Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 47

Mastah_K


Hello, good evening! Please read this note so everyone is aware, and we won’t have to answer the same questions over and over again. I will be taking a one-week break from updating on Wattpad. I just need some time to relax and refresh my mind. Thank you for your understanding and support! I’ll be back soon with new updates. Stay tuned! :)

I’d also like to know if there are any readers from Misamis Oriental, especially from Cagayan de Oro City. Please comment here.

PS : Shoutout sa mga nakasabay ko sa station-29, nag enjoy ako. Sa uulitin! 💚

-

Ilang araw na kaming magkasama ni Aza at ng anak namin, pero iba ang araw na ito—ito ang araw na magkikita-kita kami nila Ines. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe pabalik ng istasyon, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinakabahan.

"Ma, are you okay?" Tanong sa akin ni Wreen habang mahigpit na yumayakap sa aking braso.

"Ha? O-Oo naman, iniisip ko lang ang trabaho," sagot ko, pilit na ngumingiti upang hindi siya mag-alala.

Isa rin yan... pero ang totoo, hindi lang trabaho ang bumabagabag sa isip ko. Ano ang sasabihin kong dahilan sa kanila? Paano ko ipapaliwanag ang nangyari? Ang buong akala nila, nakuha ako ng mga sindikato—na nawala ako nang walang anumang bakas. Napabuntong-hininga ako, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko.

"Are you excited to see your sister?" Biglang tanong ni Azalea, na nakaupo sa kabilang side ni Wreen.

Napatingin si Wreen sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay bago umiling. "Nope. Is there any reason for me to miss her? She's a headache, Mom" Diretsong sagot niya, halatang walang interes.

Napailing si Azalea habang napatingin sa akin na parang sinasabing Ano ba ‘tong anak natin?

"Wreen," saway ko nang mahina. "Kapatid mo pa rin siya. Kahit gaano pa siya kakulit, dapat excited ka ring makita siya." Kahit ako na miss ko ang demonyong bata na ‘yun.

"Eh, Ma, is she excited to see me?" Sagot niya, sabay irap. "She always bothers me, and it's annoying." Natawa ako sa inasal niya. Wala talagang filter ang batang ito.

"Don't worry," malambing na sabi ni Azalea, hinaplos ang buhok niya. "I'm sure your sisters miss you too, even if they don't say it." Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ni Aza, sisters?

"Hmph. We'll see," sagot ni Wreen, pero sa gilid ng labi niya ay may bahagyang ngiti, na tila hindi niya kayang itago ang excitement kahit paano.

Makalipas ang mahabang biyahe, sa wakas ay huminto ang aming sasakyan. Nandito na kami sa labas ng istasyon, ngunit nagdadalawang-isip pa rin akong bumaba. Alam kong ito na ang sandali para harapin ang lahat, pero hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko.

Una nang lumabas sina Azalea at Wreen, habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa loob. Humugot ako ng malalim na hininga, pilit pinapakalma ang sarili, bago nagdesisyong lumabas at harapin ang anumang sasabihin nila sa akin.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, biglang sumakit ang tuhod ko—may sumipa sa akin!

Napangiwi ako sa sakit at agad na hinarap ang may kagagawan. Ang demonyong bata.

Akala ko nagbago na siya dahil nawala ako ng ilang araw, pero mukhang lumala pa.

"Hey, Satan! Do you have any idea how worried Mommy was?! You disappeared for days, and now you just show up?!" Bulyaw niya sa akin, sabay turo na parang may kasalanan akong malala. Napabuntong-hininga ako. Wala talagang pinagbago.

"You! Don’t you dare hurt my Mama!" Biglang sulpot ni Wreen sa likuran ko, hinarangan ako at hinarap ang pasaway niyang kapatid na parang isang warrior na handang ipagtanggol ang reyna niya.

Nanlaki ang mga mata ng bata, halatang nagulat. "D-Demon! Demon! W-What are you doing here?! Why are you with Satan?! You called her Mama?!" Halos mapaatras siya sa gulat, habang ako naman ay napahawak sa sentido ko. Diyos ko, bakit ganito pa rin siya?

"Yes, of course! Because she's my mother," matigas na sagot ni Wreen, kasabay ng seryosong tingin sa kanyang kapatid. "Why are you disrespecting her and calling her Satan? Is that what they taught you in school about how to treat a parent?" Nagsalubong na ang kanyang mga kilay, halatang hindi niya nagugustuhan ang asal ng kanyang kapatid.

Napahawak naman ang demonyong bata sa kanyang dibdib, halatang nilalabanan ang takot habang nakatingin kay Wreen. Napangisi ako. Hindi ko man siya kayang kontrolin, at least kaya siya nitong kapatid niya.

"Why would I call her Mama? She's not Mama Rhea! She's Satan!" Balik ni Wen, matigas pa rin ang paninindigan.

"They're the same," sagot ni Wreen, walang alinlangan.

"NOOOO!" Sigaw ni Wen, halos manginig sa galit at pagkadismaya. Halatang hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan.

Tumingin ako kay Azalea na halos hindi mapigilan ang pagtawa sa eksenang nangyayari.

"Wreen, ayos lang. Hindi naman niya ako kailangang tawaging mama," sabi ko, pilit na pinapakalma ang sitwasyon.

"It's not okay, Mama." Sagot ni Wreen, hindi pa rin bumibitaw ng tingin kay Wen. "She needs to learn how to show respect."

"No, no!" Sagot ni Wen, sabay yakap kay Azalea na parang humihingi ng saklolo.

Napailing na lang ako. Talagang walang nagbago.

Azalea, on the other hand, pinisil ang noo niya at bumuntong-hininga. "Kids, can we not start a war right now?"

Napahinga ako nang malalim. Magsisimula pa lang ang gulo, pero parang pagod na ako.

Nakita naming lumabas si Ines ng istasyon, diretso ang lakad niya papalapit sa amin. Agad kong napansin ang paraan ng kanyang pagtingin—una niyang tinapunan ng sulyap si Aza bago ako. Nang magtama ang aming mga mata ay matamis ko siyang nginitian, pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lang akong napayuko nang maramdaman ko ang maliit pero matinding suntok sa tiyan ko.

"Agh—!" Napasinghap ako at ang munting demonyo ay mabilis na tumakbo palayo, diretso kay Ines.

"Inay ko po," mahina kong reklamo, hawak ang tiyan habang nagpupumilit ngumiti. "Talagang may baon pang atake bago umalis, ha?"

Samantala, si Ines ay bahagyang napaangat ang kilay habang pinapanood ang eksena. Agad namang sinalubong siya ni Wen at mahigpit siyang niyakap, na para bang siya lang ang dakilang tagapagligtas nito mula sa kasamaan ko.

"Mommy! Satan is back!" Balita ni Wen, tila nagsusumbong na may halong drama.

Napatingin sa akin si Ines, nagpakawala ng buntong hininga bago bumaling sa anak niyang nakayakap pa rin sa kanya. "Wen," mahinahon niyang sabi, "I've told you many times, stop calling her Satan."

Napangisi ako, at least may kakampi ako. Pero mabilis akong napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Ines.

"Not in public, okay?"

"Wait, what—?" Napakurap ako.

Tumawa si Aza habang ako naman ay napailing na lang, wala na talaga akong laban nito.

"Hi, sorry ngayon lang ako nakabalik," sabi ko kay Ines pagkaharap niya. Sinubukan kong gawing magaan ang tono ng boses ko kahit may bahid pa rin ng kaba sa aking dibdib. "Kamusta? Sana hindi kita masyadong pinag-alala."

Napatingin siya sa akin at kahit may kaunting lungkot sa kanyang mga mata, pinilit niyang maging kalmado.

"How can I not worry?" sagot niya, bahagyang nakataas ang kilay. "Even if we say that you’re together—"  saglit siyang bumaling kay Aza na nasa gilid ko, bago muling ibinalik ang tingin sa akin."No matter who you're with, I'll still worry."

Dagdag niya ‘yun bago ako ngitian ng matamis, pero ramdam ko ang bigat sa likod ng kanyang mga salita. Bago pa ako makasagot, biglang nagsalita si Aza.

"Why would you worry if you know she's with me?” may kumpiyansa sa kanyang tono, habang nakatingin kay Ines. "Don't worry, she's safe with me even if the world falls into chaos.” Isang matamis na ngiti ang isinukli niya kay Ines, ngunit sa likod nito ay ramdam ko ang bahagyang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Napatingin ako sa kanilang dalawa, nag-aalangan kung dapat ba akong makisali sa palitan ng titig nila. Alam kong may ibig sabihin ang bawat salitang binitawan nila, pero hindi ko sigurado kung ano mismo ‘yun.

"Okay, okay," putol ko sa tensyon. "Basta ang mahalaga, nandito na ako."

"Yeah," sagot ni Ines, pero hindi nawala ang matalim pero banayad niyang titig kay Aza. "And hopefully, you won’t disappear again without saying anything." Muli akong napayuko ng bahagya, may kasamang hiya. Ang hirap talaga kapag dalawang matapang na babae ang kaharap mo.

Napalunok ako, ramdam ang bigat ng sinabi ni Ines. Totoo naman, wala akong paalam no’ng nawala. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat— pero diba, nasa mission ako that time? Ano namang malay ko sa mga mangyayari pa lang.

"Sorry," mahina kong sagot, iniwas ang tingin ko.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin—si Ines na nag-aalalang may halong inis, at si Aza na tila kampante pero handang sumagot kung sakaling may mangyari. Si Wen naman ay tahimik lang sa tabi ni Ines, pero halatang may hinihintay itong eksena at si Wreen na seryosong nakikinig lang.

"Would you mind watching the kids for a while? Ines and I need to go somewhere." Sabi ni Azalea.

Napatingin ako kay Ines, naghihintay ng kumpirmasyon. Tumango naman siya ng walang pag-aalinlangan. Pero sa isip ko lang, talaga bang iiwanan nila sa akin ang dalawang bata? Paano kung may emergency sa trabaho at kailangan kong umalis? Hindi ko naman pwedeng iwan ang mga ito sa istasyon at baka maghasik ng lagim si Wen at isama pa si Wreen sa kalokohan niya.

Humugot ako ng malalim na hininga, pilit tinatanggap ang bigat ng responsibilidad.

"Sige, ako na ang bahala sa kanila," sagot ko, kahit sa loob-loob ko ay hindi ko alam kung sino ang mag-aalaga kanino—ako ba sa kanila o sila sa akin?

Biglang napangisi si Wen. "Yay! It's just us now, Satan!"

"Tsk. Don’t call her that," sagot ni Wreen, pero halatang sanay na siya. Napahawak na lang ako sa sentido ko, sana lang maging maayos ang araw na ito.

Hinawakan ko ang kamay ng dalawang bata at gumilid kami, pinanood ang papalayong sasakyan nina Ines at Azalea hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin namin. Bago pa ako makapag-isip kung ano ang gagawin sa dalawang ito, nanlaki ang mata ko nang biglang hampasin ni Wreen ang ulo ng kanyang kapatid.

"Ouch! Why did you do that?!" bulyaw ni Wen, sabay hawak sa ulo niya.

"I saw a mosquito on your head.” Sagot ni Wreen na parang wala lang.

Napakunot-noo si Wen. "There wasn’t any mosquito! You just hurt me!" Reklamo niya, pero hindi siya pinansin ni Wreen.

Sa halip, iniangat ni Wreen ang tingin sa akin at ngumiti."Mama, let's go inside. It's hot out here." Sabi niya, bago walang kahirap-hirap na inalis ang pagkakahawak ni Wen sa akin at marahas akong kinaladkad papasok ng istasyon.

"W-Wait, Wreen, dahan-dahan lang." Protesta ko, pero wala na akong nagawa kundi sumunod.

Samantala, si Wen ay sumunod sa amin habang panay ang reklamo. "I'm the youngest here, but I'm the one being bullied!"

Napailing na lang ako. Paano ko nga ba poprotektahan ang sarili ko mula sa dalawang batang ito?

Pagkatapos kong mag-report sa insidente, balik-trabaho na ulit ako. Pero kahit anong pilit kong pag-concentrate ay hindi ko magawa. Sa gilid ng aking paningin, kitang-kita ko ang dalawang batang walang ginawa kundi magsagutan simula pa kanina.

"Blah blah blah—"

"Liar! That's not true!"

"You're the liar."

Pinisil ko ang sentido ko, pinipigilan ang pagod at inis.

"Shhh! I'm working, kaya hinaan ninyo ang mga boses," saway ko sa dalawa, pero parang wala lang sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto.

"Serg!" Tumatakbong tawag sa akin ni Emma, halatang nagmamadali.

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"M-May hostage-taking sa mall!" Balita niya, hinihingal pa.

Agad akong natigilan. "May team na bang pinadala? Kumuha na ba ng negotiator? Saang mall?" Sunod-sunod kong tanong habang mabilis na inaayos ang gamit ko.

"Doon sa bagong bukas na mall," sagot niya, patuloy pa ring natataranta. "May pinadala ng team pero wala pang negotiator. Kailangan ka doon, nahihirapan sila lalo na at hawak sa leeg ng suspek ang biktima."

Napabuntong-hininga ako, mabilis na nag-isip ng plano. Ang dami ko pang kailangang tapusin na trabaho, pero hindi ko naman maaaring ipagsawalang-bahala ito. Nilingon ko ang dalawang batang kanina lang ay nag-aasaran. Ngayon, pareho na silang tahimik at nakatingin sa akin.

"Ma, that's dangerous," sabi ni Wreen, may bahagyang pag-aalala sa kanyang boses.

"Satan, don't die okay?!" Dugtong ni Wen, nakataas ang isang kilay.

Napangiti ako kahit paano. "Hindi pa ngayon," sagot ko bago mabilis na naglakad palabas. Trabaho muna. Mamaya na ang sakit ng ulo sa dalawang 'to.

Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto, biglang may humawak sa laylayan ng damit ko kaya napatigil ako.

"You can't just leave us here, Ma," sabi ni Wreen, nakatingin sa akin na parang seryoso.

"Hey, bring us, Satan!" Utos naman ni Wen, nakasunod ang pouting expression sa mukha. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa dalawang batang makulit. Talaga bang hindi nila ako tatantanan?

Tipid akong ngumiti at hinaplos ang ulo ni Wreen, habang pisil-pisil ng isang kamay ko ang pisngi ni Wen. "Hindi maaari, at delikado. Dito lang kayo at walang magbabantay sa inyo sa mall. Babalik din ako kaagad." Sabi ko sa dalawang bata, sinisiguradong naiintindihan nila ang sitwasyon pero hindi sila sumang-ayon agad.

"No, Mama, I promise we’ll behave, we’ll wait from a distance. Please take us with you." Pangungumbinsi ni Wreen, habang may matamis na ngiti sa labi.

"She's right, Satan, you can leave us in the patrol car if you want. We’ll be safe there." Segunda ni Wen, seryoso pero may halong kalikutan sa mga mata.

Nagkatitigan kami ni Emma. Kitang-kita ko ang pagsubok niyang pigilan ang pagtawa, pero ramdam ko rin ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Wala akong nagawa kundi ang sumuko sa dalawa. Hindi ko kayang makita silang magmaktol o magpumilit, kaya't ibinigay ko na ang pabor.

"Hays, okay... Sa sasakyan lang kayo, malinaw?" Sabi ko, hindi na kayang labanan pa ang kanilang pangungumbinsi.

Mabilis silang tumango at nagsimulang magdiwang. "Yes!" Sabay sabing nakangiti.

"We'll wait!" Sigaw ni Wreen, habang si Wen ay tumingin sa akin ng may halong pagka-proud sa kanyang sarili.

"Promise, no funny business, Satan." Sabi ni Wen, habang nagsimula silang maglakad papuntang patrol car.

Mabilis na tumango si Emma, at iniiwasan akong tingnan habang tumutok sa mga bata. "Wala kang laban serg, tara na." Sabi niya sa akin kahit halata ang kabuntot na alalahanin.

Nang makapasok na ako sa sasakyan, ang dalawa ay abala na sa pag-aayos sa likod ng patrol car. Masaya na naman sila, at ako… natatakot na lang sa mga mangyayari.

"Nakuha nyo na ba ang impormasyon ng suspek at biktima?" Tanong ko kay Emma, habang tumututok sa kalsadang tinatahak namin.

"Hindi pa, Serg. Pero bata 'yung biktima, kaya mas lalong delikado," sagot niya, halata ang pagkabahala sa boses niya.

Humigpit ang paghawak ko sa manibela, ang mga daliri ko kumikibot sa tensyon.

Bakit sa dami ng tao sa mundo, bata pa ang hinostage niya? Kung may magagawa lang ako, bakit hindi na lang niya patayin 'yung mga taong walang ginawa kundi gumawa ng kasamaan? Tsk, pero sino ako para mag-judge? Wala akong karapatan. Sa ngayon, ang kailangan ko lang ay magmadali bago pa mahuli ang lahat.

Ang mga tanong na umiikot sa utak ko ay hindi makakatulong sa sitwasyon kaya pinili ko na lang na tumutok sa daan. Kailangan ko munang magtrabaho at gawin ang tama.

"Emma, kailangan natin ng mabilis na aksyon at hindi pwedeng magtagal ito." Sabi ko.

Tumango siya, sabay salubong ng tingin sa akin. "Opo, Serg. Ipinapasa na namin ang impormasyon sa iba pang units. Huwag po kayong mag-alala, makakarating tayo agad."

Pinaandar ko na ang sasakyan at sa bawat kanto na tinatahak ko, ang pag-aalala ko ay tumitindi. Bawat segundo ay may halaga, at hindi ko alam kung anong magiging kalagayan ng bata kapag hindi kami agad nakarating. Kailangan ko lang mag-focus. Magmadali.

"Dito lang kayo, maliwanag? Huwag na huwag kayong lalabas ng sasakyan." Mahigpit kong paalala sa dalawang bata pagkaparada ko ng sasakyan.

Tumango silang dalawa, parehong nakangiti na parang wala lang. Sa tingin ko, wala namang magiging problema.

"Tara, Emma," tawag ko sa kasama bago kinuha ang gamit at iniwan ang dalawa.

Habang naglalakad kami papasok ng mall, hindi napigilan ni Emma ang sarili niyang magtanong. "Serg, ayos lang ba talaga iwanan sila sa loob?"

Napalingon ako ulit sa sasakyan, saglit na nag-alinlangan. Kung tutuusin, mas kabado pa akong iwan sila doon kaysa sa hostage-taking na nangyayari sa loob ng mall. Pero alam kong wala akong magagawa—hindi ko sila maaaring isama.

"Safe sila do'n," sagot ko, kahit pa parang sarili ko lang mismo kinukumbinsi ko. "Sinong baliw ang papasok sa patrol car?"

Sabay kaming napailing ni Emma. Napatingin ako sa dalawang bata sa loob ng sasakyan—si Wreen ay mukhang relaxed lang, habang si Wen ay may iniisip na kung anong kalokohan.

Matatalino naman ang mga anak ko… ‘di ba?

Buntong-hininga akong nagpatuloy sa paglalakad. Sana nga.

-

Sa loob ng sasakyan, nakatanaw ang dalawang bata sa kanilang ina na papalayo. Tahimik nilang sinundan ng tingin ang bawat hakbang nito, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanilang paningin.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng patrol car bago ito nabasag ng mahinang hagikhik ni Wen.

"Hey, Wreen, are you thinking what I'm thinking?" Bulong niya, may halong excitement sa boses.

Napalingon si Wreen sa kanya, agad na iniwasan ang tukso sa plano ng kapatid. "Don't you dare," seryoso niyang sagot. "Mama said we should stay here, so don’t even think about leaving."

Pero hindi natinag si Wen. "But you might see some blood inside. Don't you want that?” pangungulit niya, sabik na sabik sa ideya. “This is also our chance to see how Mama works.”

Napataas ang kilay ni Wreen. "Mama? I thought you didn’t like her?"

Napanguso si Wen, halatang hindi inaasahan ang tanong. "She's still my mama!" Sagot niya, nagtatampo pa. "So, what now? Do you want to come or not? Fine, just stay behind then." Dagdag pa niya, sabay abot sa door handle para lumabas.

Pero bago pa siya makabukas ng pinto, mabilis siyang hinatak ni Wreen pabalik.

"Fine, I'll go with you," pagsang-ayon nito, sabay buntong-hininga.

Napangiti si Wen, alam niyang hindi siya matitiis ng kapatid. Sa isang iglap, bumukas ang pinto ng patrol car, at tulad ng dalawang batang walang takot sa mundo, mabilis silang lumabas upang sumunod sa delikadong eksena—hindi alintana ang bilin ng kanilang ina.

Maingat na pumasok ang dalawang bata sa loob ng mall, sinisiguradong hindi sila mamataan ng kanilang ina o ng sinumang pulis. Dahan-dahan silang gumalaw, sumisiksik sa mga sulok at dingding upang maiwasan ang mapansin. Habang naglalakad, mabilis nilang hinanap ang lugar kung saan nagkakagulo. Hindi nagtagal, natuklasan nilang nasa third floor ito—sa labas mismo ng sinehan.

Nagkatinginan sina Wreen at Wen bago sabay na tumango. Agad silang nagtungo sa escalator, mabilis ngunit maingat sa pag-akyat. Pagdating nila sa third floor, bumungad sa kanila ang eksena—maraming tao ang nagkukumpulan, karamihan ay nanonood mula sa malayo habang ang iba ay nagtatangkang makalayo sa gulo. May mga pulis na ring nakaposisyon, nakabantay at nakahanda sakaling lumala ang sitwasyon.

Dahan-dahan silang sumilip mula sa likod ng isang poste.

"Wow," bulong ni Wen, puno ng excitement ang boses. "There's so many police! Cool!"

"Shh, keep quiet," saway ni Wreen, hinila ang kapatid upang mas maitago sila. "Let's find mama." Mula sa kanilang pwesto, sinimulan nilang magmasid, inaalam kung nasaan ang kanilang ina.

Maingat na umikot sina Wreen at Wen, pumasok sa isang store. Habang nagtatago, narinig nila ang malalakas na sigawan ng mga tao sa labas… palakas nang palakas, senyales na lumalala na ang sitwasyon.

Mula sa kinalalagyan nila, kitang-kita nila ang suspek—isang lalaking nasa kalagitnaan ng tensyon, mahigpit na hawak ang isang batang mukhang nasa limang taong gulang. Halata sa bata ang takot, mahigpit itong nakakapit sa bisig ng lalaki. Biglang kumilos ang suspek at ikinagulat nila, mabilis itong pumasok sa parehong store kung saan naroon silang dalawa.

Nanlaki ang mata ni Wen. "Hey—!"

Sisigaw sana siya, pero mabilis siyang tinakpan ni Wreen, hinawakan ang kanyang bibig at marahang hinila papalayo. Mabilis silang sumiksik sa isang pwesto sa likod ng isang estante, iniiwasang makita agad ng suspek.

"Shh," bulong ni Wreen, mahigpit ang hawak kay Wen upang hindi ito makapagsalita.

Nakatago silang dalawa, pinapanood ang bawat galaw ng lalaking may hawak sa bata. Ramdam nila ang tensyon sa hangin, at sa loob-loob ni Wreen, alam niyang hindi sila dapat narito. Pero huli na—napasok na nila ang sitwasyong hindi nila dapat kasangkutan.

"Look, there's Mama!" Bulong ni Wen kay Wreen, sabay turo sa labas ng store. Kita nilang sinusubukan ni Red na makipag-usap at kumbinsihin ang suspek, habang naglalakad palapit sa kanya.

Nagwave siya ng kamay, umaasang makikita siya ni Red. "Satan!" Tawag niya pero tanging sila lang ni Wreen ang nakakarinig.

Ilang beses nila sinubukan hanggang sa nakuha nila ang atensyon ni Red. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tiningnan ang dalawang bata, na ngayon ay nakatago sa likod ng mga estante.

"We're dead." Mabilis na bulong ni Wreen, sabay sapo sa kanyang noo.

Si Red ay parang nataranta na, mabilis ang galaw habang tinitingnan ang mga bata. Alam ni Wreen na hindi na nila kayang magtago nang matagal. Kung hindi sila kikilos ngayon, baka magdulot pa sila ng mas malaking gulo.

"Satan, don't worry! We're safe!" Senyas ni Wen mula sa kanilang kinalalagyan. Pero kahit anong gawin nila, hindi nila matitiyak kung maririnig siya ng ina o ng suspek.

"Walang lalapit kung ayaw nyo mamatay ang batang ito!" malakas na sigaw ng suspek, sabay itinutok ang matulis na bagay sa leeg ng bata.

Nagkagulo ang mga tao sa paligid, pero ang nakakapagtaka, ang batang hawak ng suspek ay nananatiling kalmado. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari—tulad ng hindi niya alam ang panganib na dala ng sitwasyon. Si Wreen at Wen, maingat na sumilip mula sa kanilang pwesto ay napako sa nakita. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang batang hawak ng suspek.

"Wreen! T-That's—"

"I told you to lower your voice," bulong ni Wreen, mabilis na pinigilan ang kapatid bago tumingin kay Red.

Nagkatitigan sila at kahit walang mga salitang lumabas mula sa kanilang mga labi, may unti-unting pagkakaintindihan. Hindi nagtagal tumango si Wreen, tila nakakuha ng mensahe mula sa mata ng kanyang ina—Huwag magpadala sa takot, kumilos ng maingat.

"Come here," bulong ni Wreen kay Wen, na agad namang sumunod. Pinili nilang gumapang patungo sa kabilang bahagi ng estante kung saan hindi sila makikita ng suspek.

"Wreen, what are we going to do now? Why is Wryn here? Did you see her face? She's scared!" Kalabit ni Wen kay Wreen, ang boses nito ay nagtataglay ng kaba at panghihina.

Muling tiningnan nila ang batang hawak ng suspek, kalmado lang ang ekspresyon ng batang nagngangalang Wryn pero ang totoo ay puno na ito ng takot at kaba sa kanyang dibdib.

"I know..." sagot ni Wreen, habang tinatapik ang braso ng kapatid upang ipakitang kalmado siya, kahit na siya rin ay puno ng alalahanin. "Shh, don’t make any noise or he might see us."

Habang pinagmamasdan nila ang nangyayari sa labas ng kanilang pinagtataguan, nag-iisip si Wreen. Kailangan niyang maghanap ng paraan upang maka-distract sa suspek, kahit isang maliit na pagkakataon lang para mabigyan ng pagkakataon ang kanilang ina para makakilos. Sa tingin niya, hindi na makikinig ang suspek sa kahit anong pakiusap o pakikipag-negotiate mula sa pulis. Kitang-kita nila ang matinding galit at takot sa mukha ng suspek.

Tinutok ni Wreen ang mata sa paligid, ang utak niya ay mabilis na nag-iisip ng paraan. "Wait," sabi ni Wreen sa sarili, naisip niyang gamitin ang kapaligiran—kailangan nila ng isang bagay, kahit maliit lang na makakapagpabago ng atensyon ng suspek.

"I have an idea," bulong ni Wreen kay Wen, habang naghahanap ng isang bagay sa paligid para gamitin sa kanyang plano.

“What?”

"Let’s use this rope, and we'll crawl around to the back of the suspect. We'll hide under the table. We’ll use the rope to tie both of his feet. Do you understand what I’m saying?" mabilis na paliwanag ni Wreen habang inaayos ang tali na kinuha mula sa likod ng store. "Then, after that, wait for my signal before we pull the rope with all our strength. This way, his feet will be pulled, and he’ll lose his balance—"

"What if because of that, Wryn gets hurt?" Tanong ni Wen, ang boses nito ay malambot at puno ng pag-aalala. Hindi niya matanggap ang ideya na ang hakbang na ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kapatid.

Nagpakawala ng buntong hininga si Wreen. "Wen, people like him will prioritize their own safety over others. He’ll try to ensure his own safety before Wryn’s." paliwanag ni Wreen, ang tono niya ay matatag at puno ng katiyakan. "That’s the moment Mama should grab. When the suspect gets distracted, that’s when Mama will move." Hinawakan ni Wreen ang braso ng kapatid, tinitigan ito ng mabuti. "Do you understand?"

Tumango si Wen, ang mga mata nito ay naglalaman ng kaba ngunit may pagkaintindi sa plano. "I get it."

Walang alinlangan sa mga mata ni Wreen, pero hindi niya kayang itago ang kaba na nararamdaman sa kanyang puso. Alam niyang malaki ang panganib, ngunit wala siyang ibang choice kundi magpatuloy at magtulungan. Huwag lang sana silang magkamali.

Habang nag-aayos sila, patuloy silang nagmamasid sa suspek na wala pa ring kamalay-malay sa nangyayaring plano sa likod niya. Sa bawat galaw ng suspek, ang dalawang bata ay handa na ring gawin ang kanilang plano ng walang atrasan. Ang mga pulis sa labas ay walang magawa kundi ang manatili, magmasid, at manahinik… dahil baka kung may gawin silang konting pagkakamali ay mapahamak ang mga bata.

Nagsimula nang gumapang si Wreen at Wen, maingat na umikot sa likod ng suspek— sa ilalim ng lamesa. Tinutok nila ang kanilang mga mata sa paa ng lalaki at ang tali na hawak ni Wreen, tiniyak na hindi ito makikita. Ang plano nila ay kailangan nilang kumilos sa tamang oras. Nasa ilalim ng lamesa na sila ngayon, tahimik at nagmamasid. Ang hangin ay tila tumigil, ang tanging naririnig lamang ay ang malalakas na sigaw mula sa mga tao at ang mga galaw ng suspek. Si Wreen ay patuloy na tumitingin sa paligid, alerto sa bawat paggalaw ng suspek.

Si Wen naman, kahit na puno ng takot, ay nagpipigil at tahimik na hinihintay ang signal mula sa kapatid. Sa kabila ng lahat ng takot, nakita ni Wen ang kahalagahan ng ginagawa nila. Kung hindi nila ito magagawa ng tama ay baka lalo pang lumala ang sitwasyon.

Nang makita nilang tumingin ang suspek sa kanilang direksyon, nanatili silang tahimik, halos hindi gumagalaw. Sa mga susunod na segundo, naramdaman ni Wreen ang pag-ikot ng suspek na parang may narinig o nakaramdam ng kakaiba. Mabilis na tiningnan ni Wreen ang kapatid.

"Pull!" Pabulong na utos ni Wreen.

Agad nilang hinila ang tali na nakatali sa mga paa ng suspek. Sa unang paghila pa lang ay nanghina ang mga paa ng suspek, na nagdulot ng pagkawala ng balanse at mabilis siyang natumba sa sahig. Nabitawan nito ang batang hawak, sabay gumapang ang dalawang bata para iligtas ang biktima. Mabilis silang nagtago sa isang sulok habang naririnig nila ang sigaw ng mga tao at ang mga pulis na nagsimulang magsagawa ng aksyon.

Kinorner agad ng mga pulis ang suspek, ngunit hindi nakaligtas ang lalaki sa mga suntok ni Red. Tuloy-tuloy ang atake ni Red, hindi siya tumigil ilang beses siya pinigilan ng mga kasamahan niya. Sa gitna ng kanyang galit ay nawalan siya ng focus sa mga anak.

"Wryn! What are you doing here?!" Bulyaw ni Wen, na halos sumabog ang galit. "How did you become a hostage of that guy— why did you slap me?!"

"Why are you shouting at me?!" Galit na sigaw ni Wryn sa kanya, ang mga mata niya ay puno ng inis sa kausap.

"I'm not! I'm asking why you're here!" Sagot ni Wen, medyo nataranta na sa galit at pagkabigla sa sitwasyon.

"Don't shout at me!" Sigaw muli ni Wryn.

"Can you both be quiet?" Saway ni Wreen. "Why are you two shouting at each other? Hey, why are you here and who are you with? I didn't see your mother." Pinigilan ni Wreen ang dalawa, sabay tanong sa batang babae.

“How can I be with Mommy if she’s the one who told him to make me a hostage?” mabilis na sagot ni Wryn. “She’s not here, and I’m alone with the suspect.”

“Crazy!” Bulaslas ni Wen pero bakas sa ekspresyon niya ang paghanga.

“I know right.” Sagot ni Wryn.

Nagkatitigan sina Wen at Wreen, at napatango lang sila bago sabay na hinaplos ang kanilang noo, hindi makapaniwala sa narinig nila. Ang lahat ng mga palusot at aksyon na ginawa nila ay palabas lang pala.

"An act? For what?" Tanong ni Wreen, ang boses niya ay puno ng kalituhan.

“To lure Mama.” Sagot ni Wryn, sabay turo kay Red, na patuloy pa rin ang pagsuntok sa suspek. Hindi pa rin tinatantanan ang lalaki, pati ang mga pulis ay nahirapan na siyang pigilan.

"See that?" Sabi ni Wen, na nagtataka pa rin sa lahat ng nangyayari. "She's Satan, she's a police officer, yet she's the one beating people up."

“Satan! Your third child is— she always slaps me, Wreen.” Sumbong ni Wen sa kapatid.

"Keep your mouth shut. I didn’t come here to immediately announce that I’m her child, so unless you want me to yank that hair of yours, it’s better if you stay quiet, okay?" Pagbabanta ni Wryn sa kanyang kapatid.

“Wen! Wreen!” Tawag ni Red sa mga anak at ngayon nagmamadaling makalapit sa kanila.

“Shh, zip your mouth.” Babala ni Wryn.

"Ayos lang ba kayo? Ano bang ginawa ninyo! Sinabi kong huwag kayo aalis ng sasakyan, diba? Bakit sumunod kayo!" galit na salita ni Red, ang mga mata niya ay puno ng takot at inis. "M-Muntik pa kayo mapahamak! Hindi ako sa mga kriminal mamamatay... Ah God."

Naramdaman niyang ilang segundo lang ay unti-unting lumambot ang kanyang ekspresyon. Ang galit na tumaga sa kanyang puso ay napalitan ng pangangalaga at pagkabahala.

"Ayos lang ba kayo, ha?" Tanong ni Red, tumingin sa mga bata ng may malalim na pag-aalala. "Paano kung pagalitan ako ng mga ina ninyo? Ang titigas ng mga ulo, ikaw na naman nakaisip nito no?" Hindi maitatago sa tono ni Red ang inis, ngunit higit ang alalahanin sa bawat salita niya.

Si Wreen, kahit na nag-aalangan ay agad na sumagot. "Yes, Ma, Wen told me to follow you." Si Wen naman na nakatayo sa tabi ay tahimik lang at hindi na nagsalita pa.

Hinaplos ni Red ang buhok ni Wreen, tumingin muna kay Wen bago muling nilingon ang buong eksena. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalaki ang gulo, at naisip niyang sana ay mas inisip nila ang mga posibleng panganib bago magtangkang gumawa ng aksyon.

"Thank God at okay lang kayo. Sobrang takot ko kanina," mahina ngunit may halong paninita ang boses ni Red habang tumititig sa dalawang bata. "Ang titigas ng mga ulo ninyo."

Tipid siyang ngumiti, kahit halata pa rin ang pagod at kaba sa kanyang mukha. Hindi niya na napigilan at niyakap ang mga anak nang mahigpit, pilit pinapakalma ang sarili matapos ang muntikang kapahamakan. Si Wreen at Wen naman ay tahimik na yumakap pabalik. Alam nilang mali ang ginawa nila, pero sa kabila ng sermon, ramdam nila ang tunay na pag-aalala ng kanilang ina.

Habang nasa gitna ng yakapan, isang pares ng mata ang nakatingin sa kanila—si Wryn. Tahimik lang siyang nakamasid, hindi sigurado kung paano siya dapat kumilos. May kung anong kumurot sa kanyang dibdib habang pinapanood ang eksena. Hindi niya maipaliwanag, pero may kakaibang pakiramdam siyang bumabalot sa kanya, isang bagay na hindi niya maintindihan.

Si Red naman ay hindi man lang napansin ang batang babae na tahimik na nanonood sa kanila. Hindi niya alam na ang isa pang batang naroon… ang batang iniligtas niya na muntik nang mapahamak ay anak niya rin. Isang katotohanang hindi niya pa natutuklasan, ngunit hindi na magtatagal bago ito mabunyag.

Biglang umiyak si Wryn, isang marahas at pigil na hikbi na agad nilang narinig. Napalingon sina Red, Wreen, at Wen sa kanya, parehong gulat at nagtataka sa biglang pagbagsak ng kanyang luha. Hindi na nagdalawang-isip si Red. Dahan-dahan siyang lumapit sa bata, mabibigat ang kanyang hakbang, habang ang puso niya ay bumibigat din sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang sabihin. Pero bago pa siya makapagsalita, bigla na lang siyang niyakap ni Wryn.

Mahigpit. Matindi. Parang isang yakap na may hinihiling na sagot.

Napatigil si Red. Walang salitang binitiwan. Hindi niya rin alam kung anong dapat niyang sabihin. Pero sa pagkakataong ito, alam niyang hindi salita ang kailangan ni Wryn—kundi isang yakap na kayang iparamdam na ligtas na siya. Hinaplos ni Red ang ulo ng bata at niyakap ito ng mahigpit, marahang hinihimas ang likod nito upang pakalmahin.

Si Wreen at Wen naman ay tahimik na lang na nakatingin sa eksena, pareho nilang nararamdaman na may isang bagay na hindi nila lubos na nauunawaan.

Ngunit para kay Red, isang bagay lang ang sigurado siya… ano man ang pinagdadaanan ng batang ito, hinding-hindi niya hahayaang maramdaman nito na mag-isa siya.

-

Pagkatapos malutas ang krimen sa mall, bumalik kami sa istasyon. Kasama ko ang mga anak ko at ang batang biktima. Sobrang takot ko kanina nang makita ko ang batang nasa kamay ng suspek, pero mas lalo pang dumoble ang kaba at takot ko nang makita ang ginawa ng mga anak ko. Hindi ko akalaing susundan nila ako sa ganoong panganib—hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tapang nila o masasarapan ako sa pagsesermon mamaya.

Pagdating sa istasyon, agad kong ibinigay ang batang biktima sa mga kasamahan ko. Gusto ko sanang samahan siya at tiyaking nasa maayos siyang kalagayan, gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya pagkatapos ng lahat ng nangyari, pero alam kong may ibang mas nangangailangan ng atensyon ko ngayon—ang mga anak ko.

Huminga ako nang malalim bago humarap sa kanila. Pareho silang nakayuko, halatang alam nilang nasa malaking gulo sila. Si Wen ay tahimik lang, pero ramdam ko ang pag-aalalang pilit niyang itinatago, samantalang si Wreen naman ay halatang sinusubukang gawing kalmado ang sitwasyon.

"Okay," simula ko, pilit pinapakalma ang sarili. "May gusto ba kayong sabihin bago ako mag-umpisa?" Nagkatinginan ang dalawa. Wala ni isa ang nagsalita.

Napabuntong-hininga ako. "Sige. Umupo kayo at mag-uusap tayo." Ramdam kong hindi lang ito magiging basta sermon.

“Sige, anong dapat kong gawin sa inyo? Iniwan kayo ng mga ina ninyo sa akin para bantayan— ah, ‘yung ulo ko masakit… tumataas dugo ko sa inyo.” Gusto ko sana silang sermonan, pagalitan ng todo-todo pero mukhang una pa akong hihimlay sa kanila.

“Wreen, I think hihimlay na si Satan.” Inosenteng salita ng Wen sa kanyang kapatid.

“Hihimlay?” Nalilitong tanong ng isa.

“Yes, hihimlay… rest? Forever?” Sagot nito.

Napahugot ako ng malalim na hininga, sana pala hindi ko nalang sila pinaiwan dito sa akin kung ganito sila ka problematic na mga bata.

“Ahh… ahh…” ngiwi ko nang maramdaman ang pitik sa aking ulo. “Puputok ugat ko sayo, demonyong bata.” Bulong ko.

Biglang pumasok si Mal, tinawag ko ito at pinalapit. “Alisin mo nga sila sa harapan ko, ilayo mo— dalhin mo sa palaruan o kung saan… basta ‘yung malayo at baka mamatay ako ng maaga dahil sa kanila.” Sabi ko kay Mal.

“Gusto nyo maglaro ng playstation? Tara, sama kayo sa akin.” Aya ni Mal, akala ko kokontra ang dalawa pero hindi tahimik silang sumama hanggang sa tuluyang nawala sa paningin ko.

Akala ko makakapag-pahinga na ako pero may natanggap akong tawag mula kay Ines.

“Hello?” Sagot ko.

“Lovey, hey… how's Wen?” Tanong niya.

Napapikit ako ng mga mata, hindi alam kung ipapaalam sa kanya ngayon ang nangyari sa anak o kung mamaya nalang pag nagkita kami. Mamaya nalang siguro?

“Naglalaro ng playstation.” Sagot ko.

"Well, can you pick me up at the mall? I didn't bring my car, and Aza and I split up because she had to meet someone." Sabi niya, pero napaisip ako bigla. Sino ang kikitain ni Azalea sa lugar na ito? Ni-wala nga siyang kilala o baka may binabalak ulit siya?

“Sino?” Tanong ko.

“I don't know.”

Tumango ako at huminga ng malalim. “Okay, pupunta na ako d’yan. Anong mall ba?” Tanong ko.

“Here in Cagayan, at Ayala Centrio.” Sagot niya.

Napatingin ako sa orasan, malapit na gumabi at dalawang oras ang byahe ko… pero hindi naman ako sasakay ng bus kaya aabot ako doon bago pa ang dalawang oras.

“Isasama ko ba si Wen?” Tanong ko.

"There's no need since she's with her sister anyway. You're just picking me up." Sagot niya agad.

“Okay, sige at aalis na ako.” Sabi ko bago patayin ang tawag.

Kinuha ko ang mga gamit na kakailanganin ko, kasama ang susi ng kanyang sasakyan. Mas gusto kong gamitin ang sa kanya, mas mabilis ang takbo nito kumpara sa secondhand kong sasakyan. Sa ganitong klase ng sitwasyon, bawat segundo ay mahalaga, at hindi ako maaaring mag-aksaya ng oras.

Maingat akong lumabas ng istasyon, sinisiguradong walang makakapansin sa akin lalo na ang mga anak ko, ayaw ko isama sila at baka lumala sakit ng ulo ko. Kilala ko ang mga batang 'yun, hindi sila magdadalawang-isip na sumunod kung malalaman nilang aalis ako.

Luminga-linga ako bago mabilis na naglakad patungo sa parking area. Tahimik. Walang kahina-hinalang kilos. Pagdating sa sasakyan, mabilis kong binuksan ang pinto at sumakay. Huminga ako nang malalim, pinakikiramdaman ang paligid, at nang masiguradong safe na ay pinaandar ko ang makina at agad na umalis.

Makalipas ang mahabang oras ng biyahe, sa wakas ay nakarating din ako sa Centrio. Sobrang traffic at nakakainis, parang sinadya ng mundo na pahirapan ako sa araw na ito. Agad kong hinanap ang store na sinabi ni Ines. Pero sa lawak at laki ng Centrio, hindi ito ganoon kadaling matagpuan. Ilang beses akong nagpaikot-ikot, nadadaan sa parehong lugar, bago ko nahanap sa wakas kung nasaan siya.

Paglapit ko, agad akong napakunot-noo nang mapansin ang paninda sa loob.

Collectible na mga laruan?

Anime? Cartoon figures?

Saglit akong natigilan, pilit inuunawa kung anong ginagawa ni Ines dito. Bibilhan niya si Wen? Pero… kilala ko ang anak kong ‘yun. Baka wala pang isang oras, sira na ang kahit anong bilhin niya rito.

Napailing ako bago tuluyang pumasok sa store. Habang naglalakad sa pagitan ng mga istante na puno ng collectible figures, plushies, at action figures, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano karami ang panindang may tema ng anime at cartoons. Talagang hindi ko ma-imagine si Ines na pumupunta sa ganitong klase ng tindahan.

Sinuyod ng paningin ko ang paligid hanggang sa makita ko siya. Nakatayo siya sa isang sulok, nakatitig sa isang item sa shelf, halatang nagdadalawang-isip kung bibilhin ito o hindi. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, at may hawak siyang maliit na kahon na mukhang importante sa kanya.

Lumapit ako nang tahimik, saka tumikhim para makuha ang atensyon niya.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganito," sabi ko, may halong panunukso sa tono ko. "Para kanino ‘yan? Kay Wen?"

Napatingin siya sa akin, halatang nagulat sa bigla kong pagsulpot. Pero sa halip na sumagot agad, mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kahon.

“He's cute.” Sambit niya kaya agad ko sinundan kong kanino siya nakatingin. Kumunot ang aking noo nang makita kung ano ito.

“Huh? Ayaw ko sa kanya at feeling ko weird siya.” Sabi ko, tinitigan ko ang figure at hindi ko alam kung saang parte ang cute na sinabi niya.

“Tara,” sabi ko.

“How dare you, Shin Chan is my favorite.” Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang banta sa kanyang boses.

Napalunok ako, nagsalubong ang aming mga mata at ngayon masama na ang tingin niya. Shin Chan ba pangalan niyan? Tingnan mo pati pangalan pambabae, bakla ba yan? Tumikhim ako, pilit lumunok, at tiningnan ang sales lady.

“E-Excuse me, I'll take every single Shin Chan item here. All of it, okay?” Tawag ko sa sales lady at nginitian si Ines. “I-I was just joking about calling it weird,” dagdag ko.

Pakla akong ngumiti kay Ines matapos akong humingi ng sorry. Hindi ko alam kung tinanggap na ba niya o hindi, pero mukhang wala na siyang balak palakihin pa ang issue.

Samantala, ang saleslady naman ay halos hindi na magkanda-ugaga dahil sa dami ng Shin Chan merch sa tindahan. Nang sinabi kong lahat bibilhin ko, halos magpanic ito, mukhang iniisip kung paano niya kakayaning i-pack ang lahat ng ‘yun.

"I want a Shin Chan army." Biglang sabi ni Ines, kaya agad akong naghanap ng Shin Chan figure na may suot na military uniform.

Pero wala, kaya bumalik ako sa kanya sabay kamot sa batok ko.

"Where's my Shin Chan?" Tanong niya, sabay taas ng isang kilay at pagkrus ng mga braso.

Gusto kong matawa. Ang tapang ng ekspresyon niya, parang hindi matitinag ng kahit sino—pero heto siya, Shin Chan lang pala ang katapat.

Napangiti ako. Ayos lang, mahal ko naman kahit ganyan siya.

"Wala akong mahanap na Shin Chan Army, pero may maganda akong nakita. Here, it's a phone case, at bagay 'to sa phone mo," sabi ko, sabay abot ng isang cute na phone case na may design na alam kong magugustuhan niya.

"Oh, wait," dagdag ko pa, sabay kinuha ang itinago kong bouquet na kanina ko pa sana balak ibigay.

"For you," nakangiti kong sabi, habang iniabot ko ang mga bulaklak.

Nagtaas ang kanyang mga kilay at hindi nakapagsalita agad. Halatang naguguluhan, at hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon niyang hindi pa rin makapaniwala.

"Akin na phone mo, palitan natin casing." Sabi ko, kinuha ko na ang phone niya mula sa kamay niya.

Tahimik siyang nakatingin sa akin, ang mga mata niya may halong kalituhan at siguro kahit konting kasiyahan. Wala pa rin siyang masyadong reaksyon, pero alam ko na sa loob-loob niya, nagugustuhan niya ang mga ginagawa ko. Si Ines, kahit tahimik, ay may sariling paraan ng pagpapakita ng saya at sa mga simpleng bagay na tulad nito, nahanap ko na marahil ang pinakaimportanteng reaksyon sa lahat, ang kislap sa mga mata niya.

Hanggang sa makauwi kami, tila naging lutang si Ines, hindi ko alam kung anong iniisip. Baka dahil na rin siguro sa dami ng Shin Chan na hinakot ko ay hindi kasya sa sasakyan, kaya pinadeliver ko na lang.  Pagbalik namin sa istasyon, sinalubong kami ni Wen, ang batang demonyo na maraming mga tanong.

"Nasaan si Wreen?" Tanong ko, habang pinagmamasdan siya.

"Someone picked her up earlier." Sagot ni Wen.

Tiningnan ko ang phone ko, baka may chat si Aza. Wala. Huh, siguro abala siya sa mga bagay na kailangan niyang asikasuhin. Balak ko sanang puntahan sila, pero hindi ko rin alam kung saan sila ngayon. Kaya nagpasya na lang akong tawagan sila mamaya bago umuwi.

Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Ines, kaya nagpasyang maghintay ng tamang oras para makausap si Aza at makapaghanda na rin para sa mga kailangan gawin sa susunod na araw.

Patapos na ako sa natitirang trabaho, may notification ang phone ko at nakitang may message si Ines.

Ines


Napangiti ako nang makita siya, ang ganda ni Ines kahit sa anong anggulo mo tingnan. Tumaas ang mga kilay ko nang mapansin ang binigay kong bouquet at casing.

“Haha,” mahina kong tawa at nag search tungkol kay Shin Chan.

Red
Sinasabi ko talagang tama ako, weird ang Shin Chan na yan.

Mabilis niya itong na seen at ngayon typing.

Ines
What? He's not weird.

Red
Ganito pala mga type mo, sabagay at ganitong-ganito ugali ni Rhea.

Ines
You… pervert :) he's not weird, your imagination is the weird one.

Red
I swear, he's weird. I just searched Shin Chan on Google and all these lewd pics of him showed up.

Ines
😾

“Hahaha.” Mahina akong natawa at rereplyan na sana nang biglang bumukas ang pinto.

Nakita ko ang batang biktima kanina, nakatayo sa labas at nakapamewang. Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at lumapit sa bata.

“Hi, bakit nandito ka? Anong oras na, nasaan ang magulang mo?” Tanong ko sa kanya.

Bigla niya akong itinuro kaya tumaas ang aking mga kilay. Tumingin ako sa paligid, pero wala akong nakitang iba— siya lang.

“Ako? Anong meron sa akin?” Tanong ko sa bata at ngumiti.

“Mama,” sambit niya. Hindi ko inaasahan at bigla akong nasamid sa sariling laway, naubo ng maraming beses at hindi makapaniwala sa sinabi ng bata.

“Kid, nagkakamali ka—”

“You're my Mama, Rhea Wren Ambrosio.” Putol niya sa akin at binanggit ang pangalan ko, mas lalong lumala ang pag-ubo ko dahil sa narinig. Bumilis ang tibok ng aking puso, hindi alam ang magiging reaksyon sa harap ng batang nagpapakilala bilang anak ko.

“Masama ang magsinungaling, tara at sasamahan kita sa magulang mo.” Sabi ko at hinawakan siya sa kamay.

"I'm telling the truth! You're my Mama, and I am your daughter. Wen and Wreen are my siblings, and my name is Rhea Wryn Jenkins Ambrosio." Laglag panga akong napatitig sa maliit na bata matapos niyang magpakilala na anak ko.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, ngayon ko lang napansin ang features ng mukha niya… walang duda, anak ko nga dahil kamukha ko rin siya.

Napahilamos ako ng mukha, sa ugali at pagtataray pa lang ng bata ay alam kong mahihirapan ako sa kanya.

Diyos ko, hihimatayin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip