𝙿𝙾𝙻𝚈𝙰𝙼𝙾𝚁𝚈 (𝚂𝚂) : 𝙵𝙾𝚄𝚁 𝚆𝙸𝚅𝙴𝚂 | 𝚁𝙷𝙴𝙰 (𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇)
CHAPTER 50
-
Pumasok ako sa opisina ni Ines at nakita ang isa sa mga binili kong ShinChan sa kanya. Sinusundo ko siya kasi may lunch date kami, hindi lang si Ines kundi pati na rin sina Azalea at Emilie. Napagpasyahan namin na lumabas at ito ang unang beses ko na makakasama silang lahat, kasama ang mga anak. Hays, hindi ko na talaga kinalimutan at ininom ang losartan ko kanina bago pumasok ng trabaho.
Ngumiti ako, kinunan ng litrato si ShinChan at pagkatapos ay nagpadala ng mensahe kay Ines.
Red
Nandito na ako sa office mo, nasaan na kayo?
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi niya na seen ang message ko.
Red
Do you love me?
Tumaas ang mga kilay ko dahil ang bilis niya itong binuksan at ngayon ay typing na.
Ines
Almost there, hon. I love you.
Red
More than him?
Ines
Know your limits, honey. ^^
Tahimik akong napangiti. Naramdaman ko na naman ang init ng pagmamahal ni Ines. Ang bilis niyang magbiro, pero mas ramdam ko pa rin ang tindi ng saya na dulot ng mga simpleng sandali na ganito.
Medyo kabado ako, kasi ito ang unang beses na magkakasama kaming apat sa isang ganitong pagkakataon, pero sana maging masaya at mapayapa ang araw na ito para sa akin. Kaya ko naman i-handle ang mga ina, pero ewan na lang sa mga anak at baka atakehin ulit ako ng high blood. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nila, sobrang takot ko nang makita ang sugat ni Wen, tapos malalaman ko na sila lang din ang may kagagawan. Napagbintangan ko pa tuloy ang walang kasalanan.
Habang naghihintay kay Ines, ramdam ko ang bigat ng aking mga isipin. Lalo na't hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ng mga bata, o kung ano ang magiging reaksyon ng mga ina sa akin. Parang andami kong inaasahan sa araw na ito—masaya, tahimik, at magaan na magkasama kami. Ngunit, may mga alalahanin pa rin sa puso ko.
“Red, don’t overthink,” sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Alam ko na dapat ay relax lang, pero hindi ko matanggal ang kaba na baka magka-problema ulit, lalo na’t hindi ko pa kaya pasunurin ang mga bata sa gusto ko.
I hope today is different. I hope it goes well.
Maya-maya ay nakatanggap ako ng message mula kay Aza.
Azalea
Could you buy me my favorite flower?
Kumunot ang aking noo, hindi ko kasi alam kung ano ang paborito niya.
Red
Sure, pero sorry hindi ko alam kung ano ang paborito mo. Ano pala? Bibilhin ko kaagad.
Azalea
Nagpigil ako ng tawa at tiningnan ang mensahe ni Azalea. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero hindi ko na mapigilan ang init ng mukha ko. Para bang may isang hindi maipaliwanag na saya na dumaan sa dibdib ko. Sinuntok ko pa ang unan sa sofa dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang ganitong klaseng pakiramdam.
Red
Huwaw, hindi ko yata kayang bumili ng ganoon ka-bonggang flower, pero salamat.
Azalea
It’s okay, just the thought of it makes me happy. 😌
Napangiti ako sa sagot niya. Halos mapunit na itong labi ko sa lawak ng ngiti, diyos ko naman at ang galing niya magpakilig.
Red
Sweet. :’>
Biglang dumating si Ines kasama si Wen. Hindi na kami nagtagal at agad din kaming umalis. Alam na pala ng mga kasama namin sa istasyon ang tungkol sa relasyon namin. Sa totoo lang ay ayaw ko pa sanang ipaalam, pero nang magselos si Ines kay Emma, nasabi niya ito sa harap ng team namin—at ayun, kumalat agad ang balita.
Dumiretso kami sa Bamboo House, ako mismo ang pumili ng lugar dahil eat-all-you-can dito at napakaraming pagpipilian, kaya siguradong sulit ang babayaran namin. Pagdating namin ay halos kasabay lang din naming dumating sina Emilie at Azalea. Pagkababa ko ng sasakyan, biglang tumakbo palapit sa akin ang dalawang bata.
"Get down! Let Mama carry me!" Utos ni Wryn kay Wen.
"Nope! I was here first, so wait for your turn." Sagot naman ni Wen sa kapatid niya, matapang pa dahil karga ko siya at hindi maaabot ni Wryn.
Umiling ako saka kinarga si Wryn gamit ang isang braso ko, pero nagulat ako nang biglang sumampa si Wreen sa likuran ko at pinulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg. Ngayon, karga ko si Wen at Wryn sa magkabilang braso, habang si Wreen naman ay nakakapit sa akin mula sa likod.
Hays…
Lumapit sa akin si Emilie at walang pag-aalinlangang humalik sa aking labi, dahilan para bahagya akong mapaatras sa gulat. Hindi pa rin ako sanay, lalo na’t kaharap namin ang dalawa. Pero akala ko ‘yun lang—hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit din si Aza at hinalikan din ako sa labi.
"After five years, malapit na tayong makompleto. Isa na lang." Sabi ni Emilie habang nakangiti.
Tumango lang ako, hindi sigurado kung ano ang mararamdaman. Pakiramdam ko may namumuong tensyon sa pagitan nina Aza at Ines, pero hindi ko alam kung tama lang ba ang kutob ko.
“P-Pasok na tayo, baka marami nang tao.” Sabi ko, saka naunang naglakad papasok habang karga pa rin ang mga bata. Ayaw kong lumalim pa ang tensyon sa pagitan naming lahat.
Pagpasok namin sa restaurant, agad kaming sinalubong ng waiter at inihatid sa isang table na pina-reserve ko. Maganda ang ambiance kasi may mga hanging lights, rustic wooden tables, at malalambot na upuan. Masarap ang amoy ng iniihaw na pagkain sa paligid, sapat para pasabikin ang aking sikmura.
Pagkaupo namin, agad akong naglagay ng upuan para sa mga bata. Si Wryn at Wen ay masayang nakikipagkulitan kay Emilie, habang si Wreen naman ay kumandong kay Ines. Napansin kong tahimik lang si Aza, panay ang tingin kay Ines na tila may gustong sabihin.
"What do you want to eat?" Tanong ni Emilie habang binubuklat ang menu.
"Syempre, sulit ang eat-all-you-can, diba?" sagot ko, sinusubukan gawing magaan ang mood.
Ako lang pala ang nag eat-all-you-can at nag order nalang sila ng separate na pagkain. Hindi ko maiwasang mapansin na medyo mainit ang mga tingin ni Ines kay Aza, samantalang si Aza naman ay tila may gustong iparating pero pinipigilan ang sarili. Pakiramdam ko may hindi pa sila nareresolbang isyu, pero hindi ko alam kung dapat ba akong makialam o hayaan na lang silang dalawa ang mag-usap tungkol doon.
“Hon, want more?” Tanong ni Ines sa akin, sinadya niyang putulin ang eye contact niya kay Aza at sa halip ay nakangiting hinawakan ang kamay ko.
“Hmm, gusto ko ng grilled seafood at buttered vegetables. Pero syempre, titikim din ako ng ibang dishes.” Sagot ko habang pasimpleng pinipisil ang kamay niya. Hindi na lang ako nag EAYC at nagbago isip ko.
Nagpatuloy ang pag-oorder namin, at maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain. Hindi ako magsisinungaling sobrang sarap ng lahat! Nagiging mas lively na rin ang usapan namin, lalo na nang magsimulang magkwento ang mga bata tungkol sa kalokohan nila.
“Si Wryn, nanghula ng kapalaran sa school using tarot cards! Then she said someone was coming to visit the house. And guess what, Ninang Emilie showed up! Amazing, right?” Masayang kwento ni Wen habang kumakain ng fried shrimp.
Napatawa si Emilie. "Wow, you have a future in fortune telling, baby! But next time, let me know if there's a storm coming, okay?" Biro niya.
Tumawa ang lahat, pero sa gilid ng aking mata, nakita kong bumuntong-hininga si Aza bago tumingin kay Ines. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, pero parang nag-iipon siya ng lakas ng loob para may sabihin.
At hindi nga ako nagkamali.
"Ines, can we talk later? Just the two of us." Diretsong sabi ni Aza.
Nagpalitan kami ng tingin ni Emilie, pareho kaming nagtataka at nag-aalalang baka hindi lang simpleng usapan ang mangyayari.
Tumingin si Ines kay Aza, tapos sa akin, bago siya tumango. “Later, after this.”
"Satan, feed me."
Napalingon ako kay Wryn na akmang sasapakin si Wen nang pigilan ito ni Wreen.
"Stop, we're right in front of the food." Saway ni Wreen.
Tinapik ko ang ulo ni Wreen bago siya sinubuan ng shrimp. "Here, kayong lahat susubuan ko." Sabi ko sa tatlong bata, at sunod-sunod ko silang sinubuan.
"How about me? Gusto ko rin isubo mo, 'yung malaki." Tumaas ang mga kilay ko at napahinto ako sandali sa sinabi ni Emilie. Napalunok ako nang bumaba ang mga mata niya sa pagitan ng aking mga hita, at na-gets ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Kumuha ako ng malaking lobster at isinubo sa kanya. Bakit ba ganyan siya? Sinasadya niyang tuksuhin ako, at sa harap pa ng mga bata. Kumuha rin ako ng ibang pagkain at nilagay sa mga plato nila Ines at Azalea. Hindi ko kasi alam ang paborito nila, at baka hindi nila magustuhan ang ginagawa ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain, kumakain ako at sabay pinapakain ang tatlong bata. Kaya naman nila, pero gusto lang nila akong pahirapan. Hindi na ako kumontra at paraan na rin ito para unti-unti kong mapunan ang mga panahong wala ako sa tabi nila. Unang natapos kumain sina Aza at Ines, habang kami ay tuloy pa rin sa pagkain. Nagdesisyon silang mag-excuse muna dahil may mahalaga silang kailangan pag-usapan.
"Ano sa tingin mo ang pag-uusapan nila?" Tanong ko kay Emilie.
Nagkibit-balikat siya bago ako binigyan ng isang ngiti. "Probably it has something to do with you, maybe it's about the thing Aza kept from us, the truth that she knew where you were for the past five years." Sagot niya.
Hindi ako kaagad nakasagot. Nilingon ko ang direksyon kung saan sila lumabas at nakita silang dalawa na ngayon ay magkaharap at seryosong nag-uusap. Medyo kinakabahan ako at nag-aalala, sana hindi ito maging dahilan para mag-away sila.
"Hindi ka ba galit sa kanya na itinago niya sa inyo?" tanong ko muli sa kanya.
"Nah, I'm mad, but I'll let Ines talk to her. But I also thought that maybe Azalea had a valid reason, but even so, what she did was still wrong." Sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang papanigan sa kanila. May kanya-kanya silang dahilan at paniniwala, kaya wala talaga akong posisyon na kwestyunin sila. Pero sana maayos nila agad. Kung magagawa ko naman ng paraan, sasabihin ko sa kanila na magpatawad sila sa isa't-isa.
May tiwala ako sa dalawa at alam ko maaayos din nila kung ano man ang hindi pagkakaunawaan nila.
-
"Sorry if I hide everything from you." Sabi ni Azalea, ang tinig niya malambot ngunit direkta.
Tiningnan lang siya ni Ines ng seryoso, hindi kumukurap."What was the reason for keeping it from us? If you had told us from the start, that you knew where she was, we wouldn't have wasted time searching the entire country for her. If only you had explained it to us properly, we would have understood." Sabi ni Ines, ang bawat salita ay may kabuntot na bigat.
Nararamdaman ni Azalea ang lungkot at sama ng loob na matagal nang tinatago ni Ines, mga ala-ala na nasayang at mga oras na hindi na maibabalik. Para bang hinahabol ni Ines ang isang bagay na hindi naman niya matutuklasan.
"I know. It's just, I didn't want to let you know. I was afraid you'd rush to Rhea. Call me selfish, but I thought I was doing what was best." Sagot ni Azalea. Hindi man halata sa kanyang mukha, alam niyang mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari, ngunit hindi pa rin siya nagpapakita ng pagsisisi.
"Do you really think we’re that narrow-minded?" Tanong ni Ines, ang boses niya ay nanginginig sa galit at sakit. "Yes, you’re selfish. You didn't even think about how we felt, what we went through. You knew, from the very beginning, you knew, but you didn't say anything. If I had known the real reason, I would have just let her go, I would have waited for the right time. But still, I'm thankful, really thankful. If it weren't for you, there might not be a Rhea in our lives right now. But at the same time, I felt betrayed. Because I trusted you." Tumahimik silang dalawa. Hindi na kayang pigilan pa ni Ines ang luhang unti-unting dumaloy sa kanyang mata.
Tahimik na nakatayo si Azalea, ang ulo niya ay nakayuko, tila may isang mabigat na pasanin sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam ni Ines ang sakit at ang bigat ng mga salitang binitiwan. Ang bawat tinig ng galit at sakit ay parang mga tinik na dumiretso sa puso ni Azalea. Hindi pa rin niya magawang tumingin kay Ines, ngunit hindi rin niya makayang magtago.
Humugot ng malalim na hininga si Ines bago hinawakan ang mga kamay ni Aza. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo ni Aza hanggang magtagpo ang kanilang mga mata. "For Red, I will accept this. For Red, I won’t let my pride get in the way. I don’t want to hurt her again, I don’t want to give her more problems and heartache." Mahabang wika ni Ines, ang boses nito ay puno ng pag-iingat at tila nag-aalala sa magiging reaksyon ni Aza. "But I hope, this time, you'll be honest with us, so we can avoid any misunderstandings."
Nasa mga mata ni Ines ang seryosong pagnanais na mapabuti ang lahat, ngunit makikita rin ang malalim na sugat ng nakaraan. Ang mga salitang binitiwan niya ay hindi lamang para kay Aza, kundi pati na rin sa sarili niyang hangaring maghilom ang mga sugat ng nakaraan.
“I understand.” Sagot ni Aza.
"Let's go back inside, and I don't want them to think that we're fighting." Sabi ni Ines, tipid na ngumiti at unang bumalik sa loob, habang kasunod si Azalea.
-
Red
Pagkatapos namin, akala ko gagala kami para sa bonding, pero laking gulat ko nang bigla kaming napadpad sa airport. Laglag ang panga ko nang ipaalam nila sa akin na kailangan nilang lumipad pa Manila at babalik din sila bukas. Ang mas malala, iniwan nila sa akin ang tatlong bata. Napasalampak ako, hindi dahil aalis sila, kundi dahil bakit hindi na lang nila isama ang mga bata? Kailangan talaga silang tatlo sabay-sabay umalis? Wala ba pwedeng maiwan kahit isa man lang sa kanila?
"Hon, take care of the children," paalala ni Ines, akala mo talaga madali lang sila bantayan.
"Baby, we’ll be back tomorrow. We just have something important to take care of." Sabay na sabi ni Azalea.
"Babe, calm down, we'll only be gone for one day." Si Emilie na tuwang-tuwa pa dahil sa kalagayan ko ngayon.
“Take care, Mommies!” Tuwang-tuwa na paalam ng mga bata sa tatlo.
Napailing ako bago inabot ang kamay ni Emilie para alalayan akong makatayo. "Hays, sige. Ingat kayo at bumalik kayo kaagad." Sabi ko sa kanila, ramdam ang bigat sa dibdib ko. Paglingon ko sa tatlong bata, nakangiti ang mga ito nang malawak, tila tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Yes, take care. We'll be back tomorrow." Muling paalam ng tatlo.
Tahimik ko lang silang pinagmamasdan habang papasok sa departure area, ang tatlong bata naman ay panay ang talon na parang mas gusto pa nilang wala ang kanilang mommies.
“Okay—” hindi ko natuloy ang sasabihin dahil paglingon ko sa aking gilid ay wala na ang tatlo. “Damn shit.” Bulong ko sa sarili bago tumakbo.
Kaagad ko silang naabutan at tinawag. “Ilang beses ko ba kayo sasabihan na huwag lalayo sa akin? Paano kung mawala kayo?! Isang beses pa, hindi ko na kayo kakausapin.” Babala ko sa kanila. Huwag nila akong subukan, lalo na sa init ng panahon.
“We're sorry po.” Sabay nilang sagot, pero hindi ko dama ang sincerity nila.
"Hays, tara na." Sabi ko at inalalayan sila papunta sa sasakyan.
Pero pag minamalas ka nga naman, bigla kaming nasiraan. "Arrg!" Inis kong sinipa ang accelerator at hinampas ang manibela.
“What's wrong, Ma?” Tanong ni Wreen.
Huminga ako ng malalim bago nilingon ang tatlo. “Mukhang kailangan nating mag-commute. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan para maayos agad.” Sagot ko sa kanya.
“Tara, huwag kayong lalayo sa akin.” Sabi ko, saka unang bumaba bago sila isa-isang ibinaba.
Balak ko sanang mag-taxi pabalik ng bayan, pero sa layo no’n at halos dalawa-tatlong oras ang biyahe kapag nag-commute, baka umabot ng 2,000-3,000 pesos ang babayaran. Kinapa ko ang wallet ko at nataranta nang maramdaman kong wala na ito sa bulsa ko.
“Tang…” Wala na akong ginawa sa araw na 'to kundi humugot palagi ng malalim na hininga. Pota.
Dinukot ko ang bulsa ko at malaki ang pasasalamat ko nang makitang may 500 pesos pang natira. Kahit papaano, may panggastos pa kami.
Sakto namang may dumaan na tricycle kaya agad ko itong pinara. “Pasakay po, sa highway lang,” sabi ko sa driver bago binalingan ang mga bata. Ngunit sa halip na sumunod, sabay silang nagtaas ng kilay at tinitigan ang tricycle na parang isang alien spacecraft.
"Satan, are you serious? You're making us ride that? What if we fall?" Puno ng pagdududang tanong ni Wen.
"Ma, why is the tricycle tilted upward? Is it safe to ride?" Dagdag ni Wreen, habang kinikilala ang sasakyan na para bang isang death trap.
"The space is so small, it feels like we won't fit. It’s scary to get in." Reklamo naman ni Wryn, na parang ayaw talagang sumubok.
Pinisil ko ang sintido ko, huminga ng malalim at tiningnan silang tatlo. “Kung gusto niyo, pwede naman kayong maglakad hanggang highway,” sarkastikong sabi ko. “Pero kung ayaw niyong maluto sa init, sumakay na kayo.”
Nagtinginan silang tatlo, saka napabuntong hininga. "Fine," sabay-sabay nilang sagot bago nag-uunahang umupo sa loob ng tricycle, habang ako naman ay iniisip kung paano ko pagkakasyahin ang sarili ko.
Pagkaupo ng tatlo ay agad silang nag-adjust sa masikip na espasyo, pero hindi pa rin sila makatiis sa reklamo.
"Ma, it's so cramped. What if this tips over?" Muling tanong ni Wryn, habang mahigpit na kumakapit sa upuan.
"Ma, are you sure this will still run? We might end up stranded in the middle of the road." Dagdag naman ni Wreen, na mukhang pinagsisisihan na ang pagsakay.
"Satan, why does it smell like gasoline in here?" Irap ni Wen, tinatakpan ang ilong niya.
Pinanood ko lang sila, nilulunok ang inis ko bago pilit na ngumiti. “Kung may problema kayo, pwede pa kayong bumaba.” Sabay-sabay silang umiling at mabilis na naupo ng maayos. Napailing na lang ako. Kahit anong gawin ko ay may reklamo sila.
“Manong, paandar na po… pasensya na at first time yata nila sa ganito sumakay.” Sabi ko sa driver at sa wakas ay umusad na ang tricycle.
Nang nasa daan na kami, panay ang ungol at daing ng tatlo sa bawat lubak na nadaanan namin. Tuwing tataas-baba ang tricycle, may kung anong sigaw o ang maririnig ko mula sa kanila.
"Satan! I might fall!" Hiyaw ni Wen habang mahigpit na nakakapit sa bakal.
"Ma, this feels like a roller coaster, but there’s no seatbelt! This is bad!" Sigaw naman ni Wryn, takot na takot.
Tawang-tawa ang driver habang ako naman ay halos magpakawala na ng isang buntong hiningang kayang patumbahin ang buong araw. Diyos ko, isang araw lang ‘to, pero parang gusto ko nang mag-resign bilang ina nila.
Makalipas ang sampung minuto, narating namin ang highway. Halos hindi na tumigil kakatawa ang driver dahil sa mga anak ko.
"Salamat po." Sabi ko at iniabot ang bayad.
Sakto, may bus na paparating at nasa bus stop kami. "Mauna na kayong umakyat, huwag malikot at maupo kaagad, maliwanag?" Paalala ko sa mga anak habang hinihintay ang sukli ng driver.
"Thank you po." Sabi ng mga bata sa driver.
Nakita ko ang mga anak na nakahanap na ng upuan, kaya pagkatapos ko makuha ang sukli, sumakay na ako agad. Umandar ang bus, at nagtataka ako kung bakit wala sila sa aming upuan. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nakita ko silang nasa labas, sa gilid ng kalsada, kumakaway habang papalayo ako sa kanila.
Humugot ako ng malalim na hininga. FUUUUUUUUUUUUUUUUUUIUUCK!
"Manong, para! Naiwan mga anak ko!" Malakas kong sigaw sa driver at hindi ko na napigilan ang inis.
Bingi ang driver kaya inipon ko lahat ng lakas. "Manong! Sabing para at naiwan ang mga anak ko!" Inipon ko na lahat sa sigaw na ‘yun ang frustration ko at saka lang ito huminto.
Tatakbo na sana ako para balikan ang tatlo nang biglang umandar ang bus at iniwan kami. "Haish! Fuck you!" Habol kong sigaw sa papalayong bus.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa tatlo. May kalayuan din ang distansya ng binabaan ko at halos maglupasay na ako sa waiting shed pagbalik ko sa kanila. Sobrang init, kapos sa hininga, at pakiramdam ko hihimatayin na ako.
“Mama! Mama! Are you okay?” Sabay nilang lapit sa akin.
Umiling ako, pilit lumunok kahit wala na akong laway na malunok. “Ahhh haaaa, d..diba sabi ko…”
-
“Diba sabi ko…”
Nanlaki ang mata ng mga bata nang makita nilang biglang nawalan ng malay ang kanilang ina.
"M-Ma? Ma?" Tawag ni Wreen habang inaalog si Red.
"W-What happened to Satan? I-Is she dead?!" Sigaw ni Wen, ang takot ay malinaw sa kanyang boses.
"Shut up!" Bulyaw ni Wryn sa kapatid bago sinuri si Red kung humihinga pa. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niyang humihinga pa ito, pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa kanila. Sa kalaunan, nagsimula nang umiyak sina Wreen at Wen.
"Look!" Sabi ni Wryn, ang tinig niya ay puno ng determinasyon. "At this point, their plane has probably already taken off. So message them. Let them know what happened to Mama." Utos niya kay Wreen.
Nanatili silang kalmado at ginawa ang dapat gawin. Pumwesto si Wryn sa bandang ulo ni Red upang siguraduhin na ligtas ito. Habang ginagawa nila ‘yun, napansin sila ng mga tao sa paligid at agad na nagsilapitan. May isang tao na tumawag ng ambulansya, at ngayon, hinihintay na lang nila ang pagdating nito.
Pagdating ng ambulansya ay agad dinala si Red sa malapit na ospital at ipinasok sa Emergency Room. Thankfully, ligtas siya at nahimatay lamang dahil sa sobrang stress at higit sa lahat ay ang kakulangan sa tulog na nagdulot ng pagkawala ng malay. Walang nagawa ang tatlong bata kundi ang manatili sa tabi ng kanilang ina, ang takot at pag-aalala ay bakas sa kanilang mga mata. Tinawagan na rin nila ang kanilang mga ina at ipinaalam ang nangyari kay Red. Kakalapag lang nila sa Manila, ngunit matapos malaman ang insidente ay nagdesisyon silang magbalik agad ng Mindanao upang makapiling si Red at tiyakin ang kaligtasan nito.
Habang ang mga ina ng mga bata ay pabalik pa, ang tatlo ay patuloy na nagmamasid kay Red sa ospital. Hindi nila maiwasang mag-alala, ngunit pinilit nilang manatiling kalmado at magtiwala na gagaling din si Red. Si Wryn ay patuloy na nagbabantay sa tabi ng ina, habang si Wen at Wreen ay naghihintay sa labas ng kwarto, tinitingnan ang mga doktor at nars na dumadaan.
Isang oras ang lumipas at dumating ang doktor upang magbigay ng update. "Okay na ang ina ninyo. Stable na siya. Kailangan lang ng pahinga at monitoring. Walang malalang komplikasyon, pero mas makabubuti na manatili siya rito ng ilang araw para sa tamang pagpapagaling." Aniya ng doktor at ngumiti sa mga bata.
Nakahinga sila ng maluwag at nagpasalamat sa doktor. Sa wakas, nagkaroon sila ng konting kapanatagan.
Paglabas ng doktor, sunod-sunod na pumasok ang tatlong babae na kanina lang ay bumabyahe. Bakas sa mga mukha nila ang matinding pag-aalala, at kaagad nilang nilapitan si Red na mahimbing ang tulog. Ang mga mata nila ay puno ng kaba habang tinitingnan si Red, ngunit nang matiyak nilang ligtas ito at natutulog lang, nag-iba ang tensyon sa kanilang mga mukha.
"What did you do this time for her to collapse?" Diretsong tanong ni Ines sa mga bata, ang tinig niya puno ng sinseridad. Halata ang galit at alalahanin sa kanyang mukha, ngunit alam niyang kailangang magpaliwanag ang mga bata.
Umatras ang tatlong bata at sabay nagyuko ng ulo, ang mga mata nila puno ng guilt at takot. "It's our fault because we were too stubborn with Mama." Pag-amin ni Wryn, ang tinig niya puno ng pagsisisi.
"It's because of Wen," sumbong ni Wreen, "If she hadn’t gotten off the bus, Mama wouldn’t have ended up like this. She got off suddenly, so we followed her right away. Then, when we saw Mama on the bus, it suddenly moved. She came back for us— she ran, but then she fainted. I’m sorry, if we were being bad."
"Please forgive us," dagdag ni Wryn at Wreen sabay na humingi ng sorry sa mga magulang nila, ang mga mata nila puno ng pagnanasa na itama ang kanilang pagkakamali.
"I-I didn't mean to. It wasn't intentional." Puno ng lungkot at takot ang boses ni Wen habang tumutulo ang mga luha."I just wanted to call her from the other door, but I lost my balance and ended up getting off the bus. I'm sorry, Mom... I'm scared, waaaa..." At tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Wen, habang ang dalawa pang bata ay sumunod na rin sa pag-iyak.
Sa kabila ng kanilang mga pag-amin ay alam nilang hindi nila dapat sisihin ang mga bata. Ang pinakaimportante ay masiguro nila ang kaligtasan ni Red at maayos ang lahat. Nilapitan nila ang mga anak at niyakap sila. Nang magsimulang humupa ang pag-iyak ng mga bata ay nagpasya silang magpahinga muna at maghintay ng balita tungkol kay Red.
Lumipas ang mahabang oras, ngunit hindi pa rin nagigising si Red. Noong una, inisip nila na baka kailangan lang nitong magpahinga, pero nang umabot na ito ng tatlong araw, nagsimulang lumalim ang kanilang pag-aalala. Tinawag nila ang iba’t ibang doktor upang suriin siya, pero iisa lang ang naging sagot ng lahat—normal ang kondisyon ni Red, walang anumang indikasyon ng sakit o pinsala. Ngunit sa kabila ng mga siguruhing ‘yun, nananatili pa rin ang malaking katanungan sa kanilang isipan ‘Bakit hindi pa rin siya nagigising?’
Habang lumilipas ang oras, lalo lamang lumalala ang takot ng mga bata. Wala silang ibang nagawa kundi umiyak, pilit pinipigilan ang pangamba na baka hindi na magising ang kanilang mama. Halos hindi na rin sila kumakain nang maayos, palaging nasa tabi ni Red at mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay, na para bang kapag binitawan nila ito, mawawala na ito sa kanila.
Sa isang sulok ng kwarto ay nakaupo sina Emilie, Azalea, at Ines, halatang pagod na pagod pero hindi pa rin sumusuko.
"What's wrong with her? Why isn't she waking up yet?" Mahinang tanong ni Emilie, halos pabulong na lang, na para bang natatakot siyang marinig ng mundo ang kanyang pangamba.
"As if I could answer that when even the doctors don't know the reason." Sagot ni Azalea, may halong pait at pag-aalala sa kanyang tinig. Ramdam nilang tatlo ang bigat ng sitwasyon, ngunit wala silang magawa kundi maghintay.
"Let's just pray that there won't be any complications with her." Sabi ni Ines, pilit pinapalakas ang loob nilang lahat.
Tahimik nilang pinagmamasdan ang babaeng nakahiga sa kama—kalma ang mukha nito, parang mahimbing lang na natutulog, ngunit ang katahimikan na ‘yun ang siyang nagpapahirap sa kanila. Ilang beses na nila itong tinawag, hinawakan, niyugyog ng bahagya, ngunit ni isang sagot o reaksyon ay wala silang natanggap.
Habang lumalalim ang gabi, isa-isa silang napatingin sa isa't isa, pare-parehong may iisang iniisip. Ano pa ba ang pwede nilang gawin para magising si Red?
-
Dahan-dahang iminulat ni Red ang kanyang mga mata at napagtanto na wala siya sa ospital—o kahit sa lugar na pamilyar sa kanya. Sa halip, nakita niya ang sarili sa isang paraisong hindi niya kailanman naranasan noon.
Sa kanyang paligid, matatayog na bundok ang pumapalibot, tila yakap ng kalikasan ang buong lugar. Napuno ang hangin ng bango ng iba't ibang bulaklak, at sa bawat hakbang niya ay lumilipad ang mga paru-paro na animo'y ginagabayan siya. Sa di kalayuan, isang malawak na lawa ang kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw, ang tubig nito'y kasing linaw ng kristal. Ramdam niya ang kakaibang katahimikan at kapayapaan sa lugar— isang pakiramdam na hindi niya matandaan kung kailan niya huling naranasan.
"Nasaan ako?" Mahinang bulong niya sa sarili. Napansin niyang nakasuot siya ng isang puting bestida, malambot ang tela nito at kumportable sa kanyang balat, ngunit wala siyang maalalang dahilan kung bakit ‘yun ang kanyang suot.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinusuri ang paligid, pilit inaalala kung paano siya napunta roon. Wala siyang nakikitang ibang tao, walang tunog ng sasakyan o kahit anong ingay maliban sa kaluskos ng dahon at banayad na agos ng tubig sa lawa. Maya-maya pa, isang kubo ang pumukaw sa kanyang pansin. Simple lamang ito, gawa sa kahoy at pawid, ngunit tila punong-puno ng buhay. Mula sa bubungan nito, may lumalabas na usok, at sa hangin ay humalo ang amoy ng masarap na pagkain.
"May tao ba rito?" Tanong niya sa sarili, habang unti-unting lumalapit sa kubo. Sa bawat hakbang niya, bumibilis ang tibok ng kanyang puso—hindi dahil sa takot, kundi sa isang hindi maipaliwanag na damdamin.
Habang papalapit siya, biglang may lumangitngit sa pinto ng kubo. Dahan-dahan itong bumukas, at isang malamig na hangin ang dumaan sa kanyang balat. Mula sa loob, may narinig siyang mahinang tunog ng paggalaw, tila may nag-aayos ng hapag-kainan.
Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.
Sino ang nasa loob? At ano ang kahulugan ng lugar na ito?
Sa pagdahan-dahan ng pagbukas ng pinto, tumambad kay Red ang isang pamilyar na mukha—isang taong matagal na niyang hindi nakikita, isang taong kailanman ay hindi niya inakalang makikita niyang muli.
Si Rhea.
Nakatayo ito sa gitna ng kubo, nakasuot ng simpleng puting bestida, tulad ng kanya. Walang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha ni Rhea… sa halip, punong-puno ito ng lambing, ng init, at tila isang tahimik na pag-anyaya. Sa gitna ng silid, isang maayos na lamesa ang nakahanda. May mainit na pagkain na tila bagong luto, at amoy pa lang ay nagpapainit na sa kanyang sikmura. Para bang alam na ni Rhea na may darating na bisita.
Binalot si Red ng iba’t ibang emosyon—gulat, saya, pananabik, at isang uri ng lungkot na hindi niya maipaliwanag. Nanginig ang kanyang labi, at bago pa niya namalayan ay tumulo na ang kanyang mga luha.
"R-Rhea…" Mahinang bulong niya, hindi makapaniwala.
Ngunit hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang kumilos, tumakbo palapit kay Rhea at niyakap ito nang mahigpit… isang yakap na puno ng pangungulila, pananabik, at hindi masabing saloobin. Narinig niya ang mahina ngunit malambing na pagtawa ni Rhea. Ginantihan nito ang yakap, hinagod ang kanyang likod, hinayaan siyang ilabas ang lahat ng emosyon na hindi niya mabigkas.
"Huwag kang umiyak, Red," mahinahong sabi ni Rhea, ramdam sa boses nito ang lambing. "Matagal na kitang hinihintay."
Sa pagkarinig ng mga salitang ‘yun, mas lalo pang bumigat ang dibdib ni Red. Nais niyang magsalita, nais niyang itanong kung paano, bakit, ano ang nangyayari pero sa ngayon ay sapat na ang init ng yakap ni Rhea upang ipaalala sa kanya na hindi na siya nag-iisa. Mahigpit pa rin ang yakap ni Red kay Rhea, ayaw niyang bumitaw, takot siyang mawala ulit ito. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang pamilyar na pakiramdam ng pagiging ligtas sa mga bisig ng isang taong mahalaga.
“Paano… paano ito nangyari?” Mahinang tanong ni Red, hindi pa rin bumibitaw. “Bakit nandito ka, Rhea?”
Dahan-dahan siyang hinawakan ni Rhea sa magkabilang pisngi, pinahid ang mga luhang dumadaloy pa rin sa kanyang mukha. Ang mga mata nito ay puno ng pagmamahal, ngunit may halong lungkot rin na hindi niya mawari.
“Dahil kailangan nating mag-usap,” sagot ni Rhea sa isang banayad na tinig.
Napakurap si Red. “Mag-usap tungkol saan?”
Hindi sumagot si Rhea kaagad. Sa halip ay kinuha nito ang kanyang kamay at dinala siya palapit sa mesa. “Halika, kumain muna tayo.”
Kahit na litong-lito, sumunod na lang si Red. Naupo siya sa harap ng pagkain, mainit pa ito at may sabaw na tila nagpapagaan ng kanyang loob, may prutas, at may kanin. Lahat ng nasa mesa ay paborito niya. Habang kumakain sila, patuloy siyang pinagmamasdan ni Rhea, para bang sinisiguradong nakakain siya ng maayos. Matagal bago muling nagsalita si Red.
“Rhea… totoo ba ‘to?” bulong niya, halos hindi makatingin nang diretso sa babae. “O… panaginip lang ‘to?”
Ngumiti si Rhea pero hindi ito sumagot kaagad. Sa halip ay inabot nito ang kamay ni Red at hinawakan ng mahigpit.
“Hindi ba mas mahalaga kung paano mo nararamdaman ang lahat ng ito?” tanong niya pabalik. “Ano sa tingin mo, Red? Isa lang ba itong panaginip?”
Natahimik si Red. Alam niyang may gusto itong iparating, ngunit hindi niya alam kung ano.
“May dahilan kung bakit ka nandito,” patuloy ni Rhea, mas seryoso na ngayon. “At may dahilan kung bakit ako ang nasa harap mo.”
Mas lalo pang lumalim ang pagkalito ni Red pero sa kabila noon ay may kakaibang pakiramdam siyang bumabalot sa kanya, isang bagay na tila bumibigat sa kanyang dibdib, ngunit hindi niya pa rin lubusang maunawaan.
“D-Don't tell me? N-No, hindi maaari. Maraming naghihintay sayo, maraming nag-aabang sa pagbabalik mo! Maraming nagmamahal sayo… k-kasalanan ko to.”
Malungkot na ngumiti si Rhea, hinawakan niya ang nanginginig na kamay ni Red at hinaplos ito nang marahan. "Red... hindi mo kasalanan," mahinahong sabi niya. "Walang may kasalanan."
Mas lalong lumakas ang paghikbi ni Red, mas hinigpitan niya ang hawak kay Rhea, takot na takot siyang mawala itong muli. "Kung hindi dahil sa akin... kung hindi kita pinabayaan noon, hindi sana—"
"Hindi mo ako pinabayaan," putol ni Rhea, mas hinigpitan rin ang hawak niya kay Red. "At kahit anong mangyari, hindi rin kita kailanman pinabayaan."
Napailing si Red, hindi matanggap ang sinasabi nito. "Then why? Bakit parang nagpapaalam ka?"
Doon siya tinitigan ni Rhea ng diretso, puno ng pagmamahal at pang-unawa ang kanyang mga mata, pero sa ilalim noon ay may isang bagay na hindi kayang ikaila ni Red… isang malalim na lungkot, isang pagpapaubaya.
Mahinahon pero matatag ang tono ni Rhea. "May dahilan kung bakit ka nandito ngayon, pero hindi ibig sabihin nito na dito ka dapat manatili."
Napatigil si Red. Hindi niya alam kung paano niya ‘yun ipoproseso. "You still have a life to live," dagdag ni Rhea. "May naghihintay sayo. May mga taong nagmamahal sayo, Red. Kailangan ka nila."
"P-Pero paano ka? I-Iisa lang tayo," mahina niyang tanong, puno ng sakit. "Paano kita maiiwan dito?"
Muling ngumiti si Rhea, isang mapait ngunit mapayapang ngiti. "Don't worry about me, Red. I'll always be with you… kahit hindi mo ako nakikita."
Napapikit si Red, mas humigpit ang hawak niya kay Rhea. Alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. At sa huling pagkakataon, isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Rhea sa kanya.
"Live, Red," bulong ni Rhea sa kanyang tenga. "Mabuhay ka para sa sarili mo… para sa kanila… at para sa akin."
“M-May mga anak ka! Please, bumalik ka na!” desperadong sigaw ni Red, hindi alintana ang pag-agos ng kanyang luha. Nagulat si Rhea, ngunit agad ding napalitan ng lambing ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"I see…" mahina nitong bulong.
"Bumalik ka na! H-Hindi ko kaya… G-Gusto ko na magpahinga," umiiyak na sabi ni Red, mahigpit na nakakapit sa kamay ni Rhea, takot na baka tuluyan itong mawala. Ngunit sa halip na sumagot kaagad ay marahang hinaplos ni Rhea ang pisngi niya at nginitian siya—isang ngiti na puno ng pagmamahal, ngunit may bahid ng lungkot.
"Not now," malumanay niyang sagot. "Marami ka pang dapat gawin, Red. Marami ka pang dapat maranasan—hindi sakit, hindi pighati… kundi kasiyahan at pagmamahal."
Umiling si Red, hindi matanggap ang naririnig. "No! Bumalik ka ngayon din kasama ko! Hindi kita iiwan dito."
Ngunit mahina lamang na tumawa si Rhea at hinawakan ang mga pisngi niya. "Ikamusta mo ako sa kanila," patuloy ni Rhea, habang unti-unting nagiging malabo ang kanyang imahe. "Sabihin mong mahal na mahal ko sila… at miss na miss ko sila."
Nanginginig ang labi ni Red, patuloy ang pagtanggi sa sinasabi ni Rhea. Isang luha ang pumatak sa mata ni Rhea, ngunit sa huli, isang malawak at mapayapang ngiti ang iniwan niya kay Red. At bago pa man makasagot si Red, isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid. Napuno ng ingay ang kanyang pandinig—mga boses, tawag ng mga taong hindi niya maaninag.
Hanggang sa unti-unti, naglaho ang lahat.
-
“R-Rhea!” Napabalikwas ako ng sigaw, habol-habol ang hininga ko. Tiningnan ko ang paligid at nakita ang iba’t-ibang mga mukha, puno ng pag-aalala at ang mga bata na nag-unahan umakyat sa aking kama, umiyak at niyakap ako ng mahigpit.
“Waaaaaa, Mama,” iyak ng mga bata.
Napakurap ako, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari at awang ang labi ko, nalilito kung bakit nandito ang tatlong babae. Sabay silang lumapit sa akin, pansin ko ang pagod sa kanilang mga mata at mukhang ilang araw silang walang tulog kung titingnan.
“R-Rhea,” sambit ko, hindi maipaliwanag ang kalituhan sa aking isipan. Gulat ang bumalot sa mga mukha nila, tila hindi nila alam kung ano ang magiging reaksyon sa aking sinabi.
“A-Are you Rhea?” Tanong ni Ines, ang kanyang mga mata ay puno ng pangungulila.
Tiningnan ko siya sa mga mata, pakiramdam ko ay napakahirap ng bawat sagot ko. Marahan akong umiling, hindi makapaniwala sa aking sarili. “N-No, nakausap ko si Rhea… b-babalik siya, pero hindi ko alam k-kung kailan…” Tumingin ako sa mga mata nila, damang-dama ko ang bigat sa aking puso. “She said na miss na miss niya na kayo at mahal na mahal.”
Pagkasabi ko no’n, biglang tumalikod si Ines. Si Azalea naman ay lumuha—ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak, at hindi ko kayang tingnan siya ng ganito. Bawat patak ng luha ni Azalea ay tila may bigat sa aking dibdib.
“I-I’m sorry, sinubukan ko siyang isama pabalik p-pero hindi ko nagawa.” Sabi ko sa kanila, ang boses ko ay puno ng pagsisisi.
"Don't say sorry, there’s a reason she did that. You don't need to feel guilty. Rest, you need it." Sagot ni Emilie, ang kanyang boses ay puno ng pag-unawa at lakas.
"Mama, I'm sorry if I was such a rebellious child. Please don't leave us." Mahigpit na yumakap si Wryn sa aking tiyan, mas umiyak siya at ang mga luha ay hindi na tumigil.
“We missed you, Mama.” Sunod naman ni Wreen, ang boses niya ay malambing ngunit puno ng pangungulila.
Sa huli, tiningnan ko si Wen. Nakayuko ang ulo at pilit pinipigilan ang hikbi. “Wen?” Tawag ko sa kanya.
“I-I’m sorry—” Hindi ko na hinayaan tapusin ang kanyang sasabihin. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit. Doon na siya tuluyang humagulgol ng iyak.
“It's okay, I'm safe.” Sabi ko sa kanya, at niyakap ko ang tatlo kong anak, tinitiyak na hindi ko sila iiwan at palaging nandyan para sa kanila.
Tipid akong ngumiti bago nag-angat ng mukha kay Aza. “Hey, stop crying. Don't worry, babalikan kayo ni Rhea.” Paniniguro ko sa kanya.
Umiling siya, at ang kanyang mga mata ay naglalaman ng malalim na pag-aalala. "I know, but that's not the reason why I'm crying. I'm just happy because you came back and you're safe, I was really worried." Puno ng lambing ang kanyang boses, at doon ko lang naramdaman ang bigat ng kanyang pakiramdam. Bahagya akong natigilan, hindi ko naisip na siya pala ay nag-alala at hindi dahil sa dismaya sa nangyari kay Rhea.
Binalot ng init ang puso ko, parang hinaplos ako ng hindi ko alam kung anong pakiramdam. “Salamat, I'm safe kaya wag na kayo mag-alala.” Sabi ko, ang mga salita ay may kabuntot na pasasalamat.
“Nagugutom ako, may pagkain ba?” Sabi ko sa kanila.
“Oh wait, ibibili kita—”
“I'll go with you.” Sagot ni Azalea, tumingin siya sa akin ng may malasakit.
“Sige, dito nalang ang mga bata at nandito naman si Ines.” Sabi ko sa kanila.
“Alright, we’ll be back.” Sagot ni Aza bago humalik sa aking noo, isang matamis na halik na nagdulot ng mga hindi kayang ipaliwanag na emosyon sa aking dibdib. Gano’n din si Emilie bago sila lumabas ng kwarto.
Tahimik kong pinagmasdan si Ines at napansin ang pagpahid niya ng mga luha bago muling lumingon sa akin. Nagsalubong ang aming mga mata at sinenyasan ko siyang lumapit.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.
"I'm just happy and at the same time, sad. I'm happy because you're safe, but I'm also sad because I miss Rhea." Sabi niya, at tumulo muli ang mga luha. Tipid akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay, isang simpleng pag-akap na may kasamang init ng pagmamahal.
"Babalik siya, hintayin mo lang. Wag ka na umiyak, kulang ka ba sa tulog? Halika dito sa tabi ko, pahinga ka." Sabi ko, tinutok ang mga mata ko sa kanya dahil nag-aalala rin ako sa kalagayan niya. Tiningnan ko ang mga bata, na tahimik na nakaupo sa tabi.
"Hayaan nyo muna mag-rest si mommy Ines nyo, okay? Dito kayo sa kabila." Sabi ko, pinalipat ko si Wryn sa kabilang side para makahiga si Ines sa tabi ko.
"Are you okay now, Ma? Are you sure?" Tanong ni Wreen at agad akong tumango.
Muli kong ibinalik ang atensyon kay Ines, "Here, tabi tayo at miss kita." Malambing kong sinabi, iniwasan kong makita ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Mahina akong natawa at umusog ng bahagya nang tumabi siya sa akin. Binigay ko sa kanya ang isang unan at mas binigyan ng space dahil baka mahulog. "Close your eyes na, oras na para kayo naman ang magpahinga." Sabi ko, kasunod ang isang malambing na paghalik sa kanyang pisngi.
Bigla siyang tumalikod, hinarap ang kabilang side, pero kita ko ang pamumula ng kanyang tenga. Lihim akong napangiti, nagpasalamat sa Diyos at kay Rhea dahil binigyan kami ng pagkakataon na muling magsama-sama.
Mukhang tama si Rhea, marami pa akong kailangan ma-experience sa buhay.
Lahat ng ito ay may dahilan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen1s.Vip