Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 57

inkbyseki


-

“Hey, are you ready?”

Napalingon ako sa babaeng nagsalita—si Azalea, na ngayon ay papasok na sa kwarto ko.

Tipid akong ngumiti at tumango bago muling hinarap ang malaking salamin. Espesyal ang araw na ito para sa akin. Ngayong araw ko muling haharapin ang ina at kapatid kong matagal ko nang tinalikuran. Sa totoo lang, sobrang kabado ako. Hindi dahil sa maaaring reaksyon ng mama ko, kundi dahil sa posibilidad na hindi ako mapatawad ni Lilith sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.

“Love, what’s the matter? You seem lost in your thoughts.” Pukaw ni Azalea habang marahang yumakap mula sa aking likuran.

Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. “Medyo kabado lang… baka hindi ako kausapin ni Lilith.” Tapat kong sagot.

Napabuntong-hininga siya bago inayos ang kwelyo ng suot kong polo. “Don’t let fear take over. I’m sure Lilith will understand. You did what you had to do, and I know how much you regret it. I believe in you, and I know you have the courage to face this.” Malambing niyang wika sabay tapik sa aking pisngi.

Ngumiti ako, ramdam ang kaunting gaan sa dibdib. “Thank you. Ready na ba ang lahat?” tanong ko. Hindi lang ako ang aalis ngayon… kami—kasama ko ang mga asawa ko at ang mga anak namin.

“I still need to dress Wreen, so step out once you’re done.” Sagot ni Azalea.

“Okay, boss,” tugon ko sabay halik sa labi niya.

Pagkaalis ni Aza, si Emilie naman ang pumasok sa kwarto. Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa at hindi napigilang matawa ng mahina. “Sexy mo naman, ako ba pinapagandahan mo o si Amour?” Biro ko habang hinatak siya papalapit at niyakap.

“Both,” sagot niya sabay mahinhin na tawa.

“Bakit ang tagal mo? Hinahanap ka na ni Wryn.” Tanong niya habang nakatitig sa akin.

“Tapos na nga oh,” sagot ko saka yumuko at humalik sa pisngi niya. “Nasaan siya?”

“Nasa living room na sila,” tugon niya habang hinahaplos ang ulo ko. Bumaba ang mga labi ko sa kanyang leeg.

“Emilya, pa one round—”

“No.”

Pareho kaming napatigil at napalingon sa pinto. Nakatayo doon si Amour, nakataas ang isang kilay.

“Oh, no wonder I couldn’t find you—you’re in darling’s room? And you still have plans even though we’re about to leave?” Mataray niyang sabi saka hinatak ako palayo kay Emilie at yumakap sa akin nang mahigpit.

Mahina akong natawa, naalala ko ang madalas nilang bangayan noon—at hanggang ngayon, walang pinagbago.

“I was just kidding,” natatawang sabi ko. “Sexy nyo naman pareho… gusto nyo threesome tayo?” Sabay silang natahimik. At ako? Napahagalpak sa tawa dahil sa reaksyon nila.

Hinawakan ko ang mga kamay nila. “Taralets, mamaya na kayo mag lambingan.” Sabi ko na ikinataas ng mga kilay nila, lambingan kasi nila ang magbangayan.

Bumaba kami at naabutan namin ang mga bata na nagtatakbuhan sa sala at sina Ines naman ay nakaupo, hinihintay ang pagdating namin.

“Mama!” Sabay-sabay na sigaw ng tatlo habang tumatakbo papunta sa akin, maliban kay Wen na nakasimangot pa rin—nagtatampo dahil sa pagpalo ko sa kanya.

“Are we leaving na po ba?” Tanong ni Wayne habang nagpapakarga. Mabilis akong tumango at agad ko siyang binuhat bago yumuko para silipin ang dalawa ko pang munting itlog.

“Excited na kayo?” Tanong ko sa kanila.

“Yes! Finally, we get to play with Tita Lilith again!” Masiglang sagot ni Wryn habang si Wreen naman ay tumango na may ngiting pilit sa labi.

Napatingin ako kay Wen. Nakaupo siya sa tabi ng kanyang ina, nakabusangot at tahimik lang. “Wait lang, baby,” bulong ko kay Wayne bago siya ibinaba at nilapitan ang batang nagtatampo.

“Hey, hindi mo pa rin ba ako kakausapin?” Tanong ko habang nakaluhod sa harapan niya.

“Hmp!” Sabay iwas ng ulo niya.

Napakamot ako sa ulo at tumingin kay Ines. “Bebelabs, si Wen ayaw pa rin akong pansinin.” Sumbong ko, pero tinaasan lang niya ako ng kilay—ibig sabihin ay bahala ako sa buhay ko.

“Sige, wag kang hihingi ng ice cream sa akin, ha?” Banta ko kay Wen bago ko muling binalingan ang tatlo. “Tara na, kayo na lang ang bibilhan ko ng—”

“I hate you! I want to eat ice cream too!” Biglang sigaw ni Wen na halos nagpabingi sa amin sa tinis ng boses niya.

Napatawa ako nang makita kong naiiyak na siya. Umiling ako habang nilalambing siya, saka marahang kinarga. “Okay, okay. Stop sulking, para may ice cream ka rin.” Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Pinalobo niya ang mga pisngi pero yumakap din sa akin. Nang makuha ko na siya, agad kong hinawakan ang kamay ni Wayne.

“Alis na tayo.” Sabi ko sa lahat at nauna akong maglakad palabas ng bahay kasama ang mga bata, habang ang mommies naman ay tahimik na nakasunod mula sa likuran.

Paglabas namin ng bahay ay agad na sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga anak kong nagsisigawan sa tuwa, tila ba may field trip lang. Si Wryn at Wayne ay sabay na nagtatakbuhan habang si Wen naman ay nakayakap pa rin sa akin, mahigpit—parang ayaw pang bumaba.

“Babe, nakalagay na ang mga gamit sa van.” Ani Emilie habang nilalapitan ako.

“Great, salamat.” Sagot ko bago tumango at binalingan ang mga mommies na ngayo’y abala sa mga bata.

“What’s this, family road trip?” Biro ni Amour habang may bitbit na malaking tote bag.

“Reunion. Harapan. Posibleng drama,” sagot ko na may bahid ng kaba. Tumingin ako kay Azalea na marahang tumango—parang sinasabi niyang kakayanin ko ‘to.

Sumakay kami sa van. Sa loob, tila mini-playground na naman. May mga toys, snacks, at cartoons na agad pinanood ng mga bata. Tahimik lang ang mga mommies sa kanya-kanyang pwesto, habang ako naman ay nakatingin sa labas, malayo ang iniisip.

“Hey,” bulong ni Aza at pinisil ang kamay ko. “No matter what happens later, we’ll be right here.”

Ngumiti ako, may bigat pa rin sa dibdib pero ngayon ay may kaunting gaan. Hindi ko alam kung ano’ng mangyayari pagdating namin, pero isang bagay ang sigurado—haharapin ko ‘to kasama sila.

Mahaba ang biyahe, umabot ng halos dalawang oras bago ko natanaw ang malaking gate. Nasa labas pa lang kami, pero kitang-kita ko na agad ang napakalaki at napakalawak na bahay. Habang unti-unting pumapasok ang sasakyan sa loob, pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok at lakas ng kaba.

Napalingon ako kay Azalea nang hawakan niya ang kamay ko. “It's okay, calm down.” Mahinahon niyang bulong.

Tipid akong ngumiti, saka huminga ng malalim. Unti-unti ring kumalma ang panginginig ng katawan ko, kasabay ng paglapit namin sa mismong bahay. Huminto ang sasakyan at isa-isang bumaba ang mga anak ko kasunod ang mga asawa ko at panghuli ako. Mabilis kong inilibot ang paningin sa paligid, pilit hinahanap ang pamilyar na presensya. Hanggang sa marinig ko ang tila sabay-sabay na tilian at sigawan ng tuwa ng mga anak ko. Napalingon ako sa direksyong ‘yun… at nakita ko siya—si Lilith.

Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko. Natigilan ako, natulala. Ang laki na niya. Ang ganda ng kapatid ko.

“Tama nga si Kris… sobrang ganda ng kapatid ko,” mahina kong bulong sa sarili, habang tahimik na pinagmamasdan ang mga bata na masayang nakapalibot sa tita nilang ngayon lang nila ulit nakita.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Lilith. Sa ilang segundong ‘yun, para akong bumalik sa nakaraan—sa araw na iniwan ko siya, sa lahat ng sakit, galit, at pangungulila. Nakita ko kung paanong biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa masayang ngiti, unti-unting naging blangko… malamig. Tahimik siyang lumapit. Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin, kung dapat ba akong humingi agad ng tawad o yayakapin siya. Ngunit bago pa man ako makakilos, huminto siya sa harap ko. Wala pa ring salita, pero dama ko na ang bigat ng kanyang titig.

“Hi,” mahina kong bati, halos pabulong.

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin ng matagal. Hanggang sa bigla niyang ibinaling ang tingin sa mga bata, saka muling ngumiti na parang walang ako sa harap niya.

“Wen, Wryn, Wayne, Wreen… gusto niyo ba ng sorbetes?” Masiglang alok niya sa mga bata.

“Yay!” Sigawan ng apat.

“Let's go,” yaya niya sa mga bata, sabay bitbit kay Wryn at hinawakan sa kamay ang iba.

Nanatili akong nakatayo, nakatingin sa likod ni Lilith habang palayo siya kasama ang mga anak ko. Wala man lang yakap. Wala man lang ‘kumusta.’

Tumabi sa akin si Emilie at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “Give her time… she’ll come around,” bulong niya. Tumango lang ako. Wala na akong ibang magagawa kundi hintayin. Ito ang unang hakbang at sana, hindi ito ang huli.

Tahimik lang akong nakatanaw habang papalayo si Lilith kasama ang mga anak ko. Parang kinuyom ang puso ko sa bigat, yung ngiti niya para sa kanila, kung gaano siya kalambing sa mga bata, pero walang ni isang patak ng lambing na ibinigay sa akin. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko rin alam kung kaya ko pang humingi ng tawad na sapat para sa lahat ng sakit na iniwan ko.

Lumapit si Azalea at marahang pinatong ang kamay sa balikat ko. “Then take it slow. We're here.” Bulong niya saka ako niyakap ng marahan.

Bago pa kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay may sumalubong sa amin, isang may edad at isang magandang babae. Ang mama ko, suot ang eleganteng puting bestida, pero may seryosong tingin sa mga mata. Natigilan ako at agad na napako ang tingin ko sa kanya.

“Ma…” mahina kong bati.

“Anak,” tugon niya, malambing ang kanyang pagsalubong sa akin at niyakap ng mabilis. “Bumalik ka na.” Nanginginig niyang salita.

Tumango ako at tipid ngumiti. “Oo, Ma. Kasama ko na silang lahat.”

“Marami tayong kailangang pag-usapan.” Bulong niya.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi lang ito simpleng pagbisita. Ito ay pagbabalik. Isa-isa ko silang binalikan, at ngayon, kailangan ko ring harapin ang mga sugat na iniwan ko.

“Handa na ako, Ma,” sagot ko.

Kumalas siya mula sa akin at binalingan si Fleur, ang anak niya, na tahimik na nakatayo at nakatingin sa akin. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng bata at hinila ito palapit. Tumango ako sa mga asawa ko na nakatingin lang sa amin, ngumiti sila at saka nagpaalam na papasok muna sa loob ng bahay upang bigyan kami ng oras na makapag-usap.

“Rhea,” panimula ng ina ko, bakas sa mukha niya ang matagal nang pinipigilang emosyon, “alam kong marami akong kasalanan at pagkukulang bilang ina. Patawarin mo ako kung iniwan kita sa ama mo. Naging duwag ako, naging walang kwentang ina dahil tinakbuhan ko kayo. Iniwan ko kayo sa isang taong alam kong mapanakit.”

Napakagat siya ng labi, pinipigilan ang pagtulo ng luha. “Maniwala ka man o sa hindi ay araw-araw ko kayong iniisip ni Lilith. Araw-araw kong dinadasal ang kaligtasan ninyong dalawa.”

Tumulo na ang luha niya, pero nagpatuloy siya. “Hinanap ko kayo, pero huli na nang bumalik ako—wala na kayo. Hanggang sa makilala ko ang ama ni Fleur. Kinupkop niya ako, inalagaan, minahal. Hindi niya ako kailanman sinaktan. Tinanggap niya ako ng buo, kahit wala akong maipagmamalaki. Nahulog ako sa kanya… nagmahalan kami at nagpakasal.”

Bahagya niyang hinaplos ang buhok ni Fleur. “Hindi ko itinago ang tungkol sa inyo. Inamin ko na may dalawa akong anak na iniwan at kailangang hanapin. Nangako siya na tutulungan niya akong hanapin kayo, at mamahalin kayo bilang sarili niyang mga anak.”

Huminga siya ng malalim, at sa wakas ay tiningnan ako ng diretso sa mga mata. “I'm sorry, anak. Ginawa ko ang lahat para mahanap kayong muli—para humingi ng tawad, para sana humiling ng isa pang pagkakataon. Alam kong hindi ako karapat-dapat, pero sana… sana bigyan mo ako ng isang pagkakataon na itama ang mga mali ko. Kayong dalawa ni Lilith, kayo ang hindi ko kayang kalimutan.” At doon, tuluyan nang bumuhos ang mga luha ng mama ko, hindi bilang isang ina na matatag, kundi isang taong matagal nang nagdadala ng bigat ng nakaraan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ‘yun. Parang may kumakalmot sa loob ng dibdib ko, na para bang lahat ng sakit at pangungulila ko ay biglang nabuhay. Gusto kong magalit, gusto kong sigawan siya, gusto kong sabihin sa kanya kung gaano kasakit ang mga taon na lumipas na wala siya. Pero sa likod ng lahat ng ‘yun… anak pa rin ako. Tahimik kong tiningnan si Mama habang patuloy ang pag-agos ng luha niya. Tahimik lang si Fleur, hawak-hawak pa rin ang kamay ng ina namin at pilit na inuunawa ang mga nangyayari.

“Ma…” mahina kong sambit. “Alam mo ba kung ilang beses kong inisip kung buhay ka pa? Kung nasaan ka? Kung may balak ka bang balikan kami?” Malungkot kong tanong at napatingin siya sa akin habang nanginginig ang labi.

“Akala ko galit ako. Akala ko, kapag humarap ka sa akin, masasabi ko lahat ng sakit na iniwan mo. Pero ngayon, habang nakikita kitang ganyan… hindi ko alam. Parang ang gusto ko lang gawin, yakapin ka. Kasi kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang mama ko.” Tipid akong ngumiti. Niyakap ko siya. Mahigpit. Mainit. Buong-buo.

“I’m so sorry, anak…” bulong niya habang yakap niya ako, halos di makahinga sa paghikbi.

“I’m not saying I forgive you completely, Ma. Pero… maybe this is a start.” Sagot ko habang pinipilit kong pigilan ang sariling luha.

Nandito ako para ayusin ang relasyon ko sa kanila, hindi para isumbat lahat sa kanya ang mga paghihirap namin ng kapatid ko. Siguro, ito talaga ang nakatadhana sa amin at tanggap ko na ‘yun. Bahagya akong lumayo saka tiningnan si Fleur at ngumiti.

“Hi, Fleur. I'm back.” Sabi ko at hindi inialis ang ngiti sa aking labi.

“Right, welcome back.” Malamig niyang sagot, akala ko ‘yun na pero ilang segundo pa ay nakita ko ang matamis niyang ngiti bago humakbang palapit sa akin at yumakap. Kahit pa masakit ang nakaraan para sa akin, ngayon ay unti-unti na ring bumubukas ang pinto para sa bagong simula.

Narinig ko ang huling sinabi ni Mama habang nakangiti at tinatapik ang aking braso.

“Let’s go sa loob, miss na miss ko na ang mga apo ko. Ngayon lang ulit sila dumalaw dahil hindi pumayag si Ines hangga’t wala kang permiso,” aniya, punong-puno ng saya ang mukha.

Napataas ang kilay ko sa narinig.
“Talaga?” Tanong ko at medyo nagulat.

Tumango siya. “I’m so happy and so thankful sa mga asawa mo. Hindi ka nila pinabayaan, at kitang-kita ko kung gaano ka nila kamahal. Masaya ako para sayo, anak… at salamat sa mga biyayang ibinigay mo—may mga apo na ako.” Ngumiti ako pero napalingon ako kay Fleur nang biglang itong tingnan ni Mama.

“Unlike Fleur, mukhang wala pa siyang balak mag-asawa at bigyan ako ng apo. Kailan mo ba ipapakilala sa amin si Eunice?” Dagdag pa ni Mama na may bahid ng biro sa tinig.

Napailing lang si Fleur, habang ako nama’y bahagyang kumunot ang noo. Eunice? Sobrang pamilyar ng pangalan. Parang dati ko na siyang kilala… pero hindi naman siguro iisa? Marami namang may pangalang Eunice sa mundo, diba?

“Soon,” tipid na sagot ni Fleur bago siya tumalikod, lumayo at tila may tinawagan sa cellphone.

“Pambihirang bata, mahilig magtago ng sikreto,” natatawang bulong ni Mama bago muling bumaling sa akin. “Tara na sa loob.”

Pumasok kami sa bahay. Maingay sa loob dahil sa mga anak kong naghahabulan, halakhakan dito, sigawan doon. Pero ang mga mata ko ay abala sa paghahanap kay Lilith. Wala siya sa sala, kusina, o kahit sa malapit sa mga bata. Napansin yata ni Mama ang paminsan-minsan kong pagsulyap sa paligid kaya tinapik niya ako.

“If you’re looking for Lilith, puntahan mo siya sa music room niya. Malamang nando’n ‘yun ngayon.” Bulong niya saka itinuro ang direksyon papunta roon. Tumango ako, huminga ng malalim… at nagsimulang maglakad.

Habang papalapit ako sa music room, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, sa hiya, o sa matinding pananabik na muling makita at makausap ang kapatid kong matagal kong tinalikuran. Huminto ako sa tapat ng pinto. Sa likod nito, naroon si Lilith. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay at kumatok nang marahan. Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang isang pamilyar na boses.

“Come in.” Mahinang sagot mula sa loob.

Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang likod ni Lilith. Nakaupo siya sa harap ng isang grand piano, banayad na tinutugtog ang isang piraso na tila sumasalamin sa katahimikan at sakit na nararamdaman niya. Hindi siya lumingon, patuloy lang sa pagtipa ng mga nota.

“Lilith…” Mahina kong tawag.

Tumigil siya. Nanatiling tahimik ang buong silid habang nakatalikod siyang nakaupo. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o aantayin ko siyang kumilos. Maya-maya’y bumaling siya sa akin. Matagal niya akong tinitigan, parang sinusuri kung ako nga ba talaga ‘to. Wala akong masabi, napako lang ang tingin ko sa kanya.

“Matagal kitang hinintay,” mahinang bulong niya at puno ng emosyon ang mukha.

Doon ako napaiyak. Wala nang kahit anong salitang kayang tumumbas sa sakit at pagsisising matagal kong kinimkim. Humakbang ako palapit sa kanya, nanginginig.

“Patawad, Lilith… patawad sa lahat.”

Tumayo siya, tumitig sa akin, at sa loob ng ilang segundo… yumakap. Mahigpit. Walang tanong. Walang sermon. Puro damdaming naipon sa mga taon ng pagkakawalay.

“I missed you, ate.”

“I missed you more.”

Kumalma ako sandali bago tumayo mula sa tabi ni Lilith. Tinitigan ko ang kapatid kong kay tagal kong hindi nakita. Hindi ko mapigilan ang damdamin kong sumisigaw ng saya at pagsisisi.

“Ang laki mo na… ang ganda mo, Lilith. Hindi ko na halos makilala.” Mahina kong sabi.

Napangiti siya at napailing. “Gano’n talaga kapag iniwan, napipilitang lumaki.”

Napayuko ako. Alam kong kahit biro ‘yun, may laman. “Alam kong huli na ang lahat para magsisi, pero gusto ko pa ring humingi ng tawad. Hindi ko pinili ‘yun… pero naging duwag ako, at pinili ang lumayo. I'm sorry, Lith, patawarin mo si Ate.”

Tahimik lang siya. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. “Akala ko noon, wala na akong kapatid. Na wala nang babalik. Pero heto ka. At kahit anong sakit ang pinagdadaanan ko dati, gusto ko pa rin... gusto ko pa ring ayusin kung anong meron tayo kasi ate kita. Alam ko ate, walang-wala ang sakit ko kumpara sa pinagdaanan mo.”

Napatingin ako sa kanya at nangingilid na ang luha ko. “No, mas mahalaga ang nararamdaman mo. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon.”

“Wag mo ko iyakan d’yan,” biro niya habang kinukuha ang tissue. “May make-up ako.”

Sabay kaming natawa, at sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, naramdaman ko na parang wala ring nagbago. Kaming dalawa pa rin — magkapatid, magkaibigan, magkasama.

“Babawi si ate ha? Salamat, Lith, akala ko kakamuhian mo ako at hindi na kakausapin… natakot ako kanina.” Sabi ko at muli siyang niyakap. “Ang laki mo na, sobrang ganda, nagdadalaga ka na at balita ko may gusto sayo si Savannah.” Dagdag ko.

“Savannah? Oh my God! Paano mo nalaman ‘yun, ate? Hahaha! You know what? She's hilarious, as in for real! The other day, sumugod siya sa classroom ko tapos sinuntok ‘yung lalaking nangungulit sa akin. Napaisip tuloy ako kung saan kaya siya nagmana sa pananakit? Hindi naman gano’n si Mama Kris niya, diba?”

Napataas ang kilay ko sabay napabuga ng tawa. Nakakagulat, pero ang mas nakakatuwa ay ‘yung kislap ng mga mata niya habang binabanggit si Savvy. Halatang aliw na aliw siya rito.

“Do you like Savvy?” Tanong ko sabay ngiti.

Napakunot siya ng noo sabay taas ng isang kilay. “Of course! Sino ba namang hindi? I like playing with her, ang dali pa niyang kausap. Madali ko siyang napapasunod sa gusto ko.” Napaisip ako. May kung anong something sa sinabi niya, hindi ko mawari kung normal lang ba ‘yun o may kakaibang ibig sabihin.

“Let's not talk about her na, ate. Tara na nga at gusto ko na makalaro ang mga pamangkin.”

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod, kahit hindi pa rin mawala ang kunot sa noo ko. Hindi ko alam kung may mali ba sa narinig ko… o baka ako lang talaga ang nag-iisip ng kung anu-ano. Hinila ako ni Lilith pabalik sa living room, pero pagdating namin doon ay sinabi ng isang kasambahay na nasa likod ng malaking bahay ang mga kasama namin. Agad kaming nagtungo roon at laking gulat ko nang bumungad ang napakaraming tao, mga bisitang hindi ko kilala, may mga pagkain sa mesa, dekorasyon, at masayang musika sa background.

“What’s this? May party?” Tanong ko habang nakatingin sa paligid saka binalingan si Mama.

Ngumiti siya at tinawag ako palapit. “Rhea, halika rito.” Hinatak ulit ako ni Lilith papunta sa aming ina.

“I’d like to introduce to everyone, my daughter who finally came back home—ang kapatid ng bunso ko… si Rhea.” Masiglang pagpapakilala ni Mama habang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Napalinga-linga ako, medyo naiilang, hanggang sa mapansin ko ang isang pamilyar na mukha… ang best friend ko, naroon kasama ang kanyang pamilya. Nag-excuse ako agad kay Mama at mukhang may balak pa siyang magsimula ng speech at ayaw ko namang maging sentro sa lahat ng atensyon.

“Uy, Kris!” Tawag ko agad.

“Rhea!” Masayang sigaw niya pabalik habang mabilis namin sinalubong ang isat-isa at nagyakapan.

“Loko kayo, hindi niyo man lang sinabi na may pa-welcome party ako.” Natatawa kong sabi.

“Surprise nga, diba?” Sagot niya sabay iling.

Natawa na lang ako at umiling. “Oo nga, hindi talaga nawawala yang paandar nyo.”

“Pero in fairness, ang daming tao ah,” dagdag ko habang pinagmamasdan ang paligid, may mga kakanta-kanta pa sa videoke, mga batang naghahabulan, at ilang bisitang mukhang kilala ang mga asawa ko dahil kinakausap nila ang mga ito.

“Alam mo ba? Halos isang linggo na rin nilang pinaplano ‘to. Lahat sila excited. Lalo na si Mama mo, halos araw-araw akong kinukulit kung confirmed na raw ang pagdating niyo.” Kwento ni Kris habang tinuturo ang buffet table.

“Grabe no, ang tagal ko talagang nawala. Ang weird ng feeling na andito na ako ulit.” Mahinang sambit ko, ramdam ko ang init ng pagtanggap pero may bahagi pa rin sa akin na parang nangangapa.

“Hindi weird yan. You’re home, Rhea. That’s the point.” Ngumiti si Kris sabay tapik sa balikat ko. “O siya, bago pa tayo mag-emote diyan, gusto mo ba kumain muna? Or gusto mo ng drinks?”

“Actually, both.” Natatawa kong sagot.

“Sige, tara, samahan kita. At habang kumakain tayo, kukuwentuhan mo ako.”  Excited niyang sambit.

“Okay, pero warning lang baka abutin tayo ng bukas.” Tumawa kami pareho habang papunta sa lamesa, sabay baling ko saglit kay Lilith na abala na ngayon kay Savannah.

Habang naglalakad kami ni Kris papunta sa buffet table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang paligid—lahat masaya, parang walang mabigat na nangyari sa nakaraan. Tila ba unti-unting binubura ng kasalukuyan ang pait ng kahapon.

“Uy, ayan ang paborito mong sinigang,” sabay turo ni Kris na parang bata pa rin kung makapagpili ng ulam.

“Walang kupas,” natatawa kong sagot habang kumukuha ng pagkain. “Alam mo, ngayon lang ulit ako nakakaramdam ng ganito—yung… buo.”

Napatingin siya sa akin, ngumiti, at marahang tumango. “Dahil buo ka na ulit, Rhea. Hindi lang dahil andito ka, kundi dahil pinili mong bumalik. At kahit ano pa ang naging dahilan ng pagkawala mo, mas mahalaga ‘yung nandito ka na ulit.”

Sandaling natahimik kami. Naramdaman ko ang pagbagsak ng bigat sa balikat ko, pero kasabay no’n ang pag-angat ng puso ko. Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita.

“Marami pa akong kailangang harapin. Si Lilith pa lang, parang gusto ko nang maiyak kapag naiisip ko kung paano ko siya iniwan.”

“Then start slow. Hindi kailangan sabay-sabay. Nandito naman kaming lahat. Isa-isa mong buuin ang lahat. At habang ginagawa mo yan, nandito kami para sayo.” Sagot ni Kris habang inaabot ang baso ng juice sa akin.

Ngumiti ako, bakas sa mukha ang pag-asa. “Salamat, Kris. Salamat talaga.”

“Anytime, Rhea. Now, kain na tayo bago pa tayo guluhin ng mga anak natin.”

Nagtungo kami sa mesa kung saan nakaupo ang aming mga asawa. Walang kupas—ang gaganda pa rin nila. Tatabi sana ako kay bebelabs, pero nang makita ko ang ngiti ni Aza sa kanya muna ako tumabi.

“Welcome back, Rhea,” bati ng lahat sabay ngiti.

Inilibot ko ang paningin sa kanila at bahagyang nailang. Nasa akin kasi ang buong atensyon.
“Salamat? Pero wag nyo akong tingnan nang ganyan. Mag-usap nalang kayo, naiilang ako sa mga mata niyong parang X-ray,” biro ko. Narinig kong nagtawanan rin ang ilan sa kanila.

“Ay, uy, Kris!” Tawag ko sa kaibigang nasa tapat ko, napapagitnaan nina Kate at Olivia. “Nakita ko pala si Bea.”

“What did you just say?” Bigla akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang malamig na boses ni Fleur.

“Ha?” Balik kong tanong.

“I said, sino ang nakita mo?” Tinitigan niya ako ng diretso at blangko ang ekspresyon.

“Si Bea… tropa namin ni Kris?” Sagot ko at bahagyang nagtataas ng mga kilay.

“Winterson?” Tanong niya ulit sa malamig na tono.

“Oo?”

“Bakit parang patanong mga sagot mo?” Sabat ni Kris, pero sinenyasan ko siyang manahimik.

“Where?” Muling tanong ni Fleur at mas naging seryoso na.

“Sa—”

“Hon.” Bigla akong tinawag ni Ines at tinaasan ako ng kilay. Saka ko naalala ang bilin ni Bea na wag ipagsabi kahit kanino kung nasaan siya.

“Ano… Bea Wonderland ang ibig kong sabihin! Diba, Kris? Uy, sumagot ka naman diyan!” Tinawag ko siya.

“Sabi mo manahimik ako? Ang gulo mo, Rhea,” kunot noo niyang sagot.

“Pastilan.” Bumuntong hininga ako sabay iling.

Bigla na lang umalis si Fleur. Wala rin naman akong kailangan sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya. Nagpatuloy ang gabi at nagkausap ulit kami ni Mama at gaya ng inaasahan ay negosyo agad ang ibinato niyang paksa.

Matapos noon, nakipaglaro kami ni Kris sa mga anak namin habang nanatili ang mga asawa sa mesa, nagkukwentuhan. Masaya, sobrang saya ko ngayong gabi. Ramdam ko sa sarili kong wala na akong hinahanap pa.

Palalim nang palalim ang gabi. Unti-unti ring nababawasan ang mga bisita hanggang sa kami na lang ng pamilya ko at pamilya ni Kris ang natira. Tulog na ang mga bata, at dito na rin kami magpapalipas ng gabi dahil halatang may tama na ang ilan—lalo na ang bestfriend kong si Kris na umatake na naman ang pagiging walang hiya kapag lasing.

Sa isang malaking mesa kami nagtipon, tuloy pa rin ang inuman, tawanan, at kwentuhan. Napatingin ako sa paligid, at hindi ko napigilang mapansin ang ilan… masarap sa mata ang mga kalandian nina Amour at Emilya.

“Baby, stop,” saway ni Kate kay Kris na ngayon ay nagsasayaw sa gitna na parang wala sa sarili.

“HAHAHAHAHAHAHA!” Halakhak ko, pero bigla akong nabilaukan sa iniinom kong alak. “H-Hapdi!” Reklamo ko habang inuubo.

Mabilis akong inabutan ng tubig ni Aza. “Thank you, baby,” bulong ko sabay halik sa pisngi niya.

“Too much. Hindi ka pa ba lasing?” Tanong niya.

Umiling ako. “Hindi pa. Pero yang kaibigan ko ay malakas na ang tama.” Sabay turo ko kay Kris na ngayo’y nakakandong na kay Kate, panay ang lambing.

Habang tuloy ang tawanan at inuman, unti-unti nang bumibigat ang hangin sa paligid… hindi dahil sa tensyon kundi dahil sa halakhakan na tila walang katapusan. May mga pa-chika na rin sa mesa, mga sikreto at tampisaw sa nakaraan, habang ang iba ay nagsisimula nang magpa-cute sa kani-kanilang katabi. Biglang tumayo si Kris, medyo namumungay ang mga mata at hawak pa rin ang baso ng alak.

“Ako naman! May sasabihin ako!” Sabay hampas sa mesa kaya halos mapasigaw kami sa gulat.

“Ay, Kris. Wag ka na.” Saway ko at umiling si Kate habang hinihila ito pabalik sa upuan.

Pero syempre, hindi nagpapigil ang lasing.

“Hindi! Gusto ko lang sabihin na… sobrang thankful ako sa gabing ‘to!” Tumigil siya saglit, ngumiti at parang naiiyak. “Kasi tingnan niyo naman oh, buo tayong lahat. Si Rhea, si Mama niya, si Fleur—kahit suplada. Tapos ‘yung mga anak natin ay magkakasundo. Tapos tayong mga asawa, tingnan mo naman... ang gaganda natin!”

“Tangena HAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Malakas kong tawa kasabay ang pagpadyak dahil ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa niya. Tawanan ulit. Pero sa likod ng mga tawa, ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.

“Alam niyo… kung noon sinabi nila sa amin ni Rhea na wala kaming mararating, tingnan niyo kami ngayon. We’ve built something beautiful. This—this is family.” Tumahimik ang lahat saglit. Lahat kami natahimik, parang nag-sink in ang bawat salitang binitawan ni Kris.

“Cheers,” sabay taas niya ng baso.

Sabay-sabay kaming nagtaas ng baso. “Cheers!”

At habang nagsasaya kami, hindi ko maiwasang mapatingin kay Fleur na tahimik lang sa isang sulok, hawak ang phone, nakakunot ang noo. May pinapadala yatang mensahe. Maya-maya ay tumayo siya at lumapit kay Mama. May ibinulong sabay yuko at nagpaalam.

Napatingin ako sa kanya habang papalayo at hinabol. “Where are you going?” Tanong ko.

“I need to do something.” Malamig niyang sagot. Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko ay bahagya siyang lumingon. Saglit lang iyon, pero sapat na para mag-iwan ng tanong sa isip ko.

Ano na naman kaya ‘yun?

Pabalik na sana ako nang mapansin ko si bebelabs na pumasok sa madilim na kubo. Sinundan ko siya at tahimik na pumasok. Doon, nadatnan ko siyang nakaupo habang minamasahe ang kanyang paa. Mukhang hindi niya ako napansin at malakas pa rin ang tugtugin mula sa labas. Tatawagin ko sana siya nang biglang may boses akong narinig sa loob ng isipan ko. Napalalim ang aking paghinga, bahagyang ngumiti, tumango, at ipinikit ang mga mata.

“Hon?” Tawag ni Ines.

Lumapit ako, lumuhod sa harap niya at marahang inagaw mula sa kanya ang kanyang paa. Sinimulan ko itong imasahe.

“Wifey,” malambing kong sabi sabay angat ng ulo para bigyan siya ng isang matamis na ngiti.

“How are you? I missed you.” Dagdag ko habang nakikita kong tila natigilan siya at nanlalaki ang mga mata.

“Red?” Gulat na tawag niya.

Mabilis akong tumango, yumuko at marahang hinalikan ang kanyang paa.

“Yes, it’s me.” Sagot ko bago muling tumayo at hinarap siya.

“Saglit lang ako. Humingi ako ng pabor kay Rhea kasi gusto kitang makausap,” paliwanag ko at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “Kumakain ka ba nang maayos? Look at yourself—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hatakin at halikan sa labi. Mainit, sabik, at puno ng damdamin ang kanyang halik. Kaagad ko ‘yun tinugunan. Matagal ko na siyang namimiss at ngayon ay para bang nalulunod ako sa dami ng damdaming muling bumalik.

“Lovey… I-I thought you were completely gone. I missed you so much.” Nanginginig niyang sabi nang maghiwalay ang aming mga labi.

Umiling ako, mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. “No. I’m still here. Hindi ko pala kayang iwanan kayo…” bulong ko sabay higpit ng yakap, yakap na para bang ayaw ko na siyang pakawalan kailanman.

“Are you tired, wifey?” malambing kong tanong.

Umiling siya at ngumiti. “I just need a little rest. But I’m happy now… because you’re happy.” Sagot niya na may lambing sa tinig.

Ibinaba ko ang mukha para magpantay ang aming mga mata saka ko siya binigyan ng malawak na ngiti. Marahan kong pinisil ang kanyang ilong.

“I’m happy to hear that. Tara na, bumalik na tayo at baka hinahanap na tayo sa loob. Hindi ako puwedeng magtagal ngayon, pero pinapangako ko, sa susunod ay mas mahaba ang oras na makakasama mo ako.” Sabi ko bago muling humalik sa kanyang labi.

“Alright, I’ll wait.” Sagot niya, kasunod ang sunod-sunod na halik sa aking labi.

“Yes, wait for me.” Bulong ko nang matamis saka ko ipinikit ang aking mga mata.

Pagmulat ko ay ang masayang mukha ni bebelabs ang unang bumungad sa akin.

“Bebelabs… miss na miss mo?” Malambing kong tanong habang nakatitig sa kanya.

Hindi siya sumagot, ngumiti lang at marahan akong hinawakan sa kamay. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak, saka niya ako marahang hinila palabas ng kubo. Hindi man niya sabihin, alam kong miss na miss niya si Red. Ramdam ko sa bawat kilos niya.

Masaya ako. Sobrang saya. At ang tanging hiling ko ngayon… sana magtuloy-tuloy na ang ganitong kasiyahan.

Salamat sa lahat ng biyaya, Papa J.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip