Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 42

Mastah_K


-

11:30PM

Isang tahimik pero seryosong mga boses ang bumalot sa loob ng briefing room. Nakaupo ang mga miyembro ng Specialized Tactical Unit sa paligid ng isang mahabang mesa, habang nakatayo sa unahan si Ines, ang aming unit leader. Sa harapan niya ay isang malaking screen na nagpapakita ng satellite view ng isang bahay sa loob ng isang makipot na eskinita.

"We received a tip from an informant that this house is being used as a drug den and a hub for illegal drug sales. According to the report, there are three to five suspects inside, armed and ready to fight if necessary." Sabi ni Ines habang tinatalakay sa amin ang operasyon.

Tahimik ang buong team, nakikinig ng mabuti sa bawat detalye. Alam naming hindi ito basta-bastang raid, posibleng may madugong engkwentro kung hindi namin ito dadaan sa tamang plano.

"The raid will take place at one o'clock in the morning." Luminga siya sa buong paligid, siniguradong nakikinig ang buong team.

"Why at dawn? Because that's when they're most relaxed, exhausted, and least expecting our arrival. I don't want any casualties, so I want us to be careful yet swift in our movements." Tahimik ang buong silid, lahat ay nakatutok sa kanya, nakikinig sa bawat salita.

Ipinakita niya sa screen ang layout ng bahay.

"There are two entry points, the front and the back. Rhea, you'll lead the main entry team with Emma and Alvarez. Make sure the front is secured before we move in." Sabi niya, tumango ako.

"I'll lead the back entry team." Malamig at matigas ang boses niya habang tinitingnan ang layout ng bahay.

"There's a small window at the back that we can use for a quiet entry. That's our way in-no noise, no mistakes. I want to make sure no one escapes." Tahimik ang buong team, ramdam ko ang tensyon lalo na sa mga bago naming kasama.

"The front team will create a distraction," dagdag pa niya. "But you don't move until I give the go signal."

Huminga ako ng malalim at hindi inalis sa kanya ang paningin.

"No turning back. We'll finish this clean."

Sumingit si Emma habang nakatingin sa screen. "May CCTV ba sila?" Tanong nito.

"There are no visible cameras outside, but we don't know if there are any inside." Diretso niyang sabi.

"That means we need to cut the power before we move in." Tumango-tango ako, ito ang unang beses makita ko siya gumawa ng plano. Not bad, at mukhang hindi papalpak.

Lumingon siya kay Mal, ang pinakamahusay pagdating sa ganito. "Mal, you're in charge of that." Aniya.

Tumango si Mal, seryoso ang mukha at alam niyang mahalaga ang papel niya sa operasyon.

"We follow standard rules. Non-lethal force as much as possible. But if they fight back, we won't hesitate to use stronger force. Make sure everyone has their body cams on and that our communication is fully synced." Nagkatinginan ang grupo, ramdam ang tensyon sa hangin, pero walang kahit isang nag-alinlangan. Buo ang tiwala namin sa isa't isa.

Ines checked her watch, gripping her gun tightly.

"At 12:30, we're in the staging area. At 1:00, we move in. No turning back. Understood?"

"Yes, Ma'am!" Sabay-sabay silang lahat sa pag sagot, walang pag-aalinlangan sa boses ng sinuman.

Tumango si Ines, matigas at puno ng determinasyon ang ekspresyon niya.

"Good. Get ready."

Sa sandaling ito, wala nang atrasan.

Pagkatapos ng meeting, lumabas ako para maghanap ng kape. Ramdam kong may mga paa na sumusunod sa akin, pero hindi ko pinansin. Hindi ko alam kung sinasadya niyang maging halata, o talagang wala silang alam sa stealth.

Mas binilisan ko ang bawat hakbang, sinubukan kong iligaw kung sino man ang sumusunod sa akin. Pagliko ko sa isang sulok, mabilis kong hinablot ang braso ng taong sumusunod sa akin.

Biglang sumigaw ng matinis na boses ang bata, halos bumingi sa tenga ko. Shit. This kid again. Napapikit ako saglit, pinipigilan ang inis.

"What the fuck are you doing? Bakit mo ako sinusundan? Gusto mong ikulong kita ulit?" Tanong ko, pero ang sagot niya? Isang matinding pagkunot ng noo at mas matinis pang sigaw.

Great. Just great.

"You're hurting me again! Why do you always hurt me?! Don't you know my mom has a high rank?!" Napahilamos ako ng mukha, huminga nang malalim. Wala akong panahon para makipagbangayan sa batang ito.

"And why should I care about your mom?" Sagot ko at nagtaas ng isang kilay, wala akong panahon makipag-bangayan sa kanya kaya tinalikuran ko siya at naglakad palayo.

Pero ayaw akong lubayan. Sunod siya nang sunod, hanggang sa labas ng istasyon. Napabuntong-hininga ako. Ano ba 'to? Anong kasalanan ko sa batang 'to at bakit parang mission niyang inisin ako araw-araw?

Huminto ako, nameywang, at seryosong tinitigan siya. Tumaas ang kilay ko, pero lalo lang akong nainis nang makita kong ginaya niya ang ginawa ko. Ngayon, nakataas din ang isang kilay niya na parang inaasar ako.

"Hey, kid, if you don't want me to lose my patience with you, it's better if you stop being annoying and go back to your mom. Do you really want to see this officer get seriously mad?" Banta ko, sinusubukan takutin siya para tumigil na.

Pero hindi siya natinag.

"I don't care, officer! You started it! You're bad! You're evil! Mommy said I can do whatever I want to you, and she doesn't care!" Palaban niyang sagot, at doon ko lang napansin na hindi ito basta spoiled brat lang... may pinagmanahan.

Napabuga ako ng hangin, napangisi-isang ngiti na halatang paubos na ang pasensya ko. Pakiramdam ko, konti na lang at mapuputol na ang ugat ko sa utak.

This kid... Lord, bigyan mo ako ng isang toneladang pasensya.

"Tsk, whatever." Sagot ko at inikutan siya ng mga mata, wala na akong energy para patulan pa siya.

Tumalikod ako, handang iwan na siya doon, pero bigla akong napaluhod. Mabuti na lang at nagamit ko ang mga kamay ko para hindi tuluyang sumubsob sa lupa. Pagtingin ko sa likod, nakasalampak ang bata, mukhang tumalon siya at binigyan ako ng malakas na sipa sa likod ng mga tuhod ko.

Fucking shit...

Bumigat ang hininga ko, pinipigilan ang sarili. Baka ako pa ang makulong nang maaga kapag pinutok ko tong baril sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin, pero binigyan niya lang ako ng isang nakakahamon na ngisi.

Tang ina, wala na bang mas hihirap pa sa pagsubok na 'to?

"Oh God, akala ko ba gusto mo na magbago ako ng tuluyan... Bakit may demonyong sunod nang sunod sa akin?" Mahina kong bulong sa sarili, bago ako bumangon at pinagpag ang sarili.

Kailangan ko ng kape. O baka isang milagro.

"Naiinis na ako sayo ha." Sabi ko.

"So what?!" Bulyaw niya.

"Rhea," isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"What?!" Napahinto ito sa paglalakad palapit sa amin matapos naming sumigaw ng sabay nitong anak niya.

"Hey! Why are you the one answering?! Mommy called me, not you!" Bulyaw ng bata, halatang inis na inis.

"Excuse me, my name is Rhea, so obviously, she was calling me." Sagot ko, taas-kilay, hindi ako magpapatalo sa isang musmos.

"It's me!"

"No, ME." Diin na sagot ko, iniinis pa siya lalo.

"No! My name is Rhea Wen!" Buong lakas niyang sigaw at sinipa ako sa tuhod. Napapigil ako ng hininga at halos tawagin ko na lahat ng kampon ni satanas sa aking isipan.

"W-What the fuck?!" Napasigaw ako sa gulat, hindi ko mapigilan ang reaksyon ko.

Anong kalokohan 'to?! Paanong may isa pang Rhea?! Napaatras ako, tinitigan ang batang nakataas ang noo na parang siya ang panalo sa argumentong 'to.

Humugot ako ng malalim na hininga, sinusubukang pakalmahin ang sarili habang nakatingin kay Ines na papalapit sa kanyang anak. Sa dami-dami ng pangalan na pwede niyang ipangalan, bakit kapareho pa ng sa akin?! At hindi lang 'yun dahil may second name pa talaga, at kinuha lang ang letrang R!

Napailing ako.

Coincidence ba 'to o sadya?

Tiningnan ko si Ines, pero parang wala lang sa kanya. Samantalang ako, nandito, hindi makapaniwala. Takte, bakit parang sinusubok ako ng mundo?

"Angas mo rin no? Pinangalan mo sa anak mo pangalan ko." Hindi ko maiwasan ang inis sa boses ko. Okay lang sana kung anak ko 'yan, baka matuwa pa ako.

Pero hindi ako sinagot ni Ines. Tila wala siyang narinig at ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa anak niya- ang demonyo niyang anak na kanina pa ako tinutulak sa borderline ng pagkabaliw. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Ayoko nang mas lalong uminit ang ulo ko.

Anong oras na at bakit nandito pa ang batang ito? Dapat inuwi niya yan kanina, alam niyang may mahalaga kaming operasyon ngayon. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tinalikuran ko sila, umalis na lang ako bago pa ako may masabing hindi ko dapat sabihin.

12:30AM

Sa isang madilim na bahagi ng eskinita, nakapwesto ang Specialized Tactical Unit malapit sa target na bahay. Naka full gear kami-bulletproof vests, night vision goggles, and tactical weapons. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, pero walang nagpakita ng kahit anong pag-aalinlangan. Si Ines ay nasa harapan, tinitingnan ang relo niya-limang minuto bago ang mismong pagsalakay.

"Status check." Malamig at matatag ang boses niya nang magsalita sa earpiece.

"Main entry team, ready." Sagot ko.

"Covering position, ready." Sunod na salita ni Emma.

"Power cut in 3... 2... 1..." Boses ni Mal sa kabilang linya.

Biglang nagdilim ang paligid ng bahay. Nakita naming may kaunting kilos sa loob. May mga aninong gumalaw sa bintana, pero hindi pa sigurado kung nararamdaman na nila ang presensya namin.

"Go." Nagbigay ng signal si Ines.

Sa isang iglap, gumalaw na kami. Tahimik. Mabilis. Walang puwang para sa pagkakamali. Dahan-dahang lumapit ang main entry team na pinangungunahan ko. Tahimik at maingat, ngunit sa oras na marating namin ang pintuan-

BANG!

Gamit ang battering ram, nawasak ang front door.

"PULIS! WALANG KIKILOS!" Sigaw ko.

Nagulat ang mga nasa loob. Ilang saglit lang bago tumakbo ang isang lalaki papunta sa likod, pero hindi siya nakalayo. Sinalubong siya ng back entry team na pinangungunahan ni Ines.

"On your knees! Don't move!" Banta ni Ines at tinutukan siya ng baril.

Isa-isang bumagsak sa sahig ang apat na suspek, nakaluhod, nakataas ang kamay. Mga mata nilang punong-puno ng takot. Ngunit isa sa kanila, isang babaeng nasa late 20s, ay dahan-dahang dumudukot sa ilalim ng sofa.

"Kamay sa taas! Huwag mo akong pilitin!" Sigaw ni Emma.

Isang iglap lang, napilitan ang babae na sumuko. Habang sinisiyasat ang bahay, tumambad sa amin ang isang plastic container na puno ng shabu, isang handgun, at ilang drug paraphernalia.

"Target secured. Positive ang droga. Ready for extraction." Sabi ko sa radyo.

"Good work. Bring them." Sagot ni Ines.

Sa labas ng bahay, dinala na sa mobile unit ang mga suspek. Tahimik pero tagumpay ang operasyon. Lumapit ako kay Ines, may gusto akong sabihin dahil may hindi tama sa operasyon namin.

"Masyadong smooth 'yun. Para bang... hindi sila masyadong nagulat?" Bulong ko, labas ang bangayan naming dalawa sa operasyon.

Napaisip si Ines, tumingin sa loob ng bahay bago lumingon sa akin. "They knew we were coming..."

Napatingin kaming dalawa sa isa't isa-isang senyales na maaaring may nagtimbre sa loob mismo ng unit. Sa loob ng mobile command unit, nakatayo si Ines, nakapamulsa ang kamay, habang nakikinig sa initial interrogation ng mga suspek. Sa harap niya, nakaupo kami ni Emma, parehong tahimik at nag-iisip.

"Mas malinis ang raid kaysa sa inaasahan ko. Wala man lang nanlaban?" Tanong ni Emma.

"At parang handa sila. 'Di sila nagpanic tulad ng ibang drug dens na nasalakay natin." Sabi ko.

Tumango si Ines, muling binabalikan sa isip ang mga detalye. "They knew we were coming. They didn't leave, and they didn't even try to hide the drugs. The question is... why?" Sabi niya.

Maya-maya, lumapit si Mal, hawak ang isang tablet na may nakalagay na encrypted messages mula sa isang cellphone na nakuha sa raid. "May natagpuan kaming mga mensahe, boss. Kaka-delete lang ng karamihan, pero nakuha namin 'tong isa bago tuluyang nawala." Aniya at pinakita sa amin ang mensahe.

"1AM. STAY PUT. WALANG LALABAN." Mahinang basa ko at nagkatinginan kami sa isa't-isa.

"Ibig sabihin... may nag-utos sa kanila na huwag lumaban?" Tanong ni Emma.

"At may nagsabi sa kanila kung anong oras tayo darating." Sunod kong salita.

Nanlamig ang pakiramdam ko. Isang bagay lang ang malinaw-may leak sa loob ng unit nila. Habang patuloy ang pagdokumento sa ebidensya, lumayo kaming dalawa kasama si Emma. Sa isang madilim na sulok, nag-usap kami ng mas pribado.

"If someone leaked information from our unit, we can't expose it right away. We need to find out who it is first." Sabi ni Ines.

"Anong plano mo?" Tanong ko.

Muling tumingin si Ines sa cellphone na hawak ni Malik.

"From now on, we're conducting our own investigation. There are three things we need to find out-who leaked the information, what their motive is, and who's really behind this." Tahimik kaming tumango ni Emma. Ang raid na ito ay hindi lang tungkol sa droga. Ngayon, isa na itong laro ng pagtataksil at nasa loob lang mismo ng unit ang kalaban.

Sa loob ng interrogation room, nakaupo ang isa sa mga inaresto-si Mario de Jesus, isang dating mekaniko na napasama sa bentahan ng droga. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Ines, tahimik na minamasdan ang kilos ng lalaki. Kasama niya si Emma, habang ako naman ay nasa kabilang silid, pinapanood sila sa monitor.

"Alam mo kung anong kaso ang kakaharapin mo, 'di ba?" Tanong ni Ines.

Hindi umimik si Mario, pero halata ang kaba sa kanya.

"Ang kaso mo ay hindi lang simpleng pagtutulak. May armas na nakuha sa bahay, at kung mapatunayan naming ginamit 'yun sa ibang krimen? Malaking problema mo 'yun." Segunda ni Emma, sa lahat ng miyembro sa unit ay si Emma lubos kong pinagkakatiwalaan at magaling siya sa trabaho.

Nagpahid ng pawis sa noo si Mario. "Ano'ng gusto n'yong malaman?" Tanong nito.

"Sino ang nag-utos sa inyo na huwag lumaban?" Seryosong balik ni Ines.

Napatingin si Mario kay Ines, halatang nag-aalangan. "Wala akong alam d'yan. Nagulat na lang kami na bigla na lang namatay ang kuryente tapos sumugod na kayo."

"Huwag mo kaming bolahin. May nakuhang mensahe sa isa sa mga cellphone ninyo-alam nyo ang oras ng raid. May nagbigay ng tip sa inyo." Sabi ni Emma.

Saglit na katahimikan. Tumingin si Mario sa paligid, tila ba may iniisip. "Wala akong sasabihin kung hindi nyo ako kayang protektahan." Sabi nito.

"Protektahan ka saan?" Kalmadong tanong ni Ines.

Bumuntong-hininga si Mario, saka bumulong. "Hindi nyo alam kung sino ang kinalaban ninyo. May tao sa loob ng pulisya na tumutulong sa mga drug lord. At kung magsalita ako, baka ako ang unang mamatay." Nagpalitan ng tingin sina Ines at Emma. Alam nilang seryoso ito. Naririnig ko ang bawat bulungan nila dahil nakasuot pa rin ako ng earpiece.

"Tell us the name." Utos ni Ines.

Umiling si Mario. "Wala akong pangalan. Pero ang tawag sa kanya sa grupo namin ay... Santelmo."

Napakunot ang noo ni Emma. "Santelmo? Ibig sabihin, parang apoy na hindi mahuli-huli?"

Tumango si Mario. "Tama. At kung gusto nyo siyang mahuli... hindi nyo dapat ipakita na iniimbestigahan nyo siya." Sabi nito.

Nagkatinginan sina Ines at Emma.

Lumabas ako ng silid at nag-isip-isip. Mukhang may mas malaki pa kaming kakaharaping problema. Hindi lang ito simpleng raid, may mas malalim pang koneksyon ang mga taong nasa likod nito.

Tumingin ako sa relo at mag-aalas-dos na ng umaga. Kailangan ko ng kape, baka makatulog ako nang wala sa oras. Habang naglalakad, napadaan ako sa opisina ni Ines. Pero bago pa ako makalampas, biglang bumukas ang pinto.

Napaatras ako sa gulat. At doon, lumabas ang batang demonyo na hindi ko pinapanalangin na makita ngayon. Kusot-kusot ang kanyang mata, halatang bagong gising. Anong ginagawa niya rito? Wala ba siyang kasama sa bahay? Bakit dito niya pinatulog ang anak? Nasaan ang ama ng batang 'to?

Muli akong napabuntong-hininga.

"Hey child, don't block my way." Tawag ko sa bata at nag-angat ito ng paningin.

"The evil officer, I want to pee." Sabi niya, halatang ihing-ihi na dahil sa hindi mapakali sa kanyang pwesto.

Pinanlakihan ko lang siya ng mata at tinalikuran. Wala akong balak makisali sa drama ng batang 'to. Pero bago pa ako makalayo, bigla niyang niyakap ang binti ko, dahilan para hindi ako makalakad nang maayos.

"Satan, I want to pee."

Nanigas ako. Napakurap ng sunod-sunod, tumingin sa paligid at napagtantong ako nga ang kausap niya.

"Did you just call me Satan?" Ulit ko, hindi makapaniwala.

"Yes." Tumango siya. Walang hiya, wala man lang kaba o takot sa boses.

"Then you're a demon child." Sagot ko, taas-kilay, pero parang lalo pa siyang natuwa.

Bigla siyang napangiwi at nagpaikot-ikot sa pwesto niya. "Satan! I want to pee!" Nataranta ako. Mukhang maiihi na siya sa sahig!

Mabilis ko siyang sinampay sa balikat ko at buong bilis na tumakbo patungo sa restroom. Tsk, ngayon pa ako napasubo sa babysitting. Ipinasok sa cubicle, hinubad ang suot niyang shorts, at ipinatong sa inidoro.

Napabuntong-hininga ako. Wala akong anak, pero daig ko pa ang magulang kung pagsilbihan ang demonyong batang 'to. Habang hinihintay ko siyang matapos, nakatukod lang ang kamay ko sa bewang ko.

Ano bang nagawa kong kasalanan sa buhay at ako ang pinagtripan ng batang 'to?!

"Bilisan mo diyan." Sabi ko sa anak ni satanas.

Nag angat siya ng ulo at ngumisi. "Evil officer, wipe my butt." Sabi niya.

Tangina.

Napapikit ako nang madiin. Huminga ng malalim. Lord, sinusubok mo ba ako?!

"Hindi ako nakikipag biruan sayo ha, akala ko ba umihi ka lang?!" Inis kong tanong at sinilip ito- gusto kong murahin at iwanan ang batang ito. "Anak ka ng tae oh." Sabi ko at napailing.

"Ehehe," tawa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, pilit pinipigilan ang sarili na hindi magwala sa inis. Hindi ako nag-train bilang pulis para lang maging yaya sa demonyong batang 'to! Balak ko sanang balikan si Ines para siya ang mag-asikaso sa anak niyang pasaway, pero mukhang hindi pa sila tapos sa interrogation room.

Napailing ako. Wala akong choice.

"Stay here!" Inis kong sabi sa kanya bago lumabas ng restroom.

Mabilis akong naghanap ng gloves, may nakuha naman agad. Wala akong balak hawakan ng direkta ang pwet ng batang 'to, NO WAY!

Pagbalik ko sa cubicle, napatigil ako. Nakaupo siya sa inidoro, kumakanta-kanta pa na parang wala akong pinagdadaanan sa buhay. Bakit ako ang nahihirapan dito? Napailing ako ulit, isinuot ang gloves, at huminga ng malalim.

Okay, Red. Kaya mo 'to.

"Hey, demon child. Let's clean your freaking ass." Tawag ko sa kanya at agad siyang natigil sa pagkanta.

Napakunot noo siya pero hindi ako natinag. Pinuno ko ng tubig ang balde at pinatuwad siya. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko 'to. Kumuha ako ng tabo na punong-puno ng tubig at sinimulang linisin ang pwet niya.

"Hoy, huwag kang gumalaw kung ayaw mong buhusan kita ng isang balde." Babala ko, pero tumatawa lang siya.

"Evil officer, it's cold!" Reklamo niya habang nanginginig kuno, pero halata kong natutuwa siyang pahirapan ako.

"Pwede bang wag kang malikot?!" Saway ko, pilit pinipigilan ang sarili na wag siyang ilubog sa balde ng tubig.

Makalipas ang ilang minuto, natapos ko rin siyang linisan. Habang siya, masayang-masaya na parang nanalo sa laro, ako naman, gusto ko na lang siyang i-flush kasama ng tae niya. Itinapon ko ang gloves, tinalikuran siya, at iniwan na mag-isa.

"Evil officer!" Habol niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin.

Diretso lang ako sa lakad, determinado akong layuan ang demonyong 'to, hanggang sa nasalubong ko ang magaling niyang ina.

"Rhea,"

Syempre, anak niya ang tinawag. So hindi ako huminto. Dire-diretso lang ako sa paglalakad, pilit nilalampasan ang isang gabing puno ng pagsubok.

Akala ko tapos na, pero sinusubok talaga ang pasensya ko. Nakadikit na naman ang demonyong bata sa binti ko. Kumunot ang noo ko, pinisil ang kanyang pisngi-hindi malakas, pero sapat para maramdaman niya ang inis ko.

"Leave me alone, kid." Inis kong salita, walang pake kahit nasa harap namin ang ina niya.

"No, Evil Officer." Sagot niya, nakangiti pa na parang nananadya.

Tiningnan ko nang masama si Ines. Pero imbes na gumawa ng paraan, nagtaas lang siya ng kilay-walang ginawa, walang reaksyon.

Napamura ako sa isip.

"Pwede ba, sawayin mo tong anak mo? Paubos na ang pasensya ko sa kanya." Babala ko kay Ines, pilit kinakalma ang sarili.

Pero imbes sumagot, ngumiti lang si Ines.

At doon ko lang napagtanto... pareho silang demonyo.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga, saglit ipinikit ang mga mata.

Wala nang silbi ang pakikipagtalo sa demonyong 'to.

Hinayaan ko na lang ang batang nakakapit sa binti ko at nagpatuloy sa paglalakad. Para siyang unggoy, mahigpit ang kapit at walang balak bumitaw. Palabas na ako ng istasyon para bumili ng kape sa tindahan nang makasalubong ko sila Emma at Mal.

"Serg, may koala ka palang kasama?" Natatawang tanong ni Emma pagtingin sa sitwasyon ko.

Napangiwi ako.

"'Wag mo nang itanong at baka sayo ko ilabas ang init ng ulo." Masungit kong sagot.

"Saan kayo pupunta?" Dagdag ko, hindi pinansin ang natatawang mukha niya.

"Yoyosi," sagot ni Mal. "Ikaw?"

"Bibili ng kape." Tipid kong sagot.

Muli nilang tiningnan ang batang nakakapit sa binti ko.

"Bakit sayo nakadikit yan at hindi kay leader?" Tanong ulit ni Emma, halatang aliw na aliw sa sitwasyon ko.

"Aba, malay ko." Malamig kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero nasa likod ko sila, panay ang tawa sa bawat hakbang ko dahil sa batang ayaw humiwalay sa akin. Bwisit, bakit ako ang napiling gawing puno ng balete ng isang 'to?!

"Isang matapang na kape nga." Sabi ko sa bantay, hinihintay na lang ang order nang mapansin ko ang dalawang kasama kong magsisindi na ng yosi.

Mabilis kong binali ang mga sigarilyo nila, dahilan para mapatili si Emma.

"Kung may balak kayong manigarilyo, lumayo kayo. May batang makakaamoy." Saway ko, matalim ang tingin sa kanilang dalawa.

"Serg naman! Mahal-mahal na ng yosi tapos binali mo pa!" Maktol ni Emma, parang batang inagawan ng laruan.

"Doon kayo sa malayo." Bugaw ko sa kanila bago sinilip ang batang nakakapit pa rin sa binti ko... at tulog na pala. Paano niya nagawang makatulog sa ganitong sitwasyon?!

Huminga ako ng malalim. Demonyo talaga 'tong batang 'to. Pero dahil wala akong choice, marahan ko siyang binuhat. Sakto namang dumating ang order ko.

"Kape mo, boss oh." Sabay abot ng tindero ng mainit na kape.

"Salamat." Sabi ko, kinuha ang kape at agad na umalis para bumalik sa istasyon.

Kailangan ko nang ihatid 'tong anak ni Ines. Ang himbing ng tulog, kala mo anghel. Pero pag gising, demonyo naman.

Papasok na sana ako ng istasyon nang sakto namang lumabas si Ines at dumiretso sa akin. Tiningnan niya lang ang anak niya, tapos tumitig sa akin.

"Oh, anak mo, tulog na." Sabi ko at binigay sa kanya ang bata.

Pero bago ko pa mabitawan nang tuluyan, biglang natabig ni Ines ang kape kong hawak. Mainit. Sobrang init. Halos mapasigaw ako sa sakit, pero tiniis ko. Ayokong magising ang tulog na bata.

"Shhhhit!" Mura ko sa sarili, pakiramdam ko parang nalapnos ang balat ko.

"Oh, I'm sorry." Sabi niya, pero hindi ko ramdam ang pagsisisi sa boses niya.

Napatingin ako sa kanya, pero dahil pagod na ako sa anak niya, ayaw ko nang dumagdag pa siya sa sakit ng ulo ko. Walang reaksyon akong tinalikuran sila. Pero bago pa ako makalayo-

"Wait."

Hinawakan niya ako sa braso. Napapikit ako saglit. Hilig talaga nilang mag-ina ang hawakan ako nang hindi ko gusto, no?

"What?" Malamig kong sagot, walang gana sa kung anong gusto niyang sabihin.

"Your shirt. Pwede ka sumama sa bahay para makapag bihis." Aniya.

Tumaas ng bahagya ang kilay ko. Bakit pa sa bahay niya kung mas malapit ang apartment ko? Pero napaisip ako bigla. Mas malapit nga ang apartment ko, pero gusto ko ring makita kung ano ang itsura ng asawa niya.

"Buti naman may konsensya ka." Sabi ko, saka sumunod sa kanya patungo sa kanyang sasakyan.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya. Let's see kung anong klaseng tao pinakasalan niya.

Ano kaya ang nangyari sa kanya ng mga panahon na nawala si Rhea? Ano unang pumasok sa isipan niya noong nagising siya? Marahil ay matinding galit at pagkasuklam? Ikaw ba naman traydorin ng taong akala mo ay mahal ka. Ang dami kong gusto itanong kay Ines, pero hindi ko alam kung kailan ko magagawang maitanong lahat ng 'yun sa kanya kung wala nga siyang maalala.

Hays.

Ako na ang nagmaneho ng sasakyan niya habang siya naman ay tahimik lang sa passenger seat, hawak pa rin ang natutulog niyang anak. Pagdating sa bahay niya, agad akong nagpark at pinatay ang makina. Pero bago pa ako makababa ay nagsalita siya.

"How'd you know my address?" Bigla niyang tanong, halatang nagtataka.

Napalunok ako, ang tanga ko sa part na 'to. Paano ko nga ba nalaman ang address niya, eh hindi naman niya binigay? Saglit akong napatigil, pero mabilis kong tinakpan ng ngisi ang kaba.

"Why? Scared na stalker ako?" Balik ko, nakangisi pero deep inside, dumudugo na utak ko kakaisip ng palusot.

Malalim niya akong tinitigan, para bang tatagos ang utak ko. Hanggang sa ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Wala akong narinig mula sa kanya ni isang salita hanggang sa bumaba siya ng sasakyan.

Tumingala ako sa malaking bahay, pinagmamasdan ang estrukturang mukhang sobrang laki para sa tatlong tao. Walang sumalubong na katulong. Walang bantay. Ang laki ng bahay tapos sila lang nakatira?

Sumunod ako sa kanya hanggang sa tuluyan akong makapasok. Maluwag ang loob, malinis, pero parang walang kaluluwa. Halos walang gamit, walang kahit anong personal na bagay na parang walang nakatira dito.

Napakunot-noo ako.

"Where's your husband?" Tanong ko, pero hindi pa rin siya sumagot.

Patuloy lang siyang naglakad, diretso sa hagdan, parang hindi ako narinig. Mas lalo akong nagkaroon ng mas maraming tanong kaysa sagot.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Nanatili lang ako sa labas ng kwarto niya, hindi sigurado kung dapat ba akong pumasok. Pero nang tinawag niya ako, wala akong nagawa kundi sumunod. Dahan-dahan akong pumasok at paglapit ko ay may inabot siyang damit sa akin.

Kinuha ko ito, akmang tatalikod na para magpalit pero bago ko pa magawa ay bigla siyang naghubad mismo sa harapan ko.

Nanigas ako.

Natulala.

Nanlaki ang mga mata.

Wala akong pakialam sa balat niya, sa hubog ng katawan niya... hindi 'yun ang dahilan ng pagkagulat ko kundi ang tattoo niya. At ang mas higit pa roon ay ang malaking peklat sa balat niya. Para akong sinakal. Parang biglang naging masikip ang kwarto. Napahawak ako sa leeg ko, pakiramdam ko hindi ako makahinga.

At sa isang iglap...

Parang isang kidlat, nag-flashback ang lahat.

Ang dugong dumaloy sa sahig.

Ang takot sa mga mata niya.

Ang mismong kamay ko-na humawak sa hawakan ng kutsilyo.

Ako. Ako ang gumawa niyan.

Ako ang sumaksak sa kanya.

At ngayon, nasa harapan ko ang ebidensya ng sarili kong kasalanan.

Nanlalabo ang paningin ko.

Hanggang sa tuluyang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Red! Red!" Napasinghap ako, bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Ines.

Nanlalabo siya sa paningin ko, pero kahit gano'n, kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi ko na napigilan. Napahagulhol ako ng tuluyan, kasabay ng matinding bigat sa dibdib.

"I-Ines... I'm so sorry... patawad." Paghingi ko ng tawad, hinawakan ang mga braso niya at lumuhod sa harapan niya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para akong kriminal na umamin sa kasalanan, kahit hindi niya pa alam kung bakit.

"What are you doing? What's wrong with you?" Tanong niya, pilit akong pinapatayo.

Pero umiling ako. Paano ko ba sasabihin ang lahat sa kanya? Saan ako magsisimula kung siya mismo ay hindi ako maalala?

Niyakap ko siya. Buong higpit. Para bang kapag binitawan ko siya, tuluyan na akong malulunod sa bigat ng konsensya ko. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko alam kung ano pa ang nararamdaman ko. Gusto ko na bumalik si Rhea. Gusto kong itama ang lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya... at sa kanila.

"Hey, hey, calm down." Naramdaman ko ang malambing na boses niya, ang dahan-dahan niyang paghaplos sa likod ko.

Pilit niya akong pinapakalma, pero paano? Paano niya ako pinapakalma kung siya mismo ang dahilan ng gulo sa puso ko?

"A-Alis na ako, salamat." Kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit kong tumayo.

At bago pa niya ako mapigilan ay tumakbo ako. Mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko lang ay lumayo.

"Red, stop!"

Muntik pa akong mahulog sa hagdanan dahil sa tindi ng panic ko, pero hindi ako huminto. Para akong hinahabol ng multo ng nakaraan, kahit wala namang sumisigaw sa pangalan ko.

Kailangan kong lumayo.

Kailangan kong huminga.

Dahil kung magtatagal pa ako doon...

Baka hindi ko na kayanin ang sakit.

Takbo ako ng takbo, hindi iniisip kung saan ako pupunta basta makalayo lang. Hanggang sa napagod ako, umupo ako sa tabi ng kalsada, hinahabol ang hininga at pilit pinapakalma ang sarili.

Pero hindi pa man nagtatagal ay bigla kong nakita si Ines, tumatakbo siya palapit sa akin. Napamura ako sa isip. Mabilis akong tumayo, handang tumakbo ulit pero bago ko pa magawa ay sumigaw siya.

"Try! Try to fucking run away from me!" Dumagundong ang malakas na sigaw ni Ines sa walang katao-tao na kalsada.

Tinutukan niya ako ng baril, nanlamig ang buong katawan ko. Pero kahit na- hindi ako nagpadala sa banta niya. Tumakbo pa rin ako, pero bago pa ako makalayo ng tuluyan ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.

Ang tunog ng bala ay halos sumabay sa tibok ng puso ko. Para akong sumasayaw sa daan sa dami ng bala niyang pinaulan, hanggang sa nawalan ako ng balanse at napaupo sa gitna kalsada.

"W-What the fuck are you doing?! Are you trying to kill me?!" Sigaw ko.

"Then why are you running?!" Balik niyang sigaw.

"Because you're chasing me with a gun!" Singhal kong muli.

"Then don't run." Sagot niya at masama akong tinitigan.

Ano ba ang kailangan niya? Bakit kailangan niya pa ako habulin at paulanan ng bala? At bakit nandito siya? Iniwan niya ang demonyo niyang anak mag-isa?

At sa pagitan ng matinding kaba, isang bagay ang malinaw sa isip ko.

Hindi na ako makakatakas kay Ines.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip