𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 8
*
Takbo Rhea takbo!
Pagkababa ng sasakyan tinakbo ko kaagad patungong crim building, chill lang ako kanina kaso biglang traffic sa may downtown tapos natanggap ko message ni Vinalyn sinabing nag start na klase at nagpa long quiz ang magaling kong asawa na walang magawa sa buhay. Halos mabangga ko na mga taong nasa unahan kada tingin ko sa Relo, almost 30 minutes na akong late! Papalapit ako ng papalapit hanggang sa narating ko ang front door. Tagaktak mga pawis at parang paubos na hininga ko.
"Ambrosio is still not here? It's almost been 30 minutes. I've already given her a consideration and if she goes over the time allotted, I'll mark her as absent." Narinig ko si Ines kaya agad ako kumatok, sakto paglingon nagkatinginan kami.
Itinaas ko isang kamay at hawak-hawak ng isa ang dibdib para pakalmahin ang sarili. "P-Present." Wala na akong laway na malunok sa sobrang dry ng lalamunan ko.
"If you're going to show up just when the class is almost over, why not just skip instead?" Sermon sa akin at lumapit.
"Traffic sa downtown, may banggaan pasensya-baka pwede pa humabol sa long quiz ma'am?" Sagot ko. Papasok na sana ako nang bigla niya ako harangin, sumulyap kaagad ako sa mga kaklase dahil nakamasid sa amin.
"You're practically on the verge of collapsing due to dehydration. Drink this and make sure you finish my quiz on time." Hindi malambing at hindi rin panenermon ang tono ng kanyang pananalita, casual talking ngunit sakto lang upang marinig ng buong klase ang kanyang sinabi.
Wala na akong panahon mag aksaya ng oras at kaagad kinuha ang kanyang bottled water bago nag excuse saka dumiretso sa aking upuan. Bahala na anong isipin ng iba, asawa ko naman yan di lang nila alam.
Kaagad ko sinimulan ang pagsagot sa kanyang mga isinulat sa pisara. Hindi naman sa uncomfortable pero pansin ko talagang sa akin nakatitig si Ines habang abala ako sa pagsagot. 10 minutes bago matapos ang first period niya ay tapos ko na sagutan lahat kaya dali-dali akong tumayo upang ipasa ang papel sa kanya.
"What? Giving up already?" Taas kilay niyang tanong bago inalis ang suot na salamin.
Umiling ako. "Tapos na ko." Sagot ko at ibinigay ang papel. Inaasahan ko talagang kumontra sya o insultuhin ako pero hindi nangyari, instead ay ngumisi siya panandalian at nag angat muli ng paningin sa akin.
"You finished even before your classmates did, are you sure all your answers are correct? Did you really answer everything within just 20 minutes?" Compliment o hindi?
"Ou." Di naman mahirap quiz mo.
"Really?"
"Matalino ako, ano magagawa mo." Don ay tila lumakas ng bahagya boses ko. Nagmukha tuloy akong mayabang at sa isip siguro ng classmates ko ngayon ang yabang-yabang ko.
"Go back to your seat." Tameme siya e, edi babalik.
Since may time pa naman bago matapos first period nya ay nag desisyon akong mag nap saglit. Pagod ako dahil kahapon at kasalanan yun lahat ni Amour, busy masyado ng buhay ko-dinaig pa celebrity sa daming schedules.
"Pass your papers." Naalimpungatan ako at dali-daling hinanap ang papel ngunit hindi ko makita, naalala ko una nga pala akong nagpasa. Tinignan ko ang relo at 9 minutes lang yung pikit ko.
"I'm giving you a 30-minute break before we start class. Make sure you're all back 5 minutes before the next class begins." Anunsyo ni Ines sa amin kaya agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas. Pagod at puyat ako kaya wala ako planong bumaba para bumili ng pagkain, hindi naman ako mamamatay kung di makakain ng agahan.
"Rhea, cafeteria sama ka?" Agad akong umiling kay Vinalyn,
"Ikaw nalang, tutuloy ko yung naudlot ko na tulog." Sagot ko at muling ibinaba ang ulo sa desk saka pumikit.
"Okay, chat mo 'ko pag may gusto ka ipabili." Hindi na ako kumibo, gusto ko na matulog at sayang ang 30 minutes.
Tahimik na ang buong silid kaya tiyak mabilis akong makakatulog, ngunit mali ako dahil may biglang humawak sa ulo ko. Pagpihit ko at tingin ay walang iba kundi si Ines, ginagawa niya? Hindi kami close para hawak-hawakan ako.
"What did you do last night that you're feeling tired?" Tanong niya.
"Wala ka ng pakialam don." Sagot ko at muling pumikit.
"I'm asking you as a professor, not as Ines, the person you know." Susu daming alam, kapagod sumagot sayo.
"Here." Bigla nya inilapag ang mga papel namin sa quiz kaya bigla ako napaupo ng tuluyan.
"Aanhin ko? Po?" Tsk.
"Check your classmates papers.." Nanggigigil ako at ang sarap mong...nanana!
"Bakit ako? Trabaho mo yan diba?" Kainis ha, hindi porket propesora ka gaganyanin mo ko.
"Why not? It would be better if you worked for me rather than just sitting there dozing off." Giatay jud.
"Ano mo ko? Trabahante? Estudyante ako dai." Sarkastiko kong sagot.
"Aren't you curious about your score?" Bigla tumaas isang kilay ko sa naging hamon niya.
"Bakit pa? Alam ko naman ako highest?" Hindi sa pagmamayabang pero alam kong wala akong maling sagot sa quiz niya.
"Really?" Nakakainis, gusto ko lang naman matulog!
Padabog kong kinuha ang mga papel at pulang ballpen niya. Total gusto niya ako mag check edi tignan natin kung may mas highest pa sa akin.
"May lakad ka siguro kaya sa akin mo pinasa tong mga papel? Umalis ka na, ako na bahala rito." Wala sa gana kong salita habang tutok ang mga mata sa papel.
"I don't have any plans, so I'll stay here and do the work." Saglit ko itong sinundan ng tingin habang pabalik sa kanyang table, sexy at hulmang-hulma masyado.
Hindi na ako kumibo at trinabaho nalang ang pinagawa sa akin. Una ko chineck ang aking papel at talagang na frustrate ako bigla, may isa akong mali dahil lang sa wrong spelling! Gusto ko sumugod kay Ines sa table at sabihin e consider nalang ito dahil tama naman sagot ko, sumobra lang ako ng isang letra.
"Pisti." Kaya pala hinamon ako kasi alam niyang may mali talaga.
"Rhea," Biglang dumating si Vinalyn na may bibit na mga pagkain. Good indai at nagutom ako bigla sa resulta.
"Akala ko tulog ka. Here, dinalhan kita." Agad ko kinuha ang coke at sandwich.
"Thanks, wala ka gagawin? Tulung-"
"Ambrosio," Sabay kami napalingon ni Vinalyn sa biglang pagtawag ni Ines sa akin.
"Bakit?" Lihim ko itong tinaasan ng kilay.
"Are you done?"
"Hindi pa, papatulong nga ako kay V-"
"Move here." Hindi man lang ako pinapatapos magsalita. Sabat nang sabat sa laptop naman nakatingin.
"Ha?" Hakdog mo Rhea masarap.
"I said, move here." Sagot niya bago sumandal at sumenyas lumipat sa kanyang tabi. Arte!
"Ayos na ako rit-"
"I should probably deduct 10 points from you for being almost 30 minutes late to class." Hindi ko nagustuhan ang kanyang pagbabanta. Kahit hindi ko gusto ay nag excuse ako kaagad kay Vinalyn at kinaladkad ang isang upuan patungo sa tabi ni Ines,
"Masaya ka na?" Mahinang bulong ko nang makatabi ito. Hindi ako sinagot at wala rin akong pakialam kaya tinuloy ko nalang ang pag check ng mga papel.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi ko na napigilan at biglang napatanong sa kanya, kasi bakit may check yung sagot nong Jimbo? Wrong spelling din naman siya!
"Ma'am, mag usap nga tayo." Napailing ako at pikit ng mga mata saglit, parang naghahanap ako ng gulo sa tono ng pananalita.
"What?" Baling sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Gusto ko lang itanong, bakit binigyan mo ng check si Majimbo kahit mali spelling niya? Tapos sa akin mali? Parang unfair masyado, favorite mo?" Ipaglalaban ko talaga tong mali ko kung ganito malalaman ko.
"What's your score?"
"49/50."
"And his?"
Sarap punitin nitong papel ni Jimbo, "50." Malamig kong sagot.
"I didn't even check his paper." Dahilan niya kaya agad ko pinakita ang papel ni Jimbo.
"Look, may check diba?" Turo ko sa last number.
"What's the color of the ballpen you're holding?" Tanong niya at nagkrus ng mga braso.
"Red." Sagot ko sabay tingin sa kamay.
"What color was used to check his paper?" Muli ko itong tinignan at black ballpen gamit dito.
"Black." Tanga ko.
"Aren't you smart? You should already know the answer to your own question, shouldn't you?" I sighed at mahinang sinampal ang pisngi.
"K." Sagot ko dahil sa inis, nagmukha akong bobo sa ginawa ko. Kay gagong Majimbong yun balak pa manloko.
Makalipas ang kalahating oras ay natapos ko ang pina trabaho niya, buti naman marunong siya mag pasalamat sa akin. Mabait at pinakain ako una bago sinimulan ang susunod niyang period. Hindi ko maikakaila magaling at mabilis lang intindihin kung paano magturo si Ines, and also kulang nalang isubo niya lahat sa amin. Hindi katulad sa ibang guro na discuss nang discuss tapos di pala gets ng students. Smooth at walang naging problema sa buong klase, problema lang ay sumakit ang pwet ko sa halos tatlong oras nakaupo.
"All right, that's it for today."
"Excuse me ma'am, Rules of court po ba tayo next meeting?" Taas kamay na tanong ni Majimbo.
"Yes, so you better study ahead." Pastilan na buhay yan. Kaka long quiz lang namin kanina, binabalak yata ulit magbigay ng quiz si anteh.
"No more questions?" Tanong ni Ines, walang sumagot kaya obvious wala ng tanong.
"Class dismissed." Anunsyo niya.
Kaagad ko hinablot ang bag saka tumakbo palabas, ayaw ko mahuli at baka kung ano ulit ipag-utos ni Ines sa akin. Narinig ko ang pagtawag ni Vinalyn ngunit hindi ko pinansin at tuloy-tuloy tumakbo pababa ng building. Dumiretso ako sa parking lot at papasok na sana ako ng sasakyan nang biglang may bumato sa aking ulo, pagtingin ko sa kung anong bagay ay nagulat ako nang makita ang isang makapal na libro ng ROC sa sahig.
"I've been calling your name since awhile ago. Are you deaf or are you just pretending not to hear me?" I looked at her in disbelief. Ako? Binato niya?
"Ang bastos mo, kailangan batuhin ako? Paano pag nasugatan mukha ko? Ito nalang nga alas ko." Pinulot ko ang libro at naglakad palapit sa kanya.
"May kailangan ka? Sabihin mo at baka may makakita sa ating dalawa. Ayaw ko isipin nila may something sa atin dai." Tanong ko bago inabot ang libro.
"Why are you in such a hurry? You're acting like you can't stand the sight of me." Lihim akong umirap, buti alam mo pero di ko aaminin sayo.
"Kailangan ko sunduin kapatid ko, at isa pa walang dahilan para manatili ako rito kung wala na akong klase. Ano kasi kailangan mo? Kung wala ay pwede bang umalis na ako?" Isipin ko nalang nagpapapansin lang si Ines kasi wala akong ibang dahilan maisip.
"I'm coming with you. Let's have lunch together." Hindi man lang pinansin ang tanong ko at nagtungo kaagad sa sasakyan ko-binigay na niya sa akin kaya syempre sasakyan ko.
"What? You're just going to stand there idly now? I thought you were in a hurry?" Tawag sa akin bago ako inikutan ng mga mata at nauna pumasok sa sasakyan. Wow lang ha, bilib na talaga ako sa kanya.
Wala ako magawa kaya isinama ko nalang sa pagsundo kay Lilith. Hindi ako nagsalita sa buong byahe at ganun rin siya hanggang sa pumarada ako sa gate ng public school kung saan nag-aaral ang aking kapatid.
"Dito ka lang, susunduin ko lang kapatid ko." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang suot kong seatbelt, ngunit bago ko pa man tuluyan mahubad ay nauna na siyang lumabas. Gahiag bukog bayhana, di makaintindi hays.
"Ines, sa kotse ka nalang maghintay at mainit." Habol ko bitbit ang payong.
Hindi ito kumibo kaya pinayongan ko nalang din, sayang at baka umitim pa siya. Malapit lang naman ang room ni Lilith dahil nasa likod lang ng main gate building nila, akalain mo at pati mga bata napapalingon dito sa kasama ko. Kinis na kinis ng legs tapos taas pa ng suot niyang takong.
"Ate!" Wala pa man kami sa classroom ay nakasalubong na namin ang kapatid ko. Ngumiti ako kaagad naang makita itong masaya.
Akala ko sa akin yayakap ngunit nagulat nalang ako ng kay Ines ito kaagad dumiretso at yumakap sa kanyang tiyan. Gusto ko sana siya pagalitan at ilayo pero ayaw ko mag mukhang bastos kaya hayaan nalang.
"Hi baby, how was class?" Tumikhim ako at sumenyas na wag siyang english nang english kasi di nakakaintindi kapatid ko.
"Kumusta klase mo?" Tanong nitong muli.
"Hehe masaya po, marami na ako friends." Sagot ng kapatid ko.
"Lilith, nandito si ate, wala ka balak yakapin ako?" Ayaw na ata humiwalay kay Ines,
"Alam ko ate pero gusto ko kay ate Ines, humot kaayo siya." Bahagya akong umatras. Sabagay at totoo naman ang kanyang sinabi, mabango talaga si Ines.
Umiling ako. "Alis na tayo para makakain, may pasok ka pa mamaya." Sabi ko at hahawak sana sa kanyang kamay ngunit si Ines ulit ang kanyang pinili, taksil masyado kapatid ko at mas paborito ang isa.
Sabi ko sa malapit lang kami na karenderya kumain dahil baka ma traffic pabalik at late sa school kapatid ko, pero itong si Ines ay sadyang bida-bida sa buhay ko kaya mas lalo kaming napalayo sa school. Siya kasi nag insist na mag maneho kaya hindi ko alam saan kami dadlhin ng kapatid ko, basta ay bigla nalang huminto ang sasakyan sa Chinese restaurant. May lahi ba siyang intsik? Sabagay, mata palang halata na.
"Mauna na kayo sa loob, ako na mag park." Sabi ko pagbaba at ikot sa driver's seat.
"All right."
"Huwag ka lalayo kay Ines, Lilith." Payo ko sa kapatid bago sila tuluyang tumalikod.
Mabilis lang at hindi ako inabot ng limang minuto sa pag park since may mga bakante pa naman. Pagkatapos ay kaagad na akong sumunod papasok, medyo maraming customers pag bungad ko at hindi ako nagkakamali dahil isa itong Chinese restaurant. As I glance around, my attention is immediately drawn to Ines and her companion. The man she's with stands out from the crowd due to his impressive physique, and I find myself instinctively comparing him to other men in the vicinity. May kasama siya?
Papalapit ako ng papalapit hanggang sa naririnig ko na ang usapan nila.
"Tama ba ako sa narinig ko? May asawa ka na? Kailan at bakit hindi mo una ipinaalam sa amin ng mommy mo?" Napalunok ako at tigil sa pag hakbang, nasa likod na kasi ako nitong kausap niya.
"Yes, Dad." Halos lumuwa ang mga mata ko matapos marinig ang huli niyang binanggit, Dad?!
"If you're wondering, I just want to inform you that I'm married to a woman, not a man. I don't care if you disagree with my decision to marry a woman, but I had to do it because it's my responsibility." Natutop ko ang bibig sa sobrang pagkagulat. Paano niya nasabi lahat ng yun ng ganun kadali sa kanyang ama? Seryoso na talaga siya?
"I'm speechless, Ines." Lalim ng boses ni Daddy,
"Whether you have anything to say or not, I will still be the one making decisions about my own life." Umalis nalang kaya ako? Mukhang ayaw ko na humarap at parang wala rin naman sya plano ipakilala ako? Kanina pa kaya kaming dalawa magkaharap.
"Bahala ka sa buhay mo. Matanda na ako at pagod na sa mga desisyon mo. Nasaan ang asawa mo?" Tanong ng kanyang ama.
Hindi ko ba alam at bigla ako nagtaas ng isang kamay at humakbang palapit kay Ines, "Ako po. Ako asawa niya." Matapang singit ko sa usapan nila at hinarap ang kanyang ama.
Kinabahan ako sa bigla nitong pagtingin mula ulo hanggang paa ko bago tumingin sa aking mga mata. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mabilisan nitong pagtayo at kinuha isang kamay ko at nakipag kamay.
"Name?"
"Rhea po." Agad kong sagot, ayaw ko ipakita na kabado.
"Congratulations Rhea, and thank you." Naguluhan ako at nagtaasan ang mga kamay, papasalamat siya because?
"Thank you? Para saan?" Tanong ko.
"She's your problem now."
Sa pagkakataon na ito ay ngumiti siya kaya pati ako ay tuluyang natawa. Gaano ka sakit sa ulo anak niya at ngayon tuwang-tuwa siya.
"Kahit unang tagpo namin masakit na siya sa ulo kaya naniniwala ako sa inyo." Sumagot lang ako sa alam kong tama.
"Maupo ka." Sa gilid ako umupo kung saan nasa pagitan nila akong dalawa. Ayaw ko tumabi kay Ines dahil katabi niya si Lilith at mas lalong ayaw ko tumabi sa kanyang ama.
"Salamat po."
"Kamusta ang anak ko bilang asawa? Kailan kayo ikinasal?" Interview agad si angkol.
"Pinakulong ako ng anak nyo, nagpakasal siya sa akin bilang kabayaran daw. Hindi ko naman siningil?" Mas maganda nga sana kung hindi na nag krus landas naming dalawa.
Humalakhak ang kanyang ana, katawa-tawa naman talaga naging dahilan kaya ako pinakasalan. "Pero mabait naman ba ang anak ko?" Tumingin ako ng mabilisan kay Ines bago ulit humarap sa kanyang ama.
Tumikhim ako. "Hindi ko alam, hindi ko pa labis na kilala ang anak mo, sir. Nakapagtataka at hindi ka tutol sa desisyon nya?" Prangka ngunit magalang ang pagkakasabi ko.
Mahina itong natawa at kasunod ang pag kibit-balikat. "Matanda na ako at mas maraming problema sa trabaho, pagod na ako kumontra sa buhay niya." Tumaas ang magkabilang kilay ko, hindi ko maikakaila na natuwa ako sa kanyang sinabi.
"I hate to interrupt your pleasant conversation, but I just wanted to ask if you've found what I was looking for?" Sumingit si Ines sa usapan naming dalawa.
"You're referring to that person, right? No sweetheart, we still haven't found out where he's hiding. Why are you so determined to find him? It's been a year since we lost track of him but you're still not giving up." Hindi maiwasan na hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, sinong tao hinahanap niya?
"Salamat." Pasasalamat ko sa waiter na nagbigay ng tubig.
"Do you really think it's that easy to forget everything? If you've managed to put it all behind you, then good for you. But I can't-I won't. I'll never forget everything that happened. ever." Tumaas ang tono ng pananalita ni Ines at tila ba nag uumpisa ng mag init ang kanyang ulo.
"But the arena has been closed for a long time at lahat ng mga taong konektado kay red ay patay na." Tumigil ako sa pag inom at tinanong ang sarili kung tama ba ang aking narinig o baka mali lang ako.
"Do everything you can. Use all of your connections. Dad, whether he's dead or alive, I want you to bring Red to me." Nakahinga ako ng maluwag, akala ko ako yung red na gusto tokhangin nitong mag-ama.
"Okay, okay." Under nga siya sa anak.
"Good." Pagtatapos niya sa usapan at muling ibinalik sa akin ang atensyon. Tinitingin mo sa akin? Usap lang kayo at nakikichismis ako.
"Ate, tagal pa po pagkain?" Salamat at pumagitna kapatid ko.
"It's here, baby."
Saktong-sakto at dumating ang mga pagkain, dami talagang mga inorder. Tataba yata ako pag nag tuloy-tuloy akong ganito, ni wala na akong exercise at panay nalang kain. Tahimik lang ako nagmamasid kay Ines, kung paano niya tratuhin ang kapatid ko at alagaan. Naiinis man ako sa kung paano ako trinato ay bawing-bawi naman siya pagdating kay Lilith, ayos lang basta wag niya sasaktan.
"May trabaho ka ngayon, Rhea?" Tanong ni Agustin, ama ni Ines.
"Wala po, nag-aaral palang." Sagot ko.
"Anong kurso mo?"
"BS-Crim." Busog na ako, hindi ko kaya ubusin ang mga natira.
Tumango ito ng ilang beses. "Balak mo mag police?"
"Opo, pero pagkatapos ng nangyari baka maging holdaper nalang sa kanto." Pagbibiro ko. Babawiin ko na sana biro ko nang makitang hindi ito natuwa at seryoso ang mukha nang bigla itong tumawa ng malakas. Hindi ko na ibinahagi kwento ng buhay ko at kung ano ang mga naging trabaho.
"Alam mong hindi magiging mahirap para sayo pumasok once naipasa mo ang CLE." Tumango ako, alam ko na si Amour magiging backup ko kuno.
"Pagsusumikapan ko po." Sagot ko nalang.
"Don't worry about her, she always excels at everything." Aniya ni Ines sa kanyang ama, proud din pala siya maging asawa ako kahit papaano.
"Mukhang matalino ka, Rhea." Nahiya ako, tinatablan din ako ng hiya minsan.
"Hindi halata sa mukha pero may laban din naman po pagdating sa utak." Hindi sa pagmamayabang pero parang ganun na rin.
Tinuro-turo nya ako habang malawak ang ngiti sa kanyang labi. "Gusto ko ang asawa mo. Prangka kung magsalita." Maliit na bagay Agustin.
Nag enjoy ako sa usapang naming dalawa kaya hindi ko namalayan ang oras, kung hindi lang ako sinabihan ni Ines na kailangan na namin umalis dahil may klase pa si Lilith ay malamang aabutin kami hanggang gabi ng kanyang ama sa pakikipag kwentuhan. Bago kami tuluyang magpaalam ay sinabihan ako na kung maaari ay dumalaw sa bahay nila upang makilala rin ng ina ni Ines.
Thankfully walang traffic pag byahe namin pabalik ng school kaya hindi na late ang kapatid ko. Kasama ko parin si Ines sa paghatid dahil nangungulit si Lilith, akala ko ba si Azalea paborito nya? Bakit mukhang nagbago manok niya.
"Susunduin nyo po ako ulit mamaya?" Tanong ni Lilith ng maihatid namin sa labas ng classroom.
"Ako lang." Pabalang kong sagot. Agad itong sumimangot at tinapunan ako ng masamang tingin.
"Ayaw! Gusto ko si ate Ines kasama." Mahina kong sinampal ang noo, ano nalang gagawin ko sa batang ito.
"Hindi pwede, may trabaho si I-"
"Sure thing. Babalik ako mamaya upang sunduin ka." Wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga sa sinabi ni Ines.
"Pumasok ka na at magsisimula na ang klase." Bugaw ko sa kapatid para makaalis na ako, gusto ko na humiwalay kay Ines at hindi ako komportable sa tuwing magkasama kaming dalawa.
"Paalam po." Nagtaas lang ako ng isang kamay habang pinagmamasdan ang kapatid na papasok ng room.
Nang masigurong okay na lahat ay kaagad akong tumalikod at naunang maglakad pabalik ng sasakyan, pero tila may matulis na bagay sa aking likuran kaya muli akong napalingon.
"Bilisan mo kaya maglakad?" Tawag ko kay Ines, bakit kasi ang taas ng takong niya!
"Why don't you just go ahead, that was your plan from the start. What's the point in bothering?" Taray ni anteh, siya pa may ganang mainis.
"Edi okay." Sagot ko at mas binilisan ang paglalakad.
Una akong nakarating at hinintay ko ito syempre, alangan naman iwanan at hindi ako ganun ka bastos na babae. Naalala ko session namin ngayon ng classmate ko noon sa crim, isa siyang tattoo artist at nagpaturo ako sa kanya kung paano ang tamang pag tattoo.
"Sumakay ka na, sa school ba kita ihahatid?" Baka walang alam sa commute to.
"No." Kunot noo siyang binalingan pagpasok ng sasakyan.
"Saan?" Tanong ko.
"No plans for now, why do you ask?" Sana all maraming time, akala mo walang trabaho.
"May session kami ng kaibigan ko, hindi ka pwede sumama at wala ka naman gagawin don." Mababagot lang siya at baka sungitan kaibigan ko kaya wag na siya sumama.
"Let's go."
"Ha? Sasama ka?"
"Yes."
"Wala ka bang trabaho ha? Akala ko ba may new case kang hawak ngayon? Dami mong time magwalwal ha." Paano ko ba kasi to siya mapapaalis at walang balak humiwalay.
"Don't ask too many questions and just go." Dahil sa inis ay bigla ko pinaandar ang sasakyan at prumeno.
"What the hell?!" Bulyaw niya dahil muntik siya sumubsub. Yawa, hindi pa pala suot seatbelt niya.
"I-I'm sorry, ayusin mo muna seatbelt mo." Bilis ko makonsensya hays.
*
Kasalukuyan akong naghahanap ng taong pwede ko pag praktisan. Libre lang kaya wala silang babayaran, pero kahit anong kumbinsi ko sa mga tao ay ayaw nilang magpa tattoo sa akin.
"Ayaw mo? Libre lang." Tanong ko sa binatang dumaan sa labas ng studio.
"Hindi."
Kamot-kamot ang ulo ay bumalik ako sa loob. Bigo na naman ako at pang pitong tanong ko na yun sa mga tao. Bagsak ang mga balikat at yuko ako ng ulo nang marinig ang kantyaw na tawanan ng mga kaibigan kong lalaki.
"Rhea, pang sampung tanong mo na yun, wala ka parin napapayag?" Tawa pa siya at baka lumipad tong kamao ko sa kanya.
"Wag mo pagtawanan ang kaibigan natin, rememps HAHAHAHAHAHA." Isa pa tong si Ijay, same lang sila ni rememps mga kantyawero.
"Hays, tumawa lang kayo habang mataas pa pasensya ko." Sagot ko sa dalawa at pabagsak umupo sa sofa bago ipinikit ang mga mata.
"Pangit ba gawa ko at ayaw nilang pumayag tattooan ko?" Tanong ko sa kanila ngunit wala akong natanggap na matinong sagot, sa halip ay mas lalo ako pinagtawanan ng dalawa.
"Tangena nyo!" Bulyaw ko.
"More practice, gandahan mo kasi para magustuhan nila." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ijay, nag effort ako sa gawa ko.
"First tattoo ko. Effort na effort pa ako sa art tapos magiging failure lang ending." Ayaw ko na ituloy at baka pagtawanan lang ulit.
"Makaalis na ng-"
"Me." Lahat kami sabay napatingin kay Ines na kanina pa tahimik at abala sa kanyang cellphone.
"Ha?" Reaksyon ko.
"You haven't found anyone else, so why not use me as your guinea pig?." Nanlaki ang aking mga mata.
Bigla akong na speechless sa kanyang sinabi, tinitigan ko siya ng maigi at alam kong seryoso si Ines sa kanyang sinabi dahil hindi siya ang babaeng mahilig magbiro. Tinanong ko siya ulit kung seryoso dahil gusto ko makasiguro at tumango ito. Lumapad ang ngiti sa aking labi dahil sa labis na tuwa, di ko talaga napigilan ang sarili at napatalon-talon kasabay ang suntok sa ere na parang nanalo ng jackpot.
"Let me see your art." Tawag ni Ines sa akin at inilahad ang isang kamay. Tumango ako at lumapit saka inabot sa kanya ang gawa ko ngunit hinablot yun ng mga kaibigan ko.
"PFT HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Tawanan nilang dalawa na akala mo mamamatay na.
"Yawa man siguro mong tanan! Akin na nga! Wag na." Galit kong inagaw at pupunitin na sana nang bigla ako hilahin ni Ines.
"Ano? Tatawanan mo rin ako?" Inis kong tanong.
"They aren't the ones getting the tattoo, so why are you concerned about them? Let me have it and show me where you think it would look best." Green flag era na ba ito ni anteh? Ang pagkakakilala ko hindi siya ganito. Nakasimangot akong ipinakita sa kanya.
"Okay."
"Hindi ako nakikipag biruan dito." Malamig kong sagot.
"I'm serious. You decide where it would look best to put it. I trust your judgement." Nagkatitigan kaming dalawa sa ako na rin mismo ang sumuko.
Kung maaari gusto ko ilagay sa hindi makikita ng ibang tao. Sinuri ko kung saan banda sa kanyang katawan at nahanap ko rin ang magandang spot.
"Sa may puson mo banda? Sa gilid? Kung pwede sa hindi makikita ng iba." Sabi ko.
"All right." Hindi man lang ito nagdalawang isip sa kanyang sagot.
"S-Sige, sunod ka sa akin."
Hinanda ko kaagad ang mga kagamitan upang masimulan kaagad dahil mukhang aabutin kami ng isa o di kaya max na yung tatlong oras bago matapos. Hindi ako professional at nag-aaral palang kaya obvious aabutin talaga kami ng syam-syam.
"Rhea, relax. Why are you the one who's more anxious than me? Take a deep breath and just do it naturally. Don't be too nervous and try to stop your hands from shaking." Paalala sa akin ni Ines dahil kahit ako ramdam ang panginginig ng kamay, baka kasi isang mali ko lang masaktan siya.
"B-Baka masaktan ka?"
"Do you think I'm a weak person? This little pain is nothing compared to what I've been through. Let's start now so we can finish quickly." Nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi at pinakalma ang sarili.
"Okay, simulan ko na."
Habang abala sa pag tattoo kay Ines ay palagi kong sinusuri ang kanyang mukha upang tingnan ang kanyang ekspresyon. Nakapikit lang ito simula umpisa at ngayon patapos na kami. Nagpapasalamat ako sa tiwalang binigay at the same time na konsensya dahil hindi ko alam kung magugustuhan niya ang resulta. Malapit na mag alas kwatro ng hapon nang matapos akong mag tattoo sa kanya.
"I-Ines, gising ka?" Nakatulog pa siya non?
"Yes. Are you done?" Tanong niya.
Mabagal akong tumango.
"Can I see?"
Muli akong tumango at inalalayan ito upang iharap sa salamin. Kinagat ko ang ibabang labi matapos walang makuhang reaksyon mula sa kanya, marahil ay dismayado ito kasi aminado akong hindi talaga maganda pagkakagawa ko.
"Sorry, hindi maganda-"
"I like it." Nag angat ako ng ulo at nakita sa salamin na nakatingin ito sa akin.
"T-Totoo? Nagustuhan mo? Walang halong biro yan?" Puno ng excitement ang mukha ko.
"Yes. Thank you." Yung mga balahibo ko nagsitayuan matapos niya magpasalamat at sobrang lambing ng boses. Di ako nakaimik men, natameme ako at kagat labi na lang tapos dagdagan pang sobrang ganda niya sa biglang pagngiti.
"How much should I pay for your effort?" Mabilis akong umiling.
"Hindi na kailangan, practice lang yan at isa pa malaking kabayaran na yung pinagamit mo sa akin katawan mo." Nagtaas ang kanyang mga kilay. Agad kong napagtanto na medyo off yung pagkakasabi ko.
"Ibig ko sabihin, salamat kasi pumayag ka gamitin katawan mo para sa tattoo ko." Pagklaro ko kasi mukhang iba nasa utak ng babaeng to.
Sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang labi bago ito dahan-dahan pumihit upang akoy harapin.
"So, no payment necessary? Got it."
Ngunit ikinagulat ko ang bigla niyang pagdiin sa akin, hinila ako sa batok at binigyan ng isang mainit at malambot na halik sa labi. Hindi ako agad nakapagreak kasi parang naging bato ako sa kinatatayuan ko. Namalayan ko nalang ang sariling hawak-hawak ang aking labi.
"That's my payment. Let's go, I think Lilith's class might be over by now." Bulong niya at mahina akong tinapik sa pisngi upang magising.
Buang na.
Sino yun at nawala sa katawan niya ang demonyo?
Kakaiba.
"Rhea?" Bakit ba ang lambing ng boses kung tawagin ako? Nabagok ba ulo ni anteh?
"A-Ah?"
"I said, tara na?" Nyawa ka Rhea, umayos ka at baka pinaglalaruan ka lang niya.
"Sabi ko nga."
Malabong magbago ang isang tao sa isang araw lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip