Truyen1s.Vip

ᴘᴜ : ꜰᴀᴠᴏʀɪᴛᴇ ɢɪʀʟ (ɢxɢ)

CHAPTER 37

inkbyseki


-

Nandito kami sa mini bar room ng mansion, tangena meron din silang ganito? Hindi na talaga ako magtataka  kung may bigla nalang helicopter ang dadapo sa labas ng bahay nila.

Si Pie hindi parin nakakabalik, siguro kausap pa nito si Tita. The rest of Demogons are here.

"Helari bakit nag pa pool party pa kayo kung hindi n'yo rin naman pala haharapin ang mga bisita n'yo?" Tanong ni Iris sa kanya.

"Wala lang" tipid nitong sagot

"Langyang sagot yan amp" napailing nalang si Iris sa sinagot nito.

Si keybold na abala sa pag kanta ang panget ng boses n'ya sobrang sakit sa tenga.

"Zi hindi mo man lang sinabi na mga pinsan n'yo pala ang mga professors" isa rin to, nakakatampo!

"Did you ask?" Kaloka naman na tanong yan.

"Hindi?"

"Then that's it" tangena amp tinawanan lang ako ng iba.

Nasa iisang round table lang kami kasama ang demogons, lawak ng utak ko no at kung ano-ano nalang ang naiisip kong ipangalan sa kanila. Pero maganda rin naman 'yong naisip kong pangalan DEMOGONS. Diba diba!?

"Mag iinuman ba tayo?" Tanong ko.

"Ou" sagot agad ni Annallyn

Tangena parang pinatulog lang kami ng isang gabi tapos ngayon inuman na naman ulit mga pre.

"Diba mahilig kayo sa billiards?" Singit ni Cassandra sa usapan.

Si Iris naman parang bigla na excite.
"Ou meron ba kayo?" Tanong ni I kay Cassandra.

"Yes meron, may gaming room naman kami" sagot agad nito

"Wow sabaok lahat all" bobong sagot ni Iris.

"Stop talking nonsense Iris" Miss Eve said coldly.

Bakit ba lage nalang to kontra kay Iris, hala crush n'ya friend ko? Ay feeling ko talaga crush n'ya si Iris e pero ang crush naman ni Iris ay si Helari. Awts shot puno para kay Miss E. 🍻

"Hoy hala mag iinuman tayo!?" Malakas ang boses na tanong ni keyboard.

"Ou, hoy sundan n'yo muna ako saglit"
Tawag ko sa tatlo at nag excuse muna kami sa demogons bago lumabas ng room.

"Bakit babe?" Agad na tanong ni keyboard

"Wag tayo iinom ng marami. Wag kayo mag lasing at baka mangyari na naman 'yong pinag-gagawa n'yo the other night!" Gigil na saad ko sa kanila

Nagpalitan lang sila ng mga tingin kaya tinaasan ko na sila ng kilay. Plano pa nga ata nila mag lasing tonight.

"Sasapakin ko talaga pag may nalasing sa inyo. Promise cross my heart, mamatay pa ako tonight" seryosong sabi ko.

"O-ou na, hindi kami mag lalasing" utal na sagot ni Iris.

"Okay lang naman mag inom kayo pero magtira kayo ng konting sanity, nagkakaintindihan ba tayo?" Sapukin ko talaga sila pag may isa na nalasing sa amin.

"Yes boss" sabay salute pa nilang tatlo.

"Nice nice." I smirked at bumalik na kami ulit sa loob.

Walangya lumabas lang kami saglit ay may mga naubos na silang alak sa lamesa. Ano to? Paunahan silang malasing ganern?

"Bilis n'yo naman mag inom, may balak lang mag lasing demogons?" Gage natawag ko tuloy silang demogons.

"Demogons?" Sabay na sambit ng mga kambals.

"Ah wala lang 'yon" sagot ko at umupo sa tabi ni Kb.

Hmmm.
"Kb gusto mo makaganti kay iris?" Bulong ko sa kanya,

ang laki ng ngiti n'yang binalingan ako.
"Talaga? s'ya ba target mo tonight?" Tanong nito. I wiggle my brows while grinning at her.

"Sige sige!" Sagot nito habang pumapalakpak. Hindi naman halayang excited ang keyboard natin no?

Bumukas ang pinto ng room at iniluwa ang baby ko na namumula ang mga mata.

"Pie" tawag ko sa kanya

Agad itong naglakad patungo sa pwesto ko pero wala ng vacant chair kaya hinatak ko na s'ya at pinaupo sa kandungan ko.
Bahala na ang mga demogons d'yan, hanap na rin sila mga bebe nila.

"You okay?" Tanong ko sa kanya.

She wrapped her arms around my nape at ibinaon ang ulo sa leeg ko. Tinignan ko naman ang mga kasama na ngayon ay sa amin narin nakatingin.

I placed my arm behind her legs and the other on her waist. Binuhat ko s'ya at naglakad sa gilid na may couch. Umupo ako habang hinayaan lang s'ya sa kandungan ko.

"Tapos na kayo mag usap ni tita pie?" Tanong ko ulit at tumango naman ito.

"So alam mo na ang lahat?" Malamang alam na n'ya ang lahat, bobo ko talaga.

She nodded.

"Face me, I wanna see your face" utos ko sa kanya but she just shook her head.

I gently stroke her back.

"You're such a baby Pie, look oh. Gulat sila dahil ang clingy mo kahit hindi ka naman ganito" I giggled at tinampal n'ya ang balikat ko.

Biglang bumukas ulit ang pinto ng room at iniluwa ang donkey, wow naman buti nakaabot pa s'ya. Agad na nag salubong ang aming nga mata, kunot pa ang noo nito nang makita si Pie sa kandungan ko.

"Hoy RL bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Kb

"Hampasin ko kayo e, matapos n'yo akong iwanan mag isa" sagot nito at umirap.

"Bobo pinsan mo lang tapos idadamay mo kami. High ka ba?" Bardagulan pa ata to sila dalawa ni Kb.

"J" bulong ni Pie kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.

"Hmm?"

"I love you" her voice is was sweet and soulful, mas hinigpitan ang yakap sa leeg ko.

"I love you" Sagot ko at binigyan s'ya ng isang halik sa pisngi.

"Okay na kayo ni Tita Pie?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Mommy"

"Ha?"

"Call her Mommy from now on" Halaka! Pakipulot naman nong puso ko, nahulog na ata.

"Ahem, so dalawa na pala kayong mommy ko. Ay hindi pala 7 pala kayo laha-aw aw joke lang joke lang" hilig n'ya mangurot talaga e.

"Okay na kayo ni Mommy?" Tumango naman s'ya sa tanong ko.

"Hindi mo naman sinabi na kapatid mo pala si Miss Kath baby at pinsan din ang ibang professors. May pa friend ka pang nalalaman, scammer ka talaga" diretso kong reklamo sa kanya pero using my normal voice lang.

"Hindi ka naman nag tanong" okay, mag pinsan nga sila ni Zi. Sige ako na may kasalanan dahil hindi nga naman ako nag tanong.

"nanaginip ako" ano naman ang napanaginipan nito, kinakain ko s'ya? Charot.

"What?"

"May kahalikan kang iba" she said coldly, luh tangena why naman ganyan.

"Hoy pie, hindi mangyayari yan dahil sinabi mo sa akin at good choice" hindi ko ata ma imagine na may hinahalikan akong iba bukod lang sa kanya.

Then she lift her head and faced me, gazing at me intently.  Sinilip ko naman ang mga kasama sa likod n'ya na abala sa usapan at inuman.

I smirked.

"Don't worry pie, my saliva belongs to you alone" I said and grinned at her.

Lmao she covered her face. Saksakin n'yo nalang po ako dahil sobrang cute n'ya!

"You and your dirty words" she said.

Natawa ako ng malakas kaya napatingin ang iba sa amin.

"Hoy Babe! Ang laki ng bunganga mo" saway ni 🐒.

"Manahimik ka kb hindi ikaw ang kausap ko" disturbo lage sa moment namin ni Pie e.

"Balik na kayo dito ni Ma'am, may mga chairs no oh" sarap bigwasan nito.

"Tara na pie, balik na muna tayo sa kanila at baka mag tampo pa sila dahil nagsosolo tayo. Maya nalang kita solohin" nakangisi na sabi ko sa kanya.

Hindi naman ito sumagot at tumayo na, langya iniwan pa nga akong mag-isa. Umupo sa katabi ng mga dragon at ako naman ay balik sa pwesto ko kanina.

"Hey, what's your ambition in life?" Biglang tanong ni Zi sa amin ng mga girlfriends, ang mga dragon ay busy sa sarili nilang mundo at hindi namin alam kung ano ang chismis nila.

"Maging mapa" mabilis na sagot ni RL

"Mapa?" ulit ni Zi

Nakita ko naman na sinulyapan ako ni Pie kaya kinindatan ko s'ya, langya inirapan lang ako. Bilis mag shift mood ng babaeng to.

"Kb paabot nga isang wine glass" utos ko kay keybold.

"What a weird ambition. Bakit mapa?" Sagot ni Zi kay donkey.

"Ano...pangarap ko ano.." langya tong si donkey pabitin din.

"What?" Taas kilay na tanong ni Z.

"Pangarap kong MAPAsayo" nabuga ko tuloy kay iris ang wine, tangena nito ni R. Pati tuloy ang mga dragon napatingin sa amin.

Ano raw!? Ang tapang naman n'ya landiin si Zi sa harapan naming lahat, saan n'ya nakuha ang tapang na yan?

"Shit BAHAHAHAHAHAHA omg sorry. Natawa kasi ako sa sinabi ni R" sabi ko kay Iris.

"Sj naman! Wala akong damit na dala" singhal nito.

"Kamusta ang first experience mo na mabugahan ni Sj? Maganda ba?" Pang aasar ni kb

Di ko na sila pinansin at binalingan nalang si Zi. Wala ata epekto 'yong sinabi ni R? She seems unfazed.

"Bawi next time lods" sabay tapik ko sa balikat ni R at inabutan nalang s'ya ng alak.

"Paano na to? Ang lagkit pa naman nito" reklamo ni Iris kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Dapat mag helmet kayo next time pag may iniinom si Sj" singit ni Helari sa usapan.

"Right" sabat naman ni Zi hmp.

Napansin ko naman si Miss Eve na sinulyapan si Iris awee. Palipat-lipat lang ang paningin ko sa kanilang tatlo ni Helari at Iris hmm.

"Helari pwede mo ba pahiramin ng damit si Iris?" Kinapalan ko na ang mukha ko.

"Okay, let's go" tumayo ito una at sumunod naman ang kaibigan ko.

Pero bago paman sila makalabas ng room ay may sinabi pa ako.
"Helari, make sure the door is open dahil nangangagat yan si Iris" nakangisi kong paalala sa kanya. Akala ko mag rereklamo o gagalit s'ya pero ang gaga nginisihan lang ako pabalik.

"Sure" sabi nito at lumabas na.

Nilingon ko si R na parang lugmok ang mukha babanat nalang nga kasi waley pa.

"R" kalabit ko sa kanya.

"Oh?"

"Ganito bumanat oh" bulong ko sa kanya at tinawag si Pie.

"Miss Ma'am"

Tinaasan lang ako ng kilay ni babykoww.

"Diba 'yong heart nasa kanan?" Seryosong tanong ko pero humagalpak ng tawa ang kb.

"Bobo babe nasa kaliwa" ay ou nga pala, nalilito parin talaga ako minsan sa kaliwa't kanan thingy na yan.

"Oh bobo" sabi ko sa sarili ko.

"Take 2" sabi ni Kb

I fake a cough.

"Miss diba po ang puso nasa kaliwa?" Seryoso ko ulit na tanong.

"Yes and why?" Taas kilay na sagot nito habang iniinom ang wine.

"Eh bakit po 'yong sakin ay nasayo?" I bit my inner cheek at mabilis na ininom ang alak. Ako ata ang nahiya sa sarili kong banat gago amp.

She hissed at rinig ko 'yon. Hindi tumalab ang kalandian ko sa kanya.

"How did you do that?" Biglang tanong n'ya.

Langya parang kami lang dalawa tao e kahit may mga mata na nakatingin sa amin. Si kb chill lang na umiinom sa tabi ko.

"Do what po?" Balik ko sa kanya at tinungga ulit ang wine glass.

"You"

"Me?" And pointed myself.

"Yes, how'd you make me fall deeper in love everyday" she said straight to my face.

She smirked seductively, as if she's telling me na s'ya ang nanalo sa round na 'to.

Langya napanganga nalang ako dahil sa rebat n'ya. Tangena paano n'ya nasasabi ang mga salitang yan sa harapan nilang lahat. Bigla tuloy uminit ang buong katawan ko! Bwesit na dragon to.

Si keyboard naman na parang bulate na kinikilig sa gilid at hinahampas ako yawa.

"Speechless De La Fuente?" Tawag nito sa akin na may nakakalokang ngiti sa labi.

Gulped.

"Yatap na si Sj Ma'am, hindi kinaya ang rebat mo" tawa-tawang sagot ni kb sa kanya.

"H-Hindi ah!" I averted my gaze at inubos agad ang laman na alak sa glass ko.

"Don't start something you can't finish" dagdag pa ni dragon.

Ang init naman masyado ng tenga ko, feeling ko masusunog na e. Nimal na dragon to. Nawawala angas ko pag s'ya na nag rebat tsk.

"Oh ano na Sj, ikaw pa ata talo sa sinimulan mo" isa pa tong donkey na 'to, nang-aasar din e. Sinamaan ko nalang s'ya ng tingin.

Buti nalang at saktong dumating sila Iris kaya natuon ang atensyon ng lahat sa kanila ni Helari.

"Sj ilan crush mo" biglang tanong ni Iris, gago to.

"Wala" siguro before meron hehe.

"Hala Ma'am hindi ka pala crush ni babe" sumbong ni keyboard, ang baby naman tinaasan ako ng kilay hmp.

"Hindi ko naman talaga crush yan" agad kong sagot.

"Kasi-" tangena hindi man lang ako pinapatapos mag salita! Babatuhin nalang ako bigla ng purse bag!

Saya naman ng mga kaibigan ko, tinatawanan lang ako.

"Saya kayo n'yan? Hampasin ko kaya kayo nitong upuan?" Sabi ko sabay paikot ng mata.

"Bakit pa maghahanap ng crush kung may mahal na, diba?" I simply answered. Ay gage natulala ang dragon, mahina ka pala e.

"Ano, rerebat ka pa Mommy?" Nakangisi kong tanong sa kanya. Bonak si baby, kamatis na ang mga pisngi.

"S-shut up!" I smirked, panalo ka sj.

I shrugged at umupo na ulit.
Itong mga kaibigan ko naman panay lang tawa.

Napansin ko lang kanina pa to palihim na tinitignan ni Helari si Iris. Hmm

"Iris halika may sasabihin ako" tawag ko sa kanya.

"Ano 'yon babe?" May tililing na talaga to si Kb kahit hindi naman s'ya ang tinatawag ko.

Bigla naman tinabig ni Iris ang ulo n'ya.
"Ako ba ikaw? Hindi ko alam na isa na pala akong monkey" bardagulan na naman sila.

"Teka nga, tumigil muna kayo. Lapit ka sa 'kin Iris may ibubulong ako" sabi ko sa kanya kaya inilapit nito ang tenga sa akin.

"Gawin mo to" sabi ko at bumulong sa kanya.

"What!?" Kunot noo na tanong nito bago tinignan si Miss Eve.

"Dali na dali!" Tulak ko sa kanya.

Ay ayaw mo ha.
"Miss Ev, may sasabihin daw po si Iris" tawag ko sa kanya kaya napatingin ito kay iris.

"Hoy Sj!" Singhal ni Iris sa akin

"What?" She raised a brow.

"Dali na Ri, dali dali!" Gusto ko kasi tignan kung may reaction si Helari sa gagawin ni Iris.

"Ma'am 18 na ako" seryosong saad nito.

"Huh?" Gulong gulo na ekspresyon ni Miss e.

"18 na po ako, 18-Nadhana para sa'yo!" They made an eye to eye contact.

"Hmmm BAHAHAHAHAHAHAHAHA" amp 'di ko napigilan ang tawa at nahampas nalang s'ya.

Si keyboard at rl na bigla nalang humagalpak ng tawa. Sinulyapan ko si Helari na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha. Si Miss Ev naman napakagat labi nalang dahil sa banat ni Iris.

"Hoy Iris! Ang kapal ng mukha mong landian si Miss Eve!" Tampal bi Kb sa kanya.

Hindi na s'ya pinansin ni Iris at inirapan lang, kumuha nalang ito ng drinks. Hmmm

"kb switch tayo" sabi ko sa kanya. Nakipag-palit ako ng upuan kay kb, may naisip kasi ako.

Pabalik na sana si Iris sa upuan n'ya nang bigla ko itong tinisod kaya napaluhod ito sa mismong harapan ni Miss Ev. Napahawak ang kamay nito sa legs ni Miss. I bit my lower lip to suppress my laughter.

"Langya ka babe" ay nakita ata ni kb ginawa ko.

"What are you doing Iris!?" iritadong tanong ni miss sa kanya.

Si Iris nakaluhod parin at nakahawak sa legs nito haha.

"A glass of wine for you M-Miss?" Sagot nito at inabot kay miss E ang wine glass.

Awtomatik na nagtaas ang kanyang isang kilay. Bilis naman makahanap ng rason nitong si Iris kaya mahirap ma bully. Si keyboard lang talaga ata uto-uto sa amin.

Inikutan lang s'ya nito ng mata at kinuha ang wine na bigay kuno ni Iris with matching luhod, naks naman po. Mabilis itong tumayo at bumalik sa upuan.

"Litsi ka Sj!" Bulong nito sa akin na may kasamang siko, nginisihan ko lang ito.

Biglang tumikhim si pie kaya natigil kami sa bardagulan at napatingin sa kanya. May sasabihin ba s'ya? Gusto ba kiss ko s'ya? Charot.

"When are you going to reveal yourself" sabi n'ya at tinignan si Kath.

Kami naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanila ng mga tropa ko since nag uusap ang mga kambals part sa business.

"Is it time?" Sagot nito kay Pie.

"Have you finished it yet?" Tanong ulit ni pie, langya sila lang ata nag iintindihan. Okay bahala sila d'yan mag usap.

Tumayo ako at hinatak ang mga kaibigan ko. Mag ka-karaoke nalang muna kami.

"Tara doon, kanta tayo" aya ko sa kanila at nagdala narin ng mga inumin.

"Anong kakantahin Sj?" Sabay na tanong ni Iris at kinuha ang remote.

"Banyo Queen, insert natin 'yong version natin" sagot ko at nag queue na si Iris.

Kinuha ko na ang mic, rapper daw kami tonight.

*BANYO QUEEN 3RD VERSE*
(Sabayan n'yo ng music para mas dama)

"Kami ay nagtatawanan at nag-kukwentuhan" nagsimula na sila sumayaw habang may hawak-hawak na mga alak.

"At doon sa sofa kami ay naglalampungan. Ang ginaw, para kong nasa Roppongi" Si Iris at Kb nag se-sexy dance, my goodness.

"Pinatay n'ya ang ilaw, din binuksan ang VCD. Doon sa kanyang kama, kami ay nahiga"

"Ako ay nagulat at akoy nabigla
Ako'y nanginginig, pawis na pawis" uh uh the next line, the heck.

"Tinutok ko, pinasok, and boy walang daplis. At ang sabi nya sakin" hindi ko binigkas pero.

"ah, uh, ah, ah" sila ang umungol ng sobrang lakas. WTF, napatingin ako sa likod namin at nakita ko na nakatingin na pala sa amin ang bipolars!

"SJ Sj cge pa cge pa" they changed the name of Andrew to Sj tangena natawa ako bigla. Ang manyak kasi nila nang bigkasin to tapos may ungol pa!

"Tumagilid, tumihaya, lumuhod at dumapa. Nang matapos na kami ang sabi niya......." Seninyasan ko na sila na e insert yung pinalitan namin na lyrics.

Itinapat ko ang mic sa kanila.

"KUNG MAPUNTA MAN ANG EX MO SA IBA, WAG KANG MAG-ALALA!" Sigaw naming lima.

"KASI NGA SABI NI JOLLIBEE, IBIGAY ANG PINAGLUMAAN"

"SA KAWAWANG NANGANGAILANGAN!!" Sigaw naming lima at nag hiyawan, tangena bahala na ang demogons d'yan. I saw some of them smirked and the rest raised their brows.

Nagpatuloy na kami sa kanta.

"When the night has come Ah yeah, at pinatay ang ilaw Umadalas, lumalabas Banyo queen. Oh darling, darling stand by me. Oh- oh stand by me. Umadalas, lumalabas Banyo queen"

*4TH VERSE*

"Ang puting kumot pilit Hinahabulot
Likod koy namumula sa kakakalmot"
Ako taga kanta silang apat naman sumasayaw sa gitna. lakas tama lang ng girlfriends e.

"Nun sya ay umuongol at umuongos
Sya'y init na init sa aking haplos" siraulo tong Kb bigla nalang umungol, nasapok tuloy ni Iris.

"Pinabigyan ko sya sa kanyang hiling
Ang gusto nya" I stopped.

"YUNG GANITO, YUNG GUMIGILING!" sigaw naming apat sabay giling pababa, tangena mga walang hiya e.

Hanggang sa natapos ang kagagahan naming lima at mabilis nag unahan umupo ulit. Ngayon pa sila natablan ng hiya.

"Tara na nga balik na tayo sa table, ayain nalang kaya natin sila mag bar?" Sabi ko sa kanila.

"Hoy! Speaking of" singit ni Kb at hinila kami palapit sa kanya.

"Ano?"

"Tama ang suggestion mo Babe, ngayon ko lang naalala na may body shots event tonight. Every Friday ang event na yan" nanlaki naman ang mga mata namin dahil sa sinabi ni keyboard.

"Talaga!? Bakit mo alam ha, lage ka siguro doon keybols." Ang Iris excited, pero excited din ako!

"Sampalin kita nitong mic gusto mo?" Aksyon na nga n'ya ihahampas, aguy.

"Same place ba?" Tanong ni Ag at tumango naman agad si Kb.

Nagkatinginan pa kaming lima habang nakangisi. Hmm
"Sige tara, ayain natin sila" sabi ko at tinungo na namin ang table.

Pumalakpak ako to get their attention.

"Mga Miss and Kambals tara bar tayo" sabay naman nag taasan ang mga kilay nila. Edi kayo na.

"Bar?" Striktang tanong ni baby.

"Yes po, saturday naman na bukas e" pag ganito talaga situation ako ang spokesperson ng grupo, mga weak.

Katahimikan...
Nakakaloka silang walo.

"Okay"

I mentally celebrated dahil sa sagot ni baby.

"But.." she smirked! Bakit may BUT yan ha.

"But?"

"Ask our parents permission first" napanganga nalang kami ng girlfriends sa sinabi ni baby.

"H-ha? Bakit naman kailangan pa Monmy" I blurted out which made my friends laugh.

Ay natawag ko na naman s'yang Mommy, habit ko na talaga e.

"Bakit naman po kailangan pa kayo ipagpaalam hindi naman na kayo mga bata" sagot ko.

"Then the answer is no" she crossed a leg. I saw her took a glance at my friends then back at me.

Oh okay, I think I get it now. So it's a test ha.

"Okay" I smirked.

Tumalikod ako upang harapin ang mga kaibigan ko.

"Hoy Iris ikaw mag paalam kay Miss Eve. Sa parents n'ya, ikaw naman Ag kay Miss Lor's then ikaw keyboard kay Mommy Irene ko..." Then you, turo ko kay donkey "sa mga kambal" at kinindatan sila. Nanlaki nalang ang mga mata nila dahil sa sinabi ko.

"B-Bakit naman kami!?" Iris raised a voice.

"Pie oh" sumbong ko.

"Then NO" itong ibang bipolars naman hindi kumukontra sa desisyon ni Pie.

"Sige na, makakapal naman mukha n'yo. Just imagine na mga in laws n'yo sila" nakangisi kong saad.

Wala na sila nagawa kundi ang pumayag nalang.

"Ay nandito pa pala mga parents n'yo miss?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa living room" sagot ni Miss Kathlyn. Tumango nalang din ako.

"Sige tara na po" sabi ko sa kanila at binuksan na ang pinto. Ou ako nauna, boss tayo charot.

Pag labas namin ng kwarto ay hinatak agad ako ng mga kaibigan ko.
"What?" Kunot noo kong tanong, bakit naman ata balisa ang mga baliw na to.

"Sj, ano dapat naming sabihin!?" Tanong ni Iris, luh bobo ano ba dapat.

"Sabihin n'yo lang na mag bar tayo. Ganern lang" sagot ko, hindi naman na sila nag tanong muli.

"Girls bakit nandito kayo, may problema ba?" Tanong agad ni Tita Shitley nang makita kami.

Walang sumagot... Hindi rin naman umimik ang bipolars dahil siguro hinihintay nila ang mga kaibigan ko. May telepathy communication ata silang walo.

I heaved a sigh.

"Mga Tito at Tita, itatanan daw po nila mga anak n'yo for a night" walang filter kong bibig na nagsalita sabay turo sa mga kaibigan ko.

Natulala nalang ang mga parents ng bipolars dahil sa sinabi ko.

"Di, joke lang po hehe" bawi ko sa sinabi ko.

"Mga tito at tita" ay inulit pa nga, makapal ang mukha.

"Ay sorry po makapal kasi mukha ko. Mga Ma'am at Sir pala dapat" pagtatama ko at nag kamot ng ulo.

Narinig ko naman humagikhik ang mga kaibigan ko sa likod at ang mga bipolars naman sa gilid na kagat ang mga labi. Sige pigilan n'yo lang baka mautot kayo n'yan.

Bigla nalang humagalpak ng tawa ang mga parents nila. Ay may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Haha I like her" sabi ng Mommy ni Miss Eve.

"Right" sagot naman ni Mommy Irene.

"Haha bilib ako sa tapang nito, hindi natatakot sa atin. Hindi tulad ng iba na hindi magawang harapin tayo" sabat naman ng papa ni Miss Lor. Ay salamat sa makapal kong mukha.

I turned to face my friends and sent them a signal na magsalita.

"I kinda like her. What's your name?" Nakangiting tanong ng Mama ni Miss Lorelei. Nakupo

"Hindi po kayo mga homophobic?" Direct to the point kong tanong, jusko po 'yong bibig ko wala talagang preno!

"Ay Shara Jane po pangalan ko" muntik ko pa makalimutan sumagot amp.

"Walang homophobic dito Iha, our families supported LGBTQ" sagot naman ng papa ni Miss Eve.

Bobo mo talaga Sj.

"Ay ou nga pala" sambit ko.

"Bakit pala nandito kayo?" Tanong ni Mommy Irene.

"Muntik ko na makalimutan, Mommy gusto ko lang ipag-paalam si Pie. Lalabas kami" diretsong paalam ko sa kanya.

Bakit naman shock tong si Mommy, dahil ba sa tinawag ko s'yang Mommy? E 'yon sabi ni Pie e. Good girl ako kaya dapat sundin ang utos ni dragon.

"Sure" nakangiting sagot nito.

Tumalikod ako upang harapin ulit ang mga kaibigan at hinatak sila paabante.

Si Iris ang nauna.
"Hello po, idadamay narin namin si miss Everleigh at Helari." naks himala at hindi s'ya nautal.

"Ako rin po, kung pwede isama si Miss Lorelei at Cassandra" si Ag, ou papayag yan sila sa ganda mong yan.

"Mommy Irene and Mommies" sabay pa kaming lahat napatingin kay keybold dahil sa tinawag nito.

I bit my inner cheek to suppress my laughter dahil sa reactions ng parents ni Annallyn at Mommy Irene haha. Ay ou nga pala, makapal din mukha ni keybold.

"Kidnapin ko rin po si Miss Kath at Annallyn" nakangiting paalam nito, naks naman.

"Good evening po Tita, papaalam ko lang si Ziallyn." Magalang na saad ni donkey, sanaol.

Ang mga parents naman nila ay nagsimulang nagtawanan. Luh?

"See? Diba tama ako, kaya madali silang na close ng Quadruplets ko" humahalakhak na salita ni Tita Helen sa ibang parents. Ay proud si Tita sa amin naks naman +10 points.

Ay meeting the parents pala 'tong nagaganap? hindi kami na inform ni baby. Mga decorations lang namin ang Demogons sa gilid.

"Hahaha hindi ko alam kung bakit isa-isa sila nagpaalam" sagot naman ni Mommy Irene.

"Dapat lang naman po magpaalam kami ng maayos, baka kasi ipa missing n'yo nalang sila--charot lang po" makapal talaga mukha ko.

"Hahaha mabuti yan iha. Dapat lang talaga." saad ng Daddy ni Miss Eve.

"Omg, I really like you Shara. You're too funny" nangingilid na ang luha ni Tita Shirley dahil sa kakatawa.

"Payaso po kasi ako tita pero si keyboard po talaga ang full time payaso namin" sagot ko sa kanya at itinuro si Keyboard.

"Sulitin na rin po namin ang natitirang oras dahil aalis na po ang tatlong kambal sa Sunday" nakangusong sabat ni Iris, hoy bakit naman nakanguso yarn haha.

"Lubusin ko nalang din po ang kakapalan ng mukha ko. Pwede po namin kayo matawag na Tito at Tita?" Mas lalo pa ata lumakas tawanan nila dahil sa sinabi ko langya.

"Mommies and Daddies ayaw n'yo po?" Mas makapal talaga ang mukha ni keyboard guys.

"Joke lang po" bawi nito sa kanyang sinabi at ngumiti hmp.

Bakit naman namumula ang mga mukha nitong demogons? Bakit kasi hindi nalang tumawa.

"Hahaha yes call me Tito" sagot ni Tito Andrew at pumayag na rin ang iba.

"Sige na umalis na kayo, mag iingat kayo okay?" sabi ni Tita Shirley.

"Wait, use the limousine para hindi na kayo mag drive. Ipapatawag ko ang driver" suhestiyon naman ni Tita Helen, ay wow sanaol supportive.

"Sige po Tita salamat po" ngiting pasalamat ko sa kanya.

Nagpaalam na kami at naunang lumabas ng girlfriends. Nandito na kami sa sasakyan, napanganga nalang talaga ako nang makita ang loob ng sasakyan tangena. Pwede na pala kami mag party dito.

Oh diba? Kumpleto na sa lahat.

"Walangya kayong dalawa ang kakapal ng mga mukha n'yo" tampal ni RL sa aming dalawa ni Kb.

"Kalma lang kami lang to" duet pa kami ni keyboard.

Hmm may naisip na naman ako, gusto ko kasi mas marami ma experience ang demogons hanggang 'di pa nakakaalis ang mga kambal.

"May naisip ako" sabi ko sa kanilang apat.

"Ano na naman yan babe! Baka kalokohan na naman mga plano mo" 'tong si kb talaga wala ng tiwala sa akin e.

"Mamaya pag nandito na silang lahat" sagot ko.

"Hoy! Paabot nga isang baso, kayo lang nag iinom d'yan" sabi ko sa kanila, nasa pinakadulo kasi ako umupo.

Hindi rin naman katagalan at bumukas ang pintuan ng sasakyan. Una pumasok si Pie at agad na tumabi sa akin sabay lapag ng kamay n'ya sa legs ko, ay possessive yarn.

Ako-Pie-Miss Kath tapos ang mga kaibigan ko nasa gitnang side katabi ang mga kambals.

"Napapagod na po ako kakatawag sa inyo ng MGA MISS AT KAMBALS. Demogons nalang tawag ko sa inyo" Panimula ko nang makaupo na ang lahat.

"Means?" Tanong ni Miss Lor. Ito na nga ba ang problema ko, bakit pa kasi nila tatanungin.

"Means goddesses po" sige Sj galingan mo lang na hindi nila malaman na dragon at demonyo yan.

"Ay ou nga pala, open pa ba mall n'yo Zi? Quarter to 9 pa lang naman diba" Tanong ko kay Zi na ngayon ay may hawak ng glass drink.

"Yup, why?"

"Basta, punta muna tayo sa mall n'yo. May kailangan tayong gawin" Nakangiti kong sagot.

"Kalokohan na naman ba yan ha Sj?" 'tong si Annallyn puro nalang ata kalokohan ang tingin sa akin.

"Hindi ah" mabilis ko sagot at tinungga ang baso.

Mga tinginan naman nila sa akin parang pinapakita lang nila na they don't buy my words langya.

"Grabe naman kayo makatingin sa akin. Seryoso nga kasi ako" naramdaman ko ang pagpisil ni Pie sa legs ko kaya napalingon ako sa kanya, ay sinong ka text nito at bibitayin ko.

"Wala na naniniwala sayo babe, puro ka kasi kalokohan" nang-iinis ba s'ya?

"Basta hindi nga, punta tayo sa jamas section" sabi ko.

"J" she tapped my lap.

"Hmm?"

"Kathlyn will publish a story" napalingon ako dahil sa sinabi n'ya.

"A story?" Tanong ko kay Miss Kath.

"Yes" tipid sumagot hmp

"What story po?" Tanong ko.

"You and Pie's" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sagot nito.

Medyo loading pa utak ko.
"Hindi ko po gets Miss" balik ko sa kanya.

"Your story" langya bakit naman love story pa namin ni baby.

"I started writing 4 years ago. That time na sumunod ako sa province n'yo" paliwanag n'ya.

"So Miss Kath totoo talaga na magkakilala tayo?" Gusto ko talaga ma klaro tong 'tanong na 'to sa kanya.

"To be honest nope. Hindi mo ako kilala pero ako kilala kita" she smiled pero bakit naman ata pilit ang ngiting yan o ganyan na talaga s'ya ngumiti.

"Talaga? Ay ou nga pala, nasabi ni tita sa akin na pinasunod ka para bantayan ako. So naging stalker kita Miss? Araw-araw mo ba ako ini-stalk?" Prangkang tanong ko sa kanya, naramdaman ko na medyo humigpit ang hawak ni Pie sa leg ko.

"Yes and Yes" my eyes widened in shock.

"S-seryoso ka d'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yup, since Day 1" she said then averted her gaze. Natulala at napanganga nalang ako sa sagot n'ya. 4 years!?

"J" tawag ni Pie dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko.

"Po?"

"Is it okay to publish her story?" Tanong nito sa akin, kaya napatingin ako kay Miss Kath.

"H-ha, bakit mo naman ako tinatanong Pie. Gawa naman yan ni Miss Kath" agad kong sagot at uminom ulit ng alak, naka aircon naman sana pero ba't ang init hmp.

"Yes but it's a true to life story. About us" mas lalo akong nagulat sa sinabi nito.

True to life story?

"Miss kath" tawag ko ulit sa kanya.

"Hmm?"

"W-what's the title of your story?"

Don't tell me...

She looks at me with full of sincerity before smiling and say...

"FAVORITE GIRL"

Natutop ko nalang ang bibig at naramdaman na nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi n'ya. Ito 'yong pinag-usapan namin sa library!

Ang kanina na abala sa mga kanya-kanyang ginagawa ng mga kasama namin ay nasa amin na rin ang atensyon.

"D-Diba libro na 'yan?" mautal na tanong ko sa kanya.

"It was a manuscript" mabilis nitong sagot.

"W-who is Ara?" I want to take this as an opportunity to ask her everything.

I gulped.

"You" seryosong sambit nito.

"Me?" I pointed myself while thinking something...My name is shara so it came from the last 3 letter.

"Yes you" she said and sip her drink.

I'm very engrossed in our discussion. To the point na nakalimutan ko na katabi lang pala namin si Pie. I held her hand and gently pinched it.

"Sorry" I said and gave her an apologetic smile.

"Don't worry, take your time" she said at sinandal ang ulo sa balikat ko. Binalik ko ulit ang atensyon kay Miss Kath.

"So kamusta miss, tapos na story mo or on going parin?"

"Near the end of the story"

"Pwede mabasa pag natapos mo na Miss? Gusto ko ako una makabasa, kung okay lang?" Papayag naman siguro s'ya diba.

"Yes"

"Thank you po. Pero Miss may tanong ako, sino 'yong sinabi mo na nahulog sa building?" Isa rin to sa gusto kong itanong sa kanya.

"Hala!" Napaigtad kami dahil sa biglaang sigaw ni Kb, bwesit to.

"Ano ba keyboard!" Saway ko sa kanya at inikutan ng mata.

"Baka si RL yan, nahulog sa building e" sabay turo n'ya kay RL.

"Anong nahulog! Hindi ako mahuhulog kung hindi n'yo ako kinidnap at dinala sa rooftop! Tinulak n'yo ako mula sa rooftop kaya ako nahulog!" Inis na sagot nito kay Kb, bakit mo kasi pinaalala kay donkey kb.

"Really?" Seryosong tanong ni Pie. Ang iba naman nakikinig lang at nakikiramdam.

"Ah s'ya 'yong tinukoy ko pie nong nag tanong ka sa akin" sabat ko sa kanila.

"Hindi mo lang alam pie kung anong kalokohan ang ginawa nila sa akin paglapag ko palang dito sa pinas" sabay tampal sa noo nito.

"What?" Hala ang Demonyo nag tanong awee.

"Kinidnap nila ako mismo sa airport at nagdala pa talaga sila ng camera man para mag mukha silang nag so-shooting lang" bigla ba naman tumawa ang kb, siraulo talaga s'ya promise.

"Then?" Cassandra asked.

"Dinala nila ako sa rooftop ng BA then tinulak ako ni kb kaya nahulog ako. Patay na siguro ako ngayon kung may sakit lang ako sa puso" she pouted lmao cute donkey.

"Ayan ba 'yong may mga medic na dumating?" Si Helari, mga maritis din pala sila no.

"Yes"

"Sj ano ka ba, ilugar mo naman sa tama ang pranks mo"Bakit ako sinisisi ni Helari?

"Don't judge her, she may be the leader of their pranks but she's not the type of person who will do such things" My dragon said coldly. She defended me. 💗

"Then who?"

"Actually ang alam ko lang ay part sa kidnap. Nagulat nalang nga ako nong nasa rooftop na kami. Silang tatlo lang ang may alam, lalo na si keyboard na may pakana ng lahat" Ou kasalanan ni keybold ang lahat, inosente kaya ako no.

"Tigil na nga, past is past at ang mahalaga buhay ako" putol ni RL sa topic.

Balik na ulit kay Miss Kath ang atensyon ko. "Ehem, so Miss Kath sino 'yong tinutukoy ko? Curious po talaga ako"

Gusto ko talaga malaman. Malay n'yo, ako talaga 'yon at nabagok lang ulo ko at nagka-amnesia ulit diba charot.

"N-nothing, it's just a joke" she stuttered. Napanganga nalang ako sa sinabi n'ya, at nakuha n'ya pa talaga mag joke?

Napaisip ako bigla.
Apat na taon na n'ya pala akong binabantayan at araw-araw pa ng hindi ko man lang alam? Kung tutuusin mas matagal pa pala ang pinagsamahan namin kumpara kay Pie.

"Akala ko pa naman totoo na, nakuha mo pa talaga mag joke sa sitwasyon na 'yon miss" sagot ko sa kanya.

Halos mabaliw na ako kaka-overthink kung sino s'ya o kung may past relationship ba kami o kaya nabura rin ala-ala ko sa kanya. Masama talaga mag overthink, nakakabaliw then after all the what ifs ay mali rin pala ang conclusion ko amp.

Eh pero diba naalala ko rin 'yong sa cr, she mentioned na bakit si pie lang naaalala ko at hindi s'ya? Langya sumasakit ulo ko kakaisip. Ay basta s'ya na mismo nagsabi na hindi kami magkakilala.

I shook my head.

"May tanong ako, kung kayo papipiliin. Sa tama pero hindi na kayo masaya o sa mali pero doon kayo sumasaya?" Seryosong tanong ni RL.

"Choose the RIGHT" pie emphasized.

"Feeling unhappy in your relationship is, to put it simply, the worst" direct to the point masyado si baby.

"Sometimes, the best way to figure out why you're not happy in a relationship is to think about what you want. It means taking some time to really talk to yourself, and understand why you're feeling the way you're feeling."

"But trying to make some progress can be really useful when it comes to talking to your partner about what's going on."

"We're all individuals. We can't read each other's minds." Lakas n'ya naman mag sabi ng mga ganyan tapos hindi naman sinasabi sa akin kung anong problema n'ya pagdating sa akin, hilig n'ya maglaro ng mind game e. Sino niloloko ni dragon?

"Tama tama, hindi naman tayo mga manghuhula para malaman ang iniisip ng mga tao" sabat naman ni Iris.

"If it is making you happy, then it surely isnt the wrong thing. But if your desire is something that may harm someone else's happiness or life, then even though it makes you happy, you should be sensible enough to let it go" segunda naman ni Zi.

"Kung masaya ka sa mali rl mas magiging masaya ka tama" sabat naman ni KB ay wow +10 sa langit.

"Pero pwede mo rin naman piliin ang mali kung doon ka sasaya. Actually tama naman lahat ng mga sagot n'yo pero hindi lahat ng tao ay same ng perspective lalo na sa mga ganitong issue. May mga tao na pinipili ang mali dahil doon sila sasaya at masaya, depende kasi yan sa sitwasyon. Hindi mo malalaman yan hanggat hindi mo pa nararanasan. Time will eventually come na kailangan mo na mamili sa dalawa" sumingit na ako sa usapan nila. Seryoso naman ng topic nila.

"You can't say always choose right. But one thing is certain, I will choose it myself and will not allow others to influence my choice" I said and looked at pie. She genuinely smile at me.

"Choose yourself" singit ni Miss Kath.

That's the accurate answer.

"Yes" I smiled.

"Hoy! Nasa mall na tayo babe!" Bilis naman ata namin makarating?

"Nilipad ba natin?" Lutang kong tanong dahilan para kumunot noo nila.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo gage, hindi nilakad lang natin babe" she said sarcastically.

"Let's go" Pie said at hinawakan ang kamay ko.

"Bilis naman, ganda na sana ng topic natin e" ngumuso ako at nagpatianod nalang kay pie.

Marami parin ang mga tao kahit ganitong oras na. Hindi talaga maiiwasan na hindi ka mapatingin sa Demogons. All of them are wearing sexy dress dagdag n'yo pa mga nakakasilaw nilang legs, ediwow.

"What are we gonna do here?" Tanong ni Pie nang makarating kami sa tapat ng Jamas.

I smiled. "Basta tara pasok na tayo" sagot ko at hinila s'ya.

Dumiretso ako sa section ng pajamas jumpsuit. "Demogons, pili na po kayo kung saan d'yan isusuot n'yo" malaking ngiti kong saad sa kanila.

Their eyes widened in disbelief pero ang girlfriends ay humagalpak lang ng tawa. Alam na ata nila ang pinaplano ko.

"What?" Miss Eve asked in confusion.

"Kakasabi lang nga na pumili at isuot n'yo Ma'am, yung totoo po okay pa ba pandinig mo?" Bigla nalang mas damit na lumipad sa mukha ni Iris. Tangena talaga nito at ang lakas mambara.

Napailing nalang ako dahil sa kanila.
"Pili na po kayo, ito suotin natin puntang bar" seryoso kong sabi na mas lalong ikinagulat ng demogons at mas lalong ikinalakas ng tawa nila kb.

"Are you out of your mind Jane?" Kunot noong tanong ni pie

"Are you serious?" Ou seryoso ako Miss Lorelei.

"No way!" Yes way Miss Kath.

"I can't believe this is happening" yeah yeah sure miss Eve.

Ano kasi guys plano ko kasi talaga magsuot kaming lahat ng pajamas jumpsuit bago pumuntang bar. Naisip ko lang kanina tapos maganda na rin 'yon na trip, kahit naman anong suotin nilang lahat ay babagay sa kanila.

Si pie naman seryoso lang akong tinitignan. Baka galit na to? Ngumuso nalang ako at bumuntong hininga.

"Hays, sige po wag n-"

"Pick yours" biglang putol ni pie sa sasabihin ko.

Ang lawak ng ngiti ko dahil sa sinabi n'ya samantalang nanlaki nalang ang mga mata ng demogons. Nahahawa na ata si baby sa kalokohan ko 😂

Kumuha na sila isa-isa. Hindi naman na kailangan hubarin ang mga dress nila kaya no need na pumuntang dressing room.

Nang matapos isuot ay namangha ako sa kanilang lahat, ang cute nilang tignan dahil sa mga suot nila haha.

Suot ng girlfriends ang first photo.
(RL,IRIS,ME,AG,KB)

At demogons naman ang 2nd second photo.
(ANNA,ZI,HELARI,CASS,PIXIE,
KATH,EVE,LOR) 

Same ng jumpsuit si Miss sila Miss Eve at Lor dahil naubosan na ng option haha imagine guys, cute nila no.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA ang cute ng demogons" hagalpak na saad ni Iris. Totoo naman kasi.

"This is embarrassing" sambit ni Miss Lor.

"Wag ka po mahiya miss bagay naman sa inyong lahat. Hindi na kayo mukhang red-mga strikta tignan" sagot ko sa kanya.

"Akala ko bar gusto mo Ja" sabi ni Zi.

Ngumisi nalang ako dahil sa sinabi nito.
"Yes, punta tayo bar ng suot to" their eyes widened in shock lmao priceless reactions.

"Langya ka babe lakas ng trip mo" sabay tampal ni keybold sa likod ko.

"Tara na po, bayaran n'yo na mga kinuha n'yo" ou nga pala hindi pa bayad mga suot namin. 😂

"Ako na" sabat ni Zi at umalis para bayaran ang mga suot namin.

Pag labas namin ng Jamas ay nakuha namin agad ang mga atensyon ng tao gage sino ba naman ang hindi mapapatingin dahil sa mga suot nami.

"Sandali picture muna tayo" sabi ko sa kanila at dinukot ang selpon ko pero nahulog amp.

"Babe nahulog selpon mo?" Kita na n'yang nahulog magtatanong pa.

"Ou"

"Hugasan mo" bobong suhestiyon ni keybold dahilan para humagalpak ng tawa si Iris.

"Sige hugasan mo keyboard" sabi ko at binigay ang selpon sa kanya.

"Gaga picture muna tayo" sagot nito.

I asked a random person to take a picture of us. Tinawag ko na ang demogons at pina-pwesto na silang lahat. Kami ng girlfriends ay umupo sa sahig at sila naman ay nakatayo sa likod namin.

"This is cute" nakangiting sabi ni Ziallyn.

"Diba?" Nginitian ko na rin s'ya at nags scroll na ng mga pictures.

"Yes, send it to me" utos nito.

"E popost mo ba?" Tanong ko.

"Yes" wow, this is the first time na mag post s'ya ng pictures. Mostly kasi mga pics n'ya kay Helari na timeline namin nakikita.

Ang dami pa naman n'yang followers kaya sure ako mag t-trending na naman to. Dagdag pa na kasama namin ang mga professors.

"Sige send ko sayo Zi" sabi ko at inayos ang hoodie na suot nito.

"Hoy babe!" Tawag ni 🐒.

"Bakit?" Baling ko sa kanya.

Lumapit ito para bumulong
"Punta tayo cemetery" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"Gago seryoso ka ba d'yan? Ano gagawin natin ha"

"Ou seryoso, death anniversary ni Aubrey ngayon! Bakit n'yo naman nakalimutan!" Singhal ni kb kaya nakuha namin ang atensyon ng iba.

Aubrey is one of our childhood friend, bata palang kami nong kinuha na s'ya sa amin. Huli na nga nang malaman na nasa stage 4 cancer na pala ang sakit nito at wala ng ibang paraan para maisalba s'ya.

"Hala!" Bulaslas ko.

"Hoy Iris,Ag! Kailangan natin dalawin si Aubrey! Quarter to 10 pa naman kaya daan muna tayo sa kanya" sabi ko sa kanila.

"Aubrey?" Sulpot na tanong ni Pie.

"Yes pie, our childhood friend" ngiti kong sagot sa kanya.

"Kung gusto n'yo mauna nalang kayo sa bar Pie. Daanan lang namin saglit si Aub sa cemetery" dagdag ko pa.

"Sasama ako" agad n'yang sagot.

"Wala kayong dala na mga sasakyan Ja, sasama nalang kami" sabi naman ni Zi kaya pumayag na rin kami.

Bago pumuntang cemetery ay bumili muna kami ng mga bulaklak at paborito nitong pagkain. Hindi talaga yan mawawala pag bumisita kami sa kanya.

Hindi naman kalayuan ang cemetery sa lugar kaya mabilis lang kami nakarating.

"Tara na" aya ko sa kanila at nauna na bumaba ng sasakyan.

"W-wait, it's so dark?" Kabadong saad ni Miss Eve.

"Kasi walang ilaw Ma'am, kaya madilim talaga" bwesit talaga tong si Iris.

"Pwede ba Iris!?" Singhal nito kay Iris langya naman kasi, kahit siguro ako masasapak ko s'ya kung lage ako binabara.

Hindi sumagot ang Iris at nag sign of peace lang.

"Wala tayo flashlights" tanong ko.

"Bobo may selpon naman" sabat agad ni Kb, ay ou nga pala.

"Ay sorry na, talino mo talaga" ou pinuri ko na nakakahiya naman sa kanya.

"Pie come here and hold my hand" baling ko sa kanya at tinawag s'ya.

"Actually pwede naman hindi kayo sumama, dito nalang kayo maghintay sa sasakyan" sabi ko sa demogons. Bakit ipipilit kung takot naman.

Umiling si Pie.
"Sasama ako, I want to meet aubrey" she smile and intertwined our hands. Aw sweet naman nito, papakin ko 'to e

"Kayo? Sasama rin?" Silip ko sa ibang kasama. Hindi naman sila sumagot, ay  siguro sasama.

"Tara na"

Medyo madilim talaga, nasa public cemetery kasi kami at nasa main road lang ng cemetery ang mga poste ng ilaw nakalagay. May kalayuan kasi ang puntod ni Aubrey mula doon.

As usual ako ang nasa unahan, nilingon ko naman ang likod at nakitang sumama rin pala ang mga demogons.

"May crush na ata akong isang hayop" putol ni RL sa katahimikan habang naglalakad kami sa kadiliman.

"What?" Si Zi sumagot yee.

"Cow" diretso n'yang sagot rason para mapatawa ako ng napakalakas at ang mga kaibigan ko.

"Langya ka RL pwede pwede HAHAHAHAHA" singit ni Iris.

"Smooth" si Ag

"Sa daming cute na animals sa cow pa talaga" sorry hindi na process sa utak ni KB ang line ni RL.

Gusto ko sana makita ang reaksyon ni Zi sa sinabi ni RL. Hindi na kasi ito sumagot, pero no need dahil na iimagine ko na ang mukha n'ya kahit hindi ko makita.

"Bobo mo keybold hmp" pang iinsulto ni Iris.

"Mas ka tanga"

Napailing nalang ako sa bardagulan nila. Si pie naman humigpit ang hawak sa kamay at balikat ko. Para s'yang bata na nagtatago sa likod ko.

"It's okay Pie" sabi ko sa kanya.

Buti nalang at sementado na ang daan unlike before na mabato. Mas binilisan ko ang pag hakbang para madali kaming makarating kay Aubrey.

Hindi naman umabot ng 10 minutes lakad namin at nakarating na kami sa puntod n'ya.

"Iris lapag mo na bulaklak at pagkain" sabi ko at nilingon sila.

"Bakit n'yo kinakain ang pagkain na alay natin kay Aubrey! Mga patay gutom to" singhal ko kina Iris at Kb.

"Nagutom kami bakit ba, maiintindihan naman ni Aubrey yan, lab na lab kaya kami ni Aub" nakakalokang rason ni Iris.

"Okay lang Sj meron akong dala rito" sabat ni Ag, hindi na ako nagulat. Girlscout ka ba naman.

"Sige salamat. Lagay mo nalang Ag, may kandila at posporo na rin ba?" Ou tinanong ko na s'ya.

"Yup" oh diba, lage talagang handa si Ag n'yo.

Inayos na namin ang bulaklak at paboritong pagkain ni Aubrey. Medyo makalat sa paligid n'ya kaya nilinis muna namin dalawa.

"Aubrey sorry na at sana wag mo akong multuhin dahil nawala sa isip ko death anniversary mo. Pero bumawi naman kami kahit na sobrang late na" pabiro kong sabi habang kaharap ang lapida n'ya.

Marahan ko itong hinaplos.
"Miss ka na namin, ang daya mo naman at iniwan mo kami ng maaga. Masaya sana tayong magkakaibigan ngayon at kasama lage sa mga kalokohan" bigla nalang pumatak ang mga luha ko, mabilis ko itong pinahid.

"Wala parin nagbago sa amin mga gago parin kahit ngayon. Hintayin mo lang kami d'yan, magkakasama rin tayong muli na magkakaibigan okay?"     Langya tong mga luha ko ayaw papigil.

"Si keyboard tanga parin until now-"

"Hoy babe makatanga ka naman!" Tampal nito sa likod ko. Ay nasa likod ko lang pala silang lahat, tahimik na nakikinig.

"Pero wag ka mag-alala ginagawa naman namin ang bilin mo na wag namin pabayaan at alagaan namin ang isa't-isa" I sniffed.

I felt a hand on my shoulder kaya napaangat ako ng ulo. It's my baby, she looks at me worriedly.

"Ah by the way Aubrey I want you to meet my woman" tumayo ako at hinila palapit si pie sa akin "Pixie Ponferrada. Bumangon ka nga saglit d'yan Aub para makita mo kung gaano ka ganda ang Professor ko" pa tawa kong sabi. Tinampal naman ako ni pie at sinamaan ng tingin. Ay takot yarn.

"Then kasama rin pala namin ang ibang professors at ang kambals. Kahit masungit mga yan napag-tiisan nila mga kalokohan namin, akalain mo 'yon?" Amaze kong sumbong kay Aub.

"Ay baka nagtataka ka kung bakit ganito mga suot namin. Naisip ko lang talaga kanina to tapos pag suotin silang lahat. Cute nila no? Pero wag ka magpa-loko sa mga mukhang yan Aub-" Langya talaga tong si Pie, may pasa na siguro tong tagiliran ko sa kakakurot n'ya.

"Joke lang po hehe" sabi ko.

"Hindi na kami magtatagal dahil palalim na ang gabi at baka may masalubong nalang talaga kaming multo-"

"Ja!"

"Ano ba yan yan Sj! Wag ka nga manakot"

"It's not a good joke!"

I giggled because of them.

"Oh diba? Matapang lang talaga yan sila pag may ilaw Aub haha" si Iris na tumatawa.

"Manahimik ka Iris, takot ka rin naman!" Rebat ni Kb

"Tumigil kayo at aalis na tayo. Dito pa talaga kayo mag gaganyan" saway ni Ag sa kanila.

"Alis na kami Aubrey, dalaw nalang kami next time sayo ha. Magpakita ka lang sa panaginip namin wag lang sa daan-"

"Jane!"

"Ara!"

"Ja!"

"Sj!"

Humagalpak na ako ng tawa dahil sa sabay nilang pag tawag sa akin.

"Haha sorry, titigil na ako"

Nagpaalan na kami kay Aubrey at agad na naglakad pabalik sa sasakyan.

"Hoy! Bakit bigla nalang lumamig" sabi ni Kb.

Ou bigla nalang talaga lumamig simula nong umalis kami sa puntod ni Aub.

"Baka kasama natin si Aubrey?" Sagot naman ni Iris.

"Iris! I swear, I'm gonna slap you if you won't stop with your nonsense!" Sila lang talaga dalawa lage nag babardagulan simula pa kanina.

"Kakasuhan kita Ma'am pag sinampal mo ako" ay wow pinagbantaan pa nga.

Bigla nalang may parang lata na gumulong sa unahan namin.

"W-what's that!?" Nanginginig na boses ni Helari.

"Hawakan n'yo mga kamay ng demogons guys" sabi ko sa mga kaibigan ko.

Luminga-linga ako sa paligid, sobrang dilim at ang mga ilaw lang na nagmula sa mga selpon namin ang nagbibigay liwanag sa amin.

"Iris, Kb dito kayo sa harap" tawag ko sa kanila at nilingon si Pie.

"Pie doon ka muna sa likod" sabi ko sa kanya, ramdam kong nanginginig ang mga kamay n'ya.

Dahan-dahan kaming naglakad nang may narinig nalang kaming mga lata sa unahan.

"I-I'm scared" Boses palang ni Kath ramdam ko na takot n'ya.

"Hindi yan Miss, walang multo okay. Kung may multo man magpakita ngayon ay hahabulin namin nila Iris" matapang kong salita pero 'yong puso ko malakas na ang kabog.

"J-Jane" tawag ni Pie, amp sana pala dapat lage takutin tong mga demogons na to e.

"Baaaaaaa!"

"Ahhsbhxhwhjdbdkjshdjahhdhd!"

Yawa bigla nalang sumigaw si Iris at tumalon paharap sa likod kaya nagulat at nagsigawan sila.

"Hahaha" tawa naming tatlo ni Iris at Kb pero bigla nalang may mga palad ang lumipad sa mga pisngi namin.

"Stop scaring us!" Singhal ni Miss Eve kay Iris.

"Pie naman, bakit naman pati ako sinampal mo hindi naman ako may gawa ah" sabi ko at ngumuso habang hinihimas ang pisngi.

"B-babe! Parang may nakita ako dumungaw sa ano...sa likod ng puntod na yan" kalabit ni keyboard sa akin kaya agad kong tinignan ang tinuro n'ya.

"Dito lang kayo ha, wag kayo aalis" sabi ko sa mga kasama na nasa likod.

"Tara tignan natin" hinatak ko na si Kb at sumunod naman si Iris.

"Parang mas gusto ko nalang siguro sa escape room babe, kaysa ganito. Literal na sa sementeryo" bulong ni keybold. Seninyasan ko naman s'ya na wag maingay.

Bigla nalang may tumakbo at tumawid sa kabilang side sa na nakaputi sa unahan namin.

"Babe!"

"Hoy!"

"Tara takbo!" Sigaw ko at hinila sila.

"ano 'yon!? Multo? Wtf!" Tanong ni Iris

"Gago! Kaya nga hinahabol natin para e confirm kung multo ba o hindi" sagot ko sa kanya. Yes po, tama kayo sa pagkabasa at hinabol namin ang nakaputing multo na tumakbo!

"Hala gago ka iniwan natin sila doon" Baling ni kb sa akin. Hala ou gago!

"Teka sandali! Tumigil muna tayo kakatakbo at mukhang napalayo na tayo sa kanila!" Pigil ni Iris sa kamay ko.

Langya hiningal pa nga.
"Hoy asan na 'yong multo?" Tanong ko sa dalawa.

"Punyeta ka babe sa escape room una ka pa tumakbo makatakas lang sa multo. Tapos ngayon dito sa sementeryo, una ka nga tumakbo pero hinabol mo naman ang multo!" Napaisip ako bigla sa sinabi ni Kb, humagalpak ako ng tawa dahil tama nga rin naman s'ya.

"Bwesit ka ang lakas mo tumawa!" Hampas nito sa likod ko.

"BAHAHAHAHAHAHAHA teka san na ba tayo gago bakit ang dilim naman ata rito. Asan na 'yong hinahabol natin" langya mukhang malayo rin talaga tong natakbo namin.

"T-Tara na nga! Naka jumpsuit naman sana ako pero iba 'yong lamig na nararamdaman ko!" Pangungumbinsi ni Kb sa akin at hinatak na ako.

"Tara baka tao lang 'yon" sagot ko at tumalikod na pabalik sa mga kasama.

Naniniwala ba kayo sa multo? Kung ako tatanungin n'yo ay hindi talaga ako naniniwala pero parang ngayon gusto ko na maniwala...

"H-Ho-Hoy! Potangena ano yang lumulutang?!" Natatara at panay hampas na tanong ni Kb sa akin.

Feeling ko tumakas saglit ang kaluluwa ko dahil sa nakikita namin ngayon sa harapan namin.

"S-sabi mo hindi totoo ang multo d-diba sj!?" Sabay tulak ni Iris sa akin sa unahan.

Nakatingala ako't nangangatog ang mga tuhod ko.

"T-Ta-Takbooooo!!!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at nauna na ang keyboard tumakbo, sunod ako at nasa huli si Iris.

Mabilis ang takbo namin at panay ang sigawan. "Shit shit shit! Akala ko ba hindi totoo ang multo!" Sigaw ko.

"Kb! Please lang wag kang madapa kahit ngayon lang!", Sigaw naman ni Iris kay kb

"Bakit ka huminto keyboard!"

"B-Babe! The door won't open!" Sagot nito, tangena bakit may pinto rito.

"Bakit may pintuan d'yan" kahit anong hila n'ya sa pinto ay ayaw bumukas.

"Ayaw bumukas! Dali dali paano pag nasundan tayo nong white lady!!" Silang dalawa na ang nagtulungan mabuksan lang ang pinto.

Habang ako naman ay panay ang jog sa pwesto ko, yawa bakit ba kasi sinundan namin 'yong tao kanina!

"Ayaw talaga!" Singhal ni Kb.

"Punyeta bakit n'yo kasi hinihila! May nakalagay na PUSH THE DOOR! itulak n'yo! Hahaha" kahit na sobrang takot na ako ay nagawa ko parin tumawa, tangena kasi nitong dalawa mga bobo.

"Ay tanga! Push kb bugok ka" sabi ni Iris at binuksan ang pinto.

Walang tigil ang pag takbo at sigawan namin hanggang sa makabalik kami sa lugar kung saan namin naiwan ang mga kasama. Ang mga gaga hindi nga talaga sila umalis sa pwesto nila at nanatili lang.

"Hoyyyy tara na tara naaa!" Sigaw ko sa kanila.

"Jane! Saan ba kayo galing!" Sigaw ni Pie.

"J-Just run! Please lang, mamaya na kayo mag tanong basta tumakbo nalang kayo pabalik sa sasakyan" hinawakan ko na ang kamay n'ya at kinaladkad. Baka kasi magpakita na naman 'yong multo at mag watak-watak na naman kami.

"You left us here!" Sigaw ni Miss eve nong hatakin na s'ya ni Iris.

"Si Sj kasi! Hinabol n'ya 'yong nakita namin. Tara na mamaya nalang namin e kukwento pag nasa sasakyan na. Bilisan n'yo" sagot ni Iris.

-

"Hoooo, palakasan naman aircon please" suyo ko sa mga kambals.

Kumuha ako ng maiinom at agad na nilagok lahat ang laman.

"Langya" sambit ko at umupo sa tabi ni Pie.

Bigla nalang tumawa si Iris at Keyboard kaya napatingi sa kanila ang mga kasama.

"What's funny? Do you want me to slap you again?" Malditang banta ni Eve kay Iris.

"Hindi naman kayo Ma'am si Sj kasi kanina hinabol 'yong multo kaya nawala kami HAHAHAHAHAHAHAHAHA" saya naman n'ya.

"Tapos nong pabalik na sana kami may isang multo ang nakalutang sa harap namin. Kaya pinatakbo namin kayo dahil baka magpakita ulit" dagdag ko sa kwento ni Iris.

"Aweee di nga? Sino niloloko n'yo" singit ni RL.

"Hindi kami nagbibiro RL, ou may hinabol kami na tao pero 'yong lumutang sa harap namin legit na multo. Balikan mo pa kung ayaw mo maniwala" hamon naman ni Kb kay rl.

"Siraulo kasi yan si babe. Hinabol ang multo tapos nong nagpakita na s'ya pa unang tumakbo" kapal ng mukha nitong keyboard na to.

"Shadap" putol ko sa kung ano pang sasabihin nilang dalawa.

"J" tawag ni bebegirl ko.

"Hmm?"

"Don't leave me next time" she said coldly. Ay hala nagtatampo na naman ang baby.

"Sorry pie, kusa nalang kasi to tumakbo ang mga paa ko" sagot ko pero hindi na ito nagsalita ulit kaya tumahimik nalang ako.

Tinatahak na namin ang daan patungong bar, abala sa kwentuhan ang iba at ako naman tahimik lang na umiinom sa gilid. Kausap kasi ni baby si Miss kath.

Langya naka pajamas jumpsuit pa pala kaming lahat kaloka. Sige sagarin na namin tong nasimulan.

Exactly 10:30 ay nakarating na kami sa destinasyon, tinginan naman agad ang mga tao pag labas namin ng sasakyan. Naka limo ka tapos ang mga suot pantulog, lakas tama. Hanggang sa pag pasok ay nasa amin lahat ang atensyon. 😂

Umakyat kami sa may VIP room dahil hindi kami kasyang 13 sa regular table tapos ang daming tao rin sa baba.

"Babe" bulong ni Kb

"Oh?" Sagot ko

"Inom tayo saglit tapos paalam tayo sa kanila. Hanap tayo balut" muntik ko na naman tuloy mabuga ang iniinom no sa kanya bwesit.

"Baka patayin na talaga ako ni Pie n'yan!" Sagot ko.

"Balik din naman tayo agad, sige na. Magpapaalam naman tayo ng maayos" pangungumbinsi nito. Napabuntong hininga nalang ako.

"Sige"

Gaya nga ng plano ay uminom muna kami saglit bago magpaalam para mag hanap ng balut!

Habang umiinom ay biglang tumayo si KB para harapin sila pie na nasa kabilang side.

"Ahem, mga miss alis po muna kami. Pinatawag ako ng parents ko, isama ko raw ang mga kaibigan" langyang rason yan, maniniwala kaya sila sa rason na yan? Kilay palang na nag tataasan nila ay parang hindi sila naniniwala.

"Your parents?" Ulit ni Miss Kath.

"Opo, hindi rin kami magtatagal at babalik din agad" naks naman keybold. Seryoso yarn.

"J" tawag ni Pie kaya lumapit ako sa kanya.

"Po?"

"Mag iingat kayo" galit s'ya pero at least concern parin si baby ko.

"Opo, alis na kami para makabalik agad. May event daw kasi midnight" sagot ko sa kanya.

"Event?"

"Yes. Balik kami agad" sabi ko at nginitian s'ya.

Umalis na kami agad matapos magpaalam sa kanila.

"Hoy wala pala tayong dala na sasakyan!" Paalala ni keybold nang makalabas na kami sa bar.

"Hala ou tanga!" Bulaslas ni RL

"Tara mag commute tayo" sabi ko sa kanila.

Naghanap na kami ng masasakyan, walang taksi ang dumadaan! Kaya nag abang nalang kami ng jeep.

"Tangena mga hitsura natin, hatak atensyon masyado" reklamo ni Iris at umakbay kay KB.

Buti nalang may Jeep na paparating.

"Kb parahin mo dali, harangin mo sa daan" tulak ko sa kanya

"Langya ka ipapasagasa mo pa ata ako!" Balik na naman s'ya sa habit na panay hampas.

Ako nalang ang papara.
"Kuyaaaaa! Itigil mo ang sasakyan!" Sigaw ko. Pumagitna talaga ako sa daan para hindi kami lampasan, buti at hindi naman ako sinagasaan at huminto rin sa tapat.

Nag unahan pa talaga silang apat sumakay e. First time nga pala nila mag commute. Buti nalang at konti lang ang pasahero ni kuyang.

"Kuya may alam ka bang balutan dito banda?" Tanong agad ni keybold.

"Meron Miss pero doon pa sa kabilang brgy" sagot agad ni kuyang

"Sige, kindly drop us there nalang po kuya salamat" naks magalang ang keyboard natin tonight.

...
"Malapit na po tayo mga Miss, d'yan sa may bandang kanto. Lumiko lang kayo" turo at paalala sa amin ni kuyang.

"Kuyaaaa itigil na po natin to!" Biglang sumigaw ang keyboard kaya napapreno agad si kuyang driver langya.

"Nandito na tayo mga miss, ingat lang po kayo may nanghahabol dito" babala nito sa amin.

"Hoy bayad na kayo, wala akong dalang pera langya lage ko nalang nakakalimutang wallet ko sa sasakyan" sabi ko sa mga kasama.

"Wala akong cash, credit cards lang dala ko babe gage" sanaol maraming card.

"Ag ikaw ba? Ayaw ko na mag tanong pa sa dalawa wala rin silbi. Ikaw nalang inaasahan ng tropa" ngumuso ako sa kanya.

Tumango naman ito at may dinukot sa bulsa nang suot nitong jumpsuit at naglabas ng isang libo?

"Kuya it's all yours. Thank you" sabi ni Ag at inabot ang pera

Nanlaki ang mata ni kuya nang makita ito  "Hala miss ang laki naman nito"

"No worries po, salamat sa pag papasakay sa amin. It's our first time riding a jeep, sige kuya alis na kami" sabi ni Ag at nauna na akong bumaba.

Sinunod naman namin ang sinabi ni kuya ang lumiko sa kanto na tinuro nito kanina.

"diba sabi n'ya may nag hahabol dito?" Tanong ni RL

Mukhang alam ko na ang tinutukoy ni kuya!

"Ou, pero wag kayong tumakbo okay!?" Sure naman akong tatakbo to sila.

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Kb.

Tinuro ko naman sa kanila ang mga aso na nasa gilid ng kalsada at yung iba nasa gitna ng daan!

"Wag kayo tumakbo okay?!" Ulit ko sa kanila at tumango naman ang tropa.

Dahan-dahan kaming naglakad upang lampasan ang nasa 7-8 na mga aso.

"Babe!" Sigaw ni bobong kb kaya nabulabog ang mga aso.

"T-Takbo!" Bahala sila d'yan at kumaripas na ako ng takbo.

"Potangena ka Sj!" Sigaw ni rl sa likod ko.

Nilingon ko sila sa likod at hinahabol kami nang dalawang aso at si kb ang nahuhuli!

"Hoy si keyboard!" Turo ko kay keybold na pinipilit isalba ang buhay n'ya.

"Potangenaaaa pag ako nakagat at naulol kayo ang unang kakagatin ko!" Sigaw ni Kb.

Panay na tahol ang mga aso na humahabol sa amin yawa. Pero napansin ko ang buntot ng mga aso na sumusunod sa amin.

"Hoy keyboard! Tumigil ka sa pag takbo!" Sigaw ko kay kb sa likod"

"Hayop ka at gusto mo talaga akong makagat!" Singhal nito.

Tumigil na ako sa pag takbo at hinintay silang makarating sa tapat ko.

"Why the fuck did you stopppp!" RL exclaimed

"Sabi ko huminto kayo sa pag takbo mga bobo" sagot ko at sinalubong ang mga aso.

"Hoy babe! Anong ginagawa mo!" Hindi ko nalang sila pinansin at lumuhod sa daan.

Mabilis akong dinaganan ng mga aso at paikot-ikot sa pwesto ko.

"They're harmless, gusto lang nila makipag-laro" sabi ko sa kanila. Habang panay dila ang mga labrador sa kamay ko.

"Pisti ka! Bakit ka pa tumakbo kung alam mo naman pala" reklamo ni Kb habang naghahabol ng hininga. Mukha talaga s'yang monkey kanina nong hinabol s'ya.

Nakipaglaro muna kami sandali bago tuluyang umalis.

"Asan ba mga nagtitinda ng balut dito!" Inis na si keyboard amp.

"Hoy may gansa punyeta! Yan ang literal na mapapatakbo ka nalang talaga!" Tawag ni Iris at tinuro sa amin ang mga gansa.

"Tangena wala bang safe journey dito para lang marating natin ang balutan!" Kb said frustratedly.

"Keyboard wag ka mag-alala nandito naman kami mga kaibigan mo. Hindi kita iiwan" sabi ko at tinapik likod n'ya.

Tinaasan naman ako ng kilay nito.
"Anong sabi mo? Hindi mo ako iiwan?  May amnesia ka na naman ba? Nong may aso nasan ka, kayo?  kumaripas ka ng takbo hayopka! Isa ka pa Iris, tinulak mo pa ako at hindi n'yo man lang ako nilingon! Hindi n'yo man lang inisip kung buo pa ba ang katawan ko! Parang maf-friendship over pa tayo ngayon dahil lang sa aso!" Mahabang litanya ni keyboard na ikinatawa namin, langya amp.

"Oh ano? tapos ngayon may deputang gansa na naman! Iiwanan n'yo na naman ako mga yawa!" sabay irap nito sa amin.

"Bakit ba kayo nag-aaway d'yan, hindi naman natin kailangan lampasan ang mga gansa. Nandito naman na tayo sa tapat ng balutan" biglang nagsalita si Ag sa gilid kaya napalingon kaming apat sa kanya.

Ay ou nga, ang gaga naglalantak na pala ng balut habang nanonood sa short drama ni keyboard.

"Oh balut kb kalma ka lang, galit na galit gusto manakit" humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Ag. Minsan lang kasi s'ya magsalita at mang-asar kay keybold haha.

"Tara na babe nandito na pala tayo" sabi n'ya at hinila ako palapit sa nagtitinda. Abnormal ampotek.

Grabe makakain si Kb ng balut! Nakatatlo na s'ya ako isa palang!

"Hoy tigilan n'yo na at kailangan na natin bumalik" awat ko sa kanila dahil parang may plano ata silang ubusin ang mga balut.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Kb

"1 hr na tayong nawawala, tara na may even pa tayong sasalihan mamaya sa bar" sabi ko.

Kumain pa muna sila ng isa pang balut bago tuluyang tumigil. Pabalik na kami ngayon sa bar.

Mabilis kaming naglakad pagbaba palang naman ng jeep dahil 20 minutes nalang ay magsisimula na ang body shots event.

Pero laking gulat nalang namin nang pag bukas namin sa pinto ng VIP room.

"My god!" Sambit ni Kb nang makita ang mga bipolars na nagsasayawan sa taas ng lamesa. Wtf?

"HOY PUNYETA! NAWALA LANG TAYO ISANG ORAS MGA LASING NA ANG DEMOGONS! ANO TO!? WALONG PONFERRADA ANG AASIKASUHIN NATIN TONIGHT!?" Manalangin nalang siguro kami no?

.
.
"JeeeyyyyyJeeeyyyyyy!" Tawag ni Pie at mabilis na tumakbo palapit sa akin nang makita kami.

OH MY GOD! SHE'S SO FUCKING CUTE!

"My JeyJey" she uttered with smile. A seductive smile!

"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMEN. 10 MINUTES LEFT AT MAGSISIMULA NA ANG BODY SHOTS EVENT. ARE YOU GUYS REAAAAADYYYYY!?"

Announcement na nagmumula sa ibaba at rinig namin ang mga naglalakasang sigawan ng mga tao!

Napalunok ako ng makitang bigla nalang ngumisi si Pie at tumalikod.

"Let's join the event girls" she said.

"Let's go!!" They said in unison. They're all drunk!

Nagkatinginan nalang kami ng mga kaibigan ko't napatampal sa mga noo.

"Patay" we said in unison.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip