Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 48

inkbyseki

We’ve hit 1 MILLION READS! Thank you so much for your love and support for Rhea’s story. I wouldn’t have made it this far without you.

Also, I finally got my first tattoo! No regrets, it turned out super cute!


-

Kanina pa ako pabalik-balik sa daan, hindi alam kung ano ang gagawin sa mga batang ito. Problemado na nga ako sa tambak na trabaho, ngayon ay lalo pang dumoble ang bigat ng sitwasyon.

Bakit? Bakit?! Bakit sa akin nila iniwan ang mga bata? I mean, oo, mga anak ko nga sila, pero hindi ba nila alam na kailangan ko rin ng pahinga? Ang dami nilang pwedeng iwanan ng mga bata—mga yaya, mga bantay, kahit sino sa kanila! Pero sa akin talaga?!

Habang tumatakbo ang isip ko sa lahat ng problemang ito, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Araw-araw na lang tumataas ang presyon ko. Hindi na biro ‘to!

Kaya, wala nang patumpik-tumpik pa, nagdesisyon akong pumunta sa ospital para magpa-checkup. Baka sakaling hindi lang ito stress, baka tuluyan na akong atakihin sa dami ng pasanin ko sa buhay.

Ang resulta… niresetahan ako ng LOSARTAN! For a week.

“Nasaan ang mommy mo, Wen? Bakit nandito ka na naman sa akin?” Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang batang nasa harapan ko. “Diyos ko naman, hindi kita kakayanin.”

Binalingan ko si Wreen na tahimik na nakatayo sa gilid. “Why are you here? Hindi ba dapat kasama mo ang ina mo ngayon?” Tanong ko sa kanya, pilit pinapakalma ang sarili.

Muli kong sinulyapan si Wryn, ang batang kanina pa titig na titig sa akin na para bang inaabangan ang bawat galaw ko. Simula noong gabing sumugod siya sa akin at ipinakilala ang sarili bilang anak ko, hindi ko na siya naiwasan. Wala akong nagawa kundi ang alagaan siya… dahil kahit siya mismo, hindi alam kung nasaan ang kanyang ina.

Napalunok ako at tiningnan si Wryn, ang isa pang batang pilit ding dumidikit sa akin. “Sigurado ka bang wala kang alam tungkol kay Emilie? Paano kung ini-scam niyo lang ako?” Seryoso kong tanong.

“Bumalik si Mommy sa siyudad,” sagot ni Wreen, walang pag-aalinlangan. "She said she'll leave me with you for now." Napapikit ako at hinilot ang noo ko. Ano bang pinasok ko sa buhay na ‘to?

Biglang sumabat si Wen, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inasal niya. "Why does it seem like you don’t want us?! After you released us inside our mommies, it’s like you’re just being forced to be with us! See? You’re really bad! Satan! Satan!" Hindi naman ako ang nag putok sa kanila— si Rhea!

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Ang sakit niya sa tenga! Naiinis na ako, pero wala akong magawa—bata lang siya… BATA!

"Don't you want me?" Tanong ni Wreen, nakasimangot at halatang nadismaya sa reaksyon ko. "I just want to see you and be with you, because since Mommy gave birth to me, you've never been around."

Napatingin ako sa kanila, sa maliliit na matang puno ng pagtatampo. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na hindi ko rin alam kung paano maging isang ina?

Nanatili akong nakatayo, parang na-trap sa sariling sitwasyon. Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga batang ito. Lahat ng emosyon ko naghalo-halo—pagod, galit, takot, at kalituhan. Pero nararamdaman ko rin ang bigat ng responsibilidad na ipinapataw nila sa akin, isang responsibilidad na hindi ko alam kung kaya ko.

“Hindi ko naman kayo inaaway,” sagot ko, pilit binabawi ang tensyon sa pagitan namin. “Hindi ko lang alam kung paano ko kayo aalagaan. Hindi ko alam kung paano maging ina o ama sa inyong tatlo.”

Tahimik lang si Wreen, at para bang naiintindihan niya. Si Wen naman, hindi ko alam kung anong nangyayari sa isip niya. At si Wryn naman ay tumingin sa akin ng may pagsisisi, na parang may mga tanong na hindi ko kayang sagutin.

“I don’t want you to think na hindi ko kayo mahal,” patuloy ko, ang boses ko ay malumanay kahit na ang mga salitang ito ay mahirap aminin. “Pero hindi ko lang talaga alam kung paano mag-alaga ng mga bata. Mag-isa ko lang binuhay ang sarili mula pagkabata at hindi ko alam ang pakiramdam ng may magulang.” Tipid akong ngumiti.

Naglakad ako palapit sa kanila, huminga ng malalim bago ko inabot ang mga kamay nila. “Alam ko, may mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa inyo. Pero sisikapin ko pa rin.”

Tumayo si Wreen at niyakap ako ng mahigpit at sa kanyang simpleng ginawa ay napawi kahit ang konting pagod na nararamdaman ko. Si Wen naman ay nag-alis ng tingin mula sa akin at sinimulan ding maglakad palayo, ngunit hindi nagtagal ay tumigil at binalikan ako. Tiningnan ko si Wryn at sinenyasan siyang lumapit at sabay silang tatlo niyakap.

“We’ll be together, right?” Tanong ni Wreen, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.

Nagpatuloy lang ako sa paghinga, sinubukang linisin ang isip ko mula sa lahat ng kalituhan. “Oo, magsasama tayo. Kahit anong mangyari, hindi ko kayo iiwan.”

Nang marinig nila ‘yun, napansin kong kahit papaano, ang mga mukha nila ay nagbago ngunit hindi ko pa rin alam kung sapat ba ‘yun kasi sa kabila ng lahat ng ginawa ko, ang pinaka-matinding tanong na nasa isipan ko ay kung makakaya ko nga ba silang alagaan, at kung magiging sapat ba ako bilang magulang sa kanila.

Biglang dumating si Emma at tinawag ako.

"Uy Serg, alam mo 'yung babae na kasama mo noong pagbalik dito?" Tanong ni Emma, tila nalilitong nakatingin sa amin.

"Si Aza ba? Bakit?" Sagot ko.

"Ah oo, siya nga. Wala lang, napadaan kasi kami kanina doon sa Sophie Red Resort at nakita ko siya may kasamang lalaki," sabi ni Emma. Para akong nabingi sa narinig at agad na napakagat ng labi. Naikuyom ko ang mga kamay ng hindi namamalayan dahil sa matinding inis.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nasa resort siya? Kasama ang ibang lalaki? Bakit? Para saan? Para magka-oras mag enjoy habang ako ay naiwan dito, nag-aalaga ng tatlong bata at sinisikap matapos lahat ng mga bagay na dapat tapusin? Nais ko sanang magtanong, pero hindi ko kayang ipadama sa mga bata ang nararamdaman ko.

"Mama, are you jealous?" Tanong ni Wreen, may halong kalikutan sa kanyang mga mata. Natawa na lang ako nang kaunti, kahit hindi ko kayang pigilin ang nararamdaman ko.

"Hindi, naiinis ako dahil nagpapakasarap siya habang ako ay stress na stress na." Sagot ko kay Wreen, bago ko kinuha ang susi ng sasakyan at inayos ang sarili ko. Hindi ko kayang magpakita ng kahinaan sa mga bata. Kailangan nilang makita na kaya ko.

"Saan ka pupunta, Serg?" Tanong ni Emma, hindi ko alam kung nakikita niya ang tensyon sa mukha ko.

"Sa Sophie Red..." sagot ko.

"Mama! Bring us!" Sabay taas kamay ng tatlong bubwit. Natawa ako sa reaksyon nila, hindi ko maiwasang mapangiti kahit papaano.

Pinagmasdan ko sila ng ilang segundo, nag-iisip ng plano. Tumango ako at nagdesisyon na isama sila dahil may plano ako.

"Okay, let's go." Sabi ko, sabay kami naglakad patungo sa sasakyan.

Habang binabaybay ko ang main road patungo sa Sophie Red, lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Pakiramdam ko ay unti-unting tumataas ang dugo ko, hindi lang dahil sa bilis ng takbo ko kundi dahil sa mga nangyayari. Ang utak ko ay puno ng inis at pagtataka… ano ba talaga ang ginagawa ni Aza sa resort na ‘yun, at sino ‘yung lalaking kasama niya?

"Oh, Satan! Do you want us to get into an accident? You're driving way too fast!" Sigaw ni Wen, agad na tumingin kay Wryn na nasa tabi niya. "Wryn! Why do you always slap me?! I'm just telling the truth!"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung anong mas nakakainis ang sitwasyon ko ngayon o ang walang katapusang asaran ng mga batang ‘to.

"Why do you always yell at me?! And why do you always think the worst?!" Sigaw pabalik ni Wryn, halatang naiirita na rin.

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho, pilit pinapalampas ang ingay nila sa likod. Pero bago pa tuluyang magkabulyawan na naman, biglang nagtanong si Wreen na parang wala lang nangyayari sa paligid niya.

"Mama, are we still far?"

Halos muntikan akong matawa sa tanong niya. Sa gitna ng kaguluhan, siya lang talaga ang may lakas ng loob magtanong nang ganito. Napailing ako bago sumagot.

"Malapit na, konting tiis na lang."

Mabilis kong sinulyapan ang rearview mirror, kita ko pa rin ang nakasimangot na mukha ni Wen at ang masungit na ekspresyon ni Wryn. Seryoso, parang gusto ko na lang silang ibaba at iwan saglit para makapagpahinga ang utak ko.

Pero wala na akong oras para magreklamo. May mas mahalaga pa akong misyon ngayong gabi—alamin kung anong ginagawa ni Aza sa resort na ‘yun… at kung anong dahilan ng pag-iwan niya sa akin ng anak niya habang siya gumagala sa resort.

Pagkarating namin sa Sophie Red Resort, agad kong ipinarada ang sasakyan sa pinakamalapit na bakanteng espasyo. Mabilis akong lumabas habang ang tatlong bata naman ay nag-uunahang bumaba, mukhang sabik sa kung ano mang eksena ang mangyayari.

"Okay, makinig kayong tatlo." Sinipat ko sila ng seryosong tingin. "Walang mag-iingay, walang gagawa ng eksena, at higit sa lahat, walang tatakbo kung saan-saan. Naiintindihan?"

Sabay-sabay silang tumango, pero duda akong susundin nila ‘yun.

Pumasok kami sa loob ng resort at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na nakapalibot. Sa isang banda, may swimming pool na puno ng mga bisita, habang sa kabilang dulo naman ay may isang open-air restaurant kung saan may ilang pamilyang nagdi-dinner.

Sinuyod ko ng tingin ang paligid, hinahanap ang babaeng dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Hindi ko siya agad nahanap, pero hindi rin ako tumigil sa paggalugad sa resort. Hanggang sa…

"Satan! There she is!" Bulong ni Wen, sabay turo sa direksyon ng isang private cabana.

Dahan-dahan akong lumapit, pilit na pinapakalma ang sarili kong emosyon. Doon, sa isang pribadong sulok ng resort, nakita ko si Aza. Nakatayo siya sa gilid ng pool, nakasuot ng pulang summer dress at may hawak na wine glass. Nakangiti siya habang kausap ang isang lalaki—matangkad, may kayumangging balat, at halatang komportable sa kanya.

Para akong sinampal ng realidad. Iniwan niya sa akin ang anak niya para lang magpakasaya dito?

"Holy shit!" Bulong ko, pilit na nilulunok ang bumabagabag sa dibdib ko.

"Mama, what are we going to do? I remember the man who was with Mommy. He's one of her major investors and has been persistently courting her, but I don't like him because he once hurt me." Tanong ni Wreen, walang kamuwang-muwang sa tensyong namumuo sa akin.

Natulala ako hindi dahil sa nalaman kong manliligaw ni Aza, kundi dahil sa nalaman kong sinaktan siya nito. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling sinulyapan si Aza. Kung iniisip niyang makakalusot siya nang ganito lang, nagkakamali siya.

Ngumiti ako nang mapakla bago nilingon ang tatlong bata. "Oh, gusto niyo ng sorbetes?" Sabay-sabay silang tumango, halatang hindi pa alam ang pinaplano ko.

"Good," sagot ko. "Kasi mukhang may libreng entertainment tayo ngayong gabi."

Bumili kami ng mga snacks para sa mga bata at nagtago sa isang gilid kung saan hindi kami basta-basta makikita ni Azalea. Sinubukan kong kalmahin ang sarili, pero hindi ko kayang hindi mag-alala.

"Ma, what now? Do you want me to slap that guy? Wreen, is it true that he hurt you?" Tanong ni Wryn sa akin bago tinanong ang kapatid.

Hindi ko na kayang magpigil ng aking nerbiyos. Habang nagsasalita si Wryn, pinagmamasdan ko ang mga galaw nila. Kailangan ko ng sagot mula kay Wreen, kaya tumingin ako sa kanya.

"Yes, but Mommy doesn’t know about it." Inosenteng sagot ni Wreen at dinilaan ang sorbetes.

Ang puso ko ay mabilis na tumibok. Dahan-dahan, hinanap ko si Wen pero bigla na lang siyang nawala sa aking paningin. Mabilis na kumilos ang utak ko nang makita ko siyang papalapit kay Azalea— hindi kay Aza kundi sa lalaki na kasama nito.

"I told you, she's not trustworthy, and she's a headache." Sabi ni Wreen, nag-aalala na tumingin sa akin.

Wala akong panahon para mag-isip ng malalim. Mas lalo akong nataranta nang makita si Wryn na tumakbo patungo kay Wen. "Shit! Shit! Ahhh my God! My head!" Mura ko sa sarili sabay kapit sa poste dahil parang nahilo ako bigla.

"Ma, are you okay? Wait here, I'll follow the two of them." Sabi ni Wreen sabay tumakbo upang sundan ang mga kapatid niya.

Ang puso ko ay mabilis na tumibok sa kaba, gusto ko silang habulin pero alam ko na huli na. Si Azalea at ang lalaki ay nakita na ang mga bata. Nagdilim ang paningin ko kaya napapikit ako at huminga ng malalim.

Pisting high blood talaga 'to. Hindi ko nainom ang losartan ko kanina.

Hindi ko na alam kung anong nangyari, pero narinig ko na lang ang malalakas na sigaw. Paglingon ko sa kanila, nakita ko si Wen na nalulunod na sa pool. Kahit ako’y nahihirapan at hilong-hilo, mabilis akong tumakbo at tumalon sa pool. Kitang-kita ko ang ibang mga tao na sumunod din at tumalon para sagipin siya.

"Satan! Satan waaaaa!" Narinig kong sigaw ni Wen habang yakap-yakap siya ni Azalea. Mabilis akong lumapit sa kanila at inagaw ang batang umiiyak mula kay Azalea.

"Anong nangyari?!" Galit kong sigaw habang tinitingnan ang lalaking nakatayo lang, tulala.

"Ma! It's his fault! He pushed Wen, that's why she fell into the pool!" Galit na sigaw ni Wryn habang tinuturo ang lalaki na kausap ni Azalea kanina.

"She drank a lot of water, but she's fine. I got to her right away." Sagot ni Azalea, malamig ko siyang tinitigan. Tumango ako at iniahon ko si Wen at ang sarili ko mula sa pool.

"No, hindi ako at wala akong alam sa binibintang ng bata. Aksidenteng nangyari ‘yun." Sabi ng lalaki, bago balingan si Wreen na nasa tabi nito.

"He pushed her, mama," sumbong ni Wreen, kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko, kaya tiningnan ko silang dalawa ng matalim. Hindi na pwedeng mangyari ito ulit at wala akong plano na palampasin lang.

“Satan, l-look! I-I’m bleeding.” Umiiyak na sumbong ni Wen habang ipinapakita ang kanyang siko na may sugat.

Parang may bigat na bumagsak sa dibdib ko. Lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko—puno ng galit at takot. Ano na lang ang sasabihin ni Ines kapag nalaman niyang may sugat ang anak niya? Magiging ganito na lang ba ako, palaging nagkakamali at nagpapabaya?

“Ma,” narinig kong sabi ni Wreen, inabot sa akin ang baril na nahulog mula sa pagkakasabit sa aking baywang.

Nagpakawala ako ng malalim na hinga at tiningnan ang lalaki na dahilan ng lahat ng ito. Mabilis ko itong kinuha, itinutok ang baril sa kanyang dibdib. Parang ang lahat ng galit ko, takot, at pagkabigo ay sumabog. Hindi ko na kayang magpatawad kung may masamang mangyari sa mga anak ko.

“Wala kang karapatan saktan ang anak ko!” Sigaw ko, ang kamay ko na nanginginig habang hawak ang baril.

"Red! Let go of your gun!" Sigaw ni Aza.

“Ehehe.” Mahinang tawa ni Wreen.

"No!" Sigaw ko, hindi kayang pigilan ang galit na namumuo sa aking katawan.

"If you don’t let go of that, I swear you won’t be able to bathe with me again!" Malakas na sigaw niya. Nahimasmasan ako bigla, mabilis itinago ang baril, at lumapit sa kanya na parang tuta.

Magsasalita pa sana ako nang bigla hilahin ni Azalea ang dalawang bata at naglakad palayo. Mabilis ko itong sinundan, pero bago sila tuluyang makalayo ay tiningnan ko ng masama ang lalaki. Naglakad ako ng mabilis para makahabol sa kanila, kahit pakiramdam ko ay parang may mabigat na bagay na bumabara sa dibdib ko ay kailangan kong kumalma. Ang mga anak ko ang pinakamahalaga at hindi ko hahayaang may sinuman na magdulot sa kanila ng kahit anong sakit.

Pumasok kami sa kuwarto ni Aza, kaagad din siyang umalis para kumuha ng kit. Iniwan ko saglit ang tatlong bata at sumunod sa kanya.

"Aza," tawag ko, huminto siya at binalingan ako.

“We'll talk later, go back to the kids and I'll be back soon.” Sabi niya at muling tumalikod.

Hindi na ako nangahas na sundan siya ulit at bumalik sa aking daan. Pagpasok ko ng kwarto, narinig ko ang tawanan nilang tatlo—pero hindi ko inaasahan ang maririnig ko.

"Kyahahaha! See his face? He was so scared!" Malakas na tawa ni Wen.

"Good job for pushing Wen, Wreen." Sabi ni Wryn. Nanginig ako bigla, halos hindi makahinga sa natuklasan.

"Not bad, I saw some blood from Wen." Sagot ni Wreen.

Parang isang kutsilyo ang tumama sa dibdib ko, at sa bawat salita nila mas tumitindi ang sakit na nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na hininga, mas hinigpitan ang pagkuyom ng mga kamay at halos dumugo na ang aking labi dahil sa sobrang diin ng aking pagkagat. Ang mga luhang kusa na lang pumatak, hindi ko na kayang pigilan. Lahat ng galit, sakit, at kalungkutan ay sabay-sabay na umusbong.

Lumabas ako ng kwarto, pinahid ang mga luhang kusa nalang pumatak. Why is this happening? Do I really deserve to be a mother? I can’t even control one of my children, and they just keep getting worse. All I wanted was a happy life, not problems and pain.

"Red?" Napalingon ako sa babaeng tumawag. Ang malamig niyang ekspresyon ay biglang napalitan ng panlalambot nang makita akong luhaan. Mabilis kong pinahid ang mga luha at pilit ngumiti.

"Hey, what's wrong? Why are you crying?" Malambing at nag-aalalang tanong ni Aza.

Umiling ako at ngumiti, kahit hindi ko na kayang pigilan ang sakit. "Hindi ko alam kung deserving akong maging ina. Hindi ko kaya kontrolin ang mga bata at kung paano makitungo sa kanila." Mahina kong bulong at pinigilan ang hikbi na halos hindi ko na kayang itago.

"I know it's hard, especially since they can be so stubborn. I don't need to rush, we need the right process and patience. Please, have more patience with them and guide them properly. I'm sorry if I keep leaving Wreen with you. I thought it would be a way to make up for the long years of separation, and that she would learn to control herself with your guidance. I'm sorry if I was selfish. We'll take it slowly, okay? Please, don't cry."

Mahaba niyang paliwanag at niyakap ako ng mahigpit. Wala akong nagawa kundi ang tumango ng maraming beses at hinayaan ang mga luha na dumaloy. Pagod na pagod na ang katawan at isipan ko at sa mga sandaling ‘yun, kailangan ko ng ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.

Hindi na ako pumasok sa loob at nauna na akong bumalik sa sasakyan upang mapag-isa at pakalmahin ang sarili. Gusto ko lang mag-isip at magpahinga mula sa lahat ng nangyayari. Makalipas ang isang oras, bumalik ang tatlong bata at sumabay na rin si Azalea. Pero kahit isang beses hindi ako kumibo o nagsalita.

Inihatid ko sila ni Wreen sa tinutuluyan nila at si Wen naman ay inuwi ko sa kanyang ina. Pagkatapos ay umuwi na kami sa apartment ni Wryn, tahimik lang kami sa buong biyahe. Wala akong gana sa lahat ng nangyari, kahit ang simpleng pakikipag-usap ay naging mahirap para sa akin. Pagdating sa apartment, hindi na ako nag-ayos. Kaagad akong humiga sa kama at hindi na kayang magpanggap na okay lang ako. Hinayaan ko si Wryn na gawin ang kailangan niyang gawin, habang ako ay nawawala sa aking mga iniisip.

Tulala ako, nakatingin sa kisame, iniisip kung kailan muling gigising si Rhea. Ilang taon na akong host ng katawan na ito at gusto ko na magpahinga. Dapat nga siya ang kasama ng mga anak niya ngayon at hindi ako. Alam kong mas malaki ang maitutulong ni Rhea sa kanila kumpara sa akin, at ang bigat na nararamdaman ko ngayon ay tila isang pagnanais na muling magbalik siya sa kanilang buhay.

"Ma? Are you alright?" Biglang lumitaw ang mukha ni Wryn mula sa gilid ng kama. Nagpanggap akong okay at ngumiti.

“Wryn, pagod na ako mag-isip. Sabihin mo ang totoo, nasaan ang mommy mo?” Mahina kong sinabi at tinapik ang kanyang ulo, naiipit sa loob ang lahat ng hindi ko kayang iparating sa ibang tao.

Tinitigan niya ako ng malalim at nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango. "I know where Mommy is. I'm sorry I didn't tell you because I still wanted to be with you." Sagot niya, at ngumuso nang may konting lungkot sa mata.

Walang salita mula sa akin, naghintay lang ako sa susunod niyang sasabihin.

"We can go see Mommy now, if you want." Dagdag niya, may pag-aalalang tono sa boses.

Humugot ako ng malalim na hininga, naramdaman ko ang bigat ng katawan ko at ang sakit ng pagod sa bawat galaw. Gusto ko magpahinga at matulog ng matagal, pero hindi ko maiwasang magdesisyon. Mas nananaig ang kagustuhan kong makaharap si Emilie, kahit hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa akin o sa lahat ng ito.

“Okay, let's go meet your mom.” Sagot ko at ngumiti.

-


I hold the wine glass in my hand, a smile tugging at my lips as I watch my child holding her mother. I pressed the button to open the gate, surprised at how quickly she brought Rhea back. Didn’t she say she wanted more time with her before we all reunited?

I let out a soft chuckle as they entered through the main door. I’m not sure how to describe what I’m feeling, happiness and longing blend together. They’re here, getting closer and closer. My heart overflows with joy. Do I really need to wait longer, or is this moment enough, being with them like this?

Hindi ko maitago ang tuwa sa puso ko. Oh my God, after 5 years, nandito na ulit siya, at magkakasama na ulit kami bilang pamilya. Hindi naging madali ang mga limang taon na iyon para sa amin ng anak ko, lalo na sa akin, dahil sa maraming pinagdaanan, lalo na sa paghahanap kay Rhea. Hindi ako sumuko, kami ni Amour ay nilibot ang buong bansa para lang mahanap siya. Hindi naging madali, at kung hindi dahil kay Ines, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito makikita.

Yes, salamat kay Ines, dahil pinaalam niya kaagad sa amin ni Amour kung nasaan si Rhea. Pero hindi kami kaagad sumugod. Gusto namin siyang mauna dahil mas alam kong deserving siyang unang makakita kay Rhea, sa dami ng mga sakripisyo niya para lang mahanap ito. Nakita ko kung paano siya nagsakripisyo at kung paano siya nagsikap. Lahat ng ito, dahil lang sa pagmamahal niya kay Rhea.

Amour and I were supposed to be together, but Wryn and I arrived first because they were still on their way home. Even now, our relationship remains strong, and we continue to love each other. However, not for a single moment have we forgotten about Rhea. Many days have passed, and we've gone through countless arguments and accusations, but our bond has only grown stronger.

The tears and sleepless nights I spent searching for and thinking about her were all worth it. I was so excited to see her and be with her again, so I decided to make my child the hostage so that Rhea would be the one to approach Wryn and they’d have a chance to bond. I honestly don’t know what came over me to do that, but based on the outcome, my child seemed really happy, especially when she saw her siblings. Even though Wryn was alone, my eyes were still on her wherever she went.

Wow, it seems like Rhea was able to tame my child. I’m surprised because even with me, she’s hard to get to listen to—sometimes I need to scold her before she calms down. I don’t know why Wryn turned out to be a spoiled brat. I never pampered her with things or anything like that, and I never failed to guide her. But it’s okay, my child deserves all the good things.

Bumukas ang pinto, at agad kong nakita ang anak kong may malawak na ngiti sa kanyang labi. Sa likod niya, naroon si Rhea—tulala, titig na titig sa akin. Napakagat ako sa labi, hindi maitago ang kilig at init na dumaloy sa katawan ko nang makita siyang muli. Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas naging feminine ang dating niya ngayon at mas lalong sumexy. My God, hindi ako makapaniwalang ang babaeng ito ang asawa ko.

Tumayo ako at sinalubong si Wryn. "Good job, baby." Sabi ko, sabay tapik sa ulo niya bago ako naglakad palapit kay Rhea.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko at muling kinagat ang ibabang labi. "Hi there, my sexy wife," bulong ko nang maakit, ibinaba ang paningin sa kanyang labi bago siya hinalikan… mainit at puno ng pananabik.

Nanlaki ang mga mata ni Rhea, halatang hindi inaasahan ang ginawa ko pero hindi rin siya agad lumayo. Napansin kong bahagya siyang nanginig, hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa ibang bagay. Mas lalong lumalim ang ngiti ko nang maramdaman kong hindi siya agad umatras, kaya mas idiniin ko pa ang halik—marahan pero puno ng pangungulila.

Isang malakas na pag-ubo ang pumukaw sa aming dalawa. "Ugh, seriously? In front of your child?" Reklamo ni Wryn habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang.

Napatawa ako at hinawakan ang pisngi ni Rhea bago bumulong. "Did you miss me, hmm?"

Matapos ang ilang segundo, bumuntong-hininga siya at umiling. "You haven't changed at all." Bulong niya pabalik, pero ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang boses.

"At never akong magbabago," sagot ko bago hinaplos ang kanyang buhok at saka tumingin kay Wryn. "Baby, gusto mo ba ng reward sa ginawa mong pagdala sa mama mo rito?"

Nagningning ang mga mata ng anak ko. "You mean...?"

Tumango ako at ngumiti. "Anything you want."

"Ahem." Isang malamig na tingin ang binigay sa akin ni Rhea. "Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong manatili rito?" Napangiti ako sa kanyang tanong.

Humakbang ako palapit sa kanya, halos magdikit ang aming katawan. "Kailangan ko pa bang itanong? Kahit ano pang sagot mo, hindi na kita pakakawalan."

Napakurap siya at namula, pero bago pa siya makasagot, lumapit si Wryn at niyakap siya. "Mama, please stay. I missed you."

Napatingin ako kay Rhea at doon ko lang nakita ang bahagyang pagluha ng kanyang mga mata. Damn, she’s even more beautiful when she’s emotional.

Napayuko si Rhea at marahang hinaplos ang buhok ni Wryn. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. Damang-dama ko ang bigat ng emosyon sa titig niya. Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan silang dalawa. This is what I’ve been waiting for, ang makitang buo ulit ang pamilya namin.

Matapos ang ilang saglit, tumingala si Rhea at tinitigan ako. "Fine. I’ll stay," mahina niyang sabi. "But only for a while."

Alam kong may alinlangan pa rin siya, pero sapat na ‘yun para sa ngayon. Mas malaki ang tiyansa kong kumbinsihin siyang manatili nang mas matagal. Tumango ako at muling hinaplos ang pisngi niya. "That’s all I need to hear."

Biglang pumalakpak si Wryn. "Yay! We’re finally together again!" Napatalon siya sa tuwa at mahigpit na niyakap si Rhea.

Napailing si Rhea pero hindi napigilang mapangiti. "Magbihis ka na at medyo basa ka."

Napatingin ako kay Wryn at doon ko lang napansin ang kanyang damit na medyo basa pa nga. "Go ahead, baby. Magpalit ka na ng damit sa taas."

"Okay!" Masiglang sagot niya bago mabilis na tumakbo paakyat.

Nang mawala na siya sa paningin namin, muling bumaling sa akin si Rhea. "So… what now?"

Ngumiti ako at humakbang palapit, idinikit ang noo ko sa kanya. "Now, we talk. And then… we make up for the lost time."

Napakurap siya, halatang hindi sigurado kung ano ang dapat gawin. Pero imbes na lumayo, nanatili lang siya sa posisyon niya.

"I am not Rhea." Mahina niyang sabi.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi, hinayaan ang init ng kamay ko na pakalmahin siya. "I know everything, sinabi ni Ines sa amin ang lahat. Ikaw pa rin ang asawa namin." Hindi siya sumagot, pero hindi rin niya inalis ang kamay ko.

Kung maaari ay ayaw ko na balikan ang mapait na nakaraan, ang mga alaala na ibinaon ko sa limot at ayaw ko na rin ipaalala sa kanya ang mga pagkakamali na ginawa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kasalukuyan at ang hinaharap kasama ng anak namin.

"What’s your name?" I ask with a soft smile.

"R-Red," she stammers.

I grip her collar, pulling her close before biting her lower lip. "Red, I don’t like drama, and I’ve long moved on from the past. I won’t tell you what I went through, and I don’t want to hear about your suffering either. I won’t cry, and I refuse to make you remember the pain you’re trying so hard to forget. No matter how many versions of you exist, one thing will never change… you are my wife. And now that I’m here standing before you, do you really think I’ll let you disappear again? No way. Five years was long enough. Now, it’s time for you to make it up to me and our child,” I stop and kiss her once again.

"Oh, and one more thing—I love this side of you. You’re even sexier now, and just like before, your presence still sets my whole body on fire." I bite my lower lip nang makita ang paglunok at dila niya sa kanyang labi.

Nanlaki ang mga mata ni Rhea sa sinabi ko, at kahit pilit niyang pinapanatili ang seryosong ekspresyon, hindi ko pinalampas ang bahagyang panginginig ng kanyang mga labi. Alam kong may epekto sa kanya ang bawat kinikilos ko. Napalunok siya at napaatras ng bahagya, pero hindi pa rin siya lumalayo nang tuluyan.

"You don’t get to decide things on your own," aniya, halatang pinipilit maging matatag. "Hindi porket nandito na ako, ibig sabihin ay—"

"Hindi porket nandito ka na ibig sabihin bibitawan ulit kita," putol ko sa sasabihin niya. "I don’t care kung anong iniisip mo, basta ang mahalaga ay kasama na kita ulit."

Huminga siya nang malalim, halatang nag-iipon ng lakas ng loob. "This isn’t fair," bulong niya, pinagmamasdan ako na parang sinusubukang intindihin kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.

Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti. "Life isn’t fair, babe. But one thing’s for sure, I won’t waste another five years without you."

Sa pagkakataong ‘yun ay hindi siya agad nakasagot. At sa loob ng ilang saglit, pareho kaming nanatiling tahimik… nakikiramdam sa isa’t-isa. Hanggang sa bumukas bigla ang pinto at sumulpot si Wryn.

"Ugh, again? Can you guys stop being mushy for like five seconds?" Reklamo niya habang nakapamewang.

Napangiti ako at nagkibit-balikat. "Nope."

"Ugh!" Napairap si Wryn bago hinila si Rhea papalayo sa akin. "Mama, let’s go. I need you to help me with something." Habang papalayo sila ay lumingon sa akin si Rhea, at sa unang pagkakataon, isang maliit pero tunay na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

Damn. She’s really back. And this time, I won’t let her go.

-

I wake up and immediately notice Red sleeping soundly beside me, while Wryn is on the other side, hugging her pillow tightly. The three of us slept together in my room last night, and right now, I feel a strange sense of peace… something I haven’t felt in a long time.

I sit up, watching them both, and a small smile forms on my lips. Damn, if she weren’t so exhausted last night, I probably wouldn’t have been able to hold myself back—I would have made her feel the heat of my love over and over again. But Red is different from Rhea. If Rhea used to fall easily for my little teases, Red seems to have a firm grip on herself. No matter how much I flirt, she doesn’t waver. She knows how to hold back, and whether I admit it or not, her resistance drives me insane.

I glance at her again. She’s still asleep, her forehead slightly creased as if lost in a deep dream. I reach for the blanket and carefully pull it over her, then lean in to place a soft kiss on her forehead.

“For now, I’ll behave.” I whisper before getting up and quietly leaves the room.

I step out of the room, closing the door quietly behind me. The house is silent, the only sound coming from the faint rustling of the curtains as a soft breeze drifts in through the open windows. Stretching my arms, I make my way to the kitchen, deciding to prepare breakfast.

As I reach for the coffee maker, my mind drifts back to Red. Even in her sleep, she looks tense, as if carrying the weight of something she refuses to share. I sigh, running a hand through my hair. Five years is a long time, and whatever happened during that time changed her. She’s still Rhea, but at the same time, she’s not.

The coffee starts brewing, filling the room with its rich aroma. I lean against the counter, lost in thought. I promised her I wouldn’t dwell on the past, but how can I pretend it doesn’t matter? That those five years don’t feel like a lifetime stolen from us?

The sound of soft footsteps pulls me from my thoughts. I glance toward the hallway just as Wryn appears, rubbing the sleep from her eyes.

“Good morning,” I say, smiling as I pour her a glass of milk.

She yawns before taking a seat at the dining table. “Where’s Mama?” I guess she didn't notice her Mama beside her.

“Still sleeping,” I reply, placing the glass in front of her. “She had a long night.”

Wryn tilts her head, staring at me for a moment before nodding. “She looks different.”

I pause, studying my daughter. “What do you mean?”

“She’s sad,” Wryn murmurs, her small fingers tracing patterns on the table. “She looks… strong, but also sad.”

A lump forms in my throat at her words. Kids always notice more than we give them credit for. I walked over and gently ruffled her hair. “That’s why we have to remind her she’s home now.”

Wryn grins up at me. “Then let’s make her favorite breakfast.”

I chuckle. “Good idea.”

As we start preparing the food, I can’t help but feel a bit lighter. Maybe we can’t erase the past, but we can build something new. And that’s enough for now.

Wryn and I move around the kitchen, gathering ingredients for her favorite dish—pork sinigang. She stands on a stool beside me, eagerly helping as I guide her through the steps.

“Okay, first, we need to boil the pork ribs,” I say, handing her the pot. She carefully pours in the water while I place the meat inside.

Wryn watches intently as the water begins to heat up. “Mama really likes this, huh?”

I nod. “Yeah. She always used to ask for it when she wasn’t feeling well.”

A comfortable silence settles between us as we prepare the dish. Wryn washes the vegetables while I skim off the scum rising to the surface of the broth. The scent of simmering pork fills the air, blending with the tangy aroma of tamarind as I add it to the pot.

Wryn wrinkles her nose. “It smells funny.”

I laugh. “That’s the tamarind. But trust me, once it’s done, it’ll taste amazing.”

She stirs the soup with a wooden ladle, eyes gleaming with excitement. “Do you think Mama will be happy when she wakes up?”

I glance toward the hallway. A soft warmth spreads through my chest. “I hope so.”

Just as we finish adding the vegetables, the sound of footsteps makes us both turn. Red stands at the entrance of the kitchen, her hair slightly messy, eyes still heavy with sleep. She sniffs the air, blinking in surprise.

“Are you… cooking sinigang?”

Wryn grins. “Surprise, Mama! We made it for you!”

Red’s lips part slightly. For a second she just stands there, taking in the scene… our daughter beaming proudly beside me, the warmth of the kitchen, the scent of home. Then something in her gaze softens.

She walks closer. “You remembered.”

I chuckle, leaning against the counter. “Of course, I did.” I guess they have the same favourite.

Red exhales a breath, her fingers lightly brushing the edge of the dining table. “I haven’t had homemade sinigang in years.”

“Well,” I say, handing her a spoon, “there’s a first time for everything. Go ahead, taste it.”

She hesitates for a moment before dipping the spoon into the steaming broth. As soon as it touches her lips, her eyes flutter shut. A long pause follows before she finally speaks.

“It tastes… just like before.”

I watch her closely, catching the flicker of emotion she tries to hide. Wryn giggles, completely unaware of the weight of this moment. “That means we did a good job, right?”

Red opens her eyes, looking straight at me. There’s something unreadable in her gaze, something fragile yet warm.

She nods. “Yeah… a really good job.”

“Come on, Mama! You have to eat a lot!” I pull out a chair for Red as Wryn eagerly takes her seat, practically bouncing with excitement.

Red lets out a soft chuckle, shaking her head before settling into the seat beside our daughter. I place a steaming bowl of sinigang in front of her, then serve Wryn’s portion, making sure to give her extra vegetables.

As I take my own seat, Wryn claps her hands together. “Let’s eat!”

We dig in, and the moment Red takes her first proper spoonful, I watch her reaction carefully. She closes her eyes briefly, savoring the taste before letting out a slow exhale.

“It’s perfect,” she murmurs, her voice almost too soft to hear.

A grin tugs at my lips. “Of course, it is. Wryn helped.”

Wryn nods proudly, stuffing a spoonful of rice into her mouth. “I mixed the soup! And I washed the veggies!”

Red gives her a fond look, ruffling her hair. “You did amazing, baby.”

As we eat, the atmosphere feels light, warm, and something I can only describe as home. Wryn chatters about random things, from her favorite cartoons to how she thinks Red is the strongest person ever because she never cries like in the movies.

Red scoffs playfully. “Who said I never cry?”

Wryn blinks. “You do?”

“Sometimes. But only for important things.” Red glances at me for a second before turning back to our daughter.

Wryn hums in thought before offering Red a piece of pork from her bowl. “Then if you feel like crying, just eat more sinigang. It makes everything better!”

I chuckle. “Smart kid.”

“Yeah… I think you’re right.” Red stares at Wryn for a moment before shaking her head, a small but genuine smile gracing her lips.

For the first time in years…

Everything feels right, like the past doesn’t matter…

Like the future isn’t uncertain…

Just us, sitting together, sharing a meal, and finding our way back to where we belong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip