𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 13
-
"Ang laki ng campus nyo, Rhea! Kahit saan ako tumingin nangangamoy pera." Manghang-mangha si Pax sa kanyang nakikita, kahit ako nong first day ko rito ay halos hindi rin ako makapaniwala na eskwelahan ito.
Mamaya pa klase ko 10:30 kaya pinasyal ko muna siya sa campus. Natanggal nga pala siya sa kanyang morning na schedule na trabaho at napagkamalan na ninakaw ni Pax ang cellphone ng customer niya kahit hindi niya naman ginawa. Sobrang lungkot niya kanina nong tumawag kaya sabi ko pumunta siya ng school at ililibre ko.
"Angas! May mall kayo dito?!" Natawa ako sa kanyang reaksyon, same talaga kami ng reaksyon noong una ko rin nakita ang mall.
Inakbayan ko ang kaibigan. "Paano na yan at wala ka na trabaho sa umaga?" Tanong ko.
"Problema ba yun? hanap ako ng iba. Malaki nga sahod ko sa trabahong yung pero ayaw ko sa ganong environment, walang tiwala sa empleyado nila." ngumiti ako at masipag masyado ang kaibigan kong ito.
"Pasok tayo, libre kita." Aya ko sa kanya at pumasok kami ng mall. Grabeng mall to at puro luxurious brands ang nandito, pati mga pagkain at restaurants pang high-class masyado pati presyo puro dollars!
"Rhea, puro mahal nandito eh! Afford mo ba ha? Bibilhin ko talaga yung mga mahal." Hinahamon ata ako ni Pax, hindi nalang ako sumagot at tignan natin kung anong gusto niya bilhin.
"Daming maganda sa school mo no? Tapos amoy expensive pa." Ewan ko sa kaibigan ko, imbes sa mga bagay mag focus ay nasa mga babae atensyon niya.
"Nakatikim ka na niyan, Rhea?" Turo niya sa Starbucks.
"Oo,gusto mo?" Tanong ko.
"Hindi pa ako nakatikim niyan, masarap ba? Ano meron dyan?" Hindi ko nalang ito sinagot at kaagad hinila papasok ng Starbucks, medyo maraming students at may nakikita rin akong ibang professors.
"Hanap ka ng pwede natin maupuan, dalian mo at baka maunahan ka" Utos ko kay Pax at baka maubusan kami ng table. Hindi ko na siya tinanong kung anong gusto niya at sasabihin naman non ako na ang bahala basta masarap.
Bumili ako ng dalawang chocolate croissant, isang caramel macchiato para sa akin at iced caffè latte naman para kay Pax. Pagkatapos kong magbayad ay hinintay ko nalang muna ang order bago hinanap ang kinaroroonan ni Pax, pagkatapos ko makuha ang order ay kaagad ko hinanap ang kaibigan ngunit hindi siya mahagilap ng mga mata ko dahil sa dami ng tao.
"Rhea!" Tawag niya sa akin, kaya naman pala hindi ko makita kasi natabunan siya ng mga tao. Papalapit ako ng papalapit sa kanya at napansin kong hindi pala ito nag-iisa sa table at may dalawang babaeng kasama.
"Uy, sino nauna sa table?" Tanong ko sa kanya.
"Sila." Sabay turo niya sa mga babaeng kaharap at ngumisi. Kaagad ko nilingon ang kanyang tinutukoy at nagulat nang mapagtanto na si Ines pala ang isa sa dalawang, ngunit mas hindi ko inaasahan ang kanyang kasama-Bakit nandito ang asawa ni Iris?
"G-Goodmorning po!" Bati ko sa dalawa at tinulak ang ulo ni Pax upang magbigay galang sa dalawa. Pag angat ko ng ulo ay nahiya ako kasi sa akin sila nakatingin kaya ang ginawa ko ay hinila ko si Pax,
"Diba sabi ko hanap ka ng bakanteng table? alis na tayo at baka nakakaabala tayo." Bulong ko kay Pax at napansin ang mga nagkalat na litrato sa lamesa. Ang alam ko pulis ang asawa ni Iris, malamang nag-uusap sila tungkol sa case?
"Ano ka ba Rhea, uupo ba ako rito kung hindi ako humingi ng pahintulot sa kanila? Ayos lang sabi nila, diba po?" Lihim kong binatukan ang sarili. Hindi nga pala niya alam na professor si Ines dito at isang Everleigh Ponferrada kaharap namin ngayon.
"It's fine." Mga mata ko lang ang ginalaw at napatingin kay Ines, abala siya sa pagtingin ng mga litrato. Curious ako, gusto ko malaman o itanong kung anong case hawak nila ngayon at mukhang nahihirapan sila.
"Salamat po." Sagot ko.
May bakante sa tabi ni Pax pero sa tabi ako ni Ines tumabi at gusto ko makita trabaho nila. Habang binibigay kay Pax ang kanyang share ay tahimik akong nakikinig sa usapan ng dalawang pulis. Oh, so this would most likely be classified as a homicide, specifically a murder at nahihirapan sila alamin kung sino ang salarin dahil lahat ng person of interest ay may mga solid evidence.
"Magkakaroon ka ng stiff neck niyan sa ginagawa mo Rhea," Saway ni Pax sa akin dahil kahit sa kanya ako nakaharap ay ang mga mata ko nasa mga kalat nila Ines sa table.
Bigla akong nilingon ni Ines kaya umupo ako ng tuwid at pinandilatan ng mga mata si Pax, okay na yun at nag eenjoy na ako sa topic nila Ines tapos pahamak tong kaibigan ko. Pero tungkol sa case nila ay may napansin lang ako kaso ayaw ko makialam at baka sabihan ako nakikialam sa hindi ko naman trabaho, bigyan ko nalang kaya sila ng hint? Paano ko ba sisimulan? Nagulat ako nang bigla kumilos si Ines at idinikit ang kanyang upuan sa akin at ipinakita ang mga litrato ng crime scene at iba pang forensic evidence. Ako na nagulat ay napanganga at tingin sa kanya.
"Ano po to?" Tanong ko at silang tatlo na ngayon nakatingin sa akin at biglang ngumisi si Everleigh.
"Haven't you been curious about our conversation since the beginning? I know you're curious, and you wouldn't be sitting next to me if you weren't interested in what we're talking about, would you?" Tanong ni Ines bago sumandal saka nagkrus ng kanyang mga braso at binti.
Ako na biglang kinabahan ay natarantang kinuha ang inumin at inayos ang suot na eyeglass. Lihim ko sinipa sa ilalim ng lamesa si Pax upang humingi ng tulong ngunit nag patay malisya lang ito at kunwari walang alam sa nangyayari. Hilaw akong napangiti at tingin kay Everleigh, agad ko binawi ang paningin nang bigla ako taasan ng isang kilay at ngumisi.
"Sorry po, curious lang ako at hindi ko sinasadya makaabala." Dahilan ko sa kanila.
"So, you've been listening to our conversation from the start?" Kung ang tinutukoy nito tungkol sa kaso ay marahan akong tumango.
"Opo, sadyang hilig ko lang po kasi mag solve ng cases." Sagot ko at muling uminom.
"Alright, since you're curious and really into this kind of thing. Why don't you try solving the case? Based on what you've heard and the evidence you've seen, who do you suspect is the murderer?" Marahan akong napalingon kay Ines, alam na alam niya talaga na gusto ko ang mga ganito kaya siguro sinusubukan ako.
"The oldest son po." Diretso kong sagot.
"Paano mo naman nasabi yun?" Si Pax biglang nag tanong.
Tinanggal ko ang salamin at nilinisan bago muling isinuot at kinuha ang mga litrato bago isa-isa tinignan. Narinig ko na statement ng mga person of interest kanina at may something lang talaga doon sa oldest son.
"Okay, I've just been taking a look at the photos and evidence you have here. I may have a theory as to the identity of the perpetrator." Paliwanag ko at isa-isa inilatag sa harap nila ang mga litrato.
"You have a theory based on the pictures alone?" Tanong ni Ines habang si Everleigh at Pax ay nakikinig din sa akin.
"Opo, I've noticed some details in the photographs that could provide clues about the identity of the killer. Pwede ko ba ipakita sa inyo ang napansin ko?"
"Sure, go ahead." Si Ines nakita kong saglit ngumiti bago ko pinakita sa kanila ang mga napansin ko.
"From what I've observed in the photos and evidence you have, the victim died by strangulation. It seems like the killer attacked the victim quickly and unexpectedly, taking advantage of the element of surprise and the fact that the victim was not expecting any violence. The shattered vase near the body could have been a diversion or cover-up attempt by the killer." iba pa naman ako pag nasimulan ko ang isang bagay kasi mahihirapan na akong pigilan ang sarili.
"Wait! Question, paano mo nasabi na diversion lang ng killer yung shattered vase?" Gulat ako kay Pax, hindi ko kasi inaasahan na magtatanong siya sa akin.
"Kasi yung posisyon ng broken vase malapit sa katawan ay parang sinadyang ilagay." Paliwanag ko at pinakita sa kanya ang litrato, "Kung aksidente lang pagkahulog nong vase at nabasag, then it would likely be further away from the body tama? But in this case, it's right next to it, as if it was placed there deliberately to muddy the waters of the investigation." Nakita ko ang pag tango ni Everleigh sa sinabi ko at muling pagngiti ni Ines ngunit mabilis lang.
"Saglit lang, ano? Muddy the waters? Ang lalim mo naman mag english Rhea, ano yun?" Natatawa ako kay Pax kasi invested siya masyado.
"Means to make a situation more confused and less easy to understand or deal with." Sagot ni Ines sa kanya.
"Ah okay, gets." Mahina akong natawa at umiling saka nagpasya na magpatuloy sa pagsasalita.
"Since there are no signs of forcible entry or struggle, it's likely that the killer was someone known to the victim who was allowed into the house. The lack of physical defense suggests the victim was taken by surprise and was unable to defend himself. The oldest son appears to be the only family member without a solid alibi, and his behavior during questioning was suspicious, making him the prime suspect in the case." Muli kong paliwanag sa kanila at inagaw ang laptop ni Ines at hinanap ang video kung saan may interview sila sa pamilya ng biktima.
"See? His statements during questioning were particularly strange. He seemed overly eager to establish his whereabouts and alibis, and his answers appeared rehearsed. Also, his emotional reactions during questioning seemed exaggerated and not genuine." Sabi ko at muling pinakita sa kanilang dalawa ang video.
"That's a valid theory, but we can't jump to conclusions yet without more evidence." Aniya ni Ines. Sabagay at tama siya, hindi ko sinasabing tama ako at sinasabi ko lang ang theory sa case na to.
"Opo, pero pansin nyo ba ang size at shape ng sapatos nong oldest son? Magkatugma doon sa footprints na nakuha sa crime scene." Pinakita ko muli sa kanila ang litrato kung saan nakunan din ang sapatos nong oldest. "Therefore, it is my belief that he is responsible for the victim's death by strangulation." Kinuha ko ang inumin at halos maubusan na ako ng laway kakalunok, para lang akong nag defense ng thesis ko sa kanila eh.
"Of course, these are just initial observations based sa mga pictures at evidence na pinakita nyo sa akin." Muli kong salita bago ibinalik sa kanila ang mga litrato at laptop saka sinimulan kainin ang aking croissant.
"To confirm the identity of the murderer with absolute certainty, further investigation and collecting evidence is needed. However, you might also want to examine his shoes, as there might be some broken glass there, which can serve as evidence." Pagtatapos ko sa aking report bago kinuha ang macchiato, sumandal at uminom ng mapayapa.
Biglang tumunog ang cellphone ni Ines, nag excuse siya sa amin bago ito sinagot. Pagkaalis niya ay biglang naging madaldal si Pax at ako yung nahiya sa ginawa niya, hiningi ba naman yung tirang pagkain ni Everleigh gago.
"Uy Pax, nakakahiya ka! Magsabi ka kung gusto mo pa at bibili tayo." Saway ko sa kanya
"I'm already full, so it's okay if she eats it rather than throwing it away." Sabi naman ni Everleigh kaya hinayaan ko nalang din ang kaibigan at muling bumalik sa pag-upo.
"It's been a while since we last met." Tipid akong ngumiti at nahihiyang tumingin sa kanya, di ko inaasahan na natatandaan niya pa pala ako.
"Oi, mas past kayo?" Bigla akong naubo sa naging tanong ni Pax, nakakahiya at harap-harapan niya talaga tinanong yan kay Everleigh. I don't know kung tatawa ba ako o kung ibabaon nalang ang sarili sa lupa kasi kahit ang babaeng tinanong niya ay nagulat din sa unexpected question.
"Baliw ka! Ano ba mga tanong mo Pax at umayos ka nga, hindi mo ba kilala si ma'am? Pamilya nila may-ari nitong campus at mas lalong kasal na siya at may mga anak." Hindi ko na napigilan at talagang nahampas si Pax sa kanyang balikat.
Bigla siyang nataranta at humingi ng tawad, "S-Sorry po ma'am! Hindi ko alam at mas lalong hindi ko inaasahan kasal ka na pala at may mga anak, ang bata mo pa po kasi tignan kaya napagkamalan kita." Na sorpresa kaming dalawa ni Pax sa biglang pagtawa nito.
"Don't think too much about it. Sorry for laughing, I just remembered someone who's just like you." Her chuckles are too expensive. Mukhang kilala ko na ang tinutukoy niyang ka ugali ni Pax,
"Are you a student of Ines? I'm not surprised that she allowed you to sit at our table. You have a broad mind, and I must say that you're pretty intelligent. I'm impressed by what you did earlier." Sa likod ng isipan ko ay para akong nanalo ng lotto. Imagine, isang Ponferrada at si Everleigh pa ang nag acknowledge sa kakayahan ko? Achievement!
Nahihiya man ay sinalubong ko ang kanyang mga mata at ngumiti, "Thank you po." Hindi mo lang alam ma'am pero asawa ko na po yang kaibigan mo.
"Naku! Matalino po talaga kaibigan ko ma'am, hindi lang matalino at magaling pa makipaglaban yan! Hindi lang yun, matangkad na nga, sobrang ganda pa." Ako na talaga nahihiya sa mga pinagtatalak ng kaibigan ko. Nasaan na ba si Ines at nang makaalis na kami rito?
"Leigh." Malaki ang pasasalamat ko at bumalik na siya.
"Yes?" Sagot ni Everleigh, nagtaka ako kasi bakit sa akin tumingin si Ines kahit hindi naman ako ang tinawag.
"I received a report, an update about the case, and Rhea was right, that the suspect is the oldest son. They caught him trying to burn his belongings, and it's confirmed that they found broken glasses in the suspect's shoes." Pagbabahagi ni Ines. Hindi ko alam at bigla akong napa suntok sa hangin matapos marinig na tama ako.
"Sabi sayo ma'am matalino kaibigan ko." Pagmamayabang ni Pax kay Everleigh at itong si Ines naguguluhan dahil wala siyang alam sa pinag-uusapan namin kanina.
"Good job, do you need anything?" Tanong ni Ines sa akin.
"Kiss daw po ma'am." Nanlaki ang mga mata kong napatayo at kaagad tinakpan ang bibig ni Pax, nakakagulat lang din at napatawa si Everleigh don.
"Pasensya na sa kaibigan ko ma'am, salamat po sa table at mauna na kami." Pagkatapos humingi ng pasensya ay mabilis kong kinaladkad ang kaibigan palabas, hindi ko na hinintay magsalita pa si Ines at kaagad tumakas.
"Parang baliw ka Pax," Natawa ako kasi na imagine ko yung gulat sa reaksyon ni Ines kanina kaya hindi agad nakapagsalita.
"HAHAHA dapat kasi sinabi mo gustong reward." Aanhin ko kasi reward kung kaya ko naman bilhin at nasa akin card niya...
"Ikaw nalang bigyan ko reward, diba sira na cellphone mo? Bili tayo mga gamit mo at kay nanay." Nakangiti kong bulong sa kanya at halos itulak na niya ako sa pagkabigla.
"Di joke yan?!" Umiling ako at mas lalong natawa.
"Kailan ba ako nagbiro pagdating sa ganyang bagay? Gogogo, sa apple store tayo-"
Bigla niya ako pinigilan sa braso "Hindi ako apple user at ayaw ko pahirapan sarili ko, android nalang." Di na ako nagpumilit at agad kaming nagtungo sa samsung store.
Pumasok kami ng samsung store at sinabihan si Pax kung maaari yung latest kunin niya, habang abala siya sa paghahanap ng gustong phone ay naghanap na rin ako para kay Bea kasi nakita ko noong nakaraan wasak na screen ng kanyang cellphone. Pumasok sa isip ko si Kris, may kailangan pa ba siya? Knowing nasa kanya na lahat ay may kailangan pa ba siya?
"Excuse me, kunin ko to." Tawag ko sa isang bantay, di ko na tinignan presyo basta alam ko ay maganda specs nito.
Nagtaka ako kasi biglang may mga taong nag-iingay at pagtingin ko sa direksyon kung saan nagmumula ay nakita ko si Pax na napapalibutan ng tatlong students. Binayaran ko kaagad ang kinuhang phone at lumapit sa kaibigan kong tila inaaway nong tatlong lalaki.
"Anong ginagawa mo rito? Bibili ka ng cellphone e hindi mo nga afford bayaran yung ninakaw mo?" Narinig ko ang pang iinsulto nito sa kaibigan ko kaya agad akong lumapit.
"Hindi ko ninakaw cellphone mo. Mahirap ako pero di ko ugaling kumuha ng gamit na hindi sa akin." Buong tapang na sagot ni Pax,
"Bibilhin mo yan? May pera ka ba pambili? Hindi nga siguro kakasya sahod mo sa presyo ng phone na yan?" Di ko na gusto ang mga naririnig kaya agad akong pumagitna.
Kaagad ko inabot sa likod ko ang card upang ibigay kay Pax habang kaharap ang lalaking pilit siyang iniinsulto sa maraming tao. Mas matangkad ako sa tatlong lalaki kaya napatingala sila sa akin, hindi ko alam mga height nila pero mukhang nasa 5'5 lang.
"May problema kayo sa kaibigan ko? Tama ba narinig ko sa sinabi mong hindi niya afford lahat dito?" Tanong ko, hinahamon ko talaga sila hanggang saan tapang nila.
Bahagya silang napaatras, "T-Totoo naman na mahirap lang kaibigan mo?" Kinuha ko ang hawak na cellphone nito at inabot kay Pax,
"Nakakaawa naman tong lalaking to, bayaran mo para manahimik na bago ko sirain mukha niya." Sabi ko kay Pax na ngayon ay hawak-hawak ang black card.
"Ito lang? Para sa bagay na to ay sasabihan mo akong mahirap at walang pambili? Gusto mo bilhin ko pati pagkatao mo?" Tumikhim ako at pinigilan ang sariling matawa dahil kinarer masyado ni Pax ang nangyayari at gustong-gusto ko kapag naging palaban mga kaibigan ko.
"Bibilhin ko." Sabay abot ni Pax ng item sa saleslady at inabot ang card. Awang ang naging reaksyon ng tatlong lalaki dahil sa hindi inaasahang mayaman pala ang kanilang kinalaban. I'm so proud, nakatulong ako.
Pagkatapos mabayaran at mabili ang gusto niyang cellphone ay kaagad kaming umalis at hindi na binigyan pansin ang umaway sa kanya, sa ginawa nila ay mas sila yung napahiya at magmukhang katawa-tawa sa mga mata ng nakakita. May isang oras pa ang natitira bago magsimula ang klase ko kaya sunod namin ginawa ay namili ng gamit at groceries para sa nanay ni Pax, kung nakakaawa ang sinapit ko ay mas nakakaawa si Pax dahil siya lang ang kumakayod mabuhay lang silang dalawa ng kanyang ina, hindi na pala makalakad ang inay niya dahil sa aksidente.
"Salamat friend, malaking tulong talaga ang ginawa mo sa akin today. Hindi ko kakalimutan lahat ng tulong mo." Ngumiti ako nang makitang masaya siya sa mga nabili namin.
"Sabi nga ng kaibigan kong si Kris, aanhin mo ang pera kung sobra-sobra. Mas masarap sa pakiramdam pag nakatulong sa kaibigan. Gusto ko lang din ibalik lahat ng kabutihan niya sa ibang tao kahit hindi sa kanya." Kasi wala na yung ibang hihilingin dahil perpekto na ang kanyang pamilya at nasa kanya na lahat.
Marahan niya akong siniko at ngumisi, "Kapag yumaman ka ay wag mo kami kakalimutan ni Bea," Umiling ako at ngumiti.
"Syempre no, bakit ko kayo kakalimutan e iilan nalang kayong kaibigan ko." Sabi ko at siya'y inakbayan.
Inanot ko sa kanya ang pera at nagulat ito at tinanong kung para saan. "Yan lang pera kong dala kaya pagkasyahin mo muna. Sabi mo sa susunod na araw checkup ng inay mo diba? Gamitin mo yan at ibili ng gamot niya." Masarap tumulong pag meron ka.
"Seryoso? Ang kapal nito, ang dami, ang laking pera nito uy!" Hindi na niya alam ang unang sasabihin at nataranta kaya natawa akong muli sa naging reaksyon niya.
"Salamat, Rhea." Tumango ako at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Bunso kasi ng tropa si Pax.
"Gutom ka? Gusto mo kumain muna?" Agad siyang umiling.
"Hindi na, sa bahay na ako kakain para sabay kay nanay."
Nagpasya na kaming umalis at hinatid siya sa labas ng campus kung saan may mga nakaparadang taxi. Hinintay ko muna mawala ng tuluyan sa paningin ko ang sinakyan na taxi ni Pax bago ulit pumasok at nagtungo sa department building. Tinignan ko ang relo at maaga pa para pumunta ng classroom dahil may 30 minutes pang natitira kaya tumambay nalang muna ako sa may hagdanan at nag review dahil baka bigla magbigay ng quiz si Ines.
Nasa gilid ako ng hagdan nakaupo habang abala mga students sa pagdaan, malapit na magsimula ang klase kaya oras na rin para umakyat. Ngunit ikinagulat ko ang sunod na nangyari, hindi ko inasahan at mas lalong hindi ko sinadya. Paglingon ko kasi sa likod at tayo dahil aakyat na sana ng hagdan ay biglang bumaon ang mukha ko sa malambot na bagay. Pag angat ko nang aking ulo ay nagulat ako nang makita si Ines at ang tiyan niya pala ang nabunggo nang aking ulo, pero bakit siya nandito? I mean, kanina pa ba siya nakatayo dyan?
"Sorry, hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad at humakbang sa left side para sana bigyan siya ng daan ngunit ganun din ang kanyang ginawa sa kanyang kanan.
"Dadaan ka?" Tanong ko.
"Where's your glass?" I raised my eyebrows dahil sa hindi inaasahang tanong. Why? Hihiramin niya?
"Nasa bag, hihiramin mo?" Tanong ko ngunit agad siyang umiling. Na sorpresa ako sa kanyang biglaan na pagngiti at haplos ng buhok ko kaya napaatras ako ng isang hakbang.
"I just wanted to say, that glass really suits you well." Di ako kaagad nakaimik sa kanyang pagpuri.
"Thank you?" Sagot ko kasi hindi ako sigurado kung totoo o joke lang yun sinabi niya.
Bigla niya binagsak sa mga palad ko ang makapal na mga libro. "Carry this with you and follow me. There's no class for the entire criminology department as you'll be doing an agility test. Follow me so you can change into suitable clothes." Utos niya sa akin kaya wala akong magawa kundi ang sumunod na lang din. May agility test? Wala man lang announcement at bigla-bigla nalang.
Akala ko kung saan ako dadalhin pero pumasok si Ines sa kanyang opisina, nanatili lang ako sa labas dahil wala naman siyang sinabi na pumasok ako.
"What are you doing there? Step inside and close the door. Are you changing your clothes out here?" Tanong ni Ines nang makitang nasa labas ako nakatayo.
"Pero wala akong damit na dala? Bibili na lang muna ako sa-"
"I've already bought you some clothes to wear, which is why I asked you to come here to get changed." Sagot niya sa akin at kinuha ang isang paper bag saka inilagay sa kanyang sofa.
"Here, go change in the bathroom." Tumingin ako sa paligid bago pumasok ng kanyang opisina, hindi ko ni locked at baka sabihin may masama akong motibo sa kanya.
Kaagad ko inilapag ang mga libro sa kanyang lamesa bago kinuha ang paper bag at nagtungo sa kanyang bathroom. Sosyal talaga ng opisina at may sariling aircon, malaking flat screen Tv, may walk-in closet, bathroom at kwarto. Alam ko lahat ng yan kasi sinabi sa akin ni Kris dati noong unang beses niya pumasok ng opisina ni Kate,
Isang white plain shirt na round neck ang suot kong upper, inner high waisted leggings short sa lower at sinapawan ko ng sports short. Binilhan niya rin pala ako ng white branded shoes, goods na goods at comfortable sa paa pag tumakbo. Maikli pero comfortable naman ako sa suot, buti talaga nagpasya ako kanina isuot tong bagong supporter na nabili ko kundi ay malamang bakat na bakat si juntin ko ngayon.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong may kausap ulit siya sa kanyang phone kaya hindi ko na ito tinawag. Agad ko ako nagtungo sa aking bag at kinuha ang salamin dahil sabi niya bagay sa akin, kapag sinabi niyang bagay ay dapat suotin ko rin.
"Done?" Tapos na pala siya sa kausap.
"Yup, sakto lahat ng sizes at comfortable ako sa suot. Thanks." Sabi ko.
"Sa outer field ba kami mag a-agility?" Sunod kong tanong, bakit iwas siya masyado ngayon kung tumingin sa akin?
"Yes." Nagkibit-balikat ako at hinablot ang bag.
"Sige, alis na ako." sabi ko at lalabas na sana ngunit tinawag niya akong muli.
"May kailangan ka pa?"
"Wait for me outside, and we'll go together to the outer field. I need to be there because I'll be monitoring you guys." Tumango ako at lumabas ng kanyang opisina. Kita ko sa ibaba ang maraming naka puting mga students at nahagip din ng mga mata ko si Vinalyn. Mukhang maganda to at may libreng exercise ako.
Kanina pa ako naghihintay at hindi pa rin lumalabas si Ines, magsisimula na at baka mahuli ako. Bumalik ako sa kanyang pintuan at kakatok na sana nang bigla itong bumukas. Sabay kaming nagulat pero mas nagulat ako sa kanyang suot na sports attire, may suot siyang jacket pero lantad na lantad masyado ang cleavage.
"T-Tagal mo, akala ko wala na balak lumabas." Sabi ko at mabilis iniwas ang ulo at tumalikod. Nahiya ako, medyo awkward pa rin talaga sa akin pag kami lang dalawa dahil hindi ko parin lubos nakakalimutan ang nakaraan.
"Let's go." Pigil hininga ako nang bigla siya dumaan sa harap at langhap na langhap ko ang mamahaling pabango nito.
Naglalakad na kaming dalawa patungong outer field pero nakasunod lang ako sa kanya, ayaw ko makipagsabayan at baka kung ano isipin ng ibang mga makakakita. Tahimik ko lang sinusundan si Ines, ginagawa ko naman lahat para hindi mapansin ngunit bumabalik parin sa kanyang katawan ang aking paningin. Matangkad si Ines, maputi, maganda ang pangangatawan na alam kong kinababaliwan ng mga kalalakihan.
I was surprised dahil may biglang tumulak sa akin mula sa likuran kaya natisod ako patungo sa direksyon ni Ines, maiiwasan ko naman sana-alam kong kaya ko pigilan ang sarili ngunit bigla itong tumigil at humarap sa akin dahilan kaya nadaganan ko siya at sabay kaming bumagsak na dalawa. Ngunit bago kami tuluyang bumagsak sa matigas na simento ay mabilis kong niyakap ang ulo ni Ines at pinagpalit ang posisyon naming dalawa.
"O-Ouch! S-Shit." daing ko dahil sa sakit, mukhang na sprained ankle ko sa biglaang pag-ikot at bagsak. Hindi lang yun at masakit din likod ko dahil sa lakas ng impact.
"Rhea? A-Are you okay?" Nagmulat ako ng mga mata at nagpapasalamat dahil mukhang safe si Ines at walang natamo kahit na konting galos sa katawan.
Umiling ako at huminga ng malalim bago dahan-dahan kumilos pa kaliwa, inangat ang kanang paa at hinawakan ang balakang. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang sakit sa katawan matapos tumigil sa arena. Pisting yawa! Sino yung tumulak sa akin!
"M-Masakit." Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang tinitiis ang nararamdaman sa katawan.
Mabilis ang kanyang naging kilos at agad tumawag ng tulong upang madala ako sa clinic. Kung kaya ko lang sana ay ako na mismo ang pupunta ngunit talagang sobrang sakit at hindi ko alam kung saan tumama ang likod ko kanina. Lumipas ang ilang minuto ay dumating ang school nurse upang lapatan ako ng pang unang lunas, tumawag na rin sila ng ambulansya para kaagad ako matignan sa hospital.
Hindi umalis si Ines sa aking tabi sinamahan niya ako hanggang sa makarating kami ng hospital. May mga nurses agad sumalubong sa akin upang kunan ng vital signs habang hinihintay ang doktor. Hindi ko alam kung normal sprained lang ba ito pero talagang sobrang sakit masyado kapag nagalaw ko.
"Don't move. It will only get worse if you move." Paalala ni Ines, hindi halatang nag-aalala siya dahil sa kanyang boses pero halata naman sa kanyang mga mata.
"Yawa ba, malaman ko lang sino yung tumulak sa akin kanina." Galit kong salita habang iniinda pa rin ang sakit sa katawan. Naiiyak ako, pero ayaw kong umiyak sa harap niya kaya pinigilan ko ang lumuha.
"The doctor is here. You'll be fine, Rhea." Marahan akong tumango at ipinikit ang mga mata. Ang ganda ng umpisa ng araw ko kanina tapos ganito lang mangyayari sa akin?
Malas!
*
"Rhea!" Bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nag-aalala na mukha ng aking kaibigan na si Kris,
Tipid akong ngumiti habang nakahiga sa aking hospital bed. Kakagising ko lang mga sampung minuto nakalipas at pag gising ko ay ako lang mag-isa sa kwarto. Agad itong tumabi sa akin at maluha-luhang hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.
"Anong nangyari sayo? Alam mo ba halos hindi ako makahinga kanina matapos makatanggap ng tawag at sinabing nasa hospital ka? Rhea naman, sabi ko sayo ingatan mo ang sarili eh." Patuloy ako sa pag ngiti at pinisil ang kanyang pisngi. Sobrang maalalahanin at mapagmahal masyado kaibigan ko.
"Salamat, sino ang tumawag sayo?" Tanong ko. "Kris, adjust mo semi-fowler yung bed ko." Suyo ko kay Kris dahil nahihirapan ako sa supine position ko. Agad niya itong sinunod hanggang sa unti-unting umaangat ang upper body ko.
"May tumawag na babae, hindi ko kilala basta ang sabi nakalagay contact ko sa emergency # mo." Marahil ay si Ines ang tumawag sa kanya.
"K-Kamusta? Anong masakit sayo?" Tinignan ko ang paa na may aircast brace.
Isang buntong hininga pinakawalan ko, "May grade 2 sprained ankle ako." Pilit akong ngumiti, ang hirap nito at hindi ako makalakad.
"Aabutin ng three to six weeks yung treatment, ang payo sa akin ng doktor kailangan ko mag ROM para mapabilis ang recovery." Sabi ko.
Wala na rin yung sakit na ininda ko sa bandang lumbar ko at ang sabi ng doktor hindi naman daw delikado at kailangan ko lang ng proper rest. Itong sa ankle ko lang ang problema dahil masakit pa rin hanggang ngayon, pero hindi na tulad kanina. Tapos kung maglakad kailangan ko gumamit ng walking boot.
"ROM?" napukaw ako sa malalim na pag-iisip dahil sa kanyang tanong.
"Range of motion exercises." Sagot ko.
"Kris, paano na to ngayon? Paano ko alagaan kapatid ko kung ganito ako?" Alam ko mag-aalala si Lilith pag nalaman ang nangyari sa akin, baka hindi yun tumigil sa pag-iyak.
"Don't worry sa kapatid mo. Pwede siya sa bahay tumira ng isang buwan at ako na bahala sa kanya sa pang araw-araw. Wag mo masyado isipin at maaasahan mo ako Rhea, kaya magpagaling ka." Nagbaba ako ng ulo. Wala na ako masyado oras sa kapatid ko tapos ganito pa nangyari sa akin.
"Ayos lang ba talaga? Nakakahiya na masyado sayo." Mahina kong tanong.
"Oo naman, para ka naman ibang tao sa akin kung ganun. Ako na ang bahala, pangako." Ngumiti ako at yumakap sa kanya. Kahit nasa kanya na lahat ay nanatili pa rin itong mapagkumbaba kaya blessed masyado kaibigan ko sa buhay ngayon.
"May sasabihin ako." Sabi ko at humiwalay, pinaupo ko siyang muli dahil may gusto ako ipagtapat.
"Ano?"
"May tumulak sa akin kanina. Hindi ko alam kung sino, pero aalamin ko kaagad pag nakalabas dito." Mabilis itong umiling sa akin.
"Ako na ang bahala, magpahinga ka lang para gumaling kaagad." Hays ano pa ba mahihiling ko sa kaibigan ko.
I nodded.
"Salamat."
Hindi ko alam kung sino nakabangga upang gawin sa akin to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip