Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 39

inkbyseki


-

Sa kalagitnaan ng malalim na gabi, tumatakbo si Rhea, pilit tinatakasan ang mga taong humahabol sa kanya. Hindi niya matanggap ang kasalanang nagawa-at ngayon, nalaman pa niyang ang tunay niyang ina ay ang kinikilalang ina ni Fleur.

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya matanggap. Ang katotohanan na matagal na itinago sa kanya ay ngayon lang ibinunyag, at parang sasabog ang kanyang isipan sa gulo ng lahat. Ngunit sa kabila ng lahat, isa lang ang nasa isip niya, makarating sa ospital at masigurong ligtas ang kanyang asawa.

"Red! Sa oras na may nangyaring masama kay Ines, pinapangako ko-mamamatay tayong dalawa." Punong-puno ng poot ang boses ni Rhea habang patuloy siyang tumatakbo, hindi alintana ang pagod at takot.

"Para sa akin?! Alam mo ang tungkol kay Ines! Pero bakit pati siya binalak mong patayin?!" Nanginginig ang kanyang katawan sa galit. "Mas mabuti pang tayong dalawa na lang ang mamatay! Kung ganyan ka magmahal sa akin, mas nanaisin ko na lang mawala habang buhay." Nanggigigil siyang sumigaw, tila nakikipag-usap sa isang multong hindi niya maalis sa kanyang isipan-si Red.

Nakahanap ng paraan si Rhea upang matakasan ang mga tauhan ni Fleur. Gusto niyang isuko ang sarili sa mga pulis, pero pilit itong tinututulan-balak siyang ikulong sa mansion upang hindi na makaalis.

Hindi siya pumayag. Nanlaban siya, hindi hinayaang makulong sa kasalanang hindi niya kayang takasan. Sa gitna ng kaguluhan, nakahanap siya ng oportunidad upang makatakas. Ngunit bago niya isuko ang sarili. Dadaan muna siya sa ospital. Gusto niyang makita ang kanyang asawa sa huling pagkakataon.

Pasado alas dos ng madaling araw, pumuslit si Rhea sa ospital. Hinanap niya ang kwarto ni Ines at agad napansin ang mga bantay na pulis sa labas. Gusto niyang pumasok, pero hindi niya alam kung paano. Kaya naghanap siya ng ibang paraan. Naglibot siya sa ospital hanggang sa makahanap ng isang scrubsuit ng nurse. Mabilis niya itong isinuot at naglagay ng mask upang maitago ang kanyang mukha.

Matapos ayusin ang sarili, nagtungo siya sa kwarto ni Ines. Kinakabahan siya-ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang papalapit sa pintuan. Pero nakahinga siya ng maluwag nang hindi siya makilala ng mga bantay, kaya mabilis siyang pumasok.

Pagkarating pa lang niya sa loob, agad niyang narinig ang tunog ng makina na sumusuporta sa buhay ni Ines. Hindi siya nakagalaw. Parang may mabigat na pumipigil sa kanyang mga paa. Biglang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Hindi kaya ni Rhea tingnan ang asawa pagkatapos ng ginawa niya.

Pero nilakasan niya ang loob. Dahan-dahan siyang lumapit kay Ines, na mahimbing na natutulog. Tinakpan niya ang kanyang labi, pilit kinagat ito upang hindi makalikha ng tunog habang umiiyak.

Nanginginig niyang hinawakan ang kamay ni Ines, hinaplos ito nang buong ingat, na parang natatakot siyang baka tuluyan itong mawala sa kanya. Muli niyang dinala ang kamay nito sa kanyang labi, mariing hinalikan habang pumapatak ang kanyang mga luha. Dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama, hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa habang patuloy na umiiyak.

"S-Salamat... Salamat at ligtas ka..." Bulong niya, halos hindi marinig sa pagitan ng kanyang paghikbi.

Hindi niya na napigilan ang lahat ng sakit, lahat ng bigat na matagal niyang kinikimkim. Tuluyan siyang humagulgol, hindi na alintana kung may makarinig sa kanya.

Ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganito katinding sakit. Mas masakit pa kaysa sa lahat ng sugat na natamo niya noon. Mas masakit pa kaysa sa bawat suntok, sipa, at palo na naranasan niya sa kamay ng kanyang sariling ama. Mas masakit pa sa bawat bugbog na tinanggap niya sa arena. Pero ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Parang pinupunit ang kaluluwa niya nang buhay.

"P-Patawad..." Bulong niya, hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa. "Patawarin mo ako..." Napapikit siya nang mariin, pilit pinipigilan ang panibagong bugso ng kanyang pag-iyak.

"H-Hindi kita nailigtas... H-Hindi ko natupad ang pangako kong poprotektahan ka sa lahat. B-Bebelabs..." Binasag ng mga hikbi ang kanyang tinig. "Alam kong hindi ako karapat-dapat na patawarin sa lahat ng kasalanan ko... Alam kong wala akong mukhang maihaharap sa'yo pagkatapos ng lahat ng nangyari..."

"P-Pero gusto kong malaman mo... h-hindi ko ginusto ang lahat." Dahan-dahan niyang inilapit ang noo sa kama, habang patuloy na dumadaloy ang kanyang luha.

"Susuko ako sa mga pulis. K-Kailangan kong pagbayaran ang lahat." Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan, ang bigat sa kanyang dibdib na unti-unting dinudurog ang kanyang buong pagkatao.

"H-Hindi kaya ng konsensya ko... lalo na at pati ikaw nadamay." Napahagulgol siyang muli, halos hindi na makahinga. Para siyang isang batang nawala sa dilim, walang malapitan, walang mahawakan, walang pag-asa.

Pero kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap... kailangan niyang gawin ang tama.

"G-Gumising ka ha?" Mahina at nanginginig ang boses ni Rhea habang nakatingin kay Ines, na wala pa ring malay. "Huwag kang susuko, huwag mong sukuan ang buhay..."

Muling bumagsak ang kanyang luha, bumalot ang matinding sakit sa kanyang puso. "H-Hindi mawala sa isipan ko ang ginawa ko. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang trahedya... kung paano ka mismo bumagsak mula sa aking mga kamay." Napapikit siya sa bigat ng mga alaala, nanginginig ang kanyang mga daliri habang marahan niyang binitawan ang kamay ni Ines.

"H-Hindi..." Umiling siya, pilit pinipigil ang paghikbi. "Hindi mo dapat hawakan ang kamay kong walang ginawa kundi ang pumatay. Hindi nararapat para sa akin na mahawakan ka... hindi ko na dapat maramdaman ang init mo pagkatapos ng ginawa kong pananakit sa'yo." Isang malalim na hinga ang pinakawalan niya, pilit isiniksik sa isip ang desisyong matagal na niyang kinakatakutan.

"Ines, mahal na mahal kita... pero napagtanto ko na hindi tayo para sa isa't isa." Pumikit siya nang mariin, pilit isinasantabi ang sakit na parang sasabog na sa kanyang dibdib. "Hindi ako nababagay sa inyo. Isa akong mamamatay-tao, at ayaw kong dungisan ang pangalan ninyo. Ayaw kong maging mantsa sa buhay ninyo."

Dahan-dahan siyang tumayo, pilit nilalabanan ang panginginig ng kanyang katawan. "Gusto kong sumaya kayong lahat nang wala ako. Gusto kong magkaroon kayo ng normal na pamilya. Isang pamilya na walang halong dugo, kasalanan, at pagdurusa."

Lumunok siya, pinahid ang mga luhang hindi pa rin tumitigil sa pagpatak. "S-Salamat sa maikling panahon na ibinigay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal mo, sa pagtanggap sa isang katulad ko." Dahan-dahang bumaling siya sa nakahigang katawan ng asawa, ninanamnam ang huling sandaling maaaring ipagkait sa kanya ng kapalaran.

"Pero hindi ko kaya..." Napangiti siya nang mapait. "Hindi ko kayang humarap sa inyo... hindi ko kayang manatili, matapos ng lahat ng nagawa ko." Tumayo siya, binigyan si Ines ng huling tingin at halik, pilit na isinisiksik sa puso ang bawat alaala nilang magkasama.

"Patawad..." mahina niyang bulong, "Sana... maging masaya ka."

At sa huling pagkakataon, lumingon siya sa babaeng pinakamamahal niya-bago tuluyang lumabas ng kwarto, iniwan ang lahat ng sakit, pagsisisi, at pagmamahal sa likod ng isang pintuang hindi na niya muling babalikan.

Papalabas si Rhea, tahimik na dumaan sa likod ng ospital upang hindi na makatawag-pansin. Ngunit hindi niya inaasahan ang babaeng nakasalubong niya. Bigla siyang nanigas. Hindi makakilos. Nanlalamig ang buong katawan niya. Isa sa kanyang mga asawa, si Azalea.

Nakatayo ito sa harapan niya, seryosong pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa, ang titig nitong matalim, hindi niya mabasa kung may galit, lungkot, o hinanakit. Pabigat nang pabigat ang bawat paghinga ni Rhea, lalo na nang humakbang si Azalea papalapit.

Hindi... Hindi niya ito kayang harapin. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang umiwas, takasan ito- takasan ang bigat ng kanyang konsensya, pero tila naging bato ang kanyang katawan. Walang tinig na lumabas sa kanyang bibig at ngayon, habang papalapit nang papalapit si Azalea, alam niyang wala na siyang ligtas.

"A-" Tila nawalan ng boses si Rhea, hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ni Azalea. Napaatras siya, pero doble ang bilis ng paglapit ni Aza.

Para siyang hinahabol ng sariling anino... walang ligtas, walang tatakasan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung paano magsisimula. Ano ang dapat niyang gawin? Ano ang dapat niyang sabihin? Pero isang bagay lang ang nasa isip niya. Kailangan niyang humingi ng kapatawaran.

Nanginginig na ang buong katawan niya nang tuluyang huminto si Azalea sa harapan niya. Ramdam niya ang malamig nitong presensya, ang mabigat na titig na bumabaon sa kanya. At doon na siya bumigay. Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Rhea kasabay ng pagluhod niya sa harapan ng asawa.

"P-Patawad... Patawad..." Mahina at basag ang kanyang boses, halos hindi marinig dahil sa kanyang paghikbi. "S-Susuko ako..." Pinilit niyang salubungin ang tingin ni Azalea, pero masyadong mabigat, masyadong puno ng emosyon.

"Alam kong wala akong karapatang magpakita kay Ines pagkatapos ng ginawa ko, p-pero sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ko kayang lumayo nang hindi siya nakikita kahit isang beses." Huminga siya nang malalim, pero hindi nito napawi ang panginginig ng kanyang tinig.

"H-Hindi ako nagpunta rito para saktan siya... g-gusto ko lang siyang makita bago ko isuko ang sarili ko sa mga pulis. Gusto kong humingi ng tawad... kahit alam kong hindi ako karapat-dapat na patawarin." Mariin niyang kinagat ang labi, pilit pinipigil ang muling pagsabog ng kanyang emosyon.

"I'm sorry..." Napahawak siya sa sariling dibdib, pilit inaalo ang sarili sa sakit na hindi niya na kayang pigilan. "Wala na ako sa sarili ko, Aza. Hindi ko na alam kung sino ako. H-Hindi ko na alam kung ako pa rin 'to." Tuluyan na siyang humagulgol, nanginginig at nakayuko sa harapan ng asawa.

Hindi niya alam kung tatanggapin siya ni Azalea o itutulak palayo. Pero anuman ang mangyari... handa na siyang tanggapin ang hatol nito.

"Why?" Nanginginig ang boses ni Azalea, puno ng sakit at galit habang nakatingin kay Rhea. "Hindi ko inakala na sa lahat ng taong maaaring trumaydor sa kanya... ikaw pa." Isang malalim na katahimikan ang bumalot sa pagitan nila, pero hindi 'yun nakatulong para mapawi ang bigat ng hangin sa paligid.

"Rhea..." Napakuyom ng kamao si Azalea, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. "How could you do that to Ines? What did she ever do to you?" Tanong ni Aza. Hindi sumagot si Rhea. Hindi siya makatingin ng diretso kay Azalea.

"All your past mistakes-I ignored them. I let everything go because I believed in you. Because I knew you had a reason. Because I love you." Halos bumigay na si Azalea sa bigat ng emosyon, pero pinilit niyang manatiling matatag.

"But this, Rhea? How am I supposed to accept this?" Napailing siya, napahawak sa noo na para bang hindi pa rin makapaniwala. "Ines almost died... She was fighting for her life earlier." Napasinghap si Rhea, kahit pa alam na niya ang katotohanan. Iba pa rin ang pakiramdam kapag ibang tao ang nagsasabi nito, lalo na kung galing kay Azalea.

"Masakit," patuloy ni Azalea, pinilit na gawing matatag ang boses pero bakas pa rin ang pangangatog. "Masakit sa amin. Lalo na sa akin." Pumatak ang isang luha mula sa kanyang mata, mabilis niyang pinahid, ayaw ipakita ang kahinaan sa harap ni Rhea.

Nakita ni Rhea ang dismaya sa ekspresyon ni Aza, kitang-kita rito ang sakit at panghihinayang. Hindi niya alam kung dapat pa niyang sabihin ang katotohanan na hindi siya ang pumapatay, na hindi siya ang nanakit kay Ines. Pero maniniwala ba si Aza? O baka isipin lang nitong nababaliw siya?

Masakit para kay Rhea. Wala siyang kaalam-alam sa mga pagpaslang ni Red, walang ideya sa mga bangkay na naiwan ng kanyang alter. Kung nalaman lang niya nang mas maaga, baka nagawa niyang pigilan ito. Baka nahanap niya ang paraan para maagapan ang lahat bago pa tuluyang lumala. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.

"Pananagutan ko ang lahat. Tatanggapin ko ang parusang nararapat." Mahina ngunit matatag ang boses ni Rhea. "A-Aza... ang isang tulad ko ay hindi nararapat mahalin."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago siya tumingala upang tingnan si Azalea. Doon niya nakita ang mga luha nitong tuluyang bumagsak.

"H-Hindi ako ang para sa inyo... k-kaya kalimutan na ninyo ako." Nanginig ang boses ni Rhea habang pilit na tinatago ang sakit sa kanyang puso. "Gusto ko, sa oras na mahatulan ako, maging masaya kayo. Makahanap kayo ng isang totoong tao na makakasama ninyo habang buhay-isang taong kaya kayong protektahan, hindi sasaktan." Saglit siyang natigilan, pilit nilulunok ang kirot sa kanyang dibdib bago muling nagsalita.

"Gusto kong magkaroon kayo ng normal na pamilya... kaya kahit alam kong mahirap at malabo, sa huling pagkakataon, taos-puso akong humihingi ng tawad."

"P-Please... ang kapatid kong si Lilith, huwag ninyong idamay sa galit. Inosente siya... wala siyang alam." Puno ng pagmamakaawa ang kanyang tinig, umaasang kahit papaano ay maipaglalaban pa rin niya ang kaisa-isa niyang kapatid. Mas bumigat ang pakiramdam ni Rhea, lalo na nang banggitin niya ang kanyang kapatid.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nila bago marahang huminga nang malalim si Azalea. Halata sa kanyang boses ang bigat ng nararamdaman.

"I... I love you so much. I want to fight for you and protect you... b-but my love isn't enough to justify what you did to Ines." Napalunok si Aza, pinilit na hindi humikbi. "Both of you are important to me, and I don't know who to side with." Yumuko siya at mainit na hinaplos ang pisngi ni Rhea.

"I... I want you to face the consequences of everything, but I also don't want you to suffer anymore. You've already gone through so much trauma in your life. I know it's wrong, but I just can't..." Bulong ni Aza at narinig nila ang sirena ng pulis sa hindi kalayuan. "G-Go, I'll find you. I promise." Isang masakit na pagpapaalam ang sinabi ni Aza at hinalikan si Rhea, isang halik na alam niyang hindi na niya ulit mararanasan kay Rhea.

Umiling si Rhea, pilit tumututol sa gusto ni Aza. "N-No, I can't run away. My conscience won't allow it. How can I face tomorrow when all the memories are chasing me? How can I live a normal life knowing I almost killed Ines? N-No, I'll surrender, Aza... Please..." Pagmamakaawa ni Rhea kay Aza.

"Ines... s-she loves you more than life itself." Parang gumuho ang mundo ni Rhea nang marinig iyon mula kay Azalea, mas naging triple ang sakit sa puso ni Rhea.

Mas lalong lumakas ang tunog ng sirena, at wala nang panahon pa. Malapit na sila. Kailangan nang umalis ni Rhea bago siya mahuli ng mga pulis. Hindi si Azalea ang nagsumbong, kundi ang ama ni Amour, na may hawak na ebidensya laban sa kanya-isang audio recorder na nakatago sa suot ni Vinalyn.

"Please, if you truly love me, grant my last wish. Leave, get away from those who've done nothing but hurt and torment you. I promise you, I will find you, no matter where you go, no matter how far you try to hide. I love you, and I'll take care of your sister. Promise me, you won't give yourself up to the police. Don't surrender for a crime you didn't commit."

"I know everything. I know you're not the killer. I know you have an alter, because every move you make, I see through it all, and I know you better than anyone." Halos nanlabo na ang mga mata ni Rhea dahil sa inamin ni Azalea. Hindi siya makapaniwala na alam pala nito ang tungkol sa isa pang personalidad niya.

Pinahid ni Rhea ang mga luha at dahan-dahang tumayo, pinilit bumangon sa lahat ng sakit na nararamdaman. Huling pagkakataon na ba ito? Tanong niya sa sarili. Tumingin siya kay Azalea at dahan-dahang hinila ito patungo sa kanya para sa isang matagal, mainit na yakap... yakap na hindi niya alam kung kailan pa ulit mararamdaman.

Hindi na siya makapagsalita, ang mga luha ni Azalea ang naging sagot sa kanyang katahimikan. Nakayakap silang dalawa, puno ng saloobin at hindi maipaliwanag na damdamin.

"Take care, okay? Wait for me." Bulong ni Azalea, luhaan, bago dahan-dahang dinampian ng isang halik ang kanyang labi.

Hindi kayang sagutin ni Rhea ang hiling na iyon. Alam niyang labag sa kanyang puso, pero wala siyang magawa kundi tuparin ang hiling ng asawa. Gusto niyang sumuko, ngunit may malupit na puwersa na nagtutulak sa kanya para lumayo.

Puno ng sakit, nagsimulang maglakad si Rhea palayo, ang puso niya parang may mabigat na karga. Huminto siya sa isang lugar, at sa muling pagkakataon, nilingon si Azalea. Malungkot siyang ngumiti, bago tuluyang nilisan ang lugar.

Habang naglalakad, hindi na kayang itago pa ni Rhea ang sakit na bumabalot sa kanyang katawan at isipan. Deserve ko pa ba ang mabuhay? Tanong niya sa sarili habang nararamdaman ang bawat pait ng buhay. Alam niya, alam niyang hindi na siya makakabalik pa. Mas mabuti pang lumayo... para wala na muling may masaktan.

Nang hindi na kayang tiisin, tumigil siya sa kalye at bumagsak sa kalsada. Humagulgol siya ng iyak, ang lahat ng sakit, pagkatalo, at panghihinayang ay naghalo-halo na. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Kasabay ng pagkawasak niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan, parang ang langit mismo ay nakikidalamhati sa kanya.

Isang sasakyan ang huminto sa tabi niya. Pagbukas ng pinto, nakita ni Rhea ang mukha ni Fleur, ang babaeng pilit niyang tinakasan, pero sa pagkakataong ito, hindi na niya kayang umiwas pa.

"Fleur," lumuhod si Rhea, hindi na kayang itago ang lahat ng hinagpis. Ang buong katawan niya ay walang lakas, na parang sa sobrang sakit, wala na siyang nararamdamang buhay.

Hinila siya ni Fleur. Hindi nagdalawang-isip si Fleur na tulungan siya, hinaplos ang likod ni Rhea upang tulungan itong tumayo. Dahan-dahan siyang inalalayan, pinilit bumangon, at sumakay sa sasakyan. Ngunit ang bawat hakbang, ay para kay Rhea-parang isang bagong simula ng pakikibaka. Pero hindi na niya alam kung kaya pa niyang magsimula ulit.

Bumalik sila sa mansion, at sinalubong sila ng Ina ni Rhea. Ngunit hindi ito nagustuhan ni Rhea. Para bang walang emosyon ang katawan niya, wala na siyang nararamdaman sa lahat ng ito. Pagod na siya, hindi lang pisikal kundi pati na rin emosyonal.

Habang naglalakad sila papasok, hindi na siya nagpakita ng kahit anong reaksyon ng makita ang ina na nakatayo sa harap nila. Ang ina na nag-iwan sa kanya. Ang ina na hindi binalikan, iniwan siyang mag-isa sa gitna ng lahat ng hirap. Hindi na kinaya ni Rhea. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng ina mula sa kanyang braso, tumayo ng diretso at tiningnan ito sa mga mata ng walang takot, walang pagkabahala, pero puno ng sakit at pighati.

"K-Kung sana sinama mo lang kami ng kapatid ko," malungkot ngunit matigas na sinabi ni Rhea, "sana hindi magiging ganito ang buhay ko."

Sumikip ang dibdib ni Rhea sa bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. "Kung sana binalikan mo kami kaagad pagkatapos mong makaahon sa hirap, sana walang RED sa pagkatao ko." Huminga siya nang malalim, pinipilit na hindi magpadala sa pag-aalab ng galit na nanunuot sa kanyang katawan.

"Hindi kita masisisi..." Mahinang saad ni Rhea, "pero sana, hindi ka na lang bumalik sa buhay ko." Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng lahat ng hinagpis, ang sakit ng mga taon ng paghihintay, at ang bigat ng mga desisyong hindi nila kayang baguhin. Walang galit sa boses ni Rhea, ngunit ang bawat salita ay parang kutsilyo na dahan-dahang sumisira sa natitirang koneksyon nilang mag-ina.

"Hindi na ako interesado kung anong pinagdaanan mo, kung paano ka naging ganito kayaman. Pagod na ako sa mga yaman na yan, gusto ko nalang mamuhay ng mag-isa, walang kasama, walang sagabal para wala akong masaktan." Tagos sa puso ang bawat salitang binitawan ni Rhea. Ang kanyang ina, na puno ng pagsisisi at lumbay, ay ngayon ay lumuluha na, hindi makapaniwala sa sakit na dulot ng mga salitang 'yun.

Ang sakit na nararamdaman ni Rhea ay hindi lang galit, kundi ang sama ng loob na matagal nang nakatago, ang paghihirap na dulot ng pag-iwan at hindi pinahalagahan. "Kaya ko buhayin ang sarili ko mag-isa, hindi ko kailangan ng mga tulong ninyo. Hayaan na ninyo ako, pabayaan ninyo ako dahil hindi nararapat sa isang tulad ko ang kaawaan at mahalin." Tumalikod siya, at ang mga huling salitang 'yun ay parang tinik na tumusok sa puso ng ina.

"Huwag ninyo akong lalapitan. Alam ko naman kahit saan ako magpunta, susundan nyo pa rin, pero sana respetuhin ninyo ang desisyon ko. Wag na wag kayong magpapakita sa akin." Ang kanyang mga salita ay malamig, wala ni isang patak ng luha sa kanyang mga mata, pero ang pusong bitin sa pangarap ng pagmamahal ng isang ina ay unti-unting nagsusumamo.

Pagtalikod ni Rhea, ang lahat ng pinigilang emosyon ay muling bumalik sa kanya. Sa kaibuturan ng kanyang puso, gusto niyang maramdaman ang yakap ng isang ina, kung paano siya alagaan, mahalin, at yakapin ng buo, pero alam niyang hindi na iyon posible. Kailangan niyang lumayo, magmukhang masama. Ayaw na niyang madamay ang mga tao sa paligid niya. Ayaw niyang magdulot pa ng pagkamatay o sakit sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Umalis siya ng mansion, basang-basa sa ulan. Hindi alam kung saan pupunta, pero alam niyang kailangan niyang makalayo. Ang kanyang mga hakbang ay mabilis, hindi alintana ang pag-apaw ng ulan at lamig.

Pumunta siya sa isang lugar na alam niyang walang makakakita, walang makakahalata. Isang lugar na magiging tahimik, isang lugar kung saan siya lang, at wala na ang nakaraan niyang puno ng sakit at kalungkutan. At sa ilalim ng dilim ng ulan, ang bawat hakbang niya ay parang paghahanap ng kaligtasan sa isang mundong wala nang lugar para sa kanya.

-

Nagtago si Rhea sa isang malayong lugar, sa isang bukirin, kung saan hindi uso ang mga gadgets at ang buhay ay tahimik at simple. Malayo sa kabihasnan, malayo sa lahat ng mga taong naghahanap sa kanya. Nakatira siya sa isang kubo, isang maliit na kubo na siya mismo ang gumawa. Ang kubo ay kasya lamang para sa kanya, isang lugar na siyang magbibigay sa kanya ng panandaliang kapayapaan mula sa mundo ng kasalanan at paghihirap na iniwan niya.

Walang pera, walang kayamanang dala- iniwan niya ang lahat upang magsimula ng bagong buhay. Sa kabila ng paglayo, ang sakit na dulot ng nakaraan ay patuloy na bumabalik. Bawat gabi, sa tuwing pipikit siya, bumabalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga krimen na ginawa ng alter niyang hindi niya kayang patawarin. Lalong tumitindi ang sakit ng kanyang konsensya, hindi niya kayang itago o takasan ang kasalanan ng isang katauhan na hindi niya gustong maging.

Ang mas masakit, kung paano niya sinaksak si Ines ng walang awa, ang babaeng minahal niya ng tapat. Hanggang ngayon, hindi niya kayang patawarin ang sarili. Palaging bumabalik sa kanyang isipan ang tanawin ng nangyaring 'yun, at sa bawat pagkakataon, nadarama niyang pinapalakas lang ng kanyang konsensya ang sakit na 'yun.

Araw, linggo, at mga buwan ang dumaan, ngunit hindi ito nagbago. Ang pakiramdam ni Rhea ay parang isang walang katapusang cycle, paulit-ulit na nangyayari sa kanya ang mga alaala ng nakaraan. Kahit anong gawin niyang hakbang upang limutin ang lahat, hindi niya magawa. Ang bawat gabi ay naging isang masalimuot na laban sa kanyang isipan. Ang patuloy na alon ng pagkatalo at hinagpis ay tila hindi na natatapos.

May mga pagkakataon na gusto niyang wakasan na ang lahat, tapusin na ang paghihirap na dulot ng mga alaala at ang bigat ng kanyang puso. Ngunit, sa mga pinakamadilim na sandali, naaalala niya ang pangako kay Azalea. Hindi susuko. Ang mga salitang 'yun ang nagiging dahilan kung bakit hindi siya sumuko. Ang pangako na hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong mahal niya.

Sa kabila ng lahat ng nararamdaman niyang sakit, isang maliit na bahagi ng kanyang puso ang patuloy na lumalaban, dahil sa pangako, at dahil alam niyang may pag-asa pang magsimula ulit.

Hindi naging madali kay Rhea ang kalabanin ang sarili, dahil kahit anong gawin niyang pag-iwas at pagpipigil, hindi niya kayang kontrolin si Red. Akala niya hindi na mangyayari, pero paulit-ulit itong bumabalik, tulad ng isang halimaw na hindi mo kayang patumbahin. Pumatay ulit si Red, hindi alintana ang mga buhay ng mga taong alam niyang hadlang sa kanya, mga taong may masamang intensyon at mga taong sa tingin ni Red ay sasaktan si Rhea.

Ang mga sandaling 'yun, na walang kontrol si Rhea, ay nagsanhi ng higit pang pagkawasak sa kanyang sarili. Dumating ang panahon na hindi na niya kayang tiisin. Ang sakit na dulot ng kaguluhan sa kanyang isipan at katawan ay naging huling pagsubok kay Rhea. Si Red-ang madilim na bahagi ng kanyang sarili ay patuloy na nagiging sanhi ng pagkawasak ng kanyang kaluluwa.

Kinulong ni Rhea ang sarili sa kubo, gumawa ng paraan upang pigilan si Red. Pinaghiwalay niya ang sarili mula sa lahat ng bagay, walang pagkain, walang tubig, at pinakamatindi sa lahat, kinadena ang sarili upang hindi makagalaw. Para kay Rhea, mas ligtas na siya sa ganitong paraan. Hindi niya kayang maging malaya, hindi na siya karapat-dapat maging malaya.

Hinang-hina na siya. Pakiramdam niya ay katapusan na niya. Tinutukso siya ng mga anino ng nakaraan, at ang pag-asa na unti-unting nawawala sa kanyang puso. Sa kalagitnaan ng kalungkutan, may mga bagay siyang nakikita, mga ilaw na hindi kayang ipaliwanag ng sinuman. Minsan, may mga nakikita siyang hindi normal para sa iba. Mga anino na parang bumangon mula sa kanyang isipan, mga imahe ng mga taong wala na sa kanyang buhay, mga imahe na nagiging malabo at nagiging mas matindi ang sakit na nadarama.

Pakiramdam niya, ang bawat araw na lumilipas ay isang hakbang patungo sa kanyang katapusan. Marahil, iniisip niya na ito na ang wakas, na ang mga pangarap niyang sana'y magbago ay hindi na kayang mangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mga sandali pa na dumaan, mga sandaling tinatanaw pa niya ang langit, nag-iisip kung may pagkakataon pa bang magbago ang lahat.

Ngunit, sa kanyang kalooban, alam niyang hindi madali ang magsimula ulit. Ang labanan na hindi niya kayang hawakan, ang sakit na hindi niya kayang iwasan, ang tanging natitira na lamang ay ang matinding pagnanais na sana may magbago.

Isang umaga, may dalawang maglola na napadaan sa kubo ni Rhea. Ang batang babae, puno ng kalikutan, ay napansin ang isang bagay sa loob ng kubo. Nang tiningnan niya, nakita niyang si Rhea ay nakahandusay sa sahig-sobrang payat, mahina ang pulso, at nakakadena sa mga kamay at paa. Agad siyang sumigaw ng tulong sa kanyang lola.

"Lola! Dito po!" Sigaw ng bata habang tinuturo ang kubo, hindi makapaniwala sa nakita.

Nagmadali ang matanda at tinakbo ang direksyon ng kubo, ngunit nang makita nila si Rhea, nanlumo sila sa kalagayan nito. "O Diyos ko!" Sigaw ng matanda sa takot at pagkabahala. Mabilis niyang nilapitan si Rhea, at nakita niyang ang babae ay halos wala nang buhay, napakapayat at mahina ang hininga.

"Loela! Tawagin mo ang tito at kuya, dalian mo!" Utos ng matanda sa bata, pilit pinipigilan ang takot at nagmamadali upang humingi ng tulong.

Mabilis tumakbo ang batang babae patungo sa kanilang bahay upang humingi ng tulong, ngunit naiwan ang matanda sa kubo. Hinaplos niya ang malamig na katawan ni Rhea, at pilit na tinatanggal ang kadena na nakakadena sa mga kamay at paa nito.

"Diyos ko po, Panginoon ko," tahimik na nanalangin ang matanda, ang kanyang boses ay puno ng takot at awa. "Iligtas nyo po ang babaeng ito." Patuloy niyang pinilit alisin ang mga kadena, ngunit tila hindi magawa dahil sa hirap.

Nakatanim ang takot sa kanyang mata habang ang kanyang mga kamay ay mabilis na gumagalaw, umaasa na mailigtas si Rhea mula sa kalagayan nitong mahirap ipaliwanag. Habang nagpapatuloy ang matanda sa pagsubok na alisin ang kadena, hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas. Ang tanging alam niya ay kailangan niyang maalis ito bago pa man mahuli ang lahat.

"Nay! Nay!" Sigaw ng isang lalaki habang mabilis na tumatakbo papunta sa kubo. May dalang itak, handa nang lumusob sa kung sinumang nagtangkang saktan ang kanyang ina.

Kasunod niya ang isang batang lalaki, hingal sa pagtakbo. "Lola!" Tawag ng apo nito habang mahigpit na hawak ang kamay ng kanyang nakababatang kapatid.

"Dito! Tulungan ninyo ako at dalhin natin sa bahay ang babaeng ito!" Matarantang sigaw ng matanda, nanginginig ang kamay habang pilit inaalis ang ibang bahagi ng kadena ni Rhea.

Nang makita ng lalaki ang kalagayan ni Rhea, natigilan siya. Halos hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha-hindi lang awa kundi takot din. Ano ang pinagdaanan ng babaeng ito?

Ang manipis na balat nito ay halos dumikit na sa buto. Maputla ang labi, may tuyong dugo sa kanyang pulso kung saan mahigpit na nakagapos ang kadena. Ang buhok niyang dating mahaba at alon-alon, ngayon ay magulo at gusot, puno ng dumi at alikabok.

"Diyos ko..." Mahinang bulong ng lalaki, bago mabilis na lumapit upang tulungan ang kanyang lola.

"Kailangan nating bilisan!" Sigaw ng matanda. "Kung hindi, baka hindi na siya umabot!"

Pinag-isa nilang lahat ang kanilang lakas upang maalis ang mabibigat na bakal na nakakadena kay Rhea. Matagal, mahirap, at bawat segundo ay parang isang pakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan. Matapos ang mahabang oras ng pagod at pagsisikap, natanggal na nila ang huling bahagi ng kadena. Ngunit huli na ba ang lahat?

Hinang-hina na si Rhea. Ang kanyang katawan ay parang wala nang buhay-malamig, walang reaksyon, ni hindi gumagalaw ang kanyang mga talukap. Para siyang isang dahon sa gitna ng unos, unti-unting tinatangay ng hangin patungo sa kawalan.

"Dalhin natin siya sa bahay! Bilisan natin!"

Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Binuhat ng lalaki si Rhea, dahan-dahang isinandal sa kanyang dibdib, at mabilis na tinakbo ang daan pabalik sa kanilang tahanan. Pagkarating nila sa bahay, agad nilang inihiga si Rhea sa banig, binigyan ng malinis na kumot, at sinimulan ang gamutan. Pinunasan ng matanda ang kanyang noo gamit ang basang tela, habang ang isa naman ay inihanda ang kaunting sabaw na sana ay magbigay ng kahit konting lakas sa kanyang katawan.

Ginawa nila ang lahat. Pinilit nilang ibalik ang init sa malamig niyang katawan, pinanghawakan ang pag-asang may natitira pang buhay sa loob niya. Hindi nila alam kung magigising pa siya... pero hindi nila hahayaan na siya ay mawala. Dahil kahit hindi nila alam kung sino siya o kung ano ang kanyang nakaraan, isa lang ang sigurado sila, ang isang taong tulad ni Rhea ay hindi dapat mamatay nang mag-isa.

-

Sa isang madilim na kapaligiran, kung saan wala ni isang liwanag, wala ni isang bahay, tanging kadiliman lamang ang bumabalot sa paligid. Ang hangin ay mabigat, malamig, at puno ng pangamba. Habang naglalakad si Rhea, bigla niyang narinig ang isang mahina, punit-punit na pag-iyak mula sa malayo. Isang iyak na puno ng sakit. Sinundan niya ito. Naglakad siya, dahan-dahan, marahan, hanggang sa natagpuan niya ang pinagmumulan ng tunog.

Ang sarili niya.

Si Red.

Tahimik siyang lumapit, pinagmasdan ang nakagapos na katawan ni Red, ang bawat galaw nito ay puno ng hirap, tulad ng kung paano siya natagpuan ng mag lola. Nakakadena ito, tulad ng kung paano niya kinadena ang sarili sa loob ng kubo. Huminto si Rhea sa tapat ni Red, pinagmamasdan ang nakalugmok nitong anyo.

"Red," bulong niya, puno ng hinanakit at lungkot.

Dahan-dahang itinaas ni Red ang kanyang ulo, at doon nakita ni Rhea ang kanyang sariling mga mata-namamaga, punong-puno ng luha, pagod, at walang kahit anong bakas ng pag-asa.

"Kailangan kong gawin 'to," mahina ngunit mariing sabi ni Red, nanginginig ang boses. "I deserve to disappear. Kailangan kong ikulong ang sarili... Dahil sa akin, dahil sa akin, mas lalo kang nasasaktan at nahihirapan."

Pumatak ang luha ni Red, mas mabilis, mas walang tigil. Ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi, puno ng sakit na hindi niya kayang ilabas. "Mahal na mahal kita, Rhea. At lahat... lahat gagawin ko para sa ikasasaya mo." Napakuyom si Rhea. Hindi niya alam kung paano niya pipigilin ang bigat sa kanyang dibdib.

"Nabulag ako," patuloy ni Red, nanginginig ang labi, "Akala ko tama lahat ng ginawa ko. A-Akala ko... kaya kong protektahan ka. Pero mali ako. Hindi ko alam kung paano naging ganito ako kasama."

Yumuko si Red, pinagmamasdan ang sariling kamay, mga kamay na minsan niyang ginamit upang magdulot ng sakit. "I'm sorry..." mahina niyang bulong. "I'm sorry kung sobrang sama kong personalidad. Patawad, Rhea. Patawad sa ginawa ko kay Ines." Hagulgol na si Red, hindi na mapigilan ang matinding emosyon na matagal niyang kinimkim.

Sa kanyang mukha ay hindi lang sakit.

Nando'n ang matinding pagsisisi.

Nando'n ang matinding pagkamuhi sa sarili.

At doon na naramdaman ni Rhea ang isang bagay na hindi niya akalaing madarama niya para kay Red.

Hindi galit.

Kundi awa.

Pilit pinigilan ni Rhea ang kanyang luha, ngunit hindi niya nagawa. Unti-unting bumagsak ang bawat patak, kasabay ng pighati at bigat sa kanyang puso. Hindi niya kayang makita si Red sa ganitong estado-basag, durog, nakalugmok sa isang bangungot na siya mismo ang lumikha.

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ni Red, ang kanilang mga mata'y nagtagpo-parehong puno ng sakit, parehong nalulunod sa hinanakit.

"Alam ko naman na para sa akin ang ginawa mo," mahina niyang bulong, nanginginig ang boses sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Kahit gaano kabrutal ng mga ginawa mong pagpatay sa mga inosenteng tao... kahit alam kong hindi ko dapat patawarin ang lahat ng 'yun..." Napakagat siya sa labi, pilit kinakalma ang nanginginig niyang dibdib bago muling nagsalita.

"Hindi pa rin kita magawang kamuhian."

Tumulo muli ang kanyang luha, patuloy niyang inabot ang isang kamay ni Red, hinawakan ang mabigat na kadena na nakagapos dito.

"K-Kasi... ako... ikaw."

Sa simpleng katagang 'yun, tuluyan nang bumigay si Rhea. Niyakap niya ang buong sarili niyang kinamuhian, ang bahagi ng kanyang pagkatao na buong buhay niyang gustong itanggi.

Napaatras si Red, litong-lito sa ginagawa ni Rhea.

"W-What are you doing?" Nanginginig na tanong ni Red, hindi makapaniwala. Hindi siya dapat pakawalan ni Rhea, hindi siya dapat bigyan ng kahit anong kalayaan. Dahil alam niyang sa sandaling mangyari 'yun, baka may magawa ulit siyang hindi katanggap-tanggap.

"Hindi pa huli ang lahat, Red," mahinang sagot ni Rhea, halos pabulong, parang siya mismo ay natatakot na sabihin ito nang malakas. "Alam ko at naniniwala akong kaya mo pang magbago. Lahat tayo may pagkakataong magbago." Napapikit si Red.

"Ayaw ko rin ikulong ka ng mag-isa rito."

Napalunok si Red, isang parte sa kanya ang gusto itong marinig, pero mas malaki ang bahagi niya na gustong itanggi ito.

"Hindi ako gano'n," patuloy ni Rhea, mahina ngunit matatag. "Kahit gaano pa kasakit ng mga ginawa mo, tatanggapin pa rin kita ng buo." Parang biglang huminto ang oras.

Bumuhos muli ang mga luha sa mata ni Red, hindi alam kung dapat ba siyang maniwala, kung dapat ba niyang tanggapin ang mga salitang 'yun. Karapat-dapat ba siya sa kahit anong kapatawaran?

Siya na pumatay?

Siya na nanakit?

Siya na walang inisip kundi protektahan si Rhea sa maling paraan?

Ang tulad niya ay dapat tinatapon sa impyerno.

Ngunit sa harap niya, naroon si Rhea, ang tanging taong may karapatang kamuhian siya nang buo... ngunit hindi.

Sa halip, siya pa ang nag-aabot ng kamay upang hilahin siya pabalik.

Tuluyang natanggal ang mabibigat na kadena sa katawan ni Red. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang gaan, parang binunot sa kanyang pagkatao ang lahat ng pasakit at kasalanang matagal niyang pasan. At bago pa niya mapagtanto ang lahat, isang bagay ang muling bumalot sa kanya.

Isang mainit na yakap.

Isang yakap mula kay Rhea, hindi puno ng galit, hindi puno ng poot, kundi isang yakap ng pagtanggap, yakap ng pagpapatawad.

Napasinghap si Red, hindi makapaniwala. Hindi siya lumaban, hindi siya umatras. Sa halip, unti-unti siyang bumigay, hinayaan ang sarili na malasap ang init ng yakap na 'yun, ang yakap na buong buhay niyang hinanap.

"Balik na tayo," bulong ni Rhea, puno ng pagmamahal at pang-unawa. "Nandito ako. Hindi kita iiwan."

Kasabay ng mga salitang 'yun, tuluyang nanlambot ang puso ni Red. Ang matigas na paniniwala niyang dapat siyang mawala ay unti-unting naglaho.

Ang kadiliman na matagal siyang binalot...

Unti-unting napalitan ng liwanag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip