𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 38
Trigger Warning: This content may be unsettling for some readers. Please be advised before continuing.
-
Maagang naging abala si Azalea sa kanyang trabaho, abala sa pagpirma ng maraming dokumento nang biglang itong nakatanggap ng video call. Agad niyang sinagot ang tawag, hindi inaalis ang paningin sa papeles sa kanyang harapan.
"Yes?" Sagot niya, hindi pa rin inaangat ang panulat.
Mula sa kabilang linya, agad niyang narinig ang tarantang boses ni Amour. "Aza, the gun, it's gone. It's missing, and someone took it from my office."
Napahinto si Azalea. Mabilis niyang iniangat ang tingin, unti-unting nauunawaan ang bigat ng sitwasyon. Nawawala ang baril, ang parehong baril na itinago nilang mabuti. Bago pa siya makasagot, biglang lumitaw si Emilie sa kanilang video call. May tensyon sa kanyang ekspresyon, at halatang may problema rin itong dala.
"The uniform," aniya, bakas sa tinig ang pag-aalala. "Someone took it."
Napatingin si Azalea sa kanila, unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib. Isang baril at isang uniporme, dalawang bagay na hindi dapat mapunta sa maling kamay. Huminga nang malalim si Azalea, pinigilan sandali ang hangin sa kanyang dibdib bago dahan-dahang inilabas. Isinandal niya ang katawan sa kanyang upuan, mariing ipinikit ang mga mata habang hinilot ang sintido.
Paano? Paano ito nalaman at nakuha?
Paulit-ulit niyang sinasariwa ang mga huling araw, inaalala kung may nakaligtaan ba silang butas sa kanilang plano. Ang baril at ang uniporme, dalawang bagay na hindi basta-basta mahahanap ninuman. Kailangan ng tiyak na impormasyon para makuha ang mga iyon. Napabuntong-hininga si Azalea bago muling iminulat ang kanyang mga mata. Alam niyang wala silang panahon para mag panic. Kailangan nilang kumilos, at kailangan nilang maging maingat.
"What do we do now?" Tanong ni Amour, bakas sa boses ang pag-aalala.
Sandaling natahimik si Azalea. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, ang pagkawala ng baril at uniporme ay hindi simpleng pagkakamali. Isang malinaw na babala ito na may nagmamasid sa kanila, naghihintay ng tamang pagkakataon upang ibunyag ang kanilang sikreto. Kailangan nilang gumawa ng hakbang, at kailangang mabilis.
"First, stay calm," sagot niya sa mababang tinig. "Panic will only make things worse. Emilie, do you have any idea who took the uniform?"
Napatingin siya sa kabilang linya, naghihintay ng sagot, habang sa isipan niya, mabilis nang bumubuo ng plano. Muling bumigat ang pakiramdam ni Azalea nang marinig ang pangalan. Napatingin siya kay Emilie, pilit inaaninag kung may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha, ngunit wala, sigurado ito sa kanyang sinabi.
"Rhea herself- I'm sure she's the one who took the uniform and the gun." Mariing sabi ni Emilie, puno ng kumpiyansa. Saglit na natahimik si Azalea. Ang posibilidad na si Rhea nga ang kumuha ng mga 'yun ay hindi malabong mangyari, pero ang tanong... bakit? Ano ang balak nito?
"Are you certain?" Tanong niya, pilit na inalis ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "How do you know?"
Nagpalitan ng tingin sina Emilie at Amour bago muling nagsalita ang una. "Because she was the only one who had access to both. And she's been asking questions, too many questions."
Napapikit si Azalea, pilit pinag-iisipan ang bawat piraso ng impormasyong mayroon sila. Kung totoo ngang si Rhea ang may kagagawan nito, hindi lang ito simpleng pag-uusisa. May dahilan siya. At ang mas malaking tanong, ano ang gagawin niya rito?
Tumango si Azalea, pinipilit panatilihin ang kalmadong ekspresyon sa kabila ng kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi sila maaaring kumilos nang pabigla-bigla, lalo na kung hindi pa nila ganap na nauunawaan ang motibo ni Rhea.
"We still don't know the reason behind everything, so it's best to stay observant for now. Let's talk again later, I have something I need to take care of first." Aniya sa dalawa.
Nagpalitan ng tingin sina Amour at Emilie, halatang may nais pang sabihin, ngunit sa huli, tumango na lamang ang mga ito.
"Alright. Just be careful, Aza," paalala ni Amour bago natapos ang tawag.
Naiwang mag-isa si Azalea sa kanyang opisina, muling isinandal ang likod sa upuan. Tahimik siyang nag-isip, pinoproseso ang lahat ng nangyari. Kung si Rhea nga ang may hawak ng baril at uniporme... ano ang susunod niyang gagawin?
"What's your plan?" Tanong ni Azalea sa kanyang sarili.
-
Sa kabilang banda, patuloy si Ines sa kanyang matiyagang paghahanap sa taong matagal na niyang nais mahuli, isang taong hindi niya alam kung kailan at saan matatagpuan.
Si Red.
Kay tagal na niya itong tinutugis, at sa bawat araw na lumilipas, lalo lamang tumitindi ang kanyang determinasyon mahanap ito. Hindi lang ito tungkol sa hustisya, ito ang taong dahilan kung bakit namatay ang kanyang kapatid.
Kamakailan lang, may natanggap siyang tip. Isang impormasyong maaaring magdala sa kanya sa wakas sa taong hinahanap niya. Sinabi sa kanya na minsan, si Red ay umupa ng tirahan sa isang lumang boarding house sa downtown. Ngayon, narito na siya, nakatayo sa harapan ng gusali, tahimik na inaaral ang itsura nito.
Malabo ang ilaw sa labas, may bahagyang bakas ng kalumaan ang gusali, ngunit hindi ito mukhang abandonado. May mga kurtinang nakasara sa bawat bintana, tila itinatago ang kung anuman ang nasa loob. Huminga nang malalim si Ines, pilit pinapakalma ang sariling damdamin.
"Is this the right place?" Bulong niya sa sarili bago tuluyang lumapit sa pinto.
Umakyat si Ines sa hagdan, bawat hakbang ay puno ng kaba at pag-aalinlangan. Nang makarating siya sa itaas, agad niyang hinanap ang kwarto kung saan sinabing tumira si Red. Huminto siya sa tapat ng pinto at kumatok nang ilang beses.
Walang sagot.
Saglit siyang naghintay bago muling kumatok, mas malakas ngayon. Ngunit muli, katahimikan lang ang sumagot sa kanya. Napakuyom siya ng kamao, iniisip kung may tao pa ba sa loob o kung huli na siyang dumating. Ilang sandali pa, napagdesisyunan niyang bumaba at maghintay, baka sakaling bumalik ang babaeng hinahanap niya.
Ngunit bago pa siya makalayo, biglang bumukas ang pinto.
Agad siyang napaatras, hindi inaasahan ang biglaang paggalaw. Sa kanyang harapan, tumambad ang isang babae- maganda, bagong gising, at halatang naabala mula sa mahimbing na tulog. May bahagyang gusot ang suot nitong oversized na shirt, at ang buhok nito'y magulo ngunit hindi nawala ang natural nitong alindog. Pumikit at napabuntong-hininga ang babae bago dumilat at tuluyang humarap kay Ines.
"Who are you?" Tanong nito, bahagyang paos ang boses, halatang kagigising lang.
Mataman siyang tiningnan ni Ines, inaaral ang reaksyon ng babae bago iniabot ang kanyang police ID.
"Are you Meghan?" Diretsong tanong niya.
Napakunot ang noo ng babae, halatang nagtataka. "Opo... may nagawa ba akong kasalanan?" Bakas sa boses ni Meghan ang pangamba.
Umiling si Ines, pinanatili ang malamig ngunit mahinahong tono. "No, but I have important questions that I know only you can answer."
Muli, tila nag-aalangan si Meghan. Napatingin ito saglit sa loob ng kanyang kwarto bago bumalik ang tingin kay Ines. Sa huli, marahan itong tumango, tila nagdesisyon makipag tulungan.
"S-Sige, pasok po kayo," sagot niya, saka bahagyang binuksan ang pinto upang papasukin si Ines.
Walang sinayang na oras ang pulis. Maingat niyang tinapakan ang sahig ng kwarto, pinagmamasdan ang paligid. Malinis ngunit halatang simple ang pamumuhay ni Meghan rito. Isang kama, isang maliit na mesa, at ilang personal na gamit, wala ni isang bagay na agad makapagtuturo kung may koneksyon nga ito kay Red.
Isinara ni Meghan ang pinto at nilingon si Ines, halatang kinakabahan. "Ano po bang itatanong ninyo?"
Nakita ni Ines ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ni Meghan, isang saglit na pagkabigla bago ito muling nagbalik sa normal, tila nagtatago ng anumang emosyon. Ang reaksyong 'yun ay hindi nakaligtas sa matalim na mga mata ni Ines. Hindi siya nakumbinsi.
"May nakapagsabi sa akin na dito nakatira si Red, dito mismo sa kwarto mo," diretsong tanong ni Ines. "Where is Red?"
Nagulat si Meghan. Nanlaki ang mga mata nito bago nagsalita. "Red? Wala po akong kilalang Red at ako lang ang mag-isang nakatira rito," sagot nito, ngunit ang boses ay may bahid ng hindi sigurado.
Habang nakatingin sa kanya, napansin ni Ines ang bahagyang galaw ng kamay ni Meghan, mabilis na nagtakip ng ilang bagay sa lamesa na hindi niya agad naaninag. Isang senyales na may itinatago.
"Are you sure about that?" Tanong ni Ines, tumaas ang tono ng boses. "I'm not here to waste time. You're either going to tell me the truth or things are going to get more difficult for you."
Halos hindi makatingin si Meghan, at sa kabila ng kanyang pagtatangkang magpakatatag, ramdam na ni Ines ang unti-unting pagkawala ng kumpiyansa sa babae.
Habang nagsasalita si Meghan, ramdam ni Ines na may kaunting kaba sa boses nito. Tinutuklas ng mga mata ni Ines ang bawat galaw ng babae, at kahit gaano ito kaingat, hindi niya pa rin maiiwasang magduda. May mali, isang bagay na hindi mapanatag sa kalooban ni Ines.
"Wala po talaga akong kilalang Red," pag-uulit ni Meghan, ngunit sa tono ng boses nito, may kalungkutan na tila nagtatago. "Isa pa, hindi Red ang pangalan ng kasama ko noon. Hindi rin Red ang nickname niya. Nagsasabi po ako ng totoo, kahit itanong mo pa ang landlord namin kung ayaw mo maniwala."
Isang saglit na katahimikan. Nag-isip si Ines, hindi siya sigurado kung nagsasabi ng totoo ang babae o kung ito ay nagsisinungaling, pero may nararamdaman siyang hindi kayang ipaliwanag. Baka hindi pa ngayon ang tamang oras, pero kailangan niyang makuha ang buong katotohanan.
"Look," sabi ni Ines, mas malumanay ang tono, pero may matinding kabigatan sa mga salitang binitiwan. "I'm not here to arrest Red. I'm here because I need to ask him something important."
Nag-abot ang tingin nilang dalawa, at sa mga mata ni Ines, nakita ni Meghan ang seryosong determinasyon. "I know you're hiding something, but I don't want to force you. I just need to know if you can help me." Dagdag pa ng pulis.
"Ma'am, hindi ko po talaga kilala si Red, at wala akong kasama na lalaki sa kwarto. Bawal po ang mga lalaki rito dahil puro babae lang ang pwede." Paliwanag ni Meghan, at sa mga salitang 'yun, tumango-tango si Ines, ngunit hindi pa rin siya kumbinsido.
Kumunot ang noo ni Ines habang nakatingin kay Meghan. Pinipilit niyang maunawaan kung ang informant ba niya ang may maling impormasyon, o kung si Meghan ang nagsisinungaling. Ang mga salitang binitiwan ni Meghan ay tila tapat, ngunit may kakaibang pakiramdam na patuloy na bumabagabag kay Ines.
"Then why is your name connected to Red?" Tanong ni Ines, hindi pa rin tinatanggal ang matalim na tingin kay Meghan. "Bakit may mga nagsasabing ikaw ang kasama niya?"
Hindi sumagot si Meghan agad, nag-alinlangan at napatingin sa mga paligid ng kwarto. Habang ang mga mata ni Ines ay patuloy na nagmamasid, napansin niyang may mga bagay na hindi tugma. Bawat galaw ni Meghan ay parang may itinatago, ngunit tila nahihirapan itong magsalita ng buo. Nag-atubili si Meghan bago magsalita, at sa mga mata ni Ines, nagduda siyang baka may alam pa itong hindi ibinubunyag.
"Wala po talaga akong alam, pasensya na." Muling sagot ni Meghan, ang boses nito'y puno ng pag-aalala.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Ines, sumandal saglit sa pader ng kwarto, iniisip kung may nahulog ba siyang piraso ng puzzle na magbibigay linaw. Ngunit sa kabila ng lahat, pakiramdam niya ay may itinatagong impormasyon si Meghan-isang impormasyon na hindi madaling ilabas.
Ilang sandali pa, hindi na nagsalita si Ines at naglakad palabas ng kwarto. Bago tuluyang magsara ang pinto, nilingon niya si Meghan at binitiwan ang isang matalim na babala.
"Sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka, pananagutan mo ang lahat." Paalala ni Ines, ang kanyang boses ay mabigat, ngunit may likas na banta sa bawat salita. Hindi niya alam kung bakit, ngunit alam niyang hindi pa tapos ang usapan na iyon.
Habang pababa siya ng hagdan, naramdaman ni Ines ang bigat ng kalooban. Bigo siya, bigo hindi lang dahil hindi niya nakuha ang impormasyong kailangan niya, kundi dahil ramdam niyang may iba pang nasa likod ng mga kaganapan, isang bagay na hindi pa niya kayang maabot.
Sa puso niya, ang paghahanap kay Red ay hindi lang tungkol sa paghahanap ng katotohanan. Ito ay isang misyon na kailangan niyang matapos, anuman ang mangyari.
Umuwi ito ng bahay, sa sobrang pagod at kulang sa tulog ay balak na nya sanang matulog. Nakita niyang nakabukas ang pinto sa kwarto ni Rhea, lumapit ito at isasarado sana nang may kung anong bagay ang tumutulak sa kanya na pasukin ang kwarto. Nagdesisyon siyang pumasok upang tingnan ang loob, kung nandoon ba si Rhea o wala.
"Hon?" Tawag niya pero walang sumagot.
Aalis na sana ito nang makita niya ang isang pulang bagay na nasa lamesa nakapatong. Isa itong lalagyan ng mga ID, ngumiti siya at kinuha ito upang tingnan dahil curious siya sa ID ni Rhea.
Pakiramdam ni Ines ay biglang lumamig ang buong kwarto. Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang pulang bagay. Parang may bumigat sa kanyang dibdib, isang pakiramdam na hindi niya kayang ipaliwanag- takot, pagkabigla, at isang sakit na unti-unting lumalamon sa kanya.
"R-Red?" Mahina niyang bulong, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
Tinitigan niya ang pangalan sa ID, binabasa ito nang paulit-ulit, pilit inuunawa. Isa itong fighter sa arena. Isa itong pangalan na matagal na niyang hinahanap.
At pag-aari ito ni Rhea.
Napaatras si Ines, hindi niya alam kung gusto niyang bumagsak sa sahig o tumakbo palayo. Ang utak niya ay nagsisigaw ng pagtanggi, pero ang katibayan ay nasa kanyang mga kamay. Hindi na niya kayang ipagkaila ang totoo.
Ang babaeng minahal niya. Ang babaeng pinagkatiwalaan niya.
Siya ang pumatay sa kapatid niya.
Napasinghap si Ines, nanlalabo ang paningin sa mga luhang hindi niya namalayang tumulo. Paano nangyari ito? Ilang beses ba niyang hinanap si Red, hindi alam na nasa tabi lang pala niya ito? Ilang beses ba niyang hinagkan at niyakap si Rhea, hindi alam na siya rin ang dahilan ng kanyang hinanakit at pagdurusa?
"W-Why? Why you?" Masakit na tanong ni Ines sa kanyang sarili habang patuloy sa pagpatak ang mga luha.
Mabilis na tinakbo ni Ines ang pasilyo palabas, hindi alintana kung may makakita sa kanya. Pakiramdam niya ay parang may mabigat na kamay na nakapulupot sa kanyang leeg, hinihigpitan ito sa bawat segundo na nananatili siya sa kwartong 'yun-sa kwartong pagmamay-ari ng taong minahal niya, ngunit siya ring taong pumatay sa kapatid niya.
Pagkalabas ng bahay, halos hindi niya namalayang nakapasok na siya sa sasakyan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang kinakapitan ang manibela, at sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, pakiramdam niya ay wala siyang kontrol sa sarili. Gulong-gulo ang kanyang isipan habang nagmamaneho, hindi niya alintana ang bilis ng sasakyan, ni hindi niya napansin ang mga ilaw sa daan. Isang direksyon lang ang nasa isip niya, ang sementeryo.
Pagdating doon, halos bumagsak siya sa lupa, nanginginig ang tuhod habang tinatahak ang landas papunta sa puntod ng kanyang kapatid. Hindi siya nag-atubili, agad siyang lumuhod, niyakap ang malamig na lapida na tila ba ito ang huling bagay na kaya niyang kapitan. Hinugot niya mula sa kanyang bulsa ang lumang litrato ng kanyang kapatid, isang larawang ilang beses na niyang hinawakan sa tuwing hinahanap ang hustisya.
Ngunit ngayon, habang tinititigan niya ito sa gitna ng walang tigil na pagluha, isang masakit na katotohanan ang bumalot sa kanya. Ang hustisyang matagal niyang hinanap ay dumurog sa puso niya sa paraang hindi niya inakala.
Hawak pa rin ni Ines ang litrato ng kanyang kapatid habang hinahayaan ang luha niyang bumagsak sa malamig na lupa. Ang sakit ay hindi lang basta kirot sa puso, parang isang matalim na kutsilyo na paulit-ulit siyang tinataga, walang humpay, walang awa.
"How did this happen? Of all the people in the world, why her?" Hinayaan niyang kumawala ang sakit sa kanyang tinig, kahit alam niyang walang makakarinig kundi ang tahimik na gabi at ang puntod ng kanyang kapatid.
"Why was she the one who killed you? It hurts more than I can put into words." Niyakap niya ang lapida, parang doon niya lang mahahanap ang kahit anong uri ng pagdamay.
"I don't know how I'll handle it if I hear the truth straight from her. My heart feels shattered, like I've been stabbed over and over again."
Bawat salita ay mabigat, puno ng hinanakit at kawalan ng pag-unawa. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang katotohanang ito, paano niya tatanggapin na ang babaeng minahal niya nang lubos ay siya ring pumatay sa nag-iisa niyang kapatid.
"How could Rhea be the suspect? Why her? I can't believe it. It feels unreal, like a cruel joke I never saw coming."
Patuloy siyang humagulgol, dinig na dinig sa katahimikan ng sementeryo. Ang lamig ng hangin ay tila sumasalamin sa lamig na bumalot sa kanyang puso. Hindi niya alam kung may paraan pang makabangon mula rito. Hindi niya alam kung kakayanin niyang marinig ang paliwanag ni Rhea-kung mayroon man.
Ang tanging alam niya ngayon ay isa siyang wasak na tao, pinagsakluban ng langit at lupa ng isang katotohanang hindi niya kayang tanggapin. Sa kabila ng panginginig ng kanyang katawan at ang bigat sa kanyang dibdib, pinilit ni Ines na panatilihing matatag ang sarili. Hindi pa tapos ang laban na ito. Kailangang marinig niya ang katotohanan... mula kay Rhea.
Kahit ilang beses niyang tinawagan, walang sagot mula rito. Para bang lalo siyang binabaon sa sakit ng kawalan ng kasagutan. Ngunit hindi siya papayag na maghintay pa hanggang bukas.
"I need to confirm it right now. I can't bear to wait until tomorrow." Bulong niya sa litrato ng kanyang kapatid bago ito muling isinilid sa kanyang bulsa.
Mabilis niyang tinungo ang kanyang sasakyan, puno ng determinasyon na harapin si Rhea. Pero sa kanyang pagdating sa campus, isang pamilyar na sasakyan ang agad na pumukaw sa kanyang atensyon.
Si Vinalyn.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may mali. Alam niyang may hindi tama sa eksenang 'yun. Agad niyang kinabig ang manibela, palihim na sinundan ang sasakyan ni Vinalyn. Habang tumatagal ang biyahe, mas lalo siyang kinabahan, papalayo ito ng papalayo sa lungsod, patungo sa isang liblib na lugar. Hindi niya alam kung ano ang kanyang matutuklasan, pero isang bagay ang sigurado... may nangyayari.
Makalipas ang isang oras, huminto ang sasakyan ni Vinalyn sa harap ng isang abandonadong gusali. Malayo pa lang, ramdam na ni Ines ang pangamba, pero hindi siya umatras. Alam niyang hindi siya nagkamali sa pagsunod. Dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang sasakyan, panay ang kabog ng kanyang dibdib. Pasalamat siya at may dala siyang baril, hindi dahil nais niyang gamitin ito agad, kundi dahil hindi niya alam kung anong uri ng panganib ang naghihintay sa kanya.
Palihim niyang sinundan si Vinalyn, gumagalaw nang maingat sa dilim. Hindi nagtagal, narating niya ang loob ng gusali. Huminga siya nang malalim, pilit pinakakalma ang sarili, pero nang makita niya kung sino ang nasa loob, halos matigil ang paghinga niya.
Si Rhea.
Nakagapos.
Napalunok si Ines, hindi alam kung anong dapat niyang maramdaman. Kanina lang, gusto niyang harapin si Rhea, alamin kung paano nito nagawang patayin ang kanyang kapatid. Pero ngayon, sa nakikita niyang sitwasyon, isang tanong ang bumulong sa kanyang isipan-
Bakit?
Ano ang ginagawa ni Rhea rito?
Anong balak gawin sa kanya?
At mas mahalaga, kung si Rhea nga ang pumatay sa kanyang kapatid, bakit siya ngayon ang nasa peligro? Nanginginig ang kanyang mga kamay, ngunit hindi niya binitiwan ang baril. Alam niyang wala nang atrasan ito. At sa loob ng gabing 'yun, napagtanto ni Ines, baka ang katotohanang kanyang hinahanap ay mas komplikado at mas masakit kaysa sa kanyang inaakala.
Halos hindi na marinig ni Ines ang sarili niyang paghinga. Ang tanging naririnig niya ay ang malakas na dagundong ng kanyang puso at ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa loob ng abandonadong gusali.
"R-Rhea! No!" Sigaw niya, ngunit huli na.
Nakahandusay na ang babae sa sahig, walang malay, duguan.
Nanghina ang kanyang mga tuhod, parang biglang naglaho ang lahat ng lakas sa katawan niya. Hindi niya alam kung paano siya nakagalaw, pero naramdaman na lang niya ang sarili niyang lumapit. Hindi niya alintana kung may panganib pa, kung may baril pang nakatutok sa kanya. Ang tanging nasa isip niya ay si Rhea.
At nang magtama ang mga mata nila, doon niya nakita ang isang bagay na mas nagpabigat sa kanyang loob.
Gulat.
Pagdududa.
At isang tanong na hindi na kailangang bigkasin... bakit nandito ka?
Halos hindi na makahinga si Ines, nanginginig ang buong katawan niya. Para siyang kinukulong sa isang bangungot na hindi niya kayang takasan. Dahan-dahan siyang lumapit, hindi niya inaalis ang tingin sa babae. Nang huminto siya sa tapat nito, nakita niya kung paano ito lumunok nang sunod-sunod, bakas sa mukha ang takot, pero sa mata ni Ines, walang takot na makakatumbas sa sakit na kanyang nararamdaman.
Mabilis niyang kinuha ang baril mula sa kamay nito, hindi siya sigurado kung paano niya nagawa, pero isang iglap lang ay naitapon na niya ito sa malayo. At bago pa man makapagsalita ang babae, buong higpit niyang niyakap ito.
Hindi niya alam kung bakit niya 'yun ginawa.
Hindi niya alam kung para saan, galit ba? Hinanakit? O desperasyong hanapin ang kahit anong sagot sa sakit na kanyang nararamdaman?
"Why?" Hagulgol niya, mahihinang suntok ang pinakawalan niya sa dibdib nito. Hindi sapat ang salitang 'yun para ipahayag ang lahat ng sakit, pero wala na siyang ibang masabi.
"Dahil masaya paglaruan ang mga taong katulad niya." Ang malamig nitong tingin, ang kawalan ng emosyon sa boses, at ang mga salitang binitiwan nito ay parang kutsilyong mas matalim pa sa anumang sandata.
"You're playing with people and killing them?" Namamaos na tanong ni Ines, hindi pa rin makapaniwala.
"You're sick. You can't keep doing this. Someone will stop you." Bakas sa kanyang tinig ang pait, ang kalungkutan, ang pagkawasak ng lahat ng kanyang pinaniwalaan.
Ngunit sa halip na pagsisisi o pag-aalinlangan, isang malupit na ngiti lamang ang isinagot ng babae.
"Let them try. They'll only end up as another piece of my collection."
Ramdam ni Ines ang malamig na hangin sa paligid, ngunit ang sakit na nararamdaman niya sa loob ay mas matindi pa sa anumang lamig.
"I will stop-"
Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin.
Biglang bumalot ang matinding hapdi sa kanyang katawan.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin, at sa pagitan ng kanyang nanlalabong paningin, nakita niya ang matulis na bagay na nakatarak sa kanyang tiyan. Mainit. Basa.
Dugo niya.
Napasinghap siya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ngunit bago pa siya makagalaw, sinundan pa ito ng isa pang saksak, mas malalim, mas brutal.
"N-No, my baby." Bulong niya sa sarili, luhaan.
Napakapit siya sa mga braso ng babae, pilit na humahanap ng sagot sa kanyang mga mata, pero wala siyang nakita. Wala ni bahagyang pagsisisi, ni anino ng pagmamahal. Unti-unti siyang bumagsak, napaluhod sa harap nito, ramdam ang unti-unting pagkawala ng kanyang lakas.
"Why?" Bumagsak muli ang mga luha mula sa kanyang mga mata, naghahanap ng sagot na alam niyang hindi na niya kailanman makukuha.
Ngayon, hindi na niya kailangang itanong kung sino ang pumatay sa kanyang kapatid, dahil mismong siya ay balak patayin nito.
"H-Hon!" Puno ng hinagpis at sakit ang sigaw ni Ines.
Gumuho ang mundo niya sa isang saglit-at sa yakap na 'yun, hindi niya alam kung mas gusto niyang sagutin siya ng babae... o kung mas nanaisin na lang niyang hindi malaman ang sagot.
Nanginig si Rhea habang pinagmamasdan ang duguang katawan ni Ines. Para siyang nawalan ng ulirat, hindi makapaniwala sa sariling ginawa. Parang bumagal ang oras. Sa isang iglap, mula sa pagiging isang walang pusong manlalaro, ngayon ay isang desperadong asawa na siya, isang asawang paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi ito totoo, na hindi ito nangyari.
Napatingin siya sa kanyang kamay. Ang panaksak na ginamit niya... ang dugo sa kanyang mga palad...
Mabilis niya itong itinapon, para bang mawawala ang kasalanan niya kung mawawala sa kanyang kamay ang ebidensya ng kanyang krimen. Ngunit hindi, huli na ang lahat. Lumuhod siya sa harapan ni Ines, agad itong niyakap, hinahaplos ang mukha ng pinakamamahal niyang asawa.
"I-Ines, m-mahal, bakit nandito ka?" Nanginginig ang kanyang boses, puno ng pagkalito, takot, at pagsisisi. "A-Ah, n-no, don't close your eyes, o-okay?"
Hinawakan niya ang pisngi ni Ines, pinipilit itong manatiling gising. Ngunit sa bawat segundo, pakiramdam niya ay palayo nang palayo ito sa kanya.
"I-I'm sorry, I'm sorry. I-Ililigtas kita, please..."
Ngunit paano? Paano niya ililigtas ang taong siya mismo ang sumira?
Napakuyom ng kamao si Rhea, nanginginig na parang mababaliw. Isang sigaw ng sakit ang lumabas sa kanyang bibig, isang sigaw ng pagsisisi na walang makakarinig.
"Ahhhhh! Fuck! Bakit?! Bakit pati si Ines?!"
Ang kamay niyang minsang nagbigay ng pagmamahal, ngayon ay siya ring naging dahilan ng pagdurusa ng babaeng minamahal niya higit sa kahit ano pa man. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng sakit, nakita ni Rhea ang isang bagay na lalong nagpalubog sa kanya sa pagkawasak...
Si Ines, kahit hinang-hina na, kahit halos hindi na makapagsalita, nagawa pa ring ngumiti sa kanya.
Isang ngiti na puno ng pagmamahal.
Isang ngiti na mas masakit pa sa kahit anong sugat.
May nakita siyang hawak ni Ines, kinuha niya ito at mas naging triple ang panlalamig ng kanyang katawan at ang bumalot na takot sa kanya. Kinuha niya ito habang tuloy sa pagpatak ang mga luha.
"B-Bakit may litrato ka ng kaibi- s-siya ba ang tinutukoy mong namatay na kapatid? A-At ang taong h-hinahanap mo ay si Red ng a-arena?" Mas lalong naging double ang panginginig ng kanyang boses, hindi alam ang gagawin sa dami ng kanyang kasalanan.
Ngumiti si Ines, hindi na kailangan ni Rhea pa marinig ang sagot nito. Humugot siya ng malalim na hininga at mas hinigpitan ang yakap sa kanyang asawa.
"P-Patawad Ines..." ang tanging nasabi ni Rhea dahil sa takot na aminin ang katotohanan- na siya ang dahilan sa pagkamatay ng kapatid ng kanyang asawa.
"H-Hon..."
"Am I too late?" Nag-alab ang galit at pagkalito sa loob ni Rhea nang marinig ang boses na 'yun. Hindi niya kailanman inasahan na makikita si Fleur dito, sa isang liblib na lugar kung saan dapat walang ibang nakakaalam, pero heto siya, nakatayo sa harap niya, kasama ang mga lalaking bantay.
Nag-angat siya ng ulo, naghanap ng paliwanag sa mga mata ni Fleur, pero wala siyang lakas para magtanong. Wala siyang pakialam kung paano ito nakarating dito. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay ang buhay ni Ines.
"F-Fleur, s-si Ines... ang asawa ko..." Nanghihina ang boses ni Rhea, desperado. Sinubukan niyang buhatin si Ines, pero wala siyang lakas. Muli siyang bumagsak sa sahig, nanginginig, hinihingal. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang kinakain ng takot, isang takot na hindi niya kailanman naramdaman sa buong buhay niya.
Nakita niya kung paano dumaan ang tingin ni Fleur kay Ines, walang bahid ng emosyon. Ngunit ilang segundo lang, nagbigay ito ng utos sa kanyang mga tauhan.
"Get her, bring her to the nearest hospital and make sure she's alive."
Nagmadaling gumalaw ang mga tauhan ni Fleur, binuhat si Ines, inilayo sa kanya.
"No!" Sigaw ni Rhea, desperadong pilit bumangon. "A-Ako! Ako ang magdadala sa kanya! I-Isusuko ko ang sarili ko!"
Hindi siya makapapayag na may ibang humawak kay Ines. Hindi siya makapapayag na hindi siya ang magligtas sa babaeng mahal niya, kahit pa siya mismo ang dahilan kung bakit ito nasa bingit ng kamatayan. Ngunit bago pa siya makagalaw, mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Napasigaw siya, nagpumiglas, pero wala siyang lakas.
At noon niya narinig ang malamig na boses ni Fleur, mas malapit na ngayon. "I told you, I know everything about you... you psycho." Sabi nito.
Hindi nakagalaw si Rhea. Hindi dahil sa mga lalaking may hawak sa kanya, kundi dahil sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Fleur.
Hindi ito nagulat.
Hindi ito nabigla.
Alam na ni Fleur ang lahat.
At ngayon, alam niyang wala na siyang takas.
Parang isang matalim na kutsilyo ang bawat salitang binitiwan ni Fleur, diretsong tumagos sa isipan ni Rhea. Hindi siya makagalaw, hindi siya makahinga.
"Who would have thought that even your own self would betray you?" Malamig ang tinig ni Fleur, puno ng kasiguraduhan, na para bang hawak na niya ang buong laro mula pa sa simula.
Luhaan, nag-angat ng tingin si Rhea, pilit hinahanap ang kasagutan sa mga mata ng babae.
"P-Paano mo nalaman?" Tanong niya, nanginginig ang boses. Hindi niya alam kung paano, hindi niya alam kung kailan, pero ngayon, isang bagay ang sigurado. Alam ni Fleur ang lahat.
Ngunit ang sagot nito ang tuluyang nagpatigil sa kanyang mundo.
"Because you're my girlfriend."
Halos pigilan na ni Rhea ang hininga niya.
"N-No, paano kita naging girlfriend kung hindi kita kilala-"
"Not you." Sinalo ni Fleur ang kanyang mga salita, puno ng panunuya at pait ang tinig nito. "I'm talking about your other self, that psycho-ass girlfriend of mine who acts like a demon and takes pleasure in all the crimes she's committed."
Saglit siyang natulala. Parang may bumagsak na malamig na tubig sa kanyang katawan. Pero sa ilang segundo ng katahimikan, sa kabog ng kanyang dibdib at sa mga piraso ng alaala na pilit nagtatagpo sa kanyang isipan, napagtanto na niya ang lahat. Ang mga sagot sa katanungan niya. Ang mga gabing hindi niya maalala. Ang mga desisyong tila hindi niya ginusto pero nagawa niya. At ngayon, ang krimeng hindi niya akalaing kaya niyang gawin, pero nagawa niya.
Para bang may isang pader na biglang bumagsak sa harap ni Rhea, isang ulap ng kalungkutan at takot na unti-unting bumalot sa kanyang buong katawan. Ang bawat piraso ng alaala, ang mga pagkakamali, ang mga krimen na hindi niya matakasan, lahat ng 'yun ay namuo sa kanyang isipan. Ang mga gabing puno ng pagnanasa at karahasan. Ang mga buhay na itinapon, mga taong pinahihirapan ng mga desisyon niya, ang mga bangungot na tila hindi na matitinag sa kanyang alaala.
At ngayon, alam niya na kung sino si Red.
Siya ang dahilan ng lahat ng ito.
Hindi niya kayang takasan ang sarili.
"Let's leave before they arrive. I might not be the only one who knows what's happening right now and everything you've done." Aniya ni Fleur sa malamig na tono.
Tila naguluhan si Rhea sa sinabi nito. "A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"That necklace... the one Azalea gave you has a tracker and a hidden camera. You know that, don't you? So why haven't you taken it off? That's one of the things they'll use against you for all the crimes you've committed. Get rid of it." Sagot ni Fleur at buong lakas hinablot ang kwintas mula sa leeg ni Rhea at itinapon ito.
Naging tikom ang bibig ni Rhea at nagyuko ng ulo, wala siyang takas sa babaeng kaharap niya ngayon.
"You're out of your mind, killing the people who stand in your way." Malupit na sinabi ni Fleur, tinapik ang ulo ni Rhea nang may halong kabiguan. Walang galak sa boses nito, kundi isang malamig na pagtanggap sa katotohanang wala na talagang makakabawi kay Rhea sa mga krimen niyang nagawa.
"And you really tried to add me to your list of victims? Are you bored with life that you'd even go as far as killing your own girlfriend?" Halos hindi malunok ni Rhea ang kanyang sariling laway matapos marinig ang sinabi ni Fleur, na pati ito ay balak saktan.
"Time for you to go home." Ang mga salitang 'yun ay parang isang pako na itinaga sa kanyang dibdib. Sinasabi ni Fleur ang mga bagay na hindi kayang tanggapin ni Rhea.
At doon, sa mga simpleng salitang 'yun, bumalik ang lahat sa alaala ni Rhea-ang bawat krimen, ang bawat hakbang ng demonyo na nakatago sa kanyang katauhan. Bawat salaysay ng mga inosenteng buhay na nawasak, ang mga panahong hindi na niya matandaan, ngunit ang mga kamay niyang duguan ay patuloy na nagpapakita ng lahat ng kasalanang tinatago niya.
Hindi siya makakawala.
Bawat sigaw ng kanyang konsensya ay nauurong, ang bawat galit na dati'y nagsilbing gabay, ngayon ay nagiging mabigat. Ang damdamin ng kapayapaan na akala niyang matatagpuan ay unti-unting nawawala.
-
Flashbacks
Sa isang malamig na gabi, sa lugar na hinanda ni Red-ang parehong lugar kung saan niya dati dinadala ang kanyang mga biktima, naghanda siya ng isang galon ng gasolina, isang uniporme ng pulis, at isang baril na matagal na niyang hindi nagamit.
"Finally, after all this time, I'm in control of this body again. Don't worry, Rhea, you're too kind for your own good, so I'll be the one to clean up the mess and get rid of anything that stands in the way of your happiness." Malamig na sabi ni Red, kausap ang kanyang sarili havang inaasemble ang baril.
"Done. Shall we start the game?" Aniya bago nilisan ang gusali.
Nagmaneho siya patungo sa ilalim ng malaki at mahabang tunnel, ang mismong daanan ng lalaking nanakit kay Ines... o dapat bang sabihin, pinsan nito? Ilang oras siyang naghintay hanggang sa makita niya ang paparating na sasakyan. Alam ni Red na ito na ang kanyang target dahil may inilagay siyang tracker sa kotse ng lalaki.
Hinarang niya ang sasakyan sa daan, nagpanggap bilang isang pulis. Huminto ang lalaki, nagtatakang tinitingnan ang humarang na sasakyan. Bumaba si Red mula sa kanyang kotse at lumapit sa biktima.
Buong lakas niyang hinampas ang baril sa ulo ng lalaki, dahilan upang mahilo ito. Kaagad niyang hinila ang lalaki palabas ng sasakyan at itinulak sa malamig na kalsada, dahilan upang matumba ito. Ilang ulit itong nagmamakaawa na pakawalan siya, ngunit hindi siya pinakinggan ni Red. Sa halip, bumalik ito sa sasakyan at kinuha ang galon ng gasolina.
"hindi mo ako matatakasan." Nakangising wika ni Red bago ibinuhos ang gasolina sa lalaking gumagapang palayo, pilit inililigtas ang sarili mula sa kapahamakan, pero huli na ang lahat.
"Maawa ka... Please... Huwag." Pagmamakaawa ng lalaki.
Walang emosyon si Red nang sindihan niya ang lighter at ihagis ito sa biktima. Agad itong nagliyab, nasusunog habang umaalingawngaw ang kanyang malakas na sigaw- sigaw ng matinding pagdurusa.
"Hahaha! Mamatay ka! Ang saya! Ang saya-saya!" Malakas na halakhak ni Red habang pinagmamasdan ang lalaking tinutupok ng apoy. "Rhea, maghanap ka pa ng maraming biktima. Maging tanga ka pa at huwag gamitin ang utak. Gusto ko pang makipaglaro sa kanila."
Agad nilisan ni Red ang lugar at umuwi sa bahay- ang bahay ni Rhea, kung saan siya nakatira kasama ang kanyang mga asawa. Tulog na ang lahat nang siya'y dumating. Hinubad niya ang suot na uniporme at inilapag ang baril sa sofa bago tumungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Ngunit habang tinatahak niya ang daan patungo roon, bigla siyang napahinto. Ilang saglit pa, naguluhan siya kung bakit siya naroon sa kusina- si Rhea ay nagbalik bilang host ng kanyang katawan.
Umakyat si Rhea sa kanyang kwarto, hindi namamalayang may naiwan siyang mga ebidensya laban sa kanya. Makalipas ang isang oras, dumating ang magkasintahang Emilie at Amour. Napansin nila ang damit na nakapatong sa sofa at nilapitan ito upang tingnan. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang isang baril na may bahid ng dugo, isang pulis uniporme at nameplate na may nakasulat na pangalan ni Rhea.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Amour kay Emilie, ngunit kahit siya ay hindi alam ang isasagot.
"W-Why is there a blood? A-Anong ginawa niya? Kay Rhea 'to lahat..." kabadong tanong ni Emilie. Kinuha niya ang uniporme. "Kailangan natin itong itago. Kailangan nating alamin kung bakit meron siya ng mga ganito." Sabi niya kay Amour.
Kinuha ni Amour ang baril at sinabing siya ang magtatago nito. Malaking palaisipan pa rin sa kanilang dalawa kung ano ang ginawa ni Rhea, ngunit batay sa mga bakas ng dugo, alam nilang may mali sa kanya. Bigla silang kinabahan nang marinig ang boses ni Rhea sa kanilang likuran. Mabilis nilang itinago ang mga gamit na natuklasan at hinarap ang babae.
"Bakit ngayon lang kayo? Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ni Rhea. Napagtanto ng dalawa na tila nakalimutan niya ang mga ebidensyang iniwan niya.
"D-Darling, what's the meaning of-"
"Sinundo ko pa si Amour. Bakit gising ka pa?" Nakangiting tanong ni Emilie, pilit itinatago ang pagdududa sa kanyang ekspresyon. Nilingon niya si Amour upang bigyan ito ng senyales na huwag magsalita, dahil mukhang walang alam si Rhea.
"Nagising ako. Naubusan ng tubig sa kwarto ko kaya kukuha sana," sagot ni Rhea. "Sige, umakyat na kayo at magpahinga."
Iniwan niya ang dalawa, na mas lalong naguluhan. Wala ba talaga siyang alam sa mga gamit na naiwan niya?
"We have to keep this a secret and observe her," sabi ni Emilie kay Amour.
"A-All right," sagot ni Amour.
Kinabukasan, nagkita ang tatlo- Amour, Emilie, at Azalea upang pag-usapan ang kanilang natuklasan. Ipinakita nina Emilie at Amour kay Azalea ang mga litrato ng ebidensyang nakuha nila.
"Wala ka bang alam tungkol dito?" Tanong ni Emilie kay Azalea, dahil alam nilang palaging may alam ito sa bawat kilos ni Rhea.
Tiningnan lang sila ni Azalea bago sumagot. "None. I have no idea." Kalmado ang kanyang tinig.
"Didn't you see what she did on your spy camera?" Sunod na tanong ni Amour.
Umiling si Azalea. "No, I don't know because she takes off the necklace every night." Sagot nito.
Nagpalitan ng tingin sina Emilie at Amour bago tumango, tinanggap ang utos ni Azalea. Alam nilang may malaking bagay silang natuklasan.
"For now, let's keep an eye on Rhea," malamig na sabi ni Azalea, nakapamulsa ang isang kamay habang nakatingin sa mga larawan sa mesa. "But there's nothing wrong with her actions so far. Hide the items carefully, somewhere she won't find them."
Ayaw niyang gumawa ng hakbang na maaaring magdulot ng mas malaking gulo. Ang pinakamainam nilang gawin ngayon ay magmasid, maghintay, at siguraduhing hindi mahahalata ni Rhea ang kanilang kilos.
Sumang-ayon sina Emilie at Amour, kapwa nag-aalalang tumango.
Muling naging host ang masamang alter ni Rhea. Sa labas ng isang bar, inabangan niya ang lalaking nanakit kay Ines. Hinintay niyang mapakapasok ito sa sasakyan bago pinaulanan ng bala. Akala niya ay patay na ito, ngunit nakita niyang buhay pa ito. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng mga bala na bumalot sa paligid. Walang sinayang na sandali si Red, walang pag-aalinlangan, walang bahid ng awa.
Sa kanyang isipan, isang laro lang ito. Isang simpleng habulan kung saan siya ang mangangaso at ang biktima niya ay isang hayop na walang laban. Nang makita niyang tumakbo palayo ang lalaki, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Akala niya makakatakas siya? Walang sinuman ang nakakatakas kay Red.
Sinundan niya ang biktima, kalmado ang bawat hakbang, walang pagmamadali. Alam niyang saan ito tumakbo. At tulad ng inaasahan, napadpad ang lalaki sa isang lumang bodega. Tahimik na pumasok si Red, ang anino niya'y humahalo sa dilim. Hindi niya kinailangang maghanap nang matagal, nakita niya agad ang lalaki, nakayuko, nanginginig sa isang sulok.
"P-Patawarin mo ako... Huwag mo ako saktan." Nagmamakaawa ang lalaki, halos hindi na makatingin kay Red.
Ngunit sa halip na awa, isang malupit na tawa ang lumabas sa bibig ni Red. Pinagmasdan niya ang biktima- mahina, walang laban, desperadong kumapit sa buhay.
Wala siyang pakialam.
Kasabay ng tunog ng kanyang nakatutok na baril, muli siyang tumawa at walang habas na pinagbabaril ang lalaki. Bawat bala ay nagsasalaysay ng kanyang kasiyahan, bawat sigaw ng biktima ay musika sa kanyang pandinig. Para lang itong isang laruan na sinira niya sa sobrang pagkadismaya.
Nang huminto na ang kanyang daliri sa pagkalabit ng gatilyo, wala na ang lalaki. Ang natira na lang ay isang katawan na naliligo sa sariling dugo, wala nang buhay. Nagpakawala si Red ng isang malalim na buntong-hininga, parang isang artistang natapos ang obra. Lumapit siya sa bangkay, itinaktak ang baril upang maalis ang usok mula rito, saka marahang bumulong...
"Ikamusta mo ako kay Satanas."
At sa gabing 'yun, walang iniwang bakas si Red kundi ang dugo at ang malamig na bangkay.
Sa sumunod na gabi- isang tahimik na gabi, tanging ang mahinang tunog ng mga sasakyang dumadaan sa malayo ang maririnig. Sa parking lot ng hotel, si Red ay nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, matiyagang naghihintay. Hindi siya nagmamadali, ang paghihintay ay bahagi ng laro, at ngayong gabi, siguradong magiging masaya ito.
Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay dumating ang kanyang mga target. Isang lalaki at isang babae, magkahawak-kamay habang papalapit sa isang sasakyan. Kitang-kita sa kanilang mga kilos ang pagiging kampante, ang pagiging lihim na magkasama.
Ngumiti si Red.
"3... 2... 1." Mahinang bulong niya sa sarili.
At eksaktong sa pagbukas ng pinto ng sasakyan ng dalawa, biglang napuno ng makapal na usok ang loob nito. Walang kahit anong ingay, walang hiyaw, isang maingat at perpektong bitag. Makalipas ang limang minuto, lumabas si Red mula sa kanyang sasakyan, lumakad palapit sa kotse ng dalawa. Sa pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang dalawa, walang malay, tila mahimbing na natutulog.
Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang pinagmasdan ang babae.
"Oh, Rhea, I didn't expect na ganito pala ang EX girlfriend mo. Sinabi ko na sa'yo dati pa, she's a total bitch." Mahinang bulong niya, puno ng panunuya. Muli siyang tumingin sa lalaking walang malay, pinagmasdan itong mabuti.
"Diba ito ang aso ng ama ni Amour? Ang lalaking dapat ipapakasal sa kanya?" Umiling si Red, tila nadidismaya ngunit may halong tuwa. "Haa... look at them. May relasyon pala sila." Tumawa siya, hindi masyadong malakas, pero sapat para ipakita ang kanyang kasiyahan.
Isa-isang binuhat ni Red ang mga walang malay na katawan ng dalawa, tila mga laruan lang sa kanyang kamay. Wala siyang naramdamang bigat, wala siyang naramdamang awa. Dahan-dahan niyang ipinasok ang mga ito sa loob ng kanyang sasakyan, siniguradong walang makakakita sa kanyang ginagawa.
Ngayong nasa kanya na ang mga bagong tao para sa kanyang laro, dumaan sa kanyang isipan ang isang tanong.
"Ano kayang mas bagay na paraan ng paglalaro para sa kanila?"
Dinala ni Red ang dalawa sa lugar kung saan niya pinaglalaruan ang mga biktima at pinapatay. Ikinulong niya ang mga ito sa isang silid habang siya ay nasa kabilang kwarto, pinapanood ang kanilang paghihirap.
Nagising ang dalawa at sinimulan ni Red ang laro para sa kanila. Kahit na tama ang sagot ng mga ito, mula sa umpisa pa lang ay wala nang balak si Red na pakawalan sila.
Habang nahihirapan ang dalawa at nagmamakaawa, siya namang tuwa ni Red habang pinapanood sila. Hanggang sa dumating ang huling sandali, the moment she had been waiting for. Walang emosyon sa kanyang mukha habang pinanood kung gaano kasuklam-suklam ang kalagayan ng dalawa, hanggang sa tuluyang namatay ang mga ito.
Nasundan pa ang mga krimen na ginawa ni Red. Sunod niyang pinaglaruan ang isang guro-ang guro na nagpahiya sa kapatid niyang si Lilith. Brutal ang naging kamatayan ng guro.
Kasunod nito, naging mga laruan niya ang tatlong lalaking bumugbog kay Rhea. Sa muling pagkakataon, gano'n din ang sinapit nila. Pinaglaruan ni Red ang mga buhay ng tao hanggang sa nasawi sila. Lahat ng mga biktima ni Red ay puro patay. Kapag may na-target itong biktima, walang pagkakataon na mabubuhay pa ito.
-
Noong araw na 'yun, matapos makuha ni Rhea ang baril at uniporme, nagtungo siya sa opisina ni Azalea dahil sa utos nitong ihatid ang mga mahahalagang dokumento. Pumasok siya sa opisina at naghintay. Habang hinihintay ang asawa, napagdesisyunan niyang buksan ang malaking TV-isang bagay na hindi niya nagawa noon.
Laking gulat niya nang makita ang isang pamilyar na bagay sa screen. Ginamit niya ang kamay upang iharang sa kwintas na nakabitin sa kanyang leeg, at doon niya napagtanto na kinabitan siya ng spy camera ni Azalea.
Pero bakit? Para saan? Tanong ni Rhea sa sarili. Napaisip siya, kaya pala takot si Azalea na galawin ang malaking screen noon dahil ito pala ang gamit niya upang bantayan ang bawat galaw ni Rhea.
Mabilis niyang pinatay ang TV at ibinalik ang remote sa pwesto. Biglang bumukas ang pinto, at nakita niyang pumasok si Azalea, balisa at pawisan. Doon niya alam na may dahilan si Azalea. Imbes na tanungin ito, nagdahilan na lang si Rhea at hindi inamin ang natuklasan.
Ngunit sa gabi din na 'yun, isinagawa niya ang sunod na hakbang. Dinukot niya ang kanyang bagong biktima, walang iba kundi ang manager ni Emilie.
Natuklasan ni Red na palihim nitong sinisiraan ang asawa ni Rhea at pinapadalhan pa ito ng mga pagbabanta. Kahit hindi aminin ni Emilie ang lahat, alam ni Rhea ang ginagawa ng manager sa kanyang asawa. Walang balak si Rhea na gumawa ng masama, pero iba si Red. Para sa kanya, ang lahat ng hadlang kay Rhea ay dapat mawala. Gano'n siya ka-obsessed sa proteksyon nito.
Matapos niyang dukutin ang manager, pinaglaruan niya ito at tulad ng mga naunang biktima, hindi rin ito nakaligtas. Namatay ang babae sa isang larong imposibleng takasan.
Pagkatapos niya paglaruan ang biktima, nagplano si Red, nag hire siya ng isang kriminal upang sagasaan si Fleur. Oo, pati ang girlfriend ay nais niyang saktan, dahil isa rin itong hadlang sa kasiyahan ni Rhea.
Nakipagkita siya kay Fleur upang maisakatuparan ang plano. Paglabas nila ng restaurant, agad itong nagsimula. Mula sa malayo, nakita niya ang paparating na sasakyan, mabilis itong tumatakbo, diretsong patungo kay Fleur. Sa isip niya, masasaksihan niya ang isang trahedyang nakakikilabot.
Ngunit bago pa man mangyari ang lahat, biglang napatigil si Red sa paglalakad. Mabilis siyang sumigaw, hinila si Fleur, at niyakap ito nang mahigpit. Mabuti na lang at nailigtas niya ito bago pa man tuluyang mabangga. Napagtanto ni Red na hindi pa ito ang tamang oras, may kailangan pa siya kay Fleur para kay Rhea.
Hinatid niya si Fleur pauwi upang matiyak na walang masamang mangyayari rito. Pagkatapos noon, umuwi si Red sa kanyang condo. Sinuot niyang muli ang kwintas na noon pa man ay alam niyang may nakatagong spy camera. Ilang sandali pa, biglang tumunog ang doorbell ng kanyang unit.
Pagbukas niya ng pinto, isang delivery man ang naroon. Agad niyang inisip na maaaring kalaban ito at muntik na niyang saktan. May nagpadala sa kanya ng isang figure vase. Hindi niya alam kung sino. Ngunit nang tingnan niya ito nang mabuti, agad niyang naramdaman ang matinding kutob, may hindi tama sa item na ito.
Kinuha niya ang kanyang baril at walang pag-aalinlangang pinagbabaril ang vase. Nang sa wakas ay mabasag ito, tumambad sa kanya ang isang spy camera na nakatago sa loob. Ngumiti siya nang mapagtanto niyang tama ang hinala niya. Alam ni Red kung sino ang nagpadala.
"I didn't expect the second wife to be this clever. You weren't satisfied with the necklace, and now you sent another one. What are you going to do now, Aza?" Sabi ni Red matapos sirain ang camera.
Isang gabi, pauwi na sana si Rhea nang mapansin niya si Vinalyn sa hindi kalayuan, malapit sa hagdan. Palihim niya itong pinagmasdan at napansin ang isang bagay na maingat na inilagay nito sa isang pwesto na hindi agad mapapansin.
Nagtago si Rhea at hinintay na tuluyang mawala si Vinalyn. Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang nagtatago ito sa likod ng storage room, malapit sa hagdan. Ngunit nang bumaba siya, nagulat siya nang biglang sumulpot ang kaibigan.
"Pinapatawag ka ulit ng guro, may mahalaga daw kayong pag-uusapan." Sabi ni Vinalyn.
Ngunit alam ni Rhea na wala na roon ang guro, nakita niyang gumamit ito ng elevator pababa kanina. Hindi niya alam ang tunay na intensyon ni Vinalyn, kaya minabuti niyang sumabay dito. Habang paakyat sila ng hagdanan, biglang lumitaw sa harapan niya ang isang babae na nakaputi. Sa labis na pagkagulat, nadulas siya at nahulog sa hagdan. Nang muling tumingin, wala na ang multo.
"Wala ka bang nakita?" Tanong niya kay Vinalyn.
Umiling ito.
Doon niya napagtanto na nagsisinungaling ang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit, ano ang dahilan ni Vinalyn para gawin ito sa kanya? Nagpasya silang umuwi. Naunang umalis si Rhea, ngunit huminto siya sa may kanto.
"Tsk," seryoso niyang pinagmasdan sa rearview mirror ang babaeng lumabas mula sa campus.
"Vina, pati ba naman ikaw gusto akong saktan? Huwag mo sabihing ikaw ang mastermind sa lahat ng nangyayari sa akin sa school? At ang tanong... ikaw ba ang tumulak?" Madiing bulong ni Rhea bago mahigpit na hinawakan ang manibela.
Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang masama para kamuhian siya ng kaibigan. At 'yun ang dapat niyang alamin. Hindi nagtagal, bumalik si Rhea sa loob ng campus. Tinungo niya ang hagdan kung saan niya nakita ang multo at hinanap ang bagay na inilagay ni Vinalyn. Nang matagpuan niya ito, agad niyang dinampot.
"Tama nga ako sa hinala ko... balak mo talaga akong takutin," bulong ni Rhea habang pinagmamasdan ang hawak na bagay-isang hologram projector.
Dito nanggaling ang multo. Lahat ng inakala niyang kababalaghan na nagpapakita sa kanya, lahat pala ay laro lang.
Napalakas ang pagkuyom ni Rhea ng kamao.
Hindi pwedeng magpatuloy ito.
Sa sumunod na gabi, pagkatapos ng klase, kinompronta ni Rhea si Vinalyn. Nagpunta sila sa cafeteria upang mag-usap. Ngunit bago pa man sila makapagsimula, biglang nakaramdam si Rhea ng matinding antok. Napatingin siya sa inumin na ibinigay ni Vina, at doon niya napagtantong may halo itong pampatulog. Tuluyang pumikit ang kanyang mga mata, walang kamalay-malay sa kung ano ang gagawin ng kanyang kaibigan.
Nagising siya bilang Red.
Namalayan niyang nasa loob siya ng isang sasakyan, nakatali ang kanyang mga kamay. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumampi sa balat ni Red habang nakaupo siya sa loob ng sasakyan, ang kanyang mga mata'y nakatuon kay Vinalyn na tahimik na nagmamaneho. Alam niyang malayo na sila sa syudad, walang ilaw sa paligid, walang ibang sasakyan sa kalsada.
Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi ni Red.
"Ano? Itutumba mo na ako?" Kalmado niyang tanong, walang bakas ng takot sa kanyang boses. Habang nagsasalita, palihim niyang ginagalaw ang kanyang mga kamay, sinisikap tanggalin ang tali.
Hindi sumagot si Vinalyn. Tahimik lang itong nagpatuloy sa pagmamaneho, ang ekspresyon nito'y matigas, ngunit halata sa mahigpit nitong hawak sa manibela na hindi ito kampante. Nang huminto ang sasakyan, agad na napagtanto ni Red kung nasaan sila, isang abandonadong gusali, malayo sa mata ng lipunan. Isang perpektong lugar para sa isang krimen.
Bumukas ang pinto ng sasakyan, at bago pa siya makakilos, marahas siyang hinatak ni Vinalyn palabas at itinulak papasok sa gusali. Halata sa bawat kilos nito ang determinasyon, ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Vinalyn ang isang bagay-
Natanggal na ni Red ang tali sa kanyang mga kamay. Ngunit sa halip na umatake agad, pinili ni Red na manatiling kalmado, nagtatago ng ngisi habang hinayaan si Vinalyn na itulak siya papasok. Naghihintay siya ng tamang tiyempo.
Sa loob ng gusali, isang bagay lang ang nasa isip ni Red, sino ang tunay na biktima rito?
Nagtagpo ang kanilang mga mata sa loob ng lumang gusali, ang tensyon sa pagitan nila ay kasing bigat ng hangin sa paligid.
"Ano? Dinala mo pa talaga ako rito? Para saan?" Tanong ni Red, nakangisi, walang bahid ng takot.
Tumaas ang kilay niya nang makita niyang hinablot ni Vinalyn ang baril at itinutok ito sa kanya. Sa kabila ng sitwasyon, lalo lang lumalim ang ngisi ni Red.
"I'm sorry, trabaho lang, Rhea," sagot ni Vinalyn, ngunit ramdam sa boses nito ang pag-aalinlangan.
Pero hindi si Rhea ang kaharap niya ngayon.
"Before you fucking pull that damn trigger," mahinang bulong ni Red, ang mata'y kumikislap sa pananabik, "sabihin mo kung sino ang nag utos sayo?" Tanong niya
Huminga ng malalim si Vinalyn, halatang nanginginig ang kanyang kamay. Hindi ito bihasa sa ganitong bagay, sa paghawak ng baril, sa pagpatay.
"Si Mr. Monroe... I'm sorry, wala akong ibang choice kundi gawin ito." Halos bumubulong na ang boses ni Vinalyn, pero sapat na 'yun para kay Red.
So, siya pala.
Dahan-dahang tumango si Red, iniisip ang bawat piraso ng impormasyong bumagsak sa kanyang harapan.
"So ikaw," nagsimula siyang maglakad ng mabagal palapit kay Vinalyn, hindi alintana ang baril na nakatutok sa kanya, "ikaw lahat ang may kagagawan sa mga pananakit sa akin sa school? Ikaw ang taong tumulak sa akin?
Hindi na kailangan sumagot ni Vinalyn. Ang bahagyang pagkilos ng kanyang labi, ang pag-iwas ng kanyang tingin, 'yun lang ang kinailangan ni Red.
Dahan-dahang tumango si Vinalyn.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Red, isang halakhak na puno ng pangungutya.
"Papatayin mo ako?" Tumigil siya sa harap mismo ng baril, ang dulo nito'y halos nakadikit na sa kanyang noo. "Kaya mo?" Hamon niya, habang nakatitig nang diretso sa mga mata ni Vinalyn.
Alam niyang hindi nito kaya.
Mabilis, walang pag-aalinlangan at tuluyang natanggal ni Red ang tali sa kanyang mga kamay. Sa isang iglap, bago pa makapag-react si Vinalyn, inagaw na niya ang baril mula rito, ang malamig na bakal ngayon ay nasa kanyang mga palad. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, punong-puno ng pananabik.
"Hindi mo kaya?" Bulong niya, ang boses ay parang musika sa kanyang pandinig. "Pwes, ako kaya ko."
Iginawi niya ang baril sa direksyon ni Vinalyn, nakatutok ito sa mukha ng babae na ngayo'y hindi makakilos.
"Ganito ang tamang paggamit niyan, Vina."
At bago pa nito maisip na tumakbo, sunod-sunod niyang pinaputok ang baril.
BANG! BANG! BANG!
Ang unang bala ay tumagos sa tiyan ni Vinalyn, dahilan upang mapaatras ito, halos mabuwal sa lakas ng tama. Sumunod ang bala sa kanyang binti, isang tunog ng pagkabasag ng buto ang narinig ni Red, dahilan upang mas lumawak ang kanyang ngiti. Isa pang putok sa kamay, dahilan upang tuluyang mabitawan ni Vinalyn ang anumang pag-asa niyang makalaban.
Duguan, nanginginig, tuluyang bumagsak ang babae sa lupa. Sa gitna ng katahimikan, ang tanging naririnig ay ang mahinang ungol ng sugatang si Vinalyn. Mabagal na lumapit si Red, iniangat ang baril, at muling itinapat sa noo ni Vinalyn.
"Sayang," mahinang bulong niya. "Akala ko pa naman may laban ka." Ngunit hindi pa siya tapos.
Tumigil ang mundo ni Red nang marinig niya ang isang pamilyar na boses, isang tinig na hindi niya kailanman inaasahang maririnig sa sandaling ito. Dahan-dahan siyang lumingon, at doon nakita niya si Ines, ang babaeng nagbigay ng liwanag sa kanilang buhay ni Rhea.
Pero sa ngayon, ang nakikita niya ay hindi liwanag-kundi galit, takot, at desperasyon.
Nakita niya ang mga luha ni Ines, bumabagsak nang walang kontrol. Ang poot at sakit sa kanyang mga mata ay parang mga patalim na tumatarak sa kaluluwa ni Red. Naghalo ang emosyon sa kanyang dibdib. Takot. Pangamba. Hindi niya inaasahang matutuklasan ni Ines ang ginawa niya.
At bago pa siya makakilos, bago pa niya magawang itakbo ang mga posibilidad sa kanyang isipan, naramdaman na lang niya ang mga kamay ng kanyang asawa na dahan-dahang kinukuha ang baril mula sa kanyang kamay.
Wala siyang nagawa.
Itinapon ito ni Ines sa malayo.
At sa sumunod na sandali, naramdaman niya ang isang mahigpit na yakap-mainit, puno ng pagmamahal at sakit. Nanlaki ang mga mata ni Red. Maraming bagay ang pumasok sa kanyang isipan. Nakita siya ni Ines. Nakita siya sa mismong krimen. Hindi na niya ito matatakasan, lalo na't isang pulis ang kanyang asawa.
Pero higit sa lahat, isa lang ang naisip niya... si Rhea.
Paano kung dahil sa kanya, mapahamak sila ni Rhea?
Ngumiti si Red.
At bago pa siya tuluyang malunod sa damdamin, dahan-dahan niyang dinukot ang isang matulis na bagay mula sa kanyang likuran.
Sa isang iglap... isang saksak.
Narinig niya ang mahina at masakit na pag-ungol ni Ines.
Hindi pa siya nakuntento, sinundan niya ito ng isa pa.
Hanggang sa tuluyang bumagsak si Ines sa harapan niya, napaluhod, at duguan.
Nanlabo ang paningin ni Ines, nanginginig ang labi, tila may binubulong, ngunit hindi na niya maintindihan.
Pinagmasdan lang siya ni Red, tila wala na sa sarili.
Ngunit sa isang iglap, parang bumagsak ang isang malamig na tubig sa kanyang ulo.
Biglang nagbago ang lahat.
At ngayon... hindi na si Red ang nakatayo roon.
Si Rhea na.
Halos mawalan siya ng hininga sa nakita ang kanyang pinakamamahal na asawa, duguan, naghihingalo sa harap niya. Nanginig ang buong katawan niya habang pinagmamasdan ang duguang mga kamay.
Siya. Siya mismo ang sumaksak kay Ines.
"NO! NO! NO! INES!!" Napasigaw siya, halos mapatid ang kanyang boses sa galit, galit sa sarili.
Bumagsak siya sa tabi ni Ines, niyakap ito nang mahigpit, nanginginig sa takot at pagsisisi.
Pero huli na ang lahat sa kanya, isa siyang kriminal at biktima ang asawa.
-
Nagmamadaling pumasok sina Azalea, Emilie, at Amour sa abandonadong gusali, ang kaba sa kanilang dibdib ay halos sumabog sa takot kung ano ang madadatnan nila. Ngunit nang makita nila ang duguang katawan ni Vinalyn, nakahandusay sa malamig na lupa, wala nang buhay ay nanlumo sila.
Hindi sila makapaniwala.
Dahil nakita nila ang lahat.
Sa kabila ng kanilang pagdududa, hindi nila inakalang aabot sa ganito ang lahat. Nasaksihan nila kung paano walang habas na binaril ni Rhea si Vinalyn, isang eksenang hindi nila matanggal sa kanilang isipan.
Hindi na sila nagpatumpik-tumpik. Mabilis na tinawagan ni Azalea ang pulis para iulat ang insidente. Ngunit bago pa sila makaalis sa lugar, isang tawag ang natanggap nila.
Si Ines...
Dinala sa ospital, nag-aagaw buhay.
Sa isang iglap, ang kanilang takot at pagkalito kay Rhea ay napalitan ng matinding takot para kay Ines. Mabilis silang sumugod sa ospital, hindi na alintana kung paano sila nakarating doon. Ang puso nila ay kumakabog, ang iba sa kanila ay lumuluha na, hindi alam kung kakayanin nilang harapin ang sitwasyon.
Pagdating nila, nakita nilang naroon na ang mga magulang ni Ines, nakaupo, tahimik na naghihintay sa labas ng emergency room. Wala silang nagawa kundi ang maghintay.
Maghintay at magdasal.
Hindi lang para kay Ines, kundi para rin sa batang nasa sinapupunan nito.
Dahil alam nilang buntis si Ines.
Lahat sila.
Apat silang magkakaibigan na sabay-sabay na nagdadalang-tao, isang lihim na kanilang itinago kay Rhea. Balak nilang sorpresahin ito, balak nilang gawing masaya ang lahat ng 'yun.
Pero ngayon... nagbago ang lahat.
Hindi na nila alam kung ano ang mangyayari.
At si Rhea, hindi nila mahagilap. Wala kahit anong sagot sa tawag. Wala kahit anong bakas kung nasaan ito. Tanging hawak na lang ngayon ni Azalea ang kwintas na itinapon ni Rhea, isang bagay na minsang sumasagisag sa pagmamasid at proteksyon.
Ngayon, isa na lang itong paalala na hindi na nila alam kung sino si Rhea...
At kung may babalikan pa ba sila.
-
Tuliro, walang direksyon ang mga iniisip ni Rhea habang nakaupo sa loob ng isang kwarto sa mansion ni Fleur. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito, hindi niya alam kung paano tatanggapin ang realidad.
Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang ginawa niyang krimen, ang dugong dumikit sa kanyang mga kamay, ang sigaw ng mga biktima, at higit sa lahat, ang sugatang katawan ni Ines, ang babaeng asawa niya.
Hindi niya alam kung buhay pa si Ines. Hindi niya alam kung may pag-asa pang maitama ang lahat. Gusto niyang tumayo, gusto niyang pumunta sa ospital at makita ito, ngunit wala siyang lakas. Ang tanging nagawa niya ay umiyak. Humagulgol.
Sa gitna ng kanyang paghikbi, palihim siyang nagdasal. "Patawad... Patawarin mo ako, Ines. Diyos ko, patawarin mo ako."
Bumukas ang pinto.
Sandali niyang inangat ang kanyang ulo, at sa kabila ng malalabong mata dahil sa mga luha, nakita niya si Fleur na pumasok sa kwarto. Kasunod nito ay isang ginang na may malambot ngunit seryosong ekspresyon sa mukha, ang Ina nito. Dahan-dahan silang lumapit kay Rhea, at nang mas malinaw na niyang makita ang kanyang sarili sa salamin ng kabinet sa tabi, napansin niyang siya'y duguan, marungis, at parang isang taong wala nang kaluluwa.
Nasaktan ang ginang sa kanyang nakita.
"Rhea," mahinang tawag ni Fleur.
Dahan-dahang itinaas ni Rhea ang kanyang paningin, ang mga mata niya'y pagod, walang buhay.
"Fleur... gusto kong sumuko sa mga pulis," lumuluhang sabi niya. "G-Gusto kong makita si Ines. K-Kailangan kong panagutan ang krimen na ginawa ko. A-Ang dami kong pinatay, h-hindi kaya ng konsensya ko."
Pero bago pa siya makagalaw, lumapit si Fleur at tumitig sa kanya.
"No," matigas na sagot nito. "Hindi ka aalis. At mas may kailangan kang malaman ngayon."
Naguguluhan si Rhea, lalo na nang humarap sa kanya ang ginang. Hindi niya ito kilala, ngunit sa tingin pa lang, ramdam niya ang isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Bago pa siya makapagtanong, bigla siyang niyakap ng Ina ni Fleur. Mainit. Mahigpit. Parang may pinanghahawakan itong matagal nang nawala. At sa mahina ngunit puno ng damdaming tinig, isang salitang bumago sa buong pagkatao ni Rhea-
"Anak."
Nanlaki ang mga mata ni Rhea. Parang naging bato ang kanyang katawan. Hindi siya makakilos. Hindi niya maiproseso ang narinig niya. Anak? Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isipan ang salitang iyon.
Paanong...?
Sa dami ng kanyang iniisip, ngayon pa dumating ang isang rebelasyong hindi niya kailanman inaasahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip