CHAPTER 36
-
Sabog kaming lahat na pumasok ng school dahil walang tulog. As in literal na wala kaming tulog dahil binantayan namin ang mga dragon habang natutulog. Kami naman ay abala kaka-paypay sa kanila at taboy ng mga lamok! Sanaol nakatulog.
6am na bumalik ang kuryente at nakalimutan namin may pasok pala kami 7am. Major subject pa walangya, literal mga walking zombies kami ngayon habang naglalakad patungong classroom.
"Naknampucha, sakit ng ulo ko!" Reklamo ni Iris habang hinihilot ang ulo.
Si keyboard naman ay naka sampa ang ulo nito sa balikat ko't nakayakap sa bewang ko habang nakapikit na naglalakad. Kawawang keyboard pagod na pagod.
Ang dami ba naman naming ginawa kahapon. First na detention, pangalawa nag escape room, pangatlo nilibot ang lugar para lang mag hanap ng barbecue, fourth nag ice skating then lastly nag bar. Pero sulit din naman dahil enjoy na enjoy kami.
Sobrang bigat ng mga mata ko at gusto na talaga pumikit pero nilalabanan ko lang. Dapat hindi kami papasok today e pero hindi pwede at pagagalitan kami nila pie,
"Sj!" Tawag mula sa likuran namin kaya nilingon ko.
Ay si Bogart lang pala.
"Bakit?" Tanong ko at pilit parin nilalabanan ang antok.
"Grabe kayo, trending na naman kayo sa campus dahil sa post ni Iris kaninang madaling araw" pag uulat nito sa akin at talagang nakangiti pa s'ya?
Napahilot ako sa gilid ng aking mga mata dahil sa sinabi nya, nakalimutan ko ang bagay na yun.
"Para kayong mga patay na apat. Hangover pa more" pang-aasar n'ya, sampalin ko na ba? Masakit pa naman mga ulo namin.
"Bogart shut the fuck up. You're so damn annoying early in the morning" kakaiba ang keyboard pag walang sapat na tulog bigla nalang magsasalita ng dollar.
"Patay talaga kayo n'yan, major pa naman unang subject tod-ano ba!" Hindi na naituloy ni bogart ang sasabihin dahil tinabig ni keyboard ang mukha n'ya amp.
"Lumayas ka na nga! Naiirita ako sa mukha mo" Aga naman manggigil ni keyboard.
"Kung hindi ka lalayas, kami ang aalis" sabi bi Iris ay ou nga no pwede naman kami nalang ang umalis boploks, mga lutang nga.
Kailangan ata namin ng mga kape pero hindi na kakayanin dahil mahuhuli na kami sa klase kung pupunta pa kaming cafeteria. Hindi pa man kami nakakalayo mula kay bogart ay nasalubong namin ang mga kambal na ngayon ay parang badtrip din ata? Bakit naman ata ang cold ng mga awrahan nila.
"Good morning kambals" Bati ko agad sa kanila noong paakyat na kami ng hagdanan.
"Morning" malamig na sagot ni Zi. Grabe naman balik na ulit s'ya sa pagiging cold.
"Keyboard akyat na tay-"
"Ayshhughh" ang bobo sasabihin ko pa sana na paakyat na ng hadgan hindi na angat ang paa at natapilok na naman kaya napasubsub sa hagdanan.
"Ano ba keyboard! Lage ka nalang ganyan. Lampayatot!" Aga mang asar nitong Iris pero tinulungan na namin agad, kawawa naman ang 🐒.
"Bwesit ka! Gusto ko na matulog!" Singhal ni keybold at bumalik ulit sa sa akin.
"Kamusta naman ang gimik n'yo kagabi sa kabilang city, masaya ba?" Annallyn said coldly. Hala bakit naman ganito rin 'tong si Anna.
"Luh pano n'yo alam?" Tanong ko.
"Malamang may mata kami!" Iritadong sagot ni Helari at nilampasan na kami. What's with their sudden attitude?
"Sa tapat talaga kayo ng police station nagkalat?" Ano meron sa tanong ni Cassandra? Awtomatikong napalingon kaming apat sa kanila dahil sa sinabi nito. Paano nila nalaman ang nangyari sa police station!? Alam din nilang mga dragon sumundo sa amin?
"Paano nyo alam?" Tanong ni Iris.
Hindi naman sila sumagot at nilampasan narin kami nakakatakot ang tingin ni Zi lalo na kay RL. Kulang nalang balatan n'ya ang donkey, hala may something ba sa kanila?!
Naiwan kaming tulala sa may hagdanan.
"Problema nila?" Kunot noong tanong ko sa mga kaibigan.
"I don't know? Tara na at mahuhuli tayo sa klase nito" sabi ni Ag at naunang maglakad.
During the class ay grabe ang paglaban na ginawa ko para lang hindi tuluyang pumikit ang mga mata, Kulang nalang ata lagyan ko ng tape or tukuran ko ng posporo e.
Sila Kb at Iris naman ilang beses naliparan ng marker dahil mga nakanganga na at tulog, grabeng sermon ang inabot namin. Nakakahiya lang dahil alam din ni Sir Dave ang part sa pinost nitong Iris na 'to.
"Keyboard may tanong ako" biglang nagsalita si Iris at wow ha nakabukas na ang mga mata n'ya, ano kaya itatanong nito.
"Ano?" Sagot ni Keyboard at humikab, laki ng bunganga e. Buti nalang nasa likod kami nakaupo kundi ay malalagot nanaman kami kay Sir,
"May 5 na ibon, binaril ko ang isa. Ilan ang natira?" Tangenang tanong ayan, akala ko pa naman kung gaano ka seryoso.
"Wala bobo" agad na sagot ni keybold. Kumunot mga noo namin ni Iris dahil sa sagot nito, samantalang si Ag nakangisi lang habang umiiling.
"Tanga ka naman pala e, binaril ko ang isa tapos sasabihin mong wala? Bobo ka nga talaga dahil hindi ka marunong mag bilang" pang iinsulto ni Iris. Oh walang aawat ha, talpakan na 'to.
"Ou bobo ako pero ikaw na siguro ang mas pinakabobo Iris. Kapag ba binaril
Ko si Ag na katabi mo steady ka lang d'yan? Edi syempre hindi dahil tatakbo kayo!" Sagot ni Kb sabay irap kay Iris, mga wala talagang kwenta pinag-uusapan nila.
"Hindi ako tatakbo dahil hindi ka naman marunong bumaril at mas lalong alam ko na hindi tatama ang bala sa akin dahil bonak ang accuracy mo!" rebat ni Iris dahilan para humagalpak ako ng tawa, tangena amp hahaha ang keyboard hindi nakasagot.
"De La Fuente!" Ay gage nakalimutan ko nasa klase pala kami. Bwesit kasi tong dalawang to.
"Hindi na nga kayo nakikinig ay nagagawa mo pang tumawa!" May regla na naman si Sir Dave.
"Sorry Sir si KB at Iris kasi nag-aaway" sagot ko.
"Ikaw lang ang kilala ko na tinatawanan ang mga kaibigan pag nag-aaway" agad na sagot nito, amp okay ako na may saltik.
"Abnormal kasi yan si babe Sir" sabat ni Keyboard sabay ngisi, sarap saksakin ang bunganga.
"Makinig kayo o baka gusto n'yo tumayo sa labas para mawala antok n'yo?" Nakikinig naman ako ah!
"Sorry po. Continue na po sir gorabels" sagot ko at buti nalang ay hindi naman kami pinalabas.
Nag survive naman kami ng mga kaibigan ko hanggang matapos ang klase ni Sir Dave. Feeling ko talaga mag co-collapse ako bigla ngayon pag hindi parin ako makakatulog.
"Saan ba tayo pwede matulog!" Itong si Kb balik na naman sa balikat ko.
Pwede kaya sa office ni dragon? Pero may klase ata s'ya e.
"Tara sa library, doon nalang tayo matulog" sabi ko sa kanila habang naghihikab.
"Babe!" Kinilabutan ako sa boses na narinig ko. Anong ginagawa n'ya rito!
"Bilisan nyo maglakad!" Bulong ko sa kanila at mas binilisan ang mga hakbang. Litsing shrek to at ngayon pa talaga lumitaw.
"Bakit nandito Shrek na yan?" Inis na tanong ni Kb
"Don't ask me! Hindi ko alam at pakialam ko sa kanya." Mabilis na sagot ko.
"Babe!"
"Babe wait!"
Langya panay sigaw ampotek! Ang daming tao sa corridor!
"Babe!!"
Yawa.
"Babe, let's have a date!" Sigaw n'ya ulit at hinatak ang braso ko pero mabilis ko itong inalis.
"Don't touch me" malamig kong banta at tinapunan sya ng malamig na ekspresyon.
"Stop pestering me"
"You're so damn annoying" I don't care kung maraming nanonood. Gusto ko lang matulog!
Her eyes widened in disbelief.
"Why the hell are you dreaming of dating someone like me? I have a girlfriend!" Singhal ko sa kanya, bwesit na shrek to.
"I don't buy your words" sanaol consistent.
"Then don't, I don't give a fuck" I said and rolled my eyes. Gusto ko na matulog!
"Stop calling her babe. Ako lang ang pwede tumawag ng ganyan sa kanya" salamat naman at sumingit din si keyboard no.
"Bern!" May tumawag sa kanya, it's ketwee, matagal ko na rin tong hindi nakikita.
"I told you to wait for me, kung saan ka na naman pumunta" sermon n'ya kay shrek saka bumaling sa akin.
"I'm asking Shara for a date" matapang n'yang sabi kaya pati pinsan n'ya nagulat.
"Ja" tawag n'ya sa akin na ngayon ay palapit sa amin. Kakatapos lang ata ng klase nila.
Wala na talaga akong gana, si Iris at Ag ay nakasandal na sa railings habang nakapikit ang mga mata. Mga babaeng to talaga!
"You? Again?" taas kilay na sambit ni shrek, kapal ng mukha at baka nakakalimutan n'ya na paaralan nila demonyo to. Hindi ito binigyan pansin ni Zi at tuloy ang lakad hanggang sa makalapit sa akin.
"What's wrong?" She's worried sa tono palang ng pananalita.
"I want to sleep" sagot ko at sinilip n'ya ang mga kaibigan ko na ngayon ay feeling ko talaga nakatulog na sila sanaol.
"Let's go to my office, you can sleep there" Pag-anyaya n'ya sa amin.
"We are still talking." Sabat ulit ni Shrek kaya sinamaan ko na s'ya ng tingin.
"Who you?" Annallyn asked.
"Yo-"
"Jane" malamig na boses na tawag nito.
Langya!
Nilingon ko s'ya at kasama nito ang ibang dragon, papalapit sa amin. Jusko naman pag minamalas ka nga oh. Wow ha ang sexy nila sa mga suot nila pwede na akong apakan anytime ni mommy, pero awtomatikong tumaas isang kilay nya nang makita si Bern at Ketwee,
I walked towards her and leaned weakly against her shoulder, medyo nagulat pa s'ya sa biglaang ginawa ko.
"Mameeeh I want to sleep" I muttered.
I don't care kung nakikita nilang lahat ang ginagawa ko, gusto ko lang matulog.
"You too?" The audacity of shrek.
"Ma'am ayaw n'ya tigilan si babe at pinipilit pa na makipag date sa kanya" sumbong naman ni keyboard.
I felt her left arm on my waist and the right on my head. It's like she's trying to protect me away from a beast, sweet.
"If you won't stay away from her I'll rearrange that ugly face of yours" oof damn savage, that's my baby.
"Don't test my patience or you'll end up a patient" yikes! that very cold voice of her makes me shiver but in a good way.
She held my hand and dragged me away from them.
"Baby, my friends" malamyos na saad ko sa kanya kaya napahinto ito at tinawag si Kb.
"Krystal, wake up your friends and come to my office" utos n'ya at hinila na ulit ako.
Naiwan ang mga demonyo at dragon kasama sila Bern, langya tong si pie ang hilig talaga mangaladkad. Panay na hikab ko at nakapikit na rin ang mga mata kong naglalakad, safe naman ako dahil hawak ni Pie kamay ko.
"J" tawag n'ya
"Hmm?"
"Open your eyes" utos n'ya kaya minulat ko narin ang mga nata.
My eyes widened in shock. Bakit may kama rito? At kailan pa kami nakarating sa kwartong to, hindi ko man lang namalayan dahil walking zombie nga kasi ako kanina.
"Where are we? Hindi naman 'to clinic" tanong ko sa kanya.
"My secret room" gulat akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi nito.
"S-secret room sa office mo?"
Langya meron pala s'yang ganito tapos sa main office pa kami nag meeting, sayang din sana 'yong round 2 tsk.
"Yes, sleep here." malambing na sagot nya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.
Enebe yen keneleg ne nemen eke bweset ke dregen!
"Paano mga kaibigan ko?" Tanong ko sabay nguso.
"They will stay outside."
"You mean sa main office?"
"Yes. Rest here, may klase pa ako." sagot nya kaya agad akong umakyat sa malambot na kama.
Panay na hikab ko at naluluha na ang mga mata, s'ya narin mismo ang nag ayos ng comforter ko kaya napangiti ako. Ang comfortable naman masyado nitong kwarto na to kaya sure ako mapapasarap ang tulog ko.
"Thank you, pie," bulong ko at ipinikit ang mga mata.
"Sleep well love" her voice was soft and warm. She patted my head and gently stroke it hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan...
But before that, I heard her say...
"I love you" and kissed my forehead.
-
"J"
Sino tong boses na tumatawag sa akin at pilit akong ginigising. Gusto ko pa matulog.
"J" mahinang tampal nito sa pisngi ko.
"Jane wake up!" Langya si dragon lang pala, bakit ba naninigaw. Minulat ko ang isang mata, nasa tabi ko lang pala ito nakaupo. Bigat naman masyado ng pakiramdam ko at parang mag nakadagan sa akin na mabigat.
"Hmm" ungol ko.
"May lagnat ka" sabi n'ya at hinawakan ang noo ko.
"What time na pie?" Namamaos na tanong ko.
"Quarter to 1" medyo mahaba rin tulog ko.
"Kumain ka na?" Tanong ko at kinuha ang hinawakan ang kamay nya.
"Not yet, hinintay kita magising" sagot n'ya. Ang sweet ata nitong dragon today. Ah kaya siguro ginising ako para sana kumain.
"Asan mga kaibigan ko, tulog parin ba sila?" Tanong ko sa kanya at ipinikit ulit ang mata.
"J, eat first" lambing naman masyado ng boses nito, papakin ko to e.
Inangat ko ang mga kamay ko para tulungan akong bumangon pero ibinaba nito ang ulo kaya pinulupot ko nalang sa leeg n'ya.
"Such a baby J" I giggled, minsan lang naman ako magpa-lambing.
"Help me get up mommy" I said and pouted, ngumiti naman s'ya yee tangena.
"Nasan mga girlfriends ko?" Tanong ko ng makabangon na, sakit naman ata ng buong katawan ko.
"Outside, kumakain" langya hindi man lang ako hinintay. Tumango nalang ako at tumayo habang nakalambitin parin sa leeg ni dragon.
Nasa ganitong posisyon kami hanggang sa makalabas ng kwarto. Nakita ko agad ang mga kaibigan ko at ibang dragon na nasa long table, kumakain. Bakit nandito rin tong mga dragon na 'to? Binibisita mga babies nila? Churrr.
"Babe" tawag ni Kb, mukha talaga s'yang unggoy sa hitsura n'ya kung kumain.
Unang umupo si Pie sa tabi ni Miss.
"Sitdown" sabi n'ya sa akin at tinignan ang katabi nitong upuan.
Nagulat nalang sila at nabulunan ang mga kaibigan ko nang makita na kumandong ako kay dragon na parang bata langya, iba talaga tama pag may lagnat lumalabas ang pagiging clingy.
"Babe nasa harapan tayo ng pagkain" saway ni kb sa akin.
Oh tapos? Ano namang masama sa ginawa ko. Hindi ko nalang s'ya pinansin at binalingan si Pie na ngayon ay gulat parin ang mukha, hindi n'ya ata expected ang ginawa ko?
"Pie" mahinang tawag ko sa kanya at hinimas ang pisngi, tulala na naman kasi si dragon.
"W-what?" Luh ba't naman namumula at nauutal yarn.
"Pudding" I pouted.
"K-krystal go get her pudding" natatawa ako dahil sa salita n'ya. I grinned and kissed her nose, bahala silang lahat d'yan kung makita nila.
Si keyboard parang naiinis dahil halata sa mga mata, iniisip na naman siguro nito kung bakit sya ang inutusan. Hindi sya pwede mag reklamo kasi dragon na ang nag utos.
"Sj bumaba ka nga d'yan, di ka na nahiya." kapal ng mukha ng Iris na to, at least kami may label.
Binalingan ko s'ya.
"Kapal ng mukha mo, dapat nga ikaw ang mahiya. Sa kapal ng mukha mo, hindi mo nga matandaan na hinalikan mo si Miss Eve kagabi!" I said coldly.
Bigla nalang nabulunan halos lahat sa kanila. Si Iris na kulang nalang ata lumabas ang eyeballs n'ya, shock yarn.
"A-anong sabi mo?" Utal n'yang tanong.
Kita ko pa ang magka-sunod na lunok n'ya. Si Ag umuubo sa gilid ko, kaloka naalala n'ya rin siguro yung mga kagagahan nila Iris kaninang madaling araw.
"Tanong mo si Miss Eve, lakas ng loob n'yo mag strip sa labas ng police station langya" sabi ko at sakto naman na dumating na si keyboard.
"Hoy anong strip sinasabi mo babe?!" Bunganga nito talaga apaka lakas.
"Ag asan selpon mo? Pakita mo sa kanila scandal nila" baling ko kay Ag.
Nasa kwarto kasi selpon ko't nakakatamad na maglakad. Kinuha naman ni Ag agad at pinakita sa dalawa ang kagagahan nilang ginawa.
Habang pinapanood ang video ay parang hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakikita. Sobrang pula ng mukha nilang dalawa lmao natatablan pa pala sila ng hiya.
"J" tawag ni pie
"Po?"
"Eat some rice first" Tumango ako at umalis na sa kandungan n'ya para makakain s'ya ng maayos, lumipat na ako sa katabi nitong upuan.
"What else do you want?"
"You" I said and smiled broadly, amp cute cute bilis naman mamula ng dragon na to.
"H-hoy! Kami ba talaga 'to!?" Panira talaga lage ng moment si keyboard.
"Yes" si Miss Kath na mismo sumagot.
"B-bakit hindi n'yo man lang kami pinigilan Sj!?" She raised a voice kaya sinamaan s'ya ng tingin ni baby. Sige awayin mo 'ko, try me Iris.
"I mean bakit hindi n'yo man lang kami inawat ni keyboard?" sabay yuko ng ulo.
"Utos ni Pie e" agad kong sagot, gulat pa silang dalawa dahil sa sinabi ko.
Si Miss Everleigh at Lorelei naman tahimik lang na kumakain at nagbabasa ng magazine. Naks sanaol patay malisya lang sa topic.
"Hala! Gago may mga police din pala!?" Bulaslas ni keyboard.
"Ou bobo, kung alam mo lang ginawa n'yo kaso hindi namin na record ni Ag"
"Kapal ng mukha mo babe, tignan mo o nakuhanan ka rin. You asked for a cup of coffee, langya ma'am payag ka non? Iniwan ka na nga for fries pati ba naman sa kape iiwanan ka rin" bilib na talaga ako kay keyboard dahil ang lakas ng loob n'yang sabihin 'yon harap-harapan sa mga dragon. 😂
"I don't care as long as it's not for another woman" rebat ni baby kaya napangisi ako. Ang keyboard na speechless sa sagot ni dragon ko, purr.
"Ehem" may ubo pang nalalaman tong si Ag.
Tinaasan ko ng kilay ang dalawa at seninyasan sila. Wala ata balak mag sorry e.
"Mga Miss sorry po sa ginawa namin kagabi, hindi ko po alam ang mga ginawa ko" baet naman ni keyboard at nag sorry nga.
"Sorry po lalo na sa ano...." Di ata mapakali tong si Iris.
"Sorry for our unprofessional behavior po" ay 'yon ba akala ko magiging direct s'ya at sasabihin na dahil sa kiss.
"What's with all the sighs?" Biglang nagsalita si Pie, ay kay Miss Eve pala s'ya nag tanong.
"Nothing"
Hindi man lang nila pinansin ang pag sorry nila kb, ang bad ng mga ugali nito at nagmana nga kay baby.
"Nga pala hindi siguro ako papasok" baling ko sa mga kaibigan ko. Bahala na yang mga dragon d'yan at may pinag-uusapan sila.
"Ha bakit?" Balik ni kb
"May lagnat ako" sagot ko.
Namuo ang laway sa bibig ko nang makita ang mga paborito ko, meron din pala spaghetti at cake yee.
"May lagnat din kami" diretsong sagot ni Kb kahit wala naman talaga silang mga lagnat, mag rarason pa e.
"Black eye mo may lagnat" sabat ni Iris langya nakalimuta ko meron nga pala s'yang black eye, kawawa naman masyado yong kb namin.
Hindi ko nalang sila pinansin at sinimulan ng kumain.
"Bukas na pala party ng mga kambal" paalala ni Iris.
Itong si keyboard hindi ko na mabilang kung nakailang plato na s'ya ng kanin. Ang mga dragon naman nasa couch na at abala parin sa pinag-uusapan nila.
"Ou nga pala! Sa sunday na alis nila diba?" Sagot ni kb.
"Ou" akala ko wala na plano mag salita tong si Ag.
"Punta tayo mall after class, bili tayo ng regalo para may remembrance naman sila sa atin" pag-aaya ni Iris, hmm pwede.
Binalingan naman ako ni Kb.
"Malala ba lagnat mo babe?" Tanong nito, halos mapuno na bibig n'ya sa pagkain.
"Hindi naman masyado, nakakain na ako e" sagot ko.
"Sasama ka ba mamaya?"
"Ou" tipid kong sagot at sinimulan na kainin ang pudding.
"J" tawag ni Pie kaya napalingon agad ako.
"Po?" Sagot ko.
May bitbit na s'yang gamot ay wow girlscout si baby ko, s'ya lang siguro 'yong red flag professor na kilala ko na sobrang lambing. I mean kahit na bipolar s'ya at terror sobrang ano n'ya, ay basta I kenat ekspleen dis peeeling mamehhh.💦
"Here's your med, don't forget to drink it" sabay lapag ng gamot sa lamesa.
"Yes po, ay pie aalis kami mamaya. Punta kami mall para bilhan regalo ang mga kambal" nakangiting paalam ko sa kanya.
"Pero may lagnat ka" malamig n'yang sagot.
"Magiging okay din ako mamaya pie, iinom naman ako ng gamot at matutulog ulit. Don't worry" pangungumbinsi ko sa kanya.
She heaved a sigh.
"Alright" sagot n'ya kaya napangiti na kami ng mga kaibigan ko.
"Anong oras klase mo pie?" Tanong ko at abala nilalantak ang pudding.
"1:30" sagot n'ya, sinilip ko naman ang relo ko at 15 minutes nalang ay 1:30 pm na.
"Hala, sige na mag ayos ka na. Kami na bahala dito. Baka ma late ka pa sa klase" sabi ko
"Don't forget to lock the door" utos n'ya kaya tumango ako.
Tumalikod na ito at tinungo ang desk n'ya para kunin ang mga gamit. Sumabay narin ang tatlong dragon sa kanya, may mga klase rin siguro sila.
"Hoy!"
Bulyaw ni Kb kaya nagulat ako.
"Ano!?" Sarap tirisin nito.
"Hindi kami papasok" sabi n'ya kaya umarko ang isang kilay ko.
"Papasok kayo" utos ko.
Busog na ata ako kaya itinabi ko nalang ang pudding at kinuha ang gamot na binigay ni pie upang inumin.
"Ayaw nga!" Tigas din nitong keyboard na to.
"Papasok kayo kung ayaw n'yo mabagsak kay pie. Pwede ba kb umayos ka nga, matalino ka naman sana pero hindi ko alam bakit sinasadya mong ibagsak mga subjects mo" sermon ko sa kanya.
Matalino naman talaga tong si KB sinasadya n'ya lang talaga maging bobo kasi nga ayaw n'ya sa course na 'to at gusto nitong mag criminology. Pero nga dahil walang mag mamanage ng company nila ay wala na s'yang ibang choice, pumayag nalang din s'ya dahil ito rin ang course na kinuha namin.
"Puro ka tres keybold" isa pa tong iris.
"Mag shift kaya tayo?" Nasamid pa ako dahil sa biglang sinabi n'ya.
"What!?" Sabay naming tatlo na sagot sa kanya.
"Shift course tayo kahit 2 years lang sa criminology" nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi n'ya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kasi hindi tlaga s'ya nagbibiro.
"Baliw ka na ba keyboard!? Hindi na tayo pwede mag shift course dahil graduating na tayo sa susunod" sagot naman ni Iris.
Nasapo ko nalang ang ulo ko dahil sa kung ano mang plano ni keyboard sa buhay n'ya. I stared at her intently, kita ko sa mga mata n'ya ang lungkot at pagka-dismaya. Ngayon lang din s'ya nag ask ng ganitong favor sa amin.
I heaved a sigh.
"KB" tawag ko sa kanya, feeling ko iiyak na tong si keyboard pinipigilan lang n'ya. Langya ayaw ko pa naman nakikita isa sa kanila umiyak.
"Ganito nalang, after graduation kausapin natin si dad at sabihin gawan ng paraan kahit 2years lang?" Bigla nalang nanlaki ang kanyang mga mata sa naging suhestiyon ko.
"Talaga!?" Malawak ang naging ngiti nya. Kita mo talaga na parang nag e-spark mga mata n'ya dahil sa saya e. Pero bigla nalang ulit tumamlay ang kb, ano na naman problema nito.
"Pero baka hindi pumayag sila Mommy" then she pouted.
"Kami na kakausap kina tita at tito" sabat naman ni Ag kaya napatingin ako sa kanya.
"Wag ka na malungkot keybold, di bagay sayo! Cheer up na. Easy lang yan sila tita at kami na ang bahala" baling ko naman kay Iris.
Hala ang mga gaga.
"Hoy, akala ko ba against ka Iris?" Tawag ko sa kanya.
"Wala akong sinabi na against ako, ang sabi ko lang naman Sj ay hindi na pwede mag shift course." Paliwanag n'ya at bigla akong napangiti, tama nga naman sinabi n'ya.
"Ikaw Ag?" Tanong ko sa kanya.
"Of course, hindi naman pwede na mauna ako diba? Dapat sabay tayong mag t-trabaho" she said and smile at me.
Bigla nalang kami nakarinig ng isang hikbi. Langya si keyboard umiiyak.
"H-Hoy keybold ano ba yan! Bakit ka ba umikyak ha!" Tampal ni Iris sa kanya, kita na nga umiiyak tatampalin pa.
"Masaya lang kasi akala ko magagalit kayo sa suggestion ko at sasabihin n'yo rin na wag akong mag aksaya ng panahon tulad ng mga sinabi nila Mommy" she's sobbing, naiyak narin tuloy ako.
Tumayo kami ng mga kaibigan ko at pinalibutan s'ya, kawawa naman tong payaso namin. Hindi na ata kinaya ang tinatagong sakit kaya nag breakdown na. Niyakap na namin s'ya dahil hindi talaga matigil sa pag-iyak ang keybold.
Kung sino talaga yung sobrang masayahin na tao at akala mo walang problema ay sila talaga ay may madilim na tinatago at labis na nasasaktan.
"Stop crying na keybold" pagpapatahan ko sa kanya.
"Kung wala siguro kayo na nagpapasaya sa akin araw-araw ay sigurong matagal na gumuho ang mundo ko" singhot na ng singhot s'ya.
"Nandito lang kami always keybold, alam mo naman na mahal ka namin" sabi ni Ag at hinagod ang likod ni kb.
"Ou nga Kb kahit na lage tayo nag babardagulan na dalawa ay mahal parin kita. Kahit sila tito pa makalaban ko ay ipaglalaban kita" Gusto kong kiligin sa sinabi ni Iris, ngayon lang kasi s'ya nag bitaw ng mga ganitong salita kay Kb.
I cupped her face and lift her head to face me.
"Kahit na lage ka namin binu-bully o trip keyboard ay hindi ka namin pababayaan. Hindi mo ba alan na ikaw ang backbone ng girlfriends? Ikaw kaya ang happy pill namin" I said and kissed her forehead. Nag kiss din sila Iris at Ag sa noo nito.
"Wag ka na umiyak, kakausapin namin sila tito kaya wag ka mag-alala" sabi ko at pinahid ang mga luha nito sa pisngi.
Kumalas na kami sa kanya.
"Sige na tapusin mo na ang kinakain mo, malapit na mag 2pm oh. Sunduin n'yo nalang ako after class ha? Pa excuse nalang din ako" sabi ko sa kanila.
So ayon na nga ang nangyari, matapos nila kumain ay tinulungan na nila akong mag ligpit kahit na sabi kong ako nalang. Sila nalang daw gagawa at matulog nalang ako, sweet ng mga baliw kong tropa no?
Pumasok na ulit ako sa secret room ni Pie at natulog, susunduin naman nila ako after class.
*
"Hoy ang dami naman atang tao!" Tampal ni Keyboard sa akin. Nandito palang kami sa labas ng gate pero dami ng mga nakaparadang sasakyan.
Ang sabi sa amin 7pm mag start ang party pero late kami ng 30 minutes gage naman kasi nawala kami sa daan. Sobrang amaze nga kami nang makapasok kami sa main gate dahil inabot pa ng 10 minutes ang pag maneho namin bago tuluyang makarating sa bahay--no scratch that, It's a mansion!
"Good evening ladies, pwede po malaman ang mga pangalan n'yo?" Tanong ng security.
Si keybold na mismo ang sumagot sa kanya.
"Ah okay po. Ang bilin sa amin ay dumiretso nalang po kayo sa living room dahil maraming tao. Sa may
Pool kasi ginaganap ang party" salaysay ni kuyang security.
Tinawag n'ya naman ang isang kasama n'ya para samahan kaming makapasok. Nasa likod ng mansion ang pool pero rinig na rinig namin ang malakas na music mula rito sa gate.
Napanganga nalang kami ng makita ang living room nila, tumatanggap pa ba sila ng isang maid dito? Charot.
Iniwan na kami ni kuyang security kaya umupo nalang kami, hinihintay ang mga kambal. Tinawagan na raw nila at sabing pupuntahan na kami.
"Hindi ko alam na may ganito palang mansion dito. Gago ang ganda" manghang saad ni Kb at pasalampak umupo.
"Hindi mo talaga malalaman dahil puro malalaking puno makikita sa labas ng main gate nila and it takes 10 minutes gamit ang sasakyan makarating lang dito" sagot naman ni Iris at tumabi kay keyboad.
"Shara?"
Biglang may tumawag sa akin kaya napatingin ako, ay hala ang ganda talaga n'ya.
"Tita Shirley, good evening po" tawag ko at bati sa kanya. Hindi talaga s'ya mapagkakamalan na may apat ng anak.
"Hindi ko alam pupunta kayo, bakit kayo nandito sa living room? Nasa pool side ang party" lumapit ito sa akin at nakipag-beso.
"Sabi daw po dito nalang kami maghintay sa mga kambal" sabi ko at ngumiti, binalingan n'ya naman ang tatlong bruha.
"Good evening po tita" they said in unison and my brow flinched. Ay tita narin tawag nila?
Ngumiti naman si tita at nakipag-beso na rin sa kanilang tatlo.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni tita.
"Hindi pa po, 'yon nga sinadya namin d-" hindi na naituloy ni Iris ang sasabihin daw siniko s'ya ni Kb. Patay gutom talaga to.
Tita chuckled from her position near them.
"Ja"
Ayan na ang hinihintay namin, ang mga demonyo kasama si tita helen.
"Hi kambals, hello po tita good evening po" bati ko at bumeso na rin kay tita Helen.
"Wala parin ba sila hon?" Tanong ni Tita Helen sa asawa. Sino kaya tinutukoy nito?
"Papunta na." sagot nito at hinawakan sa bewang si tita helen, lalandi nila may mga bata rito. Nag excuse muna sila tita dahil may mga bisita sila na kailangan asikasuhin.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong ni Annallyn at tumabi kay kb, ahem.
"Hindi ngayon lang" sagot agad ni kb.
Si Zi naman tumabi rin sa akin. Hindi na ata s'ya bipolar ngayon! Nakangiti na e.
"Hala gago! May nakalimutan na naman tayo!" Langya lage ko nalang nakakalimutan.
"Ha?" Kunot noong tanong ng mga kaibigan ko.
"Tanga, lage nalang talaga natin nakakalimutan si RL!" Langya kaya pala feeling ko may something e. Kahit sila nagulat din sa sinabi ko.
"Halaka! Paano yan? Hahaha" langya tong si iris tatawanan lang.
"Balikan mo babe loka ka iniwanan mo pinsan mo" sabay tampal nito sa balikat ko.
"Wag na ja, ipapasundo ko nalang ang pinsan mo" sabat naman ni Zi kaya tumango nalang ako. Agad naman nitong pinatawag ang driver nila.
"Teka lang tawagan ko lang si cous" excuse ko sa kanila at nag dial na.
"Cou-"
"Sj! Iniwan mo akong mag-isa!" Singhal nito sa kabilang linya.
"Ngayon ko lang naalala cous, sorry na haha. Wag ka aalis ng bahay may susundo sayo d'yan, bye" may sasabihin pa sana s'ya pero pinutol ko na ang tawag.
"Nag dinner na ba kayo?" Tanong ni Zi after ko kausapin si RL.
"Ako tapos na pero hindi ko alam sa mga yan" sabay turo ko sa tatlo. Kahit naman kumain na sila ay alam kong gutom parin ang mga alaga nila sa tiyan.
"Wala bang pagkain Annallyn?" Kapal ng mukha ni kb lord.
"Meron, gutom kayo?"
"Ou, pakain ka naman" dahil sa sinabi ni Kb ay napaubo ako. Langyang babae to, si Annallyn napalunok nalang ng sunod-sunod haha.
"Ang manyak mo kb!" Si iris na binatukan si keybold.
"Ano ba! Anong manyak sa sinabi ko!? Sinabi ko lang naman na pakainin tayo haypka" ay 'yon pala, paano naman kasi parang iba talaga maiisip mo agad dahil sa salita n'ya.
"Girls!" Biglang sulpot ni tita Shirley.
"Why Mom?" Tanong ni Cassandra.
"Nandito na sila, tara na sa dining room" nakunot naman ang mga noo naming mag-kakaibigan.
"Tita kasama po ba kami kumain?" Makapal na mukhang tanong ni Kb dahilan para tumawa si tita.
"Yes of course. Tara na" sagot agad ni tita.
Tumayo na kami at sumunod sa kanya, ang dami namang rooms sa bahay na to. 7 lang silang nakatira pero sobrang laki ng bahay hmp. Huminto si tita sa isang pinto, I guess this is the dining room? Binuksan na n'ya ito at naunang pumasok kasunod ang mga kambals at kami ang pang huli.
Laking gulat nalang namin nang makita ang mga dragon na nakaupo na sa lamesa katabi ang mga ermm parents nila? Since nandito rin ang mommy ni pie.
Hindi lang pala kami ang nagulat dahil sa mga ekspresyon palang ng mukha nitong mga dragon ay alam kong nagulat din sila. Pero diba alam naman nila na pupunta rin kami rito? Ah baka di nila expected na sasali sila sa lamunan sj. Tama tama!
Dumapo ang paningin ko kay Tita Irene na ngayon ay gulat din ng makita ako. Ou nga pala, hindi na kami ulit nagkita after no'ng festival.
"Jane" tumayo si Tita Irene at lumapit sa akin.
"Tita" tipid kong sagot at ngumiti, ang awkward naman pero kerebels lang.
"Hindi ko alam nandito ka." nakangiting sagot nito at bumeso.
"Opo, mga palamunin kasi tong mga kaibigan ko kaya wala ng choice si Tita Shirley kundi isama nalang din kami" seryoso kong saad pero tumawa ang iba, may nakakatawa ba?
"Halika umupo na kayo, ah pwede ba tayo mag usap mamaya?" Mahinang tanong nito, tumango nalang ako sa kanya.
"Umupo na kayo girls" sabi ni Tita Helen kaya.
Langya uupo sana ako sa tabi ni Iris pero ang kb inunahan ako! So ano gusto n'ya, umupo ako sa gitna ni Pie at Miss kath? Tapos katabi pa ni Miss Kath si Zi? Yawa.
"J"
"Ja"
Ay hala after so many years ay nagsabay ulit sila sa pag tawag sa akin.
"Sit" utos ni Pie kaya umupo narin ako, as if naman may choice ako no?
"Oh by the way bago ko makalimutan. Kaibigan sila ng mga kambal at students din ni Pixie" pakilala ni tita Shirley sa amin.
Mga hitsura palang nitong parents ng mga dragon nakakatakot na, lalo na ang mga presensya. Pero hala magaganda at gwapo rin parents nila ha, may pinagmanahan talaga ang bipolars.
"Girls kilala n'yo ba sila? Sa PU rin sila nagtuturo" tanong ni Tita Shirley at itinuro ang mga dragon.
"Yes po tita pero sa graduating students lang po sila nagtuturo" si Ag ang sumagot.
"Oohh okay so alam n'yo rin na mga Ponferrada sila?" Tanong ulit ni tita dahilan para manlaki ang mga mata naming apat, si Iris biglang nabulunan sa iniinom na Juice amp.
"W-what?" Sabay naming apat na sambit.
Nakakaloka! Ponferrada rin ang mga dragon? Nananaginip ba ako!? Pero ang sabi ni Pie ay mga kaibigan n'ya lang ito. Binalingan ko naman si Pie na ngayon ay tahimik lang na nag e-slice ng beefsteak n'ya.
"Ay hindi n'yo alam?"
Magugulat ba kami kung alam namin tita? Alam namin mga pangalan pero hindi surname. Umiling nalang kami sa kanya.
"Let me introduce them to you. This is Everleigh Fay Ponferrada together with her parents Lerlyn and Harry"
Langya si Iris mukha atang tinakasan ng dugo dahil sa sobrang pamumutla n'ya. Nakita ko naman si Miss Eve na nakataas ang kilay at ngumisi sa kanya.
You're done Iris!
"And this is the daughter of Nikki and Andrew, Lorelei Maia Ponferrada" pakilala n'ya naman kay Miss Lor na ngayon ay tahimik lang din na kumakain.
Bakit kaya bigla nalang akong kinabahan? Lakas naman kumabog nitong puso ko.
"And lastly Pixie Ponferrada and her Sister...Kathlyn Jamila, mga anak ni Irene" dahil sa huling sinabi n'ya ay bumara ang pagkain sa lalamunan ko kaya napaubo nalang ako bigla, punyeta anong sabi n'ya!?
"A-ano po sabi n'yo? S-sisters?" Pa ubo-ubo kong tanong, gusto ko manigurado e! Pati nga mga kaibigan ko nakanganga dahil sa sinabi ni tita.
"Yes, they're sisters" si Tita Irene na ang sumagot.
Hala gago bakit hindi man lang sinabi ni Pie na may kapatid s'ya!? Ano ba to, hindi man lang kami na inform. Ang buong akala talaga namin ay magkakaibigan lang silang apat hmp.
"H-Hindi po namin alam na mga Ponferrada sila Ma'am." Utal na saad ni Kb.
"Haha no worries. At least now you know." sagot ni tita shirley at kumindat.
Matapos n'ya ipakilala ang mga dragon ay nagpatuloy na ang lahat sa pagkain. Pero ako ni hindi ata ako makalunok kahit na konti matapos nong revelations ni tita.
Demonyo ft Dragons = Demogons Ponferrada. Napailing nalang ako dahil sa naisip ko.
"I have an announcement to make" Si tita Irene.
Hala 'yong puso ko, ano na naman kaya ang sasabihin n'ya. Baka mas nakakagulat pa yan compare doon sa sinabi ni tita shirley ha.
"J, open your mouth" tawag ni Pie sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya, ay may sinusubo s'ya na cake.
Medyo naiilang ako kung kakainin ko ba dahil may mga matang nakatingin sa amin. Pero syempre ayoko naman mapahiya ang mahal ko at alam ko rin na hindi naman n'ya gawain ang ganito, sa akin lang hehe. I opened my mouth at kinain ang cake na sinubo n'ya.
"Hmmm" nag thumbs up ako para sabihin sa kanya na masarap.
"What announcement?" Sagot ni tita Helen kay tita Irene.
"I want to formally introduce my soon to be daughter in law, Shara Jane De La Fuente" Seryoso at walang bahid na pagdadalawang isip n'yang salita dahilan para mabilaukan ang halos lahat sa amin.
Ilang beses ba ako dapat mabulunan tonight!?
Ang mga reaksyon naman ng ibang mga kasama namin ay gulat din ang makikita sa mukha.
Agad na inabutan ako ni Pie ng tubig, nakakaloka si Tita sure na ba yan? Yawa ang init ng mukha ko. Sinulyapan ko si Pie na ngayon ay malawak ang ngiti! Enebe tengene nemen pwede ne ekeng memetey!
Gusto ko tuloy sumigaw sa sobrang kilig, sinulyapan ko rin ang mga kaibigan ko na nagpipigil lang din ata. Langya naman kasi si tita! Alam ko naman na gusto n'yang bumawi sa akin pero 'di ko naman pala expected na anak n'ya ang ibibigay sa akin.💗
Tulaley parin ang mga parents ng Demogons dahil sa announcement ni tita.
*
After dinner ay nag excuse muna si Tita sa kanila at gusto akong kausapin.
Hindi makapaniwala ang parents ng DEMOGONS dahil sa ginawang announcement nito, kahit naman ako hindi makapaniwala no! Nandito kami ngayon sa veranda, gusto n'ya raw akong kausapin and I think alam ko na kung bakit.
"Tita" tawag ko sa kanya.
"Shara," mahinang sambit nito at hinawakan ang mga kamay ko.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad saiyo dahil alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa ko" She said with full of sincerity.
"I was afraid na baka matulad sa akin ang mga anak ko, nag mahal din ako ng kapwa babae noon" nagulat ako sa sinabi n'ya. Mapakla itong ngumiti.
"Engaged ako sa ama ni pixie bago ko makilala si Jennifer, that's her name. It's actually a fixed marriage at walang pagmamahalan na namamagitan sa aming dalawa." nangingilid na ang mga luha n'ya.
"I was a graduating student when I met her, alam mo ba na homophobic ako that time? At kahit na anong taboy o pang iinsulto ang gawin ko kay Jen ay mas lalo n'ya pa akong kinukulit at ayaw tantanan" She giggled, tahimik lang akong nakikinig.
"Isang araw, nagising nalang akong mahal ko na s'ya. Nanligaw at sinagot ko si Jen pero hindi ko sinabing may fiance ako dahil takot ako na baka mawala sya at layuan ako. Ang selfish at sama ko diba?" Tanong n'ya sa akin. Gusto ko sanang sumagot na nagmahal lang naman s'ya pero nanatili nalang akong tikom ang bibig.
"Makalipas ang Tatlong buwan ay nalaman nang fiance ko ang relasyon namin ni Jen, alam mo ba kung ano ang ginawa n'ya sa babaeng mahal ko?" Hindi na n'ya napigilan ang mga luha at umiyak na nga si tita. Ramdam ko 'yong sakit sa mga mata n'ya.
"Pinakidnap na ang babaeng mahal ko at tinorture..." Bigla kumirot puso ko dahil sa sinabi ni tita.
"Dinala n'ya sa isang abandoned house at doon nila...hindi lang nila tinorture.. kundi ginahasa rin ng mga... kidnappers si Jen dahil utos ng fiance ko" humagulgul na si tita tangena pati ako naiyak narin. Ang sakit naman pala ng pinagdaanan n'ya.
"Huli na nang matagpuan namin si Jen dahil wala na itong buhay..p-patay na s'ya" niyakap ko na si tita, ramdam ko ang sakit n'ya.
Kahit siguro kung sa amin nangyari 'yon matatakot ako para sa mga anak ko. Ang sakit naman ng pinagdaanan n'ya.
Ang ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal.
"Huli na nang nalaman ko na ang asawa ko pala ang may kagagawan kaya namatay ang pinakamamahal ko. Sobrang sakit dahil hindi ko man lang naipagtanggol si Jennifer" mas hinigpitan ko pa ang pag yakap sa kanya.
"Kaya nong nalaman ko na may relasyon kayo ni Pixie ay natakot ako na baka malaman ng asawa ko at baka gawan ka rin n'ya ng masama sa oras na malaman nito na may namamagitan sa inyo ng anak namin. Natakot ako na baka matulad ka kay Jennifer" All this time ginawa n'ya lang pala 'yon upang protektahan ang relasyon namin ni Pie lalo na ako.
"Kaya ipinalayo kita sa anak ko, malayo sa lugar na to. Alam ko na naging masama ako sa parents mo coz I threatened them, pero sana maintindihan n'yo kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon" Ou naiintindihan ko at sobrang thankful ako
"Hindi mo alam kung gaano kasama ang ama ni Pixie iha. Lahat gagawin n'ya makuha at masunod lang ang gusto. Para akong naging isang puppet na kontrolado ng asawa ko"
"Araw-araw pinapatay ako ng konsensya lalo na pag nakikita ko si pixie na lage nalang umiiyak sa pag tulog at sinasambit ang pangalan mo" humagulgul na naman si Tita
"That's why I told my daughter Kathlyn to follow and secure you. Lahat ginawa ko para hindi ka mahanap ni Pixie, hangga't hindi pa kami nag hihiwalay ng asawa ko ay wala akong plano iharap kayo sa isa't-isa" Si Miss Kathlyn?
"Then one day dininig ang panalangin ko pero sa ibang pamamaraan. May mga police na dumating sa bahay at sinabing involved ang asawa ko sa isang drug operation at s'ya ang mastermind, nanlaban s'ya at napatay ng mga pulis"
"Alam kong masama na naging masaya ako sa pagkamatay n'ya pero anong magagawa ko kung naramdaman ko nalang ang kalayaan matapos sabihin ng mga pulis na patay na s'ya. Malaya na ako, wala na mag kokontrol sa akin lalo na sa mga anak ko" she's sobbing real hard now.
"Wala pang isang taon nang mawala s'ya at sakto nong araw na mamatay ang asawa ko ay ang araw din na bumalik kayo rito"
I couldn't imagine her situation, sobrang hirap at walang masandalan. Masakit na mag mukha kang masama sa anak mo kahit na alam no naman na ginawa mo lang ito para ma protekthan ang taong pinakamamahal nito.
"Shara Iha, sana mapatawad ko ako" hagulgul na naman ni tita kaya pati ako at napaluha narin.
"No Tita, kahit naman hindi mo sinabi ang rason ay maiintindihan parin naman kita. Pero thankful parin ako dahil sinabi mo ang lahat, alam ko po na matagal n'yo na tinatago sa sarili ang sakit na inyong nadarama. You don't have to say sorry po tita, ako nga ang dapat na mag thank you sa inyo dahil ginawa n'yo ang lahat ma protektahan lang ako at ang relasyon namin ni Pie, kahit na ang kapalit ay ang tiwala at pagmamahal nito sayo" mas lalo pa n'ya hinigpitan ang yakap at lumakas ang pag iyak.
"Salamat iha, maraming sala-"
"What's this?"
Biglang sumulpot si Pie na ngayon ay lumuluha na rin.
"A-Anak" sambit ni tita.
"What did you say?" Si pie na tila nawindang sa lahat ng mga narinig nya. Tinignan ako ni tita at tumango, she's giving me a sign na kung pwede iwanan ko muna silang dalawa ni Pie kaya ngumiti ako at tumango.
Huminto ako sa harapan ni Pie at binigyan s'ya ng isang mahigpit na yakap.
"Talk to your Mom, and please listen to her story first, pie," I said and kissed her forehead.
Tumango ito at pilit ngumiti kaya nginitian ko rin s'ya pabalik. Pinahid ko muna ang nangingilid nyang mga luha bago tuluyang iwanan sila ni tita.
"Hey" tawag sa akin ni Miss kath pagpasok ko galing veranda.
"M-Miss" sagot ko.
"Why are you crying?" She caressed my cheek and wiped my tears.
"Just happy po dahil alam ko na ang reason bakit inilayo ako ni tita kay Pie" sagot ko sa kanya.
She smiled pero parang pilit 'yong ngiti na pinapakita n'ya sa akin.
"I'm happy for you" happy ba talaga? Bakit naman ata iba ang pinapakita ng mga mata n'ya.
"Thank you po, balik na po ako sa mga kaibigan ko Miss baka hinahanap na ako" sabi ko at tumango naman ito, naglakad na ako at nalampasan s'ya.
.
.
"I missed you" she whispered in the air.
"Po? May sinabi ka Miss?" Baling ko ulit sa kanya, gusto ko lang manigurado kung tama ang narinig ko at nagsalita s'ya.
She smiled and shook her head at nagpaalam na.
.
.
"Weird" I muttered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip