Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 9

Mastah_K


*

Emilie

As I stepped out of the car, the sight of a huge billboard immediately caught my eye. It was a gesture of appreciation because my movie was a hit and it outperformed Thalia's top grosser. In my mind, there was joy, but something was still missing. The success didn't bring me the happiness I sought. There was something lacking, and I knew exactly who it was.

The memories of our past together started playing like a movie in my head. Memories of our laughter and love for each other flooded my thoughts. Every time I think about the mistake I made, there's nothing I can do but cry. All the memories of her are still vivid in my heart and mind, and I miss her terribly. We had been together for so many years, and I refused to believe that she had fully moved on from our relationship, from me.

After numerous attempts, I finally managed to convince Amour to meet with me again. My jealousy from before made me utter words that I later regretted. Why did I involve Rhea in my problems? I know Amour must think ill of me, and she may believe I'm just using Rhea, but I have no intention of bringing someone innocent into my life's issues.

"Magandang umaga, ma'am." As soon as I stepped into the building, I was greeted by a smiling staff. Right, I'm here to participate in a talk show.

"Goodmorning." I politely returned the greeting and followed after her as she led me to the room.

My intuition tells me that the show is about to start, and I intentionally arrived late for that reason. I don't like being kept waiting for a prolonged period of time. After this event, I am heading straight to the hotel where Amour and I have agreed to meet. I told her that if she is busy, I will go to the hospital, but she insists that we meet at our usual spot.

True enough, the host had already started his opening segment, and I was waiting for my turn to be called to the stage.

"And now, we have a special guest with us today. She has reached the top of her career with her latest movie, quickly becoming a box office hit in just a few weeks. Please welcome Emilie Jenkins, everyone!" I took the microphone that was handed to me and smiled at the audience as I made my way up onto the stage.

"Welcome! It's such an honor to have you here today, miss Emilie. Your latest movie has been absolutely smashing the charts and breaking records left and right. Tell us, how does it feel to have reached the top of your career in such a short span of time?" I'm feeling nervous because this is my first time attending such a big and well-known show.

"Thank you, it truly has been a whirlwind journey. The success of this movie has been beyond my wildest dreams, and I'm incredibly grateful to the cast, crew, and fans who have supported me every step of the way. I never imagined that this film would take off the way it has, and I'm truly humbled by the response. It's an honor to be here with all of you today." I answered confidently as I smiled at the camera. I knew many people were watching me live, so I made sure to maintain my composure and deliver my responses with confidence.

"I'm sure many aspiring actors and actresses look up to you for inspiration. Can you share who or what inspired you to pursue this acting career?" The host's next question caught me off guard, and for a brief moment, I had to pause and think before quickly plastering a smile back onto my face.

"My biggest inspiration comes from the person who encouraged me to pursue acting right from the start. This person has supported me through thick and thin, showered me with love and understanding, and has been my biggest cheerleader throughout my journey. Without her unwavering support and belief in me, I wouldn't be where I am today. She has truly been my rock and my inspiration." I secretly hoped that she's watching the show now since I had mentioned this to her beforehand.

"You mentioned that there's someone special who has been a significant influence in your career. Can you share with us who this person is and how that person inspired you to pursue acting? Perhaps you can give us a hint or tell us more about the unique bond you share with this person." I forced a smile, knowing that I couldn't reveal to everyone that the person I was referring to was Amour, given our current situation.

"Unfortunately, we don't have any contact with each other anymore. However, throughout all the obstacles and challenges I've faced in my acting career, this person has been my inspiration." I gave a quick answer and dismissed the topic, not wanting to delve any further into the details.

"So, I'm sure our audience is dying to know - are you currently in a relationship, or are you single and ready to mingle?" The host chuckled softly and moved on to the next question, curious about my relationship status.

I chuckled softly, "I'm actually single at the moment, focusing on my career and enjoying the freedom that comes with it. But who knows what the future holds?" I may be single currently, but that doesn't mean I've completely moved on from my past, especially from a certain someone who holds a special place in my heart.

"Well, I'm sure there are many men out there who are secretly hoping that they might one day be lucky enough to win your heart." Despite the host's words, I couldn't help but chuckle a bit. It seemed particularly amusing to me, especially after the topic of men was brought up. I have never felt any attraction to men, as there has only ever been one person who captivates my heart,

and that person is a woman.

*

Rhea

"Sino kaya tinutukoy ni Jenkins na inspiration nya?" Tanong ni Bea, nandito sila ngayon ni Pax sa condo upang dumalaw.

Nasa lamesa kami at kumakain ng dragon seed, ako tong balat nang balat tapos wala akong nakain kasi sa bunganga lahat ni Pax napunta. Sobrang aga nila sumugod, 7am pinag sisipa na pinto ko sa labas kanina. Kasalukuyan nga pala kaming nanonood ng sikat na talkshow sa tanghali at ang guest ay si Emilie Jenkins, nakababatang kapatid ni Arleth,

"Ako"

"Mahangin ka friend. Hindi porket magkakilala kayo ay lolobo na yang ulo mo, tignan ko nga baka naging hugis mojacko na." Mabilis ko ibinato sa mukha ni Pax ang mga balat na kanina ko pa inipon.

"Wala ba kayong mga trabaho sa buhay at ako ginugulo nyo?" Tanong ko at hinanap si Lilith, mukhang naliligo na. May schedule na yang kapatid ko tuwing weekends sa bahay nila Savannah, sarap bumalik pagkabata.

"Lilith? Tapos ka na maligo?" Tawag ko sa kapatid na nasa banyo.

"Hindi pa ate!"

"Matured na kapatid mo kumpara sa ibang mga bata, hindi na kailangan tulong mo." Ngumiti ako at lumingon kay Bea, lumaki kapatid ko wala ako sa kanyang tabi palagi at napabayaan ng magulang kaya sanay na yan sa gawain mag-isa minsan.

"Diba? Kumpara kay Pax na to mas may isip pa kapatid ko." Ngisi ko kasunod ang pag-akbay kay Pax,

"Totoo." Pagsang-ayon ni Bea,

"Mga loko kayo ah." Sabay siko ng mahina ni Pax sa sikmura ko.

Bigla nag notif cellphone ko, pag swipe ko may bagong post si Amour, lihim akong natuwa dahil baka litrato niya ngunit ganun din kabilis nawala ang excitemen nang makita kung ano at sino ang kasama nito. Mabilis ko itong ni long press at save sa phone.

"Nakasimangot ka? Ano nakita mo?" Tanong ni Pax at hindi na ako hinintay sumagot at kaagad hinablot ang cellphone sa aking kamay.

"Sino nga ulit to? Diba ito yung doctor sa kepyas? Ano tawag ulit sa kanya-jowabels niya kasama? Mukhang in-love kung makatitig sa isa't-isa." Yung inis ko kay Pax sagad na.

"Akin na nga!" Padabog kong kuha sa kanya ng phone.

"Wag mo inaasar at asawa nya yan." Saway ni Bea,

"Asawa?" Sabay na sagot namin ni Pax, imbento talaga tong si Bea minsan. Napapaisip tuloy ako kung anong meron at biglang naging weird tong kaibigan namin, hindi naman siya ganito dati.

"Ano ba meron? Patingin." Bilis mag divert ng topic at iwas masyado sa tanong namin.

Pinakita ko sa kanya ang litrato ni Amour na malawak ang ngiting akala mo patay na patay sa lalaking inakbayan, tapos kung makahawak tong ungas sa katawan niya. Hindi lang yun, tignan mo kung paano hawakan ni Amour ang lalaking to. Landi-landi niya sa akin tapos sabi-sabi pang lumalandi ako sa iba e siya rin naman pala.

"Selos ka?" Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi ni Bea,

"Hindi, mas lamang ako sa lakaking yan." Bakit ako magseselos? May asawa at partida may Ines pa ako.

"Kung hindi ka nagseselos bakit selos na selos yang mukha mo?" Hindi ako umimik at pinuntahan nalang kapatid ko upang ihanda susuotin niya.

Hindi mawala sa isipan ko ang litrato habang naghahanap ng damit ni Lilith, atayang Amour at ano ginawa sa akin bakit ako nagkakaganito sa kanya. Ako? Selos? Bakit ako magseselos? Pero bakit ganun sila ka dikit na dalawa? Lawak pa ng ngiti yawa.

"Ate,"

"H-Ha?"

"Ito susuotin ko?" Hindi ko na tinignan at tumango nalang.

"Ate, damit mo kaya to." I looked at her in disbelief, sobrang tanga ko at apektado ako masyado sa litrato.

"Sorr-"

"Gawas na te, ako na." Pinalabas ba naman sa sarili kong kwarto, pero lumabas nalang din ako total kaya na niya mag bihis mag-isa.

Muli kong kinuha ang cellphone at binuksan ang conversation namin ni Amour,

Pula
Hawk tuh.

Amour
Did you just spit on me through the screen?

Pula
Para sa kayakap mo lods 👍

Amour
My, my, sounds like someone is feeling a bit jealous, eh?

Pula
Ulo mo jealous

Amour
Good morning, my perverted darling.

Pula
Hindi ako pervert :)

Amour
Okay, says the person who's always horny whenever she's with me.

Pula
Luh manyak.

Amour
What can I say? I have that effect on people.

Pula
🫵👍

Baka lumala inis ko kaya pinatay ko ang cellphone at pakialam ko kung hindi nila ako ma contact, syempre sila kasi maraming mga disturbo sa tahimik kong buhay. Boring today, walang pasok at mas lalong wala kaming trabaho mamaya. Tanong ko lang sana kung makaka withdraw ako ng pera gamit blackcard na bigay ni Ines? Wala akong alam sa ganito.

"May tanong ako." Tawag ko sa dalawa at umupo ulit sa lamesa.

"Ano?"

"Pwede ba mag withdraw ng pera gamit blackcard?" Kamot ulo kong tanong.

"Blackcard?!" Kailangan sumigaw ng sabay talaga?

"Ou." Sagot ko.

"Iba ka friend, sino sa mga babae mo nag donate niyan?" Si Ines, alangan naman yun sabihin ko kay Pax at mas mabuti ng wala siyang alam.

"Basta."

"Ano ba gagawin mo sa pera?" Tanong ni Bea,

"May bibilhin." Agad kong sagot.

Humagalpak ng tawa si Pax ay hinampas ang aking likuran. "Talino mo talaga. Bakit ka pa mag wi-withdraw kung bibili ka lang din pala? Isip-isip din friend." Natampal ko ang noo dahil tama naman sinabi niya. Kasalanan to ni Amour at naging na ako.

"Lalabas ako, sama kayo?" Aya ko sa dalawa ngunit nag unahan silang umiling.

"Dito lang kami at mag rerelax." Sagot ni Bea, tumango-tango ako. Sus, gusto lang nila dalawa magpa-aircon buong araw.

"Sige."

"Wala na laman ref mo, mag groceries ka na diretso." Makautos si Pax akala mo may perang pinatago sa bulsa ko.

"K, may laman pa naman siguro konti yung ref kalkalin nyo nalang." Sagot ko at nagtungo sa aking kwarto upang maligo at handa.

Habang naliligo ako ay panay na sigaw at tawag si Pax kasi kanina pa ako sa banyo, ganito ako maligo at aabutin ng isa-dalawang oras tuwing walang pasok. Nakaalis na rin daw si Lilith at may sumundo sa kanyang driver ni Olivia. Pagkatapos ko mag ayos sa sarili ay sunod akong nagpaalam sa dalawa. Masaya ako kasi umingay ang condo, usually kasi sobrang tahimik pag kami lang ni Lilith.

"Owwwkay! So for today-teketeketeketek ang gagamitin ko aaaay-Ikaw!" Sabay click at bumukas pataas ang pinto ng pulang sasakyan. Gusto ko tong mga regalo ni Ines sa akin.

Balak ko sana dumiretso ng mall ngunit may kailangan akong daanan. Dadalawin ko saglit si Meghan dahil hindi ko na tanda kung kailan huli naming pagkikita, kung natatandaan nyo pa si Meghan ay yung roommate ko sa boarding house before na sinugod ni Jenkins sa maling akala na babae ito ni Kris. Ngunit saan nga ulit ang daan? Tignan mo at limot ko na ang daan. Binagalan ko ang takbo at binuksan ang bintana upang magtanong sa babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Miss, pwede magtanong?" Silip ko sa bintana.

"Ano po yun?"

"Saan ang daan patungong San Isidro? Nakalimutan ko na kasi." Tanong ko.

"Ah okay, diretso ka lang sa unahan at left turn ka sa ikatlong block. May makikita ka unang malaking commercial building, tapos intersection, next ay supermarket, and after that San Isidro na." Panay ang tango ko habang nagpapaliwanag siya.

"Salamat." Ngumiti ako, maganda ang babae at mukhang galing siya sa loob ng malaking building-naalala ko, ito yung building kung saan nag talkshow si Emilie,

Pinaandar kong muli ang sasakyan at inalala ang sinabi ng babae.

"Ikatlong kanto, and turn right." Sabay signal at liko.

"Next intersection, saan ulit liliko? Right lahat?" Sabi niya sa may intersection diba.

Liko nang liko ako sa tuwing may nakikitang intersection ngunit wala akong makitang San Isidro. Napansin ko parang bumalik ako sa aking dinaanan at mas lalong kumunot ang aking noo nang makita muli ang babae kanina, nakatayo parin sa pwesto niya.

"Yawa ra, nawawala ako." Wala akong magawa kundi ang hintuan siya upang magtanong muli.

Huminto akong sa tapat niya at agad ngumiti pag bukas ng bintana. Nagulat pa siya nang makita akong muli, mabilis lang din naman at mukhang napagtanto niyang nawawala ako sa daan.

"Lost?" Nahihiya akong tumango nang marinig ang mahina niyang tawa.

"Kilala mo si Zoro?" Tanong ko.

"From one piece?" Tango ulit.

"I see. I get it." Maganda siya kung tutuusin at mukhang mabaet, "Gusto mo samahan kita? Ibaba mo nalang ako sa supermarket.

"Sige, salamat." Binuksan ko ang passenger seat.

Papasok na sana ito nang may tumawag yata sa kanya dahil tumigil ito sa pagkilos at tumingin sa bandang likuran.

"Finished?" Tanong niya sa tumawag. Hindi ko masyado makita at nahaharangan ng kanyang katawan.

"Who are you talking to and where are you going? Never mind, I was actually planning to let you go after the talk show." Mas lalo akong naging mausisa nang marinig ang boses ng nagsalita.

"Akala ko matatagalan ka pa, may sasamahan lang sana ako saglit." Sagot nito bago tuluyang kumilos at ngayon kita ko na kung sino ang kausap niya.

"Emilie?" Mahinang sambit ko.

"Rhea?" Pati siya ay nagulat.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"She's my manager." Hayop na manager yan at may balak pa gumala, sayang at chance ko na sana.

"I-I see. Sorry, nawawala kasi ako."

"Where are you planning to go?" Tanong ni Emilie bago yumuko at sinilip ang loob ng sasakyan, "Nice car." Syempre regalo e.

"Thanks, balak ko sana pumunta ng San Isidro at may dadalawin akong kaibigan kaso hindi ko na tanda ang daan." Sagot ko sa kanya, walang pasabi ay biglang pumasok at umupo si Emilie saka sinuot ang seatbelt. Bahagya akong nagulat kasi ang ibig lang sabihin ay siya ang sasama sa akin?

"Ikaw sasama sa akin?" Lumingon siya at ngumiti sa akin bago tinawag ang babaeng isasama ko sana.

"You can head home now, and I know Rhea," Wala man lang bakas na pagdududa yung babae sa akin simula umpisa, di ba niya naisip na baka isa akong kidnapper ha?

Umalis na ito at ngayon kaming dalawa nalang ni Emilie ang naiwan. Kailan nga kami huling nagkita? Nong time na nakita ko silang dalawa ni Amour magkasama? Curious ako kung ano relasyon niya kay Amour, kaibigan? Pero sabi hindi?

"Rhea?" Nagising ako sa mahinang tapik ni Emilie,

"Ha? Ah alam mo saan ang San Isidro?" Tanong ko.

"Yes, start the car, and I'll show you the way to San Isidro." I nodded.

Natawa nalang ako sa sarili habang inaalalayan ni Emilie patungong destinasyon ko. Turn left pala dapat, ang bobo ko talaga pagdating sa directions at ang bilis makalimot kaya minsan dahilan yun kaya ako nawawala.

"Pwede maiwan muna kita? Silipin ko lang kaibigan, mukhang pagod ka kaya magpahinga ka muna saglit." Sabi ko kay Emilie, hindi matigas ang kanyang ulo at nagpaiwan lang sa sasakyan.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at umakyat upang katukin si Meghan sa kanyang kwarto ngunit bigo ako dahil mukhang wala siya at nasa trabaho. Tinangka kong muli ngunit wala talagang tao kaya nagpasya na akong balikan si Emilie sa kotse.

"Done?" Nakangiting tanong ni Emilie,

Umiling ako. "Wala siya, mukhang nasa trabaho." Sagot ko kasunod ang pagsuot ng seatbelt. "Ihahatid na kita, saan next destination mo?" Sunod kong tanong.

"I'm free the whole day. Do you have any important plans?" Umiling ako at sa muling pagkakataon binuhay ang makina ng sasakyan.

"Wala, pero balak ko mag mall at groceries." Sagot ko.

"Would you mind if I accompany you?" Nagtaasan ang aking mga kilay.

"Ikaw? Sasamahan ako? Ayos lang at walang problema sa akin, pero ang malaking problema natin ay ang mukha mo." Sagot ko.

"What's with my face?" Wala talaga siyang alam?

"Gusto mo kuyugin ng mga tao ha? Kung sasama ka sa akin, kailangan mo itago mukha mo-may naisip ako." Sabi ko at iginilid ang sasakyan bago kinuha ang paper bag sa backseat. Naalala ko may bago akong binili na hoodie jacket at ray-ban, thankfully may mask din.

"Suot mo para hindi ka makilala ng mga tao." Magiging responsibilidad ko pa yata babaeng to sa araw na to. Using my peripheral vision ay nakita kong bigla hinubad ni Emilie ang kanyang top, gusto ko sana kumontra at panic pero mas inuna ko kaligtasan naming dalawa sa kasagsagan ng napaka abalang kalsada.

"Alam mo bang nakikita ko ginagawa mo?" Kalmado kong tanong habang abala siya sa kanyang sarili.

"Yes."

"At ayos lang sayo yun?"

"We're both women, and I'm sure you're not a bad person. So, do I have a reason to worry?" Nagkibit balikat ako, may point si anteh. Buti sa akin nangyari ang ganito, kung kay Kris nangyari? Ewan ko nalang at natatawa na ako agad isipin sa magiging reaksyon niya.

"Wala naman problema sa akin..." ang kaso lang mabilis ma attract si juntin ko sa mga katulad mo. Kung si Amour to malamang nasabi ko na ang mga nasa isipan, baka sabihan akong bastos ni Emilie,

Hindi ko na lang ito pinansin at nag focus sa pagmamaneho. Observation ko lang ito ha, pero ibang-iba si Emilie sa kapatid niya? Tahimik lang kasi ito most of the time tuwing magkasama kaming dalawa unlike sa kapatid niya na ayaw bigyan ng space kaibigan ko, kulang nalang lagyan glue katawan nila.

"Congrats nga pala sa movie, patok na patok sa mga tao. Gusto ko sana panoorin pero wala akong time sa nakalipas na mga araw dahil busy." Muntik ko tuloy makalimutan e congratulate siya.

"Thank you. If you'd like to watch, I'd be happy to accompany you."

"Kahit napanood mo na?" Tanong ko.

"I've only watched it once, so I want to watch it again now." Lucky at timing na magkasama kaming dalawa.

"Sige-ah, napanood ko pala interview mo kanina." Pag-iiba ko ng topic kasi ang tahimik masyado pag hindi inunahan ng conversation itong si Emilie,

"Really?" I nodded.

"Swerte nong taong tinutukoy mo kanina kaso sabi mo wala na kayong contact diba?" Bigla itong tumahimik kaya nagtaka ako, paglingon ko ay sakto nakita ko ang malungkot niyang ngiti.

"The truth is, I was the lucky one to be with that person, but I wasted it because I believed that my decision was right." Chismosa ako kaya makikimarites si inday Rhea nyo.

"Ibig mo sabihin nagkaroon kayo ng relasyon?" Gamit ang mata ay nakita kong tumango siya.

"Mahal mo pa?" Tumango ulit ito.

Humigpit ang paghawak ko sa manebela, "Kung mahal mo at may paraan pa, ipaglaban mo? Mahirap ba yun gawin para sayo?" Mukhang natamaan si anteh Emilie nyo at bigla nag iba ekspresyon ng kanyang mukha.

"What I couldn't do before, I can now, and I will fight for her. I'll do everything to get back together with her." Ganyan gusto ko, mataas fighting spirit at hindi basta sumusuko.

"Sabihan mo ako kaagad kung kailangan mo tuloy ko, magkaibigan naman tayong dalawa." Friendzone natin at baka maunahan ako.

May pagdadalawang isip itong sumagot ngunit sa huli ay sumang-ayon din, "Yes, you're the only person I need. Thank you." Kung hindi lang sinabi ni Emilie yung tungkol sa relasyon nila ay malamang kinilig na ako sa you're the only person I need na yan.

"Sure." Sagot ko.

Wala kaming naging problema sa mall dahil balot na balot ang kanyang mukha. Una kami nanood ng movie niya at halos abutin kami ng dalawang oras. Ngayon alam ko na bakit sobrang successful ng movie. Napakagandang production, casts, chemistry, plot ng story, yung emotions mo talaga magiging rollercoaster at marami pang iba. But the moral lesson na natutunan ko ron ay ang huwag abusuhin ang sarili, yung pagiging people pleaser talaga dapat ilugar sa tama kasi minsan ito ang makakasira sa buhay natin at ititake advantage yun ng mga taong nakapalibot sa atin.

Nag unat ako kaagad paglabas namin ng sinehan, yung katawan at pwet ko sumakit sa tagal naming nakaupo. Mag dadalawang linggo na ngunit marami parin ang nanonood sa movie ni Emilie, yung story ay isa siyang sikat na influencer sa social media at isang araw nagkaroon siya ng collab sa isang grupo ng mga kababaihan na tulad din niya. Nasa bundok sila para sana gawin yung bagong video nila ngunit may aksidenteng nangyari, may namatay at itinuro ng mga babae suspect ay walang iba kundi siya. Turns out plinano nila ang ginawa para siraan at ipakulong si Emilie dahil insecure sila sa kasikatan nito.

"Hirap maging mabait no? kasi hindi mo alam inaabuso ka na tapos sa bandang huli baka matulad ka ron sa movie." Pero sa totoo lang maraming nangyayari na ganyan sa totoong buhay.

"You're right, that's why I only have a few friends in real life." Mahina akong natawa.

"Bakit? nasa fantasy world ka ba?" Biro ko at pati siya ay sumabay na rin sa tawa. "Gutom ka? kain muna tayo bago groceries?" Ano nga yung dahilan kaya ako nagpunta ng mall? Groceries lang naman diba?

"Okay."

Hindi ako poor at may blackcard ako kaya syempre walang ibang lugar na pagdadalhan ko sa kanya kundi sa Starbucks, ayos! pera ni Ines pero sa iba ko ginagastos-bahala siya at bigay naman sa akin, di ko naman ninakaw sa kanya.

"May gusto ka pa?" Tanong ko pagkatapos makuha ang mga order.

"I'm not trying to insult you, Rhea, but aren't you a scholar in PU? I mean, you're not rich like the story my sister told me about you, but you have a black card?" Awit naman kay Arleth at talagang sinabi pa na mahirap ako, sabagay totoo naman.

Ngumiti ako, "Don't worry at hindi ako nainsulto. Sabihin nalang natin nanalo ako sa pustahan kaya pinagamit sa akin ang card na yan sa buong araw na to." Dahilan ko. Actually, pwede ko aminin na card yan ng asawa ko pero ayaw ko lang.

"I see." Wag ka paladuda anteh.

"Kain na para matapos tayo kaagad." Pagtatapos ko ng topic.

Malalaman mo talaga kung elegante ang isang tao at anak mayaman kahit sa anong kasuotan. Ang expensive nya tignan sa hoodie ko ha, pero pag sinuot ko yan sure magmumukha lang akong-no comment nalang. Mahina akong natawa dahil sa cream na naiwan sa gilid ng kanyang labi.

Kumuha ako ng tissue at bahagya umabante ang katawan sa kanya, "Hinay-hinay lang, hindi ko naman aagawin pagkain mo." Sabay punas ng kanyang labi. Sarap niya lang biruin kasi hindi mabilis mainis.

"Thank you."

"How are you? Well, it's my turn to ask now. Are you in a relationship?" Naubo ako sa biglaang tanong ni Emilie at hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong.

"Are you?" Inulit at binagalan pa talaga ang pag bigkas.

Bumuntong hininga ako.

"Actually." Yawa, dapat ko ba sabihin sa kanya?

"Actually what?" No choice ako at naghihintay si anteh sa magiging sagot ko.

Itinaas ko ang kaliwang kamay at ipinakita ang dalawang singsing sa aking daliri. "Actually kasal na ako... I don't know paano sabihin, pero kasal ako sa dalawang babae." Pag amin ko at tila bigla naging bato si Emilie dahil sa labis na pagkagulat-nakakagulat nga ba talaga rebelasyon ko?

"Rhea, may I ask, are you in a polyamorous relationship like your friend?" I nibbled my lower lip kasi hindi ko alam kung yun ba tawag sa relasyon ko sa kanila?

"Hindi ko alam kung matatawag mong tulad sa kanila kasi yung dalawang babae lang may something sa akin?" Tama ba tong mga pinagsasabi ko. Muli ay tumahimik siya, lalim ng iniisip at mukhang may gusto pa itanong.

"May itatanong ka pa?"

"Can you tell me their names?" Feeling ko talaga may something kay Emilie pero hindi ko na lang pagtutuunan pansin mga napapansin ko.

"Minsan mo na sila nakaharap, nong inangkin mo rin akong asawa." Naalala ko kaya bigla akong natawa, "Their names? Azalea and Ines." Sagot ko.

"Oh, I thought..." Bigla rin siyang tumigil, ako ito naghihintay sa idudugtong.

"Akala mo ano? Si Amour?" Sabay taas ng aking mga kilay kasi wala naman siya ibang aakalain na ibang babae diba?

"No, congratulations by the way." I smell something very very very fishy talaga kay Emilie at bigla siya naging anxious, bayaan na lang at tayo'y kumain.

"Thanks?" Sagot ko.

After namin mag Starbucks nag groceries kami, akalain mo at first time niya? Kahit pancit canton nga hindi niya alam na nag eexist pala sa mundo kabuang.

"Rhea, what's this? Crayons?" May kinuha siyang kahon ng box at ipinakita sa akin.

"Pft." Hindi ko mapigilan at kumawala ang mahinang tawa.

"What?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, hindi porket pastel nakalagay jan ay crayons na laman. Ano akala mo? Oil pastel?" Yawa, sumakit panga at tiyan ko kakatawa. Lokong Emilie at inakalang crayons ang pastel na bread.

Hinubad niya ang suot na ray-ban at mask, mas lalo akong tumawa nang makita ang kanyang magka salubong na mga kilay at mga pisngi na akala mo lobo. Hindi parin ako nakaka recover at tuloy sa pagtawa, panay tingin na tuloy mga tao sa aming dalawa.

"I swear, I really don't know these foods, and you're still laughing at me. Now I'm really embarrassed." Cute niya mahiya, sobrang pula ng mukha.

"Don't worry about it. It's perfectly understandable that you don't know these foods, and I wasn't laughing at you to make you feel bad. Everyone has their own areas of expertise and knowledge gaps." Sabi ko pero para na akong mauubusan ng hangin sa kakatawa.

"I hate you." Tampo na nga at bigla ako tinalikuran, mabilis ko siyang hinabol at hinawakan sa kamay.

"Baka mawala ka anteh, siguraduhin ko lang at baka hindi mo rin alam daan palabas." Seryoso ako sa sinabi pero mukhang para sa kanya pinagtitripan ko parin siya.

Hindi na talaga ako kinausap ni Emilie hanggang sa natapos kaming mag groceries. Sinubukan ko suyuin ngunit grabe ang tatag ni anteh ayaw magpa suyo. Balak ko pa sana ipasyal para bumawi kaso nag-aya na siya umuwi, ihahatid ko sana pero tinanggihan ako at nasa parking lot naghihintay ang kanyang driver. Wala akong nagawa kundi ang ihatid siya sa driver niya at hindi rin ako nakalimot humingi ng tawad kung na offend man siya kanina.

"Thank you, sorry ulit kanina. Huwag ka na magalit, abot langit na ba tampo mo sa akin?" Hirit kong muli habang hinarang ang isang kamay sa pinto ng sasakyan.

"Thanks." Tigas dai, wala-ayaw niya kaya hinayaan ko nalang itong pag sarhan ako ng pinto basta ay nag sorry ako sa kanya. Mas mahirap pala suyuin babaeng ito kumpara sa ate niya?

Wala man lang goodbye at talagang lumayas bigla. Hinatid ko muna ang mga binili sa sasakyan bago bumalik sa loob ng mall, nakalimutan ko kasi bumili ng gatas para sa kapatid ko at bumili na lang din ako ng mga inumin dahil mukhang may balak makipag inuman ang dalawa mamaya sa akin.

Plano ko sana umuwi ng diretso kung hindi lang tumawag si Vinalyn, isasauli raw yung libro na hiniram sa akin pero kailangan ko daanan sa hotel kung saan siya nag stay. Malapit lang naman ako sa address kung saan ang hotel at nadaanan ko kanina kaya sumige na lang din ako.

Nalula ako pagbaba ng sasakyan sa taas at laki ng building, yawa at ang yaman kung sino man may-ari nito. Pumasok ako at nagtungo kaagad sa elevator saka pinindot ang floor kung saan matatagpuan ang room ni Vinalyn, makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto. Mabilis lang ako nakaayat kasi ako lang naman nakasakay sa elevator na yun.

Bawat kwarto na madaanan ko ay tinitignan ko kung ano ang numero dahil baka matulad ako sa kaibigan ko na imbes room 11 ay napunta sa room 12.

"Lawak naman." Buti may numero binigay si Vinalyn at hindi ko kailangan mag bentot-bentot.

"69! Paborito ko." Bulong ko sa sarili nang makita ang kwarto ni Vinalyn,

Kaad akong kumatok at hindi nagtagal ay bumukas ito. "Yo? Gandang room yan at paborito ko." Sabay turo sa number ng kanyang kwarto.

Mahina siyang tumawa at inabot sa akin ang libro. "Sorry nakalimutan ko ibalik last time. Gusto mo ba muna pumasok?" Tanong niya after ibalik ang libro.

Umiling ako. "Next time, kailangan ko na umuwi at hinihintay ako ng mga kaibigan sa condo." Paliwanag ko.

"All right, thank you again." Yan gusto ko at mabilis kausap.

I nodded. "See you at school." Papaalam na sana ako sa kanya nang biglang bumukas ang pinto ng kabilang kwarto.

Hindi at wala ako balak pansinin at aalis na lang sana kaso nahagip ng mga mata ko ang hoodie na suot ni Emilie kanina, nakatalikod ito sa amin ni Vinalyn. Ilang segundo pa ay may lumabas na isa pang babae mula sa room niya ngunit hindi ko kita ang mukha kasi nakaharang siya.

"Emilie?" Tawag ko upang siguraduhin na siya nga ang taong nasa unahan ko.

Hindi ako nagkamali at mukha ni Emilie ang aking nakita pagharap sa akin, pero alam nyo yung mas nakakagulat? Ang babaeng kasama niya ay walang iba kundi si Amour. Hindi ako umimik sa kanya kasi may tampuhan kami kaninang umaga pero bigla sumagi sa isipan ko na hindi ito ang unang beses na nakita ko silang dalawa na magkasama, and now sa hotel naman sila?

"What are you doing here?" Tanong ni Emilie ngunit hindi ko pinansin.

"Alis na ako, salamat sa libro." Paalam ko kay Vinalyn.

Malalaki at mabilis na mga hakbang ang ginawa ko habang naglalakad padaan sa kanilang dalawa. Walang lingon-lingon pero kahit ganun ramdam ko ang mga titig ng dalawa, hindi ako namansin kasi baka sabihin papansin ako. Gusto ko isipin may relasyon sila pero wala naman akong katibayan at isa pa, una palang wala akong kinalaman sa kung ano meron sa kanila.

Masisira ko na ata button ng elevator, gusto ko takasan ang dalawa at bakit ang tagal bumukas. Sa kasagsagan ng reklamo ko ay bigla bumukas ang pinto, dali-dali akong pumasok upang isarado ngunit bago pa man tuluyan sumara ay nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Amour at ngayon kami lang dalawa.

"Malasa, nakaapas pa." Sabi ko ang malas naabutan pa.

Makatitig akala mo huhubaran ako. Originally wala akong plano pansinin siya pero kung idiin ka ba naman gamit ang kanyang dibdib may magagawa ka ba?

"Hindi mo ako madadaan sa kalandian mo. Parang kanina lang nag post ka ng picture nyo nung lalaki mo tapos ngayon makikita kita may kasamang iba sa hotel. Tatlong timer ka anteh?" Yung inis ko sa boses hindi ko magawa maitago.

"Lumayo ka at mainit." Saway ko. Marami ako gusto itanong pero wala ako sa posisyon.

"Did I make you hot?"

"Hoy, landi-landi mo anteh. Bakit hindi si Emilie landiin mo at mukhang may relasyon kayo? Patago pa kayo kung magkita." Nasampal ko ang mukha dahil nag mukha akong selosa sa harap niya.

"So, the same idea applies to you since you're here at the hotel with a woman, correct?" Yawa, mahirap talunin ang babaeng to.

"Kinuha ko lang libro ko LOL." Pabalang kong sagot. Mas idiniin pa niya ang katawan sa akin at ngayon pati mga braso ay yakap-yakap na ako sa bewang.

"Emilie and I are just friends. There's nothing going on between us. Why? Just because we're seen at a hotel together doesn't mean there's something more." I snorted at pinakita talaga sa kanya ang pag-ikot ng aking mga mata.

"Still jealous?"

"Bakit ako magseselos? May dalawang asawa ako anteh." Rason ko pero ang totoo nakakaselos talaga, yawa to si Amour at may nagtutulak sa isipin ko na angkinin.

"Yup, you have two wives, but do either of them have the same effect on you as I do?" Ayun lang at tameme ang pareng Rhea nyo.

Dahil hindi ako nakasagot sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "See? Even you couldn't answer it, and one of them is, in fact, your celebrity crush." Edi wawets.

Feeling ko ang tagal-tagal namin sa loob ng elevator, malaki pasasalamat ko nang bigla itong bumukas. Mabilis ko inalis ang katawan kay Amour at tumakbo palabas ng hotel.

Yawa.

Baka asarin ulit ako nagising niya si JunTin. Sobrang init ng tenga ko at alam kong namumula na itong mukha ko, pasalamat talaga siya nakakapag pigil ako. Nag vibrate ang phone, pagtingin ko ay may message ipinadala si Amour.

Amour
Seems like I've managed to awaken something big, haven't I? ;)

Pula
Um-uma!

"Pisti!"

Makauwi na nga!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip