𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 56
-
Narito ako ngayon sa opisina ni Amour matapos ihatid ang mga bata sa eskwelahan. Isang linggo na ang lumipas mula nang muli akong bumalik sa katawan kong ito. Nakakatawa kasi hindi ko talaga planong bumalik, pero sa tindi ng bugso ng damdamin ni Red, tila napilitan akong gawin ito. Wala pa akong sinabi sa iba, maliban kay bebelabs—sinabihan ko siyang huwag muna ipaalam sa iba, gusto ko kasi silang sorpresahin.
Nakaupo ako sa swivel chair ni Amour habang siya naman ay nakatuwad, abala sa kung anuman ang hinahanap niya sa ilalim ng mesa. Napailing ako habang tinititigan ang suot niyang maikling skirt. Napakagat ako sa labi bago itinaas ang kamay at malakas na pinalo ang kanyang puwet.
Napasinghap si Amour, bahagyang napaungol sa gulat bago agad tumayo nang matuwid at tinitigan ako ng may pagtataka. Ilang saglit lang at isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Walang pasabi siyang kumandong sa akin, ipinalupot ang kanyang mga braso sa aking leeg.
“Damn, Darling, welcome back.”
Nanlaki ang mga mata ko bago ako tuluyang humagalpak ng tawa. “P-Pft! Iniisip ko palang nga kung paano sasabihin ay alam mo na kaagad! Paano?” Hindi ko mapigilang matawa nang malakas. Hindi ko inaasahan na gano’n lang niya ako kadaling mabubuko.
Ang mga daliri niya ay gumapang sa batok ko habang ang mga mata niya ay nanunukso.
“Of course, Red has never been rude to me, not even once. You know, she's the complete opposite of you— she's actually quite shy.” Pabulong niyang sabi bago dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha.
Napangisi ako, sinasabayan ang laro niya. “Oh? Anong binabalak mo?” Hindi siya sumagot, bagkus ay dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Pero bago pa ito magtagpo, biglang bumukas ang pinto ng opisina.
“Boss, nandito na po ‘yung mga—”
Natigilan ang assistant ni Amour sa eksenang naabutan niya. Nanlaki ang kanyang mga mata, halatang hindi alam kung magpapatuloy o magpapanggap na walang nakita. Agad akong natawa habang si Amour naman ay napairap bago bumaba mula sa pagkakakandong sa akin.
“My God, Jamie, ano na naman?!"
Namutla ang assistant bago ibinalik ang propesyonal niyang postura. “May mga bisita po kayo sa conference room, hinihintay kayo.”
Napabuntong-hininga si Amour bago lumingon sa akin. “Duty calls, darling.”
Ngumiti ako. “Go, handle your business. Huwag ka mag-alala, hindi na ako aalis.”
Napangiti siya, sinipat ako mula ulo hanggang paa bago lumapit ulit, mabilis akong hinalikan sa pisngi, at saka bumaling kay Jamie.
“Sige, let’s go.”
Habang palabas sila, hindi ko maiwasang mapangiti. Isang linggo pa lang akong bumalik, pero pakiramdam ko, para akong hindi nawala. Habang nakaupo ako sa swivel chair ni Amour, napailing na lang ako at natawa nang mahina.
“Gage, parang hindi ako nawala, ah.”
Gumalaw ang aking mga daliri sa armrest ng upuan habang pinag-iisipan ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganito kabilis ang pagtanggap nila sa pagbabalik ko. Alam kong may halong saya at gulat ang naramdaman ni Amour, pero hindi ko rin maalis sa isip ko kung paano kaya ito tatanggapin ng iba… lalo na at hindi nagpaalam si Red sa kanila.
Napatingala ako sa kisame, pilit na pinakikiramdaman ang presensya niya sa loob ko. Alam kong hindi pa siya tuluyang nawawala—narito pa rin siya, tahimik lang.
“Red…” Bulong ko sa sarili, pero walang sumagot.
Maya-maya pa, bumukas muli ang pinto at pumasok si Amour na nakabusangot ang mukha. Mabilis niyang ni-lock ang pinto at bumalik sa aking kandungan kasunod ang pag unzipped sa zipper ng suot ko na pantalon.
“Uy uy, anong ginagawa mo?”
“I'm so horny, darling. Fuck me.” Naubo ako at napatakip sa aking bibig pero mabilis din ‘yung inalis ni Amour at buong pagnanasa na sinakop ang aking labi.
Kaagad akong gumanti, itinaas ang maikli niyang skirt at bahagyang ibinaba ang panty. “Sure, kanina pa nga ako naghihintay sa signal mo.” Bulong ko sa pagitan ng aming mga labi.
Sa unang pagkakataon sa pagbabalik ko ay sa kanya pala ako unang bibigay. Well, sino ba naman ang aayaw kapag si Amour na? Lab na lab siya ng juntin ko at kahit tumayo lang siya d’yan ay kusa na itong tatayo. Sinunod ko lahat ng gusto niya, lahat ng mga ekspresyon na gusto kong makita ngayon ay ipinakita ni Amour— dahilan para mas maging agresibo ako sa kanya.
Na-miss ko ito, ang pagiging wild niya, ang pagiging open sa lahat lalo na pagdating sa sex life. Habang kinakabayo niya ako ay heto ako sa kanyang ibaba, nasasarapan at ginaganahan pa lalo sa kanyang ginagawa. Lahat ng sinabi ko ay sinunod ni Amour, lahat na ng sulok dito sa kanyang opisina ay sinakop namin ng paulit-ulit hanggang sa kinailangan na namin tumigil dahil may appointment siya.
Hindi na rin masama ang isang oras.
“Gigil ka naman masyado, pero ayos lang kasi ang sarap mo. Sulit na sulit ang isang oras hehe.” Tumatawang sabi ko habang binibihisan siya at kumindat.
“I'm sorry, darling, sa bahay nalang natin itutuloy mamaya okay? Sa kwarto mo ako matutulog.” Malandi niyang salita, mabilis akong ngumisi at nag thumbs up.
“Okay, tara. Ihahatid na kita bago ko sunduin si Aza,” sabi ko habang tumatayo mula sa aking upuan. Bigla siyang natigilan at tumitig sa akin, kaya naman napataas ako ng kilay.
“Aza? Not Ines?” Tanong niya, halatang may bahagyang pagtataka sa tono.
Napakunot ang noo ko. “Oo, bakit? After ko sunduin si Aza, dadaan ako sa istasyon para sunduin si bebelabs,” sagot ko at nagtatakang tinitingnan siya.
“Weird,” sagot niya, halatang nag-iisip ng malalim.
Mas lalo akong naguluhan. “Ha? Bakit? Ikaw nga itong weird, eh. Tara na nga at baka naiinip na ‘yung bisita mo.” Natatawa kong sagot bago ko siya hinawakan sa kamay at sabay kaming lumabas ng opisina.
Pagkatapos kong maihatid si Amour ay dumaan muna ako sa isang flower shop bago tumuloy sa kompanya ni Aza. Gusto ko siyang sorpresahin kaya pinili ko ang paborito niyang bulaklak. Habang naglalakad papasok sa gusali, hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing may bumabati sa akin, lalo na kapag tinatawag akong asawa ng boss nila.
Dala ang bouquet, binati ko ang sekretarya ni Aza bago dumiretso sa kanyang opisina. Maingat akong kumatok, pero dahil hindi agad sumagot, bahagya kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko, bumungad sa akin si Aza—nakasuot ng kanyang pang-opisinang uniporme, naka-salamin at sobrang tutok sa mga dokumentong hawak niya. Tila hindi niya napansin ang pagdating ko.
Napangiti ako bago muling kumatok, mas malakas ngayon. Doon lang siya napatingin sa akin at bahagyang nagulat bago mabilis na nag-relax ang kanyang ekspresyon.
“Hey, love,” bati ko habang inaabot ang bulaklak. “Miss mo na ba ako?”
Napakurap si Aza bago tuluyang ibinaba ang hawak niyang mga papel. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang tinatanggal ang salamin at itinabi ito sa mesa.
“What are you doing here?” Tanong niya pero halata sa kanyang boses ang kasabikang makita ako.
Nilapag ko ang bouquet sa kanyang mesa bago lumapit at marahang pinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. “Sinusundo na kita.” Sagot ko.
Napatingin siya sa bulaklak at saka sa akin. “And you even brought flowers? What's the occasion?”
Umiling ako at ngumiti. “Wala lang, gusto ko lang mapasaya ka.”
Saglit siyang natahimik, pero may kung anong emosyon sa kanyang mata nang tumingin siya sa akin. “You always know how to make my day, Rhea.” Matamis ang kanyang ngiti.
Tumaas ang aking mga kilay sa gulat agad din napangiti, hindi ko na pala kailangan ipaalam sa kanya dahil mukhang kilala na niya kung sino ako. Tumayo siya at agad akong hinila sa isang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pagod sa kanyang katawan, pero sa yakap niyang ‘yun, parang nawala lahat ng bigat ng araw niya.
“Come on, tara na, bago pa mabuhay ulit si Juntin.” Pabiro kong bulong sa kanya.
Napatawa siya at bahagyang hinampas ang braso ko. “Welcome back, baby.” Matamis niyang salita bago ako hinalikan sa aking labi.
“When?” Dagdag niya.
“Hmm no’ng pinatawad na ako ni Wen, hindi kinaya ni Red ‘yung nararamdaman niya kaya para siyang nag forced shutdown?” Sagot ko at hindi rin sigurado kung ‘yun nga ba ang tamang tawag do’n.
“Do the others know already?”
Tumango ako. “Si Emilie nalang ang wala pang alam, tingnan ko kung makilala niya ako. Kakaiba pa-welcome back ni Amour, baby, kasi nilaplap niya ako sa opisina.” Seryoso kong salita at natawa sa reaksyon niyang nakakunot ang noo.
“When?” Tanong niya ulit.
“Kanina, bago kita sunduin.” Tapat kong sagot.
Napailing lang ito. Kinuha niya ang kanyang bag at magkahawak-kamay kaming lumabas ng opisina. Habang naglalakad kami palabas ng opisina, hindi maiwasang mapansin ng ibang empleyado ang mahigpit naming magkahawak na kamay. May ilang bumati kay Aza, at may ilang palihim na napapangiti habang pinagmamasdan kami.
“Parang sanay na sanay na silang makita tayong magkasama,” bulong ko sa kanya habang papunta kami sa elevator.
Napangiti si Aza at pinisil ang kamay ko. “Well, this isn’t new anymore. You’ve picked me up here multiple times.”
Nang bumukas ang elevator ay pumasok kami at magkatabi kaming tumayo. Pagkasara ng pinto, marahan akong humilig sa kanya at bumulong, “So, saan mo gustong kumain?”
“Hmm…” kunwari siyang nag-isip habang bahagyang hinila ang kamay ko papunta sa kanyang baywang. “I want something special. Surprise me.”
Napangisi ako. “Ah, gano’n pala ha? Sige, may alam akong perfect na lugar para sayo.”
Nang makarating kami sa parking lot, binuksan ko ang pinto ng kotse para sa kanya bago ako sumakay sa driver’s seat. Habang binabaybay namin ang daan, napansin kong panay ang sulyap niya sa akin at may bahagyang ngiti sa kanyang labi.
“May gusto ka bang sabihin?” Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Umiling siya at humilig sa upuan. “Nothing. I'm just happy... that you're here. That I'm with you right now.”
Ramdam ko ang init sa dibdib ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nagmamaneho. “Nandito lang ako, Aza. Hindi na ako aalis.”
Napapikit siya saglit at pinisil ang kamay ko. “I like the sound of that.”
“Ah, by the way, since we're already going out for dinner, why don't we pick up Ines as well? That way, the three of us can go together.” Mungkahi niya habang nakatingin sa akin.
Napalingon ako sa kanya at ilang beses na kumurap bago ngumiti. “Okay, sunduin natin si bebelabs,” sagot ko nang may kasamang ngiti.
Napangiti si Aza at tumango. “Good. That way, she won't have a hard time going home alone.”
Makalipas ang mahabang minuto ay narating na namin ang istasyon kung saan naghihintay si Ines. Nakita namin siyang nakatayo sa may gilid, abala sa kanyang cellphone. Nang mapansin niya ang sasakyan namin, agad siyang ngumiti at lumapit.
“Bebelabs!” Masaya kong bati habang binubuksan ang pinto para sa kanya.
“Wifey,” Balik niyang bati at niyakap ako bago sumakay sa likod. “I was about to go home when Aza messaged me.”
“Lalabas tayo for dinner, surprise na lang kung saan.” Sagot ko at pinaandar muli ang sasakyan.
Napangiti si Ines. “Hmm, alright.”
Dinala ko sila ni Azalea sa Uptown, sa isang restoran na may napakagandang tanawin ng buong lungsod tuwing gabi. Kalahating oras ang biyahe, pero sulit na sulit. Noon ko pa ito nadiskubre at matagal ko nang balak dalhin ang apat dito, pero hindi natuloy dahil sa mga nangyari. Pagkababa namin ng sasakyan, isang malamig na hangin ang agad na sumalubong sa amin. Mabilis kong kinuha ang mga hinanda kong coat at isinuot sa kanila. Napangiti lang ako at inalalayan silang pumasok.
Pagpasok namin, agad akong humanga ulit sa presko at eleganteng interior ng lugar. Malalaking bintanang salamin ang nagbibigay ng malawak na tanawin ng lungsod—mga kumikislap na ilaw mula sa mga gusali at sasakyang bumabaybay sa mga lansangan. Ang chandelier sa kisame ay nagbibigay ng malambot at romantikong liwanag, habang ang maingat na piniling mahogany furniture at minimalist na dekorasyon ay nagdadagdag ng classy at modernong ambiance.
“Wow,” bulong ni Ines habang iniikot ang tingin sa paligid. “It's beautiful.”
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. “Sabi ko naman sayo, gusto ko kayong dalhin dito noon pa.”
“Bakit hindi mo sinabi agad?” Tanong ni Azalea, bahagyang nakataas ang kilay.
“Kasi may nangyaring hindi maganda.” Sagot ko at mukhang na gets naman nila kaagad.
Lumapit ang isang staff at magalang kaming sinalubong. “Good evening, ma’am. May reservation po ba kayo?”
“Yes, under my name… Rhea Wren Ambrosio”
Saglit siyang tumingin sa kanyang listahan bago ngumiti. “Right this way, please.”
Sinundan namin siya patungo sa isang private table malapit sa balcony, kung saan mas malaya naming matatanaw ang kabuuan ng lungsod. Sa gitna ng mesa, may simpleng floral arrangement at nakasindi ang isang maliit na kandila, nagbibigay ng init sa malamig na gabi. Habang nauupo kami ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang gusto kong gabi—tahimik, maganda ang paligid, at kasama ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.
“Good evening, ano po ang—”
Natigilan kami pareho ng waitress nang magtama ang aming mga mata. Ilang segundo lang, pero ramdam ko ang gulat at tuwa sa kanyang mukha. At bago ko pa maproseso ang lahat ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit, halos ikatumba naming dalawa.
“Rhea! Oh my God, nakita rin kita!” Nanginginig ang kanyang boses, ramdam ko ang emosyon sa bawat salita. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan.
Napatingin ako kina Aza at Ines—pareho nila akong tinititigan nang malamig, halatang hindi natuwa sa eksena. Pakla akong ngumiti at pasimpleng sumenyas sa kanila na bigyan muna ako ng kaunting oras. Alam kong may dahilan kung bakit ganito ang aking kaibigan, alam kong may pinagdadaanan siya.
“Bea,” bulong ko habang marahang tinatapik ang kanyang likod.
Bahagya siyang umurong pero hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa akin. “Rhea, I'm so sorry... I'm sorry... sa lahat-lahat. Ang tagal kong pinalangin na makita ka, para humingi ng tawad... dahil sa akin, muntik nang masira ang future mo… ninyo…"
Tipid akong ngumiti habang hinahagod ang kanyang likuran. Napansin kong hinihintay pa rin nina Aza at Ines ang paliwanag, pero hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanila.
“Bea, huwag ka nang umiyak. Hindi mo kasalanan,” mahinahon kong sabi. “At saka, masama na ang tingin sayo ng dalawa.” Napapitlag siya at agad na bumitaw, dali-daling pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi.
Napabuntong-hininga ako at bahagyang ngumiti. Nakalimutan ko, galing nga pala siya ng future.
Pinaupo ko si Bea sa bakanteng upuan at sinabihan ang manager nila kung maaari ko siyang hiramin ng kahit kalahating oras. Pumayag naman ito, basta’t babayaran ko ang oras niya. Nag-order na rin kami ng pagkain, at habang naghihintay ay gusto kong malaman ang buong kwento niya.
“Bea, kalma ka muna, pastilan. Uminom ka ng tubig. Inabot ko sa kanya ang baso at hinintay siyang makabawi. “Magkwento ka na, hindi naman ito ang unang beses. Alam kong may tinatago kang problema, huwag mo nang solohin.”
Nakita kong nag-aalangan siya, halos napapako ang tingin sa baso. “Ayaw ko... baka magulo ko ul—”
“Ayos na kami ng pamilya at mga anak ko. Wala nang manggugulo sa amin. Huwag kang matakot at sabihin mo kung anong nangyayari sayo. Handa akong tumulong.” Putol ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa kung ano pa ang maaaring mangyari sa hinaharap—kahit anong pagsubok pa yan ay haharapin ko nang walang takot.
Humugot siya ng malalim na hininga, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “Actually, pang-apat na buhay ko na ito.”
Napakurap ako. “Ano?”
Napatigil din sina Aza at Ines, parehong hindi makapaniwala sa narinig. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pag-aalinlangan, na para bang sinasabi nilang niloloko lang kami ni Bea. Pero imbes na paulanan siya ng tanong, pinili naming manahimik at makinig. Hinayaan namin siyang ikwento ang lahat—mula sa simula, sa bawat detalye, hanggang sa kung paano siya napunta rito ngayon.
Habang nagkukwento siya, ramdam ko ang bigat ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko kinaya. Pinatigil ko siya saglit, hindi dahil hindi ko gusto marinig, kundi dahil hindi ko akalaing ganito kabigat ang pinagdaanan niya. Sobrang sakit at pait ng tadhana—na parang paulit-ulit siyang pinaparusahan.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Pero Bea, hindi mo ba naisip? Paano ka nakakasiguro na apat na beses ka lang namatay? Sinabi mo na hindi mo alam kung sino o kung paano na-trigger yang pagbalik o pagtalon mo sa panahon, ‘di ba? E paano kung bago ka pa namatay no’ng sinaksak ka, eh namatay ka na pala dati sa ibang katauhan ni Bea?”
Napatingin sa akin sina Aza at Ines, halatang nagpa-process pa ng sinabi ko. Napakamot ako ng ulo at napahinga nang malalim. “Teka, gets niyo ba ‘yung sinabi ko? Ang hirap mag Tagalog, bai. Pero gets niyo naman ang punto ko, diba? Total matatalino naman kayo.”
Tahimik silang lahat. Si Bea, nakatitig lang sa akin na waring nag-iisip ng malalim. Si Aza ay nakakunot ang noo at si bebelabs ay nakapikit, parang pinoproseso ang sinabi ko.
Maya-maya, si Aza ang unang bumasag ng katahimikan. “If Rhea is right… that means it wasn’t just four times. It could have been many more.”
“Diba? Paano kung hindi talaga sa panahon nagsimula ang pagkamatay mo?” Dagdag ko pa sa sinabi ni Aza.
“I can't believe it, it's like you're in a novel.” Napailing si Ines habang nakatitig kay Bea. “Oh, by the way, you’ve already mentioned the causes of your death, but you haven’t explained what actually triggers it. I mean, how does your death actually happen?”
Diretsong tumingin si Bea kay Ines at tumango. “Tatlo. Tatlong babae ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong namamatay.” Humugot siya ng malalim na hininga bago dahan-dahang ibinaling ang tingin sa akin. “At kasama doon ang kapatid mo.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Anong kinalaman ni Lilith sa pagkamatay mo?” Kunot-noo kong tanong.
Umiling si Bea. “Hindi si Lilith… kundi si Fleur.”
Napatigil ako. Si Fleur? Paanong may kinalaman ang babaeng ‘yun?
“Kahit sino sa tatlong babaeng ‘yun, basta umabot ng sampung minuto na kasama ko sila at lumapit ako sa kanila ng limang metro, namamatay ako.” Mahina ang boses ni Bea, puno ng pait at hinanakit. “Sobrang sakit… lalo na noong huli. Masakit.” Yumuko siya, mahigpit na pinipigil ang pagluha, pero kita ko ang nanginginig niyang balikat.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang kapatid ko, isa sa mga dahilan ng paulit-ulit na trahedyang ito? Bakit? Paano?
Maya-maya, muling nagsalita si Bea. “Gusto ko lang namang maghiganti kay Eunice… pero dahil sa paulit-ulit kong pagkamatay, napagod na ako. Ayoko na. Gusto kong lumayo sa kanila. Gusto ko na lang mamuhay nang hindi sila nakikita.”
Tumingala siya at ngumiti nang pilit. “Kaya mas pinili kong manirahan dito, sa lugar na ito… sa isang tahimik na buhay.”
Muling bumigat ang hangin sa paligid. Lahat kami ay tahimik, walang masabi. Hanggang sa bigla siyang tumayo. “Sige na, mukhang nasasayang ko na ang oras niyo.”
Bahagya siyang umatras saka nagpatuloy. “Sa panahon na ito, hindi nila ako kilala. Kaya malaki ang tiwala kong magiging ligtas ako.”
Bago siya tuluyang umalis, bumaling siya sa akin at ngumiti nang bahagya. “Rhea, hingin ko number mo mamaya, ha?”
Tumingin siya kay Aza at Ines. “Salamat sa pakikinig. Enjoy your dinner.”
At sa isang iglap, umalis na siya—iniwan kaming may mas maraming tanong kaysa sagot. Sinubukan kong baguhin ang usapan para gumaan ang pakiramdam naming lahat. Ngunit hindi nagtagal ay muling nagsalita si Aza at seryosong nagtanong.
“Rhea, when do you plan to face your family? You can't keep ignoring them forever, especially now that your sister is with your mother.”
Napangiti ako nang matamis at marahang tumango. “Alam ko… Handa na ako. Gusto ko lang muna sulitin ang oras ko sa inyo—lalo na sa mga bata. Pero huwag kayong mag-alala, haharapin ko rin sila. Matagal ko nang pinatawad ang ina ko.”
Napansin kong lumambot ang kanilang mga ekspresyon, at unti-unting sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.
“I'm happy for you, lovey.” Malambing na sabi ni Ines habang hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti rin si Aza. “I'm very proud of you.”
Pinisil ko ang kanilang mga kamay at tumingin sa kanilang dalawa. “Salamat… sa inyo.”
Bago pa lumalim ulit ang usapan, kinuha ko ang serving spoon at nilagyan ng pagkain ang kanilang mga plato. “Kain na tayo, baka lumamig.”
Napangiti sila at sabay-sabay na kaming kumain, ramdam ang gaan ng loob at init ng pamilya na kahit hindi ko kadugo, sila ang naging tahanan ko.
-
Kinabukasan, maagang-maaga pa lang ay umalingawngaw na sa buong bahay ang iyak ni Wen.
“Waaaaa! Mommy! Mommy!”
“Wen!” Tawag ko, agad siyang hinabol nang makita kong tumatakbo patungo sa kwarto ng kanyang ina.
“Waaa! I hate you! I want Mommy Red! You're hurting me! I hate you!” Sigaw niya habang patuloy sa pagluha. Tiningnan niya ang hawak kong hanger saka nagpatuloy sa pagtakbo, tila humihingi ng saklolo sa ina niya.
Napailing ako, pero nanatili ang kalmado kong tono. “Ikaw bata ka, kung si Red madali mong mautusan, ibahin mo ako. Hindi uubra sa akin ang mga kalokohan mo. Bumalik ka rito at male-late na tayo sa eskwelahan.” Seryoso kong sabi kasabay ng mahinang tawa nang makita ko ang pagbusangot niya.
Akala niya yata, ako pa rin si Red. Naisip niya sigurong kaya niya akong utuin, pero nagkamali siya. Bigla niya ba naman akong sinipa sa likod ng tuhod habang umiinom ako ng tubig! Napakurap ako, hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Kung si Red ay may mahabang pasensya pagdating sa mga bata, ako naman ay hindi. Kahit ang kapatid kong si Lilith ay ilang beses nang nakatikim ng palo mula sa akin. Hindi sapat ang puro salita sa pagpapalaki ng bata—minsan, kailangan din silang disiplinahin para matuto ng respeto at tamang asal.
Napabuntong-hininga ako bago tumingin kay Wen. “Huling paalala, Wen. Bumalik ka rito bago pa ako mainis.”
Naningkit ang kanyang mga mata at nakangusong bumalik si Wen sa harapan ko, nangingilid pa rin ang luha sa kanyang mga mata habang nakahalukipkip ang kanyang maliit na mga braso.
“Wen,” seryoso kong tawag sa kanya habang nakatingala siya sa akin. “Alam mo namang hindi kita papaluin kung hindi ka pasaway, diba?”
“Hmph.” Napairap siya at tumingin sa ibang direksyon.
Napabuntong-hininga ako bago lumuhod sa kanyang harapan upang magpantay ang aming tingin. “Listen. Hindi ako si Mommy Red, at hindi kita palalagpasin kapag mali ang ginagawa mo. Alam mong mali ang pagsipa sa akin, diba?”
Bahagya siyang tumango, pero halata sa mukha niyang hindi pa rin siya kumbinsido.
“Kung alam mong mali, dapat mong tanggapin ang consequences. Hindi kita pinapalo dahil gusto ko lang, kundi dahil gusto kong matuto kang sumunod at rumespeto. Naiintindihan mo ba ako?”
Sa wakas, bumuntong-hininga siya at tumango ulit “Opo...”
Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang ulo. “Good. Ngayon, ayusin mo na ang sarili mo at pumasok na tayo sa school mo.”
Napasimangot siya, pero hindi na umangal. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad pabalik sa sala. Pagbaba namin sa sala ay sinalubong agad kami ni Wryn na nakataas ang kilay at nakapamewang, halatang inis.
“Why are you so stubborn?” Asik niya kay Wen, na agad namang yumuko at umiwas ng tingin.
“Your voice is too loud,” saway naman ni Wayne sa kanyang kapatid sa malambot na tono. “Good thing the mommies' room is soundproof. What if you woke them up?”
Samantala, si Wreen naman ay tahimik na lumapit sa akin at marahang kumalabit sa damit ko. “Ma, let's go now. I don't want to be late for school.”
Tumango ako at ngumiti sa kanila. “Okay, let's move.” Sagot ko bago iginiya palabas ang mga bata, handa na para sa panibagong araw.
Habang inihahatid ko sila sa paaralan, hindi ko maiwasang mapangiti. Oo, mahirap maging istrikto, pero mas mahirap ang lumaking walang tamang disiplina ang bata. At kung may isang bagay akong natutunan, ito ay na hindi sapat ang pagmamahal lang—kailangan ding may gabay, pasensya, at matibay na paninindigan.
Pagkatapos kong maihatid ang mga bata ay dumiretso ako sa kompanya ng matalik kong kaibigan—si Kris, ang kaibigang kay tagal kong hindi nakita. Hindi ko maiwasang mag-isip kung paano siya magre-react sa biglaan kong pagbabalik. Magagalit kaya siya? Magtatampo? Pero knowing Kris, malamang mas pipiliin niyang umintindi.
Agad akong lumapit sa sekretarya. “Good morning. Nandito ba si Kris?” Tanong ko.
“Good morning po, Mrs Ambrosio. Yes, nasa loob po siya, pero may kausap siya ngayon. Nandito rin ang asawa niya. Tatawagan ko po muna para ipaalam na nandito kayo,” magalang niyang sagot.
Tumango ako at tahimik na naghintay. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong hindi ko pa naman sinasabi ang pangalan ko, pero agad niya akong nakilala.
Ilang saglit lang, ibinaling niya sa akin ang tingin at ngumiti. “Pasok na po kayo, ma’am.”
“Salamat,” sagot ko bago tumuloy.
Hindi pa ako nakakalapit nang bumukas bigla ang pinto at lumabas ang isang babaeng kay tagal kong hindi nakita. May malawak na ngiti sa kanyang labi, at bago pa ako makapagsalita, tumakbo na siya palapit.
“Rhea!” Tawag niya, at sa isang iglap ay mahigpit niya akong niyakap.
Natawa ako at niyakap din siya pabalik. Sa wakas, nagkita rin kami ulit. Mahigpit ang yakap ni Kris, parang ayaw na niya akong pakawalan. Ramdam ko ang pangungulila niya, at hindi ko maiwasang mapangiti habang hinahagod ang kanyang likod.
“Grabe ka, Rhea! Ang tagal mong nawala tapos bigla ka na lang susulpot dito?” Ani Kris habang bahagyang lumayo para tingnan ako mula ulo hanggang paa. “Ni hindi ka man lang nagparamdam!”
Napakamot ako ng ulo at bahagyang ngumiti. “Alam mo naman ako, mahilig sa surprise.”
“Surprise? O guilty ka lang kaya iniwasan mo ako?” Umirap siya pero halata sa kanyang mata ang saya. “Nakakainis ka! Pero sige na nga, bumawi ka sa akin ngayon.”
Natawa ako, malaki ang ipinagbago nya. “Kaya nga ako nandito, hindi ba?” Sagot ko.
Bago pa siya makasagot, isang pamilyar na boses ang lumabas mula sa opisina.
“Sweety, sino—” Natigilan ang kanyang asawa nang makita ako.
Nagulat ako nang makita si Jenkins, ang asawa ni Kris. Halos hindi siya nagbago, maganda pa rin at mukhang mas matured na ngayon. Agad akong ngumiti.
Napangiti siya at lumapit. “Hindi ko inakalang makikita pa kita ulit, Rhea.”
Tumango ako at nilingon si Kris. “Alagang-alaga mo asawa mo ah?” Tukso ko sabay kindat.
Napailing si Kris. “Syempre naman hehe.”
Sabay-sabay kaming nagtawanan hanggang sa may isa pang lumabas mula sa opisina—walang iba kundi ang asawa kong si Emilie. Hindi ako nagulat, pero siya? Kitang-kita sa mukha niya ang pagkabigla nang makita ako.
“Inday Emilya, nandito ka pala. Hindi mo ba babatiin ang asawa mo?” Tukso ko habang may bahagyang tawa sa aking tinig.
Kunot-noo siyang lumapit, halatang hindi pa rin makapaniwala. “The hell? Rhea?”
Ngumisi ako. “Oo. Hindi naman kilala ni Red si Kris?” Sabi ko.
Hindi na siya sumagot. Sa halip ay mabilis niya akong nilapitan at niyakap sa bewang, mas mahigpit kaysa sa inaasahan ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, at sa mahinang tinig ay bumulong, “Hi.”
Bago pa ako makasagot, mas inilapit pa niya ang kanyang labi sa aking tenga at idinugtong, “I missed your body.”
Halos mapahagalpak ako sa tawa sa sobrang pagiging manyak niya, lalo na’t nasa harapan pa namin ang kanyang kapatid. Si Kris naman ay napailing na lang habang si Jenkins ay napapailing din, pero halatang natatawa sa reaksyon ni Emilie.
“Grabe ka talaga, Inday Emilya,” sabi ko habang pinipisil ang kanyang pisngi. “Mamaya na yan.” Napangiti siya ng pilya bago ako muling niyakap
Pumasok kami sa opisina ni Kris, at agad akong napahanga sa kung paano niya inayos ang lugar. Malinis, elegante, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye. May malalaking bintana na nagbibigay ng natural na liwanag, isang bookshelf na puno ng libro at dokumento, at isang leather couch na mukhang masyadong komportable para sa isang opisina.
Agad kaming umupo sa couch habang si Kris naman ay umupo sa swivel chair niya, nakangiti at halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Si Emilie naman ay agad na sumiksik sa tabi ko, halatang hindi na ako bibitawan.
“So, anong kwento, Rhea?” Tanong ni Jenkins, habang nakatitig sa akin. “Matagal kang nawala, tapos biglang nandito ka na naman? Alam mo bang halos isumpa kita dahil iniwan mo siya?”
Pakla akong ngumiti habang si Emilie ay napasimangot sa kanyang ate. “Hey, hindi ko siya isinumpa. Medyo lang.” Pabirong sagot ni Ems.
“Medyo?!” Natatawa kong ganting tanong.
“Yes, just a little. About ninety-nine percent.” Sabi niya na may pilyang ngiti, bago muling niyakap ang braso ko. “Pero okay na, bumawi ka naman agad.”
Umiling-iling si Kris, halatang natutuwa sa nangyayari. “Seriously though, anong balak mo ngayon? Babalik ka na ba for good?”
Napatingin ako kay Emilie bago bumaling kay Kris. “Oo, babalik na ako. At this time, wala nang atrasan.”
Ngumiti si Kris, saka tumango. “Good. Matagal ka na naming hinihintay.”
“Well, dahil bumalik ka na, anong plano mo ngayon?” Tanong ni Kris habang nakasandal sa kanyang upuan, pinagmamasdan ako na parang sinusuri kung seryoso nga ako sa sinabi ko.
Nagkatinginan kami ni Emilie. “Una sa lahat, kailangan ko munang ayusin ang buhay ko. Madami akong kailangang harapin—pamilya ko, trabaho, at siyempre, kayong lahat na iniwan ko nang matagal.”
“At ako,” dagdag ni Emilie, mabilis akong hinila palapit at isiniksik ang sarili sa tabi ko. “Dahil hindi ka na makakawala sa akin.”
Napailing si Jenkins sa ginawa ng kapatid niya. “Hays, Emilie. Para kang bata.”
“Eh ano naman? Matagal akong na-deprive sa asawa ko, so ngayon, babawi ako.” Sagot ni Emilie na may mapaglarong ngiti. Bakit ba siya ganyan? Akala mo talaga unang beses namin tong pagkikita makalipas ang limang taon, trip niya siguro asarin ang kapatid.
Natawa ako at hinagod ang kanyang likod. “Don’t worry, hindi na kita iiwan.”
“Ayan na naman sa landian ninyo.” Napapailing na puna ni Kris. “Pero seryoso, Rhea, handa ka na ba talagang harapin ang lahat? Alam kong hindi madali yan, lalo na’t matagal kang nawala.”
Tumango ako. “Oo, Kris. Handa na ako. Matagal ko nang pinag-isipan ito at ngayon ay wala nang atrasan.”
“Masaya ako para sayo, Rhea. Wala akong ibang hiniling kundi ang maging ligtas ka at maging masaya.” Matamis ang ngiti ni Kris habang nakatingin sa akin.
Ngumiti rin ako at tumango. “Salamat, Kris. Bukas, haharapin ko na ang pamilya ko—lalo na si Lilith. Miss na miss ko na ang batang ‘yun. Siguro ang laki na niya ngayon.” Saglit akong natulala, iniisip kung paano na siya lumaki sa mga taon na nawala ako.
“Hey, ang ganda ni Lilith at ang tangkad na bata,” sabat ni Kris, saka niya nilingon sina Emilie at Jenkins. “Napakabait din niyang bata. Madalas siyang dumadalaw sa bahay, at best friend sila ni Savannah.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Pero bago pa ako makasagot, nagkamot siya ng pisngi at ngumiti nang alanganin. “Hindi ko lang alam sa anak ko… Ang dami niyang crush—pati best friend niya.”
Napakunot ang noo ko. “Ha? Si Savy? May gusto kay Lilith?”
Tumango si Kris. “Oo, inamin niya sa amin.”
Napakurap ako ng ilang beses, hindi makapaniwala. “Wow. Hindi ko in-expect yan.”
Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Emilie sa tabi ko. “Mukhang may love story na namang nabubuo, huh?”
“Lilith at Savannah, huh? Well, interesting yan.” Napailing ako pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Jenkins, at mukhang gusto niya naman ang kapatid ko para sa anak.
“Sweety, I'm hungry na.” Pag iinarte ni Arleth sa kanyang asawa.
“Eeeew,” napalingon ako kay Emilie na nasira ang ekspresyon sa mukha, para ba siyang nandidiri sa kapatid niya.
Tinaasan siya kaagad ng kilay ni Arleth, “fuck you.” Mariin niyang mura sa kapatid.
Mukhang mas lumala bangayan nilang dalawa now kaysa noong huli ko silang nakita na magkasama sa bundok? Doon sa lugar na nawala ako at naging ala Maris itong si Inday Emilya.
Natawa ng mahina si Kris. “Sasama ka ba Rhea? Sabay na kayo ni Emilie at mukhang hindi pa kumakain.” Tanong niya sa akin.
“Iba gusto niyang pagkain.” Sagot ko.
“Ha?”
“Gusto niya ‘yung footlong na slimy.” Sagot ko at nakatanggap ng kurot sa tagiliran kaya napangiwi ako.
“Hahaha,” biglang tawa ni Arleth kaya mukhang gets niya samantalang ang asawa niya ay loading parin.
Napailing ako bago tumayo at hinawakan ang braso ni Emilie. “Tara, double date tayo sa karinderya.” Pailing-iling kong saad at mahinang natawa.
“Hehe, tara.” Sabay ni Kris.
Kumindat ako kay Emilie bago siya yumakap sa aking braso at tinahak ang daan palabas ng opisina kasunod ang mag-asawa.
Ramdam ko na ang nalalapit na pagtatapos ng paghihirap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip