Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 40

Mastah_K


-

Sa panahon na lumayo si Rhea, nagkagulo ang lahat. Ang pangalan at mukha niya ngayon ay laman ng bawat balita, bawat dyaryo at maging sa mga usap-usapan. Siya, bilang pangunahing suspek sa pagpatay kay Vinalyn ay hinahanap na ng batas. Lahat nagkagulo. Ang pamilya niya ang mga taong nagmamahal sa kanya… lalo na ang kanyang mga asawa.

Hindi nila alam kung saan siya matatagpuan. Hindi nila alam kung ligtas pa siya.

Sa isang silid kung saan nananatili ang kanyang mga asawa, umalingawngaw ang isang galit na sigaw.

"Fuck! I fucking hate him! Fuck him!"

Bumagsak ang isang baso sa sahig, tumalsik ang tubig sa paligid. Hingal na hingal si Amour, pulang-pula ang mukha sa matinding galit. "P*tangina niya! Bakit niya ginawa ‘to kay Rhea?!"

Kumalat sa social media at sa telebisyon ang balita tungkol kay Rhea, dahil sa mismong ama niya. Wala itong awa. Ipinaalam nito sa buong bansa na isa siyang kriminal.  Ngunit sa kabila ng matinding emosyon ni Amour, isang malamig ngunit malambing na boses ang nagsalita.

"Hey, relax."

Napalingon ang lahat kay Emilie na nananatiling kalmado ngunit matalim ang titig.

"Don't worry, Azalea and I have the evidence that will clear her name. This was merely self-defense on Rhea's part."

Napakuyom ng kamao si Amour. "Pero alam nating lahat kung ano ang totoo."

Napatingin si Azalea sa kanila. Alam nilang lahat na kahit anong ebidensya ang ilabas nila, hindi ito burado sa isip ng publiko. Si Rhea ay hinatulan na ng mundo kahit hindi pa siya humaharap sa korte. Mabigat ang dibdib ni Azalea. Hindi niya alam kung saan nagtatago ang asawa, kung ligtas ba ito at kung nakakakain man lang ito. Pero kahit naguguluhan ang kanyang isip ay nanatili siyang matatag. Sa dulo ng tensyon, isang matapang na desisyon ang lumabas mula sa kanyang labi.

"I will face the public overmorrow," malamig niyang pahayag. "I will be the one to stand before them all."

Napatingin sa kanya ang dalawa. Unti-unting kumalma si Amour, kahit bakas pa rin sa kanyang mukha ang inis. Malalim siyang huminga bago nagsalita muli. "Kamusta si Ines? Hindi pa rin siya gising?" Tanong niya na may bahid ng pag-aalala sa kanyang boses.

Tipid na ngumiti si Azalea, ngunit kasabay nito ang mahinang iling."No, nothing has changed," sagot niya, sinisikap na panatilihin ang kanyang ekspresyon. "But what matters is that she's safe… even if some things are painful to accept.”

Napayuko si Amour, hindi alam kung ano ang dapat mararamdaman. Ang lahat ng ito ay napakabigat, ang pagkawala ni Rhea, ang kalagayan ni Ines, at ang kaguluhan sa paligid nila. Sa isang sulok, si Emilie ay tahimik lang. Pero kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ang bigat sa kanyang dibdib. Pinipilit niyang panatilihin ang kanyang lakas, pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang bumigay. Muli siyang huminga nang malalim, pilit pinapalakas ang sarili.

“I miss Rhea," her voice broke. "I want to see her. I want to comfort her."

Napapikit si Emilie, pilit itinatago ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "She was the one who helped me get back on my feet… but now, I’m not by her side. I can’t do anything for her." Kahit anong sakit ang nararamdaman niya, kahit anong panghihinayang, alam niyang may dapat silang gawin.

Muling tumingin si Emilie kina Azalea at Amour, ngayon ay may determinasyon sa kanyang mga mata. "Kailangan natin siyang mahanap bago pa tayo maunahan ng mga pulis."

Sa kabila ng emosyonal na bigat na kanilang dinadala, isa lang ang sigurado nilang tatlo, hindi nila hahayaang mawala si Rhea.

-

Sa isang press conference, sa harap ng isang pulutong ng mga reporters at mga pulis na nakabantay, si Azalea ay tumayo sa harap ng mikropono, seryoso ang ekspresyon. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig ng kaunti, ngunit pinilit niyang magpakita ng lakas at tapang sa harap ng lahat. Sa likod ng mga mata ng bawat tao, naglalaman ito ng isang matinding kalituhan, at may mga hindi maipaliwanag na nararamdaman si Azalea.

Hindi niya hahayaang masira ang pangalan ng kanyang asawa kahit pa alam niyang isa itong kriminal. Pinikit niya ang mga mata, huminga ng malalim at tiningnan ang bawat galaw ng mga tao sa paligid. Alam niyang hindi madali ang mga susunod na sandali, ngunit wala siyang ibang choice kundi ang magpatuloy. Iniisip niya kung ano ang dapat niyang sabihin, kung paanong ipapaliwanag ang lahat. Maraming tanong, at maraming naghahanap ng sagot.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Azalea bago magsalita sa mikropono. Ang mga mata ng buong bansa ay nakatuon sa kanya, at sa mga oras na ito, siya ang magsasalita para kay Rhea… ang babaeng, sa kabila ng lahat ng nangyari ay minahal pa rin niya.

"Good morning," simula ni Azalea, ang tinig niya ay malamig ngunit matatag. Ang mga mata ng mga reporter ay matalim na nakatutok sa kanya, at ang bawat hakbang na ginagawa niya sa harap ng mga kamera ay puno ng determinasyon. "By now, you are probably aware of the rumors circulating about my wife, Rhea. And you also know the reason why I’ve called for this press conference today."

Tahimik ang buong silid. Ang mga reporters ay nag-aabang, sabik sa mga susunod na sasabihin ni Azalea, habang ang mga pulis na nakatayo sa paligid ay may mga mata ng pag-iingat, handang sumalo kung kinakailangan. Ang kanyang mga salitang binitiwan ay puno ng palaban at matinding intimidasyon—hindi para takutin ang mga tao, kundi para ipakita ang lakas ng kanyang desisyon. Hindi siya bibitiw. Hindi siya magpapatalo.

"I will not allow my wife's name to be tarnished," dagdag ni Azalea, ang boses ay puno ng tapang. "Even if the world mourns her, even if her name is being dragged through judgment, I know who she is. I know what kind of person Rhea is. And as her wife, I will stand before everyone and speak the truth."

Habang nagsasalita, ang mga mata ni Azalea ay nakatutok sa mga reporters. Hindi siya natatakot, hindi siya natitinag. "I know Rhea has made mistakes. I know she’s a suspect in certain crimes. But one thing I’m sure of… she is not the bad person they’re portraying her to be. If she has any faults, it's because of moments when she couldn’t control herself." Sa bawat salita, matinding pagnanais ang bumangon sa puso ni Azalea, ang ipagtanggol si Rhea, ang tao na mahal na mahal niya.

"I'm not defending her mistakes, but I won’t pretend that I didn’t love her or that I don’t know who she is. Rhea's character shouldn't be something for everyone to turn against, it should be something to understand. I see her, not as a criminal, but as a wife who made mistakes and continues to ask for forgiveness."

Sa kabila ng lahat ng tensyon at mga matang nakatutok sa kanya, hindi nawawala ang tapang ni Azalea. "I will face your questions, but the truth won’t be easy for everyone to accept." Dahil sa mga sandaling ‘yun, hindi lang pangalan ni Rhea ang ipinagtanggol ni Azalea, ang pagmamahal nila bilang mag-asawa ay isang laban na hindi niya bibitawan.

"Here, let me present to you the truth," sinabi ni Azalea, ang boses niya matalim at puno ng lakas. "The true cause of Vinalyn’s death, ang taong nag utos ipapatay ang asawa ko, the mastermind behind everything, is none other than Mr. Monroe, the director of Monroe Hospital."

Isang matinding katahimikan ang sumunod bago kumalat ang ingay sa buong silid. Ang mga reporters ay nagkagulo, nagkandahirap magtulungan upang makapagtanong. Ang mga mata ng bawat isa ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Azalea. Si Mr. Monroe? Ang direktor ng ospital? Ang mastermind sa lahat ng ito?

Mabilis na nagsimula ang mga tanong, ngunit hindi sumagot si Azalea. Hindi pa tapos ang kanyang kwento. Sa kabila ng ingay, isang malakas na tunog ang umabot sa mga tenga ng lahat—isang video. Ang lahat ng mata ay nakatuon sa screen habang ang video ay nagsimula. Narinig at nakita ng lahat ang pag-uusap ni Rhea at Vinalyn.

Ang tono ng boses ni Vinalyn, ang mga salitang binitiwan tungkol sa pagdakip kay Rhea at ang plano nilang patayin siya, dahil sa utos ni Mr. Monroe. Lahat ay narinig ang usapan nilang dalawa, pero nang umamin si Vinalyn ay naputol ang recording.

"You've heard it all," sabi ni Azalea, ang boses niya matatag at malinaw. “That was a conversation between my wife and the person she considered a friend. They planned to kill my wife.” Ang mga mata ng mga reporter ay nagbabaga, ang mga tanong ay patuloy na bumangon sa kanilang isipan, ngunit si Azalea ay hindi huminto sa kanyang paliwanag.

"Rhea is a Criminology student," patuloy niya. "She’s smart and never easily backs down from anyone. She's also a fighter, capable of protecting herself. So everything that happened was just self-defense."

"She never intended to kill her friend, but if she didn’t act, what would have happened? She would’ve been the one killed." Ang mga reporter na nag-aalburuto ng tanong, ang mga mata ng publiko na puno ng pagdududa at alinlangan. Ang mga katotohanan na dala ni Azalea ay hindi matitinag.

"Why should Rhea be blamed for all of this? She was only trying to protect herself. All she wanted was to survive and continue on with her life." At sa harap ng lahat ng mga matang nakatutok sa kanya, si Azalea, hindi na alintana ang takot, kundi ang tapang na ipaglaban ang katotohanan at ang pagkatao ni Rhea.

"Now, here's my deal with the entire nation, with everyone watching," nagsimula si Azalea, ang boses niya puno ng galit at determinasyon. Ang buong silid ay tahimik na tumutok sa kanya, at ang bawat salita na kanyang binitiwan ay narinig ng buong bansa.

"My wife is missing, and anyone who can tell me her whereabouts will receive a huge reward. One billion.”Umalingawngaw ang ingay sa kapaligiran, ang kanina ay puno ng mga pagdududa na mga mukha ay ngayon napalitan ng pananabik.

"Just return my wife safely and unharmed. If I see even the slightest injury on her, it’s me you’ll have to face." Ang mga salitang ‘yun ay parang isang babala, hindi lamang sa mga tao na maaaring may kinalaman sa pagkawala ni Rhea, kundi pati na rin sa buong bansa. Si Azalea, na matagal nang tahimik at kalmado, ngayon ay puno ng tapang at galit para sa kanyang asawa.

Pagkatapos niyang magsalita, inihagis niya ang flash drive na naglalaman ng ebidensya laban kay Mr. Monroe. "This is the evidence, the truth." Sabi niya habang ang mga mata ng mga tao ay nakasunod sa bawat galaw niya.

Mabilis na nakuha ng mga pulis ang flash drive, at ang mga tanong ng mga reporter ay dumating nang sabay-sabay, ang ingay sa buong silid ay tumindi, ngunit wala itong epekto kay Azalea. Ang ginawa niyang hakbang ay hindi lamang isang anunsyo, ito ay isang deklarasyon laban sa lahat na kumakalaban sa kanyang asawa.

ONE BILLION for her safe return. If she’s harmed in any way, I don’t give a damn who stands in my way.” Huling salita ni Aza bago tuluyang tumalikod at iniwan ang lahat.

Sa araw ding ‘yun, nagsimula ang pinakamalawak na paghahanap kay Rhea.

Hindi lang sa Pilipinas, kundi sa Malaysia, Indonesia, China, Hong Kong, at iba’t ibang parte ng mundo. Laman ng bawat balita ang pagkawala niya. Ang mukha niya, ngayon ay nasa bawat screen, sa bawat pahayagan, sa bawat istasyon ng radyo.

Ginawan siya ng malalaking billboards sa buong bansa, mga digital na imahe na nagpapakita ng kanyang mukha, kasama ang matinding alok ni Azalea…

₱1,000,000,000 PABUYA SA MAKAKAHANAP KAY RHEA.

Nagkagulo ang lahat. Hindi dahil sa awa kay Rhea, hindi dahil gusto nilang iligtas siya—

Kundi dahil sa isang bilyong piso.

Sino ba ang makakatanggi sa halagang ‘yun? Isang halagang kayang baguhin ang buhay ng sinuman. Mula sa mga ordinaryong mamamayan hanggang sa mga bayarang espiya, mula sa mga hacker hanggang sa mga bounty hunter…

Lahat ay naghanap kay Rhea.

Bawat sulok ng bansa, bawat hangganan ng karagatan, bawat isla at lungsod ay hindi pinalampas ng mga taong ngayon ay desperadong hanapin siya.

Ang tanong na lang…

Masusundan ba nila ang bakas ng isang taong wala nang balak bumalik?

-

Nagising si Rhea, ngunit agad niyang naramdaman ang matinding panghihina ng kanyang katawan. Parang wala siyang lakas, kahit igalaw ang kanyang daliri ay hindi magawa. Napansin niyang may isang bata na naglalaro sa kanyang tabi. Tahimik itong gumuguhit sa isang papel, masaya at walang kamalay-malay sa kanyang paggising.

Dahan-dahan niyang inilibot ang kanyang paningin. Ito... hindi na ito ang kanyang kubo. Ang kwartong kinaroroonan niya ay maliit pero maaliwalas. Malinis ang paligid, may simpleng kurtina sa bintana, at may amoy ng sabaw na pumuno sa hangin, isang amoy na tila nagpapakalma sa kanyang pagal na katawan.

Napakunot ang noo niya. Saan siya dinala? Sino ang nagligtas sa kanya? Sinubukan niyang bumangon. Pinilit niya. Ngunit sa sandaling sinubukan niyang iangat ang katawan, isang matinding sakit ang sumalubong sa kanya. Parang dinurog ang kanyang mga buto, parang sinasakal ng sakit ang kanyang buong katawan.

Isang iglap lang at muli siyang bumagsak sa kama. Napasinghap siya, napakuyom ang kamao, pero wala siyang nagawa kundi hayaan ang sarili na muling mapahiga. Sa kabila ng sakit, isang katotohanan ang unti-unti niyang napagtanto…

Hindi pa siya patay.

May nagligtas sa kanya.

At ngayon, kailangan niyang malaman kung sino.

Nakita siya ng bata at agad itong napaatras, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang segundo lang ay bigla itong nagsisigaw.

"Lola! Lola!" Tawag ng bata habang nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto.

Narinig ni Rhea ang mabilis na yabag ng maliliit nitong paa, at kahit mahina pa ang kanyang katawan, pilit niyang inunawa ang nangyayari. Sino sila? Bakit siya nandito?

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang babae, may dalang sandok, halatang nagluluto nang marinig ang sigaw ng kanyang apo.

"Anong problema, Loela? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ng matanda habang inaalis ang puting panyo sa kanyang ulo.

Itinuro ng bata si Rhea, ang mukha nito ay puno ng tuwa at excitement.

"Lola, gising na po siya!"

Napahinto ang matanda. Napatingin ito kay Rhea at sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, nakita ni Rhea ang ekspresyon nitong puno ng gulat, ngunit kasabay nito ay ang pag-awang ng kanyang labi, isang ekspresyon ng pag-asa at pasasalamat.

"Diyos ko… Salamat." Mahinang bulong ng matanda habang dahan-dahang lumapit sa kama.

Naramdaman ni Rhea ang init ng tingin nito, ngunit hindi pa rin niya magawang magsalita. Sino sila? Ano ang ginagawa niya rito? At… bakit pakiramdam niya ligtas siya sa piling nila?

Lumapit ang matanda kay Rhea, maingat at puno ng pag-aalala ang bawat kilos nito. Naupo ito sa gilid ng kama, pinagmasdan siya nang mabuti, parang tinitingnan kung ayos na ba talaga ang kanyang lagay.

"Hija, natatandaan mo ba ang nangyari sa’yo?" Mahinang tanong nito, puno ng pag-aalala. "Ano ang iyong pangalan?"

Napatingin si Rhea sa kanya, pilit inaalala ang lahat. Ano nga ba ang nangyari? Parang may ulap sa kanyang isipan, hindi niya alam kung dahil sa panghihina o dahil sa matagal ng pagkalugmok sa sarili.

Nagpatuloy ang matanda, halatang nag-aalala sa kanyang pananahimik. "Pasensya ka na at dinala ka namin dito sa maliit naming tahanan," paliwanag nito. "Nakita ka namin sa isang kubo... hija, halos wala ka nang buhay. At..." Sandaling napahinto ang matanda, nanginginig ang boses bago nagpatuloy. "Nakakadena ka."

Pumikit si Rhea. Nakakadena.

Biglang bumalik sa kanya ang malabong alaala, ang sarili niyang mga kamay at paa, mahigpit na nakakadena, ang kanyang katawan na unti-unting bumibigay, ang sakit, ang lamig, ang takot.

"Salamat naman at nagising ka na," mahina ngunit taos-pusong sabi ng matanda, hinaplos ang kanyang kamay na parang isang ina na nag-aalala sa anak.

Gusto ni Rhea magsalita, ngunit parang hindi lumalabas ang boses niya.

Ano ang dapat niyang sabihin?

Sino nga ba siya sa paningin ng mga taong ito, isang biktima? O isang kriminal?

Muling ipinikit ni Rhea ang kanyang mga mata. Hindi siya maaaring magtagal dito. Kailangan niyang gumaling kaagad. Kailangan niyang makaalis bago pa sila madamay. Ngunit kahit anong pilit niyang bumangon, wala siyang magawa kundi hayaan ang pagod na muling dalhin siya sa mahimbing na tulog.

Habang siya ay tulog, halos pagsilbihan na siya ng mga tao sa bahay. Pinagluto siya ng masusustansyang pagkain, inaruga na parang isa sa kanilang pamilya. Inalagaan siya ng matanda at ng kanyang mga apo, binigyan siya ng malinis na damit, pinaliguan siya nang may buong paggalang, at hindi siya pinabayaan kahit isang saglit.

Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti niyang naramdaman ang muling pagbabalik ng lakas sa kanyang katawan. Sa simula, nahihirapan pa siyang kumilos, ang bawat galaw ay may kirot, ang bawat hakbang ay puno ng hirap. Ngunit hindi siya pinabayaan ng pamilya. Hinayaan nilang dahan-dahan siyang bumangon, inalalayan siya sa bawat hakbang, binigyan siya ng dahilan para muling lumaban.

At dumating ang araw na nakatayo na siya nang mag-isa. At sa araw ding ‘yun, alam niyang malapit na siyang umalis. Dahil gaano man sila naging mabait sa kanya, hindi niya sila maaaring idamay sa buhay na pilit niyang tinatakasan.

"Rhea, hija, sigurado ka bang kaya mo na mag-isa? Paano kung hindi ka pa tuluyang magaling?" Nag-aalala na tanong ng matanda, ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala, umaasang hindi itutuloy ni Rhea ang plano nitong umalis. Ang matanda ay hindi pa rin matanggap ang ideya ni Rhea na umalis.

Ngumiti si Rhea, bagamat may sakit pa rin sa kanyang puso, "Ayos lang po ako at salamat sa pag-alaga sa akin." Muling itinaas ang tingin, tinitingnan ang buong kabahayan, na puno ng kabutihan, at ilang araw na puno ng pagkalinga. "Babalik na po ako sa kubo ko, ayaw ko po maging abala sa inyo." Tinitigan niya ang batang si Loela, na para bang iniwasan niyang magpaiyak.

"Ate, dadalawin ka namin ni Lola sa kubo mo ha?" Ang bata ay nagsabi ng may tuwa sa kanyang boses, hindi kayang itago ang kasiyahan sa kabila ng mga nangyari.

Nagbigay ng magaan na ngiti si Rhea, tumango siya at sinabing, "Oo, pwede." Ang sagot niya ay puno ng kabaitan, ngunit alam niyang may isang bahagi ng kanyang puso na hindi kayang panindigan… ang pamilya, ang mga taong nagligtas sa kanya, na sa isang bahagi ng kanyang buhay ay iniiwasan niya.

Lumapit siya sa matanda at may kalmadong tinig na nagsalita, "Salamat po ulit. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang pagligtas ninyo sa akin. Babawi po ako sa inyo."

Ang mga salita ay nagmula sa puso, ngunit sa kabila ng pasasalamat, alam niyang hindi sapat ang kanyang mga salitang ‘yun. Hindi pa niya alam kung paano niya mababayaran ang kabutihang ipinakita ng mga ito sa kanya, ngunit ang pangako ng pagbabalik-loob at pagbabago ay naglalaman ng isang matinding determinasyon.

Puno ng malasakit at kabutihang loob, nagpatuloy si Rhea sa pagpapasalamat hanggang sa tuluyan na niyang nilisan ang tahanang minsa’y naging parte sa kanyang buhay.

Mag-isa, maingat, at mabagal na nilakad ni Rhea ang daan pabalik sa kubo niya. Ang mga hakbang niya ay puno ng pag-aalinlangan, pero sa kabila ng lahat ng pagdududa, hindi siya tumigil. Ang hangin ay malamig, at bawat hinga niya ay parang sumasalamin sa kanyang malalim na kalungkutan. Ang simoy ng hangin ay may dala ring alaala, at siya ay huminga ng malalim, umaasang makakayanan niyang magpatuloy.

Kalahating taon na. Kalahating taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang lahat—ang mga alaala, ang mga tao, at ang nakaraan na tila isang bangungot sa kanya. Ang mga tanong ay patuloy na naglalaro sa kanyang isipan. Kamusta na kaya ang mga taong minsan niyang minahal ng sobra? Ang pamilya niya? Ang kapatid niya?

At ang pinakamatinding tanong na hindi matanggal sa kanyang puso—Kamusta na si Ines?

Hanggang ngayon, hindi nawawala sa kanyang isipan si Ines. Ang mga mata ni Ines, ang mga salitang binitiwan nila, ang mga alaala ng masayang panahon, at ang sakit na dulot ng lahat ng nangyari.

"Patawad, Ines," bulong ni Rhea sa sarili. "Patawad sa lahat ng ginawa ko."

Hindi niya alam kung anong nangyari kay Ines ngayon, kung ligtas ba ito, kung pinatawad siya ni Ines, o kung galit na ito sa kanya. Ang sakit na idinulot niya kay Ines ay isang kabigatan na hindi matanggal sa kanyang dibdib. Nagkamali siya. Sinaktan niya ang isang taong walang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. Tinakasan niya sila, at sa kabila ng lahat ng mga buwan, hindi pa rin naaalis ang kirot na dulot ng kanyang sariling desisyon.

Patuloy niyang pinili ang pagiging mag-isa, ngunit ang bawat hakbang pabalik sa kubo ay nagsisilbing paalala na may mga bagay na hindi kayang iwasan. May mga taong patuloy na nakatatak sa kanyang puso at isipan.

Makalipas ang isang oras, narating ni Rhea ang kubo. Ang dating paborito niyang lugar, na minsan ay puno ng pag-asa, ay ngayon ay halos sira na. Ang mga dingding ay luma na, ang bubong ay may mga butas, at ang buong paligid ay puno ng alikabok. Ang bawat sulok ng kubo ay nagsasalita ng mga naiwang alaala, ngunit hindi siya tumigil. Ang mga mata ni Rhea ay puno ng determinasyon.

"Kailangan ko itong ayusin." Bulong niya sa sarili.

Pumasok siya sa loob ng kubo, at sa kabila ng hirap na dulot ng mga sugat ng nakaraan, nagsimula siyang maglinis. Bawat galaw niya ay puno ng lakas at pagnanais na baguhin ang kanyang kapalaran. Wala siyang magawa kundi magsimula ulit, para sa kanyang sarili, at para na rin sa mga taong hindi pa rin niya kayang kalimutan.

Inayos niya ang mga gamit, pinunasan ang mga sulok ng kubo na binalot ng alikabok. Unti-unting bumangon ang kubo mula sa mga kalungkutan ng nakaraan. Pinuno niya ito ng bagong buhay, kahit na ang mga kamay niya ay nanginginig.

Naghanap siya ng mga kagamitan, naghanap ng mga materyales upang magtayo ng mga gusto niya. Walang mangyayari kung hindi siya kikilos. Alam ni Rhea na hindi siya pwedeng manatili sa mga alaala ng nakaraan. Kailangan niyang mabuhay.

Sa kabila ng lahat ng sakit, ang pagkakataon na ito na ibinigay sa kanya ng Diyos ay isang pagnanais na hindi dapat masayang. Kailangan niyang magsimula ulit, kailangan niyang ipakita sa sarili na may silbi pa siya, na may pag-asa pang muling mabuhay, at mabigyan ng pagkakataon ang sarili.

At sa sandaling ‘yun, ang kubo—bagamat puno ng alikabok at kalumaan ay naging simbolo ng kanyang bagong pag-asa. Kung ang kubo ay kayang magbago, kaya rin niyang magbago.

Naging tuloy-tuloy ang pamumuhay ni Rhea sa bukirin. Tahimik at simple, ngunit puno ng mga aral at bagong pagsisimula. Ang kubo na dati’y simbolo ng kalungkutan, ngayon ay puno ng buhay. Unti-unti niyang pinapalago ang sarili, iniiwasan ang mga alalahanin ng nakaraan, at nagsimulang magtanim ng mga pananim.

Minsan, dinadalaw siya ng maglola—si Loela at ang matanda. Sila na nagbigay ng pagkakataon kay Rhea na muling magpatuloy. Ang kanilang mga pagbisita ay hindi lamang isang simpleng dalaw, kundi isang paalala ng mga kabutihang hindi pa rin nawawala sa mundo. Binibigyan siya ng matanda ng mga pananim na pwedeng itanim, mga gulay na magagamit sa pagkain. Minsan ay may dalang prutas, minsan mga buto ng halaman, na magiging tulong sa kanyang araw-araw na buhay.

Ang kanilang tulong ay hindi lang sa mga materyal na bagay. Ang mga pagbisita nila ay nagsilbing liwanag sa kanyang madilim na paglalakbay. Bagamat hindi siya kailanman nagbalik sa kabihasnan, natutunan niyang magpasalamat sa bawat hakbang at sa bawat pagkakataon na ibinibigay sa kanya.

Pinili niyang magpatuloy, hindi lang para sa sarili, kundi para sa mga taong nagpakita ng malasakit sa kanya. Pinapalago niya ang kubo, ang kanyang mga tanim, at ang bawat pagkakataon na nagmumula sa simpleng buhay na ‘yun. Sa huli, ang kubo ay naging simbolo ng kanyang muling pagbangon.

"Waaaaa, ate Red! Ate Red!" Sigaw ng batang si Loela, umiiyak at mabilis na tumakbo patungo kay Red, na abala sa pagtatanim ng mga buto sa paligid ng kubo. Ang bata ay puno ng takot, ang mga mata ay puno ng luha habang tumatakbo.

Si Red, kahit hindi pa gano’n kalaki ang pagbabago, unti-unti na niyang nararamdaman ang pagbabago sa sarili. Kung dati ay ang layunin niya ay magdulot ng sakit kay Rhea, ngayon ay nararamdaman niyang may bago na siyang landas na tinatahak.

Dati ay binalak niyang saktan ang maglola, akala niya sila ay magiging banta kay Rhea. Ngunit napagtanto niya, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan niyang magdulot ng karahasan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan niyang pumatay at manakit ng inosente.

Sa mga simpleng hakbang ng buhay, natutunan niyang ang pagpatay at pananakit ay hindi ang tanging solusyon. Nangako siya, hindi lang kay Rhea kundi pati na rin sa sarili niya, hindi na siya mananakit o papatay ng inosente… maliban na lamang kung wala nang ibang paraan kundi ang gumamit ng dahas.

Habang ang bata ay patuloy na tumatakbo patungo sa kanya, si Red ay tumigil saglit sa pagtatanim. Inangat niya ang kalahating parte ng damit at itinali ito sa gitna, sunod na itinali ang buhok niya sa likod.

"Loe, bakit?" Tanong ni Red, pinunasan ang mga kamay na may dumi sa mga halaman. Ang tono niya ay malumanay, walang bakas ng galit o kabangisan… bagkus, isang senyas na natututo siyang magpakumbaba at makinig sa iba.

Kung si Rhea ay masculine type, si Red ay kabaliktaran niya, ang kanilang mga pagkakaiba ay nagiging isang magandang balanse sa kanilang mga buhay.

Si Loela, na patuloy pa rin sa pagtakbo patungo kay Red, ay natigil at humarap sa kanya. "Ate Red," sabi ng bata, humihingal sa takot at luha. "Si Lola po, nahulog po siya!"

Nang marinig ni Red ang mga salitang ‘yun, agad na tumayo at iniwan ang mga halaman na tinatanim. "Si Lola? Nasaan siya?" Tanong niya ng mabilis, ang mga mata ni Red ay puno ng pag-aalala. Hindi na siya nagdalawang-isip, at nang makita niyang takot na takot si Loela, nagmadali siyang sumunod dito.

Habang nagmamadali, mabilis niyang iniayos ang buhok at ang kalahating parte ng damit na nakatali sa kanyang tiyan. Kahit hindi pa siya ganap na nakabawi sa lahat ng pagbabago sa sarili, natutunan niya maging mapagmalasakit para sa iba, lalo na sa mga taong nakatulong sa kanya. Hindi na siya ang Red na nakatakdang manakit o pumatay. Hindi na siya ang Red na handang magwasak ng lahat ng mga bagay na nagiging balakid sa kanyang daan.

"Lola!" Sigaw ni Loela, umiiyak habang tumatakbo sa gilid ng kubo, at nakita ni Red na ang matanda ay nakahandusay sa lupa. "Lola, ano po nangyari?!"

Dahil sa takot at panghihina, hindi na nakapaglakad ng maayos ang matanda. Si Red, na dati’y hindi alam kung paano tumulong o magbigay ng malasakit, ay ngayon ay mabilis na tumulong kay Loela.

Agad siyang tumakbo papunta sa matanda at marahang niyakap ang katawan nito. "Wag kang mag-alala, Lola, tutulungan kita," sabi niya habang tinutulungan ang matanda na makabangon.

Hinaplos ni Red ang noo ng matanda at tiningnan siya sa mata. "Huwag kang mag-alala, nandito kami."

Habang iniisa-isa ni Red ang pag-aalaga sa matanda, nararamdaman niya ang isang bagay na hindi pa niya ganap na nauunawaan—ang halaga ng pagpapatawad sa sarili at ang kahalagahan ng pagtulong sa iba. Dati, tinitingnan lang niya ang mga tao bilang mga hadlang o banta, ngunit ngayon, ang mga simpleng galak ng pagtulong sa iba ay nagpapalakas sa kanya.

"Ate Red, salamat," sabi ni Loela nang makita niyang tumulong si Red sa kanyang lola.

Ngumiti si Red, kahit na ang kanyang puso ay puno ng kalungkutan. "Welcome."

Sa mga simpleng hakbang na ‘yun, natutunan ni Red na ang tunay na lakas ay hindi sa karahasan o takot, kundi sa malasakit at pagmamahal na kayang ibigay sa mga tao na nakapaligid sa kanya.

"Hatid ko na kayo sa inyo," sabi ni Red, bago dahan-dahang binuhat ang matanda. Hindi alintana ang bigat nito, hindi alintana ang pagod, mas mahalaga na makarating ito nang ligtas sa kanilang tahanan.

Habang naglalakad sila pauwi, mahigpit ang hawak ni Loela sa damit ni Red, parang ayaw nitong pakawalan siya. Hindi na lamang ito pinansin ni Red, pero sa loob-loob niya, nakadama siya ng isang bagay na hindi pa niya nararamdaman noon, ang maramdaman na siya ay may halaga sa iba.

Nang makarating sila sa bahay, agad nilang naabutan ang anak ng matanda at ang kapatid ni Loela.

"Anong nangyari kay Lola?" Tanong ng binata, halatang nag-aalala.

Hindi sumagot si Red, iniwasan niyang magsalita, dahil hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao.

"Nahulog po si Lola, mabuti na lang natulungan kaagad ni Ate," sagot ni Loela, may pagmamalaki sa kanyang boses.

Walang sinabi si Red. Diretso siyang pumasok sa kwarto ng matanda at maingat na inihiga ito sa papag. Alam niyang mas maaalagaan na ito ng pamilya, kaya wala na siyang dahilan upang manatili pa. Wala siyang pasabi, lumabas siya ng bahay at papalabas na sana ng bakuran, handa nang bumalik sa kanyang kubo, nang biglang tawagin siya ng anak ng matanda.

"Rhea!" Napahinto si Red. Alam niyang hindi siya si Rhea. Pero hindi niya ito itinama. Sa ngayon, okay na siya sa buhay na hindi siya kilala ng lahat.

"Gusto mo bang sumama bukas sa bayan?" tanong nito. "Kulang kami sa construction workers… May alam ka ba sa trabahong ‘yan?" Hindi agad nakasagot si Red. Hindi ito ang una niyang magiging trabaho, pero ito ang unang pagkakataon na nagtatanong ang isang tao sa kanya nang hindi natatakot o nagdududa.

Tiningnan niya ang lalaki, walang bakas ng emosyon sa mukha. "Anong oras?" Diretsong tanong niya.

"Maaga tayo aalis, alas kwatro ng umaga," sagot nito.

"Sige." Sagot ni Red, walang pag-aalinlangan.

Hindi na siya nagpaalam at agad na naglakad pabalik sa kanyang kubo. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng kanyang mga yabag sa damuhan ang maririnig. Ngunit sa loob ng kanyang isipan, hindi ganoon ang sitwasyon.

"Talaga? Sa tingin mo tuloy-tuloy na ang pagbabago ko?" Mahinang tanong ni Red sa sarili habang nakatitig sa malayo.

Alam niyang walang sasagot, pero sa loob niya, ay may isa na pilit siyang pinapaalalahanan na isa siyang mabuting tao. Si Rhea—ang tunay na siya, ang bersyon niya na matagal na niyang pinoprotektahan.

Napahinto si Red. "Hanggang kailan ako ganito?" Bulong niya habang huminga ng malalim. Hindi niya alam kung may patutunguhan ba talaga ang pagsubok niyang magbago. Hindi niya alam kung ang hakbang na ito ay totoo, o kung ito ay isa lang ding panibagong ilusyon na kanyang pinanghahawakan.

Pero ang alam niya, ito ang unang beses na pinili niyang hindi manakit, hindi gumamit ng dahas. Ipinikit ni Red ang kanyang mga mata, ninanamnam ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Sa unang pagkakataon, hindi niya nararamdaman ang bigat ng poot, takot, o galit.

Dahan-dahang bumakas sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti… isang ngiti na bihirang lumabas sa kanya, isang ngiti na naglalaman ng pasasalamat.

"Salamat, Rhea." Mahinang bulong niya, puno ng sinseridad.

Dahil sa gabay ni Rhea, unti-unti nang nagbabago si Red, ang dating taong walang awa, ang dating nabubuhay lamang sa karahasan at pakikipaglaro. Sa bawat araw na lumilipas, natututo siyang makinig, umunawa, at makaramdam ng tunay na malasakit. Kung dati, ang mundo niya ay puno ng dugo at nababalot ng dilim, ngayon ay unti-unting nagkakaroon ng liwanag.

Hindi naging madali ang pagbabago. May mga araw na gusto niyang bumalik sa dati, sa pagiging walang pakialam, sa paggamit ng lakas upang makuha ang gusto. Pero sa tuwing mararamdaman niya ‘yun, naririnig niya ang boses ni Rhea sa kanyang isipan, ang bahagi ng kanyang sarili na hindi kailanman sumuko sa kanya.

"Kaya mong magbago, Red."

At sa tuwing maririnig niya ito, naaalala niya kung bakit siya nagsimulang magbago.

Hindi na niya gustong maging halimaw.

Dahil sa unang pagkakataon, gusto niyang mabuhay hindi bilang isang anino ng nakaraan, kundi bilang isang taong may pag-asa pang maging mabuti.

Next Chapter :
Time Skip
( 5 YEARS )

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip