𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 7
*
Para akong lumulutang sa ere habang papalabas ng kompanya. Ang gaan ng mga binti ko at feeling ko hindi ko ramdam ang mga ito bawat hakbang. Hindi ako makapaniwala sa eksena ni Azalea kanina lalo na at biglang hinimatay ang kanyang ina matapos inamin may relasyon kami.
"Rhea," Boses ni Aza at hinaplos ako sa braso.
"Aza, maling mali ginawa mo kanina. Paano mo yun nasabi kung hindi totoo relasyon nating dalawa? Kung siguro ou edi sana inamin ko kaagad bago ka pa man dumating. Paano pag balikan ako ng parents mo?" Ayaw ko na mag pasikot-sikot at kailangan kong ayusin tong gulong ginawa nya.
"Didn't you say you like me?" hirit sa akin, sasagot sana ako kaso napagtanto ko ang sinabi niya.
"Ha? Sino nagsabi?" Inosente kong tanong, wala akong sinabing ganyan no.
Bigla niya inangat ang selpon at nagulat ako nang marinig ang boses ko, ito yung kausap ko si Olivia kanina. Iba talaga magkapatid na to at mauutak, mga traydor. Hindi nalang ako umimik at kinarga si Lilith na nalilito sa pinag uusapan naming dalawa.
May biglang pumarada na sasakyan sa aming harapan-teka nga, sasakyan ba to? Hindi ko alam kung sasakyan ba to ni Optimus Prime dahil sa naka customized.
"Get in." Boses ni Aza at umikot saka pumasok sa driver's seat.
Papasok na rin sana kami ni Lilith ngunit paano ko bubuksan? Hinanap ko yung door handle pero wala? Hirap naman maging ignorante at di ko alam paano buksan.
"What's the problem?" Bumaba ulit si Aza,
"Hirap maging mahirap men, paano ba buksan to? Kailangan ko ba sumigaw ng open sesame? O Darna?" Tanong ko. Inikutan ako ng mga mata at bahagyang tinulak palayo.
"This is how you open it. I'm sorry you're not yet registered in the fingerprint system, so you can't open it. We'll set it up later so you can have access to the cybertruck." Very amazing naman sasakyan na yan at bumukas. Sosyal ni anteh, di-fingerprint sasakyan.
"Kahit wag na." Huwag ipalahatang excited at lumalaki na ulo nya.
"Sa likod ka Lilith, halika."
Pagtingin ko palang sa loob pakiramdam ko masasakal ako sa init ngunit mali pala dahil kabaliktaran. "Aza, baka may balak ka hinaan konti aircon? Hindi ka ba nilalamig?" Nipis kasi masyado ng suot ko samantalang siya balot na balot dahil sa long coat na suot.
"Oh, sorry." Sheesh, bait naman kahit tinarayan.
Gusto ko malaman ang totoo bakit niya sinabi sa mga magulang yun pero sa tuwing nag tatanong ako sinasabihan kaagad ako na manahimik dahil nagmamaneho siya. Hindi pwede sumagot kahit nasa kalsada atensyon ng mga mata? Bakit? Bibig ba ang nakahawak sa manibela? Gusto ko sana yan sabihin kaso baka tuluyan magalit kaya nanahimik nalang ako.
"Who was the woman you were with at the pool?" Tanong ni Aza sa kalagitnaan ng katahimikan.
"Babae?" Baling ko.
"I didn't say it was a man, did I?" Nakakagulat naman ang bigla nyang pagiging mataray, may ginawa akong dahilan upang ikagalit niya?
"Pilosopa. Tinatanong ko kung sino?" wag nya ako ma ganyan-ganyan, hindi porket crush ko magpapa under ako.
"Aza, nagseselos ka ba? Kung magalit ka kasi dahil lang doon daig mo pa totoong girlfriend. Selos ka? Wag mag-alala, ikaw parin nag iisang crush ko." Sunod kong sinabi.
"I'm not jealous, I just want to remind you that we have a month-long agreement, and during that month, you're not allowed to flirt with anyone else." Galit nga si anteh at bigla bumilos ang takbo nang sasakyan.
"Bagalan mo. Walang problema kung mamamatay tayong dalawa total magkasama tayo, pero huwag mo idamaay si Lilith." Malamig kong salita, and thankfully binagalan naman kaagad.
"Sorry."
"Si Vinalyn yung kasama ko sa pool at classmate ko." Pag amin ko.
"Classmate?"
Tumango ako. "Natanggap akong isko sa PU, hindi ko rin alam kung paano?" Swerte lang siguro ako.
"I see." Yun lang? May pa selo-selos tapos 'I see' lang pala sagot.
"Rhea, I'm telling you, you're not allowed to get involved with anyone else as long as our one-month deal is still in effect." Hindi ako bata para paulit-ulit e remind ng ganyan.
"Alam ko Aza, kumalma ka pwede? Alam ko ginagawa ko at classmate ko lang si Vinalyn," Hindi ako kailan man nag cheat sa relasyon no.
"You're not allowed to look for another girlfriend other than me. Do you understand?" Hayhay grabe makabakod crush ko, kinikilig kami ng junjun ko.
"Sure, lods." Sagot ko at kumindat. Mabilis masyado mag bago mood ni Aza. Parang kanina lang mukhang kakainin na ako ng buo, pero willing naman ako magpakain.
So ayun, akala ko pa naman may gagawin siyang punishment sa akin dahil sa nag selos siya. Ganon napanood ko sa nga dramas, medyo dismayado pero ayos lang at wala tayong karapatan mag demand... sa ngayon. Excited pa ako umuwi na siya, buong akala ko may date kami since sinama kami paalis ni Lilith, yun pala ihahatid lang kami pabalik sa condo.
Nag desisyon ako dalawin si Pax sa kanilang inuupahan, syempre hindi ko kasama si Lilith kasi ayaw na humiwalay kay Azalea kaya sinama na lang ito at ihahatid mamayang hapon. Miss ko na silang dalawa ni Bea, miss ko rin si Kris ang kaso wala naman oras yun gumala lalo na at dami niyang ginagawa.
Papara na sana ako ng jeep nang bigla may humintong itim na sasakyan sa aking harapan, advance masyado isipan ko kaya bago pa man tuluyan bumukas ang pinto ay sinipa ko na ito at tumakbo palayo. Akala ko tuluyan ko na silang nawala ngunit nataranta ako lalo nang makita na hindi lang isa, dalawa, o tatlong sasakyan ang ngayon pilit humahabol sa akin hanggang sa tuluyan akong ma corner.
Malaki tiwala ko kaya kong patumbahin halos lahat sa kanila pero ibang usapan na pag may baril na kasama.
"Anong kailangan nyo? Sino nagpadala sa inyo?" Tanong ko sa mga lalaki, akala mo may shooting lang sila sa mala men in black with black shades tss.
"Hindi kami nandito para saktan ka, may gustong kumausap sayo." Lalim naman ng boses ni angkol.
"Sino?" Hindi ko parin binaba ang mga kamao, ready to sapakan ako.
"Malalaman mo rin. Walang mangyayari kung susunod ka ngunit iba na ang usapan kung magmamatigas ka." Ano ako bobo? Syempre pipiliin ko yung magiging ligtas ako kaysa barilin ako ng mga to. Hindi ako si enteng para salubungin mga bala nila.
"Okay." Sagot ko. Hindi ata nila inaasahan sasang-ayon ako kaagad.
"Sumunod ka." edi sumunod.
Angas ko naman at parang tagapagmana ng kompanya sa daming sumundo. Iniisip ko kung sino nag utos sa kanila, pero malalaman ko rin mamaya kung sino at anong dahilan.
*
Tulala at nakanganga ako habang patuloy pinoproseso sa aking utak ngayon ang kaganapan. Alam nyo ba kung saan ako dinala? Dinala ako sa huwes! Sinubukan ko ulit magtanong at tinangkang umalis ngunit huli na dahil wala akong takas sa kanila. Nakakatawa lang sitwasyon ko, ang akala ko sa palabas lang nakikita ay ngayon naranasan ko. Paano kaya ako makakaalis at kilos kung itinali nila ako sa upuan?
"Sinong ikakasal?"
Biglang tanong ng lalaking medyo may edad-teka bakit may pastor dito? Pastor ba to? Aw mali, judge pala yawa. Sasagot sana ako ng hindi ko alam at bisita lang ngunit biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang babaeng hindi ko inaasahan.
"I-Ikaw?" Gulat kong tanong.
Tinitigan niya ako ng maigi sa aking mga mata bago ngumiti ng pagkatamis, akala ko namamalikmata ako ngunit hindi... totoong nakangiti ito sa akin?
"Ikaw nag utos dukutin ako?"
"Hindi ka namin pinilit." Sabat ng tahan niya na kausap ko kanina.
"Edi hindi." Sarkastiko kong sagot.
"Let's start." Utos nito. Nataranta na ako dahil sa tingin ko hindi ibang tao ang ikakasal ngayon, kundi ako!
Ikakasal ako sa kanya!
Hindi maaari!
Labag sa loob ko to!
May karapatan akong mag desisyon dahil buhay ko to!
"Do you have a girlfriend?"
"Ako? Syempre, anong akala mo sa ganda ko? Wala?" Patay ako kay Azalea pag nalaman nya to.
"I want you." Iba na talaga kutob ko sa susunod na mangyayari.
"Hindi mo nadinig? Sabi ko meron? Tapos sabi hindi ako pwede magkaroon ng ibang girlfriend liban sa kanya." Baka tuluyan na ako parusahan ng crush ko.
"Too sad for her." Sagot niya at ngumisi.
"Bakit?" Kunot noo kong tanong.
"That's the answer."
"Ha?"
"I'll marry you, so it's no longer girlfriend status, right?" Gago?!
"Haa?"
"She should start looking for a new partner because we're getting married now." Haaaaa?!
Yawa najud ni.
"Plano mo to? Akala ko patatahimikin mo na buhay ko? Pwede bang wag mo na lang ako pansinin? Ano to? Ikakasal ako? Sayo? Seryoso ka? Hindi ako papayag-" Pisting giatay! Pati karapatan sa pagsasalita hindi ko na magawa dahil biglang tinakpan ng tape ang bibig ko.
"Hmmm hmmm!" Pinipilit kong sumigaw at ipaalam sa judge na tutol ako sa gusto nito ngunit walang epekto dahil mukhang pati siya ay nabili na rin pagkatao nitong babaeng katabi ko.
OMG!!
Nagsimula ang seremonya, panay ako pagpupumiglas ngunit wala talagang progress. Wala akong magawa hanggang sa natapos ang seremonya at ngayon kasal na sa babaeng ayaw na ayaw ko na sanang makita. Nagulat na lang ako nang biglang anunsyo na mag-asawa na kaming dalawa at hinawakan ako sa baba saka humalik sa aking labi na may tape bago ito tinanggal.
"Ines!" Bulyaw ko sa galit.
"Yes, wife?" Matamis niyang sagot.
Tanginang yan!
"N-Nababaliw ka na ba? Paano mo nagawa sa akin to? Wala ka talaga balak tantanan buhay ko?" Bakit ako kinakabahan sa kanya!
Pagkatapos ng lahat wala akong makukuhang sagot?!
"Tanggalin nyo tong tali! Akala ko ba natuto ka na sa pagkakamali mo? Hindi ko akalain ganitong babae ka." Masakit na tong mga kamay ko sa higpit ng pagkakatali nila.
"Rhea,"
"Ano?" Malamig kong sagot habang hinihilot ang kamay.
"This is my way of fixing all my mistakes and making it up to you." Kakaibang mindset yan shit!
"Simbahan kanimo Ines, ganyan ba talaga mindset nyong mayayaman?" Ginawa ko parin lahat upang maging kalmado kahit na gustong-gusto ko na pag susuntukin mga tao rito. May paraan naman siguro upang mapawalang bisa ang kasal na siya lang may gusto.
"Here." May inabot ito bigla.
"Ano yan?" Kunot noo kong tanong.
"Here's your card and the car keys." Hindi ako ganun ka ignorante, alam ko ang halaga ng itim na card. Mas lalong hindi basta-basta ang tatlong susi ng mga sasakyan na bigay niya.
"Ano to? Binibili mo pagkatao ko?"
"No, it's a gift. There's no limit on that card. Spend as much as you want. After all, it's yours now." Hindi ko na alam nangyayari sa buhay ko, kung blessing ba to o problema na haharapin ko.
"I have to go now, I'll see you later, Rhea." Hindi ko nagawa makapagsalita at legit nanigas sa aking kinauupuan. Sa daming iniisip parang nag shutdown bigla buong sistema ko.
Ako?
Kinasal na?
Ako?
May asawa na?
"Yawa, patyon kong Azalea."
*
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA cheers!" Lugmok ako habang masaya kakatawa si Pax, mali ko at inimbitahan ko siyang mag club.
Sa panahong ganito, gulong-gulo isipan ko at hindi alam ang gagawin ay sila palagi tinatakbuhan ko. Kasama ko ngayon sina Bea at Pax habang hinihintay dumating si Kris, hindi pwedeng wala siya dahil alam kong mas makakatulong ito sa sitwasyon ko ngayon.
"Nag aya ng inuman tapos hindi iinom. Ano gusto mo? Lamay?" May pagka loko-loko rin talaga si Bea,
Hindi ko pa kasi sinabi sa kanila, gusto kong kumpleto kami para isahang kwento nalang. Pinatay ko muna ang selpon dahil kanina pa tawag nang tawag si Azalea, I don't know kung paano ko sasabihin sa kanya ito at mas lalong wala akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos ko mangakong tutupad sa isang buwan naming kasunduan.
"Wow hoy! Kaninong mga sasakyan to? Ang dami mong susi?" Likot ng kamay ni Pax, tinago ko nga ng maigi sa bulsa biglang dinukot.
Malalim ko siyang tinitigan bago inilipat kay Bea ang atensyon at balik ulit kay Pax, "Marunong ka mag maneho?" Tanong ko sa kanya.
"Ako?"
"Hindi, si Bea kaharap ko. Marunong ka mag drive sasakyan?" Sagot ko at tinanong na lang din si Bea,
"Seryoso mo masyado kaibigan. Syempre marunong ako mag drive, bakit?" Sagot ni Pax kasabay ang pag akbay sa akin.
"Pili ka ng susi jan." Maghasik nalang ako ng problema kay Ines at baka pagsisihan niya naging desisyon.
"LOL, totoo?" Tumango ako.
"Ikaw din Bea, para may magamit kayo pagpasok sa trabaho." Baling ko sa kaibigan.
"Talaga? Pero sayo ba mga yan?" Tanong ni Bea,
Tumango ako. "Mamaya ipapaliwanag ko, basta akin at hindi galing sa nakaw mga yan." Baka isipin pa nilang ninakaw ko mga to e hirap na hirap nga sa buhay.
"Yan gusto ko sayo kaibigan! Hindi madamot, di tulad ni Bea-aray!" Bahagya akong natawa at umiling, ikaw ba naman sampalin hindi ka aaray?
"Binibigay mo sa amin?" Mabilis akong umiling sa tanong ni Bea,
"Hiram lang uy." Agad kong sagot, may konsensya pa naman ako konti para kay Ines.
"Makapal din pala mukha mo friend." Pang-aasar ni Pax ngunit isang sampal ulit mula kay Bea ang natanggap.
Habang nagtatalo ang dalawa ay bigla ko natanaw si Kris, kaagad ko itong tinawag at kinawayan. Sobrang tuwa ko ng makita siya ngunit bigla rin nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang sunod-sunod na pasok ng kanyang mga asawa. Yawaa jud uy, usapan namin kami lang!
"Uy, mga chix papalapit sa atin. Gandang mga dyoga yan, hati tay-" Tinakpan ko kaagad ang bunganga ni Pax bago pa man may makarinig.
"Magtigil ka, kaibigan ko nasa unahan at mga asawa niya yang kasama." Diin kong bulong kay Pax, alam kong gusto na nitong sumigaw sa gulat ngunit hindi magawa. Ngayon palang pala makikilala ni Pax ang kaibigan namin ni Bea,
Kaagad rin ako bumitaw kay Pax nang tuluyan makalapit sila Kris. "Magandang gabi po." Bati ko sa apat bago dumikit kay Kris, "Sabi ko tayo lang, ba't mo naman dinala ang apat." Bulong ko.
"Pasensya na, sabi mo kasi emergency kaya pati sila nag-alala." Sabay kamot sa kanyang batok at humingi ng paumanhin. Concern din pala silang apat sa akin? Wala lang kasi sila slave na mahanap tulad ng dati.
"We thought something serious happened to you since Kris was so worried about you." Unang nagsalita si Thalia,
"What? Are you heartbroken and in need of a new girlfriend? I'll give you one of my younger sisters." Thank you Jenkins pero wag mo na dagdagan responsibilidad ko.
"H-Haha, miss ko lang po si Kris-ah Pax, si Kris, kaibigan namin ni Bea at itong apat mga asawa niya." Pagpapakilala ko kay Pax ngunit nag malfunction ata utak niya, hindi na kumilos at salita.
"Pasensya na at ganyan talaga siya pag overwhelmed masyado, nawawalan ng abilidad kumilos at salita." Paliwanag ko sa kanila.
"What's wrong?" Biglang tanong ni Kate kaya napalingon ako sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga. "A-Ano, hindi ko lang alam gagawin ko." Medyo shaky na yung boses ko, di ko talaga alam gagawin sa sitwasyon ko.
"Rhea, mabigat ba problema mo? Baka makatulong kami. Alam mo naman handa ako tumulong, magsabi ka lang." Thankful ako kay Kris pero sa problema ko ngayon ay malabo.
"Is this about you and Azalea? Because of what happened at the office this morning?" Tanong ni Olivia, ngumiti ako at umiling. Meron part kay Aza pero yung main problem ko ngayon ay kasal ako sa hindi ko naman kailan man nakasama o relasyon.
Hays.
"Kanina ka pa panay buntong hininga, lalim friend! Ano kasi problema? Problemado ka pa sa lagay na yan? Bigla ka nagkaroon ng tatlong mamahaling sasakyan." Biglang nabuhay si Pax, hindi niya talaga alam kung kailan seseryoso.
"Tatlong sasakyan?" Tanong ni Kris,
Hays.
"Aminin mo na kasal ka." Nasamid ako sa iniinom dahil hindi ko pa man nasimulan ay tinapos na kaagad ni Bea ang usapan, ngunit papaano niya nalaman?!
"KASAL?" Sabay ulit nilang lahat at tingin sa akin.
"P-Paano mo nalaman?" Tanong ko kay Bea. Mas ako yung nagulat kaysa kanilang lahat.
"Sabi ko sayo, magiging challenging buong taon mo." Hindi yan ang sagot sa tanong ko!
"Kanino ka kasal?" Tanong ni Kris, alam kong gusto na ako okrayin nito ni Olivia ngunit nonchalant era kuno ni anteh.
Tuluyan na ako napahilamos sa aking mukha kasunod ang pagsabunot ng buhok bago hilaw na ngumiti sa kanila. "H-Hindi ko rin alam kasi biglaan? Ibig ko sabihin, sobrang bilis ng mga pangyayari tapos nalaman ko nalang ikakasal ako-kasal na ako." Yawa, hirap mag explain pag kabado.
"Take it easy and explain it to us in detail." Payo ni Kate.
Hingang malalim ulit bago nilagok at inubos ang isang bote ng beer para kumuha lakas ng loob.
"Tibay mo friend." Inirapan ko si Pax,
"Diba na kwento ko dati nakulong ako dahil sa maling akusasyon? Lately nag krus ulit landas namin nong pulis, ngayon isa siyang propesora sa PU at nagtuturo ng LAW subject..." Lalim naman maka titig nilang lahat, para akong may malaking kasalanan.
"Tapos?" Excited naman ni Kris,
"Sabi niya babawi siya at itatama lahat ng mga pagkakamali. T-Tapos kanina pinasundo ako, instead lumaban ay sumama nalang ako kasi ano ba naman laban ko sa mga lalaking may dalang armas? Mahal ko pa buhay ko kaya sumama nalang ako, n-nalaman ko nalang nasa huwes na at biglang ikinasal sa kanya." Paliwanag ko at sumubson sa table glass upang itago ang mukha, isa kang kahihiyan Rhea!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA angas friend, mala wattpad takbo ng buhay ko." Walang naidudulot na maganda si Pax sa buhay ko.
"Does Azalea know about this?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses ni Olivia,
Mabilis akong umiling. "H-Hindi ko magawa umamin, kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Ganda ng usapan namin kaninang umaga, paano kung tuluyan ako ilibing ng kapatid mo?" Nasa isip ko palang ekspresyon ni Aza kinikilabutan na ako.
"Goodluck?" Olivia naman! Hindi nakakatulong sinabi mo!
"Hold on, who did you get married to?" Tanong ni Jenkins,
"Kay Ines," Mabilis kong sagot.
"Ines?"
Tumango ako kay Thalia, "Ines Avalon." Ngunit bigla kaming natahimik lahat at napagtanto na magka apelyido silang dalawa.
"Huh? You got married to my cousin? Seriously?!" Bulaslas nito.
"C-Cousin? Pinsan mo si Ines?!" Napasigaw na rin ako sa gulat.
Bigla akong natuliro at napaisip...
Sandali...
Wait lang...
Napagtanto ko lang...
Azalea Turner > Olivia Turner...
Amour Monroe > Kate Monroe...
Ines Avalon > Thalia Avalon...
Emilie Jenkins > Arleth Jenkins...
Nanlaki ang mga mata ko sa labis na gulat at isa-isa itinuro ang mga asawa ni Kris, kung hindi ako nagkakamali... kung ganun??
"Rhea? Rhea? Uy gumising ka Rhea!" Pukaw ni Kris sa akin ngunit imbes harapin silang lahat ay kusa nalang kumilos mga paa ko at tumakbo palabas ng club.
Paano nangyari sa akin to? Bakit kailangan kapatid o pinsan pa ng mga asawa ng kaibigan ko? Grabeng tadhana ang lakas ng tama sa akin, trip na trip ako. Kaagad ko binuksan ang phone at tinawagan si Azalea, gusto ko sa akin niya mismo malaman bago pa maihatid ni Olivia ang balita.
Umuwi ako kaagad ng condo dahil nandoon na raw silang dalawa ni Lilith at kanina pa ako hinihintay makauwi. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa mga kaibigan at humingi ng tawad sa biglang pag-alis at iniwan sila.
Bumukas ang pinto, si Azalea na halatang nag-aalala ang ekspresyon ang sumalubong sa akin. Hindi ko maitago, guilty ako sa pagkakamali ko pagkatapos mangako sa kanya.
"What's wrong?" Tanong niya. Nagbaba ako ng ulo kasunod ang pagkagat ng labi ko. Hindi nagsalita at niyakap nalang siya kaagad.
"Aza," Sambit ko.
"What's going on? Why are you acting dull? Is something wrong?" Mas lalo ko hinigpitan ang yakap.
"I'm sorry."
"Sorry?" Tumango ako bago kumalas at pilit ngumiti.
"Hindi ko na alam nangyayari sa buhay ko ngayon. Sobrang bilis ng pagbabago at pangyayari." Hinayaan niya lang ako ilabas lahat ng saloobin.
"I'm sorry Aza, pero k-kasal na ako sa iba." May kirot sa dibdib pagkatapos ko umamin sa kanya. Handa ko tanggapin ang magiging resulta kasi hindi ako tumupad sa usapan naming dalawa, alam ko magiging disappointed siya at hindi ipagpapatuloy ang deal naming dalawa. Opportunity na binigay ni crush, sinayang ko lang.
"Kasal?" Marahan akong tumango.
Bago pa man ay inunahan ko na kaagad si Aza magpaliwanag simula umpisa hanggang sa naikasal kanina. Lahat sinabi ko sa kanya tungkol kay Ines at walang itinago, desisyon na nya kung ipagpapatuloy ang kasunduan namin o hindi.
"You're saying that you never had a past relationship and she married you because she felt guilty and thought it was her responsibility to fix your future?" Sunod-sunod ang tango ko sa kanyang tanong. Wala ako ibang nakikitang dahilan at yun naman talaga sinabi sa akin.
Baby, kung ganyan mo ako titigan matutunaw ako ng tuluyan.
"Get in and wait for me in your room." Napalunok ako bigla, sa kwarto ko? Sandali hindi pa kami tapos mag usap.
"Pero hindi-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin at kaagad pumasok ng condo at diretso sa aking kwarto.
Agad akong naligo at inayos ang sarili. Halos mag iisang oras na ngunit wala parin siya, sabi sa akin maghintay sa kwarto pero baka umuwi na siya? Lalabas sana ako upang tignan ngunit bigla bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si Aza na may dalang folder.
"Aza?"
"Here." Nagtataka man ay kinuha ko ang folder na inabot niya.
"Sign it." Utos niya. Ako na walang alam sa pinagsasabi niya ay biglang na confused at curious, kaya agad ko binuksan at binasa.
Habang binabasa ay hindi ko mapigilan ang sarili. I bit my inner cheek para lang pigilan ang ngiti. Ayaw ko ipahalata sa kanya at baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya. Ayaw niya talaga malamangan ng iba.
Pagkatapos basahin ay kaaggad ko nilagdaan ang kasulatan at ibinalik sa kanya.
"Done." Matamis kong ngiti.
"Good."
"W-Wait, aalis ka na? Dito ka nalang kaya matulog? Doon ako sa sofa." Turo ko sa sofa.
"No, it's not possible. Olivia just called and I need to talk to her." Anong pag-uusapan nila?
"Ganun, sige." Sayang hays.
Bigla siya lumapit, ipinalupot ang mga braso sa aking leeg bago idiniin ang dibdib at nilagay ang tuhod sa pagitan ng aking mga binti. "Starting now, you'll tell me everything that's going to happen. Do you understand? Wife?" Pastilan na bulong yan, sobrang landi at nanghihina ako.
Tama kayo sa nabasa.
ASAWA.
Marriage Certificate binigay sa akin kanina.
"O-Okay." Kalma ka lang heart, naririnig kita!
"Good. Go to sleep and get some rest." Bulong niya bago humalik sa aking pisngi at kumalas.
"Goodnight, b-bye?" Paalam ko sa kanya.
Nakaalis nalang si Aza ngunit parang nakalutang parin ako sa ulap. Ang sarap sa pakiramdam, akala ko talaga katapusan ko na kanina. Sino mag-aakala na gagawin niya ang bagay na yun dahil lang sa ayaw niya malamangan. Hays, iba talaga breed ng mga Turner.
"Goodnight, earth." Tulog na us.
*
"Lilith, okay na ba suot ni ate?" Tanong ko sa kapatid.
"Ou te, bagay na bagay." Sabay thumbs up kaming dalawa.
"Tapos ka na? Nasa ibaba sundo mo, mag behave ka sa bahay nila Savannah at huwag malikot para hindi mapagalitan okay?" Paalala ko, tumawag kasi si Kris kanina at sinabi gusto makalaro ni Savannah kapatid ko sa bahay nila. May lakad din ako kaya ayos lang, susunduin ko nalang mamaya bago umuwi.
"Opo."
"Alis na tayo." Sabi ko.
Hinatid ko muna ito sa susundo sa kanya bago sumakay ng taxi. Hindi ko alam ang lugar kaya pinakita ko nalang sa driver ang address. Tumawag si Amour kanina at kailangan tulong ko, tinanong ko anong dahilan ngunit hindi sinabi at binigyan lang ako ng address.
Medyo may kalayuan pala, halos nakatulog na ako sa haba ng byahe. Muntik lumuwa mata ko nang makitang almost 1K na babayaran ko. Biglang huminto sasakyan at sinabi ni manong ito na yung lugar. Kumuha ako ng isang libo, kaagad inabot sa kanya at bumaba.
"LOOOOOOOL, nasa bundok ba ako?" Tama ba tong binabaan ko?
Imbes mag aksaya ng oras ay tinawagan ko nalang si Amour. Agad niya itong sinagot kaya sinabi ko kung saan ako banda. Ilang minuto ang nakalipas ay may sasakyang huminto at sinabing pinapasundo ako. Sakto pagpasok ko bigla bumuhos ang ulan, parang kanina lang ang ganda ng panahon.
10-15 minutes narating namin ang destinasyon at talagang sobrang namangha ako sa nakita, dumaan lang din ang malakas na ulan kanina.
"Tuloy lang po kayo." Sabi sa akin ng driver.
Ang ganda ng front view ng malaking bahay, malamig ang kapaligiran, peaceful sa sobrang tahimik at masarap sa pakiramdam ang hangin. Ngunit pansin ko wala masyadong tao?
"Tao po?" Tawag ko pagbukas ng pinto sa kung sino man ang nandito, pero walang sumagot kaya pumasok na ako.
Mula sa kinatatayuan ko ay may narinig akong mga tawanan na nagmula sa living room. Hindi ko inisip kung sino ang mga nandito at dumiretso kaagad sa kung saan nagmula ang mga boses. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa tuluyang tumambad sa akin ang isa-dalawa-tatlo-anim na taong nag uusap at isa na ron si Amour. Imbes sila yung magulat ay kabaliktaran ang nangyari, ako yung nagulat dude!
"H-Hi?" Bati ko at paklang ngumiti.
Gusto ko nalang tumakbo pauwi!
"Dear, come here." Biglang nag iba tono ni Amour at tinawag ako sa pinaka seksi niyang tono. Alam na alam niya talaga kung paano ako pasusunurin. Sunod-sunod ang naging lunok ko bago dahan-dahan lumapit at tumabi sa kanya.
"Sorry, hindi ko kasi alam ang lugar kaya natagalan." Bulong ko ngunit imbes sagot ang matanggap ay isang mainit na halik sa aking pisngi ang ibinigay niya dahilan upang uminit kaagad ang aking mukha.
"Oooh." Reaksyon ng mga nakakita, syempre alam kong hindi basta-basta tong mga kasama niya kaya natural lang mahiya, hindi ako kasing kapal ng mukha ni Pax.
"Take it easy, someone is getting jealous." Biglang salita nong babaeng may hawak na glass of wine at tumingin sa kabilang direksyon kaya agad ko ito sinundan at nakita ang babaeng titig na titig sa akin.
"Shut up, Kath," Sabi nito don sa babaeng nagngangalang Kath. "Drink up, Amour," dagdag nito at inabot kay Amour ang baso. "You said you didn't want tequila, right? I prepared sweet drinks for you instead." Bago pa man maabot ni Amour ay inunahan ko na itong kunin at tinignan siya saka tinaasan ng isang kilay.
"Did you check your blood sugar?" Tanong ko.
"No?" Hindi siya sigurado?!
"Wait, bakit ikaw ang uminom?" Tanong sa akin nong sa tingin ko may balak kay Amour ngunit hindi ko nalang pinansin.
"Baka mataas sugar mo? Pag hindi bababa sa 140 mg/dL gluco mo ay hindi ka pwede uminom." Seryoso akong nagsasalita rito tapos siya mukhang nag eenjoy pa?
"Amour, isusumbong kita kay tita." Banta ko ngunit nagawa pa niya ngumisi.
"Amour, who is she?" Tanong ng katabi ni Kath, ay may kasama nga pala kaming dalawa.
"Oh, I was so happy that I forgot to introduce her to you. Girls, meet my fiancée, Rhea." Pagpapakilala niya sa akin, hindi na ako nagulat at expected ko na talaga yun.
"What? So fast?" Kung may nagulat man sa aming lahat ay yung nag abot ng matamis na inumin sa kanya.
"You know how much I love surprises, don't you?" Sagot naman kaagad ni Amour dito, akala niya siguro makakalusot siya at binalak uminom buti napigilan ko kaagad.
"I need to check your sugar first." Mahina ngunit puno ng diin bawat salita ko, concern ako at baka talaga matuluyan siya nya.
"Alright, I have a glucometer in my bag. Can you grab it for me?" Mabilis kong hinablot ang kanyang bag na nasa malapit at inilabas ang mga kagamitan para sa kanyang glucose.
"Wait, I think she should fast before we take her blood sugar levels to make sure the result is accurate." Suhestiyon nong isa, hindi ko alam mga pangalan nila liban lang kay Kath. Basta maganda silang lahat.
"I think she's right? Ideally, she should fast before the test to ensure an accurate result." Pagsang-ayon naman nang isa.
"It's okay, a blood sugar test taken after a meal known as postprandial is good and accurate as long as it's done two hours after eating." Sagot ko, di ata nila alam yun. Narinig ko ang mahinang tawa ni Amour kaya napalingon ako.
"Do you think I made a mistake in my decision? My fiancée is incredibly smart, isn't she?" Nagawa pa magyabang, normal lang yan at uso mag search sa google libre lang.
Tapos na akong mag setup sa strips and lancet, kinuha ko ang forefinger niya at doon tinusok. Pinadugo ko muna una at pinahiran ng cotton bago ulit pinadugo at ginamit ang strips para makuha ang resulta ng sugar niya. Nakahinga ako nang makita ang resulta.
"Pasalamat ka normal lang. Sige, uminom ka na." Sabi ko sa kanya bago tumayo upang itapon ang strips and lancet.
"Throw it in the yellow garbage bin." Pahabol sa akin ni Amour,
Pabalik na sana ako ng nakasalubong ko si Amour at may bitbit na alak, "Here." binigay niya sa akin ang isa.
"Thanks, pero ano dahilan pinapunta mo ako? Para lang ipagyabang may magandang-pogi kang fiancee?" Biro ko at ininom ang alak bago sumandal sa glass door.
"You went to the courthouse yesterday, right? So, to whom did you get married?" Hindi na ako nagulat at nakarating na rin sa kanya ang balita, inaasahan ko na talaga ito ang dahilan kaya niya ako gusto makita.
"Kay Ines," Diretso kong sagot.
Bigla siyang dumikit at yumakap sa aking katawan at inilapit ang mukha sa labi ko.
"You're unbelievably unfaithful and disloyal. But it's fine, I wasn't planning on tying you down anyway. I know you'll inevitably come back to me." Mahirap ipaliwanag kapag si Amour ang kaharap. Nauubusan ako bigla ng salita at nabubuhay si Jr, ko bigla. Iniwas ko ang ulo at lihim lumunok ng malalim, bango masyado at nagpipigil lang ako.
"See?" Napasinghap ako nang bigla niya inilagay ang kamay sa pagitan ng aking mga hita.
"Am I so irresistibly attractive to you that it causes your weapon to stand up whenever we're together?" Can't deny it though. Landi-landi mo kasi masyado at hilig mo mang tukso!
"W-Well..."
"Well?" Asar niya bago ngumisi.
I couldn't think of a proper answer as I was entranced by her intense gaze. Her lips were getting closer and closer until I finally felt her soft, hot lips on mine. What should I do? Should I push her away and tell her it's wrong? Pero hindi ko magawa, ayaw sumunod ng katawan lalo na itong aking isipan. Pastilan, mabuang ko ani niya! L
Her lips began to move and I eagerly accepted and reciprocated. Her delicate and smooth hand slowly moved up to my nape and gently caressed it while we continued kissing. The kisses were becoming more and more aggressive, and I couldn't help but moan when she bit my lower lip.
"Amour?" Natauhan ako nang biglang dumating ang babaeng kanina pa panay papansin sa kanya. Itutulak ko sana si Amour upang bigyan ng space ngunit mas lalo niya ako idiniin at ibinaba ang ulo ko sa kanyang cleavage.
Fuck! Heaven!
"Yes, Niña?" Patay malisya na sagot ni Amour pero kita ko talaga ang gulat sa mga mata nito, so Niña ang pangalan.
"Others were wondering why it was taking you so long. Let's head back, they're looking for you." Malamig na sagot nito kay Amour bago ako tinapunan ng mabilisang tingin.
"Okay." Sagot ni Amour saka ako hinawakan sa kamay. Buti kumalma kaagad bebe totoy ko.
Bumalik kami sa kung saan ang iba. Nagtataka ako kasi halos lahat sa kanila may mapanuksong mga ngiti sa labi liban lang don kay Niña na biglang hindi na kumibo sa kanila.
Tumaas ang mga kilay ko nang sumenyas ang katabi ni Kath sa akin, may itinuturo siya sa gilid ng labi niya? Hindi ko gets.
"May problema ba?" Magalang kong tanong.
"I can only imagine how amazing it must have been to be kissed by someone like Amour Monroe. I'm sure you were enjoying it as her lipstick was smeared all over your lips." Tukso nito.
Natataranta akong kinuha ang cellphone at tinignan ang sarili, totoo nga ang kanyang sinabi. Nawala sa isipan ko na posibleng mangyari yun, sinarapan ba naman kasi masyado eh. Buburahin ko sana ngunit pinigilan ako ni Amour.
"Don't wipe it off, it looks good on you." Nagawa niya pa magbiro? Pero sa tingin ko seryoso siya kaya sinunod ko nalang din.
"Are you serious about this relationship with her? I thought you were still in love with your ex-" Biglang tumahimik si Niña nang makita ang sulyap sa kanya ni Amour, hindi ko kita ang ekspresyong ginawa niya pero sa tingin ko sapat na para mapatahimik ito.
Hindi ako tanga para di gets yung sinabi.
Hindi ko kilala EX niya.
Kilala ko lang ay yung lalaking kasama niya sa hospital.
May mas EX pa pala?
Kung mahal pa niya edi go...
Wala naman mawawala sa akin kaya go with the flow nalang sa buhay Rhea,
"Past is past." Biglang sabat ko sa malamig na tono. Narealize ko nalang sa huli napalakas pala boses ko.
"Jealous?" Nakuha pa mang asar?
"Ako? Bakit ako magseselos? Kasing ganda at tangkad ko ba yun ha?" Tanong ko at biglang nag tawanan ang iba sa kanila.
"Ako present mo anteh, sa akin ka mag focus at wag sa pinaglumaan mo na." Dagdag ko pa sa tono ng pagkairita, this time narinig ko ang mahihinang hagikhik ni Amour.
"Happy anteh?" Kunot noo kong tanong.
"Soso." Sagot niya.
Soso!
Soso imong mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip