𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 52
-
“Mom, only the two of us?” inosenteng tanong ni Wayne habang palabas na ang sasakyan sa malaking gate.
“Oo, tayo lang. Susunduin natin si Mommy mo,” sagot ko habang nakatuon ang tingin sa daan.
“But my sisters wanted to come too,” sagot niya sabay silip sa side mirror ng sasakyan, para bang tinitingnan kung susunod ang mga ito.
“Wayne, ikaw lang ang gusto kong isama. Baka tuluyan na akong mabaliw kung isasama pa natin sila,” pabiro kong sagot, pero may halong katotohanan. “Okay lang ‘yun. Gusto ko lang mag-day off sa kanila.” Sa sobrang likot ng tatlo, baka mawala ko sila—o mas malala ay baka ako pa ang mawala nila. Malawak ang siyudad.
Napangiti si Wayne at tumango, tila naunawaan ang dahilan ko. Kahit bata pa siya ay mas madali siyang kausap kumpara sa mga kapatid niyang parang may unlimited energy sa katawan. Habang binabaybay namin ang kalsada, nakasandal lang siya sa upuan at tahimik na nakatanaw sa labas. Iba talaga siya sa tatlo, mas kalmado at tahimik.
“Mom, where is Mommy now?” Tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
“Susunduin natin, diba sabi niya kanina?” Nakangiti kong sagot. Alas sais pa lang, at hindi ko sigurado kung anong oras ang uwian ni Amour kaya mas mabuti nang agahan namin ang pagpunta.
"Can we go out after picking up Mommy? I want the three of us to spend time together." Malambing niyang tanong habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang ulo. “Oo naman, lahat ng gusto mo ay gagawin natin, okay?”
Masaya siyang tumango, pero habang binabaybay namin ang kalsada, bigla akong napaisip at napahinto. Sandali... alam ko ba kung saan ang ROE Hospital?
Mabilis kong binuksan ang MAPS sa aking phone para siguraduhing hindi kami maliligaw. Ayoko namang umikot-ikot pa at patagalin ang paghihintay ni Amour. Makalipas ang ilang minuto ng pagmamaneho at pagtutok sa direksyon, sa wakas ay narating namin ang ospital. Napabuntong-hininga ako ng maluwag. Salamat naman at hindi kami naligaw! Malaking tulong talaga ang MAPS, kung hindi ay baka sa kung saan pa kami nakarating.
Pagkarating namin sa ROE Hospital, agad kong ipinarada ang sasakyan sa malapit na parking area. Lumingon ako kay Wayne, na abala sa paglalaro ng kanyang maliit na laruan.
“Andito na tayo, baby. Ready ka na makita si Mommy?” Tanong ko habang inaalis ang seatbelt ko.
Tumango siya nang excited at mabilis ding tinanggal ang kanyang seatbelt. “Yes!”
Bumaba kami ng sasakyan at agad akong nag-text kay Amour para ipaalam na nasa labas na kami. Hindi ko alam kung nasa opisina pa siya o nasa isa sa mga pasyente niya, kaya mas mabuting maghintay kami sa lobby. Pagpasok namin, sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa aircon ng ospital. Malinis at eleganteng tingnan ang buong lugar, kitang-kita ang pagiging high-class nito. Napansin kong may ilang empleyado na napatingin sa amin, siguro dahil kasama ko si Wayne na tila excited na hanapin ang kanyang ina.
“Mommy! We're here!” Sigaw ni Wayne habang lumilinga-linga sa paligid.
Napatawa ako at marahang hinawakan ang kanyang kamay. “Shh, baby, nasa ospital tayo. Bawal sumigaw.”
“Sorry po.” Mahina niyang sabi, pero nananatili ang excitement sa kanyang mukha.
Biglang may lumapit na nurse sa amin. “Good evening po, Ma’am. Kayo po ba ang naghahanap kay Dra. Amour?” Magalang niyang tanong.
“Yes, Ma’am,” sagot ko. “Nag-text na ako sa kanya na nandito na kami.”
“Hintayin niyo na lang po siya saglit. Nasa office pa po siya at kasalukuyang may tinatapos.”
Tumango ako at ngumiti. “Sige, salamat.”
Habang naghihintay kami sa lobby, hindi ko maiwasang mapansin ang mga dumadaan na doktor at empleyado. Ilang taon na rin pala simula noong huli akong pumasok dito sa ospital… at ngayon, asawa ko na ang may-ari nito. Napatingin ako kay Wayne na masayang nakaupo sa tabi ko habang iniinspeksyon ang paligid. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang bilis talaga ng panahon.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas mula sa hallway si Amour, nakasuot pa rin ng kanyang puting coat at mukhang pagod pero elegante pa rin ang datingan. Nang makita niya kami, agad akong tumayo habang si Wayne naman ay mabilis na tumakbo palapit sa kanya.
“Mommy!” Sigaw niya, sabay yakap nang mahigpit sa baywang ni Amour.
Ngumiti si Amour at hinaplos ang buhok ni Wayne bago siya hinagkan sa noo. “You’re here.” Malambing niyang sabi, halatang pagod pero masaya.
"Mommy! Mommy Red said we can go wherever I want!" Excited na sambit ni Wayne habang nakatingala sa kanya, pero ako? Nagulat hindi dahil sa tinawag niya muli akong mommy, kundi dahil tinawag niya ako bilang Red— not Rhea.
Napangiti ako at lumapit sa kanila. “Kung saan mo gusto, doon tayo,” sabi ko habang nakatingin kay Amour. “Pero ikaw? Gusto mo bang umuwi na muna at magpahinga?”
Umiling si Amour. "I'm okay. I also want to be with you."
Wayne claps her hands excitedly. “Yay! Where to go, Mommy?”
Nagkatinginan kami ni Amour, tila nagpapalitan ng lihim na usapan kung sino ang magdedesisyon. Sa huli, siya na ang nagtanong kay Wayne. “You, baby. What do you want to do?” Tanong ni Amour.
Sandaling nag-isip si Wayne, tapos biglang lumiwanag ang kanyang mukha. "I want ice cream! Then, I want to go to the park!"
Napatawa ako. “Same pala tayo ng iniisip.” Sabi ko.
Tumango si Amour. “Alright, let's go to my office, I need to change my clothes first.”
Sumunod kami sa kanyang opisina at naghintay lang ng ilang minuto at umalis din kaagad pagkatapos niyang magbihis. Kahit na pagod si Amour mula sa trabaho, pinili niyang makasama kami.
Pagdating namin sa park, agad naming napansin ang malaking outdoor cinema na itinayo sa gitna ng malawak na damuhan. Maraming pamilya ang naroon—may mga batang tumatakbo, naglalaro, at may ilan ding nakaupo sa picnic blankets kasama ang kanilang mga magulang. Ramdam ko ang masayang ambiance ng lugar, punong-puno ng halakhak at masasayang usapan.
Bago pa kami umupo sa napili naming pwesto, dumaan muna kami sa isang malapit na store upang bumili ng ilang gamit at pagkain. Para na rin itong picnic para sa amin, kaya sinigurado naming may sapat kaming dalang pagkain at inumin.
"Mommy, there are so many people and children," malumanay na sabi ni Wayne habang mahigpit akong niyakap.
Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok. "Yes, baby. Ang daming bata, kaya for sure mag-e-enjoy ka rin." Sagot ko habang mas hinigpitan ang hawak ko sa kanya.
Sa kabilang banda, mahigpit kong hawak ang kamay ni Amour habang siya naman ang may bitbit ng basket na naglalaman ng mga pagkain namin. Mula sa gilid ng aking mata, nakita kong napapangiti siya habang pinagmamasdan ang paligid.
"It's fun here," aniya, saka bahagyang naglakad ng mabilis para mauna sa amin.
Tumingin ako kay Wayne at saka kay Amour, ramdam ko ang init ng kanilang presensya. Hindi lang ito basta simpleng panonood ng sine sa labas, kundi isa rin itong pagkakataon upang makapag-bonding kami bilang pamilya.
Dahil may pumalit sa pwesto namin kanina ay humanap kami ng bagong lugar kung saan mas komportable kaming lahat. Napunta kami sa ilalim ng isang malaking puno, presko ang hangin at may tamang dilim na perpekto para sa panonood. Maingat kong inilatag ang picnic blanket.
"Mommy, is it okay if I eat this?" Tanong ni Wayne habang hawak ang isang pakete ng junk food.
“Yes, but not too much,” sagot ni Amour bago hinaplos ang buhok ng bata.
Matamis na ngumiti si Wayne saka yumakap kay Amour bilang pasasalamat bago iniabot sa akin ang chichirya para ipabukas. “Here, pero wag pa sobra at gabi na.” Paalala ko habang binubuksan ito. Marahan siyang tumango, saka umupo sa pagitan ng aking mga binti ng komportable.
Binalingan ko si Amour, “Ikaw, may gusto ka bang kainin?” Tanong ko habang naghahanap ng pagkain na sa tingin ko'y magugustuhan niya.
Napalingon ako sa kanya nang bigla niyang inilapit ang mukha sa aking tenga saka pabulong na nagsalita. "It would probably taste better if you let me eat you."
Halos mabilaukan ako sa sariling laway at agad tinakpan ang tenga ni Wayne. Nagpipigil ako ng tawa pero sa loob-loob ko, gusto kong batukan si Amour. Bakit ba ganyan silang dalawa ni Emilie? Hello? In front of their kids? Pasimpleng siniko ko siya sa balikat, pero ang kapalit ay isang nakakalokong ngiti mula sa kanya.
"Amour, why are you like that in front of your kids? Can you at least act appropriately?" Saway ko sa kanya habang iniiwasan ang kanyang tingin."And besides, those tricks won’t work on me." Dagdag ko, pilit pinapanatili ang seryoso kong mukha kahit ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko.
Ngunit sa halip na mapahiya o umurong ay lalo lang lumalim ang ngiti niya, para bang nag-eenjoy siyang asarin ako. “Oh? Really?” malambing niyang sagot at may bahagyang pang-aasar sa tono. “Not effective?” Itinaas pa niya ang isang kilay, tila sinusubok kung hanggang saan ako bibigay.
Mabilis kong kinamkam ang isang piraso ng prutas at isinubo ‘yun sa kanyang bibig para matigil siya. “Ayan, kumain ka na lang.” Sabi ko, saka bumaling kay Wayne na abala sa panonood ng pelikula.
Natatawa na lang siya, pero hindi rin tinanggihan ang prutas na sinubo ko. “Hmm… Looks like it’s working, darling.” Bulong niya bago dahan-dahang ngumunguya.
Napailing na lang ako at pinili na lang na huwag patulan si Amour. Mas mabuti pang ituon ko ang atensyon ko kay Wayne, na ngayon ay mukhang enjoy na enjoy sa panonood ng pelikula habang kinakain ang chichirya niya.
“Do you like the movie, baby?” Tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
“Yes, Mommy! It’s fun!” Malambing niyang Sagot nang hindi inaalis ang tingin sa screen. Nakangiti lang akong tumango, masayang makita siyang nag-eenjoy.
“See? This is nice, right?” Biglang sabat ni Amour at sumandal sa akin. “A simple night under the stars, with our little family.”
Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso ang kanyang ekspresyon. Wala na ang pang-aasar sa kanyang tono kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya.
“Yeah… this is nice,” sagot ko nang mahina, halos bulong na lang.
Hinawakan ni Amour ang aking kamay at marahang pinisil ito. Tahimik akong nakikiramdam at ang atensyon ko ay nakatutok sa malaking screen. “Darling, what's your plan now that you're back?” Tanong niya ang boses niya ay puno ng lambing.
“Papasok ako sa parehong istasyon ni Ines, gusto ko magsilbi sa bayan. Ito ang pangako ko sa sarili ko mula nang lumayo ako. Gusto ko magbago at gawin ang lahat para makabawi sa mga kasalanan.” Sagot ko at ramdam ko ang lalong paghigpit ng kanyang pagkakahawak sa aking kamay.
“I’m happy for you,” ani Amour at mas lumambing pa lalo ang tinig. “You know, even though I don't show it, I missed you so much. I'm happy with the relationship I had with Emilie, but there's something missing— it's you." Bigla siyang umayos ng upo at tiningnan ako ng puno ng pagmamahal, isang tingin na nagbigay sa akin ng kakaibang emosyon.
“I missed you so much,” bulong niya at sinakop ang aking labi.
Hindi ako nakapagsalita at hindi nakakibo. Nagtagal ang halik niya, ramdam ko ang init ng kanyang palad na nakahawak pa rin sa akin, ang pagnanasa at pananabik na matagal niyang itinago. Para akong natulala at hindi alam kung dapat bang lumayo o tuluyang magpadala. Ngunit bago pa ako makapag desisyon ay naramdaman kong may kumalabit sa aking braso.
"Mommy?" Mahinang tawag ni Wayne.
Agad akong natauhan at mabilis na lumayo kay Amour, kita sa mukha niya ang bahagyang pagkabigla pero agad din siyang ngumiti, pilit na itinatago ang emosyon niya.
"Yes, baby?" Tanong ko kay Wayne, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
“Can I sit on your lap?” Inosenteng tanong niya.
"O-Of course," sagot ko at agad siyang umakyat sa kandungan ko, niyakap ko siya ng mahigpit habang sinusubukan kong balewalain ang init ng tingin ni Amour.
Tahimik siyang bumuntong-hininga at tumingin sa screen. Pero bago niya bawiin ang tingin niya sa akin, isang bulong ang umalpas sa kanyang labi—isang bagay na hindi ko alam kung dapat ko bang pakinggan o pilitin kong hindi marinig.
"This isn't over, darling."
Enjoy na enjoy kami sa panonood ng palabas hanggang sa natapos ito. Umalis kami agad dahil maraming tao, nagpunta sa ice cream shop at doon kami tumambay.
“Wayne? Anong paborito mo sa lahat?” Tanong ko habang naghahanap ng flavor.
“Mango, Mommy,” sabay turo ni Wayne sa isang flavor.
Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi. “Pareho tayo ng gusto, mana ka sa akin.” Sagot ko. Sabay kami humagikhik bago ko nilingon si Amour na kanina pa hindi makapili ng gusto niyang flavor.
“Darling, hey,” tawag ko sa kanya at itinaas ang mga kilay.
“H-Huh?” Nagulat siya.
Kumunot ang aking noo. “Kanina ka pa hindi makapili, saan d'yan ang gusto mo?” Tanong ko.
“I want you so bad, is that okay?” Sagot niya sabay abot ng kamay sa akin.
Napailing ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. “Let's order our ice cream now, Wayne,” bulong ko sa anak ko at iniwasan si Amour.
Kinuha ko ang order namin ni Wayne at muling binalikan si Amour nang makita kong may mga babaeng nakapalibot sa kanya— mga hard butch, to be exact. “Wayne, dito ka lang at kukunin ko lang si Mommy mo,” sabi ko sa bata bago lumapit kay Amour.
“Isn’t it supposed to be me you’re craving for? I didn’t realize you had other preferences besides me.” Taas kilay kong sinabi at nagkrus ng mga braso.
Tinapunan ko ng malamig na ekspresyon ang dalawang tibo. “Are you just staying there? You know what I’m capable of doing.” Banta ko kay Amour, pero mukhang nag-eenjoy pa siya sa sitwasyon at hindi apektado sa tono ko.
“Oh, sorry, my police wifey is the type of woman who’s super jealous. I’m married, by the way.” Sabay taas ng kanyang kamay at ipinakita ang singsing.
Napa-iling ako at sinadyang tapikin ang ulo niya. “I’m glad you’re having fun,” sabi ko nang may bahid na inis saka nilapitan si Wayne. “Let's go, baby. It’s time to go home.”
“Mommy, are you jealous?” Matamis na tanong ni Wayne habang pabalik kami ng sasakyan.
“No, ayaw ko lang may mga ibang tao na lumalapit kay Mommy mo.” Sagot ko, pilit pinapakita na wala akong pakialam sa nangyari.
“That’s jealousy, mom.” Sagot niya, nagkibit-balikat na lang ako at hindi na lang nakipagtalo sa kanya.
"But mommy, I still want to go out and hang out with you and Mommy." Sabi niya, kaya natigilan ako sa paglalakad at binalingan ko si Amour na nakasunod sa amin.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tipid na ngumiti bago inabot ang kamay ni Amour. “Wag ka sa likod ko, sabayan mo kami ng anak natin,” sabi ko, marahan siyang hinila at hinalikan sa pisngi. “Stay close, I don't want you getting too close to others.” Dagdag ko pa.
She let out a soft chuckle at tumango. “Alright, let’s go.” Sagot niya, at sabay kami naglakad.
Hinawakan ko ang isang kamay ni Wayne at si Amour naman ang sa kabila habang naglalakad kami. Marami pa rin ang mga taong nasa plaza, lalo na ang mga bata na naglalaro sa playground. Tumingin ako sa kanila at nag-isip, Ano kaya pakiramdam maging bata? Siguro masaya kasi wala kang iniisip na problema, maliban na lang siguro sa mga assignments at numero unong kalaban ng mga bata yan sa school. Wala man akong karanasan noong bata ako, pinapangako kong ipaparanas ko lahat-lahat sa mga anak ko.
“Mommy, so many children— can I play?” Nahihiya niyang tanong sa akin.
Tinapik ko ang kanyang ulo. “Okay, wag ka masyado lumayo.” Sagot ko.
Hinila ko si Amour sa gilid kung saan may bakanteng bench at naupo. Sabay kaming nagmasid sa anak namin na masayang nakikipaglaro sa ibang mga bata. Alam kong masaya si Wayne kahit medyo nahihiya pa siya.
“Mahiyain talaga siya, no?” Tanong ko kay Amour habang pinapanood ang anak namin na unti-unting lumalapit sa mga bata.
“Mhm,” sagot niya at mas lalo niyang pinagmamasdan si Wayne. “This is her first time at the park and playing with other kids.”
Puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata habang tinitingnan si Wayne. Para bang inaalala niya ang bawat sandali ng paglaki ng bata, at ang mga simpleng ganap tulad nito ay mahalaga para sa kanya. “I’m proud of her.” Dagdag pa niya.
“Alam mo, sobrang saya ko nang malaman ko ang personality ni Wayne,” simula ko habang pinagmamasdan siya. “Malambing, mahinahon, hindi matigas ang ulo, at higit sa lahat, mas madaling makinig sa akin.”
Napangiti si Amour at tumango.“And what makes her different from the other three?” Tanong niya, kita ang interes sa kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga ako bago napailing. “Well… mahirap silang kontrolin, lalo na si Wen. Kailangan pang tumaas ang dugo ko bago siya makinig.” Napahinto ako sandali. “Wala naman talaga akong naging problema kina Wreen at Wryn… pero kay Wen…” Bumaba ang tingin ko at pilit na ngumiti kahit may kirot sa dibdib.
“Pakiramdam ko, hindi niya ako matanggap bilang ina. At sino ba naman ang tatanggap sa akin? Kung ako ang naging dahilan kung bakit muntik na silang mawala ng kanyang ina.” Mahina kong bulong at marahang tinakpan ang aking mukha, pilit na itinatago ang panginginig ng aking labi.
“Ayaw ko nang balikan, pero sa tuwing pumipikit ako bago matulog, bumabalik pa rin sa isip ko ang gabing ‘yun—ang gabing sinaksak ko si Ines.” Pinigilan ko ang luha ko, pero hindi ko na nagawang kontrolin ang nanginginig kong boses. “Kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong subukang itaboy ang alaala, palagi itong bumabalik.”
Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Amour bago ko naramdaman ang mainit niyang kamay na marahang hinaplos ang likod ko. Hindi siya nagsalita, hindi niya ako pinilit na huminto sa pagluha. Sa halip, hinayaan lang niya akong damhin ang sakit—hanggang sa kusa akong kumalma.
Tahimik akong nakayuko, pinakikinggan ang mga ingay sa paligid. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, pero sa bawat himas ni Amour sa likod ko ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
"Don't you have any plans to talk to Wen?" Mahina niyang tanong matapos ang ilang minutong katahimikan.
Napakurap ako at bahagyang tumingin sa kanya. “Gusto ko… pero natatakot ako.” Inabot ko ang isang dahon na nahulog sa bench at pinaglaruan ito sa aking mga daliri. “Hindi ko alam kung paano magsisimula. Baka lalo lang siyang magalit. Baka mas lumayo pa siya.”
Hinawakan ni Amour ang kamay ko, pinigilan ang paggalaw ko sa dahon. "I know it's hard, but you won't know unless you try." Pinisil niya ito ng marahan.
Napalunok ako, pinagmamasdan ang magkahawak naming kamay. Tama siya. Hindi ko malalaman kung may pag-asa pang maibalik ang relasyon namin ni Wen kung hindi ko susubukan. Pero paano kung tuluyan na niya akong itaboy? Paano kung sa halip na pag-usapan namin, mas lalo lang niyang maramdaman ang galit sa akin?
“Paano kung hindi niya ako mapatawad?” Mahina kong tanong.
Ngumiti si Amour at hinagod ang likod ng kamay ko gamit ang hinlalaki niya. "There’s no easy road to forgiveness, darling. But what matters is that you show her you’re willing to wait, that you won’t leave her no matter what happens."
Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung kaya ko…”
“Kaya mo.” Putol niya. "You're a strong woman, aren't you? I wouldn't have chosen you if you were weak."
Napatawa ako nang bahagya. “Ano yan, motivation speech?”
"If that's what you need to keep from backing out, then yes." Inirapan ko siya, pero hindi ko na napigilan ang munting ngiti sa labi ko. Bago pa ako makasagot biglang tumakbo si Wayne papunta sa amin, may bahagyang pawis sa noo at nangingintab ang mga mata sa tuwa.
“Mommy! I had so much fun!” Sigaw niya bago kumandong sa akin. “They were nice to me!”
Niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod. “That’s great, baby. I’m happy for you.”
Napangiti si Amour habang pinagmamasdan kami. "You don't have to rush. One step at a time, darling." Napatingin ako sa kanya at nagkaroon ng kaunting pag-asa.
“Thank you, tara uwi na at baka hinahanap na tayo.” Sabi ko at sumang-ayon si Amour.
Mabilis akong tumayo, hinawakan sa isang kamay si Wayne at sa kabila ko naman ay kinuha ang kamay ni Amour saka hinila patayo. “Nag enjoy ka ba kahit papaano?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya ng matamis at humalik sa aking pisngi. “Even if we don’t do anything, just having your presence here, I know I’ll enjoy it.” Bahagya akong nahiya kaya iniwasan ko ang kanyang mga mata.
“U-Uwi na tayo.” Sabi ko at sabay silang hinila na dalawa.
“Mommy, can we come here again soon?” Tanong ni Wayne, habang ang mga mata niya ay kumikislap sa kagalakan.
“Of course, anak. Anytime you want.” Sagot ko at ngumiti.
Sumulyap ako kay Amour, na tahimik na nakatingin sa amin, at hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang mga mata. “You okay?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko ng mas mahigpit. “I’m more than okay. I’m happy, seeing you both happy.”
“Masaya rin akong makita na masaya kayo.” Sagot ko.
Pagbalik sa sasakyan ay dumiretso kami agad pauwi ng bahay. Akala ko magiging tahimik at maayos ang aming pagbabalik, pero hindi… tatlong bata agad ang sumalubong sa amin pagpasok sa malaking bahay. Ang mga mukha nila ay puno ng dismaya, lalo na si Wen. Magsasalita sana siya nang senyasan ko na huwag maingay dahil nakatulog na si Wayne. May katulong na lumapit at balak sanang kunin si Wayne, pero hindi ko binigay at mas gusto ko ako ang maghatid sa kwarto.
“Wen, kakausapin kita pagkatapos ko ihatid ang kapatid mo sa kwarto.” Seryoso kong sinabi at nagpalitan sila ng tingin.
Umakyat kami ni Amour sa kwarto ni Wayne. Hindi na ako pumasok kasi tinaboy ako agad at siya na raw ang bahala kaya hindi na ako nakipagtalo.
"Thank you, darling. Don’t worry, I know you can do it. I love you."Matamis niyang bulong.
Tumango ako, ngumiti, at humalik sa kanyang pisngi. “Sige na, kailangan mo rin ng pahinga. Salamat sa oras mo, Amour.” Malambing kong sinabi bago tumalikod at binalikan ang mga bata sa ibaba.
Akala ko maaabutan ko ang tatlo pagbalik, pero ang naiwan na lang mag-isa ay si Wen, tahimik na nakaupo sa sofa habang naghihintay sa akin. “Wen,” tawag ko sa kanya.
“What? Satan?” May pagtatampo niyang sagot. Tipid akong ngumiti, dahan-dahan siyang nilapitan at kinarga.
“What are you doing? Where are we going?” Tanong niya ng magsimula akong maglakad palabas ng bahay.
“Ikukulong kita sa storage room.” Biro ko.
“Hey!” Bulyaw niya sa akin.
“Kidding, sa swings.” Sagot ko.
Lumabas kami at nagpunta sa playground. Inilagay ko siya sa swings at marahan itong itinulak.
“Hindi pa ba nakakauwi ang mommy mo, Wen?” Tanong ko ng mahina.
"I think Mommy's working overtime, so she might come home later, around 11. Do you miss Mommy?" Mabilis niyang sagot at nag angat nang ulo upang tingnan ako.
Ngumiti ako at tumango. “Oo, lagi ko naman miss ang isa sa inyo.” Mahina akong tumawa nang makita ang pagtaas ng kanyang isang kilay. “Wen, how about calling me Mama or Mommy?” Sunod kong tanong at itinuloy ko ang pagtulak sa swings.
Hindi sumagot si Wen kaya humugot ako ng malalim na hininga. “A-Are you mad at me? F-For leaving you and Mommy?” Kabadong tanong ko, pero hindi pa rin siya sumagot.
Tahimik lang si Wen, ngunit nakita ko sa kanyang mga mata ang mga saloobin. Tumigil ako sa pagtulak at naupo sa tabi niya sa swings. "Wen, hindi ko sinasadya na masaktan ka," sabi ko nang mahinahon.
Tumahimik siya at pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita siya, "I'm not angry, Satan. I'm just sad because I don't understand why I was left behind."
Sakit ang naramdaman ko sa puso ko nang marinig ‘yun. Inabot ko ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan. "Wen, I didn't leave you because I don't want you. I... I made a big mistake before that’s hard to accept. I didn’t know your mommy was pregnant at that time. If only I knew the truth earlier, maybe... maybe I-I wouldn't have hurt you both."
Ngumiti siya ng bahagya, pero kitang-kita ko pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata."I know everything, Satan. I overheard the mommies talking about you—about how you stabbed Mommy and almost took both of us away from this world." Sagot niya bago muling tumingin sa malayo.
Parang kutsilyo na tumagos sa puso ko ang kanyang binitawan na mga salita, kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga ay ang mga luha na nag unahan sa pagpatak, konsensya na pilit kong binaon sa limot pero patuloy akong ginagambala. Walang salita ang sunod na lumabas sa aking bibig, ang sakit malaman ng direkta mula sa anak na muntik silang mawala ng kanyang ina dahil sa akin.
"I am mad, actually. So mad," sabi niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit. "I can't bring myself to call you mama, just like how easily they accepted you and started calling you that. Of course, I was happy when Mommy told me she found you and when we were on our way to bring you home. But I can't forget that because of you, Mommy went through so much pain, suffering, and crying every night." Habang nagsasalita siya, ang mga luha ay hindi mapigilan mula sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang maging matatag, pero hindi ko maiwasang makita ang sakit sa kanyang mga mata.
"I know it's hard to understand, but I just can't shake off the hurt. It's not just about what happened, but also about the fear and the guilt. I wanted to have a family, but I couldn't imagine what it would take to truly heal all the scars left behind. I want to believe that things can be different, but it's hard when all I remember is the pain you caused Mommy." Mas lalo akong nanlumo at dumiin ang pagkagat ko sa aking labi habang pinapakinggan ang bawat salita niya.
Puno na ng mga luha ang kanyang mga mata, gano’n din ako. Ang boses niya na sobrang wasak, pati ang puso pero pilit niya pa rin nilalabanan. "I don't want to carry this weight anymore, but it feels like I can't move on from it. How do you expect me to just forget everything, to just forgive? It feels like I'm stuck in this cycle of hurt, and I don't know how to break free from it. I-I wish I could just let go and call you mama like they do, but the truth is... I'm scared."
Pinahid niya ang kanyang mga luha, trying to regain composure. "I don't want to hurt you, I really don't. But I need time to heal, and I need to see that you're really here for us. I want to believe that you can be the person we need, but it's going to take time... a lot of time." Tahimik akong nakaupo, ang puso ko ay masakit habang nakikinig sa mga salita ni Wen. Alam kong malaki ang sakit na naidulot ko, at ramdam ko ang bigat ng mga pinagdadaanan ng anak ko.
"I know I can't erase the past, Wen," mahina kong salita, ang bawat salita ko ngayon ay puno ng emosyon at gusto ko ‘yun ipaabot sa kanya. "And I don’t expect you to forgive me right away. I just want you to know that I'm here now. I’m here for you, for both of you. If it takes time, I’ll be patient. I’ll wait as long as it takes for you to see that I’m not going anywhere." Pinahid ko ang kanyang mga luha ng tuluyan na itong humagulgol.
Matamis akong ngumiti kasunod ang paghaplos ng kanyang pisngi. "I may have been absent and a bad person before, but I’m not that person anymore. I want to make things right, even if it means starting from scratch. I’ll earn your trust, step by step, if you’ll let me." Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalinlangan. Lahat gagawin ko para sa kanya, para mapatawad niya ako ng tuluyan.
"I... I don’t know if I can forgive you right away, Satan…" mahinang bulong niya. "But, I want to try. I want to believe that we can fix this, even if it takes time." Paulit-ulit akong tumango at binigyan siya muli ng matamis na ngiti.
Ngayon ko napagtanto na matured naman pala mag-isip ang batang ito at sinasadya niya lang talaga akong awayin at inisin.
"I understand, Wen. And I’ll be here, waiting. I’ll show you through my actions that I’m not going anywhere. I’ll prove that I’m worthy of being your mother again, even if it takes all the time in the world." Tiningnan niya ako ng seryoso, medyo matagal bago ko nakita ang malungkot niyang ngiti.
"I just... I just need to know that you’re really here. That you won’t disappear again." Suminghot siya at nagbaba ng ulo.
"I’m here," sagot ko nang may determinadong ngiti. "I’m not going anywhere. And I’ll always be here for you, no matter what."
“Y-You promise?” Hikbi niya.
Umiling ako ng maraming beses bago nag pinky promise. “Here, I promise, anak.” Sagot ko sa kanya.
Tuluyan akong nanlambot matapos niya makipag pinky promise sa akin at inabot ako para bigyan ng isang mainit at malambing na yakap. Ginantihan ko siya, ikinulong sa aking mga bisig at muling narinig ang kanyang hikbi kasunod ang pagbaon nang kanyang mukha sa aking leeg.
“Shhh, stop crying na.” Pagpapatahan ko pero mas lalo siyang umiyak.
Hindi na ako muling nagsalita, hinayaan siyang ilabas lahat ng kanyang luha hanggang sa tuluyan itong tumahimik at nakatulog. Binigyan ko siya ng matamis na halik bago pumasok sa loob ng bahay at umakyat para ihatid ito sa kanyang kwarto.
“Hon?” Napalingon ako nang marinig ang tinig ni Ines habang paakyat na sana ako ng hagdanan.
Gulat ang ekspresyon niya nang makita ang anak na nakatulog sa bisig ko. “Did she cry?” Tanong niya habang lumapit sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi at mata. “Did you cry? Did she fight with you again?" Dagdag niya.
Mabilis akong umiling. “No, nag-usap lang kami at may mga bagay kaming pinag-usapan. Don’t worry, magiging maayos din ang lahat sa pagitan namin.” Sagot ko sa kanya, “How’s work, wifey?” Malambing kong tanong at humalik sa kanyang labi.
“I’m tired,” sagot niya, halata nga sa tono.
Tumango ako at nginitian siya. “Akyat na tayo para makapagpahinga kayo.” Sabi ko at hinawakan siya sa kamay.
Sabay kaming umakyat upang ihatid si Wen sa kanyang kwarto, katabi lang pala nito ang kwarto ni Wayne. Hindi na ako pumasok at hinayaan si Ines na ipasok ang anak sa loob. Naghintay ako at makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya.
"Hey, why are you still here? Aren't you going to sleep yet?" Tanong ni Ines.
Nahihiya akong kinamot ang kilay. "Hindi ko alam kung saan ang kwarto ko, kay Amour daw 'yung tinulugan ko kagabi. Sa sala lang ako natulog last night kasi lumabas ako no’ng dumating siya." Mahirap man aminin, pero nilunok ko pa rin ito dahil ayokong matulog sa sala ulit.
"Amour? But that's your..." saglit siyang tumigil at pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya. "You can sleep in my room. How's that? Do you want to sleep beside me?" Aya niya, na may kasabay na taas ng mga kilay.
Bigla akong nakaramdam ng kaba— o excitement sa loob ko. “Gusto ko.” Sagot ko ng diretso.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad hanggang sa nakapasok kami sa kanyang kwarto. Amoy na amoy ko agad ang bango at kalinisan ng kanyang kwarto nang pumasok kami, halatang ayaw niya ng kalat. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at tiningnan siya. Dumiretso siya sa banyo, marahil para maligo. Nagpatuloy ako at napansin ko ang isang litrato sa mesa na agad nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti.
“She’s so pretty. Kailan to? Base sa kanyang suot— high school days?” Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato.
“Walang pinagbago, maganda pa rin hanggang ngayon.” Matamis kong wika.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera upang kunan ng litrato, ngunit bago ko pa magawa ‘yun ay may mga braso na yumakap sa katawan ko mula sa likuran.
"Am I that pretty that you'd secretly take a picture of me?" Panunukso ni Ines.
Kaagad akong tumango. “Yes, so pretty at gusto ko sana hingin kaso baka isa lang.” Sagot ko.
"You can keep that photo, put it in your wallet." Bulong niya bago dampian ng mainit na halik ang leeg ko.
“Ayos lang ba?” Tanong ko, naramdaman ang kanyang pagtango kaya matamis akong napangiti.
“Okay, I will.” Sagot ko, muling pinagmasdan ang kanyang litrato bago inilagay sa wallet ko.
“By the way, tapos ko na asikasuhin ang pag-transfer mo at pwede ka na magsimula bukas.” Balita niya.
Lumawak ang ngiti sa aking labi at humarap sa kanya. “Really?” Excited kong tanong.
Mas idiniin niya ang sarili sa akin at pinulupot ang mga braso sa aking leeg. "Yes, hon, and I'll be your partner." Mas lumawak pa ang ngiti sa aking labi matapos malaman ‘yun.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, puno ito ng pagmamahal at pananabik, bumaba ang tingin ko sa kanyang labi… napalunok ako sa sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
“Hon?” Tawag niya, pakiramdam ko may sumabog sa dibdib ko.
Parang lahat ng pagpipigil ko, lahat ng pagtitiis at kontrol ko sa sarili ay tuluyang sumabog. Malambing kong hinaplos ang kanyang pisngi bago dahan-dahang dumaan ang aking isang daliri sa kanyang labi.
“M-May I kiss you?” Napalunok ako sa naging tanong ko, bigla akong nanginig lalo na ang boses ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. “It's yours… my body is all yours.” Napasinghap ako sa bigla niyang pagsakop sa aking labi, hindi marahas, hindi rin mapusok. Isa itong halik na puno ng pagmamahal at pag-iingat.
Ang bawat segundo ng halik na ‘yun ay tila huminto ang oras. Ang init ng kanyang mga labi ay nagbigay ng isang malalim na kaligayahan sa aking puso. Lahat ng kaba, takot, at mga tanong ko sa sarili ay nawala—napalitan ng isang pakiramdam ng pag-aari at pagmamahal. Nang maghiwalay ang aming mga labi, tinitigan ko siya at nakita ko sa kanyang mga mata ang parehong damdamin na nararamdaman ko.
“Wifey...” mahina kong sambit, ang puso ko ay patuloy na tumitibok nang mabilis.
Inilapit niya ang kanyang noo sa akin, ang mga kamay niya ay patuloy na humahaplos sa aking likod. “I love you,” bulong niya, ang mga salitang ‘yun ay parang musika sa aking pandinig.
Ngumiti ako, iniwas ang mga mata ko dahil sa hiya at bahagyang tumango. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko. Ang pagmamahal ko sa kanya ay mas malalim pa kaysa sa mga salitang kayang ipinrating.
Muli kong sinakop ang kanyang labi, una’y marahan at maingat, ngunit unti-unti ay naging mas mapusok ang aming halikan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko, ang puso ko’y puno ng kaligayahan, ngunit may takot din na nararamdaman. Gusto ko sanang magpatuloy ito, na sana’y hindi magwakas, ngunit alam ko rin na darating ang araw na kailangan ko ring bitawan sila. Gusto kong sulitin ang bawat sandali, ipadama ang buong puso ko sa kanila, at angkinin sila na parang akin din. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, ngunit sana’y hindi ako kamuhian ni Rhea sa lahat ng gagawin ko.
Dahan-dahan kong binuhat si Ines, at agad niyang ipinulupot ang kanyang mga braso at binti sa aking katawan, hindi pa rin pinuputol ang aming halikan. Dahan-dahan ko siyang dinala sa kama, ibinaba siya at pansamantala akong huminto, pinagmamasdan siya ng may malalim na damdamin.
Ang mga mata ni Ines ay puno ng pagmamahal, ang bawat detalye ng kanyang mukha ay nagbigay sa akin ng kaligayahan at takot. Takot na baka isang araw ay mawala siya, takot na hindi ko siya kayang ingatan. Pero sa mga sandaling ito, ang takot na ‘yun ay nawala. Ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya ang tanging bagay na mas nangingibabaw sa aking puso.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi, at nagdikit muli ang aming mga labi. Mas malalim, mas puno ng damdamin. Ang bawat galaw ay may kasamang pangako na hindi ko siya iiwan, na ang mga sandaling ito ay itatangi ko habang buhay.
“I love you, Ines,” bulong ko sa kanya nang maghiwalay kami at ang boses ko ay puno ng pagnanasa.
Ngumiti si Ines, nag-angat ng kanyang kamay at inayos ang buhok ko sa likod ng aking tenga. “Red, you don't have to worry. I am your wife, so do whatever you want with me.” She's so gentle at ang mga salitang ‘yun ay nagsilbing gamot sa aking mga pangamba.
"A-Alright." Malambing kong bulong bago naghubad ng damit sa harapan niya.
Una kong hinubad ang suot kong shirt at habang ginagawa ko ‘yun ay ramdam ko ang mainit niyang palad na humaplos sa aking tiyan. Bawat mainit na haplos ni Ines ay pakiramdam ko nakukuryente ang buo kong katawan.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa aking mukha, kasunod ang pagdila ko sa kanyang palad paakyat sa kanyang daliri at maingat itong kinagat.
“This time, I'll be gentle with you.” Maakit kong bulong kasabay ang malagkit kong pagtitig sa kanya at nakita ang pilit niyang paglunok.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at muling sinakop ang kanyang labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip