Truyen1s.Vip

𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)

CHAPTER 49

inkbyseki


-

RED

Pagkatapos naming magsalo ng agahan kanina, agad akong pumasok sa trabaho. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay mabigat pa rin ang ulo hindi dahil sa pagod sa trabaho, kundi dahil sa nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi kong bahagyang namamaga. My God, si Emilie talaga... Hindi niya ako tinigilan sa kakahalik kahit nandoon ang anak niya! Sa tingin ko sanay siyang gawin ang gusto niya, pero hindi ko inaasahan na wala siyang pakialam kahit may nakakakita.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa screen ng computer ko. Bakit kailangan pang makita ni Wryn 'yun? Nakakahiya! Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya. Pero mas nakakabahala ang isang bagay... kung ganito palagi si Emilie, paano ko pipigilan ang sarili kong hindi bumigay?

Alam ko sa sarili kong hindi ako mabilis maakit o nadadala sa tukso, pero hindi ko rin maipagkakaila na may epekto sa akin si Emilie. Lalo na kung magtutuloy-tuloy ang ganito-ang pagiging agresibo niya, ang init ng kanyang mga halik, at ang paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang ako lang ang mundo niya. Napailing ako at sinubukang ibalik ang focus ko sa trabaho.

"Serg! Tara, kain sa labas," tawag ni Emma habang kasama si Mal.

Kumunot ang noo ko. "Kayo lang? Nasaan si Ines?" Napansin kong wala ang demonyong bata. Finally, may kapayapaan sa istasyon ngayon.

"Hindi namin alam, Serg. Pero mukhang sinamahan niya ang iba sa bagong kaso." Sagot ni Emma.

"Gano'n ba?" Tumango ako at nagsimulang magligpit ng gamit. "Sige, gutom na rin ako. Saan niyo balak kumain?"

"Opening ng Villa Tuna ngayon. Sabi nila, masarap daw ang pagkain doon." Sagot ni Mal.

"Hmm, mukhang interesting." Tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan. "Sige, subukan natin."

Wala nang patumpik-tumpik pa, agad kaming umalis ng istasyon at tinahak ang daan papunta sa bagong kainan. Pagdating namin sa Villa Tuna, agad kaming sinalubong ng masarap na amoy ng inihaw na seafood at pampalasa. Maraming tao ang dumalo sa pagbubukas ng bagong kainan, at halata sa mukha ng mga bisita ang pananabik na matikman ang kanilang pagkain.

"Wow, mukhang patok agad ang lugar na 'to." Komento ni Emma habang nakatingin sa dami ng mga customers.

"Mas okay yan, ibig sabihin masarap talaga pagkain nila." Sagot ni Mal bago siya lumapit sa receptionist.

Habang naghihintay, napansin kong may isang pamilyar na mukha sa kabilang dulo ng restaurant. Napakagat ako sa labi nang makumpirma kung sino 'yun-si Emilie at hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang isang lalaking mukhang hindi pulis. May suot itong dark blue suit, mukhang mayaman at may matikas na tindig. May binubulong si Emilie sa kanya, at bagaman malayo ako ay kita ko ang bahagyang pagngiti niya.

Kumulo ang dugo ko.

"Serg, okay ka lang?" Tanong ni Emma, napansin marahil ang bigla kong pagtahimik.

"H-Ha? Oo naman." Mabilis kong sagot bago napatingin ulit kay Emilie. Napansin kong bahagyang tumingin siya sa direksyon namin.

At doon ko nakita ang nakakalokong ngiti niya. Umayos ako ng upo at pinilit ibaling ang atensyon sa menu, pero kahit anong pilit kong huwag siyang pansinin ay ramdam ko pa rin ang presensya ni Emilie sa kabilang dulo ng restaurant.

"Tsk," napahigpit ang hawak ko sa menu.

"Sigurado ka bang ayos ka lang, Serg?" Muling tanong ni Emma habang sinusundan ang direksyon ng tingin ko. Nang mapansin niya si Emilie, bigla siyang tumango. "Ohhh... kanina ka pa panay tingin sa babaeng yan, kilala mo? Type mo? Ganda at sexy."

"Tumigil ka, Emma," iritable kong sabi, pero lalo lang lumawak ang ngiti niya.

"Crush mo?" bulong ni Mal, mukhang curious din.

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman alam. Pero isang bagay ang sigurado ako, hindi ko gusto ang nakikita ko. At mas lalong hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Emilie sa akin. Para bang sinasadya niyang ipakita sa akin na may kasamang iba. Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon namin, kasama ang lalaking kausap niya. Napansin ko ang kumpiyansa sa kilos niya, alam niyang naiinis ako.

At mukhang nag-eenjoy siya doon.

Nang makarating siya sa harapan namin, pilyang ngumiti siya at saka tumingin sa akin ng diretso. "Sergio," aniya, ang boses niya ay puno ng pamilyar na panunukso. "Ang tagal nating hindi nagkita ah. Namiss mo ba ako?" Lihim ko siyang inirapan, parang kanina magkasama lang kami at baka limot niya na siya ang dahilan kaya namamaga ang labi ko.

Napangisi ako, pilit pinapanatili ang composure. "Bakit naman kita mamimiss?" Sagot ko, sinabayan ng irap.

Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. "Hmm, kung gano'n... Wala kang magiging problema kung ipakilala ko sayo ang kasama ko, diba?" Lumingon siya sa lalaki. "Sergio, meet Marcus Villanueva."

Nilingon ko ang lalaking kasama niya-mataas, matikas, mukhang mayaman. May itsura, pero wala akong pakialam. Tumango lang ako nang bahagya bilang pagbati.

Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Marcus, tila nagtataka sa tensyon sa pagitan namin ni Emilie.

"Anyway," dugtong ni Emilie, "enjoy your dinner." Saka siya kumindat sa akin, isang lantarang pang-aasar bago bumalik sa mesa nila.

Napangisi si Emma. "Serg, bakit parang lalo kang nagalit?"

Hindi ko siya sinagot, pero alam kong lalo akong nainis. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako madaling matukso, pero iba ang usapan kapag selos na ang nararamdaman. Wala akong karanasan pagdating sa pakikitungo sa mga naging asawa ni Rhea, pero bakit parang nag-aalab ang loob ko ngayon?

Napabuntong-hininga ako at pilit binalik ang atensyon sa menu sa harapan ko. Pero kahit anong pilit kong iwasan, naririnig ko pa rin ang mahihinang tawanan nina Emilie at Marcus sa kabilang mesa.

"Tsk," napalunok ako sa inis.

"Relax, Serg." Biglang bulong ni Emma habang hinihigop ang kanyang juice. "Baka naman wala lang 'yun. Baka kaibigan lang." Napatingin ako sa kanya, kita sa mukha niya ang pang-aasar.

"Hindi ako nagseselos, okay?" Iritable kong sagot.

Ngunit imbes na maniwala, tumawa lang siya at umiling. "Sige na nga."

Samantalang si Mal naman ay tahimik na nakamasid sa akin, halatang may iniisip. "Pero seryoso, Serg," aniya. "Ba't parang affected ka masyado? Wala lang yan, diba?"

Napalunok ako.

Dapat nga wala lang.

Dapat.

Pero ang totoo, hindi ko maintindihan ang bumabagabag sa akin. Ako si Rhea, at si Rhea ay ako. Iisa lang kami. Kaya bakit parang may bahagi ng sarili ko na nagsasabing hindi tama ang nakikita ko?

Bakit parang gusto kong kaladkarin palayo si Emilie sa lalaking 'yun?

At ang mas nakakainis, bakit parang alam niyang gano'n ang mararamdaman ko?

Napakagat ako sa labi at bahagyang napayuko.

Stupid.

Nagtaka kami nang biglang may mga taong nagsigawan. Pagtingin ko sa banda nina Emilie, may kumikislap at biglang nagliyab sa may electric wire.

"Mal! Kunin mo ang CO2 extinguisher!" utos ko habang mabilis na tumakbo papunta kay Emilie.

"Halikayo!" Hinila ko siya palayo sa apoy, pero nagulat ako nang mas lumiyab ito. Napansin kong ang lalaking kasama niya ay binubuhusan ito ng tubig!

Mabilis akong sumugod at hinila ang kanyang braso, saka itinulak siya palayo. "Are you fucking dumb?! Don't pour water on an electrical fire. Water conducts electricity, which can cause electrocution or shocks. Water can also spread the fire by transferring current and igniting flammable materials!" bulyaw ko sa kanya bago tumawag ng isang staff.

"Patayin ninyo ang main power supply!" Sigaw ko.

Sakto namang dumating si Mal, bitbit ang CO2 extinguisher, kasama si Emma. Agad nilang pinatay ang apoy at unti-unting bumalik sa normal ang paligid matapos ang tensyonadong insidente.

"Serg, saan ka pupunta?" Tawag ni Emma sa akin.

"Restroom." Sagot ko.

Pagpasok ko ng restroom, mabilis kong hinugasan ang mukha ko upang pakalmahin ang sarili. Halos sumabog na ang puso ko sa inis, kahit na hindi ko na alam kung bakit. Mapa-bata man o matanda, talagang tumataas ang dugo ko. Habang inaayos ko ang sarili ko, bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si Emilie. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko, pero narinig ko ang tunog ng pag-lock niya sa pinto.

"May kailangan ka?" Tanong ko, kahit na hindi ko na kayang itago ang inis ko sa tono ng boses ko.

Tumaas ang kilay niya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Nagseselos ka kay Marcus? Aw, hindi ko inaasahan na selosa ka, parang si Rhea." Sagot niya, may kasamang pang-aasar.

"Malamang, iisa lang kami ng puso at katawan." Sagot ko. "Bakit ikaw lang mag-isa? Iniwan mo ba ang anak natin para makipagkita sa lalaking 'yun?" Bahagyang tumaas ang tono ko, at ramdam ko ang init na kumukulo sa aking katawan. Kanino niya iniwan ang anak namin? Sa ibang tao?

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang umupo sa lababo, ang katawan niya'y kumilos nang mabilis at marahas na hinila ang damit ko. Walang paumanhin, ipinulupot niya ang mga braso sa aking ulo at bago ko pa magawang mag-react ay ang labi niya'y lumapat sa aking labi. Ang init ng kanyang hininga at ang halik na 'yun ay punong-puno ng pagnanasa, tila hindi na ito makakapaghintay pa.

The rhythm of her kiss is fast and intense, as if she doesn't want to miss a single movement. Her hands roam over my body, urgently exploring every curve. No words, no warning. The heat from her body spreads through me as her lips travel down my neck, igniting every vein, bringing them to life with her kisses. I bite my lip, struggling to control my breathing, but with every step she takes, I melt.

Bahagya kong inatras ang ulo upang makahinga, halos mawalan na ako ng hininga sa ginagawa niyang iyon. "Oh babe, wag ka magselos, kaibigan ko lang si Marcus. Ikaw lang ang lalandiin ko at gagapangin, okay?" Bulong niya sa aking tainga bago muli akong hinalikan, at sa kabila ng mga salitang 'yun ay naramdaman ko ang matalim na kagat niya sa labi ko.

"Would you like to make love to me here?" Napalunok ako sa ibinulong niya, kasunod ang sunod-sunod na pag-ubo. Ang tibok ng puso ko'y nagsimulang bumilis, at ang kaba ay parang bumabalot sa aking dibdib, halos hindi ko na kayang lunukin ang sariling laway. Lahat ng nararamdaman ko'y magkahalong kaba at pananabik, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yun, pero ang presensya niya at ang init ng kanyang katawan ay para bang pinipilit akong sumunod.

Sinamaan ko siya ng tingin nang makita ang sarili ko sa harap ng salamin, ang mukha ko'y pulang-pula, at agad na sumilay sa labi niya ang isang mapanuksong ngiti.

"Y-Your mouth." Saway ko, ang boses ko'y bahagyang nanginginig habang tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking katawan. Umatras ako palayo, at ginamit ang mga kamay ko bilang pamaypay upang kalmahin ang sarili ko.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa, ang mga mata niya'y kumikislap. "I really want to see you like this. You know, I get turned on every time I see this side of you. You're so feminine, and I also want to taste you." Sunod niyang sabi at lalo akong nag init sa mga salitang 'yun.

"I-I'm out." Sabi ko, nagmamadali at hindi na inintindi ang mga sumunod na sinabi niya. Dali-dali akong lumabas ng restroom, ang mga paa ko'y parang hindi ko na kayang kontrolin. Paglabas ko, hindi ko na pinansin ang paligid at mabilis akong tumakbo pabalik sa table kung saan ko iniwan sila Emma at Mal, at ang mga mata ko'y nakatutok lang sa sahig habang sinusubukan kontrolin ang sarili mula sa panunukso ni Emilie.

Dahil sa nangyari, maagang nagsara ang Villa Tuna, at bukas na ulit sila magbubukas dahil sa medyo malawak na pinsalang dulot ng sunog sa linya nila. Dahil doon, napagdesisyunan na lang naming kumain sa isang karinderya. Matapos kumain, handa na kaming umalis nang biglang may yumakap sa braso ko. Napapitlag ako sa gulat at maging sina Emma ay natigilan, nagtataka kung sino ang babaeng bigla na lang sumulpot.

"Hi, I'm Emilie," pakilala niya sa dalawa habang may mapanuksong ngiti sa labi. Tumango lang sina Emma bilang sagot, pero bago pa nila magawang magtanong ay bigla siyang nagpatuloy, "Actually, I'm her wife-fourth wife."

Halos mabilaukan ako sa kanyang sinabi, agad naubo habang sina Emma ay nanlaki ang mga mata, napako sa kinatatayuan at tila hindi makapaniwala sa narinig nilang rebelasyon.

"Ha?!" Sabay na reaksyon nina Emma at Mal, parehong napatingin sa akin na parang hinihintay ang paliwanag ko.

"Hey, ano ka ba!" Agad kong hinila ang braso ko mula sa pagkakayakap ni Emilie pero lalo lang siyang dumikit, parang nag-eenjoy sa gulong ginawa niya.

"Ang ibig niyang sabihin, joke lang." Pilit kong sinabi habang pinipilit ang sarili kong ngumiti, pero alam kong hindi 'yun kapani-paniwala dahil ramdam ko ang nag-aalab na tingin nina Emma at Mal sa akin.

"Hindi ako nagbibiro," lambing ni Emilie, saka inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Pero kung gusto mong maging totoo, sabihin mo lang." Muntik na akong mapamura. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling lumingon sa dalawa kong kasama, na ngayon ay mas lalo pang nalilito.

"Ikaw, ha. Mukhang may mga hindi ka sinasabi sa amin." Tukso ni Emma, sabay irap.

"Okay, ayusin niyo muna yan at mauuna na kami." Sabi ni Mal bago hilahin si Emma palayo, pero halatang nagpipigil ng tawa.

"Hoy! Huwag niyo akong iwan dito!" Sigaw ko, pero hindi nila ako nilingon. Naiwan ako kasama si Emilie, na ngayon ay nakangiti nang mapanukso.

"Now, saan tayo pupunta hmm?" Tanong niya habang hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

Napapikit ako, nagmulat at tinitigan siya. "Up to you." Sabi ko nalang.

Wala naman masyadong mapupuntahan dito sa bayan namin, kaya hinayaan ko na lang si Emilie kung saan niya ako balak dalhin. Tahimik lang ako habang siya ang nagmamaneho, at habang palayo kami nang palayo sa kabayanan, unti-unti akong kinabahan.

"Emilie, saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko, pero ngiting mapanukso lang ang isinagot niya.

Makaraan ang ilang minuto, huminto kami sa isang bukirin. Sa gitna nito ay may isang resort na ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sa lugar namin. Tahimik ang paligid, ang simoy ng hangin ay malamig, at higit sa lahat ay konti lang ang mga tao. Mula rito ay tanaw ang hanay ng mga bundok na mistulang mga higanteng nagbabantay sa kapaligiran.

Napatingin ako kay Emilie na nakangiti habang pinagmamasdan ang ekspresyon ko. "Nagustuhan mo?" Tanong niya, bahagyang lumapit upang makita ang mukha ko nang mas malinaw.

Hindi ko alam kung anong plano niya, pero sa kabila ng pag-aalinlangan ko, hindi ko rin maitanggi na may kung anong kapayapaang dulot ang lugar na ito.

Tumingin ako sa kanya, nag-aalangan kung ano ang tunay niyang pakay sa pagdala sa akin dito. "Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko.

Ngumiti siya, isang ngiting hindi ko mabasa kung may halong kapilyuhan o tunay na intensyon. "Gusto lang kitang dalhin sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan. Masyado kang tense kanina, kailangan mong mag-relax." Sagot niya at bumaba sa sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod, wala naman na akong ibang choice. Pagpasok namin sa resort, lalong bumalot ang katahimikan. Ang mga kuliglig lang ang maririnig, at ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko. May ilang cottages sa gilid ng lawa, may pool na mukhang bihira lang gamitin, at ang paligid ay puno ng malalaking puno.

"Seryoso, wala kang binabalak na masama, diba?" Diretsahang tanong ko, nagtaas ng kilay habang nakatingin sa kanya.

Tumaas ang kamay niya na parang sumusuko. "Promise wala. Gusto lang kitang makasama ng matagal." Sagot niya, pero may kung anong ningning sa mata niya na hindi ko mapaliwanag. "Besides, gusto kitang makilala nang mas mabuti... Red." Malambing niyang sambit sa pangalan ko, napakagat labi ako dahil siya ang unang babae na sinabing gusto ako makilala ng mas mabuti... hindi si Rhea.

"You're so serious, bili tayo ng snacks." Sabi niya at hinila ako.

Matapos bumili ng ilang snacks sa maliit na tindahan ng resort, naglakad kami papunta sa may lawa. Tahimik lang ako habang sinusundan si Emilie na parang napakasaya sa trip na ito. Dahil nandito na rin ako, sinubukan ko na lang huwag masyadong mag-overthink. Pagdating namin sa tabi ng lawa, natagpuan namin ang isang lumang wooden bench sa ilalim ng isang malaking puno. Naupo siya roon at marahang hinila ako para umupo sa tabi niya.

"So beautiful, right?" Sabi niya habang tinatanaw ang tubig na bahagyang kumikislap sa ilalim ng lumulubog na araw.

Tumingin ako sa paligid. Totoo namang maganda. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin, at ang repleksyon ng langit sa lawa ay parang salamin na nagdadala ng kapayapaan. Ilang bangka ang nakaangkla sa di-kalayuan, at paminsan-minsan ay may lumilipad na ibon sa ibabaw ng tubig.

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. "Hindi ko akalaing may ganitong lugar dito sa bayan namin," bulong ko para bang nagsasalita sa sarili ko.

Ngumiti si Emilie, saka binuksan ang isang pakete ng chips at inilahad sa akin. "Minsan kasi hindi natin napapansin ang mga magagandang bagay na nasa paligid lang natin." Sagot niya bago kumuha ng isang piraso at isinubo.

Hindi ako sumagot. Sa halip, kinuha ko ang isang chip mula sa hawak niyang pakete at kinain ito. Ilang saglit kaming hindi nagsalita, pinapakinggan lang ang tunog ng tubig at hangin na dumadaan sa mga dahon ng puno sa paligid.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, bigla siyang bumaling sa akin. "So... kailan mo balak umuwi?" Biglang sabi niya.

Napakunot ang noo ko. "You mean?"

Sumandal siya sa bench saka iniangat ang isa niyang paa sa ibabaw ng upuan, mas naging relax ang postura niya. "Sa lugar kung saan ka nararapat. May kapatid ka pang iniwan, si Lilith." Mahina niyang salita.

Halos mabilaukan ako sa kinakain kong chips.

"Hinahanap ka na ng kapatid mo, kailangan mo na bumalik." Sunod niyang salita, ngayon ay sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at tipid na ngumiti, pilit na itinatago ang bigat sa loob ko. Tinitigan ko ang kalmado ngunit malalim na tubig ng lawa, parang hinahayaang lamunin ng katahimikan ang bigat ng mga salita ko.

"Dahil sa akin maraming taong minamahal ni Rhea ang iniwan niya," mahina kong sabi, halos isang bulong na lang. "Patawad."

Sandaling natahimik si Emilie. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero ngunit hindi ako lumingon. Ilang saglit pa ay narinig ko ang mahinang pagbuga niya ng hininga, kasabay ng marahang paggalaw niya sa tabi ko.

"You know," panimula niya, hindi na kasing pilyo ng dati ang tono ng boses niya. "Minsan, iniisip ko... bakit ba ang hilig nating akuin lahat ng responsibilidad sa desisyon ng ibang tao?"

Napakunot ang noo ko at napalingon sa kanya. Nakatingin siya sa lawa hawak ang natitirang chips sa kanyang kamay, bahagyang nakangiti pero may kung anong lungkot sa mga mata niya.

"Hindi mo kasalanan ang mga pinili ni Rhea," patuloy niya, ngayon ay nakatingin na sa akin. "Bakit mo kailangang hingin ang tawad para sa isang bagay na hindi mo naman kontrolado?" Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot.

"Pero ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa akin," mahina kong bulong, sabay yuko ng ulo. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang lumabas sa bibig ko, parang pilit kong hinuhukay ang isang sugat na matagal nang bumaon sa puso ko.

Walang pag-aalinlangan, kinuha ni Emilie ang kamay ko at marahang hinigpitan ang hawak bago ako hinila sa isang yakap. Mainit, mahigpit, at may kung anong tahimik na pag-unawa sa kilos niya na halos nagpayanig sa emosyon ko.

"Wala nang magbabago kung babalikan mo ang nakaraan," mahina niyang sabi sa tabi ng tenga ko. "Pero kung gusto mong bumawi, subukan mong gawin 'yun sa aming lahat."

Nanatili akong nakayakap sa kanya, hindi alam kung paano sasagot.

Tipid akong ngumiti, pilit na itinatago ang halo-halong emosyon sa loob ko. "Tapusin ko lang ang natitirang buwan... wag na nating pag-usapan yan," sabi ko, sabay pilit na binago ang usapan. "Anong gusto mong gawin natin? Ayaw mo bang mamangka sa lawa?" Tanong ko, tinuturo ang ilang bangkang nakaangkla sa tabi.

Umiling si Emilie, ang mata niya'y kumikislap sa ideyang biglang pumasok sa isip niya. "Gusto kong subukan magpalipad ng saranggola." Sagot niya, sabay turo sa hindi kalayuan, kung saan may ilang grupo ng tao ang abala sa pagpapalipad ng makukulay na saranggola. Napatingin ako sa direksyon na tinuturo niya. Hindi ko inaasahan na 'yun ang gusto niyang gawin.

"Talaga?" Tanong ko, medyo nagugulat pa rin.

Tumango siya, sabay ngiti nang malawak. "Of course! Hindi pa ako nakakapagpalipad ng saranggola sa buong buhay ko. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kasaya panoorin." Sabi niya, ang tono ng boses niya ay puno ng excitement.

Napangiti na lang ako, bahagyang natatawa sa pagkasabik niya. "Sige, hanap tayo ng mabibili."

At sa unang pagkakataon ngayong araw, parang gumaan ang pakiramdam ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa lugar kung saan may ilang nagtitinda ng saranggola. Iba't ibang kulay at disenyo ang nakadisplay-may hugis agila, dragon, at maging simpleng hugis-diyamante na may mahahabang buntot.

Habang abala akong tinitingnan ang mga pagpipilian, siya naman ay tuwang-tuwa, parang bata na ngayon lang nakakita ng ganito. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Sinong mag-aakala na ang babaeng ito may ganitong side rin?

"Which one do you think suits me?" Tanong niya, nakapamaywang habang sinusuri ang mga saranggola.

"Hmm..." kunwari akong nag-isip. "Yung dragon. Bagay sa pagiging makulit mo."

Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin bago bumaling ulit sa tinda. "I don't like it, it's too common. I want something unique."

Sa huli, pinili niya ang isang kulay puting saranggola na may simpleng disenyo ng buwan at mga bituin. Binayaran namin ito at agad na pumunta sa mas malawak na bahagi ng bukirin kung saan maraming nagpapalipad ng saranggola.

"Okay, alam mo bang gawin 'to?" Tanong ko habang binubuksan ang bagong biling saranggola.

"Nope," prangkang sagot niya. "You?"

Napanganga ako. "Uh... medyo?" Hindi ako sigurado kung tama pa ang natatandaan ko.

Napahagikgik siya. "Perfect. We'll find out if this is your natural talent."

Huminga ako nang malalim at sinubukang itali nang maayos ang tali ng saranggola. Nang matapos, itinuro ko kay Emilie kung paano ito dapat ipalipad-dapat may isang tatakbo habang 'yung isa ay hawak ang tali.

"Ako na bahala sa pagtakbo!" Masiglang alok niya, halatang excited.

"Huwag kang tatakbo nang sobra ha, baka madapa ka-"

Pero bago ko pa matapos ang babala, tumakbo na siya nang mabilis hawak ang saranggola sa ibabaw ng ulo niya.

"Emilie, dahan-dahan lang-!" sigaw ko, pero huli na.

Napunit nang bahagya ang isang gilid ng saranggola at muntik na siyang matapilok.

Napahinto siya, humarap sa akin, at tumawa nang malakas. "Oops. Looks like we need a different strategy."

Napailing na lang ako, pero sa totoo lang ay hindi ko mapigilan ang matawa. "Hay naku, Emilie."

At doon, sa ilalim ng malawak na langit at malamig na simoy ng hangin, sinubukan naming muli hanggang sa tuluyan naming naipalipad ang saranggola.

Habang pinapanood namin ang saranggolang unti-unting umaakyat sa langit, naramdaman kong napapawi ang bigat sa dibdib ko. Para bang sa bawat pagtaas nito, kasabay na rin nitong tinatangay ang lahat ng pag-aalinlangan ko.

"So high!" Sigaw ni Emilie, hindi maitago ang tuwa sa boses niya. Mahigpit niyang hawak ang tali, sinisigurado na hindi basta-basta mawawala sa paningin namin ang saranggola.

"I only managed to do this now," dagdag niya, nakangiti habang nakatingala.

Tumingin ako sa kanya, napansin ang bahagyang lungkot sa likod ng kanyang mga mata. "Baka kasi hindi mo pa natagpuan noon ang tamang taong gagawa nito kasama mo, hindi mo ba nasubukan kasama si Amour?" Sagot ko nang hindi masyadong iniisip ang mga sinasabi ko.

Napatingin siya sa akin, tila nagulat sa sagot ko, bago muling ngumiti. "Baka nga, and yes... hindi pa at mukhang hindi mangyayari." Mahina niyang tugon.

Tahimik kaming dalawa habang pinagmamasdan ang saranggola, dinadama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat namin. Ilang saglit pa, binalik ko ang tingin ko sa kanya at napansin kong hindi lang sa saranggola siya nakatingin-ako rin.

"Thanks," bulong niya, bahagyang hinihigpitan ang hawak sa tali.

Napakurap ako. "Sa ano?"

"For being with me here. For flying the kite with me. For being yourself."

Napatingin ako sa kanya nang mas matagal. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, pero sa loob-loob ko ay may kung anong mainit na pakiramdam ang bumalot sa akin.

"Emilie..." Tatawagin ko sana siya pero bago pa ako makapagsalita, bigla siyang humakbang palapit at inabot ang kamay ko.

"Don't say anything for now," bulong niya, nakangiti pero may bahagyang kaba sa boses. "I just want to feel this... even for just a moment."

Naging tahimik ang paligid at ang mga naririnig namin ay ang malalambot na huni ng kalikasan sa paligid. Habang hawak ko ang kamay ni Emilie, naramdaman ko ang init ng kanyang mga palad.

"You know," sabi biya, ang kanyang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa saranggola, "Amidst all the challenges I'm going through, this seems to be the only time I feel a little peace." Hindi ako makasagot agad. Sa lahat ng nararamdaman ko, tila ang mga salitang 'yun lang ang lumabas sa kanya. Isang malalim na pag-unawa sa mga bagay na hindi palaging nasasabi.

Nag-inat siya at tumingin sa akin, parang hinihintay ang sagot ko. "I know it's not easy, but I hope... I hope you'll be happy too." Dagdag niya.

Nakatingin ako sa kanya, pilit iniisip kung paano ko ito tatanggapin. Hindi ko kayang sagutin siya ng isang simpleng oo o hindi, dahil ang lahat ng nararamdaman ko ngayon ay hindi lang tungkol sa kanya o sa akin. Kasama na ang lahat ng mga desisyon, takot, at pagkakataon na hindi ko na mababalikan.

"I'm trying," sagot ko, medyo nahirapan. "Minsan kasi... mahirap pagkatiwalaan ang sarili ko."

Si Emilie ay hindi agad nagsalita kundi yumuko ng kaunti, pinagmamasdan ang mga paa niya habang unti-unting dumadaloy ang malamlam na liwanag ng hapon sa paligid namin. "I hope we can find a way, even if it's little by little." Bulong niya

Wala na akong hinahanap pang sagot sa mga tanong ko, dahil parang may mga bagay na hindi na kailangan tanungin. May mga bagay na dumarating nang kusa, at mas mainam na i-enjoy ang bawat sandali kaysa piliting hanapin ang hinaharap. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas, o kung paano magpapatuloy ang lahat, pero sa sandaling ito ay wala na akong pakialam. Kung masaya sila, masaya ako.

Nagkatitigan kami, ang mga mata namin nagsalita ng mga salitang hindi na kailangang ipahayag. Tahimik, ngunit puno ng emosyon. Ngumiti siya sa akin ng banayad at hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya, ang mga labi namin naglapat sa isang malambot na halik-hindi mabilis, kundi isang masuyong pagsasama ng mga damdamin. Ang bawat sandali ay parang isang tahimik na pangako, na sa kabila ng lahat ay may mga pagkakataon na ang puso lang ang magpapasya.

Sa pagitan ng mga halik, naramdaman ko ang init ng pagmamahal na matagal ko nang ipinagkait sa sarili ko. Bawat dahan-dahang galaw ng aming mga labi ay parang pag-amin na may mga bagay na hindi kailangang ipaliwanag, basta nararamdaman. Tumigil kami saglit, ang aming mga noo ay magkadikit at ang bawat hininga ay magkasabay. Ngumiti ako at muling binigyan si Emilie ng matamis na halik sa kanyang labi bago ito hinila at niyakap ng mahigpit.

Gabi na nang makabalik kami sa bayan, agad kong hinatid si Emilie sa bahay niya dahil sabi niya nakauwi na si Wryn, hindi naman mag-isa ang anak namin dahil may kasamang kasambahay. Balak ko pa sana manatili para makasama silang dalawa, pero may urgent case akong kailangan unahin kaya kailangan ko nang bumalik sa istasyon.

"Mama, next time maglalaro tayong dalawa, okay?" Pagtatampo ni Wryn, sabay pinky promise.

Ngumiti ako at niyakap siya bago nakipag-pinky promise. "Oo, kapag hindi na ako busy." Sagot ko.

"Yehey! Okay, take care, I love you!" Tumaas ang mga kilay ko nang makita ko siyang nagbigay ng halik sa aking labi. "Ehehe," hagikhik niya nang makita ang reaksyon ko.

"Thank you for the time. See you." Sabi naman ni Emilie, iniharap ang mukha ko sa kanya bago humalik ng malalim sa aking labi. "I love you," matamis niyang bulong bago kagatin ang labi ko, kaya bahagya akong napangiwi.

"U-Uh, hmm." Wala akong tamang reaksyon dahil sa gulat at hiya.

"Are you shy, Ma?" Tanong ni Wryn.

"Kinda," sagot ko, sabay kaming dalawa tumawa bago binalingan si Emilie. "Thanks, see you again." Paalam ko sa kanya bago ibinaba si Wryn at ako naman ang humalik sa labi ni Emilie.

"Bye, lock the gate at siguraduhin mong naka-lock lahat ng pinto sa bahay. Alis na ako." Sabi ko.

"Alright, take care," sagot ni Emilie.

Tumango ako at pumasok sa sasakyan, pinauna ko sila pumasok ng bahay bago tuluyang umalis at bumalik sa istasyon.

Pasado alas otso nang makarating ako sa istasyon, bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang bigla itong sumara nang malakas, kaya naipit ang aking kamay. Napasigaw ako at tinawag ang lahat ng kampon ni Satanas sa sakit, at mas lalo akong napamura nang makita kung sino ang dahilan.

"Shit! Bakit nandito siya?!" mura ko sa sarili habang hinihipan ko ang kamay kong naipit. Sobrang sakit, parang namanhid.

"Satan! Why did you come back just now, huh?! I've been waiting for you for so long! Didn't you know Mommy was looking for you earlier?! Where did you go?!" Sunod-sunod na sigaw niya sa labas ng sasakyan, tinuro ako na parang ako ang may pinakamalaking kasalanan.

Hindi ko na siya pinansin at lumabas gamit ang kabilang pintuan. Pero kakalabas ko lang, nandiyan na siya agad sa harapan ko.

"Why aren't you answering me? What happened to your hand?!" Sigaw niya nang makita na dumudugo ito.

"It's your fault, demon child." Kalmado kong sagot, iniwasan ang galit na baka magdulot pa ng mas mataas na presyon sa katawan ko. Bilib na ako sa pasensya ko ngayon.

"Me? What did I do?" Inosente niyang tanong, parang walang kaalam-alam sa nangyari.

Inikutan ko siya ng mga mata at hindi na siya sinagot. Naglakad ako papasok ng istasyon, naramdaman ko ang sakit ng kamay sa bawat hakbang ko pero pinili ko na lang magpatuloy, kahit na siya ay nakasunod sa likod ko.

Dumiretso ako sa table ko at inasikaso ang kamay ko, hoping na sana hindi na ito lumala at magdulot pa ng komplikasyon sa trabaho ko. Panay ang salita ni Wen sa akin, walang katapusan, pero kahit isa hindi ako sumagot. Kung pinatulan ko siya, baka magpatuloy lang ang init ng ulo ko at mawalan pa ako ng kontrol sa sarili ko.

Biglang sumulpot si Ines at kahit tipid lang ang ngiti ko, hindi ko maiwasang makita ang pag-aalala sa kanyang mga mata."Hey, what happened? Where have you been at bakit may sugat- namamaga ang kamay mo?" Tanong niya, ang tono ng boses niya puno ng pag-aalala.

Hindi ako sumagot. Tinapunan ko lang ng isang mabilis na tingin si Wen, at alam na agad ni Ines kung sino ang may kagagawan. "Wen, what did you do this time? How many times have I told you not to bother your mama?" Seryoso niyang sinabi, ang mga mata niya punong-puno ng disiplina. Ang anak naman niya ay mabilis na nagyuko ng ulo at nagtago sa likod ng lamesa, parang hindi kayang harapin ang sermon ni Ines.

"I-I didn't mean-"

"Why aren't you being careful? Don't make a joke out of things." Putol niya sa anak pero sa tono niya ay may kabuntot na pagka-malumanay.

"I'm sorry, it wasn't my intention to hurt Satan," mahina at malungkot na sagot ni Wen, at bigla na lang itong umiyak.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid. "It's fine, hindi niya naman alam na nakaharang ang kamay ko sa pinto." Sabi ko kay Ines at tumayo upang lapitan ang batang nasa likod ng lamesa.

"I'm sorry, Satan," sabi ni Wen, habang pinapahid ang mga luha niya. At least marunong siyang tumanggap ng pagkakamali, kahit na may demonyong ugali.

"Tahan na, gagaling din naman agad." Sagot ko sa kanya habang kinarga ko siya at humarap kay Ines.

"Hi, kamusta 'yung case mo? Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Ines. "Kasama ko pala si Emilie kanina at ngayon lang nakauwi. Sinabi mo pala sa kanila?"

Tumango siya. "Yes, they deserve to know where you are because they're your wives too. I'm not selfish, and I know how to respect boundaries." Sagot niya, ngunit may kakaibang tono sa kanyang boses pero hindi ko masyadong pinansin.

"Sabi niya baka isa sa mga araw na ito ay magpapakita na rin si Amour." Sabi ko, at tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Kumain ka na?" Pag-iiba niya ng topic, parang gusto niyang alisin ang tensyon sa pagitan namin.

Umiling ako. "Hindi pa, kayo ba?" Tanong ko pabalik.

Umiling din siya. "Not yet because Wen wants to have dinner with you. Let's treat your hand first before we eat. There's food in my office, and we'll just heat it up." Sagot ni Ines, ang tono niya medyo mas malumanay na.

"Ines, magagawan mo ba ng paraan ang pag-transfer ko?" Tanong ko at kumunot ang kanyang noo. Alam kong matatagalan kung ako ang mag-aayos, pero kapag siya ang gagawa ay alam kong mas mapapadali ang lahat.

"What do you mean?" tanong niya ng nalilito.

Ngumiti ako at tinanong ulit. "Pwede mo ba akong ipasok sa parehong istasyon mo doon?"

Nakita kong nakuha na niya ang ibig kong sabihin.

"A-Are you sure? What about your life here?" Tanong niya. Bigla ko ring naisip si Nanay, Loela, at ang pamilya nila na nag-alaga sa akin, pati na rin ang mga kaibigan ko at ang team ko dito.

"May buhay din ako na kailangan balikan, lalo na ang kapatid ko." Sagot ko at naramdaman kong kailangan ko na talagang magdesisyon.

Tumango siya. "Alright, I'll take care of your transfer right away." Sagot niya.

"Salamat. Tapusin ko lang ang pending cases ko," sabi ko, at bigla ko naalala. "Ah, alam mo ba kung saan tinago ni Rhea ang pera niya? Ang alam ko, billions 'yun, pero hindi niya ginalaw."

"Hmm, I know. Why?" Sagot niya.

"Gusto ko sana ibigay ang kalahati kina Nanay at sa pamilya na nag-alaga sa akin sa loob ng limang taon-"

"Let me." Putol niya sa akin.

"Ha?"

"Don't touch your money. Let me take care of paying for all the good things they've done for you." Malambing niyang sabi, sabay halik sa kamay kong may sugat.

Dahil sa sinabi niyang 'yun ay parang may luhang pumatak sa mata ko, pero pinigilan ko. Sobrang saya ko at nahihirapan din. Napakabait ni Ines at alam kong hindi lang sa trabaho, kundi pati sa personal na buhay ko.

"Mommy, I'm hungry." Reklamo ni Wen.

Nagkatinginan kami ni Ines at sabay kaming nagpakawala ng mahinang tawa. Ang mga simpleng bagay na ito ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.

"Alright, done. Let's go, gutom na rin ako," sabi ni Ines habang dahan-dahang hinawakan ang braso ko. Para bang sinusuportahan niya ako.

"Oh, by the way, do you plan to face your family right away when you get home?" Biglang tanong ni Ines, na may halong seryosong tono. Ang ina ko ba at si Fleur ang tinutukoy niya?

"Hmm, sa ngayon wala pa... Siguro kapag nagising na si Rhea, gusto ko muna na matanggap niya sa sarili ang katotohanan at tuluyan nang magpatawad. Ayokong madaliin ang lahat at sana, sa oras na maayos na kami, magkausap kami nang maayos bago ako humarap sa pamilya ko." Sagot ko. May mga bagay na kailangang maayos bago ang lahat. Napansin ko ang pag-aalala sa mata ni Ines, pero hindi siya nagsalita.

"I understand," sabi ni Ines, sabay tingin sa akin. "But you know, whatever happens, I'm here for you." Ang mga simpleng salita niyang 'yun ang nagbigay sa akin ng lakas at muling gumaan ang loob ko. Hindi ko na kailangan magsolo sa mga desisyon dahil nand'yan siya- sila, handang sumuporta.

"Thanks, my wife." Sagot ko at nagpatuloy kami sa paglalakad, pero bigla itong natigilan kaya napalingon ako sa kanya.

"Ines?" Tawag ko at nakita ang pagkagat niya ng labi.

Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi at sa tingin ko dahil ito sa pagtawag ko sa kanya.

"L-Let's go." Bigla niyang sabi at iniwan kaming dalawa ni Wen.

Tumaas ang mga kilay ko, gano'n din ang anak namin na nalilito. "She's kinikilig, for sure." Sabi ni Wen.

"I can see that." Sagot ko at ngumiti pabalik.

"Bleee!" Sagot ng bata at tumakbo upang sundan ang ina.

Mahina akong natawa, stressful pero masarap magkaroon ng pamilya.

Sana lang tama ang desisyon kong balikan ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip