of the wearer's derriere. The sides of the bikini are embellished with small, shimmering sequins that catch the light and add a touch of sparkle to the overall look.
Huli kong pinagmasdan si Emilie, hays, hirap na hirap na ako yawa- iba talaga reaksyon ko kapag katawan ang pag-uusapan. Ewan, sexy at talagang kaakit-akit naman talaga ang iba, pero sadyang meron sa katawan ni Ems na hindi ko kaya maipaliwanag at ang bilis mag react ng katawan ko sa kanya. Tiningnan ko siya mula dibdib hanggang tuhod niya at itinago ang mukha sa likod ni Azalea matapos mahuli ni Ems ang mga mata kong nakatingin sa kanya tapos bigla itong ngumisi, alam niya kasi talaga na kahinaan ko katawan niya nyawa siya.
She looks incredible and confident in her push-up bikini. The bikini top is a padded design, providing ample support and a noticeable boost to her already impressive cleavage. The swimsuit fits her like a glove, accentuating her hourglass figure and highlighting her waist. Her cheeky bikini bottoms give her a perfectly rounded and shaped bottom. Overall, the swimsuit hugs her curves in all the right places, making her look absolutely stunning.
Ikinagulat ko ang biglang paghatak ni Ines sa isang braso ko at bahagyang inilayo kay Azalea tapos si anteh Ines, bigla nalang umupo sa pagitan ng mga hita ko at pinulupot ang mga braso ko sa katawan niya- kulira.
"Let me stay here for a while, are you not going to change into something else?" Tanong nito sa akin.
"H-Hindi, okay na tong sando at shorts ko." Sabi ko at bahagyang inilayo ang ibabang parte ng katawan ko at baka maramdaman pa niyang tinutusok siya.
"I see." Sagot niya at binalingan si Azalea na nagpatuloy sa paglalaro ng sudoku. "Second wife." Tawag nito, panuway at bakit ganyan tawag nila sa isat-isa.
"Yes?" Sagot ni Aza nang hindi man lang tumitingin.
"How are you feeling now?" Tanong ni Ines, buti nalang talaga at nagkakasundo silang dalawa. I mean, buti na lang walang ka-ugali ni Arleth sa apat at baka hindi ko kakayanin.
"Good, thanks for asking." Mabilis na sagot ni Aza.
Habang nag-uusap si Aza at Ines ay ninakawan ko ng tingin ang dalawa na nasa harapan lang din namin. Pakiramdam ko naiinis si Amour sa suot niyang pang-ibaba dahil sa parang kulang nalang punitin niya ito, gusto ko sana tumulong pero biglang kumilos si Emilie. Inaasahan ko na magtatalo o aaway ulit silang dalawa, pero himalang hinayaan lang ni Amour ang ginawang pagtulong ng EX nito.
Makalipas ang mahabang minuto ay nagpasya na silang lumabas, as in wala man lang silang sinuot na pantakip sa katawan. Wala naman problema pero kasi- talagang agaw atensyon ang mga suot nila. Magpapa-iwan sana ako sandali para samahan si Aza kaso sabi niya ay sumabay na ako para bantayan ang tatlo, binigyan pa ako ng responsibilidad pastilan.
Tumingin ako sa veranda ng cabin at nakita si Aza'ng nakatingin sa amin. Ngumiti at kumaway ako sa kanya, balikan ko nalang siya mamaya kapag na-secure na tong tatlo.
As we made our way down to the exclusive pool they had reserved, we couldn't help but pass numerous people, and I wasn't mistaken. Just look at the way they were leering at them, especially the boys, it was as if they were mentally undressing them with their eyes.
Nasa unahan ang mga asawa ni Kris kasabay siya, sunod naman ang tatlo kasabay sila Nanay at ako ang nahuhuli. Nasa unahan ko lang si Emilie, bigla itong huminto at lumingon sa akin. Nagulat ako dahil bigla akong niyakap sa braso at inipit ito sa pagitan ng kanyang dibdib, pisti lang jud.
"Ngano ga mug-ot ka?" (Why are you frowning?) Bulong niya.
"I don't like how some of the guys are looking at you, especially that one over there." I say to her as we walk, and gesture to a man who's ogling her shamelessly.
"Just ignore them. They only have the right to look. You have the upper hand, you've touched and tasted my body already." Biglang nangati ang tenga ko sa kanyang sinabi at agad nag-init ang mukha.
Tumingin ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mga mata. "Ems, alam mo talaga kung paano buhayin ang katawan ko. Wag dito, wag mo muna ako landiin at baka talagang tuluyan na ako ng EX MO." Saway ko sa kanya at ngumuso sa unahan kung saan si Amour, nakatayo at malalim kaming tinitigan.
"Nagseselos na yan." Sabi ko pa.
"Kanino? Sayo o sa akin?" Bigla niyang tanong kaya hindi ako nakasagot, aba malay ko kung kanino.
Agad kaming naligo pagdating sa pool area, maganda lalo na at kami lang ang gumagamit ngayon kaso hindi parin talaga mawawala ang tinginan ng mga tao, kay gago ba naman kasi at nasa gitna 'yung pool na kinuha nila para lang sa amin- sobrang dami ng tao kaya hindi talaga maiiwasan ang hindi tumingin, tapos may mga kilalang artista at modelo pa kaming kasama. Anak ng tokneneng, mabuti at marespeto mga tao rito kaya malaya parin silang nakakakilos, ayun nga lang ang problema ay ang mga mata na ayaw silang lubayan.
Muntik pa kaming malunod ni Ines kanina, minatay bayhana- lakas niya sabihing pumunta ng malalim tapos hindi pala marunong lumangoy ang anteh nyo. Umahon ako, naupo sa gilid ng pool habang sila nag eenjoy, tumingin ako sa veranda ng cabin at nakita si baby Aza ko- nagbabasa ng libro.
Muli ko ibinalik ang atensyon sa mga kasama, hindi ko alam kung nakakahinga pa 'yang kaibigan ko at pinalibutan nong apat sa pool. Sa kabilang side naman si Emilie kasama sila Nanay, Jovanne, at Ian tapos nasa gilid ko sila Ines at Amour, nag-uusap at hindi ko alam kung tungkol saan.
"May gusto ba kayo inumin? Bibili ako drinks." Yumuko ako at nagtanong sa dalawa.
May mabibilhan naman, tapat lang nito.
"Ladies drink." Sagot ni Amour ng hindi ako tinitingnan, galit pa rin talaga siya.
"Me too." Sabi ni Ines.
"Okay, wait lang." Sabi ko at tumayo.
Aalis na sana ako nang bigla pumasok si Azalea sa pool area namin, tingnan mo ang baby na 'yan at fresh na fresh kahit may regla. Mabilis ko itong nilapitan at nginitian. "Bored ka na sa taas, baby?" Masayang tanong ko.
"Mhm, where are you going?" Tanong niya matapos maupo, malapit lang sa pwesto namin kanina.
"Bibili ng drinks, may gusto ka ba ipabili?" Tanong ko, may pagkain naman doon sa cabin pero mamaya pa ata 'yun sa lunch.
"No, okay go ahead." Sabi niya kaya nag excuse ako kaagad para makabalik kaagad.
Medyo maraming nauna kaya naghintay nalang muna ako hanggang sa hiningi ng kung ano ang bibilhin ko. Nag order ako tig-iisa sa aming lahat except lang kay Nanay, mukhang matatagalan at dalawa lang sila gumagawa.
"Hi, kauban nimo na sila?" May babae ang lumapit sa akin at itinuro sila Aza,
"Ha? Hindi ako marunong mag bisaya, sorry." Sabi ko, charing lang.
"Oh sorry, tinatanong ko kung kasama mo sila?"
"Oo,"
"By the way, I'm Alexandra." FC si anteh n'yo, sige nalang at hindi naman ako lumaking bastos.
"Rhea," sabay lahad ng aking kamay.
"Pamilya mo?" Sunod niyang tanong. Tumango ako at ngumiti.
"Oo, tapos kasama asawa ko." Sabi ko para aware siya.
"May asawa ka na? Hindi halata sa mukha mo. Hindi naman siguro siya magseselos?" Ang daming tanong ni anteh, akala mo matagal na kaming magkakilala.
"Siguro," tipid ko na sagot.
"Have you ever had an argument with your wife?" Tanong nito. Pastilan, okay lang sana kung kada sagot ko may ibibigay siyang bayad.
"Sino?" Kunot noo kong tanong, apat asawa ko kaya ayusin niya ang tanong.
"Your wife." Ulit niya.
"Wives." Pagtatama ko.
"Wives?" Gulat niyang salita.
"Oo, apat d'yan asawa ko." Pero kahit naiinis na ako ay magalang parin ang pag sagot ko sa kanya lalo na at hindi naman ako binabastos.
"Okay, so?" Ayaw ako tantanan, minatay bayhana.
"Before I could open my mouth, they already silenced me with their gazes, so I kept my mouth shut." Kaya kung ako sa kanya ay lumayo-layo na siya at masama na tingin nang apat sa kanya.
Nagpatuloy ang aming question and answer, palong-palo sa mga tanong si anteh at dinaig pa ang M.U. kung mag tanong. Ang tagal naman ng order ko at uhaw na uhaw na ako pastilan, halos mangalahating oras na ako nakaupo at kausap tong babae na mukhang wala rin balak ako tantanan.
"So taga saan kay-"
"Darling," nangilabot ako sa hindi inaasahan na pagsulpot ni Amour at ipinalibot kaagad ang mga braso sa aking leeg sabay patong ng kanyang baba sa balikat ko.
"We've been waiting for you. Wow, don't tell me you're thinking of committing the same mistake again? Even though you're already with your wives, you dare cheat in front of our faces?" Nanlamig ako lalo sa kanyang sinabi na may halong pagbabanta, hindi pa pala kami okay at ngayon pinapamukha harap-harapan ang ginawa ko sa kanila.
"Hindi, hinihintay ko pa kasi matapos 'yung inorder ko at medyo marami." Kalmado kong paliwanag sa kanya. Hindi ako nangahas na gumanti ng yakap o ano sa kanya dahil baka hindi magustuhan ni Amour.
Nakaupo kasi ako tapos parang pantay lang height namin dahil may kataasan din 'yung inuupuan ko. Suddenly, she encircled herself between my arms and chest, turning to face the woman I was talking to earlier with an intensified stare.
"Excuse me, but she's no longer single. She's married already." Sabay kuha niya sa kamay ko kung saan ang kanilang singsing at ipinakita sa babae.
Tumango nalang ako at nanahimik, hindi nakakapagsalita ang babae at tulalang nakatingin kay Amour. Ilang segundo pa ang lumipas ay si Emilie naman ang dumating at pwesto sa kabilang side ko. Tapos hindi lang 'yun, nyawa jud ni silang dalawa ni Amour ba at parang ginawa akong tulay para pagselosin ang isa't-isa. Si Indai Emilie n'yo, humalik sa labi ko at walang takot na ipinakita sa EX niya at mga tao.
"Babe, I missed your moan." Napasinghap ako sa kanyang sinabi. Syempre malapit ang mukha ni Amour sa mukha ko kaya narinig niya rin ang sinabi nito.
"Proud ka sa panloloko ninyo?" Ngayon ay nagharap ulit silang dalawa, madadamay ulit ako nito. Wala naman ako balak takasan sila pero kasi bakit dito sila nagbabangayan sa maraming tao?
"Bakit ako hindi magiging proud? I'm single, and by the way, your relationship isn't even real. So you have no right to accuse her of cheating when you've been using her for your own benefit from the very beginning." Bigla akong hirap lumunok, parang may bumara sa lalamunan ko at ngayon aligaga na dahil sa pinatulan pa ni Emilie si Amour.
"Even if it's true or not, we had an agreement. Couldn't you find anyone else? After leaving, now you're coming back and inserting yourself into our relationship?" Sumbat ni Amour pabalik, grabe kung makapag sabi ng insert. Nahihirapan na akong huminga, tangena at baka mag sampalan sila d'yan.
Tumingin ako sa kung saan ko iniwan si Azalea at Ines, nakita ko sila, nakatingin sa amin. Sumenyas ako na tulungan ako pero ngumiti lang silang dalawa at nanatili sa kanilang pwesto, hindi talaga nila ako tutulungan?
Hays, dahil sa tensyon nilang dalawa ay nagpaalam na ang babaeng kanina ay ayaw ako tantanan. Nagpapasalamat ako dahil wala na siya pero nag-aalala rin para sa sarili ko at mukhang mag-aaway na naman ang dalawa.
"Tama na kayo, walang may kasalanan sa inyo at ako talaga ang may malaking pagkakamali. Sorry, handa naman ako panagutan lahat ng pagkakamali ko. Sabihin n'yo lang sa akin at gagawin ko." Mahinang salita ko sa dalawa at nakahinga ng maluwag dahil huminto rin naman sila sa pagtatalo.
"Ma'am, nandito na po order mo." Malaki ang pasasalamat ko dahil sa wakas ay dumating ang mga inumin, ligtas ako sa ngayon.
"Salamat." Sabi ko at inalis ang mga kamay sa dalawang babae bago tumayo upang kunin ang tray.
"Ay ma'am, kami na ang magdadala."
"Sige, salamat."
Nauna kaming umalis tatlo total ihahatid naman daw nila. Alam ko malaki ang kasalanan kong nagawa sa kanila, pero sana naman huwag nila ako gamitin para pagselosin ang isa't-isa? Hindi nalang ako umimik nang halos sabay nila niyakap ang magkabilang braso ko habang naglalakad pabalik sa iba.
Nagpatuloy kami sa pagligo, tuloy-tuloy din ang naging dagdag sa inumin hanggang sa sumapit ang dapit hapon. Medyo malamig na ang tubig kaya tumigil na kami sa pagligo at bumalik nalang sa cabin at doon nagpatuloy ng inom. Hindi naman sila lasing, sakto lang kumbaga ang nainom nila.
Nandito kami sa may veranda, nag uusap-usap na may konting inuman- konti lang kasi hindi naman kami lasing. Sila Nanay at ang dalawang lalaki ay nagliligpit na sa loob, nakakalungkot lang kasi maiiwan na namin si Nanay. Uuwi na kami mamayang gabi at hindi na raw pwede ipagpabukas pa dahil may mga trabaho sila.
"In fact, you won't regret marrying Rhea. She's a kind and thoughtful person. You didn't make a mistake in choosing her as your wife, Ines." Pahayag ni Thalia habang nakahiga siya sa dibdib ni Arleth, oo nga pala at may relasyon na sila bago pa man nila nakilala si Kris.
"Exactly, I shouldn't have shared her with others and should have kept her all to myself." Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Ines at tumingin sa akin. Bakit ako topic ng mga anteh?
"How did the two of you meet?" Tanong ni Thalia,
"Well," well-wellin ko noo niya d'yan pag hindi niya inamin na ikinulong niya ako ng walang kasalanan.
"Napagkamalan niya akong akyat bahay kahit nag wawalis lang ako sa labas ng bahay. Sideline ko kasi dati ang maging kasambahay, bagong dating ako no'n at hindi muna pumasok kasi nilinis ko una ang bakuran. Robbery with homicide, hindi ko naman alam may mga magnanakaw na sa loob ng bahay? Nagulat na lang nga ako bigla silang dumating at hinuli ako." Hindi ko rin naman masisisi sa totoo lang dahil kahit ako ay walang sapat na katibayan noon na magpapatunay na inosente ako, dinamay kasi ako nong mga magnanakaw at sinabi na isa ako sa mga kasamahan nila kaya ayun- tangena nila.
"Nagpaliwanag pa ako no'n na kasambahay ako ha, tapos sinabi lang ng mga suspek na inside job ay hala- boom, panis, kulong si anteh Rhea." Pagbabahagi ko at kamot ng aking ulo.
"Kaya pala hindi kita mahanap dati? Yan pala 'yung sinabi mo sa akin dati na nakulong ka? Galit na galit ka pa nga sa babaeng nagkulong sayo. So si Ines pala ang pulis na 'yun?" Tanong ng kaibigan ko habang tumatawa.
"Oo, sabi ko pa sa sarili na isusumpa ko ang babaeng 'yun. Naloko na at pinagtagpo ulit kaming dalawa, mas nakakatawa, sa muli naming pagkikita napagkamalan n'ya ulit akong holdaper imbes na tumulong lang ako sa matanda." Pailing-iling kong saad at napa buntong hininga nalang dahil sa naalala ko na naman.
Walang nakakatawa, pero para sa kanila mukhang katawa-tawa ang naging karanasan ko. Nakakatawa naman talaga, pero kung ikaw 'yung nasa sitwasyon ko ay mahihirapan ka.
"So ayun, to make the story short ay nagpasya siyang pakasalan ako para raw pagbayaran ang ginawa niyang pagpapakulong sa akin. Ganda ng offer niya no?" Sabi ko at tumango pa sila upang sumang-ayon.
"Alright then, how about Amour? How did you meet my cousin?" Sunod na tanong ni Kate.
Naiilang ako kung sasagutin ko ba nimal na 'yan. "Bakit naman napunta sa akin ang usapan, pwede namang iba na lang." Sagot ko para maiwasan ang topic.
"Why not? We're curious." Biglang singit ni Olivia kaya hindi na ako pumalag.
"Ah," sabay yuko ng aking ulo at nahihiyang kinamot ang tenga ko, nasa akin na kasi lahat ng mga atensyon nila at para akong nasa isang paglilitis, panuway.
"Actually, sobrang bilis ng pangyayari nong bigla niya ako alukin na maging fiancee. Nasa restroom ako noon at nagkataon na nando'n din siya, may naiwan siyang box na naglalaman ng singsing kaya agad ko siyang hinabol para isauli sa kanya ang naiwan. Tapos ayun, bigla niya akong kinaladkad at pinakilalang fiancee sa magulang niya. Galit na galit pa nga ama niya, pero pabor naman sa akin ang mommy. Isa pa, sabi niya magpanggap lang daw ako sa loob ng isang buwan at babayaran ako ng triple, pero hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap." Pagbibiro ko, pero 'yun naman talaga ang sinabi ni Amour sa akin. Kalimutan nalang natin at bayad na siya, ikaw ba naman ibenta ng sarili mong ina sa halagang isang bilyon- mas lugi siya.
Narinig ko ang pag 'tsk' ni Emilie kaya napatingin ako sa kanya, masyado akong nadala sa kwento at nakalimutan na may namagitan nga pala sa kanila.
"That's just how my uncle is, and even now he still wants to marry her off to a man I can't remember the name of." Sabi ni Kate at kaagad naman tumango si Amour.
"How about you?" Syempre hindi rin magpapahuli si Olivia at talagang tinanong din ang kanyang kapatid.
"Si Aza, sa ano kami nagkakilala sa re-"
"I've noticed Rhea for quite a while, years to be exact. I was single at the time and I was just starting my career. In fact, she was already following me on all of my social media accounts even before I came back to the country. She consistently left comments on all my pictures and posts, which made me curious about her consistent behavior. So I stalked her photos and then I found out that she was best friends with Kris. And at that time, I was already taken..."
"After I heard her complaining about her co-workers that night and how they were abusing her at work, I decided immediately to buy the mall and replace all the employees. Yeah, after that, our meetings continued until I offered her the opportunity to become my girlfriend so I could break up with my cheating boyfriend."
Napanganga ako sa kanyang kwento, natulala at lumalim ang pag-iisip. Kung gano'n nababasa niya lahat ng mga comments at messages ko sa kanya dati? Teka, kinikilig ako at matagal na pala niya akong napapansin-
"Sandali, kung gano'n ay may crush ka na kay Rhea noon?" Bigla akong napalunok at nang-init sa naging tanong ni Kris kay Aza.
"Yeah, It's been a really long time, and at that time, you didn't even know my sister yet." Mabilis kong binuksan ang bottled water at inubos kaagad ang laman matapos marinig ang sagot ni Aza.
"Yeeee, Rhea, kinikilig." Panunukso ni Kris kasama ang iba sa kanyang mga asawa, hindi ko natiis at napakagat ng labi at tago ng mukha ko sa likod ni Ines.
"Now I understand why you would always storm into my wife's office every time Rhea visited. It was your way of getting her attention." Komento ng kapatid nito na si Olivia.
"Hmm, I guess you're right." Sagot ni Azalea.
"Sabagay at talagang maganda ang bestfriend ko. Alam n'yo ba na pinagselosan nilang apat si Rhea? Kasi puro nalang daw ako Rhea dati kaya akala nila may namamagitan sa amin. Tapos 'yung nag sent lang ako ng sunset sa kanila ay nagalit sila at sinabing si Rhea ang sunset ko." Paliwanag ni Kris, at pagkatapos marinig ay sabay kaming dalawa tumawa ng malakas. Nakakatawa, kaya pala gano'n na lang sila kung pagbawalan si Kris na isama ako dati- ito pala ang dahilan.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Tuloy parin namin na tawanan ng kaibigan ko at may narinig din ako na tawanan nila Ines at Aza.
"Honey, that was so embarrassing. There was no need to tell them that." Saway ni Olivia sa kaibigan ko, pero ano magagawa niya? Tiklop kaya siya pagdating sa kanya.
"Gusto ko lang sabihin kasi natatawa parin ako kapag iniisip 'yun." Sagot ni Kris sa kanya.
"And you? How did you meet Rhea?" Biglang tanong ni Arleth sa kapatid nitong nananahimik. Nagkatitigan silang dalawa at ilang segundo ay napabalikwas si Arleth at nanlalaki ang mga matang palipat-lipat ang tingin sa amin ng kapatid nito.
"OMG! You, You..." Turo niya sa amin ni Emilie, "I remember now! We saw you making out outside the condo!" Bulaslas niya at tumingin kay Kris, mukhang natatandaan pa naman ng kaibigan ko kasi mabilis itong tumango.
Nahihiya akong napakamot ng ulo lalo na at nakatingin sa akin ang tatlo, except lang kay Emilie. "Ano kasi, siya kasi talaga una kong nakilala doon sa bar na pagmamay-ari ni Olivia. Matagal na 'yun at single naman daw siya, tapos nagkayayaan ng konting inuman- pero hanggang doon lang 'yun at walang nangyari sa aming dalawa, hinatid ko kaagad siya sa condo niya after no'n." Paliwanag ko kaagad dahil baka kung ano ang isipin ng iba dahil sa sinabi ni Arleth.
Hindi ko kinaya ang panunukso ni Kris sa akin, ang awkward kaya no'n para sa akin tapos iba na ang mga tingin ni Amour kaya nagpasya na lang akong umalis at nagtungo sa loob upang tumulong kina Nanay sa pagliligpit.
"Nay, naa pay hipuson?" (May ililigpit pa?) Tanong ko nang maabutan itong naglilinis ng lamesa.
"Okay na, nadala na tanan sa sakyanan. Manguli na tuod mo unya?" (Nadala na lahat sa sasakyan. Uuwi na kayo mamaya?) HIndi man bakas sa kanyang ekspresyon ay halata naman sa boses niya ang lungkot.
"Oo, salamat kaayo sa pag atiman sa amoa, Nay. Mingawon jud ko saimo, balik ra mi puhon kung maka higayon." (Salamat sa pag-asikaso sa amin, mamimis kita, babalik kami pag may pagkakataon) Sagot ko at yumakap sa kanya, baka kasi hindi ko na siya mayakap mamaya.
"Basta mag amping mo. Ayaw mo sige pag away, mas maayo mag sinabtanan og mag storya og tarong kung naa man mo mga problema."(Basta mag ingat kayo. Wag kayo lagi mag-away, mas maganda kung magkaka-unawaan at pag usapan ng maayos kung may mga problema man kayo) Sabi niya sa akin at nakita siyang pinahid ang luha. Weakness ko talaga ang matatanda, wala kasi kaming ina ni Lilith- sabi patay na pero ang totoo pala ay iniwan kami sa demonyo naming ama.
"Oo, salamat po." Sabi ko.
Matapos magligpit ay tinawag na namin sila at kaagad umalis. Unang beses ko naka bonding ng ganito si Kris kasama mga asawa niya tapos kasama rin mga asawa ko. Hindi na rin masama at talagang nag enjoy ako sa totoo lang kahit may mga pagkakataon na nahihiya ako humarap sa kanila.
Ako ang nagmamaneho ng sasakyan pabalik, ako kasi 'yung konti lang ang ininom at expected ko na talaga na marami-rami ang iinumin nila. Kahit nga si Azalea ay napadami ang inom, partida may regla siya. Tahimik sa loob ng sasakyan, natawa ako ng mahina dahil pag silip ko sa kanila ay mga tulog na.
-
"Nakuha mo na lahat ng gamit nila na dala?" Tanong ko kay Kris pagbalik ko sa loob ng bahay.
"Oo, tinulungan ako nila Jovanne." Sagot ng kaibigan ko.
Isang sasakyan lang ang dadalhin namin sa byahe, basta 'yung 12 seater van. May driver naman na kinuha kaya akala ko palitan lang kami sa pag drive, iiwan nila mga sasakyan nila? Sayang naman, pero sabagay barya lang 'yan sa kanila. Nasa loob na ng van ang walo, nagpaalam na rin sila kay Nanay kanina, naiwan lang kami ni Kris para kunin ang mga natira at para makapagpaalam na rin sa kanila.
"Nay, alis na po kami. Jov, alagaan mo si Nanay ha? Kung may panahon kayo ay dalawin ninyo kami, binigay ko na number ko sayo kaya tawagan mo ako kaagad kung babyahe kayo." Paalala ni Kris matapos yumakap kay Nanay.
"Oo te, salamat sa inyo."
"Nay, pwede ka na mag retire sa pagbabantay dito. Kailangan mo na magpahinga at i-enjoy ang buhay. Kapag nakuha na ninyo ang pera ay bumili kayo kaagad ng bahay, 'yung comfortable at kung maaari ay wag 'yung may palapag para hindi mahirapan sa pag akyat-baba si Nanay." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Oo te, daghan kaayo salamat sa inyo. Wala jud ko nag dahom ma grasyahan mi ni Nanay tungod sa inyo." (Maraming salamat sa inyo. Hindi ko inaasahan na magiging blessed kami ni Nanay dahil sa inyo) Pasasalamat nito sa amin at yumakap.
Tumango ako at muling niyakap si Nanay, "Lakaw nami, Nay, amping baya permi ha? Magkita pa ta." (Alis na kami, nay, ingat lagi ha? Magkikita pa tayo) Bulong ko sa kanya at lumayo.
"Amping mo mga anak." Huli niyang salita sa amin bago kami tuluyang umalis ni Kris at pumasok sa loob ng sasakyan.
Pagpasok ay hindi ko alam kung kanino ako tatabi, bigla akong na stuck sa may pinto at natulala. Palipat-lipat ang paningin, kung sa pagitan ba ako nila Ines at Aza o sa pagitan nila Amour at Emilie.
"Rhea, aalis na tayo kaya isarado mo na ang pinto." Pukaw ni Kris sa akin at hinila ako sa braso.
Hindi na ako nag isip at dumiretso sa pagitan nila Aza at Ines, feeling ko kasi mas safe ako kung dito ako sa tabi nila. Kapag kasi pinili ko do'n sa dalawa ay baka magsimula ulit sila tapos madamay na naman ako, hindi rin siguro ako makakatulog sa pwesto na 'yun- mas peaceful kapag katabi ko itong dalawa. Also, okay na rin para may chance na mag usap ang dalawa ng masinsinan.
"I'm glad you chose to sit with us." Matamis na ngiti ni Aza,
"Naman, peaceful ang mundo ko kapag kayo ang kasama. Baka kasi mag away ulit sila tapos maipit ulit ako." Dahilan ko at nagulat dahil sa mga libro na binagsak ni Ines sa mga legs ko.
"Para saan to?" Nalilito kong tanong sa kanya.
"We have a deal. If you want to win, you can start studying now. But if you're okay with losing, then don't bother studying for your exam tomorrow." I was dumbfounded and my jaw dropped in shock at her words. How am I only just finding out now that there's an exam tomorrow?!
"Ines, madaya ka. Nagtanong ako sayo tapos sabi mo lang secret." I protest, and I hear them both chuckle simultaneously, it seems like these two have been colluding against me right now.
Umiling ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga at na sopresa sa sabay nilang paghalik sa magkabilang pisngi ko.
"Goodluck, honey." Bulong ni Ines at pinaharap ako sa kanya saka dinampian ng tatlong magkasunod-sunod na halik ang labi ko.
"Here, let me give you a good luck kiss as well." Segunda ni Aza at sunod ako pinaharap sa kanya at binigyan ng isang malalim at mainit na halik.
I lick my lips after seeing their actions, and I can't help but smile. Kinilig ako, biglang uminit pakiramdam ko dahil sa ginawa nilang dalawa. Hays grasya at talagang gaganahan ako mag-aral kung may goodluck kiss palagi galing sa aking mga asawa.
Sarap naman no'n at gusto ko pa ng isa.
Hintayin lang nila at ipapanalo ko tong deal naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip