Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 41

inkbyseki


-

Starting from this chapter, Rhea will have moments with each of her spouses. I’m not sure how many chapters each will get, it all depends on where my mind takes me. So, for those wondering if the story is nearing its end, not yet! It looks like there’s still a long way to go.

_________________
5 YEARS LATER



"Ate Red! Congratulations po!" Masiglang sigaw ni Loela habang patakbong sinalubong si Red sa labas ng istasyon. Hawak ng bata ang isang maliit na bouquet ng wildflowers, nakangiti habang inaabot ito sa kanya.

Ngayon, si Red ay ganap ng pulis.

Limang taon ang lumipas mula nang magsimula siyang magbago—mula sa pagiging isang taong walang awa patungo sa isang taong handang ipagtanggol ang iba. At ngayon, isa na siyang alagad ng batas.

"Is this for me?" Tanong ni Red, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. "Thank you." Kinuha niya ang bulaklak at saglit itong pinagmasdan. Simpleng bagay, pero para sa kanya, simbolo ito ng lahat ng kanyang pinagdaanan.

Sa loob ng limang taon, unti-unting natupad nila ni Rhea ang pangarap nila. Mula sa madilim na nakaraan patungo sa isang kinabukasang puno ng pag-asa. Sa araw na ito, hindi lang si Red ang nagtagumpay. Pareho nilang napatunayan ni Rhea na ang pagbabago ay posible—na ang hinaharap ay hindi kailangang diktahan ng nakaraan.

At sa mahigpit na yakap ni Loela at sa init ng pagbati ng mga taong sumuporta sa kanya, alam niyang sa wakas, natagpuan na niya ang sarili niyang lugar sa mundo.

"Congratulations, anak." Ang matanda ay nagsalita, puno ng pagmamalaki at pagmamahal. Sa limang taon ay itinuturing na ni Rhea bilang pamilya ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"Thank you po," sagot ni Red, ang mga mata ay kumikislap ng kaligayahan. Ang matamis na ngiti na bumangon sa kanyang labi ay tila nagsasabing nasa tamang landas na siya.

Ang araw na ito ay espesyal sa kanya, hindi lamang dahil sa promotion na natanggap niya, kundi dahil sa mga hakbang na nagdala sa kanya mula sa isang madilim na nakaraan patungo sa isang mas maliwanag na bukas. Isa na siyang Police Staff Sergeant.

Hindi pa natatapos ang dalawang taon sa serbisyo, ngunit mabilis ang pag-angat ni Red sa kanyang mga posisyon. Sunod-sunod ang mga achievements na naabot niya, mga misyon na natapos, mga kaso na naharap at nalutas, at mga hakbang na nagpabago sa buhay ng ibang tao.

Dahil sa kanyang dedikasyon at pagsusumikap, hindi lang siya naging isang pulis na may pangalan sa komunidad, kundi isang simbolo ng pagbabago. Para sa bayan, para sa mga tao, at higit sa lahat ay para sa sarili niyang paglalakbay.

Habang nakatayo siya roon, sa harap ng mag-lola, ramdam ni Red na lahat ng sakripisyo ay may dahilan, at ang lahat ng pagsubok ay nagbigay sa kanya ng lakas upang makamit ang tagumpay.

"Salamat po sa lahat ng sumuporta sa akin," wika ni Red, ang mga salitang ito ay mula sa puso. "Wala ako dito kung hindi dahil sa inyo."

At sa mga sandaling ‘yun, sa ilalim ng liwanag ng araw na iyon, si Red—ang dating nagtatago, ang dating sugatang kaluluwa ay natutunan ng tanggapin ang sarili, at higit sa lahat, natutunan niyang yakapin ang pag-asa ng bagong buhay.

Akala nila ni Rhea, hindi na nila kayang makabalik sa pag-aaral. Pero hindi nagpatinag ang pamilya ng matanda. Binigyan nila ng pagkakataon si Red, at tinulungan siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan at suporta. Hindi lang ito ang tulong na ibinigay nila, ipinakita nila sa kanya na may pag-asa pa siya, kaya’t nagsikap siya at naging working student. Hindi siya umasa sa pera ng iba at mas pinili niyang magsumikap at magtrabaho para sa sarili niyang ambisyon.

"Tara po, doon tayo sa bagong bukas na mall. Kakain tayo," aya ni Red, ang mga mata nila ay kumikislap ng saya.

Habang naglalakad sila, si Rhea ay nagtanong. "Wala pa po ba sila Edu at Mike?" Ang tinutukoy ni Rhea ay ang anak at apo ng matanda.

"May binili pa sila," sagot ng matanda.

May kinuha si Red na isang sobre mula sa kanyang bag. Sa loob ng sobre ay pera, hindi gano’n kalaki pero puno ng kahulugan para sa kanya. Gustong-gusto niyang iparating ang kanyang pasasalamat.

"Regalo ko po yan," mahina niyang sinabi, habang ipinapasa ang sobre sa matanda. "Buksan mo nalang mamaya pag-uwi nyo sa bahay."

Ang mga mata ng matanda ay napuno ng emosyon—isang simpleng regalo, ngunit puno ng pagmamahal at pasasalamat. Hindi naging madali para kay Red ang daan na tinahak niya, ngunit sa bawat hakbang, natutunan niyang ang mga maliliit na bagay na ibinibigay sa ibang tao ay may malaking epekto sa buhay ng bawat isa.

"Maraming salamat, anak," sabi ng matanda, ang mga mata nito ay puno ng pasasalamat at pagmamahal.

“Sergeant!” Paalis na sana sila nang biglang tinawag si Red ng kasama niya sa specialized team.

"Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa bagong leader natin?" Tanong ni Emma, seryoso ang tono ng boses.

"What do you mean?" Tanong ni Red, naguguluhan. "Sino siya?"

"S-Sino nga ulit ‘yun? Nakalimutan ko!" Sagot ni Emma, at tumingin siya kay Red na parang naghihintay ng reaksyon. "Pero siya ang bagong Detective Superintendent natin."

"Talaga?"

"Oo," sagot ni Emma, may mga bakas ng pagpapakita ng paggalang sa boses.

Nagpatuloy si Emma, "Inaasahan ang kanyang pamumuno at mga desisyon sa mga susunod na operasyon. Isa na siya sa may pinakamataas na ranggo sa team, at ang kanyang record ay napakaganda."

“Gano’n ba? Sige at aalis pa kami.” Para itong walang pakialam sa mga narinig.

“7pm. 7pm ipapakilala sa team ang bagong leader.” Paalala nito kay Red.

Hindi na sumagot si Red at tumango nalang, dumating din sila Edu at Mike kaya hindi na sila nag aksaya ng oras at umalis na para magtungo sa bagong bukas na mall. Hindi pinoproblema ni Red ang bagong mamumuno sa team nila dahil alam niyang magiging okay ang lahat para sa kanya.

-

RED

Pabalik na ako ngayon sa istasyon dahil sa mahalagang meeting namin. Naalala ko ngayong gabi ay ipapakilala ang bagong lider ng team namin. Hindi ko na sana nais magbalik pa, gusto ko sanang ihatid si Loela at si Lola pero pinilit nila akong bumalik dito.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina, may isang bagay na hindi ko kayang iwasan. "Rhea, sana paggising mo maging proud ka sa achievements at pagbabago ko." Mahina kong bulong sa sarili ko habang naglalakad. Ngumiti ako, kahit alam kong wala si Rhea sa aking tabi, at ang ngiti na ‘yun ay puno ng pangako.

Apat na taon na akong host ng katawan, si Rhea ay natulog ng mahabang panahon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Lahat ng hakbang na ginagawa ko ay para sa amin… para sa kanya. At kahit sa mga sandaling ito, handa akong maghintay sa kanya.

Sisiguraduhin ko na pagbalik niya, magiging proud siya sa akin. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, alam kong sa huli, hindi lang ako magbabago para sa sarili ko, kundi para sa kanya rin. Sa bawat hakbang ko, siya pa rin ang nagiging gabay ko. At sa bawat tagumpay, hinihiling ko na makita niya ang lahat, gumagawa ako ng hakbang tungo sa mas magandang bukas para sa aming dalawa.

Pagpasok ko ng meeting room, nandiyan na lahat ng team namin at ang tumayong lider ng team. "Nandito na pala ang Ace natin, may bago ka ng makakapartner." Salubong ng lider, at tumaas ang mga kilay ko habang napatingin ako kay Emma.

"Hindi na si Emma?" Mahinahong tanong ko, na parang hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Hindi na," sagot ng lider ng team.

"Sino bagong partner ko?" Tanong ko, na may konting kaba sa dibdib.

Bago pa makasagot ang lider, biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming lahat tumingin at ang aking puso ay tumibok ng mabilis nang makita ko ang babaeng pumasok, nakasuot ng uniporme ng pulis. Nanlamig ako. Nanigas ang katawan ko, at biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa hirap huminga. Anong ginagawa niya rito?

Ang matamis na ngiti na dati naming pinagsaluhan ay para bang nawala sa hangin. Hindi ko kayang ipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko… mabilis na tumibok ang puso ko, at ang kirot na sumasakit sa aking puso ay nagbabalik sa aking alaala.

“Let me introduce to you our new leader,” ang boses ng lider ng team ay parang naririnig ko mula sa malayo. "Police Detective Superintendent Ines Avalon."

Ang mga mata namin ni Ines ay nagsalubong, at sa sandaling ‘yun, parang ang mundo ko ay tumigil sa pag-ikot. Hindi ko kayang kumilos, nag-atubili akong magtangkang magsalita. Napaatras ako at mabilis na nag-iwas ng tingin, nagtago sa likod ng mga katawan ng mga kasamahan ko.

Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya rito?

Ang tanong ko sa sarili ko ay paulit-ulit. Bakit gano’n ang reaksyon niya? Para bang hindi niya ako kilala. Si Ines ba talaga ang babaeng ito?

Hindi ko alam kung paano magsimula. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. May nararamdaman pa rin ako sa kanya, pero parang ang lahat ng nangyari sa amin ay nawala sa mga mata niya.

Bakit nandito siya sa lugar na ito, sa isang town na malayo, na halos wala namang mga operasyon na magiging kapaki-pakinabang para sa kanya? Bakit siya narito sa isang lugar kung saan ang mga misyon ay karaniwang hindi ganun kalaki? Ang tanong ay paulit-ulit na umuukit sa isipan ko. Si Ines, isang Detective Superintendent, sa isang liblib na bayan?

Ang layo ng lugar na ito. Ang bawat sulok ng bayan ay tahimik, hindi ito kasing-busy ng mga urban na siyudad na puno ng kaso at operasyon. Paano siya nadestino rito? Para bang hindi bagay sa kanya ang ganitong klaseng lugar. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, at sa mga hindi nasasabing saloobin ko, hindi ko kayang iwasan ang katanungang bakit siya nandito?

Kung tutuusin, siya ay may mas malaking puwang sa ibang lugar, sa mga lungsod kung saan marami ang maaaring magamit ang kanyang kakayahan. Pero bakit sa isang bayan na walang gaanong trabaho, dito siya nadestino? Bakit hindi siya nagtakda ng bagong landas para sa sarili niya sa mas mataas na posisyon? Bakit hindi siya nanatili sa mas malalaking lugar na alam kong makikinabang siya nang husto? Bakit dito?

Isa-isa pinakilala si Ines sa buong team, ngunit bago pa man ako nito makaharap, lumabas ako kaagad. Hindi ko kayang manatili sa loob. Para akong sinasakal, ang bawat hininga ay parang tinatanggal sa aking dibdib. Hindi ko kayang humarap sa kanya. Akala ko okay na ako, akala ko nakalimutan ko na ang lahat ng sakit, pero hindi. Hindi ko kaya.

"Just what the hell is she doing here?" Bulong ko sa sarili ko, ang puso ko ay mabilis na tumitibok, ang utak ko ay puno ng tanong. Bakit siya nandito? Paano siya naging parte ng team na ito? Hindi ko kayang iwasan ang sakit na nararamdaman ko sa bawat sandali na nakikita ko ito.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ngunit bago pa man ako kumalma ay narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"I didn’t know there was someone who doesn’t seem to like my presence here right now. Is this the kind of behavior you’re going to show in front of your new partner?”

Nanigas ako, ang boses niya… si Ines… parang isang kidlat na tumama sa aking katawan. Napilitan akong lumunok at hindi ko kayang magsalita kaagad. I turned around slowly, my heart racing, and naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang.

At nang makita ko siya, ang mukha niya, ang mga mata niya na parang hindi na ako kilala, hindi ko kayang magtagal. Napaatras ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang ang layo-layo na namin sa isa’t isa. Bakit gano’n ang reaksyon niya? Bakit gano’n ang tingin niya sa akin?

“A-An—”

"Isn’t it better if you introduce yourself first? Before talking to me, introduce yourself so I can know your name." Mabilis tumaas ang mga kilay ko, at hindi ko maiwasang umuwang ang labi matapos marinig ang sinabi niya.

Hindi niya ako kilala? Si Ines ito, si Ines na asawa ko, ang babaeng muntik nang mamatay dahil sa akin. Paano niya ako hindi nakilala? Ang mga tanong ay sumabog sa aking isipan. Para akong tinamaan ng kidlat sa mga salitang ‘yun. Dapat magpasalamat ako dahil hindi niya ako kilala, pero sa kabila ng lahat ng ‘yun, may kirot sa aking dibdib. Bakit may sakit sa puso ko?

Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, ng mga kasalanan ko, ng mga pagkakamali ko, bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit na dulot ng nakaraan? Bakit kahit na dapat magaan na ang pakiramdam ko, parang pinipiga ang aking puso?

Mahal ko siya—at ang sakit na nararamdaman ko ay hindi lang tungkol sa hindi niya pagkilala sa akin, kundi sa pagkawala ng isang bagay na matagal ko nang naisip na nawala sa akin. Ang pagkatao ko sa mga mata niya.

"R-Rhe... Red." Pagpapakilala ko kay Ines. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon nito. Wala, as in wala… tila kaharap lang nito ang isang taong hindi niya kilala at wala siyang pakialam.

"Okay, nice to meet you, Red. I'll be your new partner, so if you have any questions, ask them now." Sa lamig ng boses ni Ines, para akong mamamatay sa ginaw. Hindi pa rin mawala ang takot sa aking dibdib.

"M-May asawa ka na?" It was the only question I managed to ask, yet it was enough to make her eyebrow twitch.

"My personal life is irrelevant to work. And we're not close enough for you to know anything about it." Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Hindi ako nagkakamali, hindi niya ako kilala. Bakit? Anong nangyari sa kanya?

What the heck is wrong with her? Paano niya ako nakalimutan? Bakit niya nakalimutan ang taong minsang nanakit sa kanya at naging dahilan para mapunta siya sa bingit ng kamatayan? Paano ko ito haharapin? Makakaya ko ba maging bulag-bulagan?

“Go back inside.” Maawtoridad niyang utos.

"I didn’t expect my new partner to have this kind of attitude." Matigas kong sagot habang nakatitig sa kanya, pilit pinapanatili ang kalmado kong ekspresyon. "Look, I know you're a senior, but in this place, your superiority won’t work… especially not on me." Pagkasabi ko noon, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Ayokong maapektuhan ng presensya niya, pero hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paraan ng pagsasalita niya… diretsahan, walang bahid ng pag-aalala, walang bakas ng kahit anong alaala tungkol sa akin. Oobserbahan ko na lang muna siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, kung bakit niya ako nakalimutan. Pero mas mabuti na siguro ito. Mas mabuti na kung hindi niya na maalala ang lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya.

Pero kahit gano’n, may bumabagabag sa loob ko. Paano kung hindi lang ito basta pagkawala ng alaala? Paano kung may mas malalim pang dahilan?

"Excuse me," biglang tugon niya, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa. "I have the authority to be bossy, especially when I know I'm not doing anything wrong." Anak ka ng teteng oh, anong klase ng dahilan yan?

Tumaas ang kilay ko. Ito pa rin ang Ines na kilala kong matapang, walang inuurungan. Mahina akong natawa dahil naalala ang unang tagpo ng landas nila ni Rhea, kung paano niya ito pinakulong dahil sa maling akala.

"I’ve heard you’ve solved a lot of cases and that you’re the Ace of this place?” Patuloy niya, habang may bahid ng hamon sa kanyang tinig.

"Then, show me." Dagdag pa niya. Napangisi ako, pero hindi dahil sa saya kundi dahil sa tabas ng dila niya. Dati, ang laban ko ay kung paano poprotektahan si Rhea. Pero ngayon, para kaming nasa isang bagong laro kung saan hindi ko alam ang mga patakaran.

Babalik na sana ako sa loob nang biglang lumabas ang iba naming kasamahan. May bago kaming kaso. Walang pag-aalinlangan, mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan at nagtungo sa lugar kung saan nangyari ang trahedya. Sa pagmamadali, hindi ko napansin ang mga kasama ko, at sa halip na maghintay, agad akong umalis.

Pagdating ko sa lugar, may mga nauna palang pulis kaysa sa akin. Ang lugar ay puno ng tensyon, ang hangin ay mabigat. Ang katawan ng biktima ay nakalantad sa akin. Hindi ko kayang balewalain kung ano ang nakita ko.

Tiningnan ko ang bangkay. Ang mukha ng babae ay halos hindi na makilala. Wasak, para bang nadurog… parang paulit-ulit binagsakan ng mabigat na bagay. Ang mga mata ko ay hindi na kayang tanggapin ang eksena sa aking harapan. Ang biktima ay isang babae, may damit, pero walang suot na pang-ibaba. Hindi ko na kailangan itanong pa, halatang ginahasa ito bago pinatay.

Naikuyom ko ang kamao ko. Ang sakit ng makita ito—nakita ko ang dalaga. Sa tingin ko, nasa edad katorse o kinse pa lang siya.

"Serg," tawag sa akin.

"May witness ba?" Tanong ko, ang boses ko ay puno ng bigat.

"Opo," sagot niya, "Ayon sa nakakita, naglalakad ang babae. May biglang humila sa kanya na lalaki at kinaladkad siya sa madilim na bahagi ng eskinita. Madaling araw daw nangyari ito, at ngayon lang niya sinumbong."
Sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang dahilan ng witness.

Bakit ngayon lang siya nagsumbong? Maraming tanong sa isip ko, at hindi ko kayang ipaliwanag ang bigat na nadarama ko. Dahil ang bata na ‘yun ay hindi lang biktima ng panghahalay at pagpatay… siya ay biktima ng isang sistemang patuloy na nagpapabaya.

Ang galit ko ay nagsimula nang kumulo. Hindi lang ito basta kaso, hindi lang ito basta krimen. Ito ay isang pagsubok na muling magbigay ng hustisya sa isang mundong puno ng kawalan ng malasakit.

"Nasaan siya?" Tanong ko, ang tono ng boses ko ay puno ng determinasyon.

"Nasa patrol car," sagot sa akin ng kasamahan, itinuro kung saan ito nakaparada.

Mabilis akong naglakad patungo sa patrol car, ngunit bago ko pa man tuluyang malapitan, hinarangan na ako ng mga kasama ko sa team.

"Serg! Kalmahan mo lang!" Pagpigil ni Emma, may halong kaba sa boses nito, at nakikita ko rin ang iba na nag-aalalang tumingin sa akin. Si Emma ay humingi pa ng tulong sa isa pang kasamahan, at ang buong team ay nag-aalala sa kung anong gagawin ko.

"May gusto lang akong itanong sa witness, umalis kayo sa harapan ko." Malamig kong sinabi, at para silang kidlat sa bilis kung paano nila ako iniwasan.

Binuksan ko ang pinto ng patrol car, hinawakan ko ang lalaki sa kwelyo at inilabas siya mula sa sasakyan. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ko na isa itong matanda, at batay sa itsura niya, nasa edad trenta na siya.

Dinala ko siya sa madilim na bahagi ng lugar, at kinausap siya ng masinsinan.

"Ikaw ang witness?" Diretsong tanong ko, ang tono ng boses ko ay may halong pagkagalit at pagkabigla.

"O-Opo," sagot niya, at nakita ko ang kanyang panginginig at ang pag-iwas niya ng tingin. Hindi siya komportable at tila natatakot.

"Bakit ngayon ka lang nagsumbong sa awtoridad? Kailan naganap ang pagpatay?" Tanong ko ulit. Alam kong mali ang paraan ko sa pagtatanong, pero hindi ko kayang magpigil. Ang mga ganitong klaseng kaso ay hindi ko pinapalampas, at kailangan ko ng sagot.

"M-Madaling araw-" Sagot niya, nanginginig pa rin ang kanyang boses.

"Anong oras?" Putol ko sa kanya, nais kong makuha ang eksaktong oras para sa records ng insidente.

"A-Alas dos ng-" Sumagot siya, nanginginig.

"Bukas ang police station 24/7," patuloy ko, ang tono ko ay malamig at puno ng inis. "Alas dos nangyari ang panggagahasa at pagpatay pero hindi ka man lang tumawag ng pulis para marespondihan agad ang insidente? Nakakatawa."

Pinuntirya ko siya ng tingin, at muling nilapitan. Hinawakan ko ang braso ng lalaki at itinaas ang sleeve ng suot niyang damit. Maraming kalmot sa kanyang braso, hindi lang doon, dahil sa nakatagong parte ng leeg nito ay may mga kalmot din.

"Fucking rapist," sinabi ko at sinuntok ko siya sa mukha.

"Gusto mong isunod kita sa impyerno?" Ang mga salitang binitiwan ko ay puno ng galit, kasunod ang pagbunot ko ng baril at itinutok sa kanya.

"H-Huwag po! S-Susuko ako!" Nanginginig siya, lumuhod sa harap ko, humihingi ng tawad.

"Tang ina mo pala eh—" gigil kong salita, hindi ko na kayang magpigil pa sa galit.

"Red!" Bigla akong nataranta nang marinig ang boses ni Ines, at sa labis na kaba ko, parang biglang hindi gumana ang utak ko. Sa takot at pagkabigla, naibato ko ang baril sa isang bahagi na hindi agad makikita ni Ines o ng ibang tao.

"What the hell are you doing to the witness?! Did you just point a gun at him?!" Bulyaw niya sa akin, at ang lakas ng tibok ng dibdib ko ay para bang narinig na ni Ines ang lahat ng pinipigil kong galit.

Huminto siya sa tapat ko, sobrang lapit, at ang pagkakaharap namin ni Ines ay parang isang dagok. Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinaharap ko siya at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng nararamdaman ko.

Pinilit kong kumalma.

"Huh? Do you see a gun? I was just pointing my finger at him, not a gun." Sagot ko at napaatras dahil sa mas inilapit na niya ang mukha sa akin.

"Don’t try to fool me, I saw the gun you tossed. Is this how you perform your duties as a cop? Your team is so proud of your accomplishments, but you're hurting people without justification?" Naikuyom ko ang mga kamao sa likod ng aking katawan, gusto kong manapak. Nag-iinit ang ulo ko, hindi dahil sa mga sinabi niya kundi dahil sa rapist na ‘to.

“Yeah, yeah, whatever, BOSS.” Sagot ko, nangingilid pa ang galit sa boses ko. Tumalikod ako at dinampot ang baril, iniiwasan ang mga mata ni Ines at umalis. Hindi ko kayang tingnan siya lalo na't ramdam ko ang sakit ng mga salitang binanggit ko.

Pero hindi siya natigil. Sinundan ako ni Ines.

"What's your problem?! Do you have an issue with me? If you don’t want me as your partner, just say it. It’s not like I’ll lose anything." Bulyaw niya sa likuran ko at kahit hindi ko siya tinitingnan, ramdam ko ang bigat ng mga salitang ‘yun. Hindi ko naman siya pinapansin, pero masakit pa rin sa dibdib ‘yung sinabi niya. Totoo naman siguro, hindi ko kayang maging maayos na partner sa kanya at hindi ako kawalan.

"Better find yourself a new partner. I don’t want someone who’s bossy and most of all, married." Sagot ko, sabay inikutan siya ng mga mata, sinusubukan na ipakita na hindi na siya dapat makialam sa akin. Nais ko lang sana tapusin ito.

Nagtaas ng kilay si Ines at mabilis na hinawakan ang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya at sa tingin ko ay asar na siya. Ang matalim na tingin niya at ang bigat ng presensya niya ay parang pumapalo sa katawan ko.

"Don’t ever talk to me like that again," sinabi niya ng malalim at mabigat ang boses, ang mga mata niya ay parang may apoy sa galit. “I’m your partner now, so deal with it.”

Nakaramdam ako ng kirot na dulot ng lahat ng nangyayari. Naramdaman ko na parang hindi na kami pareho ng nararamdaman. "Fine," sagot ko nang mahina. "I’ll deal with it."

Bumalik ako sa istasyon para gumawa ng report at tapusin ang mga naiwang trabaho. Nagtagal ako ng mahabang oras, at hindi ko na rin namalayan na lumipas ang oras hanggang sa malalim na ang gabi.

Hindi na pala ako sa kubo naninirahan, kasi sobrang layo, at kung gagamitin ko pa ang sasakyan, kailangan ko pa mag biyahe ng isa’t kalahating oras. Naalala ko nanaman noon, tuwing bababa kami ng bayan, nilalakad lang namin at inaabot kami ng tatlong oras sa paglalakad. Sobrang lubak-lubak pa ng daan dahil sa naglalakihang bato, pero ngayon ay ayos na. Naka-semento na ang daan.

Umuupa lang ako ng apartment malapit sa istasyon, kaya hindi na ako nahihirapan kahit madaling araw na makauwi.

Nang pinaandar ko ang makina, nakita ko si Ines. Kakalabas lang niya ng istasyon at sa tingin ko uuwi na rin ito. Hindi ko gusto, pero may parte ng isipan ko na nagsasabi na sundan siya. Kaya ginawa ko. Palihim kong sinundan ang sasakyan ni Ines at huminto ito sa isang malaking bahay. Naghintay akong makapasok siya bago ako bumaba ng sasakyan, palihim na nagmamasid mula sa malayo.

Dahil napapalibutan ng salamin ang buong bahay, nakita ko siya paakyat ng hagdan, at may sumalubong sa kanya… magkayakap sila.

Tipid akong ngumiti, isang ngiti na may halong sakit. “Tama nga ako, may pamilya na siya. Mabuti na lang kung gano’n at nakahanap siya ng totoong pamilya.” Bulong ko sa sarili ko bago bumalik sa sasakyan at nilisan ang lugar.

Habang nagmamaneho, hindi ko napansin ang luhang pumatak sa mga mata ko. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit na bumalot sa aking puso. Alam kong ito ang tama, ngunit bakit ang sakit? Bakit ganito?

Tila ba bawat hakbang na ginawa ko tungo sa pagbabago ay mas nagiging masakit sa akin. Hinayaan ko siya, binigyan ko siya ng kalayaan, pero sa nakita ko ay nando’n pa rin pala ang sakit sa puso ko… nagtatago.

Nakauwi ako ng apartment, bagsak ang katawan sa malambot na kama. Ang bawat pagod ay nararamdaman ko sa bawat kalamnan, ngunit ang pinakamabigat ay ang bigat ng pusong hindi ko kayang alisin. Muling pumatak ang mga luha, hindi ko kayang pigilan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandali… parang may isang piraso sa akin ang nawawala.

Niyakap ko ang sarili, ang mga kamay ko ay humaplos sa aking katawan at sa bawat pagsapo, parang hindi ko na kayang bitawan ang sakit.

"I'm sorry, Rhea," bulong ko sa sarili ko, ang mga salitang ‘yun ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan, hindi ko pa pala lubos kayang magpatawad sa sarili ko.

At sa katahimikan ng paligid, nagpalamon ako sa aking mga emosyon. Walang ibang tunog kundi ang malalim kong paghinga at ang tunog ng puso ko na patuloy na naglalaban. Ang mga luha ay tila walang katapusan, at kahit ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng sakit na dulot ng pagkawala ng taong pinakamahalaga sa akin.

-

"Serg, paano partner mo?" Tanong ni Emma.

Nasa labas kami ng paaralan, sa tapat ng tindahan. Meron kasing kumakalat na balita ngayon na may nangunguha ng mga bata, kaya kailangan namin maging alerto dahil maraming mga bata ang lumalabas kapag uwian na.

"Wala namang ginagawa? Ayaw ko na walang ginagawa at mas mabuti pa ang mag patrol para masiguro ang kaligtasan ng mga bata." Sagot ko sa kanya.

Abala ako sa pakikipag-usap kay Emma nang biglang may tumama sa akin. Nambato ba sa akin? Napatingin ako sa sahig at nakita ang isang bola. Agad kong tiningnan ang paligid, hinahanap kung sino ang salarin. At doon, nakita ko ang isang batang maliit, nakatayo at tila nag-aabang sa reaksyon ko.

Kinuha ko ang bola, tinaasan ng kilay ang bata, at walang sabi-sabing binato ito sa malayo.

"Hey! Waaaa! Why did you throw it away?! That was my ball!" Sigaw ng bata, umiiyak na habang patakbong lumapit sa direksyon ko, itinuturo-turo pa ako na parang ako ang pinakamasamang tao sa mundo.

Napapikit ako at pinisil ang sintido ko. Great. Mukhang nakuha ko na naman ang atensyon ng isang bata na hindi ko alam kung paano pakalmahin. Hindi ko ito inaasahan sa maagang oras ng araw na ito.

"Excuse me, child. You intentionally threw the ball at me, so why shouldn't I throw it back? You didn’t even bother to say sorry."  Malamig kong sagot sa bata, na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

Nagtaas ako ng baba, tila hinahamon siya.

Sa mukha, accent, tindig, at pananamit ng bata, halatang spoiled brat. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya. Parang hindi siya sanay na may umaangal sa gusto niya.

"You’re so mean! You should buy me a new ball!" Singhal ng bata, halatang inis. "I’m gonna tell my Mommy about you!"

Napangisi ako nang bahagya, ngiting walang bahid ng kaba. "Go ahead, child. Tell your Mommy. Maybe I’ll tell her you tried to assault an officer with a ball." Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ng bata, mukhang hindi niya alam ang isasagot. Nasanay siguro siya na sinusunod lang siya ng mga tao.

"You're the worst!" Sigaw niya bago tumakbo paalis.

Tumingin ako kay Emma na halos hindi na mapigilan ang pagtawa. "Did you really just argue with a kid?"

Pinandilatan ko siya. "Sinimulan niya."

At kahit naiinis ako, hindi ko napigilan ang bahagyang tawa. Mukhang nahanap ko na ang pinakamaliit kong kaaway sa bayan na ito.

Akala ko tuluyan nang umalis ang bata, pero ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik ito, dala ang bola na itinapon ko kanina.

"Hey, you!" Bulyaw niya sa akin.

Sakto paglingon ko, isang mabilis na bagay ang dumiretso sa mukha ko at bago ko pa ma-realize, tumama na ang bola.

"..."

Nandilim ang paningin ko.

Napapikit ako, huminga ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili.

Fuck.

Okay, Red, kalma lang.

She's just a kid…

A damn kid!

Ramdam ko ang init ng dugo kong unti-unting tumataas, pero pinilit kong pigilan ang sarili kong mapatayo at habulin ang batang ito. Samantalang siya? Nakatayo lang doon, nakangisi, parang nanalo sa isang laban na siya lang ang nagdeklara.

Huminga ako ng malalim at humakbang ng isang beses, pero agad akong pinigilan ni Emma bago ko pa maisagawa ang anumang iniisip ko. Yeah, lahat sa istasyon ay kilala ako bilang mabangis, walang pinipili, walang inuurungan. Bata man o matanda, kapag ginulo ako, handa akong gumanti.

"Serg! Kalma, bata lang yan oh," pigil ni Emma, mahigpit ang hawak niya sa magkabilang balikat ko, para bang alam niyang anumang segundo ay may hindi magandang mangyayari.

Napatingin ako sa kanya, halatang naiirita.

"Ano ngayon kung bata? Kaninong anak 'to? Haharapin ko siya." Seryoso kong sagot, ang tono ko ay malamig, matigas.

Tumingin ako sa bata, na ngayon ay mas lalong lumapad ang ngiti na tila ba natutuwa siyang nakikita akong nawawala sa sarili ko.

Fucking— nananadya ‘tong bata na ‘to.

"You're an officer, and someone like you isn't allowed to hurt a child. But I’m not, so I can hurt you without facing any charges."  Nanlaki ang mga mata ko.

Napaatras ako ng bahagya, hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang inis. Anong klaseng demonyo 'tong bata na 'to?!

Tumingin ako kay Emma, na ngayon ay pilit pinipigilan ang tawa niya. “Narinig mo ba ang sinabi niya?” Tanong ko kay Emma at tumango ito, pati siya gulat. Sinabi ba talaga ‘yun ng isang bata?!

Huminga ako ng malalim, pinipigil ang panginginig ng kamao ko. "Kanino ba 'to? Saan ang magulang mo, ha?" Tanong ko sa bata, pero ang sagot niya?

Isang irap, isang ngisi, at isang nakakairitang tawa.

"You’ll find out soon, officer." Anong problema ng batang ‘to?!

Pinilit kong makawala kay Emma at sumugod sa bata, buong lakas na hinawakan ang strap ng suot niyang jumper sa likod at inalsa siya.

"Hey! Put me down!" Sigaw niya, pumapadyak at sinusuntok ang hangin dahil hindi niya ako maabot. Nakita ko ang galit at takot sa mata ng batang ‘to, ngunit hindi ko na kayang pigilan ang galit ko.

"Sinaktan mo ang officer, kaya ikukulong kita." Malamig kong sinabi habang binibitbit siya papasok sa patrol car. Hindi ko na kayang magpigil, at hindi ko kayang tiisin ang mga kabastusan ng batang 'to.

"Waaaaaaaa! Mommmmmyyy!" Umiiyak siya, ang sigaw ay masakit sa tenga ko. Naiirita na ako at parang wala ng hangganan ang ingay.

"Shut up," sabi ko.

Binitiwan ko siya sa patrol car at mabilis na isinara ang pinto. Ayokong magpatuloy pa sa pakikisalamuha sa batang ito. Habang papalayo ako, naramdaman ko ang sakit sa katawan, pati na rin ang inis na nararamdaman ko sa buong pangyayari.

Muli kong binalingan ang bata na umiiyak sa patrol car. Natalo pa rin ako ng konsensya, hindi ko kayang hayaan siyang mag-isa at magpatuloy sa ganitong kalagayan. Kaya binalikan ko siya.

"Waaaa, bad officer!" Sigaw ng bata habang patuloy na umiiyak nang buksan ko ang pinto.

Habang pinipilit kong buhatin siya para patahanin, bigla siyang tumalon. "Mommy!" Sigaw nito, nagulat na lang ako nang makita kung sino ang tinutukoy niya.

Si Ines.

Ang puso ko ay parang tumigil sa pagtibok. Napatingin ako kay Ines at sa mga mata niya, nakita ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan…  isang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Bakit siya nandito? At bakit kasama ng batang ito?

"Anak niya ang bata? May anak siya?" Paulit-ulit na tanong sa aking isipan. Habang naguguluhan ako sa mga tanong na ‘yun, sumugod muli ang bata sa akin habang kinakaladkad ang ina niya.

"Mommy! She's a bad officer, she locked me in the car!" Sumbong ng bata, ang mga mata nito ay puno ng galit.

"Bad children need to be disciplined." Simpleng sagot ko, tinitigan ang bata ng malamig at inikutan siya ng mga mata. Ang mga salitang ‘yun ay parang bigla na lang lumabas sa bibig ko, hindi ko na kayang pigilan.

"See that, Mommy?! She's really really bad!" Ang bata ay sumigaw at ngayon ay talagang parang wala ng hangganan ang inis na nararamdaman ko.

“Kaya pala spoiled brat, ikaw pala ang ina.” Ang mga salitang ‘yun ay lumabas sa aking bibig ng hindi ko namamalayan, isang malupit na pahayag na hindi ko kayang bawiin. Sa halip na makontrol ko ang emosyon ko, nagpatuloy ako sa pagmumura sa loob ko na parang hindi ko kayang tanggapin na si Ines ay may anak na.

Tumingin ako kay Ines, ang mata nito ay puno ng hindi maipaliwanag na bagay. "I didn’t expect this from you," bulong ko sa sarili ko, ngunit sa boses ko ay naramdaman ko ang pagsisisi. "Tama nga, may pamilya ka na."

Ang bata ay patuloy pa rin sa pagsumbong, at habang pinagmamasdan ko siya, parang may kirot na pumapalo sa aking dibdib.

Ang batang ‘yun ay anak ni Ines… isang patunay na hindi na kami ang dati at hindi na kami babalik sa mga araw na ‘yun. Hindi ko kayang tanggapin na ang babae na iniwasan ko ay may sariling buhay, may anak, at may mga bagay na hindi ko kayang kontrolin. Kahit ang totoo, ‘yun naman talaga ang hiniling ko dati— ang magkaroon siya ng normal na pamilya.

Ang sakit na nararamdaman ko ay patuloy na dumadaloy. Puno ng tanong at puno ng kalungkutan. Kahit masakit, hindi ko pinakita kay Ines ang emosyon ko. At sa totoo lang, sino ako ngayon sa buhay niya? Ni hindi nga ako maalala. Ang sakit na dulot ng pagkawala ay hindi ko kayang ipakita sa kanya.

"Wow, mana sayo ang anak mo... Bossy." Sarkastiko kong sinabi, ang tono ng boses ko ay matalim, sinusubukang magpatawa kahit ako mismo ay nasasaktan.

Taas kilay siyang tumingin sa akin. "You’re picking a fight with a child? Are you crazy?” Ang tono niya ay hindi ko alam kung may pangungutya o may konting galit, ngunit isang bagay ang sigurado, wala siyang pakialam sa mga sinabi ko.

"Oo, hindi lang yan ang kaya kong gawin. Mas baliw ako sa inaakala mo." Ngumisi ako at kinindatan siya.

Tiningnan ako ni Ines ng matalim."Let's go. Yeah, that's a bad officer. An evil officer, so don't go near her again." Sabi niya sa anak bago ako inikutan ng mga mata at umalis kasama ang anak niya.

Napabuga ako ng hangin at iling ng ulo.

“Grabe, pet peeve mo si Leader?” Biglang sulpot ni Emma sa aking gilid.

Nagkibit-balikat lang ako habang sinusundan ng tingin ang mag-ina na naglalakad hanggang sa tuluyan silang makapasok sa sasakyan nila.

Akala ko isa lang magiging problema ko, ngunit ngayon ay nadagdagan pa ng isa.

Anak niya pa.

Ano bang klaseng buhay ito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip